Matapos ang kalahating oras na byahe ay nakarating din sila Nathan sa lugar kung saan sila tuturan sumayaw. Nang makapasok sila sa loob ng studio, nakita nila ang magiging teacher nila sa pagsasayaw. Sa awra ng mga ito ay masasabi niyang may katangi-tanging pag-uugali ang dalawa. Ang lalaki ay nakasuot ng itim na damit pansayaw at ang babae naman ay nakasuot ng kulay pulang palda. “Maligayang pagdating, Mr. and Mrs. Lucero,” bati ng isa sa teacher nila na nakasuot ng pulang palda. Elegante ang pagkakangiti nito sa mga bisita. Hindi napigilan ni Elisia na titigan ang babaeng guro nila. Sino ba naman ang hindi gugustuhing titigan ang isang magandang babae?“Kaya't ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa inyong dediskasyon sa trabaho.” Inilagay ni Nathan ang mga kamay sa bulsa ng pantalon nito, pinagmumukha itong mamahalin.Nang ilibot niya ang mga mata, napansin niya ang malaking salamin ng studio. Napatingin si Elisia sa repleksyon ni Nathan sa salamin. Mas namangha siya sa pantay
Minsan naiisip ni Elisia na siya ang pinili ni Nathan dahil siya lang ang tanging naniwala sa hindi kapani-paniwalang post nito at isa pa ay mukha namang bagay sila. Hinawakan ni Elisia ang cellphone at ipinuwesto silang dalawa sa gitna ng camera. Para mas magandang tignan, mas lumapit pa si Elisia kay Nathan.Napakapoging tignan nito kahit saang anggulo ito tumayo. Nakamamangha ang pagdadala nito sa katawan para itong naglalakad na hormone.Matapos ang sunod-sunod na pagkuha ng larawan, ibinalik na niya ang cellphone ni Nathan.“Ang bilis naman?” Sa pagkakataon na iyon ay ito naman ang nagulat. Ang akala niya ay seryoso itong kukuha ng litrato at gustong magmayabang. Kaya't nagulat siya ng agad nitong ibalik ang cellphone matapos kumuha ng litrato.Marami siyang magagandang solong pictures, ngunit kakaunti lang ang mga larawan niyang may kasamang ibang babae katulad na lang ng nasa harapan niya. Kahit na si Elisia ang kumuha ng larawan, ang galaw nila na nakunan nito ay mas mukhang
“Dad, diba sabi mo kapag binigyan ko ng regalo si Lola, yayakapin niya ako? Bakit hindi niya ako niyakap?”Habang nasa daan pauwi, nakaupo sa likod ng passenger seat si Jewel. Bahagyang nakataas ang ulo nito habang nakatingin sa amang si Zach. Bakas sa mukha nito ang kalituhan.Tinignan ito ni Zach sa pamamagitan ng rearview mirror at doon niya nakita ang ekspresyon nito. Doon siya nakaramdam ng kaunting awa dito. “Hindi ba’t binigyan ka ni Lola ng magandang bracelet?”“Pero gusto kong yakapin din ako ni Lola.” Nanatiling tahimik si Zach at hindi na sinagot pa ang tanong ng anak. Sa pamilya Lucero, ang walong numerong halaga ng bracelet na bigay nito ay hindi kasing halaga ng yakap na mula sa matandang babae ng pamilya Lucero.Habang nagmamaneho ay umalingawngaw ang tunog ng cellphone ni Zach. Indikasyon na may tumatawag. Nang makita ang pangalan ng tumatawag ay ayaw sana niya itong sagutin ngunit matapos ang ilang saglit ay sinagot din niya ang tawag.“Hello,” bati niya sa taong nas
