Sa gano'ng paraan, ang pagiging mapagmatyag ni Elisia dito ay unti-unting humupa. Ngunit mababakas ang kaunting pagkapahiya sa mukha niya.“Sorry,” paghingi ng paumanhin ni Elisia sa hindi magandang naging akto niya.“Okay lang.” Iwinagayway ni Nathan ang kamay, “Naiintindihan ko, pero masasabi kong nagkaroon ako ng kaunting pagkamakasarili.” Seryosong tinignan ni Nathan si Elisia.“Anong pagkamakasarili?”Si Nathan ay isang boss ng malaking kumpanya at hindi ito nagkukulang sa pera. Narito na ang lahat ng gusto nito. Anong pagkamakasarili pa ba ang posibleng narito? “Kagabi, nakahiga tayong pareho sa iisang higaan. Habang hawak ko ang kamay mo, ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang kapanatagan.” Sa loob ng sampung taon ay walang oras na kumportable siya at payapa katulad ng kagabi. “Salamat.” Nauunawaan ni Elisia na isa iyong papuri mula dito. Malinis ang intensyon nito at mukhang seryoso naman itong walang nangyari. At sinabi nitong magandang bagay iyon kaya nakaramdam ng hiya si
Tinawagan ni Elisia si Jake at plano niyang magsabi dito para makapag-leave muna sa trabaho. “Bakit bigla mo na lang gustong lumiban sa trabaho kung kailan katatapos mo lang magtanghalian?” Hininaan ni Jake ang boses at tumayo sa gilid ng pasilyo. “Pupunta rin ang direktor sa meeting mamayang hapon. Kapag hindi ka pumunta, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ni Janna at Rain.” “Okay lang, normal na leave ang hinihiling ko, personal leave. Nagpasa na ako ng mga pormalidad. Gusto ko lang sabihin sa’yo na may nangyaring hindi inaasahan. Parang-awa mo na, tulungan mo ako,” saad ni Elisia, “Lilibre kita ng hapunan pagbalik ko.” Matapos no'n ay binaba na ni Elisia ang cellphone. “Tara na, te. Labas tayo punta tayo sa karnabal.” Kinuha ni Elisia ang kamay ni Danica at plano niyang lumabas para maglakad ngunit iniling nito ang ulo. “Ayoko, gusto kong manood ng movie.” Kaya't matapos ang kalahating oras, si Elisia at Danica ay sabay na umuwi sa bahay. Ang bahay ni Danica ay kabibili lang
Bakit wala siya dito ngayon?Hindi pinansin ni Nathan ang station manager na nangunguna sa daan. Humakbang siya palapit. Nang isang metro na lang ang pagitan niya sa workstation ni Elisia ay huminto siya.Habang nakatayo doon, kitang-kita niya ang mga bagay na nakalagay sa workstation ni Elisia. Napakalinis nito at walang masyadong gamit ang nakapatong doon. Maliban sa computer na naroon ay may ilang gamit lang ang nasa ibabaw. May mga notebooks at lapis. Sa taas at kanang bahagi ay may paso ng halaman na simple at malinis tignan. Nang makita ng station manager ang pagtigil ni Nathan, sikreto itong nakipagpalitan ng tingin sa deputy station manager. Iniisip ba ni Mr. Lucero na tignan ang opisina ng asawa? Ngunit nahihiya lang itong magtanong? Kaya naman plano ng tagapangasiwa ng istasyon na samantalahin ang sitwasyon at gawan ng paraan si Nathan.“Mr. Lucero, ang opisina sa loob ay ang opisina na hinanda namin para sa mga magagaling na mamamahayag na kasisimula lang ngayong taon. Pw
