Hindi niya napansin ang matulis na bagay na nasa kalsada, hindi inaasahan na madadagi siya doon. Ang mata ng lalaki ay puno ng guilt at halata dito ang kaba na nararamdaman. “Dadalhin kita sa hospital.” Nang sabihin nito iyon ay agad nitong kinuha ang cellphone at nagpa-panic na tumawag. Nang tignan ni Elisia ang braso niya ay sinabihan niya itong ayos lang siya. “Hindi na, kaya ko naman itong i-bandage pag-uwi ko. Sa balat lang naman ang sugat ko.” Sa paningin ni Elisia ay hindi naman talaga ito malaking problema. Palagi siyang nadadapa at nagkakasugat noong bata siya at ang nangyari ngayon ay maliit na bagay lang. At ang pinaka-importante sa lahat ay ayaw ni Elisia na pumunta sa hospital.“Kailangan mong i-bandage ‘yan agad,” nag-aalalang saad ng lalaki. Siya at si Jace pareho sa bagay na iyon. Ayaw nila ng amoy ng disinfectant. “Baka natakot ang bata, unahin mo muna siyang ipatingin. Ayos lang ako. Huwag kang mag-aalala lahat naman siguro gagawin ang ginawa ko.”Matapos sabihin
Maliban sa minsanang pag-iisip na dominante si Nathan ay masasabi niyang magaling at mabait na partner ito.Matapos ang saglit na oras na nakasama si Nathan ay ramdam ni Elisia na kapag gusto nitong maging mabait ay kailangan niya iyong tanggapin ka agad dahil magagalit ito.Ang pagiging dominante ay natural na siguro talaga sa isang presidente. Pagrereklamo ni Elisia sa isip niya. Agad kinuha ni Elisia ang package na inaabot nito at seryosong nagpasalamat. Kahit na dominante ito ay may puso naman ito. “Dahil sa naging sitwasyon kagabi, may idinagdag ako sa kasunduan natin, sana lang ay masunod mo iyon.” Pinuri niya pa naman ito sa isip niya kanina ngunit dahil sa sinabi nito ay parang gusto niya na lang itong pagsabihan.“Pwede mong tignan muna.” May inabot ito sa kaniya na folder na hindi niya alam kung saan galing. Seryoso ang mukha nito na para bang isang project ang pinag-uusapan nila. “Ang bawat nadagdag dyan ay may katumbas na bayad kapag nasunod mo.”‘Okay, hindi ko na pala
“Oh, lahat pala kayo dito ay mga top students. Sa batang edad ay napakatalentado na.” Sinabi iyon ni Team Leader Marco ng may ngiti. Matapos nitong makipag-usap sa isang medyo may katandaan na lalaki ay umalis din ito para kumuha ng pagkain. Hindi na niya gaanong narinig ang sumunod na sinabi nito ngunit ang masamang pakiramdam na idinulot nito sa kaniya ay nananatili. Pakiramdam niya ay nasusuka siya. “Palit tayo ng upuan.” Katabi ni Jake si Elisia. Gusto sana niya itong maupo sa gitnang posisyon at siya naman sa pwesto nito malapit sa daanan. Gaya ng nasa naiisip niya ngunit tumanggi ito.“Hindi na.” Iniling ni Elisia ang ulo bilang pagtanggi pagkatapos ay nginitian niya ito. Nang magtama ang mga mata nila ay doon niya napagtanto ang ibig nitong sabihin sa mga paalala nito na mag-ingat siya sa Team Leader nila.Gaya ng inaasahan, nang makuha ni Team Leader Marco ang pagkain nito ay muli itong dumaan sa table nila. Hawak nito ang pagkain sa kamay habang nakatayo ang dalawang kasama
