“Anong ginagawa mo dito?” Si Clara na kanina lang ay mukhang nagmamalaki ay mabilis na napalitan ng galit ang ekspresyon. Ito ang linya ni Mona, ang bida sa Tomorrow Again. “Hindi mo na kailangang magpanggap sa'kin.” Sa bahaging iyon na ginaganapan ni Clara—nalaman ni Mona na si Coach Andrei ay nakikipag-usap sa mga negosyante patungkol sa negosyo. Malinaw na sinabi nito noon na sasanayin sila nito sa grupo upang maging pinakamahusay na atleta sa larangan ng Track and field. Ngunit sa huli, nalaman niya na negosyo lang pala ang lahat. “Sige, nakikinig ako sa'yo. Anong masasabi mo?” Humakbang paunahan si Clara na parang nilalapitan nito ang lalaki sa unahan niya. Pinagmamasdan ito ni Danica mula sa gilid. Namangha siya ng kaunti dito. Nakita na rin niya ang maikling dula nito noon. Sa totoo lang, noong una maraming tao ang nagrereklamo kay Clara. Ayon sa mga ito ay hindi maganda ang naging pagtatanghal nito. Ngunit sa mga oras na iyon, mukhang sinaniban ito ng mga simpleng katangian
“Elisia, bakit ka ba nagkakaganito? Dapat na nakikipagkasundo ka sa mga kasamahan mo sa trabaho. Bakit ikaw pa ang nangunguna sa paggawa ng kaguluhan?” Nang sabihin iyon ni Director Janna, agad na nalungkot si Elisia. Interesante talaga ang direktor na ito. Maging ang asong gustong makakuha ng pabor kay Rain araw-araw ay hindi iyon matatagalan. Dati, hindi niya maintindihan ang sitwasyon at ayaw niyang magsalita ng kahit ano. Ngayon, ito na ang lumapit at sinisisi siya ng walang dahilan. “Director Janna, alin sa mga mata mo ang nakakita na inaapi at minamali ko si Rain?” Ilang taon nang nagtatrabaho dito si Janna. Kahit na hindi siya ang may kontrol sa unit, marami naman siyang nirerespetong tao sa araw-araw . Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakakita siya ng taong inirereklamo ang sarili nang may kumpiyansa sa harap ng maraming tao. Hindi niya ito lubos na matatanggap.“Nakita ng parehong mata ko.” Tumaas ang boses ni Janna at mas naging seryoso ang ekspresyon. Ramdam niya ang
“Okay, magsalita ka na.” Itinaas ni Elisia ang kamay, maging ang ulo niya at sinenyasan si Kyle na magsalita na.“Inaamin ko na nakokonsensya ako sa’yo pagdating sa nararamdaman mo.” Tinignan ni Kyle si Elisia nang may nakokonsensyang ekspresyon sa mukha, “Pero Elisia, umaasa ako na maiintindihan mo ako.” “Alam mo rin na ilang taon nang walang maayos na trabaho ang tatay ko at gusto palaging magsugal tuwing regular na araw. Ang nanay ko lang ang kumikita ng pera para sa pamilya namin. Ito ang naging dahilan kung bakit naging sobrang lakas ng nanay ko, dahil malakas siya.”Nang marinig ang sinabi ni Kyle ay unti-unti na namang umaangat ang pandidiri ni Elisia dito. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, ang maginoo at mabait na batang lalaki noong kabataan niya at ang lalaki sa harap niya ay malaki ang pagkakaiba.“Unang nagkita kami ni Rain noong may proyekto kami sa pananaliksik.” Ito ang unang beses na sinabi ni Kyle kay Elisia ang tungkol sa mga bagay sa pagitan nila ni Rain. Matapos a
