Matapos ibaba ang tawag, mas naging balisa ang galaw ni Elisia. Naalala niya na may nurse station pala sa hindi kalayuan, iniisip niya kung possible niyang iwanan ang bata sa nurse station.Mabuti na lang, bago pa makapagdesisyon si Elisia ay narinig niya ang boses ng batang katabi na tinatawag ang tatay nito.“Papa,” tawag ng bata. Nang lumingon siya ay nakita niya ang lalaking siya ring lumitaw sa harap nila noong gabi. Mabuti na lang talaga at dumating ito.“Sir, masaya ako na nahanap siya, pero mauuna na po akong umalis.” Plano ni Elisia na putulin na muna ang mga batian, ngayon ay mahigpit ang oras. Isa pa ay late na siya. “Ah, Miss hindi ko alam kung paano kitang mapapasalamatan,” nahihiyang saad ni Zach. Sa kadahilanang dalawang magkasunod na beses na siyang nagpapatulong sa iba. “Kung hindi mo mamasamain, pwede kitang ihatid. Mukhang mahirap makahanap ng taxi sa labas ng hospital.” Sang-ayon si Elisia sa punto nito. At kung sasakay naman siya ng bus ay mabagal din. “Salam
Natigilan si Sandra sa naging kilos ni Jewel. Ang ngiti sa labi niya ay agad na naglaho. “Ang maliit na kaibigan ay pagod na,” casual na saad ni Zach habang nakatingin kay Sandra. Paraan din nito iyon para maiwasan ito. Pagkatapos ay tumalikod si Zach at dumiretso sa kwarto.“Tita Sol,” saad niya ng lumitaw sa harap nilang tatlo ang babaeng nasa fifties na ang edad. “Pakidala naman si Jewel para makaligo pagkatapos ay patulugin mo na din.” Tumango si Tita Sol ngunit muling lumingon si Jewel sa ama nito. Tila may nais pang sabihin. Ngunit sa huli ay kinuskos lang nito ang mga mata at nahiga sa balikat ni Tita Sol. Nang mas lumalim ang gabi, lumabas si Zach mula sa shower at namataan si Kassandra na nagpalit ng pajama. Nakahiga na ito sa kama. Ang babae ay nakasuot ng puting silk na pajama, ang kulot nitong buhok ay nakabagsak sa mga balikat nito, pantay ang pagkakaputi nito at maganda. Ang kabuuang itsura nito habang nakahiga sa kama ay pinagmumukha itong sining.Ngunit hindi na i
Nang hingal na tumakbo si Elisia papasok sa dance studio ay kalahating oras na siyang late. Kasalukuyang may international conference call si Nathan at nagbibigay ng mga dapat gawin sa wikang English nang makita niya ang pagdating ni Elisia sa harap ng dance studio. “N-nandito na ako.” Halata ang pagod sa itsura nito. “Take your time, magpahinga ka muna, dahan-dahan lang.” Ang tao sa kabilang linya ay naguluhan ng marinig ang sinabi ni Nathan. Hindi ba't nagsasalita si Mr. Lucero sa wikang English? Ano ang biglang sinabi nito? Tagalog ba iyon? Anong ibig sabihin nito?Sa takot na baka may makaligtaan na mahalagang instructions mula dito, akmang maghahanap na sana siya ng interpreter ngunit muli niyang narinig si Mr. Lucero nang magsalita itong muli ng wikang English. “Sorry, I was talking to my wife just now. Let's stop here for today's meeting. I look forward to your feedback. Goodbye.”Nang mamatay ang tawag ay nananatiling naguguluhan ang tao sa kabilang linya. Ano ang ibig sabi
