All Chapters of Paid To Become The Billionaire's Wife : Chapter 1 - Chapter 10

67 Chapters

CHAPTER 1: I'M MARRIED

Nang makalabas mula sa munisipyo si Elisia ay hindi niya maiwasang matulala. Nang mapatingin sa pulang libro na hawak ay doon niya naisip ang katotohanang katatapos lang niyang ipagdiwang ang kaniyang ika-dalawampu't dalawang kaarawan. Tila ba isang magical scene sa isang libro ang buhay niya sa bilis ng mga pangyayari.“Ihahatid na kita sa school,” saad ng katabi niyang si Nathan Lucero—ang kaniyang marriage partner. Kagalang-galang ito kung magsalita. At higit na mas matangkad din ito sa kaniya, sa tantiya niya ay nasa 1.8 meters ito. Nang pagmasdan niya ito ay nakasuot ito ng puting damit at pantalon. Kulot din ang maikli nitong itim na buhok at natatakpan ng salamin ang mga mata. Maputi at pantay ang kulay nito at higit na mas maliit ang mukha nito sa iba. Kung sa itsura lang ay wala siyang maipipintas sa bagong asawa.“May isang milyon sa card na ‘to na regalo mula sa kasal. 031313 ang password ng villa. Ito ang number ni Uncle Levi pwede mo siyang tawagan kung may katanungan k
last updateLast Updated : 2024-10-10
Read more

CHAPTER 2: SCOLDING THE SCUMBAG

Matapos marinig ang sinabi ni Elisia ay agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.Buwan na ang nakalilipas noong gabing nalaman ni Elisia ang sakit ni Jace. Galit at pagkabalisa ang naramdaman niya, gusto niyang pumunta kay Kyle para sabihin dito ngunit hindi niya inaasahan na makita itong may kasamang babae sa mumurahing bahay na nirerentahan nito. Matapos siya nitong ligawan ng maraming taon. Nang mga oras na iyon ay para bang ang tatlong taong pag-iibigan at sampung taong pagiging childhood sweetheart nila ay tila ba naging isang malaking biro. “Elisia, ang bastos mo.” Nagsalubong ang kilay ni Kyle. “Siya at ako ay hindi katulad ng iniisip mo. Lasing ako.” “Kung sa tingin mo bastos ako bakit hindi mo isipin kung gaano ka kapangit?” Diretsong ganti ni Elisia. “Huwag kang magpakamoral dito. Labas. Para kang daga sa kanal, napakadumi mo.” Matapos makita ito ay lumabas ng pinto si Elisia at umalis. Sa daan ay muli niyang nakita ang ina ni Kyle na mukhang may ide-deliver. Nakita
last updateLast Updated : 2024-10-10
Read more

CHAPTER 3: ANNOUNCEMENT OF MARRIAGE

“Sinasabi ko sa’yong bata ka, hindi mo man lang sinabi sa’kin ang ganito kalaking bagay. Spy mo ako araw-araw tapos itatrato mo ako ng ganito.” Nang dumating si Duke, nagbabasa si Nathan ng kontrata. Tinignan niya ito ng walang magawa bago ibinaba ang hawak na pen. “Pwede mo bang hinaan ang boses mo? Nasakit ang ulo ko.” “Ikaw, palagi na lang pag nagagalit ako, palagi mo na lang binabanggit na masakit ang ulo mo.” Mukhang hindi ito naniniwala pero alam niyang sinasabi lamang nito iyon dahil galit ito.Isang taon na din siyang may insomnia. Nakapagpatingin na siya sa maraming doctor hanggang sa huli napag-alaman na ang rason ay ang kakulangan sa tulog. “Sabihin mo nga sa’kin, anong nangyayari?” Napabuntong hininga ito at maging ang tono ng boses ay bumalik na sa normal. “Sabi mo sa tawag kasal ka na? Anong meron? Pineke mo ba ang kasal?” “Kasal na talaga ako.” Alam niyang hindi titigil si Duke hangga't hindi nalalaman ang lahat. Kaya inilabas niya ang cellphone at ipinakita dito an
last updateLast Updated : 2024-10-10
Read more

