âDirector Duke! Director Duke!â paulit-ulit na pagtawag kay Duke. Nang makarating si Duke sa lugar, halos lahat ng mga empleyado niya ay naroon na. Nang makita siyang paparating ay nais sana ng mga itong tumayo at batiin siya, ngunit, itinaas na lamang niya ang kamay sa mga ito at ang lahat ay muling bumalik sa pagkaka-upo. âIto na po ang lahat ng natanggap naming aplikasyon online. Ang bahaging ito ay para sa mga larawan, at ang isang bahagi naman ay naglalaman ng videos.âAng gagawin niya ngayon ay ang pumili ng mga gaganap para sa proyekto nila. Habang nakapako ang mga mata sa dalawang kahon ng mga larawan na nasa lamesa. Ang plano ni Duke ay unahin na muna itong suriin.Habang tinitignan ang mga larawan, may mga katulong din siyang ayusin ang mga ito. Sa totoo lang, sa iba, hindi ang direktor ang namimili ng gaganap para sa mga general roles. Isa pa napakaraming tao sa isang palabas o TV series at ang director ay nag-iisa lang. Kaya paano siya magkakaroon ng oras na pumili ng ga
Matapos ibaba ang tawag, hindi inaasahan ni Kassandra na pagsasalitaan siya ng masasakit ni Duke. Galit na itinapon niya ang cellphone sa kama. Dalawang beses siyang sumigaw dala ng galit na nararamdaman at tinignan ang sarili sa harap ng salamin. Kahit na mukhang mahinhin at matangkad, ang bawat bahagi ng mukha niya ngayon ay puno ng galit. Sa nakalipas na limang taon, ang ganitong ekspresyon ay madalas makita sa mukha niya. Matapos kalmahin ang sariling galit, agad kinuha ni Kassandra ang cellphone sa kama. Pagkatapos ay tinawagan si Zach. âGusto kitang makita.â Simula ng bumalik siya sa Pilipinas ay wala ni isa man lang ang sumalubong sa kanya. âDi ba sabi mo susunduin mo ako? Ngayon, nasa bahay na ako. Nasaan ka?âHindi siya bumalik sa sarili niyang bahay, kun'di sa villa na pagmamay-ari ni Zachâsa lugar na kinalakihan nito. Ang password ng villa na ito ay pareho lang sa password ng villa na tinirhan nila noon sa United States. âNasa labas ako ngayon at medyo busy.â Katatapos l
Matapos iyong sabihin ni Elisia, si Jace na madalas na malambing at kalmado ay hindi napigilang magmura. Sa ilang taong lumipas hindi kailanman nakipagrelasyon si Elisia. Noong nagdalaga siya, maraming lalaki ang nanligaw sa kanya. Nang makita ang katapatan ni Kyle at ang matagal na nitong panliligaw sa kanya, bukod sa bata pa lang ay kilala na nila ang isa't isa. Pinalambot ni Elisia ang puso para dito at nakipagrelasyon dito.Ngunit hindi niya inaasahan na si Kyle ay isang basura.âHindi mo kailangang magalit.â Pinayapa ni Elisia ang emosyon ni Jace. âKung hindi dahil kay Kyle ay hindi ko makikilala ang boyfriend ko ngayon.â Ginawa ni Elisiaâng magical ang pagkakakilala at pagmamahal niya kay Nathan. âPatuloy lang ako noon sa pag-u-update ng comics online at pagkatapos kong ilabas ang unang update ng comics ay nagparamdam na siya saâkin. Nang makipaghiwalay ako at sumapit ang taglamig, nag-private message siya sa'kin pagkatapos ay nagsimula na kaming mag-chat. Napagkasunduan namin