Tinignan ni Nathan ang sarili sa harap ng salamin. Matanda na siya ngunit hindi pa gaanong matanda. Ngunit mukhang wala na siya masyadong kabuhay-buhay.Sa gitna ng pag-iisip ay nakarinig si Nathan ng boses mula sa likuran niya.Nang lingunin ito, namataan niya si Elisia na ang buhok ay nakabalot sa tuwalya. Nakasuot ito ng maikling manggas na damit at mapusyaw na kulay ng pantalon. Wala itong suot na makeup sa mukha. At ang ngiti sa mukha nito ay tila ulap sa tabi ng dagat sa tag-init, sariwa at maliwanag. Ang tibok ng puso ni Nathan ay tila bahagyang bumagal. Napakaganda talaga nito. Mabilis na hinawi ni Nathan ang iniisip at tinignan ang tuwalyang nasa buhok ni Elisia.“Hindi mo patutuyuin ang buhok mo?” tanong ni Nathan dito. “Masyadong mahaba ang buhok ko, matagal bago ito matuyo. Pagbalik ko na lang patutuyuin.” Ilang beses na niyang pinaghintay si Nathan ngayong araw at nahihiya siyang paghintayin pa ito ng matagal.“Patuyuin mo na bago tayo bumalik.” Kauumpisa pa lang ng ta
Masigla ang pakiramdam ni Nathan ng pumasok siya sa trabaho kinabukasan.Sa gitna ng pagpupulong ay pinuri niya ang manager na dalawang beses nang nag-report na ikinagulat ng lahat ng naroon. Halos lahat ng nasa maagang pagpupulong na iyon ay mayroong WeChat ni Nathan. Ang circle of friends na pinost niya ay nagdulot ng malaking diskusyon sa pagitan ng lahat ng naroon. Sa nagdaang taon, maraming tao na ang nais na makakuha ng pabor kay Nathan. Ngunit gaano man kaganda ang babae nananatiling walang reaksyon si Nathan.Matapos ang meeting, palagi lang siyang nakatuon sa trabaho at wala kahit isang iskandalong kinasangkutan. Maraming tao na rin ang pinagdudahan ang kasarian niya. Ngunit ng lumabas ang circle of friends niya ay lahat ng tsismis ay nasagot. “Ang pangunahing bida ba sa proyektong Tomorrow Again ay hindi pa napagdedesisyunan?” Ang proyektong iyon ay isa sa mga dapat sundang proyekto ng Lucero's group sa unang bahagi ng taon. Nabasa na rin ni Nathan ang script at maganda an
Yumuko si Danica, hindi niya inaasahan na makita ang isang taong ayaw niyang makita.Clara Rodriguez Nakasuot ito ng asul na sportswear, ang itim nitong buhok ay nakapusod pataas. Ang kolorete sa mukha nito ay hindi makapal, ngunit ang bawat bahagi ng mukha nito ay malinaw na maingat ang pagkakagawa. Nang mabanggit si Clara, walang masabi si Danica. Noong nag-se-self media siya. Hindi pa gaanong maayos ang internet kumpara ngayon. Noong mga oras na iyon ay nagbabahagi siya ng mga payong pampaganda sa isang website. Katulad na lang ng pagbabahagi ng iba't ibang makeup, pag-iipit ng buhok at iba pa. Pagkatapos maglabas ng apat hanggang limang video ni Danica at magkaroon ng tagasuporta ay tsaka naman lumabas si Clara.Ngunit ang unang video nito matapos nitong lumabas ay kapareho ng unang video niya, maging sa tono ng pananalita at kabuuang itsura ng makeup. Noong mga panahon na iyon ay tinatawag na walang alam na iskolar si Clara.Ngunit masasabi niyang karapat-dapat ito bilang isan
“Anong ginagawa mo dito?” Si Clara na kanina lang ay mukhang nagmamalaki ay mabilis na napalitan ng galit ang ekspresyon. Ito ang linya ni Mona, ang bida sa Tomorrow Again. “Hindi mo na kailangang magpanggap sa'kin.” Sa bahaging iyon na ginaganapan ni Clara—nalaman ni Mona na si Coach Andrei ay nakikipag-usap sa mga negosyante patungkol sa negosyo. Malinaw na sinabi nito noon na sasanayin sila nito sa grupo upang maging pinakamahusay na atleta sa larangan ng Track and field. Ngunit sa huli, nalaman niya na negosyo lang pala ang lahat. “Sige, nakikinig ako sa'yo. Anong masasabi mo?” Humakbang paunahan si Clara na parang nilalapitan nito ang lalaki sa unahan niya. Pinagmamasdan ito ni Danica mula sa gilid. Namangha siya ng kaunti dito. Nakita na rin niya ang maikling dula nito noon. Sa totoo lang, noong una maraming tao ang nagrereklamo kay Clara. Ayon sa mga ito ay hindi maganda ang naging pagtatanghal nito. Ngunit sa mga oras na iyon, mukhang sinaniban ito ng mga simpleng katangian