Hindi gaanong nakapagpahinga si Danica nitong mga nakaraan dahil naging abala siya sa paghahanda para sa interbyu at sa araw-araw na trabaho niya. Matapos panoorin ang palabas ay agad din siyang nakatulog. Nagtungo si Elisia sa kwarto at kumuha ng kumot para kay Danica. Binalutan niya ito ng kumot, pagkatapos ay kinuha ang digital tablet para sa planong pagguhit para sa gagawing komiks.Nang bilhin ni Danica ang bahay ay naghanda rin ito ng isa pang kwarto para sa kanya. Maliban sa kwarto, mayroon ding iba't ibang personal na kagamitan kasama na ang digital tablet. Naaalala pa ni Elisia noong hawakan ni Danica ang kamay niya at ipakita sa kanya ang lugar na nireserba nito para sa kanya. Naaalala pa ni Elisia noong unang nalaman niyang may sakit si Jace. Nalugmok siya noon, mabuti na lang at kasama niya si Danica noong mga oras na ‘yon. Maraming beses na naniwala si Elisia na hangga't may Elisia at Danica sa mundo, hindi siya matatakot gaano man karami ang paghihirap na kahaharapin ni
Nang makitang maraming mga nakakainsultong pribadong mensahe at komento para sa kanya. Nakaramdam ng galit si Elisia noong una ngunit unti-unti ay tila namanhid na siya.Maya-maya ay naisip niya kung gaano kalungkot ang mararamdaman ni Danica kapag kinaharap nito ang mga ganitong bagay. Mas lalo siyang nalulungkot para dito. “Anong ginagawa mo?”Nakatingin si Elisia cellphone niya ngunit nakarinig siya ng tila naguguluhang boses. Nang iangat niya ang paningin ay namataan niyang si Danica iyon na kagigising lang.“Wala.” Tinignan ni Elisia si Danica, “Nakikipagtalo sa mga netizens.”“Nakikipagtalo?”Nang sabihin iyon ni Danica ay bigla na lang nawala ang antok niya. Lumapit siya sa tabi ni Elisia at tinanong ito kung ano ang nangyayari.“Wala na talaga akong masabi sa grupo ng mga taong ‘to.” Sinabi ni Elisia kay Danica ang buong kwento at pinagaan naman ni Danica ang loob niya bilang kapalit. Sinabi nito na huwag siyang masyadong mag-isip. Ngunit niyakap pa rin ni Elisia si Danica n
Ang opinyon ng publiko ay bumaliktad na ngayon at ang hindi makatarungang kinaharap ni Danica ay naitama na.Ngunit si Clara ay nawalan ng gana.Sa loob ng mansyon nang gabing iyon ay halos umusok ang ilong niya sa galit ng makita ang balita sa internet. Itinapon niya ang cellphone niya sa sahig. Ang lalaking katabi niya ay lumapit at magaang tinapik ang balikat ni Clara upang iparating na huwag na siyang magalit. “Baby, huwag ka ng magalit. Hindi ‘yon karapat-dapat kung magagalit ka at masasaktan mo ang sarili mo.” Tinignan ni Leo ang galit na ekspresyon ni Clara at sinimulang pagaanin ang pakiramdam nito. “Huwag magalit? Paanong hindi ako magagalit?” Humarap si Clara at ipinako ang tingin kay Leo ng may galit ekspresyon. “Sinabi mo sa’kin na hindi na makakabalik si Danica kapag ginawa mo ito. Pero ngayon hindi na maganda. Maayos na si Danica at nakahanap na siya ng maraming tagasuporta. Ngayon ang mga netizen ay nandito para pagsabihan ako. Ang lahat ng ito ay dahil sa masamang i
Maagang umalis sa trabaho ngayong araw si Nathan. Matapos umuwi sa bahay at makapaglinis ng sarili ay nakita niya sa cellphone niya ang mensahe na mula kay Elisia. ‘Sa bahay ako ng kaibigan ko tutuloy ngayong gabi at hindi muna ako makakabalik.’‘Okay, mag-iingat ka.’ Sa ganitong oras, palaging narito si Elisia sa tuwing umuuwi si Nathan mula sa trabaho. Sanay siyang nakikita si Elisia. Ngayon, hindi siya kumportableng mag-isa.Sa kabilang banda, nakita niya ang mensahe na mula sa Lola niya.‘Oh, ang weirdo kong apo, kailan mo balak dalhin ang manugang ko sa apo pabalik?’Matapos iyon pag-isipan ay tinawagan ni Nathan si Elisia.Sa kabilang dako, si Elisia at Danica ay naghanda ng pagkain sa lamesa at planong maglasing ngayong gabi at mag-usap magdamag. Ngunit nakatanggap siya ng tawag mula kay Nathan.“Natawag boss ko, sagutin ko muna.” Itinuro ni Elisia ang cellphone at sinabi iyon kay Danica.Tumango naman si Danica.“Hello, Mr. Lucero?” “Kumain ka na ba?” Naisip ni Nathan na ba
