Masigla ang pakiramdam ni Nathan ng pumasok siya sa trabaho kinabukasan.Sa gitna ng pagpupulong ay pinuri niya ang manager na dalawang beses nang nag-report na ikinagulat ng lahat ng naroon. Halos lahat ng nasa maagang pagpupulong na iyon ay mayroong WeChat ni Nathan. Ang circle of friends na pinost niya ay nagdulot ng malaking diskusyon sa pagitan ng lahat ng naroon. Sa nagdaang taon, maraming tao na ang nais na makakuha ng pabor kay Nathan. Ngunit gaano man kaganda ang babae nananatiling walang reaksyon si Nathan.Matapos ang meeting, palagi lang siyang nakatuon sa trabaho at wala kahit isang iskandalong kinasangkutan. Maraming tao na rin ang pinagdudahan ang kasarian niya. Ngunit ng lumabas ang circle of friends niya ay lahat ng tsismis ay nasagot. “Ang pangunahing bida ba sa proyektong Tomorrow Again ay hindi pa napagdedesisyunan?” Ang proyektong iyon ay isa sa mga dapat sundang proyekto ng Lucero's group sa unang bahagi ng taon. Nabasa na rin ni Nathan ang script at maganda an
Yumuko si Danica, hindi niya inaasahan na makita ang isang taong ayaw niyang makita.Clara Rodriguez Nakasuot ito ng asul na sportswear, ang itim nitong buhok ay nakapusod pataas. Ang kolorete sa mukha nito ay hindi makapal, ngunit ang bawat bahagi ng mukha nito ay malinaw na maingat ang pagkakagawa. Nang mabanggit si Clara, walang masabi si Danica. Noong nag-se-self media siya. Hindi pa gaanong maayos ang internet kumpara ngayon. Noong mga oras na iyon ay nagbabahagi siya ng mga payong pampaganda sa isang website. Katulad na lang ng pagbabahagi ng iba't ibang makeup, pag-iipit ng buhok at iba pa. Pagkatapos maglabas ng apat hanggang limang video ni Danica at magkaroon ng tagasuporta ay tsaka naman lumabas si Clara.Ngunit ang unang video nito matapos nitong lumabas ay kapareho ng unang video niya, maging sa tono ng pananalita at kabuuang itsura ng makeup. Noong mga panahon na iyon ay tinatawag na walang alam na iskolar si Clara.Ngunit masasabi niyang karapat-dapat ito bilang isan
“Anong ginagawa mo dito?” Si Clara na kanina lang ay mukhang nagmamalaki ay mabilis na napalitan ng galit ang ekspresyon. Ito ang linya ni Mona, ang bida sa Tomorrow Again. “Hindi mo na kailangang magpanggap sa'kin.” Sa bahaging iyon na ginaganapan ni Clara—nalaman ni Mona na si Coach Andrei ay nakikipag-usap sa mga negosyante patungkol sa negosyo. Malinaw na sinabi nito noon na sasanayin sila nito sa grupo upang maging pinakamahusay na atleta sa larangan ng Track and field. Ngunit sa huli, nalaman niya na negosyo lang pala ang lahat. “Sige, nakikinig ako sa'yo. Anong masasabi mo?” Humakbang paunahan si Clara na parang nilalapitan nito ang lalaki sa unahan niya. Pinagmamasdan ito ni Danica mula sa gilid. Namangha siya ng kaunti dito. Nakita na rin niya ang maikling dula nito noon. Sa totoo lang, noong una maraming tao ang nagrereklamo kay Clara. Ayon sa mga ito ay hindi maganda ang naging pagtatanghal nito. Ngunit sa mga oras na iyon, mukhang sinaniban ito ng mga simpleng katangian
