Hindi gaanong nakapagpahinga si Danica nitong mga nakaraan dahil naging abala siya sa paghahanda para sa interbyu at sa araw-araw na trabaho niya. Matapos panoorin ang palabas ay agad din siyang nakatulog. Nagtungo si Elisia sa kwarto at kumuha ng kumot para kay Danica. Binalutan niya ito ng kumot, pagkatapos ay kinuha ang digital tablet para sa planong pagguhit para sa gagawing komiks.Nang bilhin ni Danica ang bahay ay naghanda rin ito ng isa pang kwarto para sa kanya. Maliban sa kwarto, mayroon ding iba't ibang personal na kagamitan kasama na ang digital tablet. Naaalala pa ni Elisia noong hawakan ni Danica ang kamay niya at ipakita sa kanya ang lugar na nireserba nito para sa kanya. Naaalala pa ni Elisia noong unang nalaman niyang may sakit si Jace. Nalugmok siya noon, mabuti na lang at kasama niya si Danica noong mga oras na ‘yon. Maraming beses na naniwala si Elisia na hangga't may Elisia at Danica sa mundo, hindi siya matatakot gaano man karami ang paghihirap na kahaharapin ni
Nang makitang maraming mga nakakainsultong pribadong mensahe at komento para sa kanya. Nakaramdam ng galit si Elisia noong una ngunit unti-unti ay tila namanhid na siya.Maya-maya ay naisip niya kung gaano kalungkot ang mararamdaman ni Danica kapag kinaharap nito ang mga ganitong bagay. Mas lalo siyang nalulungkot para dito. “Anong ginagawa mo?”Nakatingin si Elisia cellphone niya ngunit nakarinig siya ng tila naguguluhang boses. Nang iangat niya ang paningin ay namataan niyang si Danica iyon na kagigising lang.“Wala.” Tinignan ni Elisia si Danica, “Nakikipagtalo sa mga netizens.”“Nakikipagtalo?”Nang sabihin iyon ni Danica ay bigla na lang nawala ang antok niya. Lumapit siya sa tabi ni Elisia at tinanong ito kung ano ang nangyayari.“Wala na talaga akong masabi sa grupo ng mga taong ‘to.” Sinabi ni Elisia kay Danica ang buong kwento at pinagaan naman ni Danica ang loob niya bilang kapalit. Sinabi nito na huwag siyang masyadong mag-isip. Ngunit niyakap pa rin ni Elisia si Danica n
Ang opinyon ng publiko ay bumaliktad na ngayon at ang hindi makatarungang kinaharap ni Danica ay naitama na.Ngunit si Clara ay nawalan ng gana.Sa loob ng mansyon nang gabing iyon ay halos umusok ang ilong niya sa galit ng makita ang balita sa internet. Itinapon niya ang cellphone niya sa sahig. Ang lalaking katabi niya ay lumapit at magaang tinapik ang balikat ni Clara upang iparating na huwag na siyang magalit. “Baby, huwag ka ng magalit. Hindi ‘yon karapat-dapat kung magagalit ka at masasaktan mo ang sarili mo.” Tinignan ni Leo ang galit na ekspresyon ni Clara at sinimulang pagaanin ang pakiramdam nito. “Huwag magalit? Paanong hindi ako magagalit?” Humarap si Clara at ipinako ang tingin kay Leo ng may galit ekspresyon. “Sinabi mo sa’kin na hindi na makakabalik si Danica kapag ginawa mo ito. Pero ngayon hindi na maganda. Maayos na si Danica at nakahanap na siya ng maraming tagasuporta. Ngayon ang mga netizen ay nandito para pagsabihan ako. Ang lahat ng ito ay dahil sa masamang i
