author-banner
JEREMEYA
JEREMEYA
Author

Novels by JEREMEYA

Paid To Become The Billionaire's Wife

Paid To Become The Billionaire's Wife

Si Elisia Flores ay bagong graduate lamang sa kursong Liberal arts. Sa kabila ng pagiging maliit nito ay hindi maitatanggi ang katigasan ng ulo nito. Upang maipagamot ang kapatid na may cancer ay pumirma si Elisia sa isang kasunduang pagpapakasal sa isang misteryosong presidente ng isang kilalang kumpaniya kapalit ng isang milyon. Si Nathan Lucero— ang president ng Lucero's group ang nakahanap kay Elisia bilang marriage partner. Ito ang naisip niyang solusyon upang hindi na siya kulitin ng kanyang pamilya. Bilang parehong may pangangailangan sa isa't isa ay hindi sila nag-atubiling magpakasal. Ngunit hindi inaasahan ni Nathan na makukuha ni Elisia ang loob niya. “Mr. Lucero, alam kong darating ang araw na matatapos din ang kontrata na ito. Pag dumating iyon ay aalis ako. I know that the position of the president’s wife belongs to your first love.” “Sino ang nagsabing hahayaan kitang umalis?”
Read
Chapter: CHAPTER 99: NAHULI
“Tina, bakit pakiramdam ko ang wirdo ng mga nangyayari.” Si Mike at ang store manager ay lumabas ng kwarto at pinaalis ang mga taong nasa paligid nila. Lumapit si Mike sa manager at sinabi rito ang pagdududa niya. “Anong problema?” Hindi pa rin ito gaanong maintindihan ng manager.“Sabihin mo, talaga ba na ang dalawang taong iyon ay si Mr. Lucero at Mrs. Lucero?” Tinignan ni Mike ang manager ng may mahinahong ekspresyon sa mukha. “Sa pagkakaalam ko, si Nathan Lucero lang ang nag-iisang tagapagmana ng Lucero's Group. Ang matandang Lucero ay isang taong hindi nagbabago ng isip. Sa tingin mo ba, papayag ang matandang Lucero na ang apo niya ay naghahanap ng taong magdadala ng items para sa kanya? At kasal na siya, bakit kailangan pa niya ng taong magdadala ng items para sa kanya?”“Marahil dahil naaawa siya sa sakit na mararamdaman ng asawa niya sa panganganak. Normal naman iyon,” saad ng manager, “Marami tayong mayayamang asawang babae noon na pumunta sa'tin dahil nag-aalala sila na maw
Last Updated: 2025-03-26
Chapter: CHAPTER 98: SALAMAT MR. LUCERO
Nakaupo si Elisia sa tabi nito, bahagyang nalula siya sa mga sinabi nito. Pakiramdam niya ay maling gamot ang nainom nito ngayon. Sa huli, dalawang beses lang siyang naubo, hindi na siya kumibo pa at tahimik na lang na naupo sa tabi nito.Ikinalma ni Jake ang sarili at inobserbahan ang estado ng dalawang tao sa likuran niya sa rearview mirror. Matapos magmaneho ng mahigit kalahating oras, ang senaryo sa paligid nila ay mas lalong umonti. At sa wakas, ang kotse ng store manager ay huminto sa puting building.“Mr. Lucero, Mrs. Lucero.” Pagkaparada ng sasakyan, tumakbo palabas ng kotse ang store manager at magalang na sinalubong sila Nathan at Elisia.Ang dalawa ay nagkasundo sa loob ng kotse. Dahil handa siyang tulungan ni Nathan, sisiguraduhin ni Elisia na gagamitin niya ito ng tama. Kaya naman ng makababa sa kotse, natural na kinuha niya ang mga braso nito.Naglakad silang apat papalapit sa gate. Nang makita nila ang puting building sa harap nila, hindi pa rin maiwasang magulat ni E
Last Updated: 2025-03-25
Chapter: CHAPTER 97: HANDA AKONG MAGBIGAY
Matapos dumating ni Nathan, mas lalong naging mapagbigay ito. Gumastos lang naman ito ng nagkakahalaga ng walong numero sa tindahan.Hindi niya alam kung ang paggastos nito ay para galitin si Jake o para tuluyang maalis ang pagdududa ng store manager. Ngunit ano man sa dalawa, ang paggastos na iyon ay talagang labis na ikinabahala ni Elisia.Okay, ang pera ba ng mayayaman ay hindi mabibilang na pera? Ang gano'n kalaking pera, gagastusin lang nito dahil sinabi nito?Sobrang nababahala si Elisia, ngunit sa kabila no'n ay hindi naman maitago ang ngiti sa mukha ng store manager. Matapos ang kalahating oras, matapos ang paalala ni Elisia, sa wakas ay opisyal na itong nailagay sa pang-araw-araw na routine. Ang store manager ang nagmamaneho sa unahan upang pangunahan ang daan. Sa likod naman nito ay si Jake, at si Nathan at Elisia ay nakaupo sa likurang upuan. Sinusundan nila ang kotse ng manager papunta sa destinasyon nila.“Bakit nandito ka? Wala ka bang gagawin ngayong hapon?” Medyo nasu
