Tumawa si Heidi. “Tama ka. Sa kasamaang palad, ang lohika na ito ay hindi makuha ng maraming tao. Huwag ka mag-alala, sa pagsasaalang-alang sa iyong tatay at relasyon ni Freya sa pamilyang Snow, poprotektahan ka namin kahit pa gusto ka tirahin ni Senator Mead.”“Salamat.” Tapat siyang pinasalamatan ni Catherine muli.Pagkatapos umalis ng kotse, pumunta na siyang kotse ni Wesley.Tinignan ni Wesley si Catherine. “Cathy, ano ang sinabi ni Madam Snow sa iyo?”Nagbuntong hininga si Catherine. “Sinabihan niya lang ako.”Nagbago ng kaunti ang ekspresyon ni Wesley. “Ano ba talaga ang nangyari ngayong gabi? Hindi pa natatapos ang party. Bakit hiniling ni Senator Mead na mauna na tayo umalis?”“Dahil siguro dating asawa ako ni Shaun, kaya ang tingin sa akin ni Hannah ay haka-haka na kaaway niya. Palagi niya ako ginugulo. Aksidente na nagkaroon kami ng hindi pagkakasundo,” Sinabi ni Catherine nang may mapait na ekspresyon, “Pasensya na at gumawa ako ng gulo para sa iyo.”Niyukom ni Wesley
Hindi na siya matiis ni Catherine at sumagot: [Umalis ka nga.]Shaun: [Hindi ako aalis. Hinding-hindi ako aalis sa buhay na ito. Sinagip mo ako ulit. Ikaw ang tagapagligtas ko. Hindi ko mababayaran ang kabaitan mo, kaya maipepresenta ko lang sa iyo ang sarili ko.]"Walang hiya!"Pagkatapos pagalitan ni Catherine si Shaun, ang tunog ng tibok ng puso niya ay parang tunog ng tambol.Sa saglit na iyon, ang pinto ng kwarto ay biglang bumukas. Sumimangot si Catherine ng naglakad papasok si Wesley ng may malalaking hakbang. Mukhang kailangan na niya i-lock ang pinto sa susunod."Cathy, tinawagan ko ngayon si Senator Mead para humingi ng tawad sa kanya. Sabi niya… na huwag na siya gaano tawagan sa susunod."Ang ekspresyon sa eleganteng mukha ni Wesley ay mapangit. May hindi makontrol na galit sa mata nito. "Sinabi niya na agresibo ka, at hindi mo siya binigyan ng pagpipilian kundi saktan ang anak niya sa sarili niyang birthday party. Hindi na siya maglalakas loob galitin ka pa muli."Na
Hindi na gusto pang makipagtalo ni Catherine kay Wesley, kaya’t matapos niyang itaboy ang lalaki ay agad niyang sinamantala ang pagkakataong damputin ang kanyang phone at tumakbo palabas ng villa nang hindi na pinapalitan ang kanyang suot na sapatos. Pagkapasok niya ng sasakyan ay agad niya rin itong sinimulan at umalis.Mula sa kanyang rear-view mirror ay nakikita niyang sinusundan siya ni Wesley.Kumirot lamang ang puso ni Catherine nang makita niya ang eksenang iyon.Marahil ito ay dahil sa hindi niya inaasahang darating ang araw na mag-aaway sila ni Wesley.Napakamahinhing tao ni Wesley. Matagal silang naging kasal ni Shaun, ngunit hindi sila nagtalo kayaga ng ginawa nila ni Wesley. Sumasakit ang kanyang mukha, mga braso, at mga balikat.Kinilabutan siya bigla nang maalala niya ang naging itsura ng lalaki.Noong huling beses sinubukan ng lalaking ipilit ang sarili nito kay Catherine, iyon din ang kanyang naging itsura. Noong una’y inakala ni Catherine na guni guni niya lamang
“Ah, ‘wag mong sabihin ‘yan. Asawa mo rin naman dati si Shaun. Oo, kasal ka kay Wesley, ngunit hindi pa naman kayo nagtatalik dati. Marahil ay nasanay ka lamang kay Shaun. Gusto naman ng lahat na malinis ang lahat ng bagay,” Pag-aaliw ni Freya sa kaibigan.“Tigilan mo nga ‘yan.” Natutulalang muli si Catherine.Noong una’y sapilitan siyang nakikipagtalik kay Shaun noong sila’y nasa isla, ngunit noong gabing iyon… sumang-ayon siyang gawin iyon.Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili noong makita niyang naghihirap ang lalaki.Marahil ay pinakulam nga talaga siya ni Shaun. L*ntik na lalaki.“Sige na, ititigil ko na. Ngunit palagay ko’y habambuhay nang may pagitan sa inyo ni Wesley. Bagama’t obligasyon kong ipayo sa’yong makipagbati sa lalaki upang hindi kayo maghiwalay, mahigpit akong tumututol sa mga lalaking sinasaktan ang kanilang mga asawa. Ikaw na ang bahala sa iyong gagawin.“Noong una’y akala ko kung sinong marahang tao ‘yang si Wesley. Nakakatakot ngang bigla-bigla niya na l