Maagang umalis sa trabaho ngayong araw si Nathan. Matapos umuwi sa bahay at makapaglinis ng sarili ay nakita niya sa cellphone niya ang mensahe na mula kay Elisia. ‘Sa bahay ako ng kaibigan ko tutuloy ngayong gabi at hindi muna ako makakabalik.’‘Okay, mag-iingat ka.’ Sa ganitong oras, palaging narito si Elisia sa tuwing umuuwi si Nathan mula sa trabaho. Sanay siyang nakikita si Elisia. Ngayon, hindi siya kumportableng mag-isa.Sa kabilang banda, nakita niya ang mensahe na mula sa Lola niya.‘Oh, ang weirdo kong apo, kailan mo balak dalhin ang manugang ko sa apo pabalik?’Matapos iyon pag-isipan ay tinawagan ni Nathan si Elisia.Sa kabilang dako, si Elisia at Danica ay naghanda ng pagkain sa lamesa at planong maglasing ngayong gabi at mag-usap magdamag. Ngunit nakatanggap siya ng tawag mula kay Nathan.“Natawag boss ko, sagutin ko muna.” Itinuro ni Elisia ang cellphone at sinabi iyon kay Danica.Tumango naman si Danica.“Hello, Mr. Lucero?” “Kumain ka na ba?” Naisip ni Nathan na ba
Kinaumagahan, nagtungo si Nathan sa lugar na ibinigay ni Elisia sa mensahe nito kagabi para hanapin ito.Nagsuot ng puting palda si Elisia ngayon kasabay ng asul na pantaas. Ang mga damit niya na suot kagabi ay nilabhan sa bahay ni Danica, kaya naman kailangan niyang mag-suot ng damit nito.Kadalasan, ang mga damit niya ay pang-araw-araw at pang-atletiko. Bihira lang siyang mag-suot ng pangbabaeng-babaeng damit. Kaya naman medyo nailang siya no'ng una niya itong sinuot. “Oh, maniwala ka sa'kin, sobrang ganda! Bagay na bagay ka talaga sa ganitong estilo.” Dahil sa paulit-ulit na panghihikayat ni Danica kaya tuluyan ng naniwala si Elisia. “Makinig ka na lang sa inihanda ng amo mo ngayon at gawin mo ang dapat mong gawin.” Tinapik ni Danica ang balikat ni Elisia. “Maging mapagmatyag sa serbisyo at tamasahin ang masayang buhay.”Naikot ni Elisia ang mga mata at wala siyang masabi patungkol sa abilidad ni Danica na magsalita ng walang kwenta.Nang makarating si Nathan, nakita niya si Elis
“Mr. Lucero, ang isang ito, hindi ba okay?” Nang tanungin ni Elisia ang tanong na iyon, suot niya ang isang mapusyaw na kulay na ayon sa bagong estilo ng Chinese. Hindi kagaya ng seksi na estilo kanina, ang bestida na iyon ay nagbibigay kay Elisia ng ibang timpla, lamig at pagka-elegante katulad ng isang namumukadkad na lily. “Hmm.” Nagliwanag ang mata ni Nathan at muli na namang nag-hmm.Ang kilos nito ay bahagyang nakapagpabagabag kay Elisia. Imposible, dapat pa ba niyang ipagpatuloy ang pagsusukat?Ngunit sinabi ni Nathan sa taong katabi nito, “Ibalot ang lahat ng damit na sinukat niya. Maliban sa ilang pirasong nandito, pakibalot ng iba.” Natigilan si Elisia, anong nangyayari? Ang ‘hmm’ ba nito ay hindi dahil hindi ito nasisiyahan?Sinabi ni Nathan ang salita at ang katabi nitong tagabenta ay tumawa. Agad na nagtungo ito upang magbalot. Matapos makapagdesisyon sa damit, dinala ni Nathan si Elisia upang ayusin ang estilo nito.Naupo si Elisia sa upuan at si Nathan naman ay naupo
Sinundan ni Elisia si Nathan at naglakad patungo sa sala ng mga Lucero sa ilalim ng pag-alalay ng Lola nito.Matapos ang maikling pakilala ng Lola nito, nagkaroon din kabuuang pagkakaunawa si Elisia sa mga kamag-anak nitong nasa harap niya.Ang medyo may katandaan ng babaeng nakasuot ng pulang damit at may katabaan ay tiyahin ni Nathan. At ang may katandaan namang lalaki na nakasuot ng asul na damit ay tiyuhin nito. Ang dalawa ay parehong pinsan ni Nathan. At ngayon ay dinala rin ng mga ito ang sariling mga bata pang henerayon.Ang isa ay si Erica na nakasuot ng maikling pulang palda. Nag-aaral ito sa UK at nasa bente pa lang ito ngayong taon. Ang isa ay si Hendrix na nasa trentra na at kasalukuyang nagtatrabaho bilang middle-level manager sa Lucero's group. Ang pinsan nito ay sobrang saya no'ng nakita si Nathan at Elisia, ngunit ang ekspresyon ni Erica ay hindi maganda.Hindi tanga si Elisia, kaya pa rin niyang hatulan kung kaninong mata ang mabuti at kaninong mga mata ang masama.“Oh
