“Tara na.”Sinubukang pakalmahin ni Elisia ang tibok ng puso niya. Ngunit bigla niyang natagpuan ang sariling nabubulol.Ang dalawa ay umalis ng basketball court at naglakad sa papunta sa pagtatanghalan ng paaralan. Si Elisia na kanina lang walang tigil sa pagsasalita ay bigla na lang natahimik ngayon. Umalis si Nathan para bumili ng gamot kanina, nang makalabas siya sa clinic ng campus, nakita niya ang batang lalaki na nakatayo sa tabi ni Elisia hawak ang cellphone at tila may sinasabi. Tumakbo si Nathan palapit ng walang sinasabi.Nang makalapit siya ay narinig niya ang lalaking nanghihingi ng WeChat ni Elisia.Hindi alam ni Nathan ngunit nagagalit siya.Mula sa basketball court hanggang sa pagtatanghalan ay hindi sila gaanong nag-usap dalawa. Nang makarating sila sa lugar, nalaman nila na maraming tao roon. Ang may-ari kanina ay binigyan silang dalawa ng ticket sa unahang upuan. Ang dalawa ay naupo sa upuang nakalagay sa ticket. Pagkaupong-pagkaupo pa lang ni Elisia ay natanggap
Naiyak si Elisia sa sakit. Mabilis namang naintindihan ni Nathan ang pagkakamali niya. Binitawan niya ito at nilapitan. “Ayos ka lang ba?” “Okay lang, okay lang.” Kahit na sinabi nito na ayos lang ay iba naman ang sinasabi ng ekspresyon ni Elisia. Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Nathan, nakaramdam siya ng kaunting pagka-irita. Kaya pala pinagalitan siya ng matandang lalaki kanina. “Halika rito, mamasahihin kita.” Gustong tumanggi ni Elisia. Gabing-gabi na masyado sa school at mas mabuting umuwi na at maagang magpahinga. Ngunit si Elisia ang party B. Kapag ang Party A ay gustong magpakita ng pag-aalala, dapat hayaan niya itong gawin iyon. Kaya naman sinamahan ni Elisia si Nathan ng walang pagkadismaya at naupo sa upuan sa tabi ng poste ng ilaw.Maingat na inangat ni Nathan ang braso ni Elisia gamit ang dalawang kamay at inumpisahan iyong dahan-dahang diinan. Noong una ay medyo nahihiya si Elisia, ngunit ang galaw ni Nathan ay propesyunal at unti-unti ay hindi na nakaramdam ng s
Bahagyang naguguluhan si Elisia at hindi niya maintindihan kung paanong bigla na lang siyang naupo sa kama ni Nathan.Ang mukha ni Nathan ay puno ng kasiyahan. Dahil nang oras na iyon, nakapatong ang ulo niya sa hita ni Elisia at ang buong katawan niya at isip ay payapa.Noong una ay walang masabi si Elisia, at mukhang hindi siya gaanong nasiyahan sa naging akto ni Nathan. Ngunit nang maisip ang ginawa nito ngayon at kung paano niya itong babayaran, naisip niya iyon at napagdesisyunang kalimutan na lang.Hindi niya alam kung dahil ba pagod lang siya nitong mga nakaraang araw, ngunit bago pa malaman ni Elisia ay nilamon na siya ng antok. Nang magising siya kinabukasan ay pakiramdam niya ay may nakapatong sa bewang niya. Walang pasensya na inalis niya ang bagay na iyon, ngunit hindi niya inaasahan na ang bagay na iyon ay papatong ulit maya-maya.“Huwag kang magulo.” Hindi maganda ang pakiramdam ni nang magising siya at hindi maganda ang ugali niya sa mga taong iniistobo siya pag bangon
