Maagang umalis sa trabaho ngayong araw si Nathan. Matapos umuwi sa bahay at makapaglinis ng sarili ay nakita niya sa cellphone niya ang mensahe na mula kay Elisia. ‘Sa bahay ako ng kaibigan ko tutuloy ngayong gabi at hindi muna ako makakabalik.’‘Okay, mag-iingat ka.’ Sa ganitong oras, palaging narito si Elisia sa tuwing umuuwi si Nathan mula sa trabaho. Sanay siyang nakikita si Elisia. Ngayon, hindi siya kumportableng mag-isa.Sa kabilang banda, nakita niya ang mensahe na mula sa Lola niya.‘Oh, ang weirdo kong apo, kailan mo balak dalhin ang manugang ko sa apo pabalik?’Matapos iyon pag-isipan ay tinawagan ni Nathan si Elisia.Sa kabilang dako, si Elisia at Danica ay naghanda ng pagkain sa lamesa at planong maglasing ngayong gabi at mag-usap magdamag. Ngunit nakatanggap siya ng tawag mula kay Nathan.“Natawag boss ko, sagutin ko muna.” Itinuro ni Elisia ang cellphone at sinabi iyon kay Danica.Tumango naman si Danica.“Hello, Mr. Lucero?” “Kumain ka na ba?” Naisip ni Nathan na ba
Kinaumagahan, nagtungo si Nathan sa lugar na ibinigay ni Elisia sa mensahe nito kagabi para hanapin ito.Nagsuot ng puting palda si Elisia ngayon kasabay ng asul na pantaas. Ang mga damit niya na suot kagabi ay nilabhan sa bahay ni Danica, kaya naman kailangan niyang mag-suot ng damit nito.Kadalasan, ang mga damit niya ay pang-araw-araw at pang-atletiko. Bihira lang siyang mag-suot ng pangbabaeng-babaeng damit. Kaya naman medyo nailang siya no'ng una niya itong sinuot. “Oh, maniwala ka sa'kin, sobrang ganda! Bagay na bagay ka talaga sa ganitong estilo.” Dahil sa paulit-ulit na panghihikayat ni Danica kaya tuluyan ng naniwala si Elisia. “Makinig ka na lang sa inihanda ng amo mo ngayon at gawin mo ang dapat mong gawin.” Tinapik ni Danica ang balikat ni Elisia. “Maging mapagmatyag sa serbisyo at tamasahin ang masayang buhay.”Naikot ni Elisia ang mga mata at wala siyang masabi patungkol sa abilidad ni Danica na magsalita ng walang kwenta.Nang makarating si Nathan, nakita niya si Elis
“Mr. Lucero, ang isang ito, hindi ba okay?” Nang tanungin ni Elisia ang tanong na iyon, suot niya ang isang mapusyaw na kulay na ayon sa bagong estilo ng Chinese. Hindi kagaya ng seksi na estilo kanina, ang bestida na iyon ay nagbibigay kay Elisia ng ibang timpla, lamig at pagka-elegante katulad ng isang namumukadkad na lily. “Hmm.” Nagliwanag ang mata ni Nathan at muli na namang nag-hmm.Ang kilos nito ay bahagyang nakapagpabagabag kay Elisia. Imposible, dapat pa ba niyang ipagpatuloy ang pagsusukat?Ngunit sinabi ni Nathan sa taong katabi nito, “Ibalot ang lahat ng damit na sinukat niya. Maliban sa ilang pirasong nandito, pakibalot ng iba.” Natigilan si Elisia, anong nangyayari? Ang ‘hmm’ ba nito ay hindi dahil hindi ito nasisiyahan?Sinabi ni Nathan ang salita at ang katabi nitong tagabenta ay tumawa. Agad na nagtungo ito upang magbalot. Matapos makapagdesisyon sa damit, dinala ni Nathan si Elisia upang ayusin ang estilo nito.Naupo si Elisia sa upuan at si Nathan naman ay naupo
Sinundan ni Elisia si Nathan at naglakad patungo sa sala ng mga Lucero sa ilalim ng pag-alalay ng Lola nito.Matapos ang maikling pakilala ng Lola nito, nagkaroon din kabuuang pagkakaunawa si Elisia sa mga kamag-anak nitong nasa harap niya.Ang medyo may katandaan ng babaeng nakasuot ng pulang damit at may katabaan ay tiyahin ni Nathan. At ang may katandaan namang lalaki na nakasuot ng asul na damit ay tiyuhin nito. Ang dalawa ay parehong pinsan ni Nathan. At ngayon ay dinala rin ng mga ito ang sariling mga bata pang henerayon.Ang isa ay si Erica na nakasuot ng maikling pulang palda. Nag-aaral ito sa UK at nasa bente pa lang ito ngayong taon. Ang isa ay si Hendrix na nasa trentra na at kasalukuyang nagtatrabaho bilang middle-level manager sa Lucero's group. Ang pinsan nito ay sobrang saya no'ng nakita si Nathan at Elisia, ngunit ang ekspresyon ni Erica ay hindi maganda.Hindi tanga si Elisia, kaya pa rin niyang hatulan kung kaninong mata ang mabuti at kaninong mga mata ang masama.“Oh