“Elisia, bakit ka ba nagkakaganito? Dapat na nakikipagkasundo ka sa mga kasamahan mo sa trabaho. Bakit ikaw pa ang nangunguna sa paggawa ng kaguluhan?” Nang sabihin iyon ni Director Janna, agad na nalungkot si Elisia. Interesante talaga ang direktor na ito. Maging ang asong gustong makakuha ng pabor kay Rain araw-araw ay hindi iyon matatagalan. Dati, hindi niya maintindihan ang sitwasyon at ayaw niyang magsalita ng kahit ano. Ngayon, ito na ang lumapit at sinisisi siya ng walang dahilan. “Director Janna, alin sa mga mata mo ang nakakita na inaapi at minamali ko si Rain?” Ilang taon nang nagtatrabaho dito si Janna. Kahit na hindi siya ang may kontrol sa unit, marami naman siyang nirerespetong tao sa araw-araw . Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakakita siya ng taong inirereklamo ang sarili nang may kumpiyansa sa harap ng maraming tao. Hindi niya ito lubos na matatanggap.“Nakita ng parehong mata ko.” Tumaas ang boses ni Janna at mas naging seryoso ang ekspresyon. Ramdam niya ang
“Okay, magsalita ka na.” Itinaas ni Elisia ang kamay, maging ang ulo niya at sinenyasan si Kyle na magsalita na.“Inaamin ko na nakokonsensya ako sa’yo pagdating sa nararamdaman mo.” Tinignan ni Kyle si Elisia nang may nakokonsensyang ekspresyon sa mukha, “Pero Elisia, umaasa ako na maiintindihan mo ako.” “Alam mo rin na ilang taon nang walang maayos na trabaho ang tatay ko at gusto palaging magsugal tuwing regular na araw. Ang nanay ko lang ang kumikita ng pera para sa pamilya namin. Ito ang naging dahilan kung bakit naging sobrang lakas ng nanay ko, dahil malakas siya.”Nang marinig ang sinabi ni Kyle ay unti-unti na namang umaangat ang pandidiri ni Elisia dito. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, ang maginoo at mabait na batang lalaki noong kabataan niya at ang lalaki sa harap niya ay malaki ang pagkakaiba.“Unang nagkita kami ni Rain noong may proyekto kami sa pananaliksik.” Ito ang unang beses na sinabi ni Kyle kay Elisia ang tungkol sa mga bagay sa pagitan nila ni Rain. Matapos a
“Hindi ba tayo sasayaw ngayon?” Habang nasa daan, napansin ni Elisia na hindi tama ang dinadaanan nila.“Hindi, magpahinga muna tayo.” Napansin ni Nathan ang pangingitim ng ilalim ng mata ni Elisia nitong dalawang araw na nagdaan. Nagtatrabaho ito sa umaga, sumasayaw pagkatapos ng trabaho at sinasamahan siyang matulog sa gabi. Ramdam ni Nathan na masyadong abala at pagod si Elisia.Nang marinig ang sinabi nito ay nakaramdam ng kaunting tuwa ni Elisia. Hindi dahil ayaw niyang sumayaw kun'di dahil kailangan niya ng kaunting pahinga.Pagkatapos niyang hikayatin si Nathan na matulog, kailangan niyang pumunta sa kwarto niya para gumuhit ng komiks. Ngayon ay meron na siyang umuusad na comics series araw-araw. At kailangan niyang ipasa iyon kada linggo. Ang tanging oras na nakakapagguhit siya ng komiks ngayon ay tuwing gabi lang. Matapos ang sampung minuto, nang makarating sila sa bahay ay sabay silang umakyat sa taas. Nang sulyapan niya ang oras ay alas-siyete na ng gabi!Mukhang dapat na
Tama nga, nang maupo si Elisia ay pasuray-suray na ang katawan nito. Wala sa loob na lumapit si Nathan para masuportahan siya. Nang lumabo na ang mga mata ay sumandal siya sa mga braso ni Nathan.Hinawakan ni Nathan ang mga balikat ni Elisia gamit ang parehong kamay. At ang buong dibdib niya ay nagsilbing sandalan ni Elisia. Marahil dahil mainit sa pakiramdam ang yakap ni Nathan o baka dahil masyado lang napagod si Elisia sa nakalipas na dalawang araw kaya matapos uminom ng marami ang talukap ng mga mata niya ay bumibigat na. Tila ba anumang segundo ay lalamunin na siya ng antok.“Tara na.” Nang makita siya ay si Mikey ang unang unang nagsalita. Sinulyapan nito si Dylan—na nakahiga na sa tabi niya dala ng antok. Hinila nito si Dylan patayo. “Sasabihan ko ang driver na ihatid kayo,” saad ni Nathan sa mahinang boses. “Hindi na, may susundo na sa'min.” Iwinagayway ni Duke ang mga kamay tanda na dapat niyang alagaan si Elisia. Ang tatlo ay sinuportahan ang lasing na si Dylan at sabay-