Inaamin ni Catherine na maraming ginawa si Shaun na mga bagay kung saan nasaktan siya nito.Subalit hindi dapat ito ginagamit upang pwersahang ipagawa ng desisyon ang isang bata.Wala pang muang ang mga bata. Wala silang kapangyarihang mamili ng kanilang mga magulang.Likas sa mga batang hanapin ang kanilang mga ama; noong una’y hindi hinayaan ni Catherine na kilalanin ng kanyang mga anak si Shaun bilang kanilang ama sa takot na nasa ilalim pa rin ito ng hypnosis ni Sarah at gawin ng lalaki ang lahat upang mapasakanya ang mga bata. Bukod pa roon, nangangamba siyang magiging stepmother ng mga bata si Sarah at gawin itong pagkakataon ng babae upang saktan ang mga bata.Subalit hindi na mangyayari ang anuman sa mga bagay na iyon, kaya’t hindi na siya tutol sa ideyang ipakilala si Shaun sa mga bata.Walang higit na nakaiintindi kay Lucas bukod kay Catherine. Mapagmataas na bata si Lucas. Alam niyang kahihiyan at sama ng loob lamang ang dinadala ng mga salita ni Wesley sa bata.“Cathy
Tinitigan ni Shaun ang paalis na sasakyan ni Wesley nang may mga nakakuyom na kamao.Alam niyang may kinalaman si Wesley sa pang-aatake sa kanya sa presinto kamakailan lamang....Inuwi ni Catherine ang dalawang bata sa villa ng mga Yule.Habang papunta sila roon, makikitang walang problema si Suzie habang nabibigo naman ang itsura ni Lucas. Makikita siyang tumitingin sa labas ng sasakyan nang may nanlalamig na itsura.“Lucas, huwag mo masyadong isipin ang lahat,” Pang-aaliw ni Catherine, “Huwag mo masyadong dibdibin ang sinabi sa’yo ng Uncle Wesley mo. Basta sundan mo lang kung ano palagi ang sinasabi ng puso mo.”“Pero Mama, parang tama nga si Uncle Wesley.”Nabibigong sumagot si Lucas. “Ilang beses tayong sinaktan ni Shaun, kaya hindi ko dapat siya kinikilala bilang ama sa buong buhay ko. Ngunit nitong mga nakaraang araw ay nakakailang balik na ako sa bahay ng mga Hill kasama siya.”Sinasamahan pa sila ni Shaun na maglaro ng basketball, football, at swimming.Hindi niya nam
“Pero alam naming pagod na pagod ka noon kapag inaalagaan mo kami, Mama. Naaalala ko noong nilagnat ako noon, sinamahan mo pa kami kahit na kailangan mong magtrabaho. Hindi ka pa nga makatulog noon eh,” Malungkot na sinabi ni Suzie.“Tama ka, nakakapagod ang mga panahon na ‘yon, ngunit palagay ko’y sulit naman ang pagod kapag nakikita ko kayo ngayon,” Pagtitiyak ni Catherine.Pagkarinig niya ng sinabi ng kanilang ina, nanatiling tahimik si Lucas habang nakaupo sa likod.Pakiramdam niya’y may punto ang sinabi ni Suzie.Kung hindi niya hahayaang alagaan sila ni Shaun, hindi ba’t mas makikinabang doon si Shaun?Inilagay ni Suzie ang kanyang maliliit na mga kamay sa mga balikat ni Lucas. “Lucas, kailangan pa rin nating sulitin ang pagkakataong ilalabas tayo ng walang kwenta nating ama, para maabala siya masyado sa atin at hindi na siya lumapit sa iba sa susunod. Kailangan nating maging magsipag bilang mga third-wheelers upang lumaki at tumanda siyang mag-isa. Iyon ang pinakamabigat na
Sumimangot so Catherine. Gusto ni Charlie na ligawan si Freya dati. Kung hiniwalayan niya si Melanie, talagang gusto niyang pakasalan si Freya.“Kalimutan mo na ito. Ang negosyo ng pamilyang Yule ay walang kinalaman sa atin. Huwag na tayong makialam.” Tumalikod si Joel para magkipaglaro sa kanyang dalawang maliit na apo.Tumingin si Catherine sa kanila at nakaramdam ng kaunting pag-aalala tungkol sa injury sa mukha niya.Nung una ay gusto niyang itago ito hanggang gumalin bago lumabas, ngunit tila hindi niya na ito maiwasan.Nakasuot siya ng mask at nagsinungaling na may sipon siya, ngunit hindi niya na ito maitago nang oras nang kumain.“Cathy, isusuot mo rin ba ang mask habang kumakain? Ang mga bata ay hindi ganun kahina. Hindi mahalaga kung tanggalin mo ang iyong mask,” sabi ni Joel.“Dad, mas mabuting dalhin ko ang pagkain at kainin ito sa ibang lugar.” Tumayo si Cathy at binuhat ang mga pagkain.Malalim na tumingin sa kanya si Joal ng isang sandali bago biglang tumingin kay