Kinaumagahan, nagtungo si Nathan sa lugar na ibinigay ni Elisia sa mensahe nito kagabi para hanapin ito.Nagsuot ng puting palda si Elisia ngayon kasabay ng asul na pantaas. Ang mga damit niya na suot kagabi ay nilabhan sa bahay ni Danica, kaya naman kailangan niyang mag-suot ng damit nito.Kadalasan, ang mga damit niya ay pang-araw-araw at pang-atletiko. Bihira lang siyang mag-suot ng pangbabaeng-babaeng damit. Kaya naman medyo nailang siya no'ng una niya itong sinuot. “Oh, maniwala ka sa'kin, sobrang ganda! Bagay na bagay ka talaga sa ganitong estilo.” Dahil sa paulit-ulit na panghihikayat ni Danica kaya tuluyan ng naniwala si Elisia. “Makinig ka na lang sa inihanda ng amo mo ngayon at gawin mo ang dapat mong gawin.” Tinapik ni Danica ang balikat ni Elisia. “Maging mapagmatyag sa serbisyo at tamasahin ang masayang buhay.”Naikot ni Elisia ang mga mata at wala siyang masabi patungkol sa abilidad ni Danica na magsalita ng walang kwenta.Nang makarating si Nathan, nakita niya si Elis
Matapos ang gabing paghihirap, nang matapos ni Duke ang lahat ay napatingin siya sa cellphone at nakitang ala-una na agad ng umaga. Tanging 5% na lang ang battery ng cellphone niya.Mabuti na lang, ang cellphone niya at ni Danica ay pareho lang ng modelo. Inilabas niya ang charger nito sa loob ng bag at isinaksak iyon sa cellphone niya.Napansin niya na may cabinet ng alak sa labas ng bahay nito, kaya naman nagbukas siya ng isang boteng beer para sa sarili. Naging abala siya buong gabi, kaya okay lang naman siguro na magbukas siya ng isang boteng beer.Ang ilaw sa loob ng bahay ay hindi gaanong maliwanag ngunit tamang-tama lang iyon para makapagpahinga.Ang bahay ni Danica ay sobrang laki, ngunit ang dekorasyon ay simple lang at mainit sa pakiramdam. Ang kulay ng bahay nito ay gray. Wala ring telebisyon sa sala, ngunit mayroong sofa at projector.Sa tabi nito ay puting cabinet, at may malaking dingding sa gilid. Ang buong dingding ay puno ng mga larawan. Kinuha ni Duke ang alak at na
Matapos ang gabing paghihirap, nang matapos ni Duke ang lahat ay napatingin siya sa cellphone at nakitang ala-una na agad ng umaga. Tanging 5% na lang ang battery ng cellphone niya.Mabuti na lang, ang cellphone niya at ni Danica ay pareho lang ng modelo. Inilabas niya ang charger nito sa loob ng bag at isinaksak iyon sa cellphone niya.Napansin niya na may cabinet ng alak sa labas ng bahay nito, kaya naman nagbukas siya ng isang boteng beer para sa sarili. Naging abala siya buong gabi, kaya okay lang naman siguro na magbukas siya ng isang boteng beer.Ang ilaw sa loob ng bahay ay hindi gaanong maliwanag ngunit tamang-tama lang iyon para makapagpahinga.Ang bahay ni Danica ay sobrang laki, ngunit ang dekorasyon ay simple lang at mainit sa pakiramdam. Ang kulay ng bahay nito ay gray. Wala ring telebisyon sa sala, ngunit mayroong sofa at projector.Sa tabi nito ay puting cabinet, at may malaking dingding sa gilid. Ang buong dingding ay puno ng mga larawan. Kinuha ni Duke ang alak at na