Ang pag-uugali ni Nathan ay mabait ngunit dahil masyado itong diretso, hindi naging maganda ang naging ekspresyon ni Zach.Matapos ang lahat, bata pa rin ito. Hinawakan ni Elisia ang ulo ni Jewel at nagpatuloy, “Kaibigan, anong pangalan mo?”“Ang pangalan ko po ay Jewel Lucero.” Ngunit tila ang batang si Jewel ay walang masabi. Matapos sagutin ang tanong ni Elisia, sinulyapan nito si Nathan at sinabi, “Salamat, Kuya.” Tumango si Nathan, pagkatapos ay tahimik na naglakad si Elisia sa tabi ni Zach.“Maupo ka, Zach.” Ang matandang babae ay itinaas ang kamay nito kay Zach at inutusan itong maupo. Pagkatapos ay lumingon para tignan si Elisia. “Anong problema sa pagiging matapang at mabuti? Tama, pwede mo bang sabihin sa'min Elisia?” Ang matanda babae ay nagtanong kaya naman natural na dapat itong sagutin ni Elisia. Si Zach ang isang partido na may kinalaman sa bagay na ito, ngunit si Elisia ang tinanong ng matanda kaya naman natural na walang karapatan si Zach na sumagot.Kaya naman simpl
“Hindi na masama, maraming salamat sa pag-aalala, Kuya Alford.”Lagpas isang buwan na ng makabalik si Zach ngunit si Alford ay hindi pa rin naiintindihan ang personalidad ni Zach. Palagi itong nakangiti at kahit ano pa ang sabihin mo ay hindi ito nagagalit. Ngunit, mas lalo itong nangyayari, mas lalong hindi mapatanag ang mga tao dahil dito.“Zach, huwag mong sisihin ang ate mo sa pagiging mausisa. Sino ang totoong nanay ni Jewel?” Si Alysa ay ilang taong mas matanda kay Zach. Base sa relasyon nila, siya ay pinsan ni Zach. Nang makabalik si Zach, walang naglakas-loob na magtanong. Ngunit si Alysa ay isang matapang na tao. Ang lahat ng nakakakilala sa kanya ay alam na ang pinakamalaking kalamangan niya sa buhay na ito ay siya ring pinakamalaking kahinaan niya. Iyon ay ang pagsasalita ng walang preno.Kahit ano pa mang klase ng pakiramdam o paligid ang meron ka, basta may gustong malaman si Alysa. Magtatanong ito ng diretso.“Si Jewel ay anak ng girlfriend ko sa United States.” Ginamit
Sa daan pauwi, nararamdaman ni Elisia na tila hindi maganda ang pakiramdam ni Nathan.May nais siyang sabihin pero hindi niya alam kung saan mag-uumpisa.“Nakakain ka ba ng ayos kaninang hapon?” Sa huli, nauna nang nagsalita si Nathan. Gustong sabihin ni Elisia na busog pa siya, ngunit ang sikmura niya ay nag-iingay ng mga oras na ‘yon.Nang makitang nagpapanggap lang siya, napatawa si Nathan. Pagkatapos ay ibinalik ang sasakyan at sinabi, “Dadalhin kita sa isang masarap na restaurant.” Matapos ang kalahating oras, dumating ang sasakyan ni Nathan malapit sa Unibersidad ng Pilipinas. Nang makita ito, bahagyang nasurpresa si Elisia. “Bakit tayo nandito?” “Nagpunta ako sa Unibersidad ng Pilipinas noon para makilahok sa isang proyekto at dinala ako ng presidente sa isang restaurant. Sa tingin ko ay masarap ang mga pagkain nila.” Ang kainan na sinasabi ni Nathan ay nasa maliit na bahagi ng timog-silangan ng Unibersidad. Ang may-ari ay may katandaan na sa edad na kwarenta o singkwenta at