“Bakit nagkakaganyan si Team Leader Marco? Masyado naman siyang bastos.” Matapos umalis ni Team Leader Marco, hindi napigilan ni Winter ang sarili na sabihin iyon sa mahinang paraan. Hindi man niya gaanong nakita ang ginawa ni Team Leader Marco ngunit ang tono at ekspresyon niya ay hindi naitago ang natural na pagkadisgusto niya sa lalaki. Matapos makasundo ang lahat, ang bagong graduate na si Winter at Jay ay inakalang mahirap pakisamahan si Jake ngunit hindi nila inaasahan na ito pa mismo ang magpo-protekta sa kanila. “Jake, bakit parang andami mong nalalaman?” Hindi napigilan ni Jay na mapabuntong hininga sa galing nito sa sa pagkalap ng mga impormasyon at chismis patungkol sa mga relasyon ng mga tao sa paligid nito. Nang marinig ito ni Jake ay napangiti siya. “Dahil determinado akong manguna bilang reporter sa domestic entertainment industry.” Tinignan ni Jake ang mga kasama ng may ambisyon sa mga mata.“Dapat na nating tanggalin ang takip ng pagpapanggap, dalhin ang mga taon
Buong gabi ay walang nagawa si Nathan kun'di makinig sa kwento ng Lola niya at ang usapan ay ang bago niyang asawa.“Paano ninyo nakilala ang isa't isa?” “Isang kolehiyala? Ngayon ay isa ka ng baka na kumakain ng patubong damo? Magaganda ang grado? Napakasipag at mabait na bata. Ngayon ay nagtatrabaho na ito sa isang TV station? Mukhang gustong gusto mo talaga ang trabahong may kinalaman sa pagsusulat. Palagi ka bang nagluluto? Okay, mukhang hindi na masama ang performance mo.” Sinagot ni Nathan ang sunod-sunod na tanong ng kaniyang Lola.Wala sa isip na nakadalawang porridge na pala siya. “La, mauuna na po akong umalis.” Agad tumayo si Nathan pagkatapos kumain. Akmang aalis na siya ng magsalita ang Lola niya. “Oh, saan ka pupunta?” malungkot na tanong nito.“Kikitain ko si Elisia pagkatapos ng trabaho nito,” mabilis na sagot ni Nathan.Nang marinig iyon ng Lola niya, ang kaninang ayaw pumayag na paalisin si Nathan ay agad napangiti. “Okay, lumakad ka na at sunduin siya. Si Elisia
Hindi alam ni Elisia kung gaano na katagal ang lumipas bago niya nakita ang liwanag. Ang ilaw sa labas ay bukas pa pero ang ilaw sa building na nasa likod nila ay patay.Nang tumingala siya ay nakita niya si Nathan sa unahan niya. Sa mukha nito ay tumulo ang hibla ng pawis. Ngayon na bukas ang ilaw, napansin ni Elisia na may hawak itong thermos sa kabilang kamay.Nang umikot si Nathan ay nakita niya ang naguguluhang ekspresyon ni Elisia.“Kumain ako ng hapunan sa bahay ng Lola ko kanina. Dahil alam niyang nagtatrabaho ka pa, inutusan niya akong dalhin ‘to sayo.”Ang sagot nito ay hindi inaasahan ni Elisia.Nang makaakyat sa building si Nathan ay napansin niyang si Elisia lang mag-isa ang nandoon. Ang manipis na likod nito ay nakakaawang tignan sa harap ng computer. Ngunit hindi niya inaasahan na matutumba ito. Dahil doon, ang lunch box na dala ay nalaglag sa mga kamay niya. Kahit na pinulot niya ito kaagad ay ikinakatakot niya na ang pagkain sa loob ay nagkalat na.Wala ng balak pa s
Nang sumunod na araw, nagising si Elisia sa tunog ng alarm clock. Nananatili siyang nakapikit habang sinusubukang patayin ang alarm, ngunit hindi niya alam kung ano ang nangyari ng may makapa siyang mabalahibong bagay.Nagsalubong ang kilay ni Elisia at sinubukan pa itong kapain ng ilang beses. Ngunit tila hindi ito isang pamilyar na bagay sa kaniya. Nang imulat ang mga mata ay namataan niya na isang tao pala ang nakahiga sa tabi niya.Napatalon si Elisia at malakas na napasigaw dahilan para magising ang lalaking nakahiga sa kama niya.“Ikaw-w, a-ako,” nauutal na saad ni Elisia. Nang makita ang damit ni Nathan at damit niya ay kapareho pa din ng suot nila kagabi ay unti-unti siyang kumalma.Hindi katulad ni Elisia na nagulat, si Nathan naman ay nakaramdam ng excitement dahil sa nangyari sa nagdaang gabi.Nakatulog talaga siya? Nang walang tulong ng kahit anong gamot? Ang bagay na iyon ay isang malaking balita para kay Nathan. Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng limang taon, nakat