Sa gano'ng paraan, ang pagiging mapagmatyag ni Elisia dito ay unti-unting humupa. Ngunit mababakas ang kaunting pagkapahiya sa mukha niya.“Sorry,” paghingi ng paumanhin ni Elisia sa hindi magandang naging akto niya.“Okay lang.” Iwinagayway ni Nathan ang kamay, “Naiintindihan ko, pero masasabi kong nagkaroon ako ng kaunting pagkamakasarili.” Seryosong tinignan ni Nathan si Elisia.“Anong pagkamakasarili?”Si Nathan ay isang boss ng malaking kumpanya at hindi ito nagkukulang sa pera. Narito na ang lahat ng gusto nito. Anong pagkamakasarili pa ba ang posibleng narito? “Kagabi, nakahiga tayong pareho sa iisang higaan. Habang hawak ko ang kamay mo, ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang kapanatagan.” Sa loob ng sampung taon ay walang oras na kumportable siya at payapa katulad ng kagabi. “Salamat.” Nauunawaan ni Elisia na isa iyong papuri mula dito. Malinis ang intensyon nito at mukhang seryoso naman itong walang nangyari. At sinabi nitong magandang bagay iyon kaya nakaramdam ng hiya si
Matapos ang gabing paghihirap, nang matapos ni Duke ang lahat ay napatingin siya sa cellphone at nakitang ala-una na agad ng umaga. Tanging 5% na lang ang battery ng cellphone niya.Mabuti na lang, ang cellphone niya at ni Danica ay pareho lang ng modelo. Inilabas niya ang charger nito sa loob ng bag at isinaksak iyon sa cellphone niya.Napansin niya na may cabinet ng alak sa labas ng bahay nito, kaya naman nagbukas siya ng isang boteng beer para sa sarili. Naging abala siya buong gabi, kaya okay lang naman siguro na magbukas siya ng isang boteng beer.Ang ilaw sa loob ng bahay ay hindi gaanong maliwanag ngunit tamang-tama lang iyon para makapagpahinga.Ang bahay ni Danica ay sobrang laki, ngunit ang dekorasyon ay simple lang at mainit sa pakiramdam. Ang kulay ng bahay nito ay gray. Wala ring telebisyon sa sala, ngunit mayroong sofa at projector.Sa tabi nito ay puting cabinet, at may malaking dingding sa gilid. Ang buong dingding ay puno ng mga larawan. Kinuha ni Duke ang alak at na
Matapos ang gabing paghihirap, nang matapos ni Duke ang lahat ay napatingin siya sa cellphone at nakitang ala-una na agad ng umaga. Tanging 5% na lang ang battery ng cellphone niya.Mabuti na lang, ang cellphone niya at ni Danica ay pareho lang ng modelo. Inilabas niya ang charger nito sa loob ng bag at isinaksak iyon sa cellphone niya.Napansin niya na may cabinet ng alak sa labas ng bahay nito, kaya naman nagbukas siya ng isang boteng beer para sa sarili. Naging abala siya buong gabi, kaya okay lang naman siguro na magbukas siya ng isang boteng beer.Ang ilaw sa loob ng bahay ay hindi gaanong maliwanag ngunit tamang-tama lang iyon para makapagpahinga.Ang bahay ni Danica ay sobrang laki, ngunit ang dekorasyon ay simple lang at mainit sa pakiramdam. Ang kulay ng bahay nito ay gray. Wala ring telebisyon sa sala, ngunit mayroong sofa at projector.Sa tabi nito ay puting cabinet, at may malaking dingding sa gilid. Ang buong dingding ay puno ng mga larawan. Kinuha ni Duke ang alak at na