Matapos ibaba ang tawag, mas naging balisa ang galaw ni Elisia. Naalala niya na may nurse station pala sa hindi kalayuan, iniisip niya kung possible niyang iwanan ang bata sa nurse station.Mabuti na lang, bago pa makapagdesisyon si Elisia ay narinig niya ang boses ng batang katabi na tinatawag ang tatay nito.âPapa,â tawag ng bata. Nang lumingon siya ay nakita niya ang lalaking siya ring lumitaw sa harap nila noong gabi. Mabuti na lang talaga at dumating ito.âSir, masaya ako na nahanap siya, pero mauuna na po akong umalis.â Plano ni Elisia na putulin na muna ang mga batian, ngayon ay mahigpit ang oras. Isa pa ay late na siya. âAh, Miss hindi ko alam kung paano kitang mapapasalamatan,â nahihiyang saad ni Zach. Sa kadahilanang dalawang magkasunod na beses na siyang nagpapatulong sa iba. âKung hindi mo mamasamain, pwede kitang ihatid. Mukhang mahirap makahanap ng taxi sa labas ng hospital.â Sang-ayon si Elisia sa punto nito. At kung sasakay naman siya ng bus ay mabagal din. âSalam
Natigilan si Sandra sa naging kilos ni Jewel. Ang ngiti sa labi niya ay agad na naglaho. âAng maliit na kaibigan ay pagod na,â casual na saad ni Zach habang nakatingin kay Sandra. Paraan din nito iyon para maiwasan ito. Pagkatapos ay tumalikod si Zach at dumiretso sa kwarto.âTita Sol,â saad niya ng lumitaw sa harap nilang tatlo ang babaeng nasa fifties na ang edad. âPakidala naman si Jewel para makaligo pagkatapos ay patulugin mo na din.â Tumango si Tita Sol ngunit muling lumingon si Jewel sa ama nito. Tila may nais pang sabihin. Ngunit sa huli ay kinuskos lang nito ang mga mata at nahiga sa balikat ni Tita Sol. Nang mas lumalim ang gabi, lumabas si Zach mula sa shower at namataan si Kassandra na nagpalit ng pajama. Nakahiga na ito sa kama. Ang babae ay nakasuot ng puting silk na pajama, ang kulot nitong buhok ay nakabagsak sa mga balikat nito, pantay ang pagkakaputi nito at maganda. Ang kabuuang itsura nito habang nakahiga sa kama ay pinagmumukha itong sining.Ngunit hindi na i
Nang hingal na tumakbo si Elisia papasok sa dance studio ay kalahating oras na siyang late. Kasalukuyang may international conference call si Nathan at nagbibigay ng mga dapat gawin sa wikang English nang makita niya ang pagdating ni Elisia sa harap ng dance studio. âN-nandito na ako.â Halata ang pagod sa itsura nito. âTake your time, magpahinga ka muna, dahan-dahan lang.â Ang tao sa kabilang linya ay naguluhan ng marinig ang sinabi ni Nathan. Hindi ba't nagsasalita si Mr. Lucero sa wikang English? Ano ang biglang sinabi nito? Tagalog ba iyon? Anong ibig sabihin nito?Sa takot na baka may makaligtaan na mahalagang instructions mula dito, akmang maghahanap na sana siya ng interpreter ngunit muli niyang narinig si Mr. Lucero nang magsalita itong muli ng wikang English. âSorry, I was talking to my wife just now. Let's stop here for today's meeting. I look forward to your feedback. Goodbye.âNang mamatay ang tawag ay nananatiling naguguluhan ang tao sa kabilang linya. Ano ang ibig sabi
Tinignan ni Nathan ang sarili sa harap ng salamin. Matanda na siya ngunit hindi pa gaanong matanda. Ngunit mukhang wala na siya masyadong kabuhay-buhay.Sa gitna ng pag-iisip ay nakarinig si Nathan ng boses mula sa likuran niya.Nang lingunin ito, namataan niya si Elisia na ang buhok ay nakabalot sa tuwalya. Nakasuot ito ng maikling manggas na damit at mapusyaw na kulay ng pantalon. Wala itong suot na makeup sa mukha. At ang ngiti sa mukha nito ay tila ulap sa tabi ng dagat sa tag-init, sariwa at maliwanag. Ang tibok ng puso ni Nathan ay tila bahagyang bumagal. Napakaganda talaga nito. Mabilis na hinawi ni Nathan ang iniisip at tinignan ang tuwalyang nasa buhok ni Elisia.âHindi mo patutuyuin ang buhok mo?â tanong ni Nathan dito. âMasyadong mahaba ang buhok ko, matagal bago ito matuyo. Pagbalik ko na lang patutuyuin.â Ilang beses na niyang pinaghintay si Nathan ngayong araw at nahihiya siyang paghintayin pa ito ng matagal.âPatuyuin mo na bago tayo bumalik.â Kauumpisa pa lang ng ta
