Home / Romance / Paid To Become The Billionaire's Wife / CHAPTER 7: ENTERING THE POLICE STATION

Share

CHAPTER 7: ENTERING THE POLICE STATION

Author: JEREMEYA
last update Last Updated: 2024-10-24 01:21:27

Duke: Nasa police station ako ngayon.

Gabi na nang tanungin ni Nathan kung nasaan si 

Duke at iyon ang natanggap niyang sagot mula dito. 

Nathan: Anong nangyari? 

Duke: Pumunta ako sa isang restaurant para kumain ng barbecue at may nakita akong lalaking binu-bully ‘yong dalawang babae. Nasa police station ako ngayon, helping to testify.

“Sir dito po kayo, lapit po kayo.” Nang mai-send ni Duke ang message kay Nathan ay narinig niya ang pagtawag sa kaniya ng police kaya't nagmamadali siyang lumapit dito. 

“Sir, nakita niyo rin po ba nang harangin ng lalaking ito at harassin ang dalawang babae? Pagkatapos ay lumapit ka at umawat?”

“Yes.” Sa police station, tinanggal na ni Duke ang suot niyang mask. Nang makarating sila sa station ay ang lalaking lasing kanina ay unti-unti ng natauhan. Ang may-ari ng restaurant ay agad ding ibinigay ang surveillance video. Samantalang ang mga customer naman ang nagpatunay ng nasaksihan nila. Ang mga police ay ikinulong ang mga involved sa loob ng limang araw. 

“Dahil sa mga taong kagaya niyo na may lakas ng loob na magsalita kaya nagiging mas maayos ang ating lipunan.” Ang pulis ay pinuri si Duke maging ang mga customer na nag-testify. Dahil doon ay mas gumaan ang pakiramdam ni Duke. Habang nag-iisip siya kung paano sasabihin iyon kay Nathan ay narinig niya ang bulong ng katabi.

“Hello, ikaw ba si Director Alcantara?”

Oh, no! Nakilala ako. Hindi niya napigilang saad sa isip.

Ang gulong nangyari ay maayos na naresolba. At ang mga tagahanga niya na naroon ay nagpa-picture sa kaniya. Ngunit dahil sa protection of privacy, sinabihan niya ang mga taong nagpa-picture sa kaniya na huwag ikalat ang mga larawan. After all, ang gulong nangyari ay may kinalaman sa dalawang babae. 

“Thank you so much.” Muling nagpasalamat si Elisia at Danica sa mga witnesses. Pagkatapos ay nagpatawag sila ng sasakyan at umalis. 

Sa kabilang banda, masayang sinagot naman ni Duke ang tawag ni Nathan matapos maayos ang nangyari.

“Anong nangyari? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?” 

“Wala naman,” sagot ni Duke na may himig ng pagmamalaki para sa sarili. “Maayos namang resolba ang gulong nangyari. And I feel very good.”

Sa kabilang linya, ramdam ni Nathan na mukhang nasa good mood si Duke. Totoo ngang, hanggang may taong kayang magbigay ng kaunting pag-ibig sa kapwa, mas lalong gumaganda ang mundo.

Dahil sa nangyari, sobrang late na nakarating si Elisia sa bahay. Nakataas ang sakong habang dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Balak niyang maligo ng tahimik at matulog pagkatapos. After all, kailangan niya pang pumasok sa trabaho ng maaga.

Dahil sa pagmamadali ay hindi na nakakuha ng pajama si Elisia. Pagkatapos maligo ay agad siyang lumabas ng bathroom ng nakatapis lang. Sa takot na baka magising si Nathan ay hindi na niya binuksan pa ang ilaw at lumakad na lang ng dahan-dahan.

“Anong ginagawa mo?”

Ngunit, bago pa man maabot ni Elisia ang pinto ng kwarto ay narinig niya ang boses ni Nathan sa dilim na ikinagulat niya. Ang sumunod na segundo ay bigla na lamang lumiwanag ang paligid at nakita ni Elisia si Nathan na nakatayo sa harap niya suot ang pajama nito. 

Sa hindi inaasahan, ang nakapalibot na tuwalya sa kaniya ay bigla na lang nahulog. 

Napasigaw si Elisia sa bilis ng pangyayari habang si Nathan naman ay nagpa-panic na napatalikod. Nagmadali siyang pumasok sa kwarto at isinara ang pinto. 