Ang pag-uugali ni Nathan ay mabait ngunit dahil masyado itong diretso, hindi naging maganda ang naging ekspresyon ni Zach.Matapos ang lahat, bata pa rin ito. Hinawakan ni Elisia ang ulo ni Jewel at nagpatuloy, “Kaibigan, anong pangalan mo?”“Ang pangalan ko po ay Jewel Lucero.” Ngunit tila ang batang si Jewel ay walang masabi. Matapos sagutin ang tanong ni Elisia, sinulyapan nito si Nathan at sinabi, “Salamat, Kuya.” Tumango si Nathan, pagkatapos ay tahimik na naglakad si Elisia sa tabi ni Zach.“Maupo ka, Zach.” Ang matandang babae ay itinaas ang kamay nito kay Zach at inutusan itong maupo. Pagkatapos ay lumingon para tignan si Elisia. “Anong problema sa pagiging matapang at mabuti? Tama, pwede mo bang sabihin sa'min Elisia?” Ang matanda babae ay nagtanong kaya naman natural na dapat itong sagutin ni Elisia. Si Zach ang isang partido na may kinalaman sa bagay na ito, ngunit si Elisia ang tinanong ng matanda kaya naman natural na walang karapatan si Zach na sumagot.Kaya naman simpl
Plano ni Nathan na pumunta at tawagin si Elisia, ngunit hindi niya inaasahan na makita itong may kausap na lalaki sa gilid.Masyado siyang malayo para marinig kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa, pero kung titignan ang paligid ng mga ito, nakaramdam siya ng pagkakaisa at pagkakaibigan.Sa sandaling iyon, nakatayo sa sahig habang nakapaa si Elisia. Sa tabi nito ay ang sampung sentimetrong takong. Naaalala ni Nathan ang lalaking iyon. Siya iyong tumatawa habang nakikipaglaro kay Elisia sa harap ng TV station no'ng nakaraan.Ngunit hindi niya inaasahan na ang lalaking iyon ay dadalo rin sa pagdiriwang ng ika-isang daang taon ngayon.Unti-unti ay may hindi mapangalanang galit ang umuusbong sa isipan ni Nathan.Palaging kinakabahan at hindi kumportable si Elisia sa harap niya. May mga ilang pagkakataon lang na kumportable ito katulad ng ginagawa nito sa harap ng lalaking iyon.Nakikipagtalo si Elisia kay Jake. Matapos ang matagal na pagtatanong, hindi niya pa rin nalalaman kung paano ito
“Tara na.” Wala ng oras pa si Elisia para pag-isipan ang tungkol doon. Pagkatapos magsalita ni Nathan ay sinulyapan nito si Elisia. Tumango si Elisia at pagkatapos ay bumaba sila ng kotse ng magkasama. Unang bumaba ng kotse si Nathan, at naglakad sa kabilang bahagi para pagbuksan ng pinto si Elisia. Nang lumabas si Nathan, ang nagkikislapang mga ilaw sa lugar ay hindi na natigil. Pagkatapos ay unang bumaba sa lupa ang sandals ni Elisia, at ipinatong nito ang kamay sa palad ni Nathan. Nagpakita siya sa harap ng lahat sa pamamagitan ng suporta na nagmumula kay Nathan. Walang pagdududa na napakaganda ni Elisia.Ang tsismis patungkol sa namumuno sa Lucero's Group ay palaging paksa ng lahat ng balita sa media, ngunit sa maraming taong nagdaan, wala pang balita ang nagagawa. Ang tanging bagay na alam lang nila ay si Nathan Lucero ay mukhang may relasyon sa reyna ng mga pelikula noon na si Sandra Song. Ang relasyong iyon ay hindi kinumpirma ng dalawa, ngunit ang mga media reporters a