Niyakap ni Nathan si Elisia, payat lang ang pangangatawan nito. Kahit katatapos lang mag-inom, nagawa pa ring buhatin ito ni Nathan.Dahan-dahan niyang inilagay ito sa passenger seat at inayos ang seatbelt nito. Nang mapalapit siya rito, hindi napigilan ni Nathan na mapatitig sa mukha nito. Hindi nito sinusubukang magpakitang gilas kapag kasama siya o maski ang magmayabang sa harap ng ibang tao. Matapos makatulog, tila parang isang mabait na kuneho ito.Ipinikit nito ang mga mata, ang mga pilik-mata nito ay mahaba at nakakulot ng bahagya. Ang ilong nito ay maliit at ang mukha ay namumula dala ng alak.Ang oras ay tila sandaling tumigil sa paggalaw, unti-unting bumaba ang ulo ni Nathan palapit kay Elisia hanggang magdikit ang mga labi nila. Nang magising siya at mamalayan ang ginawa ay labis siyang nabahala. Mabilis siyang naupo sa upuan niya habang ang mga kamay ay nasa steering wheel ng sasakyan. Naipako niya ang mga mata sa unahan, pakiramdam niya ay nawawala siya.Anong nangyari
Niyakap ni Nathan si Elisia, payat lang ang pangangatawan nito. Kahit katatapos lang mag-inom, nagawa pa ring buhatin ito ni Nathan.Dahan-dahan niyang inilagay ito sa passenger seat at inayos ang seatbelt nito. Nang mapalapit siya rito, hindi napigilan ni Nathan na mapatitig sa mukha nito. Hindi nito sinusubukang magpakitang gilas kapag kasama siya o maski ang magmayabang sa harap ng ibang tao. Matapos makatulog, tila parang isang mabait na kuneho ito.Ipinikit nito ang mga mata, ang mga pilik-mata nito ay mahaba at nakakulot ng bahagya. Ang ilong nito ay maliit at ang mukha ay namumula dala ng alak.Ang oras ay tila sandaling tumigil sa paggalaw, unti-unting bumaba ang ulo ni Nathan palapit kay Elisia hanggang magdikit ang mga labi nila. Nang magising siya at mamalayan ang ginawa ay labis siyang nabahala. Mabilis siyang naupo sa upuan niya habang ang mga kamay ay nasa steering wheel ng sasakyan. Naipako niya ang mga mata sa unahan, pakiramdam niya ay nawawala siya.Anong nangyari?
Ang mga sinabi ni Elisia ang nakapagpaintindi kay Danica na ang mga nakaraang inaalala niya ay hindi naman kailangan.Natatakot siya na mahulog ang loob ni Elisia kay Nathan dahil natatakot siyang makita itong masaktan.Itinadhana sila na magmula sa magkaibang mundo. Ang bagay na iyon ay hindi maitatangging katotohanan.Ang dalawa ay nag-usap ng magdamag at sa wakas naunang mag-ring ang cellphone ni Elisia.Nang makita kung sino ang tumatawag, mabilis na diretsong naupo si Elisia at ang buong pagkatao niya ay magalang na sumunod. “Hello, Mr. Lucero~”Nang marinig ang itinawag nito sa kanya ay bahagyang nangunot ang noo ni Nathan. Bakit nag-umpisa na naman itong tawagin siyang gano'n?“Oh, hindi, Nathan, anong problema~”Ngunit nang sumunod na segundo ay maingat na pinalitan ni Elisia ang itinawag nito sa kanya. Pinalitan nito ng matamis na pagtawag. “Nasaan ka?” Mabilis na naging magaan ang mood ni Nathan.“Kasama ko si Danica.” Bilang asawa ni Elisia, natural na alam niya kung sino
“Hindi mo alam kung gaano ako kapagod nitong mga nakaraan.” Nang sumapit ang gabi, ang crew na kinabibilangan ni Danica ay binigyan siya ng kalahating araw para magpahinga. Kaya naman agad na pinuntahan niya si Elisia.Ang dalawa ay matagal ng hindi nagkikita at sa wakas, napagdesisyunan nilang pumunta sa bar para maupo. Ang bar pinuntahan nila ay tahimik, nagpapatugtog sila ng malambing na musika at ang mga tao ay abala sa pag-uusap. Pagkaupong-pagkaupo pa lang nila ay nagsimula ng magreklamo si Danica patungkol sa enerhiya niya sa panahong iyon.“Sobrang hinahangaan ko na talaga si Duke.” Tinignan ni Danica si Elisia habang sa mukha nito mababasa ang kawalan nito ng masasabi. “Ito ang unang beses na nakakita ako ng idol drama na sobrang bagal ng pagkuha. Basta may lugar na hindi maganda, ang lahat ay kailangang ulitin ulit mula sa umpisa.” “Hindi ba't mas maganda iyon? Mas lalo kayong gagaling. Mas mabuti na iyon kumpara sa ibang mababa ang kalidad na TV drama sa pamilihan ngayon
