Hindi na gusto pang makipagtalo ni Catherine kay Wesley, kaya’t matapos niyang itaboy ang lalaki ay agad niyang sinamantala ang pagkakataong damputin ang kanyang phone at tumakbo palabas ng villa nang hindi na pinapalitan ang kanyang suot na sapatos. Pagkapasok niya ng sasakyan ay agad niya rin itong sinimulan at umalis.Mula sa kanyang rear-view mirror ay nakikita niyang sinusundan siya ni Wesley.Kumirot lamang ang puso ni Catherine nang makita niya ang eksenang iyon.Marahil ito ay dahil sa hindi niya inaasahang darating ang araw na mag-aaway sila ni Wesley.Napakamahinhing tao ni Wesley. Matagal silang naging kasal ni Shaun, ngunit hindi sila nagtalo kayaga ng ginawa nila ni Wesley. Sumasakit ang kanyang mukha, mga braso, at mga balikat.Kinilabutan siya bigla nang maalala niya ang naging itsura ng lalaki.Noong huling beses sinubukan ng lalaking ipilit ang sarili nito kay Catherine, iyon din ang kanyang naging itsura. Noong una’y inakala ni Catherine na guni guni niya lamang
“Ah, ‘wag mong sabihin ‘yan. Asawa mo rin naman dati si Shaun. Oo, kasal ka kay Wesley, ngunit hindi pa naman kayo nagtatalik dati. Marahil ay nasanay ka lamang kay Shaun. Gusto naman ng lahat na malinis ang lahat ng bagay,” Pag-aaliw ni Freya sa kaibigan.“Tigilan mo nga ‘yan.” Natutulalang muli si Catherine.Noong una’y sapilitan siyang nakikipagtalik kay Shaun noong sila’y nasa isla, ngunit noong gabing iyon… sumang-ayon siyang gawin iyon.Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili noong makita niyang naghihirap ang lalaki.Marahil ay pinakulam nga talaga siya ni Shaun. L*ntik na lalaki.“Sige na, ititigil ko na. Ngunit palagay ko’y habambuhay nang may pagitan sa inyo ni Wesley. Bagama’t obligasyon kong ipayo sa’yong makipagbati sa lalaki upang hindi kayo maghiwalay, mahigpit akong tumututol sa mga lalaking sinasaktan ang kanilang mga asawa. Ikaw na ang bahala sa iyong gagawin.“Noong una’y akala ko kung sinong marahang tao ‘yang si Wesley. Nakakatakot ngang bigla-bigla niya na l
Inaamin ni Catherine na maraming ginawa si Shaun na mga bagay kung saan nasaktan siya nito.Subalit hindi dapat ito ginagamit upang pwersahang ipagawa ng desisyon ang isang bata.Wala pang muang ang mga bata. Wala silang kapangyarihang mamili ng kanilang mga magulang.Likas sa mga batang hanapin ang kanilang mga ama; noong una’y hindi hinayaan ni Catherine na kilalanin ng kanyang mga anak si Shaun bilang kanilang ama sa takot na nasa ilalim pa rin ito ng hypnosis ni Sarah at gawin ng lalaki ang lahat upang mapasakanya ang mga bata. Bukod pa roon, nangangamba siyang magiging stepmother ng mga bata si Sarah at gawin itong pagkakataon ng babae upang saktan ang mga bata.Subalit hindi na mangyayari ang anuman sa mga bagay na iyon, kaya’t hindi na siya tutol sa ideyang ipakilala si Shaun sa mga bata.Walang higit na nakaiintindi kay Lucas bukod kay Catherine. Mapagmataas na bata si Lucas. Alam niyang kahihiyan at sama ng loob lamang ang dinadala ng mga salita ni Wesley sa bata.“Cathy
Tinitigan ni Shaun ang paalis na sasakyan ni Wesley nang may mga nakakuyom na kamao.Alam niyang may kinalaman si Wesley sa pang-aatake sa kanya sa presinto kamakailan lamang....Inuwi ni Catherine ang dalawang bata sa villa ng mga Yule.Habang papunta sila roon, makikitang walang problema si Suzie habang nabibigo naman ang itsura ni Lucas. Makikita siyang tumitingin sa labas ng sasakyan nang may nanlalamig na itsura.“Lucas, huwag mo masyadong isipin ang lahat,” Pang-aaliw ni Catherine, “Huwag mo masyadong dibdibin ang sinabi sa’yo ng Uncle Wesley mo. Basta sundan mo lang kung ano palagi ang sinasabi ng puso mo.”“Pero Mama, parang tama nga si Uncle Wesley.”Nabibigong sumagot si Lucas. “Ilang beses tayong sinaktan ni Shaun, kaya hindi ko dapat siya kinikilala bilang ama sa buong buhay ko. Ngunit nitong mga nakaraang araw ay nakakailang balik na ako sa bahay ng mga Hill kasama siya.”Sinasamahan pa sila ni Shaun na maglaro ng basketball, football, at swimming.Hindi niya nam