Sa totoo lang ay hindi namukhaan ni Duke kung sino ‘yong babae noong una. Ngunit si Dylan na nakainom ng kaunting alak ay nasobrahan yata sa excitement.Ang magulong paligid, maingay na tugtog, at ang panggulong alak ang naging dahilan para maguluhan sila.Pakiramdam ni Dylan ay umiikot na ang paligid niya ngunit tumayo pa rin siya sa kagustuhang magbanyo. Dahil sa nainom, nagpasuray-suray ang lakad niya. Nang marinig niya ang muling pagtunog ng vibration ng cellphone niya, agad na inilabas niya ito mula sa bulsa. Akmang sasagutin na niya ito ng mapatid siya at muntikan ng matumba sa sahig. Ngunit bago pa siya madikit sa sahig, dalawang pares ng kamay ang humila sa kaniya patayo. Matapos makita ang taong tumulong sa kanya ay mabilis pa sa alas-kwatrong nawala ang lasing niya.Ang babae ay nakasuot ng pulang top. Lantad ang magandang collarbone nito at baywang. Nakasuot ito ng light-colored na pantalon. Ang itim na kulong nitong buhok ay nakatali pataas, ngunit may kaunting naiwan
Nang tignan ni Duke ang moments na pino-post ni Danica ay hindi ito gano'n karami. Apat hanggang limang post lang kada buwan, ngunit tanging ang post lang nito magmula sa ikaanim na buwan ang kita.May ilang selfies doon at pictures nito na paakyat sa bundok. Matapos tignan ang lahat, napansin niya na sa tuwing lumalabas ito ay para umakyat ng bundok.May isa pa itong moments, disperas ito ng bagong taon kinunan. Group photo iyon kung saan kasama ito, si Elisia at isang lalaki. Ang lalaki ay nakatayo sa tabi ni Danica. Mas matangkad ito sa huli.Ang tatlo ay nakatayo sa labas ng isang medyo may kalumaan ng bahay. Lahat sila ay may malalaking ngiti habang nakatingin sa camera. Ang caption ng post nito ay ‘We will be together forever!” Sino ang lalaki ‘yon?Nakaramdam ng kuryosidad si Duke. Hindi naman siguro nito iyon nobyo, ‘di ba? Kung nobyo nito ang lalaki hindi naman siguro ito magpo-post ng group photo. Pero kung hindi nito iyon nobyo bakit nakatayo sa gitna si Danica?Gusto ba n
Natigilan si Elisia sa nakita, maging ang may-ari ng lottery. Habang nakaupo sa loob ng kotse, hindi pa rin makapaniwala si Elisia kahit anong isip ang gawin niya. Sobrang yaman na ni Nathan, kaya bakit patuloy pa ding dumadaloy dito ang pera?Ang bagay na ‘yon ang dahilan kung bakit naiinggit si Elisia dito.Napansin ni Nathan ang ekspresyon ni Elisia at nais sana niyang sabihin dito na bibigyan niya ito ng bonus. Ngunit bago pa niya mabuksan ang bibig ay naantala ang sasabihin niya ng marinig ang pagtunog ng cellphone nito.“Hello,” sagot ni Elisia kay Jace na tumatawag.“Nagpapahinga ka ba?” Ang boses ni Jace ay sobrang malambing. Sa gano'ng panahon ay madalas silang mag-chat maghapon. Kinukunan niya ng picture ang paligid ng opisina at ang araw-araw na buhay niya pagkatapos ay ipinapadala niya iyon kay Jace.“Katatapos ko lang maghapunan, plano ko ng umuwi ngayon.”Sa kabilang banda, si Jace ay kumportableng nakahiga sa kama. “Katatapos ko lang manood ng dalawang movies, maganda
Malakas ang naging presensya ng pagdampi ng kamay ni Elisia sa braso ni Nathan. Sa sobrang lakas ay naisip ni Nathan na hindi magandang ideya na magpatulong kay Elisia sa pagtulog.Ngunit bago pa niya mamalayan ay nilamon na siya ng antok at hindi niya alam kung ilang oras bago siya nakatulog. Nang imulat niya ang mga mata ay umaga na. Ang sofa na mapusyaw ang kulay ay nakadikit pa din sa tabi ng kama ngunit si Elisia ay wala na doon. Bumangon siya ng may pagtataka, pagkatapos ay naglakad siya patungo sa banyo at tinignan ang sariling repleksyon sa harap ng salamin. Hinawakan niya ng dalawang kamay ang mukha at tinapik iyon. Tama, hindi ito isang panaginip lang. Wala siyang panaginip sa nagdaang gabi at naging maayos ang tulog niya. Hindi katulad ni Nathan na kumportable, si Elisia naman ay mukhang pagod. Kagabi kasi habang natutulog si Nathan ay nagsasalubong ang mga kilay nito, nahinto din naman pagkatapos ng ilang saglit. Ngunit kinailangan pa niyang maghintay ng matagal sa tabi