Masigla ang pakiramdam ni Nathan ng pumasok siya sa trabaho kinabukasan.Sa gitna ng pagpupulong ay pinuri niya ang manager na dalawang beses nang nag-report na ikinagulat ng lahat ng naroon. Halos lahat ng nasa maagang pagpupulong na iyon ay mayroong WeChat ni Nathan. Ang circle of friends na pinost niya ay nagdulot ng malaking diskusyon sa pagitan ng lahat ng naroon. Sa nagdaang taon, maraming tao na ang nais na makakuha ng pabor kay Nathan. Ngunit gaano man kaganda ang babae nananatiling walang reaksyon si Nathan.Matapos ang meeting, palagi lang siyang nakatuon sa trabaho at wala kahit isang iskandalong kinasangkutan. Maraming tao na rin ang pinagdudahan ang kasarian niya. Ngunit ng lumabas ang circle of friends niya ay lahat ng tsismis ay nasagot. âAng pangunahing bida ba sa proyektong Tomorrow Again ay hindi pa napagdedesisyunan?â Ang proyektong iyon ay isa sa mga dapat sundang proyekto ng Lucero's group sa unang bahagi ng taon. Nabasa na rin ni Nathan ang script at maganda an
âHindi mo alam kung gaano ako kapagod nitong mga nakaraan.â Nang sumapit ang gabi, ang crew na kinabibilangan ni Danica ay binigyan siya ng kalahating araw para magpahinga. Kaya naman agad na pinuntahan niya si Elisia.Ang dalawa ay matagal ng hindi nagkikita at sa wakas, napagdesisyunan nilang pumunta sa bar para maupo. Ang bar pinuntahan nila ay tahimik, nagpapatugtog sila ng malambing na musika at ang mga tao ay abala sa pag-uusap. Pagkaupong-pagkaupo pa lang nila ay nagsimula ng magreklamo si Danica patungkol sa enerhiya niya sa panahong iyon.âSobrang hinahangaan ko na talaga si Duke.â Tinignan ni Danica si Elisia habang sa mukha nito mababasa ang kawalan nito ng masasabi. âIto ang unang beses na nakakita ako ng idol drama na sobrang bagal ng pagkuha. Basta may lugar na hindi maganda, ang lahat ay kailangang ulitin ulit mula sa umpisa.â âHindi ba't mas maganda iyon? Mas lalo kayong gagaling. Mas mabuti na iyon kumpara sa ibang mababa ang kalidad na TV drama sa pamilihan ngayon

âAh, hindi ba ito illegal?â Nagpapanggap na saad ni Elisia.âWala namang batas na nagbabawal no'n.â Hindi sumasang-ayon na saad ng manager, âMrs. Lucero, hindi na ito bago sa mga mayayamang tao. Katulad lang ito ng vitro fertilization.â âTalaga?â Nagpatuloy siya sa pagpapanggap na nag-aalangan. Upang maalis ang naiisip ni Elisia, muling naupo sa tabi niya ang manager at inumpisahang ipaliwanag ang buong proseso at detalye sa bahagi nito. Nang matapos ang lahat, gabi na ng makalabas si Elisia.Matapos makapasok sa loob ng kotse at makaalis sa tindahan, sa wakas ay napanatag din si Jake.âKamusta?â tanong ni Jake.âNa-record ko ang lahat kanina, nandito lahat.â Itinaas ni Elisia ang maliit na camera at mic na hawak habang ang mukha ay may matagumpay na ngiti. âNakapagpa-appointment na rin tayo para sa pagpunta sa kumpanya nila sa susunod na linggo, para makita rin natin kung aling kumpanya ang pinamumunuan talaga ng manager. Ang lakas ng loob nilang magtayo ng kumpanya, talagang hind