Niyakap ni Nathan si Elisia, payat lang ang pangangatawan nito. Kahit katatapos lang mag-inom, nagawa pa ring buhatin ito ni Nathan.Dahan-dahan niyang inilagay ito sa passenger seat at inayos ang seatbelt nito. Nang mapalapit siya rito, hindi napigilan ni Nathan na mapatitig sa mukha nito. Hindi nito sinusubukang magpakitang gilas kapag kasama siya o maski ang magmayabang sa harap ng ibang tao. Matapos makatulog, tila parang isang mabait na kuneho ito.Ipinikit nito ang mga mata, ang mga pilik-mata nito ay mahaba at nakakulot ng bahagya. Ang ilong nito ay maliit at ang mukha ay namumula dala ng alak.Ang oras ay tila sandaling tumigil sa paggalaw, unti-unting bumaba ang ulo ni Nathan palapit kay Elisia hanggang magdikit ang mga labi nila. Nang magising siya at mamalayan ang ginawa ay labis siyang nabahala. Mabilis siyang naupo sa upuan niya habang ang mga kamay ay nasa steering wheel ng sasakyan. Naipako niya ang mga mata sa unahan, pakiramdam niya ay nawawala siya.Anong nangyari
Niyakap ni Nathan si Elisia, payat lang ang pangangatawan nito. Kahit katatapos lang mag-inom, nagawa pa ring buhatin ito ni Nathan.Dahan-dahan niyang inilagay ito sa passenger seat at inayos ang seatbelt nito. Nang mapalapit siya rito, hindi napigilan ni Nathan na mapatitig sa mukha nito. Hindi nito sinusubukang magpakitang gilas kapag kasama siya o maski ang magmayabang sa harap ng ibang tao. Matapos makatulog, tila parang isang mabait na kuneho ito.Ipinikit nito ang mga mata, ang mga pilik-mata nito ay mahaba at nakakulot ng bahagya. Ang ilong nito ay maliit at ang mukha ay namumula dala ng alak.Ang oras ay tila sandaling tumigil sa paggalaw, unti-unting bumaba ang ulo ni Nathan palapit kay Elisia hanggang magdikit ang mga labi nila. Nang magising siya at mamalayan ang ginawa ay labis siyang nabahala. Mabilis siyang naupo sa upuan niya habang ang mga kamay ay nasa steering wheel ng sasakyan. Naipako niya ang mga mata sa unahan, pakiramdam niya ay nawawala siya.Anong nangyari?
Ang mga sinabi ni Elisia ang nakapagpaintindi kay Danica na ang mga nakaraang inaalala niya ay hindi naman kailangan.Natatakot siya na mahulog ang loob ni Elisia kay Nathan dahil natatakot siyang makita itong masaktan.Itinadhana sila na magmula sa magkaibang mundo. Ang bagay na iyon ay hindi maitatangging katotohanan.Ang dalawa ay nag-usap ng magdamag at sa wakas naunang mag-ring ang cellphone ni Elisia.Nang makita kung sino ang tumatawag, mabilis na diretsong naupo si Elisia at ang buong pagkatao niya ay magalang na sumunod. “Hello, Mr. Lucero~”Nang marinig ang itinawag nito sa kanya ay bahagyang nangunot ang noo ni Nathan. Bakit nag-umpisa na naman itong tawagin siyang gano'n?“Oh, hindi, Nathan, anong problema~”Ngunit nang sumunod na segundo ay maingat na pinalitan ni Elisia ang itinawag nito sa kanya. Pinalitan nito ng matamis na pagtawag. “Nasaan ka?” Mabilis na naging magaan ang mood ni Nathan.“Kasama ko si Danica.” Bilang asawa ni Elisia, natural na alam niya kung sino
“Hindi mo alam kung gaano ako kapagod nitong mga nakaraan.” Nang sumapit ang gabi, ang crew na kinabibilangan ni Danica ay binigyan siya ng kalahating araw para magpahinga. Kaya naman agad na pinuntahan niya si Elisia.Ang dalawa ay matagal ng hindi nagkikita at sa wakas, napagdesisyunan nilang pumunta sa bar para maupo. Ang bar pinuntahan nila ay tahimik, nagpapatugtog sila ng malambing na musika at ang mga tao ay abala sa pag-uusap. Pagkaupong-pagkaupo pa lang nila ay nagsimula ng magreklamo si Danica patungkol sa enerhiya niya sa panahong iyon.“Sobrang hinahangaan ko na talaga si Duke.” Tinignan ni Danica si Elisia habang sa mukha nito mababasa ang kawalan nito ng masasabi. “Ito ang unang beses na nakakita ako ng idol drama na sobrang bagal ng pagkuha. Basta may lugar na hindi maganda, ang lahat ay kailangang ulitin ulit mula sa umpisa.” “Hindi ba't mas maganda iyon? Mas lalo kayong gagaling. Mas mabuti na iyon kumpara sa ibang mababa ang kalidad na TV drama sa pamilihan ngayon