Pero hindi lang ‘yon lahat.Matapos no'n, nakapasok si Sandra sa directing department ng Film Academy ng may mataas na puntos. Ang unang serye niya sa telebisyon kung saan siya unang lumabas sa edad na labing walo ay diretsong naging kampeon ng taong iyon sa ranggo.Nang ang kasikatan nito ay tumaas, hindi na gumawa pa ng palabas si Sandra sa loob ng tatlong taon. Pagkatapos, sa taong nagtapos ito sa kolehiyo, gumawa ito ng napakagandang pelikula na nagwagi ng box champion of the year at nakasama sa tatlong nangungunang aktres sa box office performance of the film and television. Nang oras na iyon, dalawampu't tatlong taon pa lang si Sandra.Nang sumunod na limang taon, gumanap pa si Sandra sa dalawa pang palabas. Parehong naging high box office. Matapos non, ito ang unang nakaabot sa kita na kalahating porsyento.Sa mga nagdaang taon sa Pilipinas, si Sandra ay tinatawag na mahusay. Sa mga taong iyon, kakaiba ang buhay ni Sandra sa industriya ng domestic entertainment.Maraming tao an
Matapos ang ilang minuto, humingi ng paumanhin si Duke kay Jenny sa ilalim ng pagbabantay ni Mikey.“I’m sorry, Professor Alonzo, hindi ko agad naintindihan ang sitwasyon at nagbitiw ako ng hindi magandang komento sa’yo. Huwag mo sanang masamain.”“Okay lang, hindi mo rin naman alam.” Sinabi ni Jenny na ayos lang ‘yon at tinapik ang balikat ni Duke. “Narinig ko lang sa tatay mo ang tungkol doon noon, pero ito ang unang beses na nakita ko.” Mukhang sobrang bait ni Professor Alonzo, mas maganda ito kesa sa nakalagay sa dyaryo. “Okay lang, ang lahat ay dahil lang sa hindi pagkakaunawaan.”“Professor Alonzo, pwede ba akong magpa-picture sa’yo?”Matapos mag-usap ni Duke at Jenny, sumulpot si Mikey sa tabi nilang dalawa at nagtanong kung pwede itong magpa-picture.Masaya namang nag-obliga si Jenny.Si Lexis at Dylan ay naiwang nakatingin sa isa't isa.“Sa unang pagkakataon, sinong mag-aakala na ang ganyan kagandang babae ay isang professor na nakagawa ng malaking kontribusyon sa lipunan.”
“Oh, Mr. Andrei, ikaw at si Miss Alonzo ay mukhang perpektong magkapareha.”“Oh, matandang Wilson, nahihiya akong sabihin na napupuri pa rin ako ng ganyan sa edad ko.” Mapagkumbabang ikinaway ni Andrei kamay. “Edi, hindi na kita pupurihin. Si Miss Alonzo talaga ang tinutukoy ko. Kapag tumayo si Miss Alonzo dito, kailangan kong sisihin ang Diyos sa pagiging hindi patas. Paanong hindi man lang nag-iwan ng marka ang panahon kay Miss Alonzo?”Ang lalaking nagsalita ay kilala sa pagiging madulas ang dila. Ang iba ay gusto ito at ang iba naman ay hindi. Halata naman na isa si Andrei sa may gusto dito.“Oh, Wilson. Napakagaling mo talagang magsalita.” “Okay, dahil si Mr. Andrei ay may oras ng araw na iyon. Imbitahan mo naman akong maupo sa bagong bahay ninyo ni Miss Alonzo. Maghahanda talaga ako ng malaking regalo.”“Bakit hindi sinabi ni Tito Wilson na maghahanda muna siya ng malaking regalo para sa'kin? Hindi ba't sinabi ni Tito Wilson na bibigyan niya ako ng malaking regalo sa seremonya
Nasa baba na si Mrs. Alonzo, paalis na sana nang marinig ang anak niyang magsalita na ikinasiya niya.“Oh, nagbago ang isip mo?” Si Jenny ay singkwenta anyos na, ngunit napapanatili pa rin nito ng maayos ang sarili at mukhang nasa trenta pa lang ito. Dadalo siya sa isang okasyon ngayon at espesyal niyang isinuot ang ipinasadya niyang pulang mahabang dress. Ang itim na kulot niyang buhok ay nakatali pataas at ang buong pagkatao niya ay pinagmumukha siyang elegante at kaakit-akit.Matapos ang lahat, maraming taon na siyang sikat sa industriya ng entertainment at isa rin siya sa mga hindi mamatay-matay sa industriya. Natural na ang paglabas niya ay walang katumbas.At ang mga taong maingat ay malalaman na si Jenny at Jake ay may limang puntos na pagkakapareho ng ilang bahagi ng mukha. “Anak, e'di suotin mo ang suit na hinanda ko para sa'yo. Maganda iyon at bagay na bagay sa’yo.” Sobrang saya ang nararamdaman ni Jenny. “Mabuti at nagbago ang isip mo na dumalo kasama ang nanay mo. Hindi mo