Pagkababang-pagkababa pa lang ni Danica ng eroplano, nagmadali siyang puntahan si Elisia. Nagpadala na siya ng text dito bago pumunta pero nasa meeting ito kaya hindi nito agad nakita. “So, abala ka hanggang alas-diyes kagabi?” tanong ni Winter kay Elisia. Matapos malaman ang sitwasyon niya ay ipinakita nito ang pakikisimpatya sa naranasan niya sa nagdaang gabi. “Noong ipinasa mo ‘yong files, may sinabi ba si Ms. Janna?” tanong ni Jay na nakatayo sa tabi niya.“Wala.” Umiling siya. Sobrang napagod siya kagabi at nakatulog na siya ng diretso. Hindi pa siya nagbibigay ng reaksyon sa nangyaring aksidente kagabi.“Kakapasok mo lang sa company pero bakit sobrang busy mo naman?” Nabuntong-hininga na lang si Jay dahil sa kawalan nitong magawa. “Narinig ko na nakipag-collaborate daw ang station natin sa Lucero's group sa isang proyekto. At ang promotion conference ay gaganapin ngayong linggo. Mukhang ang bawat departamento ay magiging sobrang abala.” “Sigurado ‘yan.” Sa pagkakataon na ito
“Tina, bakit pakiramdam ko ang wirdo ng mga nangyayari.” Si Mike at ang store manager ay lumabas ng kwarto at pinaalis ang mga taong nasa paligid nila. Lumapit si Mike sa manager at sinabi rito ang pagdududa niya. “Anong problema?” Hindi pa rin ito gaanong maintindihan ng manager.“Sabihin mo, talaga ba na ang dalawang taong iyon ay si Mr. Lucero at Mrs. Lucero?” Tinignan ni Mike ang manager ng may mahinahong ekspresyon sa mukha. “Sa pagkakaalam ko, si Nathan Lucero lang ang nag-iisang tagapagmana ng Lucero's Group. Ang matandang Lucero ay isang taong hindi nagbabago ng isip. Sa tingin mo ba, papayag ang matandang Lucero na ang apo niya ay naghahanap ng taong magdadala ng items para sa kanya? At kasal na siya, bakit kailangan pa niya ng taong magdadala ng items para sa kanya?”“Marahil dahil naaawa siya sa sakit na mararamdaman ng asawa niya sa panganganak. Normal naman iyon,” saad ng manager, “Marami tayong mayayamang asawang babae noon na pumunta sa'tin dahil nag-aalala sila na maw
Nakaupo si Elisia sa tabi nito, bahagyang nalula siya sa mga sinabi nito. Pakiramdam niya ay maling gamot ang nainom nito ngayon. Sa huli, dalawang beses lang siyang naubo, hindi na siya kumibo pa at tahimik na lang na naupo sa tabi nito.Ikinalma ni Jake ang sarili at inobserbahan ang estado ng dalawang tao sa likuran niya sa rearview mirror. Matapos magmaneho ng mahigit kalahating oras, ang senaryo sa paligid nila ay mas lalong umonti. At sa wakas, ang kotse ng store manager ay huminto sa puting building.“Mr. Lucero, Mrs. Lucero.” Pagkaparada ng sasakyan, tumakbo palabas ng kotse ang store manager at magalang na sinalubong sila Nathan at Elisia.Ang dalawa ay nagkasundo sa loob ng kotse. Dahil handa siyang tulungan ni Nathan, sisiguraduhin ni Elisia na gagamitin niya ito ng tama. Kaya naman ng makababa sa kotse, natural na kinuha niya ang mga braso nito.Naglakad silang apat papalapit sa gate. Nang makita nila ang puting building sa harap nila, hindi pa rin maiwasang magulat ni E