“Hindi ba tayo sasayaw ngayon?” Habang nasa daan, napansin ni Elisia na hindi tama ang dinadaanan nila.“Hindi, magpahinga muna tayo.” Napansin ni Nathan ang pangingitim ng ilalim ng mata ni Elisia nitong dalawang araw na nagdaan. Nagtatrabaho ito sa umaga, sumasayaw pagkatapos ng trabaho at sinasamahan siyang matulog sa gabi. Ramdam ni Nathan na masyadong abala at pagod si Elisia.Nang marinig ang sinabi nito ay nakaramdam ng kaunting tuwa ni Elisia. Hindi dahil ayaw niyang sumayaw kun'di dahil kailangan niya ng kaunting pahinga.Pagkatapos niyang hikayatin si Nathan na matulog, kailangan niyang pumunta sa kwarto niya para gumuhit ng komiks. Ngayon ay meron na siyang umuusad na comics series araw-araw. At kailangan niyang ipasa iyon kada linggo. Ang tanging oras na nakakapagguhit siya ng komiks ngayon ay tuwing gabi lang. Matapos ang sampung minuto, nang makarating sila sa bahay ay sabay silang umakyat sa taas. Nang sulyapan niya ang oras ay alas-siyete na ng gabi!Mukhang dapat na
Tama nga, nang maupo si Elisia ay pasuray-suray na ang katawan nito. Wala sa loob na lumapit si Nathan para masuportahan siya. Nang lumabo na ang mga mata ay sumandal siya sa mga braso ni Nathan.Hinawakan ni Nathan ang mga balikat ni Elisia gamit ang parehong kamay. At ang buong dibdib niya ay nagsilbing sandalan ni Elisia. Marahil dahil mainit sa pakiramdam ang yakap ni Nathan o baka dahil masyado lang napagod si Elisia sa nakalipas na dalawang araw kaya matapos uminom ng marami ang talukap ng mga mata niya ay bumibigat na. Tila ba anumang segundo ay lalamunin na siya ng antok.“Tara na.” Nang makita siya ay si Mikey ang unang unang nagsalita. Sinulyapan nito si Dylan—na nakahiga na sa tabi niya dala ng antok. Hinila nito si Dylan patayo. “Sasabihan ko ang driver na ihatid kayo,” saad ni Nathan sa mahinang boses. “Hindi na, may susundo na sa'min.” Iwinagayway ni Duke ang mga kamay tanda na dapat niyang alagaan si Elisia. Ang tatlo ay sinuportahan ang lasing na si Dylan at sabay-
Sa gano'ng paraan, ang pagiging mapagmatyag ni Elisia dito ay unti-unting humupa. Ngunit mababakas ang kaunting pagkapahiya sa mukha niya.“Sorry,” paghingi ng paumanhin ni Elisia sa hindi magandang naging akto niya.“Okay lang.” Iwinagayway ni Nathan ang kamay, “Naiintindihan ko, pero masasabi kong nagkaroon ako ng kaunting pagkamakasarili.” Seryosong tinignan ni Nathan si Elisia.“Anong pagkamakasarili?”Si Nathan ay isang boss ng malaking kumpanya at hindi ito nagkukulang sa pera. Narito na ang lahat ng gusto nito. Anong pagkamakasarili pa ba ang posibleng narito? “Kagabi, nakahiga tayong pareho sa iisang higaan. Habang hawak ko ang kamay mo, ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang kapanatagan.” Sa loob ng sampung taon ay walang oras na kumportable siya at payapa katulad ng kagabi. “Salamat.” Nauunawaan ni Elisia na isa iyong papuri mula dito. Malinis ang intensyon nito at mukhang seryoso naman itong walang nangyari. At sinabi nitong magandang bagay iyon kaya nakaramdam ng hiya si
Tinawagan ni Elisia si Jake at plano niyang magsabi dito para makapag-leave muna sa trabaho. “Bakit bigla mo na lang gustong lumiban sa trabaho kung kailan katatapos mo lang magtanghalian?” Hininaan ni Jake ang boses at tumayo sa gilid ng pasilyo. “Pupunta rin ang direktor sa meeting mamayang hapon. Kapag hindi ka pumunta, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ni Janna at Rain.” “Okay lang, normal na leave ang hinihiling ko, personal leave. Nagpasa na ako ng mga pormalidad. Gusto ko lang sabihin sa’yo na may nangyaring hindi inaasahan. Parang-awa mo na, tulungan mo ako,” saad ni Elisia, “Lilibre kita ng hapunan pagbalik ko.” Matapos no'n ay binaba na ni Elisia ang cellphone. “Tara na, te. Labas tayo punta tayo sa karnabal.” Kinuha ni Elisia ang kamay ni Danica at plano niyang lumabas para maglakad ngunit iniling nito ang ulo. “Ayoko, gusto kong manood ng movie.” Kaya't matapos ang kalahating oras, si Elisia at Danica ay sabay na umuwi sa bahay. Ang bahay ni Danica ay kabibili lang
