Pagkababang-pagkababa pa lang ni Danica ng eroplano, nagmadali siyang puntahan si Elisia. Nagpadala na siya ng text dito bago pumunta pero nasa meeting ito kaya hindi nito agad nakita. “So, abala ka hanggang alas-diyes kagabi?” tanong ni Winter kay Elisia. Matapos malaman ang sitwasyon niya ay ipinakita nito ang pakikisimpatya sa naranasan niya sa nagdaang gabi. “Noong ipinasa mo ‘yong files, may sinabi ba si Ms. Janna?” tanong ni Jay na nakatayo sa tabi niya.“Wala.” Umiling siya. Sobrang napagod siya kagabi at nakatulog na siya ng diretso. Hindi pa siya nagbibigay ng reaksyon sa nangyaring aksidente kagabi.“Kakapasok mo lang sa company pero bakit sobrang busy mo naman?” Nabuntong-hininga na lang si Jay dahil sa kawalan nitong magawa. “Narinig ko na nakipag-collaborate daw ang station natin sa Lucero's group sa isang proyekto. At ang promotion conference ay gaganapin ngayong linggo. Mukhang ang bawat departamento ay magiging sobrang abala.” “Sigurado ‘yan.” Sa pagkakataon na ito
Si Danica na nasaksihan ang nangyari ay masaya sa naging performance ni Elisia. Matapos mawala ang mga tao sa paligid nila ay tinapik niya ang balikat nito.“Very good, magaling.” Napangiti si Danica. “Akala ko ay hindi ka maghihirap.” “Huwag mo ng alalahanin ‘yon.” Sila ni Danica ay matagal ng magkalaro kaya naman alam na ni Elisia kung bakit ito dumiretso sa unit niya pagkababang-pagkababa nito. Dahil iyon sa baka maging kawalan niya, kaya't pumunta ito para suportahan siya.“Kaya umalis ka na at magpahinga, ayos lang ako dito.”“Sinong nagsabi na pumunta ako dito para makita ka.” May itinuro si Danica sa likod ni Elisia. Doon ay nakita niya ang lalaking maikli ang buhok na nakasuot ng salamin. Bigla na lang itong sumulpot sa likod niya.“Hello, ikaw si Miss Danica.” Lumapit ang lalaki at nakipagkamay dito. Habang nag-uusap ang mga ito. Napagtanto ni Elisia na si Danica ang sasali para sa isang event ng TV station. Ito ang business contact.“Ang galing.” Lumapit si Elisia kay Dani
Hindi gano'n kalakas ang pagtulak ni Elisia, ngunit dahil nakasuot ng mataas na takong si Rain ay nawalan ito ng balanse. Nadulas ito at natumba sa sahig.Ang pagkatumba nito ang nakaagaw nang pansin ng mga tao sa paligid nila. Ang balita ay agad na kumalat sa buong opisina. Simula noong unang araw ng pagpasok nila, ang director mismo ang sumalubong dito. At alam ng lahat na si Rain ay may malaking pamilyang pinagmulan. Kaya madalas ay mabait ang lahat dito. Ngunit ang hindi inaasahan ng lahat ay ang ginawang pagtulak ni Elisia dito. “Elisia!” Naupo ito sa sahig. Mabilis na namula ang mukha pati ang tenga nito. Matapos magtrabaho ng ilang araw. Pakiramdam niya ay napakaraming bagay na ang nangyari. Nang makitang parang nababaliw na si Rain ay mabilis na humakbang siya paatras at dumistansya dito. Akmang susugod ito ngunit hindi nito inaasahan ang mabilis na pagkilos niya. “Humingi ka ng tawad sa’kin at kalimutan ang lahat,” saad ni Rain at tinitigan nito si Elisia. Ang mga tingin
Umiiyak si Rain ng tawagan niya kanina. At nang makarating siya sa pinagtatrabahuhan nito ay napag-alaman niya na ang ex niyang si Elisia ang dahilan. Nang magtama ang mga mata nila ni Elisia nakaramdam ng kaunting hiya si Kyle. Nang makita ni Rain ang pagtahimik ni Kyle, hinila niya ang manggas ng damit nito at ipinakita ditong hindi siya nasisiyahan. Mabilis na nag-react naman si Kyle. “Elisia, alam kong hindi ka susuko. Hiwalay na tayo kaya bakit ka pa nanggugulo? Alam mo naman na si Rain na ang girlfriend ko, kaya siguro sinasadya mo na puntiryahin siya!” galit kunong saad niya. Matapos marinig ang sinabi nito, natahimik si Elisia maging ang tatlong kaibigan na nasa tabi niya.Hindi ba't ang sabi nila ang asawa ni Rain ay isang CEO? Possible ba na ang lalaking nasa harap nila ngayon ay isang CEO? Ex nga ba ng CEO si Elisia?Sa isang iglap, ang puso ng mga tsismosang kaibigan ay tila nasusunog.Nasapo niya ni Elisia ang noo, wala siyang masabi. Hindi siya natutuwa sa biglaang a