Matapos dumating ni Nathan, mas lalong naging mapagbigay ito. Gumastos lang naman ito ng nagkakahalaga ng walong numero sa tindahan.Hindi niya alam kung ang paggastos nito ay para galitin si Jake o para tuluyang maalis ang pagdududa ng store manager. Ngunit ano man sa dalawa, ang paggastos na iyon ay talagang labis na ikinabahala ni Elisia.Okay, ang pera ba ng mayayaman ay hindi mabibilang na pera? Ang gano'n kalaking pera, gagastusin lang nito dahil sinabi nito?Sobrang nababahala si Elisia, ngunit sa kabila no'n ay hindi naman maitago ang ngiti sa mukha ng store manager. Matapos ang kalahating oras, matapos ang paalala ni Elisia, sa wakas ay opisyal na itong nailagay sa pang-araw-araw na routine. Ang store manager ang nagmamaneho sa unahan upang pangunahan ang daan. Sa likod naman nito ay si Jake, at si Nathan at Elisia ay nakaupo sa likurang upuan. Sinusundan nila ang kotse ng manager papunta sa destinasyon nila.“Bakit nandito ka? Wala ka bang gagawin ngayong hapon?” Medyo nasu
“Mr. Lucero, may bagay akong ire-report sa’yo.”Katatapos lang ni Nathan sa meeting at kasalukuyan niyang binabasa ang bagong kontrata na para sa proyektong promosyon, nang kumatok si Simon sa pinto ng opisina niya. “Anong problema?”“Ngayon lang, ang asawa mo ay nagpunta sa bagong bilihan ng electronic equipment sa lungsod at bumili siya ng maliit na camera at microphones.”Pagkasabing-pagkasabi no’n ni Simon, si Nathan na nakayuko at abala sa pagpirma ng mga dokumento ay mabilis na naitaas ang ulo at tumingin kay Simon. “Kaibigan ko ang manager ng electronic equipment store. Sinabi niya lang sa'kin na may customer daw sila na bumili ng latest na equipment at bumili ng nagkakahalaga ng libo-libo ng hindi man lang kumukurap,” mabilis na paliwanag ni Simon, “Nagpadala rin siya sa'kin ng larawan. Nang makita ko, doon ko nalaman na ang asawa mo ‘yon.”Nang sabihin niya iyon, mabilis na ipinakita ni Simon kay Nathan ang chat record nila ng kaibigan niya.Nilakihan ni Nathan ang larawan
“Handa ka na?” Sa loob ng opisina, si Elisia at Jake ay handa ng umalis. Naglagay na ng maliit na camera si Elisia, may kasama na itong radio function. Para sa kaligtasan niya, nagdala rin si Elisia ng pepper spray at ilang maliliit na kagamitan para maprotektahan ang sarili. Kung saan inilagay niya sa isang mamahaling bag na nabili niya sa luxury store ilang araw na ang nakalilipas. “Tara na.” Tinapik ni Elisia ang bag at ramdam niya na halos handa na ito. Kaya naman sinabihan niya si Jake na umalis na.Ang dalawa ay sabay na umalis sa trabaho habang mababakas naman sa mukha nila ang espiritu ng pagiging palaban. Ang postura nila ay naagaw ang pansin ng mga kasamahan nila sa trabaho. Ilan sa kanila ay nagsama-sama at nagbulungan.“Narinig ko na nakakuha raw ng malaking balita si Elisia at Jake.”“Malaking balita, anong klaseng malaking balita naman iyon?” Nang marinig iyon, ang katrabaho na katabi niya ay napuno ng pagkadisgusto, “Sa panahon ngayon, mas mabilis na nalalaman ng mga
Kinaumagahan, nang magising si Danica, nakaalis na si Elisia. Bago umalis, naghanda ito ng mga bagong damit para kanya. Nang makapagpalit ng damit at makalabas, namataan niyang may nakaupo sa sala sa labas. Mukhang suot rin ni Duke ang bagong damit ni Nathan. May almusal na rin sa lamesa. Nang marinig nitong bumukas ang pinto, tumingala ito at tinignan si Danica. Nang magtama ang mga mata nila ay nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na pagkailang.“Magandang umaga,” naiilang na unang bumati si Duke, “Pumasok na sa trabaho si Nathan at Elisia, kumain ka muna ng almusal.” Dahil sinabi na nito, nahiya na ring tumanggi si Danica.Kaya naman sinunod na lang niya ang sinabi nito at naupo sa hapag.May gatas at sandwich sa lamesa, kaya naman masunuring ininom ni Danica ang gatas. “Salamat kahapon.” Kahit na lasing si Duke, may impresyon pa rin siya sa naging ugali nito kagabi. “Sinabi ni Nathan na nagulo kita. Wala naman akong nagawang nakakahiya, ‘di ba?” Nang makitang walang maalala