“Pero alam naming pagod na pagod ka noon kapag inaalagaan mo kami, Mama. Naaalala ko noong nilagnat ako noon, sinamahan mo pa kami kahit na kailangan mong magtrabaho. Hindi ka pa nga makatulog noon eh,” Malungkot na sinabi ni Suzie.“Tama ka, nakakapagod ang mga panahon na ‘yon, ngunit palagay ko’y sulit naman ang pagod kapag nakikita ko kayo ngayon,” Pagtitiyak ni Catherine.Pagkarinig niya ng sinabi ng kanilang ina, nanatiling tahimik si Lucas habang nakaupo sa likod.Pakiramdam niya’y may punto ang sinabi ni Suzie.Kung hindi niya hahayaang alagaan sila ni Shaun, hindi ba’t mas makikinabang doon si Shaun?Inilagay ni Suzie ang kanyang maliliit na mga kamay sa mga balikat ni Lucas. “Lucas, kailangan pa rin nating sulitin ang pagkakataong ilalabas tayo ng walang kwenta nating ama, para maabala siya masyado sa atin at hindi na siya lumapit sa iba sa susunod. Kailangan nating maging magsipag bilang mga third-wheelers upang lumaki at tumanda siyang mag-isa. Iyon ang pinakamabigat na
Sumimangot so Catherine. Gusto ni Charlie na ligawan si Freya dati. Kung hiniwalayan niya si Melanie, talagang gusto niyang pakasalan si Freya.“Kalimutan mo na ito. Ang negosyo ng pamilyang Yule ay walang kinalaman sa atin. Huwag na tayong makialam.” Tumalikod si Joel para magkipaglaro sa kanyang dalawang maliit na apo.Tumingin si Catherine sa kanila at nakaramdam ng kaunting pag-aalala tungkol sa injury sa mukha niya.Nung una ay gusto niyang itago ito hanggang gumalin bago lumabas, ngunit tila hindi niya na ito maiwasan.Nakasuot siya ng mask at nagsinungaling na may sipon siya, ngunit hindi niya na ito maitago nang oras nang kumain.“Cathy, isusuot mo rin ba ang mask habang kumakain? Ang mga bata ay hindi ganun kahina. Hindi mahalaga kung tanggalin mo ang iyong mask,” sabi ni Joel.“Dad, mas mabuting dalhin ko ang pagkain at kainin ito sa ibang lugar.” Tumayo si Cathy at binuhat ang mga pagkain.Malalim na tumingin sa kanya si Joal ng isang sandali bago biglang tumingin kay
"Dad, hindi ko pinakasalan si Wesley dahil mahal ko siya. Siguro'y nagkagusto ako sa kanya nang kaunti, pero ito ay mas dahil namoved ako. Marami siyang nagawa para sakin, kaya gusto ko siya bigyan ng kasiyahan. Akala ko karapat dapat siya sa dependence ko."Mapait na niyuko ni Catherine ang kanya ulo. "Kamakailan lang na napagtanto kong baka hindi ko siya talagang naiintindihan. Madalas akong makaramdam ng pagod at stress kapag kasama ko siya. Syempre, ito ay dahil may malaki akong responsibilidad."Malalim na nagbuntong hininga si Joel. Siya ay nagpakasal din sa babaeng hindi niya mahal, kaya sobrang naiintindihan niya ang nararamdaman ng babae."Sige, gawin mo kung anong gusto mo. Handa akong suportahan ka na walang kondisyon. Kahit na manatili kang hindi kasal at manatili sa bahay sa buong buhay mo, hindi kita kamumuhian. Bukod pa rito, ang isang lalaking magbubuhat ng kamay sa isang babae ay hindi mabuting lalaki."Si Joel ay protective. Gusto niya si Wesley dati, ngunit dahil
Nang matapos magsalita ni Suzie, agad na tumawag muli si Shaun. "Suzie, sabi mo na gustong idivorce ng mommy mo si Wesley. Totoo ba 'yun?""Scummy dad, huwag ka nang magtanong. Sasamahan ko na si Mommy ngayon. Ang mukha niya ay siguradong masakit na nang sobra ngayon."Walang awang binaba muli ni Suzie ang phone.Tumayo si Shaun sa harap ng floor-to-ceiling na bintana nang ilang sandali, ang mga nata niya ay nanlalamig sa galit.Anong karapatan ni Wesley na saktan siya? T*ngina! Kailangan niyang turuan ng leksyon si Wesley.Gayunpaman, mas nag-aalala siya ngayon tungkol kay Catherine.Agad niyang sinabihan si Chester na kunin ang pinakamabisang oinment at dumiretso sa Yule villa.Nang makarating siya sa pinto, tinawagan niya si Catherine. “Lumabas ka. Dinalhan kita ng ointment. Sabi ni Chester na ang ointment na ito ay talagang nakakatulong. Bubuti ang pakiramdam mo matapos itong gamitin ng isa hanggang dalawang araw.”Agad na naintindihan ni Catherine kung ano ang nangyari. Si