Natigilan si Elisia, hindi niya inaasahan na personal na pupunasan ni Nathan ang pawis niya. Nang lingunin niya ito, nagsalubong ang mga tingin nila. Sa hangin ay may hindi maipaliwanag na kaguluhan.“Gusto mo bang uminom?” Ang tanong ng may-ari ang bumasag sa kaguluhan sa pagitan nila. “Tinimpla ko ito.” “Edi dapat ko ngang subukan ‘yan.” Nilingon ito ni Nathan. “Okay.” Nagdala ng tatlong baso ang may-ari at sinalinan ang bawat isa.“Noong nakaraan may nakilala akong dalawang lalaki sa online at umakyat kami ng bundok. Pagkatapos, nalaman ko na mula rin pala sila sa Unibersidad ng Pilipinas. Ang dalawang bata ay matagumpay na nakapagtapos ng kolehiyo dahil sa Boiling snow project at sobra silang nagpapasalamat sa tagasuporta. Napakabuti mo talagang bata.”Matapos ang ilang beses na pag-inom, itinaas ng may-ari ang baso at idinampi iyon sa baso nilang dalawa at pagkatapos ay ikunuwento nito ang nangyari dito noong nakaraang araw.“Kaya naman ang pagkain ngayon ay libre ko na. Isang r
“Hindi mo alam kung gaano ako kapagod nitong mga nakaraan.” Nang sumapit ang gabi, ang crew na kinabibilangan ni Danica ay binigyan siya ng kalahating araw para magpahinga. Kaya naman agad na pinuntahan niya si Elisia.Ang dalawa ay matagal ng hindi nagkikita at sa wakas, napagdesisyunan nilang pumunta sa bar para maupo. Ang bar pinuntahan nila ay tahimik, nagpapatugtog sila ng malambing na musika at ang mga tao ay abala sa pag-uusap. Pagkaupong-pagkaupo pa lang nila ay nagsimula ng magreklamo si Danica patungkol sa enerhiya niya sa panahong iyon.“Sobrang hinahangaan ko na talaga si Duke.” Tinignan ni Danica si Elisia habang sa mukha nito mababasa ang kawalan nito ng masasabi. “Ito ang unang beses na nakakita ako ng idol drama na sobrang bagal ng pagkuha. Basta may lugar na hindi maganda, ang lahat ay kailangang ulitin ulit mula sa umpisa.” “Hindi ba't mas maganda iyon? Mas lalo kayong gagaling. Mas mabuti na iyon kumpara sa ibang mababa ang kalidad na TV drama sa pamilihan ngayon

“Ah, hindi ba ito illegal?” Nagpapanggap na saad ni Elisia.“Wala namang batas na nagbabawal no'n.” Hindi sumasang-ayon na saad ng manager, “Mrs. Lucero, hindi na ito bago sa mga mayayamang tao. Katulad lang ito ng vitro fertilization.” “Talaga?” Nagpatuloy siya sa pagpapanggap na nag-aalangan. Upang maalis ang naiisip ni Elisia, muling naupo sa tabi niya ang manager at inumpisahang ipaliwanag ang buong proseso at detalye sa bahagi nito. Nang matapos ang lahat, gabi na ng makalabas si Elisia.Matapos makapasok sa loob ng kotse at makaalis sa tindahan, sa wakas ay napanatag din si Jake.“Kamusta?” tanong ni Jake.“Na-record ko ang lahat kanina, nandito lahat.” Itinaas ni Elisia ang maliit na camera at mic na hawak habang ang mukha ay may matagumpay na ngiti. “Nakapagpa-appointment na rin tayo para sa pagpunta sa kumpanya nila sa susunod na linggo, para makita rin natin kung aling kumpanya ang pinamumunuan talaga ng manager. Ang lakas ng loob nilang magtayo ng kumpanya, talagang hind