“Elisia, bakit ka ba nagkakaganito? Dapat na nakikipagkasundo ka sa mga kasamahan mo sa trabaho. Bakit ikaw pa ang nangunguna sa paggawa ng kaguluhan?” Nang sabihin iyon ni Director Janna, agad na nalungkot si Elisia. Interesante talaga ang direktor na ito. Maging ang asong gustong makakuha ng pabor kay Rain araw-araw ay hindi iyon matatagalan. Dati, hindi niya maintindihan ang sitwasyon at ayaw niyang magsalita ng kahit ano. Ngayon, ito na ang lumapit at sinisisi siya ng walang dahilan. “Director Janna, alin sa mga mata mo ang nakakita na inaapi at minamali ko si Rain?” Ilang taon nang nagtatrabaho dito si Janna. Kahit na hindi siya ang may kontrol sa unit, marami naman siyang nirerespetong tao sa araw-araw . Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakakita siya ng taong inirereklamo ang sarili nang may kumpiyansa sa harap ng maraming tao. Hindi niya ito lubos na matatanggap.“Nakita ng parehong mata ko.” Tumaas ang boses ni Janna at mas naging seryoso ang ekspresyon. Ramdam niya ang
“Tina, bakit pakiramdam ko ang wirdo ng mga nangyayari.” Si Mike at ang store manager ay lumabas ng kwarto at pinaalis ang mga taong nasa paligid nila. Lumapit si Mike sa manager at sinabi rito ang pagdududa niya. “Anong problema?” Hindi pa rin ito gaanong maintindihan ng manager.“Sabihin mo, talaga ba na ang dalawang taong iyon ay si Mr. Lucero at Mrs. Lucero?” Tinignan ni Mike ang manager ng may mahinahong ekspresyon sa mukha. “Sa pagkakaalam ko, si Nathan Lucero lang ang nag-iisang tagapagmana ng Lucero's Group. Ang matandang Lucero ay isang taong hindi nagbabago ng isip. Sa tingin mo ba, papayag ang matandang Lucero na ang apo niya ay naghahanap ng taong magdadala ng items para sa kanya? At kasal na siya, bakit kailangan pa niya ng taong magdadala ng items para sa kanya?”“Marahil dahil naaawa siya sa sakit na mararamdaman ng asawa niya sa panganganak. Normal naman iyon,” saad ng manager, “Marami tayong mayayamang asawang babae noon na pumunta sa'tin dahil nag-aalala sila na maw
Nakaupo si Elisia sa tabi nito, bahagyang nalula siya sa mga sinabi nito. Pakiramdam niya ay maling gamot ang nainom nito ngayon. Sa huli, dalawang beses lang siyang naubo, hindi na siya kumibo pa at tahimik na lang na naupo sa tabi nito.Ikinalma ni Jake ang sarili at inobserbahan ang estado ng dalawang tao sa likuran niya sa rearview mirror. Matapos magmaneho ng mahigit kalahating oras, ang senaryo sa paligid nila ay mas lalong umonti. At sa wakas, ang kotse ng store manager ay huminto sa puting building.“Mr. Lucero, Mrs. Lucero.” Pagkaparada ng sasakyan, tumakbo palabas ng kotse ang store manager at magalang na sinalubong sila Nathan at Elisia.Ang dalawa ay nagkasundo sa loob ng kotse. Dahil handa siyang tulungan ni Nathan, sisiguraduhin ni Elisia na gagamitin niya ito ng tama. Kaya naman ng makababa sa kotse, natural na kinuha niya ang mga braso nito.Naglakad silang apat papalapit sa gate. Nang makita nila ang puting building sa harap nila, hindi pa rin maiwasang magulat ni E