Bakit wala siya dito ngayon?Hindi pinansin ni Nathan ang station manager na nangunguna sa daan. Humakbang siya palapit. Nang isang metro na lang ang pagitan niya sa workstation ni Elisia ay huminto siya.Habang nakatayo doon, kitang-kita niya ang mga bagay na nakalagay sa workstation ni Elisia. Napakalinis nito at walang masyadong gamit ang nakapatong doon. Maliban sa computer na naroon ay may ilang gamit lang ang nasa ibabaw. May mga notebooks at lapis. Sa taas at kanang bahagi ay may paso ng halaman na simple at malinis tignan. Nang makita ng station manager ang pagtigil ni Nathan, sikreto itong nakipagpalitan ng tingin sa deputy station manager. Iniisip ba ni Mr. Lucero na tignan ang opisina ng asawa? Ngunit nahihiya lang itong magtanong? Kaya naman plano ng tagapangasiwa ng istasyon na samantalahin ang sitwasyon at gawan ng paraan si Nathan.“Mr. Lucero, ang opisina sa loob ay ang opisina na hinanda namin para sa mga magagaling na mamamahayag na kasisimula lang ngayong taon. Pw
Plano ni Nathan na pumunta at tawagin si Elisia, ngunit hindi niya inaasahan na makita itong may kausap na lalaki sa gilid.Masyado siyang malayo para marinig kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa, pero kung titignan ang paligid ng mga ito, nakaramdam siya ng pagkakaisa at pagkakaibigan.Sa sandaling iyon, nakatayo sa sahig habang nakapaa si Elisia. Sa tabi nito ay ang sampung sentimetrong takong. Naaalala ni Nathan ang lalaking iyon. Siya iyong tumatawa habang nakikipaglaro kay Elisia sa harap ng TV station no'ng nakaraan.Ngunit hindi niya inaasahan na ang lalaking iyon ay dadalo rin sa pagdiriwang ng ika-isang daang taon ngayon.Unti-unti ay may hindi mapangalanang galit ang umuusbong sa isipan ni Nathan.Palaging kinakabahan at hindi kumportable si Elisia sa harap niya. May mga ilang pagkakataon lang na kumportable ito katulad ng ginagawa nito sa harap ng lalaking iyon.Nakikipagtalo si Elisia kay Jake. Matapos ang matagal na pagtatanong, hindi niya pa rin nalalaman kung paano ito
“Tara na.” Wala ng oras pa si Elisia para pag-isipan ang tungkol doon. Pagkatapos magsalita ni Nathan ay sinulyapan nito si Elisia. Tumango si Elisia at pagkatapos ay bumaba sila ng kotse ng magkasama. Unang bumaba ng kotse si Nathan, at naglakad sa kabilang bahagi para pagbuksan ng pinto si Elisia. Nang lumabas si Nathan, ang nagkikislapang mga ilaw sa lugar ay hindi na natigil. Pagkatapos ay unang bumaba sa lupa ang sandals ni Elisia, at ipinatong nito ang kamay sa palad ni Nathan. Nagpakita siya sa harap ng lahat sa pamamagitan ng suporta na nagmumula kay Nathan. Walang pagdududa na napakaganda ni Elisia.Ang tsismis patungkol sa namumuno sa Lucero's Group ay palaging paksa ng lahat ng balita sa media, ngunit sa maraming taong nagdaan, wala pang balita ang nagagawa. Ang tanging bagay na alam lang nila ay si Nathan Lucero ay mukhang may relasyon sa reyna ng mga pelikula noon na si Sandra Song. Ang relasyong iyon ay hindi kinumpirma ng dalawa, ngunit ang mga media reporters a