Matapos ang kalahating oras na byahe ay nakarating din sila Nathan sa lugar kung saan sila tuturan sumayaw. Nang makapasok sila sa loob ng studio, nakita nila ang magiging teacher nila sa pagsasayaw. Sa awra ng mga ito ay masasabi niyang may katangi-tanging pag-uugali ang dalawa. Ang lalaki ay nakasuot ng itim na damit pansayaw at ang babae naman ay nakasuot ng kulay pulang palda. “Maligayang pagdating, Mr. and Mrs. Lucero,” bati ng isa sa teacher nila na nakasuot ng pulang palda. Elegante ang pagkakangiti nito sa mga bisita. Hindi napigilan ni Elisia na titigan ang babaeng guro nila. Sino ba naman ang hindi gugustuhing titigan ang isang magandang babae?“Kaya't ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa inyong dediskasyon sa trabaho.” Inilagay ni Nathan ang mga kamay sa bulsa ng pantalon nito, pinagmumukha itong mamahalin.Nang ilibot niya ang mga mata, napansin niya ang malaking salamin ng studio. Napatingin si Elisia sa repleksyon ni Nathan sa salamin. Mas namangha siya sa pantay
Minsan naiisip ni Elisia na siya ang pinili ni Nathan dahil siya lang ang tanging naniwala sa hindi kapani-paniwalang post nito at isa pa ay mukha namang bagay sila. Hinawakan ni Elisia ang cellphone at ipinuwesto silang dalawa sa gitna ng camera. Para mas magandang tignan, mas lumapit pa si Elisia kay Nathan.Napakapoging tignan nito kahit saang anggulo ito tumayo. Nakamamangha ang pagdadala nito sa katawan para itong naglalakad na hormone.Matapos ang sunod-sunod na pagkuha ng larawan, ibinalik na niya ang cellphone ni Nathan.“Ang bilis naman?” Sa pagkakataon na iyon ay ito naman ang nagulat. Ang akala niya ay seryoso itong kukuha ng litrato at gustong magmayabang. Kaya't nagulat siya ng agad nitong ibalik ang cellphone matapos kumuha ng litrato.Marami siyang magagandang solong pictures, ngunit kakaunti lang ang mga larawan niyang may kasamang ibang babae katulad na lang ng nasa harapan niya. Kahit na si Elisia ang kumuha ng larawan, ang galaw nila na nakunan nito ay mas mukhang
“Dad, diba sabi mo kapag binigyan ko ng regalo si Lola, yayakapin niya ako? Bakit hindi niya ako niyakap?”Habang nasa daan pauwi, nakaupo sa likod ng passenger seat si Jewel. Bahagyang nakataas ang ulo nito habang nakatingin sa amang si Zach. Bakas sa mukha nito ang kalituhan.Tinignan ito ni Zach sa pamamagitan ng rearview mirror at doon niya nakita ang ekspresyon nito. Doon siya nakaramdam ng kaunting awa dito. “Hindi ba’t binigyan ka ni Lola ng magandang bracelet?”“Pero gusto kong yakapin din ako ni Lola.” Nanatiling tahimik si Zach at hindi na sinagot pa ang tanong ng anak. Sa pamilya Lucero, ang walong numerong halaga ng bracelet na bigay nito ay hindi kasing halaga ng yakap na mula sa matandang babae ng pamilya Lucero.Habang nagmamaneho ay umalingawngaw ang tunog ng cellphone ni Zach. Indikasyon na may tumatawag. Nang makita ang pangalan ng tumatawag ay ayaw sana niya itong sagutin ngunit matapos ang ilang saglit ay sinagot din niya ang tawag.“Hello,” bati niya sa taong nas