May nagaganap na diskusyon sa online, ngunit nagagalit si Elisia dahil nanalo na naman si Jake.“Wala talaga akong alam. Subukan mong makialam sa'kin sa susunod.” Dalawang beses na nagsasalita si Jake sa tabi niya habang naglalaro siya dahilan para hindi siya makakuha ng puntos. “Ang abilidad mo ay hindi kasing galing ng iba. Hindi ko aaminin ‘yan.”Kung wala lang maraming tao ngayon, gustong saksakin ni Elisia si Jake sa leeg. Anong klaseng tao ang walang hiya? “...Sobra akong nasisiyahan na may gano'ng tao sa ating mga baguhan, kaya para palakasin ang loob niya ay plano ng istasyon na gantimplaan ang baguhang ito ng malaking pulang sobre.”“Ang direktor ng istasyon ay talagang maraming sinasabi. Kaya niyang purihin ang baguhan ng kalahating oras. Anong klaseng tao ang nagtatrabaho ng hindi pa aabot ng dalawang linggo at marami ng pakinabang?” Hindi narinig ni Elisia ang sinabi nito. Nakinig na lang siya, ang namumunong ito ay magaling sa pagpapahaba ng pangungusap. Ang isang pangun
Ngunit ang inaasahan na nilalaman ay hindi lumabas sa monitor. Gusto ni Rain na gamitin ang malaking monitor para direktang ipakita ang sunod-sunod na pribadong larawan ni Elisia at Kyle, ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay namatay ang monitor.Ang malaking monitor na gumagana lang kanina ay bigla na lang nawalan ng kuryente.Nang ibaba niya ang tingin, nakita niya ang saksakan sa sahig. At ang taong pinakamalapit sa saksakan ay si Elisia.Mabilis na nakapag-isip si Elisia at binunot ang saksakan na nasa sahig. Kahit na hindi niya alam kung ano ang ilalabas ni Rain, may kumpiyansa naman siya na wala siyang ginawang kung ano para madismaya ang mga taong naroon.Ngunit ayaw niyang ilagay ang sarili sa sentro ng usapan. Mabilis na nakapag-isip ang Direktor nang makita na ang malaking monitor ay naging itim, kaya naman dalawang beses na mas mabilis siyang nagsalita sa mikropono at sinabing ang pagpupulong sa araw na iyon ay tapos na.May gusto pang sabihin si Rain ngunit nahila n
“Anong problema mo? Ayaw mo na rin ba sa cellphone mo?” Nagsalubong ang kilay ni Jake. Nagulat siya sa biglaang naging kilos ni Elisia.“Sinabi ko na kailangan ko ng pera, kaya nagpadala sa'kin ng sampung milyon ang asawa ko.”“Huwag mo akong kausapin pagpatay na ako.” Nang sumunod na araw, dumating si Elisia sa isang mamahaling tindahan ng may maliwanag na awra. Mula ulo hanggang paa ay hindi siya makapaniwala sa pinagbago niya. Ang pagkakaayos sa mukha niya ay inayos sa isang styling shop na pinagdalhan sa kanya ni Nathan noong nakaraan.Hindi niya pinili ang pampublikong sasakyan sa byaheng iyon. Hinayaan niya si Simon na imaneho ang mamahaling sasakyan ng pamilya na nagkakahalaga ng sampung milyon.Nang bababa na sa sasakyan, hinintay niya na pagbuksan siya ni Simon ng pintuan at pagbuksan siya ng payong bago lumabas ng kotse. Nang ang mamahaling sasakyan ay pumarada sa harap ng tindahan, mabilis na napansin iyon ng mga nagtitinda at namamahala. Ilang taon na sila sa tindahan ng
“Miss Sandra? Sinong Miss Sandra ang sinasabi mo?” “Siya po ang anak na babae ng Song Group na nawala ng limang taon.” Matapos no'n, ang pintuan ng kwarto kung saan nagsusukat ay bumukas. Hindi inaasahan ni Elisia na may ibang tao rin sa ikalawang palapag, kaya naman tinignan niya rin ang pinagmumulan ng boses. Nang i-angat niya ang paningin, nakita niya ang sobrang gandang babae sa harapan niya. Ang mahabang itim na buhok ng babae ay metikulosong nakaayos. Nakasuot ito ng pulang skirt na aabot sa hita. Mahaba rin ang leeg nito, maputi ang balat, maganda ang pagkakaayos sa mukha at matangkad. Ang buong pagkatao nitong nakatayo roon ay kasing elegante ng sawang.Ang pulang bestida nito ay katulad ng dugo, ang balat nito ay tila niyebe. Nakakita na ng magaganda si Elisia noon, ngunit ang magandang nasa harapan niya ay nakakatulala at nakakapukaw ng atensyon.“Oh my gosh! Napakaganda!”Nakita rin ni Jake ang magandang babae sa harap niya sa pamamagitan ng maliit na camera na dala ni