Nasobrahan sa pag-inom ng alak si Duke at paniguradong ilang araw pa ang lilipas bago siya makabawi.Nang oras na iyon, natagalan ang mga katulong nila na ilipat si Dylan sa kama sa sobrang kalasingan.Kinabukasan, pagkamulat pa lang nito ng mga mata ay agad nitong hinanap si Duke at tinanong kung nasaan ang Diyosa na nakita nito. Matapos malaman ni Dylan mula kay Duke na nawalan siya ng galang sa harap ng sinasabi niyang Dyosa ay tila nawalan siya ng malay.“Ah, ang maganda kong imahe, Duke! Bakit hindi mo ako inawat!”“Kinakagat mo si Leo, diba?” mabilis na sagot ni Duke dito. “Kung hindi kita inawat hindi ko alam kung ano pa ang masasabi at magagawa mong kabaliwan. Pinatuloy na nga kita pero tignan mo at pinuntahan mo lang ako para pagsabihan. Hindi ka marunong magpasalamat.” Nagpadala si Duke ng voice message sa group chat nila para hayaan ang ibang kasama nila na husgahan kung ano ang tama at mali.Lexis: Kumpara sa kawalan ng galang ni Dylan, mas gusto kong malaman kung anong
Plano ni Nathan na pumunta at tawagin si Elisia, ngunit hindi niya inaasahan na makita itong may kausap na lalaki sa gilid.Masyado siyang malayo para marinig kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa, pero kung titignan ang paligid ng mga ito, nakaramdam siya ng pagkakaisa at pagkakaibigan.Sa sandaling iyon, nakatayo sa sahig habang nakapaa si Elisia. Sa tabi nito ay ang sampung sentimetrong takong. Naaalala ni Nathan ang lalaking iyon. Siya iyong tumatawa habang nakikipaglaro kay Elisia sa harap ng TV station no'ng nakaraan.Ngunit hindi niya inaasahan na ang lalaking iyon ay dadalo rin sa pagdiriwang ng ika-isang daang taon ngayon.Unti-unti ay may hindi mapangalanang galit ang umuusbong sa isipan ni Nathan.Palaging kinakabahan at hindi kumportable si Elisia sa harap niya. May mga ilang pagkakataon lang na kumportable ito katulad ng ginagawa nito sa harap ng lalaking iyon.Nakikipagtalo si Elisia kay Jake. Matapos ang matagal na pagtatanong, hindi niya pa rin nalalaman kung paano ito
“Tara na.” Wala ng oras pa si Elisia para pag-isipan ang tungkol doon. Pagkatapos magsalita ni Nathan ay sinulyapan nito si Elisia. Tumango si Elisia at pagkatapos ay bumaba sila ng kotse ng magkasama. Unang bumaba ng kotse si Nathan, at naglakad sa kabilang bahagi para pagbuksan ng pinto si Elisia. Nang lumabas si Nathan, ang nagkikislapang mga ilaw sa lugar ay hindi na natigil. Pagkatapos ay unang bumaba sa lupa ang sandals ni Elisia, at ipinatong nito ang kamay sa palad ni Nathan. Nagpakita siya sa harap ng lahat sa pamamagitan ng suporta na nagmumula kay Nathan. Walang pagdududa na napakaganda ni Elisia.Ang tsismis patungkol sa namumuno sa Lucero's Group ay palaging paksa ng lahat ng balita sa media, ngunit sa maraming taong nagdaan, wala pang balita ang nagagawa. Ang tanging bagay na alam lang nila ay si Nathan Lucero ay mukhang may relasyon sa reyna ng mga pelikula noon na si Sandra Song. Ang relasyong iyon ay hindi kinumpirma ng dalawa, ngunit ang mga media reporters a