CHAPTER 4: FABRICATING A PERSONA

“Isa ka sa mga estudyante na binigyan ko ng sponsor at pagkatapos no’n in-add kita sa WeChat dahil sa project discussion. Tapos doon kita inumpisahang ligawan. Noong una tinanggihan mo ako dahil magkaiba tayo ng edad pero pagkatapos no'n napag-alaman mong okay naman ako, kaya niligawan kita sa loob ng tatlong buwan at naging magkarelasyon tayo ng kalahating taon. Pero dahil hindi ka pa nakakapagtapos hindi ko ito isinapubliko.” Nang gabing iyon ay nag-dinner sila ni Elisia at ibinigay niya dito ang script na ginawa niya sa isip niya.Inilarawan ni Nathan kung paano silang dalawa nagkakilala at maging ang gawa-gawa nitong detalye sa kung paano sila nagkasundo. Kasama na doon ang paggawa ni Nathan ng flowers para kay Elisia noong Valentine's Day. Napunta siya sa tabi ni Elisia noong nawawala ang cellphone niya. Sinabi ni Elisia na gusto niyang mag-star gazing, kaya sinamahan niya ito. Pagkatapos ay ang matagal na nilang pag-uusap sa chat. “Pinagsama-sama ko na ang lahat ng detalye bas
last updateLast Updated : 2024-10-10
Read more

CHAPTER 5: START WORKING

Unang araw ni Elisia sa trabaho, nang makarating sa TV station ay hindi niya naiwasang pagmasdan ang mataas na building nito. Dala ng excitement ay agad niyang inilabas ang cellphone at kinunan ito ng litrato para maipakita sa kapatid. Nang makapasok sa loob ay napansin niya ang dalawang hilera ng mga taong nakasuot ng itim na suit na tila may hinihintay sa hall. Sa gitna ay nakatayo ang isang lalaki na sa tingin niya ay nasa forties na ang edad halatang ito ang namumuno sa mga ito. Sa pag aakalang isa itong reception para sa isang bigating tao ay agad siyang gumilid at nagbigay daan. “Direk Ventura, tignan mo, iyon ba ang kotse ng asawa ni Mr. Lucero?”Ang lalaking tinawag na director ay napatingin sa labas at halata sa mukha nito ang kalituhan. Ang tanging sinabi lang ni Mr. Lucero ay bata pa at papasok lamang ang asawa nito bilang intern. Wala na itong sinabing iba pa. Nagulat siya nang malamang wala ng iba pang nakakaalam sa labas ng tungkol sa pagpapakasal nito. Masaya siya na
last updateLast Updated : 2024-10-24
Read more

CHAPTER 6: EMPLOYMENT CONTRACT

“Oo, at wala din akong masabi.” Kakalabas lang ni Elisia sa trabaho. Matapos tanggihan ang imbitasyon ni Jake. Naglalakad siya sa gilid ng kalsada habang kausap sa cellphone ang matalik na kaibigan na si Danica. “Okay, hintayin na lang kita dito. Oh, nakita na kita.” Saktong nawala ang boses ni Danica ay natanaw niya ang puting kotse nito. Nakangiting sumakay siya sa passenger seat ng kotse. “Ang masasabi ko lang sa’yo, kaibigan, ang malas mo!” pang-aasar nito sa kaniya ng makaayos ng upo. Nakasuot ito ng light gray hip-wrapped long skirt, ang itim na kulot na buhok nito ay maayos ang pagkakalugay. Napakaganda ng features ng mukha nito bukod pa doon ay napakabango din nito. Nang maalala si Kyle ay muling bumalik ang inis niya. “Wala talagang kwenta yang si Kyle. Siya at ang nanay niyang nangmamaliit ng kapwa. Kung matinong tao lang yang Rain Samonte na yan paniguradong sooner or later ay iiwan din niyan si Kyle. Kung hindi naman ang masasabi ko na lang ay mukhang pareho silang da
last updateLast Updated : 2024-10-24
Read more

CHAPTER 7: ENTERING THE POLICE STATION

Duke: Nasa police station ako ngayon.Gabi na nang tanungin ni Nathan kung nasaan si Duke at iyon ang natanggap niyang sagot mula dito. Nathan: Anong nangyari? Duke: Pumunta ako sa isang restaurant para kumain ng barbecue at may nakita akong lalaking binu-bully ‘yong dalawang babae. Nasa police station ako ngayon, helping to testify.“Sir dito po kayo, lapit po kayo.” Nang mai-send ni Duke ang message kay Nathan ay narinig niya ang pagtawag sa kaniya ng police kaya't nagmamadali siyang lumapit dito. “Sir, nakita niyo rin po ba nang harangin ng lalaking ito at harassin ang dalawang babae? Pagkatapos ay lumapit ka at umawat?”“Yes.” Sa police station, tinanggal na ni Duke ang suot niyang mask. Nang makarating sila sa station ay ang lalaking lasing kanina ay unti-unti ng natauhan. Ang may-ari ng restaurant ay agad ding ibinigay ang surveillance video. Samantalang ang mga customer naman ang nagpatunay ng nasaksihan nila. Ang mga police ay ikinulong ang mga involved sa loob ng limang ar
last updateLast Updated : 2024-10-24
Read more