Katatapos lang ni Nathan sa isang international conference nang makita niya ang abiso mula sa cellphone niya na gumastos ng walong numero ang asawa niya sa isang mamahaling tindahan.Maayos naman si Elisia, kaya naman bakit ito biglang gagastos ng malaking pera?Ang halaga ng perang iyon ay maliit lang para kay Nathan, ngunit gusto niyang malaman kung ano ang ginawa ni Elisia sa pera. At kung tama ang pagkakaalala niya, kinuhang driver ni Elisia si Simon ngayon. Dati, gusto ni Nathan na bigyan ng driver si Elisia, ngunit hindi ito pumayag. Gusto nitong gawin ang lahat ng bagay ng sarili lang ang inaasahan. Pero ngayon, bigla na lang nagbago ang isip nito. Hindi lang ito gumastos ng pera, kun'di kinuha rin nito si Simon para samahan ito.Mahirap na hindi ito masyadong isipin. Ang pinakaimportanteng bagay ay nang makauwi si Nathan kagabi, masunuring naghihintay na si Elisia sa kwarto. May hawak itong report pagkatapos ay nagsalin ng gatas sa baso. Ang itsura nito ay mukhang handa ng ga
“Hindi mo alam kung gaano ako kapagod nitong mga nakaraan.” Nang sumapit ang gabi, ang crew na kinabibilangan ni Danica ay binigyan siya ng kalahating araw para magpahinga. Kaya naman agad na pinuntahan niya si Elisia.Ang dalawa ay matagal ng hindi nagkikita at sa wakas, napagdesisyunan nilang pumunta sa bar para maupo. Ang bar pinuntahan nila ay tahimik, nagpapatugtog sila ng malambing na musika at ang mga tao ay abala sa pag-uusap. Pagkaupong-pagkaupo pa lang nila ay nagsimula ng magreklamo si Danica patungkol sa enerhiya niya sa panahong iyon.“Sobrang hinahangaan ko na talaga si Duke.” Tinignan ni Danica si Elisia habang sa mukha nito mababasa ang kawalan nito ng masasabi. “Ito ang unang beses na nakakita ako ng idol drama na sobrang bagal ng pagkuha. Basta may lugar na hindi maganda, ang lahat ay kailangang ulitin ulit mula sa umpisa.” “Hindi ba't mas maganda iyon? Mas lalo kayong gagaling. Mas mabuti na iyon kumpara sa ibang mababa ang kalidad na TV drama sa pamilihan ngayon

“Ah, hindi ba ito illegal?” Nagpapanggap na saad ni Elisia.“Wala namang batas na nagbabawal no'n.” Hindi sumasang-ayon na saad ng manager, “Mrs. Lucero, hindi na ito bago sa mga mayayamang tao. Katulad lang ito ng vitro fertilization.” “Talaga?” Nagpatuloy siya sa pagpapanggap na nag-aalangan. Upang maalis ang naiisip ni Elisia, muling naupo sa tabi niya ang manager at inumpisahang ipaliwanag ang buong proseso at detalye sa bahagi nito. Nang matapos ang lahat, gabi na ng makalabas si Elisia.Matapos makapasok sa loob ng kotse at makaalis sa tindahan, sa wakas ay napanatag din si Jake.“Kamusta?” tanong ni Jake.“Na-record ko ang lahat kanina, nandito lahat.” Itinaas ni Elisia ang maliit na camera at mic na hawak habang ang mukha ay may matagumpay na ngiti. “Nakapagpa-appointment na rin tayo para sa pagpunta sa kumpanya nila sa susunod na linggo, para makita rin natin kung aling kumpanya ang pinamumunuan talaga ng manager. Ang lakas ng loob nilang magtayo ng kumpanya, talagang hind