Pero hindi lang ‘yon lahat.Matapos no'n, nakapasok si Sandra sa directing department ng Film Academy ng may mataas na puntos. Ang unang serye niya sa telebisyon kung saan siya unang lumabas sa edad na labing walo ay diretsong naging kampeon ng taong iyon sa ranggo.Nang ang kasikatan nito ay tumaas, hindi na gumawa pa ng palabas si Sandra sa loob ng tatlong taon. Pagkatapos, sa taong nagtapos ito sa kolehiyo, gumawa ito ng napakagandang pelikula na nagwagi ng box champion of the year at nakasama sa tatlong nangungunang aktres sa box office performance of the film and television. Nang oras na iyon, dalawampu't tatlong taon pa lang si Sandra.Nang sumunod na limang taon, gumanap pa si Sandra sa dalawa pang palabas. Parehong naging high box office. Matapos non, ito ang unang nakaabot sa kita na kalahating porsyento.Sa mga nagdaang taon sa Pilipinas, si Sandra ay tinatawag na mahusay. Sa mga taong iyon, kakaiba ang buhay ni Sandra sa industriya ng domestic entertainment.Maraming tao an
Matapos ang ilang minuto, humingi ng paumanhin si Duke kay Jenny sa ilalim ng pagbabantay ni Mikey.“I’m sorry, Professor Alonzo, hindi ko agad naintindihan ang sitwasyon at nagbitiw ako ng hindi magandang komento sa’yo. Huwag mo sanang masamain.”“Okay lang, hindi mo rin naman alam.” Sinabi ni Jenny na ayos lang ‘yon at tinapik ang balikat ni Duke. “Narinig ko lang sa tatay mo ang tungkol doon noon, pero ito ang unang beses na nakita ko.” Mukhang sobrang bait ni Professor Alonzo, mas maganda ito kesa sa nakalagay sa dyaryo. “Okay lang, ang lahat ay dahil lang sa hindi pagkakaunawaan.”“Professor Alonzo, pwede ba akong magpa-picture sa’yo?”Matapos mag-usap ni Duke at Jenny, sumulpot si Mikey sa tabi nilang dalawa at nagtanong kung pwede itong magpa-picture.Masaya namang nag-obliga si Jenny.Si Lexis at Dylan ay naiwang nakatingin sa isa't isa.“Sa unang pagkakataon, sinong mag-aakala na ang ganyan kagandang babae ay isang professor na nakagawa ng malaking kontribusyon sa lipunan.”
“Oh, Mr. Andrei, ikaw at si Miss Alonzo ay mukhang perpektong magkapareha.”“Oh, matandang Wilson, nahihiya akong sabihin na napupuri pa rin ako ng ganyan sa edad ko.” Mapagkumbabang ikinaway ni Andrei kamay. “Edi, hindi na kita pupurihin. Si Miss Alonzo talaga ang tinutukoy ko. Kapag tumayo si Miss Alonzo dito, kailangan kong sisihin ang Diyos sa pagiging hindi patas. Paanong hindi man lang nag-iwan ng marka ang panahon kay Miss Alonzo?”Ang lalaking nagsalita ay kilala sa pagiging madulas ang dila. Ang iba ay gusto ito at ang iba naman ay hindi. Halata naman na isa si Andrei sa may gusto dito.“Oh, Wilson. Napakagaling mo talagang magsalita.” “Okay, dahil si Mr. Andrei ay may oras ng araw na iyon. Imbitahan mo naman akong maupo sa bagong bahay ninyo ni Miss Alonzo. Maghahanda talaga ako ng malaking regalo.”“Bakit hindi sinabi ni Tito Wilson na maghahanda muna siya ng malaking regalo para sa'kin? Hindi ba't sinabi ni Tito Wilson na bibigyan niya ako ng malaking regalo sa seremonya
Nasa baba na si Mrs. Alonzo, paalis na sana nang marinig ang anak niyang magsalita na ikinasiya niya.“Oh, nagbago ang isip mo?” Si Jenny ay singkwenta anyos na, ngunit napapanatili pa rin nito ng maayos ang sarili at mukhang nasa trenta pa lang ito. Dadalo siya sa isang okasyon ngayon at espesyal niyang isinuot ang ipinasadya niyang pulang mahabang dress. Ang itim na kulot niyang buhok ay nakatali pataas at ang buong pagkatao niya ay pinagmumukha siyang elegante at kaakit-akit.Matapos ang lahat, maraming taon na siyang sikat sa industriya ng entertainment at isa rin siya sa mga hindi mamatay-matay sa industriya. Natural na ang paglabas niya ay walang katumbas.At ang mga taong maingat ay malalaman na si Jenny at Jake ay may limang puntos na pagkakapareho ng ilang bahagi ng mukha. “Anak, e'di suotin mo ang suit na hinanda ko para sa'yo. Maganda iyon at bagay na bagay sa’yo.” Sobrang saya ang nararamdaman ni Jenny. “Mabuti at nagbago ang isip mo na dumalo kasama ang nanay mo. Hindi mo