Last Updated: 2025-03-25
Chapter: CHAPTER 96: MRS. LUCERO
“Mr. Lucero, may bagay akong ire-report sa’yo.”Katatapos lang ni Nathan sa meeting at kasalukuyan niyang binabasa ang bagong kontrata na para sa proyektong promosyon, nang kumatok si Simon sa pinto ng opisina niya. “Anong problema?”“Ngayon lang, ang asawa mo ay nagpunta sa bagong bilihan ng electronic equipment sa lungsod at bumili siya ng maliit na camera at microphones.”Pagkasabing-pagkasabi no’n ni Simon, si Nathan na nakayuko at abala sa pagpirma ng mga dokumento ay mabilis na naitaas ang ulo at tumingin kay Simon. “Kaibigan ko ang manager ng electronic equipment store. Sinabi niya lang sa'kin na may customer daw sila na bumili ng latest na equipment at bumili ng nagkakahalaga ng libo-libo ng hindi man lang kumukurap,” mabilis na paliwanag ni Simon, “Nagpadala rin siya sa'kin ng larawan. Nang makita ko, doon ko nalaman na ang asawa mo ‘yon.”Nang sabihin niya iyon, mabilis na ipinakita ni Simon kay Nathan ang chat record nila ng kaibigan niya.Nilakihan ni Nathan ang larawan
Last Updated: 2025-03-24
Chapter: CHAPTER 95: BAGO
“Handa ka na?” Sa loob ng opisina, si Elisia at Jake ay handa ng umalis. Naglagay na ng maliit na camera si Elisia, may kasama na itong radio function. Para sa kaligtasan niya, nagdala rin si Elisia ng pepper spray at ilang maliliit na kagamitan para maprotektahan ang sarili. Kung saan inilagay niya sa isang mamahaling bag na nabili niya sa luxury store ilang araw na ang nakalilipas. “Tara na.” Tinapik ni Elisia ang bag at ramdam niya na halos handa na ito. Kaya naman sinabihan niya si Jake na umalis na.Ang dalawa ay sabay na umalis sa trabaho habang mababakas naman sa mukha nila ang espiritu ng pagiging palaban. Ang postura nila ay naagaw ang pansin ng mga kasamahan nila sa trabaho. Ilan sa kanila ay nagsama-sama at nagbulungan.“Narinig ko na nakakuha raw ng malaking balita si Elisia at Jake.”“Malaking balita, anong klaseng malaking balita naman iyon?” Nang marinig iyon, ang katrabaho na katabi niya ay napuno ng pagkadisgusto, “Sa panahon ngayon, mas mabilis na nalalaman ng mga
Last Updated: 2025-03-23
Chapter: CHAPTER 94: MAY NAGAWA BA AKONG MALI?
Kinaumagahan, nang magising si Danica, nakaalis na si Elisia. Bago umalis, naghanda ito ng mga bagong damit para kanya. Nang makapagpalit ng damit at makalabas, namataan niyang may nakaupo sa sala sa labas. Mukhang suot rin ni Duke ang bagong damit ni Nathan. May almusal na rin sa lamesa. Nang marinig nitong bumukas ang pinto, tumingala ito at tinignan si Danica. Nang magtama ang mga mata nila ay nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na pagkailang.“Magandang umaga,” naiilang na unang bumati si Duke, “Pumasok na sa trabaho si Nathan at Elisia, kumain ka muna ng almusal.” Dahil sinabi na nito, nahiya na ring tumanggi si Danica.Kaya naman sinunod na lang niya ang sinabi nito at naupo sa hapag.May gatas at sandwich sa lamesa, kaya naman masunuring ininom ni Danica ang gatas. “Salamat kahapon.” Kahit na lasing si Duke, may impresyon pa rin siya sa naging ugali nito kagabi. “Sinabi ni Nathan na nagulo kita. Wala naman akong nagawang nakakahiya, ‘di ba?” Nang makitang walang maalala
Last Updated: 2025-03-22
You may also like
Me and My Grumpy Boss
Me and My Grumpy Boss
Romance · Lexie Onibas
9.0K views
Impregnating The Mafia Heir
Impregnating The Mafia Heir
Romance · Black_Jaypei
8.9K views
Two Playful Hearts(R-18)
Two Playful Hearts(R-18)
Romance · Cherish Averdheen
8.9K views
The Billionaire's Karma
The Billionaire's Karma
Romance · Rhan Jang
8.9K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status