Nang magising si Elisia, ang unang ginawa niya ay ang pumunta sa banyo habang ang mga mata ay bahagya lang ang pagkakabukas.Sobrang pagod siya nitong nakaraang dalawang araw. Hindi madaling makapagpahinga. Sa wakas ay nakatulog din siya ng maayos.Matapos makalabas sa banyo, mas nagising na ang diwa ni Elisia. Nang i-angat niya ang paningin, nakita niya si Nathan na nakaupo sa tabi ng lamesa sa kusina, umiinom ito ng kape, nakasuot ng pormal na damit at bakas ang kakuntentuhan sa mukha nito.Habang nakatingin sa mayamang itsura nito, ibinalik ni Elisia ang atensyon rito at tamad na nagsalita.“Bakit hindi mo ako ginising ng bumangon ka?”Ibinaba ni Nathan ang kape at sinabi, “Sobrang pagod ka nitong nakaraang dalawang araw, at akala ko ay magpapahinga ka muna sandali.”Iginalaw ni Elisia ang ulo. “Hindi, ayos lang. ‘di ba anibersaryo ng Lucero's Group ngayon? Kailan ka mag-aayos?”“May tatawagan akong tao kapag gising ka na.”“Okay lang, gising na ako.”“Sige, sa kwarto ka muna at mag
Nang mapagtanto niya kung ano talaga ang nangyayari, kasalukuyan ng nakahiga si Elisia sa iisang kama kasama si Nathan. Nakatalikod siya kay Nathan, nakatagilid ang katawan niya at ang mga kamay ay nasa kanang pisngi.Ang kama nito ay sobrang lambot at humahalimuyak ang mabangong amoy nito. Walang duda na ito ang pinakamagandang kondisyon para makatulog, ngunit hindi na dinalaw ng antok si Elisia ng sandaling iyon.Dahil sa likod niya ay mayroong mabigat na presensya.Dati, pakiramdam niya ang kama ni Nathan ay sobrang laki, pero bakit pakiramdam niya ang kama nito ay lumiit ng sobra nang pumunta siya ngayon.Kahit na nakatulog na siya sa higaan nito, no'ng oras naman na iyon ay lasing na lasing siya at nawalan ng malay. Ngayon, gising siya at alam kung ano ang eksaktong ginagawa niya. Hindi makatulog si Elisia at pakiramdam niya ay gano'n din si Nathan, pero hindi na siya naglakas-loob na magtanong.Matapos ang hindi malamang oras, narinig niya ng magsalita si Nathan sa likod niya.
Ang sinabi ni Elisia ay sinalubong ng walang katapusang katahimikan at pareho silang biglang natahimik. Si Elisia ang unang kumilos, “Hindi pa ako nakakakain, magluluto muna ako ng pagkain.”Kapag ang tao talaga ay nahihiya ay nagpapanggap silang abala.“Hindi pa ako nakakaligo, maliligo muna ako.” Sa kabilang banda, gano'n din ang ginawa ni Nathan.Matapos ang ilang minuto, unti-unting hinila ni Elisia ang sarili mula sa kaninang naging emosyon niya. Sa totoo lang, magandang bagay para sa kanya ang tawagin itong asawa kanina. Matapos naman ang lahat, susundan niya pa rin si Nathan para makipagkita sa iba. Sa mahabang taon ng magiging karera niya sa pag-arte, kung hindi nila kayang tawagin ang isa't isa sa pinakamadaling pangalan, paniguradong mabubunyag silang dalawa. Hindi niya alam kung kumain na ba si Nathan kaya napagdesisyunan niyang magluto pa ng kaunti. Mabuti ng marami kesa naman kulang.Nang dalhin ni Elisia ang pagkain, katatapos lang ni Nathan maligo. Mainit pa rin sa ba