Matapos dumating ni Nathan, mas lalong naging mapagbigay ito. Gumastos lang naman ito ng nagkakahalaga ng walong numero sa tindahan.Hindi niya alam kung ang paggastos nito ay para galitin si Jake o para tuluyang maalis ang pagdududa ng store manager. Ngunit ano man sa dalawa, ang paggastos na iyon ay talagang labis na ikinabahala ni Elisia.Okay, ang pera ba ng mayayaman ay hindi mabibilang na pera? Ang gano'n kalaking pera, gagastusin lang nito dahil sinabi nito?Sobrang nababahala si Elisia, ngunit sa kabila no'n ay hindi naman maitago ang ngiti sa mukha ng store manager. Matapos ang kalahating oras, matapos ang paalala ni Elisia, sa wakas ay opisyal na itong nailagay sa pang-araw-araw na routine. Ang store manager ang nagmamaneho sa unahan upang pangunahan ang daan. Sa likod naman nito ay si Jake, at si Nathan at Elisia ay nakaupo sa likurang upuan. Sinusundan nila ang kotse ng manager papunta sa destinasyon nila.“Bakit nandito ka? Wala ka bang gagawin ngayong hapon?” Medyo nasu
“Mr. Lucero, may bagay akong ire-report sa’yo.”Katatapos lang ni Nathan sa meeting at kasalukuyan niyang binabasa ang bagong kontrata na para sa proyektong promosyon, nang kumatok si Simon sa pinto ng opisina niya. “Anong problema?”“Ngayon lang, ang asawa mo ay nagpunta sa bagong bilihan ng electronic equipment sa lungsod at bumili siya ng maliit na camera at microphones.”Pagkasabing-pagkasabi no’n ni Simon, si Nathan na nakayuko at abala sa pagpirma ng mga dokumento ay mabilis na naitaas ang ulo at tumingin kay Simon. “Kaibigan ko ang manager ng electronic equipment store. Sinabi niya lang sa'kin na may customer daw sila na bumili ng latest na equipment at bumili ng nagkakahalaga ng libo-libo ng hindi man lang kumukurap,” mabilis na paliwanag ni Simon, “Nagpadala rin siya sa'kin ng larawan. Nang makita ko, doon ko nalaman na ang asawa mo ‘yon.”Nang sabihin niya iyon, mabilis na ipinakita ni Simon kay Nathan ang chat record nila ng kaibigan niya.Nilakihan ni Nathan ang larawan
“Handa ka na?” Sa loob ng opisina, si Elisia at Jake ay handa ng umalis. Naglagay na ng maliit na camera si Elisia, may kasama na itong radio function. Para sa kaligtasan niya, nagdala rin si Elisia ng pepper spray at ilang maliliit na kagamitan para maprotektahan ang sarili. Kung saan inilagay niya sa isang mamahaling bag na nabili niya sa luxury store ilang araw na ang nakalilipas. “Tara na.” Tinapik ni Elisia ang bag at ramdam niya na halos handa na ito. Kaya naman sinabihan niya si Jake na umalis na.Ang dalawa ay sabay na umalis sa trabaho habang mababakas naman sa mukha nila ang espiritu ng pagiging palaban. Ang postura nila ay naagaw ang pansin ng mga kasamahan nila sa trabaho. Ilan sa kanila ay nagsama-sama at nagbulungan.“Narinig ko na nakakuha raw ng malaking balita si Elisia at Jake.”“Malaking balita, anong klaseng malaking balita naman iyon?” Nang marinig iyon, ang katrabaho na katabi niya ay napuno ng pagkadisgusto, “Sa panahon ngayon, mas mabilis na nalalaman ng mga
Kinaumagahan, nang magising si Danica, nakaalis na si Elisia. Bago umalis, naghanda ito ng mga bagong damit para kanya. Nang makapagpalit ng damit at makalabas, namataan niyang may nakaupo sa sala sa labas. Mukhang suot rin ni Duke ang bagong damit ni Nathan. May almusal na rin sa lamesa. Nang marinig nitong bumukas ang pinto, tumingala ito at tinignan si Danica. Nang magtama ang mga mata nila ay nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na pagkailang.“Magandang umaga,” naiilang na unang bumati si Duke, “Pumasok na sa trabaho si Nathan at Elisia, kumain ka muna ng almusal.” Dahil sinabi na nito, nahiya na ring tumanggi si Danica.Kaya naman sinunod na lang niya ang sinabi nito at naupo sa hapag.May gatas at sandwich sa lamesa, kaya naman masunuring ininom ni Danica ang gatas. “Salamat kahapon.” Kahit na lasing si Duke, may impresyon pa rin siya sa naging ugali nito kagabi. “Sinabi ni Nathan na nagulo kita. Wala naman akong nagawang nakakahiya, ‘di ba?” Nang makitang walang maalala