Nakasuot lang ng kaswal na suit si Elisia ngayon at hindi na siya naglagay pa ng make-up, ngunit sa kabila no'n ay maganda pa rin namang tignan ang balat niya.Dala niya ang isang simpleng bag, ngunit ang halaga no'n ay anim na numero din. Sumakay siya sa kotse mula sa bahay nila at si Jake ang nagmamaneho.Nang makarating sila sa pintuan ng tindahan, namataan nila ang manager na nakatayo roon para salubungin sila. “Mrs. Lucero, nandito ka po pala.” Hindi niya alam kung ilusyon niya lang iyon, dahil pakiramdam niya ay ang ngiti sa mukha ng manager ay tila mas lalong naging intense kumpara noong nakaraang araw na nakita niya ito. Nang makarating si Elisia, napag-alaman niya na siya lang mag-isa ang nasa loob ng malaking tindahan.“Mrs. Lucero, espesyal na isinara po namin ang tindahan at tanging ikaw lang ang tatanggapin naming bisita ngayon.”Ang ganito kalaking tindahan ay isinara lang? Paniguradong may intensyon ang mga ito. Tumango si Elisia, ngumiti sa manager at pagkatapos ay
“Elisia, sabihin mo sa'kin ang totoo, ikaw ba at si Nathan ay may kontratang pagpapakasal?”Habang nasa daan ay paulit-ulit siyang tinatanong ni Jake.At sa maikling oras na iyon, nakaisip na ng sagot si Elisia. “Bakit ba pinipilit mo akong sumagot?”Sa gilid ng kalsada, si Elisia na palaging kalmado ay bigla na lang nagsalita sa mataas na boses, pinagmumukhang galit ang sarili.Nang magtama ang mga mata nila, napansin ni Jake na bigla na lang namula ang mga mata ni Elisia, dahilan para bigla na lang siya nitong matalo.“Elisia, Elisia, huwag kang umiyak. Hindi ko naman gustong pilitin ka, sorry, sorry talaga. Mali ako, nagkamali ako.” Mabilis na nag-alala si Jake at halos wala siyang masabi sa pagiging madaldal at palatanong niya.Tinignan ni Elisia si Jake at sunod-sunod na sumingot habang ang mga luha ay patuloy ang pagdaloy sa pisngi niya.Ito ang unang pagkakataon na nakita ni Jake na umiiyak si Elisia dahilan para sandali siyang matigilan. Sa sandaling iyon, hindi na niya alam
“So, nakita mo ang asawa ni Nathan kagabi?” Maagang nagising si Elisia ng umagang iyon, nang bumangon siya ay wala na si Nathan at may almusal na inihanda ito sa ibabaw ng lamesa. Plano niyang magpatuloy sa pagtulog, ngunit naalala niya na ilang araw na niyang hindi nakakausap si Danica, kaya naman agad niya itong tinawagan.“Yes.” Kinain ni Elisia ang inihandang almusal ni Nathan habang abala sa pakikipag-video call kay Danica.“Ano ngayon sa tingin mo, Ms. Elisia?”“Tapat kong ginawa ang obligasyon ko. Nang umamin sa'kin ang ibang lalaki, palagi kong inaalala ang obligasyon ko na panatilihin ang kasal na ito at ipahayag ang pagmamahal ko kay Nathan.”“Teka, teka, teka, sabi mo may ibang lalaki ang umamin sa’yo?” Magaling si Danica sa pagkuha ng punto pagdating sa tsismis. “Sino ‘yan? ‘Yong kasamahan mo ba sa trabaho?”“Paano mo nalaman?” Medyo nagulat si Elisia, wala pa siyang sinasabi na kahit ano dito.“Kahit ang bulag na tao ay makikita iyon, halata naman na interesado sa'yo ang
Sa loob ng sasakyan, tanging si Elisia at Nathan na lang ang natira.Hinubad na ni Elisia ang suot na takong, pagkatapos ay malaya niyang kinuskos ang talampakan pataas at pababa. Tila minamasahe nito ang isa't isa. Pagkatapos ay inayos niya ang sarili sa pagkakaupo at plano niya munang matulog sa byahe. Ang araw na ito ay talagang nakakapagod. “Kahit na walang malinaw na kondisyon ang kontrata…” Ngunit kapipikit pa lang ni Elisia ng mga mata ay bigla na lang nagpahayag ng opinyon si Nathan.“Umaasa pa rin ako na sa taong ito, pananatilihin mo ang distansya mo sa mga lalaking nasa paligid mo. Lalong lalo na kay Jake.” “Katrabaho ko si Jake at ginagawa pa rin namin ng magkasama ang in-depth report.” Sa loob-loob ni Elisia ay gusto niyang hindi sumang-ayon dito.“Edi, subukan mong hindi makipagkita sa kanya sa labas ng trabaho.”Gustong magreklamo ni Elisia, ngunit nang maisip iyon ay pinigilan niya ang sarili. Ito ang amo niya at ito rin ang magdedesisyon sa huli.“Okay.”Pagkatapos