Nakasuot lang ng kaswal na suit si Elisia ngayon at hindi na siya naglagay pa ng make-up, ngunit sa kabila no'n ay maganda pa rin namang tignan ang balat niya.Dala niya ang isang simpleng bag, ngunit ang halaga no'n ay anim na numero din. Sumakay siya sa kotse mula sa bahay nila at si Jake ang nagmamaneho.Nang makarating sila sa pintuan ng tindahan, namataan nila ang manager na nakatayo roon para salubungin sila. âMrs. Lucero, nandito ka po pala.â Hindi niya alam kung ilusyon niya lang iyon, dahil pakiramdam niya ay ang ngiti sa mukha ng manager ay tila mas lalong naging intense kumpara noong nakaraang araw na nakita niya ito. Nang makarating si Elisia, napag-alaman niya na siya lang mag-isa ang nasa loob ng malaking tindahan.âMrs. Lucero, espesyal na isinara po namin ang tindahan at tanging ikaw lang ang tatanggapin naming bisita ngayon.âAng ganito kalaking tindahan ay isinara lang? Paniguradong may intensyon ang mga ito. Tumango si Elisia, ngumiti sa manager at pagkatapos ay
âElisia, sabihin mo sa'kin ang totoo, ikaw ba at si Nathan ay may kontratang pagpapakasal?âHabang nasa daan ay paulit-ulit siyang tinatanong ni Jake.At sa maikling oras na iyon, nakaisip na ng sagot si Elisia. âBakit ba pinipilit mo akong sumagot?âSa gilid ng kalsada, si Elisia na palaging kalmado ay bigla na lang nagsalita sa mataas na boses, pinagmumukhang galit ang sarili.Nang magtama ang mga mata nila, napansin ni Jake na bigla na lang namula ang mga mata ni Elisia, dahilan para bigla na lang siya nitong matalo.âElisia, Elisia, huwag kang umiyak. Hindi ko naman gustong pilitin ka, sorry, sorry talaga. Mali ako, nagkamali ako.â Mabilis na nag-alala si Jake at halos wala siyang masabi sa pagiging madaldal at palatanong niya.Tinignan ni Elisia si Jake at sunod-sunod na sumingot habang ang mga luha ay patuloy ang pagdaloy sa pisngi niya.Ito ang unang pagkakataon na nakita ni Jake na umiiyak si Elisia dahilan para sandali siyang matigilan. Sa sandaling iyon, hindi na niya alam
âSo, nakita mo ang asawa ni Nathan kagabi?â Maagang nagising si Elisia ng umagang iyon, nang bumangon siya ay wala na si Nathan at may almusal na inihanda ito sa ibabaw ng lamesa. Plano niyang magpatuloy sa pagtulog, ngunit naalala niya na ilang araw na niyang hindi nakakausap si Danica, kaya naman agad niya itong tinawagan.âYes.â Kinain ni Elisia ang inihandang almusal ni Nathan habang abala sa pakikipag-video call kay Danica.âAno ngayon sa tingin mo, Ms. Elisia?ââTapat kong ginawa ang obligasyon ko. Nang umamin sa'kin ang ibang lalaki, palagi kong inaalala ang obligasyon ko na panatilihin ang kasal na ito at ipahayag ang pagmamahal ko kay Nathan.ââTeka, teka, teka, sabi mo may ibang lalaki ang umamin saâyo?â Magaling si Danica sa pagkuha ng punto pagdating sa tsismis. âSino âyan? âYong kasamahan mo ba sa trabaho?ââPaano mo nalaman?â Medyo nagulat si Elisia, wala pa siyang sinasabi na kahit ano dito.âKahit ang bulag na tao ay makikita iyon, halata naman na interesado sa'yo ang
Sa loob ng sasakyan, tanging si Elisia at Nathan na lang ang natira.Hinubad na ni Elisia ang suot na takong, pagkatapos ay malaya niyang kinuskos ang talampakan pataas at pababa. Tila minamasahe nito ang isa't isa. Pagkatapos ay inayos niya ang sarili sa pagkakaupo at plano niya munang matulog sa byahe. Ang araw na ito ay talagang nakakapagod. âKahit na walang malinaw na kondisyon ang kontrataâŠâ Ngunit kapipikit pa lang ni Elisia ng mga mata ay bigla na lang nagpahayag ng opinyon si Nathan.âUmaasa pa rin ako na sa taong ito, pananatilihin mo ang distansya mo sa mga lalaking nasa paligid mo. Lalong lalo na kay Jake.â âKatrabaho ko si Jake at ginagawa pa rin namin ng magkasama ang in-depth report.â Sa loob-loob ni Elisia ay gusto niyang hindi sumang-ayon dito.âEdi, subukan mong hindi makipagkita sa kanya sa labas ng trabaho.âGustong magreklamo ni Elisia, ngunit nang maisip iyon ay pinigilan niya ang sarili. Ito ang amo niya at ito rin ang magdedesisyon sa huli.âOkay.âPagkatapos