Nang malaman na hindi naman gaanong seryoso ang sakit ni Sandra, hindi nagmadaling umalis si Nathan.Matapos ang lahat, nahimatay ito sa harap ng opisina niya at kung aalis siya habang hindi pa ito nagigising ay hindi naman iyon tama. Kaya naman inumpisahan na lang ni Nathan ang trabaho sa labas ng ward. Walang ibang tao sa palapag na iyon, tanging si Nathan lang at Simon. Si Simon ay talagang isang magaling na assistant dahil kaya nitong ibigay ang lahat ng pangangailangan ni Nathan kahit anong oras.“Sandra, Sandra, may problema ba?” Ang tahimik na palapag ay bahagyang umingay dahil sa pagdating ng isa pang tao. Itinigil ni Nathan ang trabaho at nakita ang medyo pamilyar na tao.Matapos halukatin ang laman ng isipan, naalala niya na kung sino ang nasa harap niyang medyo may katandaang lalaki. Si Ivan Rojo, ang dating agent ni Sandra. Sa nakalipas na taon, matapos pumunta sa ibang bansa ni Sandra, madaming artista rin ang napalaki ni Ivan. Sa kasalukuyan, ang mga artista na iyon
“Ah, hindi ba ito illegal?” Nagpapanggap na saad ni Elisia.“Wala namang batas na nagbabawal no'n.” Hindi sumasang-ayon na saad ng manager, “Mrs. Lucero, hindi na ito bago sa mga mayayamang tao. Katulad lang ito ng vitro fertilization.” “Talaga?” Nagpatuloy siya sa pagpapanggap na nag-aalangan. Upang maalis ang naiisip ni Elisia, muling naupo sa tabi niya ang manager at inumpisahang ipaliwanag ang buong proseso at detalye sa bahagi nito. Nang matapos ang lahat, gabi na ng makalabas si Elisia.Matapos makapasok sa loob ng kotse at makaalis sa tindahan, sa wakas ay napanatag din si Jake.“Kamusta?” tanong ni Jake.“Na-record ko ang lahat kanina, nandito lahat.” Itinaas ni Elisia ang maliit na camera at mic na hawak habang ang mukha ay may matagumpay na ngiti. “Nakapagpa-appointment na rin tayo para sa pagpunta sa kumpanya nila sa susunod na linggo, para makita rin natin kung aling kumpanya ang pinamumunuan talaga ng manager. Ang lakas ng loob nilang magtayo ng kumpanya, talagang hind
Nakasuot lang ng kaswal na suit si Elisia ngayon at hindi na siya naglagay pa ng make-up, ngunit sa kabila no'n ay maganda pa rin namang tignan ang balat niya.Dala niya ang isang simpleng bag, ngunit ang halaga no'n ay anim na numero din. Sumakay siya sa kotse mula sa bahay nila at si Jake ang nagmamaneho.Nang makarating sila sa pintuan ng tindahan, namataan nila ang manager na nakatayo roon para salubungin sila. “Mrs. Lucero, nandito ka po pala.” Hindi niya alam kung ilusyon niya lang iyon, dahil pakiramdam niya ay ang ngiti sa mukha ng manager ay tila mas lalong naging intense kumpara noong nakaraang araw na nakita niya ito. Nang makarating si Elisia, napag-alaman niya na siya lang mag-isa ang nasa loob ng malaking tindahan.“Mrs. Lucero, espesyal na isinara po namin ang tindahan at tanging ikaw lang ang tatanggapin naming bisita ngayon.”Ang ganito kalaking tindahan ay isinara lang? Paniguradong may intensyon ang mga ito. Tumango si Elisia, ngumiti sa manager at pagkatapos ay