Nakasuot lang ng kaswal na suit si Elisia ngayon at hindi na siya naglagay pa ng make-up, ngunit sa kabila no'n ay maganda pa rin namang tignan ang balat niya.Dala niya ang isang simpleng bag, ngunit ang halaga no'n ay anim na numero din. Sumakay siya sa kotse mula sa bahay nila at si Jake ang nagmamaneho.Nang makarating sila sa pintuan ng tindahan, namataan nila ang manager na nakatayo roon para salubungin sila. “Mrs. Lucero, nandito ka po pala.” Hindi niya alam kung ilusyon niya lang iyon, dahil pakiramdam niya ay ang ngiti sa mukha ng manager ay tila mas lalong naging intense kumpara noong nakaraang araw na nakita niya ito. Nang makarating si Elisia, napag-alaman niya na siya lang mag-isa ang nasa loob ng malaking tindahan.“Mrs. Lucero, espesyal na isinara po namin ang tindahan at tanging ikaw lang ang tatanggapin naming bisita ngayon.”Ang ganito kalaking tindahan ay isinara lang? Paniguradong may intensyon ang mga ito. Tumango si Elisia, ngumiti sa manager at pagkatapos ay
“Elisia, sabihin mo sa'kin ang totoo, ikaw ba at si Nathan ay may kontratang pagpapakasal?”Habang nasa daan ay paulit-ulit siyang tinatanong ni Jake.At sa maikling oras na iyon, nakaisip na ng sagot si Elisia. “Bakit ba pinipilit mo akong sumagot?”Sa gilid ng kalsada, si Elisia na palaging kalmado ay bigla na lang nagsalita sa mataas na boses, pinagmumukhang galit ang sarili.Nang magtama ang mga mata nila, napansin ni Jake na bigla na lang namula ang mga mata ni Elisia, dahilan para bigla na lang siya nitong matalo.“Elisia, Elisia, huwag kang umiyak. Hindi ko naman gustong pilitin ka, sorry, sorry talaga. Mali ako, nagkamali ako.” Mabilis na nag-alala si Jake at halos wala siyang masabi sa pagiging madaldal at palatanong niya.Tinignan ni Elisia si Jake at sunod-sunod na sumingot habang ang mga luha ay patuloy ang pagdaloy sa pisngi niya.Ito ang unang pagkakataon na nakita ni Jake na umiiyak si Elisia dahilan para sandali siyang matigilan. Sa sandaling iyon, hindi na niya alam
“So, nakita mo ang asawa ni Nathan kagabi?” Maagang nagising si Elisia ng umagang iyon, nang bumangon siya ay wala na si Nathan at may almusal na inihanda ito sa ibabaw ng lamesa. Plano niyang magpatuloy sa pagtulog, ngunit naalala niya na ilang araw na niyang hindi nakakausap si Danica, kaya naman agad niya itong tinawagan.“Yes.” Kinain ni Elisia ang inihandang almusal ni Nathan habang abala sa pakikipag-video call kay Danica.“Ano ngayon sa tingin mo, Ms. Elisia?”“Tapat kong ginawa ang obligasyon ko. Nang umamin sa'kin ang ibang lalaki, palagi kong inaalala ang obligasyon ko na panatilihin ang kasal na ito at ipahayag ang pagmamahal ko kay Nathan.”“Teka, teka, teka, sabi mo may ibang lalaki ang umamin sa’yo?” Magaling si Danica sa pagkuha ng punto pagdating sa tsismis. “Sino ‘yan? ‘Yong kasamahan mo ba sa trabaho?”“Paano mo nalaman?” Medyo nagulat si Elisia, wala pa siyang sinasabi na kahit ano dito.“Kahit ang bulag na tao ay makikita iyon, halata naman na interesado sa'yo ang
Sa loob ng sasakyan, tanging si Elisia at Nathan na lang ang natira.Hinubad na ni Elisia ang suot na takong, pagkatapos ay malaya niyang kinuskos ang talampakan pataas at pababa. Tila minamasahe nito ang isa't isa. Pagkatapos ay inayos niya ang sarili sa pagkakaupo at plano niya munang matulog sa byahe. Ang araw na ito ay talagang nakakapagod. “Kahit na walang malinaw na kondisyon ang kontrata…” Ngunit kapipikit pa lang ni Elisia ng mga mata ay bigla na lang nagpahayag ng opinyon si Nathan.“Umaasa pa rin ako na sa taong ito, pananatilihin mo ang distansya mo sa mga lalaking nasa paligid mo. Lalong lalo na kay Jake.” “Katrabaho ko si Jake at ginagawa pa rin namin ng magkasama ang in-depth report.” Sa loob-loob ni Elisia ay gusto niyang hindi sumang-ayon dito.“Edi, subukan mong hindi makipagkita sa kanya sa labas ng trabaho.”Gustong magreklamo ni Elisia, ngunit nang maisip iyon ay pinigilan niya ang sarili. Ito ang amo niya at ito rin ang magdedesisyon sa huli.“Okay.”Pagkatapos