Parang may humaplos sa puso ni Danica at Elisia sa sinabi ni Nathan.Matapos ang lahat, ang assistant ni Kyla ang pinakahuli sa mga may kinalaman sa bagay na ito. “Pero ang magagawa ko lang sa kasalukuyan ay ang kontakin ang assistant ni Kyla para alamin kung handa ba itong linawin at sabihin ang mga kasinungalingan ni Kyla. Kung hindi niya gusto, hindi natin siya pipilitin.” Nagmamaneho si Nathan ng may kalmadong ekspresyon sa mukha. “Mas mabuti kung lilinawin niya iyon, pero malilinis pa rin naman natin ang pangalan ni Duke kahit wala siya.” “Salamat, President Lucero.” Nang maisip ang nakakaawang itsura ni Duke kanina ay kusang nasabi iyon ni Danica.Sinulyapan ni Nathan si Danica sa rearview mirror at nasaksihan niya itong nakatingin kay Duke. “Hindi na iyon mahalaga, parang kapatid ko na si Duke, gagawin ko ang lahat para malinis ang pangalan niya.”Matapos sabihin iyon ni Nathan, biglang napagtanto ni Danica ang sinabi nito. Si Nathan at Duke ay mabuting magkaibigan, hindi nga
Napataas ang tingin ni Duke sa hawak ni Danica. Tinignan niya ito ng may mamasa-masang mata.Natigilan si Danica sa ekspresyon nito. Ito ang unang beses na may lalaking tumingin sa kanya ng ganito dahilan para hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya. Gusto niyang bawiin ang kamay sa pagkataranta, ngunit pinangunahan siya ni Duke, ipinatong nito ang malaking kamay sa ibabaw ng kamay niya.“Napakabait mo, Danica.”Naalarma ang bell sa puso ni Danica. Ang maharot na tono ni Duke ay iwinawala siya sa katinuan. Si Director Duke na madalas ay seryoso ay bigla na lang naging maharot na tuta.Ang ganitong presensya nito ang dahilan para hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang gawin.Matapos ang mahabang sandali, tinanggal niya ang kamay sa ilalim ng palad ni Duke at pagkatapos ay kinuhanan niya ito ng ilang pagkain gamit ang chopsticks. “Kumain ka na, huwag kang mag-isip ng ibang bagay.” Nang maisip na may taong sasamahan siya, pinulot ni Duke ang chopsticks at kumain ng may masama
Dahil sinabi ni Nathan na siya na ang bahala, sisiguraduhin niya na maaayos niya ito.Nang sa wakas ay matapos ang filming, hinikayat ni Nathan si Duke na huwag ng masyadong mag-isip. Siya na ang bahala sa iba. Sa grupo nila, nagsalita rin si Mikey, sinabi nito na mag-po-post din ito sa Weibo para ipagtanggol si Duke.Matapos ang lahat, mayroon ding mga tagahanga si Mikey sa circle.Nakaramdam ng sobrang pagod si Duke. Matapos gawin iyon ni Kyla, imposible ng matuloy ang pakikipagtrabaho niya rito. Ang role nito ay positibo rin. Teammate ito ni Sol na ginanapan ni Danica. May magandang proseso rin ito ng paglago at ilang highlights sa palabas. Pero ngayon, nang makita ang estado ni Kyla ng paglalagay ng asin sa sugat, hindi nito kayang gampanan ng maayos ang role nito. Nagpadala siya ng mensahe kay Nathan, sinabi niya na hindi niya hahanapin si Kyla para sa role nito. Magpapalit na lang sila ng tauhan. Sinabihan lang siya ni Nathan na kumalma muna at bibigyan siya nito ng resulta.H