CHAPTER 8: CEO AND ITS SPECIAL ASSISTANT

Medyo nabigla si Elisia, may gusto sana siyang sabihin ngunit dahil sa kalmadong presensya ni Nathan ay tila nalunok niya ang lahat ng salita.“Go, magpahinga ka na.”Hindi na nagsalita pa si Elisia at sinamahan na lang si Nathan hanggang sa matapos nito ang pagkain. Sa kabila ng mabilis nitong pagkain ay hindi maitatanggi na malinis ito pagdating sa pagkain.Nang matapos ito ay dinala nito sa lababo ang pinagkainan nila at planong maghugas sana. Medyo nahiya si Elisia kaya't nilapitan niya ito. “Ikaw na ang nagluto, ako naman ang maghuhugas ng pinggan. Dapat lang na maghati tayo sa mga gawain.” “Okay lang, late na rin ngayon. Mauna ka ng magpahinga.” Nang makitang hindi talaga ito papayag ay hindi na siya nagsalita pa. Tumango siya rito at tahimik na bumalik sa kwarto. Nang makahiga sa kama, huminga ng malalim si Elisia upang kumalma. Tumihaya siya at tumitig sa kisame. Hinayaan ang sariling lamunin ng mga isipin.Masasabi niyang impossibleng wala siyang maramdamang excitement sa i
last updateLast Updated : 2024-10-24
Read more

CHAPTER 9: COME TO DO PHYSICAL WORK

Ang usapan ay ililibre niya si Jake ng tanghalian pero dinala siya nito sa isang coffee shop at inutusang order-an ito ng isang kape. “Bro, hindi ako makakakain nito, gusto ko ng maanghang na hotpot sa underground street.” Ayaw ni Elisia na kumain ng fast food sa coffee shop. Gusto ng sikmura niyang kumain ng maanghang ngayon. “Mamaya na lang, ako bahala sa’yo. Hindi mahalaga ang pagkain ngayon.” Ang tono ng boses nito ay tila may kaunting pagkadisgusto sa isang bagay. At ang mga mata nito ay nananatili lang na nakapako sa labas ng bintana.“Anong tinitignan mo?” “Malalaman mo rin mamaya.” Pagkalipas ng limang minuto ay tinapik ni Jake ang balikat na Elisia. Nakaramdam naman siya ng excitement, agad niyang sinundan ng tingin ang tinitignan nito. Doon ay nakita niya ang pito hanggang walong taong nakasuot ng suit at leader shoes. Palabas ang mga ito sa kabilang building. “Hinila kita dito para makilala mo ang iba't ibang klase ng tao.” Itinuro ni Jake ang mga tao sa labas hindi ka
last updateLast Updated : 2024-10-26
Read more

CHAPTER 10: SAVE A LITTLE FRIEND

Hindi niya napansin ang matulis na bagay na nasa kalsada, hindi inaasahan na madadagi siya doon. Ang mata ng lalaki ay puno ng guilt at halata dito ang kaba na nararamdaman. “Dadalhin kita sa hospital.” Nang sabihin nito iyon ay agad nitong kinuha ang cellphone at nagpa-panic na tumawag. Nang tignan ni Elisia ang braso niya ay sinabihan niya itong ayos lang siya. “Hindi na, kaya ko naman itong i-bandage pag-uwi ko. Sa balat lang naman ang sugat ko.” Sa paningin ni Elisia ay hindi naman talaga ito malaking problema. Palagi siyang nadadapa at nagkakasugat noong bata siya at ang nangyari ngayon ay maliit na bagay lang. At ang pinaka-importante sa lahat ay ayaw ni Elisia na pumunta sa hospital.“Kailangan mong i-bandage ‘yan agad,” nag-aalalang saad ng lalaki. Siya at si Jace pareho sa bagay na iyon. Ayaw nila ng amoy ng disinfectant. “Baka natakot ang bata, unahin mo muna siyang ipatingin. Ayos lang ako. Huwag kang mag-aalala lahat naman siguro gagawin ang ginawa ko.”Matapos sabihin
last updateLast Updated : 2024-10-26
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status