Pero hindi lang ‘yon lahat.Matapos no'n, nakapasok si Sandra sa directing department ng Film Academy ng may mataas na puntos. Ang unang serye niya sa telebisyon kung saan siya unang lumabas sa edad na labing walo ay diretsong naging kampeon ng taong iyon sa ranggo.Nang ang kasikatan nito ay tumaas, hindi na gumawa pa ng palabas si Sandra sa loob ng tatlong taon. Pagkatapos, sa taong nagtapos ito sa kolehiyo, gumawa ito ng napakagandang pelikula na nagwagi ng box champion of the year at nakasama sa tatlong nangungunang aktres sa box office performance of the film and television. Nang oras na iyon, dalawampu't tatlong taon pa lang si Sandra.Nang sumunod na limang taon, gumanap pa si Sandra sa dalawa pang palabas. Parehong naging high box office. Matapos non, ito ang unang nakaabot sa kita na kalahating porsyento.Sa mga nagdaang taon sa Pilipinas, si Sandra ay tinatawag na mahusay. Sa mga taong iyon, kakaiba ang buhay ni Sandra sa industriya ng domestic entertainment.Maraming tao an
Matapos ang ilang minuto, humingi ng paumanhin si Duke kay Jenny sa ilalim ng pagbabantay ni Mikey.“I’m sorry, Professor Alonzo, hindi ko agad naintindihan ang sitwasyon at nagbitiw ako ng hindi magandang komento sa’yo. Huwag mo sanang masamain.”“Okay lang, hindi mo rin naman alam.” Sinabi ni Jenny na ayos lang ‘yon at tinapik ang balikat ni Duke. “Narinig ko lang sa tatay mo ang tungkol doon noon, pero ito ang unang beses na nakita ko.” Mukhang sobrang bait ni Professor Alonzo, mas maganda ito kesa sa nakalagay sa dyaryo. “Okay lang, ang lahat ay dahil lang sa hindi pagkakaunawaan.”“Professor Alonzo, pwede ba akong magpa-picture sa’yo?”Matapos mag-usap ni Duke at Jenny, sumulpot si Mikey sa tabi nilang dalawa at nagtanong kung pwede itong magpa-picture.Masaya namang nag-obliga si Jenny.Si Lexis at Dylan ay naiwang nakatingin sa isa't isa.“Sa unang pagkakataon, sinong mag-aakala na ang ganyan kagandang babae ay isang professor na nakagawa ng malaking kontribusyon sa lipunan.”
“Oh, Mr. Andrei, ikaw at si Miss Alonzo ay mukhang perpektong magkapareha.”“Oh, matandang Wilson, nahihiya akong sabihin na napupuri pa rin ako ng ganyan sa edad ko.” Mapagkumbabang ikinaway ni Andrei kamay. “Edi, hindi na kita pupurihin. Si Miss Alonzo talaga ang tinutukoy ko. Kapag tumayo si Miss Alonzo dito, kailangan kong sisihin ang Diyos sa pagiging hindi patas. Paanong hindi man lang nag-iwan ng marka ang panahon kay Miss Alonzo?”Ang lalaking nagsalita ay kilala sa pagiging madulas ang dila. Ang iba ay gusto ito at ang iba naman ay hindi. Halata naman na isa si Andrei sa may gusto dito.“Oh, Wilson. Napakagaling mo talagang magsalita.” “Okay, dahil si Mr. Andrei ay may oras ng araw na iyon. Imbitahan mo naman akong maupo sa bagong bahay ninyo ni Miss Alonzo. Maghahanda talaga ako ng malaking regalo.”“Bakit hindi sinabi ni Tito Wilson na maghahanda muna siya ng malaking regalo para sa'kin? Hindi ba't sinabi ni Tito Wilson na bibigyan niya ako ng malaking regalo sa seremonya
Nasa baba na si Mrs. Alonzo, paalis na sana nang marinig ang anak niyang magsalita na ikinasiya niya.“Oh, nagbago ang isip mo?” Si Jenny ay singkwenta anyos na, ngunit napapanatili pa rin nito ng maayos ang sarili at mukhang nasa trenta pa lang ito. Dadalo siya sa isang okasyon ngayon at espesyal niyang isinuot ang ipinasadya niyang pulang mahabang dress. Ang itim na kulot niyang buhok ay nakatali pataas at ang buong pagkatao niya ay pinagmumukha siyang elegante at kaakit-akit.Matapos ang lahat, maraming taon na siyang sikat sa industriya ng entertainment at isa rin siya sa mga hindi mamatay-matay sa industriya. Natural na ang paglabas niya ay walang katumbas.At ang mga taong maingat ay malalaman na si Jenny at Jake ay may limang puntos na pagkakapareho ng ilang bahagi ng mukha. “Anak, e'di suotin mo ang suit na hinanda ko para sa'yo. Maganda iyon at bagay na bagay sa’yo.” Sobrang saya ang nararamdaman ni Jenny. “Mabuti at nagbago ang isip mo na dumalo kasama ang nanay mo. Hindi mo