Nang malaman na hindi naman gaanong seryoso ang sakit ni Sandra, hindi nagmadaling umalis si Nathan.Matapos ang lahat, nahimatay ito sa harap ng opisina niya at kung aalis siya habang hindi pa ito nagigising ay hindi naman iyon tama. Kaya naman inumpisahan na lang ni Nathan ang trabaho sa labas ng ward. Walang ibang tao sa palapag na iyon, tanging si Nathan lang at Simon. Si Simon ay talagang isang magaling na assistant dahil kaya nitong ibigay ang lahat ng pangangailangan ni Nathan kahit anong oras.“Sandra, Sandra, may problema ba?” Ang tahimik na palapag ay bahagyang umingay dahil sa pagdating ng isa pang tao. Itinigil ni Nathan ang trabaho at nakita ang medyo pamilyar na tao.Matapos halukatin ang laman ng isipan, naalala niya na kung sino ang nasa harap niyang medyo may katandaang lalaki. Si Ivan Rojo, ang dating agent ni Sandra. Sa nakalipas na taon, matapos pumunta sa ibang bansa ni Sandra, madaming artista rin ang napalaki ni Ivan. Sa kasalukuyan, ang mga artista na iyon
“Ah, hindi ba ito illegal?” Nagpapanggap na saad ni Elisia.“Wala namang batas na nagbabawal no'n.” Hindi sumasang-ayon na saad ng manager, “Mrs. Lucero, hindi na ito bago sa mga mayayamang tao. Katulad lang ito ng vitro fertilization.” “Talaga?” Nagpatuloy siya sa pagpapanggap na nag-aalangan. Upang maalis ang naiisip ni Elisia, muling naupo sa tabi niya ang manager at inumpisahang ipaliwanag ang buong proseso at detalye sa bahagi nito. Nang matapos ang lahat, gabi na ng makalabas si Elisia.Matapos makapasok sa loob ng kotse at makaalis sa tindahan, sa wakas ay napanatag din si Jake.“Kamusta?” tanong ni Jake.“Na-record ko ang lahat kanina, nandito lahat.” Itinaas ni Elisia ang maliit na camera at mic na hawak habang ang mukha ay may matagumpay na ngiti. “Nakapagpa-appointment na rin tayo para sa pagpunta sa kumpanya nila sa susunod na linggo, para makita rin natin kung aling kumpanya ang pinamumunuan talaga ng manager. Ang lakas ng loob nilang magtayo ng kumpanya, talagang hind
Nakasuot lang ng kaswal na suit si Elisia ngayon at hindi na siya naglagay pa ng make-up, ngunit sa kabila no'n ay maganda pa rin namang tignan ang balat niya.Dala niya ang isang simpleng bag, ngunit ang halaga no'n ay anim na numero din. Sumakay siya sa kotse mula sa bahay nila at si Jake ang nagmamaneho.Nang makarating sila sa pintuan ng tindahan, namataan nila ang manager na nakatayo roon para salubungin sila. “Mrs. Lucero, nandito ka po pala.” Hindi niya alam kung ilusyon niya lang iyon, dahil pakiramdam niya ay ang ngiti sa mukha ng manager ay tila mas lalong naging intense kumpara noong nakaraang araw na nakita niya ito. Nang makarating si Elisia, napag-alaman niya na siya lang mag-isa ang nasa loob ng malaking tindahan.“Mrs. Lucero, espesyal na isinara po namin ang tindahan at tanging ikaw lang ang tatanggapin naming bisita ngayon.”Ang ganito kalaking tindahan ay isinara lang? Paniguradong may intensyon ang mga ito. Tumango si Elisia, ngumiti sa manager at pagkatapos ay