Parang may humaplos sa puso ni Danica at Elisia sa sinabi ni Nathan.Matapos ang lahat, ang assistant ni Kyla ang pinakahuli sa mga may kinalaman sa bagay na ito. “Pero ang magagawa ko lang sa kasalukuyan ay ang kontakin ang assistant ni Kyla para alamin kung handa ba itong linawin at sabihin ang mga kasinungalingan ni Kyla. Kung hindi niya gusto, hindi natin siya pipilitin.” Nagmamaneho si Nathan ng may kalmadong ekspresyon sa mukha. “Mas mabuti kung lilinawin niya iyon, pero malilinis pa rin naman natin ang pangalan ni Duke kahit wala siya.” “Salamat, President Lucero.” Nang maisip ang nakakaawang itsura ni Duke kanina ay kusang nasabi iyon ni Danica.Sinulyapan ni Nathan si Danica sa rearview mirror at nasaksihan niya itong nakatingin kay Duke. “Hindi na iyon mahalaga, parang kapatid ko na si Duke, gagawin ko ang lahat para malinis ang pangalan niya.”Matapos sabihin iyon ni Nathan, biglang napagtanto ni Danica ang sinabi nito. Si Nathan at Duke ay mabuting magkaibigan, hindi nga
Napataas ang tingin ni Duke sa hawak ni Danica. Tinignan niya ito ng may mamasa-masang mata.Natigilan si Danica sa ekspresyon nito. Ito ang unang beses na may lalaking tumingin sa kanya ng ganito dahilan para hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya. Gusto niyang bawiin ang kamay sa pagkataranta, ngunit pinangunahan siya ni Duke, ipinatong nito ang malaking kamay sa ibabaw ng kamay niya.“Napakabait mo, Danica.”Naalarma ang bell sa puso ni Danica. Ang maharot na tono ni Duke ay iwinawala siya sa katinuan. Si Director Duke na madalas ay seryoso ay bigla na lang naging maharot na tuta.Ang ganitong presensya nito ang dahilan para hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang gawin.Matapos ang mahabang sandali, tinanggal niya ang kamay sa ilalim ng palad ni Duke at pagkatapos ay kinuhanan niya ito ng ilang pagkain gamit ang chopsticks. “Kumain ka na, huwag kang mag-isip ng ibang bagay.” Nang maisip na may taong sasamahan siya, pinulot ni Duke ang chopsticks at kumain ng may masama
Dahil sinabi ni Nathan na siya na ang bahala, sisiguraduhin niya na maaayos niya ito.Nang sa wakas ay matapos ang filming, hinikayat ni Nathan si Duke na huwag ng masyadong mag-isip. Siya na ang bahala sa iba. Sa grupo nila, nagsalita rin si Mikey, sinabi nito na mag-po-post din ito sa Weibo para ipagtanggol si Duke.Matapos ang lahat, mayroon ding mga tagahanga si Mikey sa circle.Nakaramdam ng sobrang pagod si Duke. Matapos gawin iyon ni Kyla, imposible ng matuloy ang pakikipagtrabaho niya rito. Ang role nito ay positibo rin. Teammate ito ni Sol na ginanapan ni Danica. May magandang proseso rin ito ng paglago at ilang highlights sa palabas. Pero ngayon, nang makita ang estado ni Kyla ng paglalagay ng asin sa sugat, hindi nito kayang gampanan ng maayos ang role nito. Nagpadala siya ng mensahe kay Nathan, sinabi niya na hindi niya hahanapin si Kyla para sa role nito. Magpapalit na lang sila ng tauhan. Sinabihan lang siya ni Nathan na kumalma muna at bibigyan siya nito ng resulta.H