Nang magising si Elisia, ang unang ginawa niya ay ang pumunta sa banyo habang ang mga mata ay bahagya lang ang pagkakabukas.Sobrang pagod siya nitong nakaraang dalawang araw. Hindi madaling makapagpahinga. Sa wakas ay nakatulog din siya ng maayos.Matapos makalabas sa banyo, mas nagising na ang diwa ni Elisia. Nang i-angat niya ang paningin, nakita niya si Nathan na nakaupo sa tabi ng lamesa sa kusina, umiinom ito ng kape, nakasuot ng pormal na damit at bakas ang kakuntentuhan sa mukha nito.Habang nakatingin sa mayamang itsura nito, ibinalik ni Elisia ang atensyon rito at tamad na nagsalita.“Bakit hindi mo ako ginising ng bumangon ka?”Ibinaba ni Nathan ang kape at sinabi, “Sobrang pagod ka nitong nakaraang dalawang araw, at akala ko ay magpapahinga ka muna sandali.”Iginalaw ni Elisia ang ulo. “Hindi, ayos lang. ‘di ba anibersaryo ng Lucero's Group ngayon? Kailan ka mag-aayos?”“May tatawagan akong tao kapag gising ka na.”“Okay lang, gising na ako.”“Sige, sa kwarto ka muna at mag
Nang mapagtanto niya kung ano talaga ang nangyayari, kasalukuyan ng nakahiga si Elisia sa iisang kama kasama si Nathan. Nakatalikod siya kay Nathan, nakatagilid ang katawan niya at ang mga kamay ay nasa kanang pisngi.Ang kama nito ay sobrang lambot at humahalimuyak ang mabangong amoy nito. Walang duda na ito ang pinakamagandang kondisyon para makatulog, ngunit hindi na dinalaw ng antok si Elisia ng sandaling iyon.Dahil sa likod niya ay mayroong mabigat na presensya.Dati, pakiramdam niya ang kama ni Nathan ay sobrang laki, pero bakit pakiramdam niya ang kama nito ay lumiit ng sobra nang pumunta siya ngayon.Kahit na nakatulog na siya sa higaan nito, no'ng oras naman na iyon ay lasing na lasing siya at nawalan ng malay. Ngayon, gising siya at alam kung ano ang eksaktong ginagawa niya. Hindi makatulog si Elisia at pakiramdam niya ay gano'n din si Nathan, pero hindi na siya naglakas-loob na magtanong.Matapos ang hindi malamang oras, narinig niya ng magsalita si Nathan sa likod niya.
Ang sinabi ni Elisia ay sinalubong ng walang katapusang katahimikan at pareho silang biglang natahimik. Si Elisia ang unang kumilos, “Hindi pa ako nakakakain, magluluto muna ako ng pagkain.”Kapag ang tao talaga ay nahihiya ay nagpapanggap silang abala.“Hindi pa ako nakakaligo, maliligo muna ako.” Sa kabilang banda, gano'n din ang ginawa ni Nathan.Matapos ang ilang minuto, unti-unting hinila ni Elisia ang sarili mula sa kaninang naging emosyon niya. Sa totoo lang, magandang bagay para sa kanya ang tawagin itong asawa kanina. Matapos naman ang lahat, susundan niya pa rin si Nathan para makipagkita sa iba. Sa mahabang taon ng magiging karera niya sa pag-arte, kung hindi nila kayang tawagin ang isa't isa sa pinakamadaling pangalan, paniguradong mabubunyag silang dalawa. Hindi niya alam kung kumain na ba si Nathan kaya napagdesisyunan niyang magluto pa ng kaunti. Mabuti ng marami kesa naman kulang.Nang dalhin ni Elisia ang pagkain, katatapos lang ni Nathan maligo. Mainit pa rin sa ba