Nang magising si Elisia, ang unang ginawa niya ay ang pumunta sa banyo habang ang mga mata ay bahagya lang ang pagkakabukas.Sobrang pagod siya nitong nakaraang dalawang araw. Hindi madaling makapagpahinga. Sa wakas ay nakatulog din siya ng maayos.Matapos makalabas sa banyo, mas nagising na ang diwa ni Elisia. Nang i-angat niya ang paningin, nakita niya si Nathan na nakaupo sa tabi ng lamesa sa kusina, umiinom ito ng kape, nakasuot ng pormal na damit at bakas ang kakuntentuhan sa mukha nito.Habang nakatingin sa mayamang itsura nito, ibinalik ni Elisia ang atensyon rito at tamad na nagsalita.“Bakit hindi mo ako ginising ng bumangon ka?”Ibinaba ni Nathan ang kape at sinabi, “Sobrang pagod ka nitong nakaraang dalawang araw, at akala ko ay magpapahinga ka muna sandali.”Iginalaw ni Elisia ang ulo. “Hindi, ayos lang. ‘di ba anibersaryo ng Lucero's Group ngayon? Kailan ka mag-aayos?”“May tatawagan akong tao kapag gising ka na.”“Okay lang, gising na ako.”“Sige, sa kwarto ka muna at mag
Nang mapagtanto niya kung ano talaga ang nangyayari, kasalukuyan ng nakahiga si Elisia sa iisang kama kasama si Nathan. Nakatalikod siya kay Nathan, nakatagilid ang katawan niya at ang mga kamay ay nasa kanang pisngi.Ang kama nito ay sobrang lambot at humahalimuyak ang mabangong amoy nito. Walang duda na ito ang pinakamagandang kondisyon para makatulog, ngunit hindi na dinalaw ng antok si Elisia ng sandaling iyon.Dahil sa likod niya ay mayroong mabigat na presensya.Dati, pakiramdam niya ang kama ni Nathan ay sobrang laki, pero bakit pakiramdam niya ang kama nito ay lumiit ng sobra nang pumunta siya ngayon.Kahit na nakatulog na siya sa higaan nito, no'ng oras naman na iyon ay lasing na lasing siya at nawalan ng malay. Ngayon, gising siya at alam kung ano ang eksaktong ginagawa niya. Hindi makatulog si Elisia at pakiramdam niya ay gano'n din si Nathan, pero hindi na siya naglakas-loob na magtanong.Matapos ang hindi malamang oras, narinig niya ng magsalita si Nathan sa likod niya.
Ang sinabi ni Elisia ay sinalubong ng walang katapusang katahimikan at pareho silang biglang natahimik. Si Elisia ang unang kumilos, “Hindi pa ako nakakakain, magluluto muna ako ng pagkain.”Kapag ang tao talaga ay nahihiya ay nagpapanggap silang abala.“Hindi pa ako nakakaligo, maliligo muna ako.” Sa kabilang banda, gano'n din ang ginawa ni Nathan.Matapos ang ilang minuto, unti-unting hinila ni Elisia ang sarili mula sa kaninang naging emosyon niya. Sa totoo lang, magandang bagay para sa kanya ang tawagin itong asawa kanina. Matapos naman ang lahat, susundan niya pa rin si Nathan para makipagkita sa iba. Sa mahabang taon ng magiging karera niya sa pag-arte, kung hindi nila kayang tawagin ang isa't isa sa pinakamadaling pangalan, paniguradong mabubunyag silang dalawa. Hindi niya alam kung kumain na ba si Nathan kaya napagdesisyunan niyang magluto pa ng kaunti. Mabuti ng marami kesa naman kulang.Nang dalhin ni Elisia ang pagkain, katatapos lang ni Nathan maligo. Mainit pa rin sa ba