Sa totoo lang ay hindi namukhaan ni Duke kung sino ‘yong babae noong una. Ngunit si Dylan na nakainom ng kaunting alak ay nasobrahan yata sa excitement.Ang magulong paligid, maingay na tugtog, at ang panggulong alak ang naging dahilan para maguluhan sila.Pakiramdam ni Dylan ay umiikot na ang paligid niya ngunit tumayo pa rin siya sa kagustuhang magbanyo. Dahil sa nainom, nagpasuray-suray ang lakad niya. Nang marinig niya ang muling pagtunog ng vibration ng cellphone niya, agad na inilabas niya ito mula sa bulsa. Akmang sasagutin na niya ito ng mapatid siya at muntikan ng matumba sa sahig. Ngunit bago pa siya madikit sa sahig, dalawang pares ng kamay ang humila sa kaniya patayo. Matapos makita ang taong tumulong sa kanya ay mabilis pa sa alas-kwatrong nawala ang lasing niya.Ang babae ay nakasuot ng pulang top. Lantad ang magandang collarbone nito at baywang. Nakasuot ito ng light-colored na pantalon. Ang itim na kulong nitong buhok ay nakatali pataas, ngunit may kaunting naiwan
“Hindi mo alam kung gaano ako kapagod nitong mga nakaraan.” Nang sumapit ang gabi, ang crew na kinabibilangan ni Danica ay binigyan siya ng kalahating araw para magpahinga. Kaya naman agad na pinuntahan niya si Elisia.Ang dalawa ay matagal ng hindi nagkikita at sa wakas, napagdesisyunan nilang pumunta sa bar para maupo. Ang bar pinuntahan nila ay tahimik, nagpapatugtog sila ng malambing na musika at ang mga tao ay abala sa pag-uusap. Pagkaupong-pagkaupo pa lang nila ay nagsimula ng magreklamo si Danica patungkol sa enerhiya niya sa panahong iyon.“Sobrang hinahangaan ko na talaga si Duke.” Tinignan ni Danica si Elisia habang sa mukha nito mababasa ang kawalan nito ng masasabi. “Ito ang unang beses na nakakita ako ng idol drama na sobrang bagal ng pagkuha. Basta may lugar na hindi maganda, ang lahat ay kailangang ulitin ulit mula sa umpisa.” “Hindi ba't mas maganda iyon? Mas lalo kayong gagaling. Mas mabuti na iyon kumpara sa ibang mababa ang kalidad na TV drama sa pamilihan ngayon

“Ah, hindi ba ito illegal?” Nagpapanggap na saad ni Elisia.“Wala namang batas na nagbabawal no'n.” Hindi sumasang-ayon na saad ng manager, “Mrs. Lucero, hindi na ito bago sa mga mayayamang tao. Katulad lang ito ng vitro fertilization.” “Talaga?” Nagpatuloy siya sa pagpapanggap na nag-aalangan. Upang maalis ang naiisip ni Elisia, muling naupo sa tabi niya ang manager at inumpisahang ipaliwanag ang buong proseso at detalye sa bahagi nito. Nang matapos ang lahat, gabi na ng makalabas si Elisia.Matapos makapasok sa loob ng kotse at makaalis sa tindahan, sa wakas ay napanatag din si Jake.“Kamusta?” tanong ni Jake.“Na-record ko ang lahat kanina, nandito lahat.” Itinaas ni Elisia ang maliit na camera at mic na hawak habang ang mukha ay may matagumpay na ngiti. “Nakapagpa-appointment na rin tayo para sa pagpunta sa kumpanya nila sa susunod na linggo, para makita rin natin kung aling kumpanya ang pinamumunuan talaga ng manager. Ang lakas ng loob nilang magtayo ng kumpanya, talagang hind

Nakasuot lang ng kaswal na suit si Elisia ngayon at hindi na siya naglagay pa ng make-up, ngunit sa kabila no'n ay maganda pa rin namang tignan ang balat niya.Dala niya ang isang simpleng bag, ngunit ang halaga no'n ay anim na numero din. Sumakay siya sa kotse mula sa bahay nila at si Jake ang nagmamaneho.Nang makarating sila sa pintuan ng tindahan, namataan nila ang manager na nakatayo roon para salubungin sila. “Mrs. Lucero, nandito ka po pala.” Hindi niya alam kung ilusyon niya lang iyon, dahil pakiramdam niya ay ang ngiti sa mukha ng manager ay tila mas lalong naging intense kumpara noong nakaraang araw na nakita niya ito. Nang makarating si Elisia, napag-alaman niya na siya lang mag-isa ang nasa loob ng malaking tindahan.“Mrs. Lucero, espesyal na isinara po namin ang tindahan at tanging ikaw lang ang tatanggapin naming bisita ngayon.”Ang ganito kalaking tindahan ay isinara lang? Paniguradong may intensyon ang mga ito. Tumango si Elisia, ngumiti sa manager at pagkatapos ay
“Elisia, sabihin mo sa'kin ang totoo, ikaw ba at si Nathan ay may kontratang pagpapakasal?”Habang nasa daan ay paulit-ulit siyang tinatanong ni Jake.At sa maikling oras na iyon, nakaisip na ng sagot si Elisia. “Bakit ba pinipilit mo akong sumagot?”Sa gilid ng kalsada, si Elisia na palaging kalmado ay bigla na lang nagsalita sa mataas na boses, pinagmumukhang galit ang sarili.Nang magtama ang mga mata nila, napansin ni Jake na bigla na lang namula ang mga mata ni Elisia, dahilan para bigla na lang siya nitong matalo.“Elisia, Elisia, huwag kang umiyak. Hindi ko naman gustong pilitin ka, sorry, sorry talaga. Mali ako, nagkamali ako.” Mabilis na nag-alala si Jake at halos wala siyang masabi sa pagiging madaldal at palatanong niya.Tinignan ni Elisia si Jake at sunod-sunod na sumingot habang ang mga luha ay patuloy ang pagdaloy sa pisngi niya.Ito ang unang pagkakataon na nakita ni Jake na umiiyak si Elisia dahilan para sandali siyang matigilan. Sa sandaling iyon, hindi na niya alam
“So, nakita mo ang asawa ni Nathan kagabi?” Maagang nagising si Elisia ng umagang iyon, nang bumangon siya ay wala na si Nathan at may almusal na inihanda ito sa ibabaw ng lamesa. Plano niyang magpatuloy sa pagtulog, ngunit naalala niya na ilang araw na niyang hindi nakakausap si Danica, kaya naman agad niya itong tinawagan.“Yes.” Kinain ni Elisia ang inihandang almusal ni Nathan habang abala sa pakikipag-video call kay Danica.“Ano ngayon sa tingin mo, Ms. Elisia?”“Tapat kong ginawa ang obligasyon ko. Nang umamin sa'kin ang ibang lalaki, palagi kong inaalala ang obligasyon ko na panatilihin ang kasal na ito at ipahayag ang pagmamahal ko kay Nathan.”“Teka, teka, teka, sabi mo may ibang lalaki ang umamin sa’yo?” Magaling si Danica sa pagkuha ng punto pagdating sa tsismis. “Sino ‘yan? ‘Yong kasamahan mo ba sa trabaho?”“Paano mo nalaman?” Medyo nagulat si Elisia, wala pa siyang sinasabi na kahit ano dito.“Kahit ang bulag na tao ay makikita iyon, halata naman na interesado sa'yo ang
Sa loob ng sasakyan, tanging si Elisia at Nathan na lang ang natira.Hinubad na ni Elisia ang suot na takong, pagkatapos ay malaya niyang kinuskos ang talampakan pataas at pababa. Tila minamasahe nito ang isa't isa. Pagkatapos ay inayos niya ang sarili sa pagkakaupo at plano niya munang matulog sa byahe. Ang araw na ito ay talagang nakakapagod. “Kahit na walang malinaw na kondisyon ang kontrata…” Ngunit kapipikit pa lang ni Elisia ng mga mata ay bigla na lang nagpahayag ng opinyon si Nathan.“Umaasa pa rin ako na sa taong ito, pananatilihin mo ang distansya mo sa mga lalaking nasa paligid mo. Lalong lalo na kay Jake.” “Katrabaho ko si Jake at ginagawa pa rin namin ng magkasama ang in-depth report.” Sa loob-loob ni Elisia ay gusto niyang hindi sumang-ayon dito.“Edi, subukan mong hindi makipagkita sa kanya sa labas ng trabaho.”Gustong magreklamo ni Elisia, ngunit nang maisip iyon ay pinigilan niya ang sarili. Ito ang amo niya at ito rin ang magdedesisyon sa huli.“Okay.”Pagkatapos