Ilang minuto lang ay muling lumabas ng kwarto si Elisia suot na ang kaniyang pajama. Habang ang basang buhok ay binalot nito sa isang tuwalya.

Sa totoo lang ay nagulat si Nathan sa nangyari. Late na siya nakauwi at nang makitang walang ilaw sa kabilang kwarto ay inakala niyang tulog na si Elisia. Hindi siya gaano nakakatulog kaagad. Madalas sumakit ang ulo niya at inaatake ng insomnia lalo na sa gabi. Kaya lumabas siya ng makarinig siya ng ingay sa labas. Akala niya ay magnanakaw ‘yon pala si Elisia. 

Nang tignan niya ang oras ay alas-tres na ng umaga. Hindi maiwasang maisip ni Nathan kung bakit tila late na itong nakauwi. Logically speaking, hindi naman siguro ito magta-trabaho ng overnight sa unang araw nito sa trabaho, ‘di ba?

Medyo nagtataka pa rin siya ngunit ng mahagip ng mata ang paglabas nito sa kwarto ay napalunok siya ng laway ng wala sa oras. Ang buong akala niya ay nakita na niya ang lahat ng magagandang babae, ngunit ang mga katulad ni Elisia na masayahin at inosente ay bihira sa panahon ngayon. Saglit niya lamang ito tinignan ngunit hindi mabura sa isip niya ang magandang hugis ng katawan nito. 

Agad pinalis ni Nathan ang mga iniisip at sinuway ang sarili sa mga naiisip niya. Agad niyang binaling ang sarili sa reyalidad.

“Gusto mong kumain? Nagluto ako ng noodles.” Alok ni Nathan kay Elisia.

Nang lumabas si Elisa mula sa kwarto ay nakita niya si Nathan sa harapan ng bar, pansin niya ang pag-iingat nito habang hawak ang noodles sa kamay. 

“Ang president ay hindi natutulog sa gabi at kumakain ng noodles as a midnight snack?”

Nangunot ang noo ni Nathan sa tinuran niya. “ Ang president ay tao din,” sagot nito.

Naglapat ang mga labi ni Elisa, naisip na masyado siyang bulgar at malakas ang loob na magreklamo dito katulad ng ginagawa niya. Gusto niyang tumanggi sa alok nito sa takot na baka tumaba siya kung kakain siya kahit late na, ngunit ang sikmura niya ay hindi nakikisama sa kanya. Kaya't nahihiyang tinignan niya ito at nginitian.

“Okay na sa akin kung lulutuan mo ako kahit kaunti lang.” 

“Walang problema.”

Nang sumunod na segundo ay natagpuan na lang ni Elisia ang sariling nakaupo sa dining table habang pinapanood si Nathan na abala sa kusina. 

Nakasuot lang ito ng light-colored na pajama, hindi din maayos ang pagkakasuklay ng buhok nito hindi katulad ng ayos nito sa umaga. Bagsak ang buhok nito sa noo. Agaw pansin ang maputing balat nito at matangkad na pangangatawan. Mukha nga itong college student sa itsura nito. 

Ilang saglit pa ay nasamyo na ni Elisia ang mabangong amoy na unti-unting pumupuno sa tahimik na lugar. Hindi niya napigilan ang sariling huminga ng malalim. Napabuntong-hininga siya. Hindi niya mawari ngunit marahil dahil sa magandang mukha nito habang nagluluto o dahil ang pagkain na niluto nito ay sobrang bango?

“Handa na.”

Nabasag ang iniisip ni Elisia ng dinala ni Nathan ang pagkain na niluto nito sa lamesa. Dalawang bowls ng noodles na may itlog at green slices sa ibabaw na nagpasigla sa itsura ng noodles na niluto nito. Pinigil ni Elisia ang excitement na nararamdaman. Inilabas niya ang cellphone at unang pinicturean ang sariling bowl ng noodles.

“Hindi mo pipicturean ang bowl ko?” 

“Ah?” Kapipindot lang ni Elisia ng shutter nang magsalita si Nathan. Nang tignan niya ito ay nakita niya itong itinuturo ang sariling bowl na nasa harapan. Ibig ba sabihin nito ay gusto nitong kuhanan niya ng picture ang parehong bowl nila?

“Oh, okay.” Mabilis na inurong ni Elisia ang bowl palapit kay Nathan, nang makitang dalawang bowl na ang hagip ng camera ay agad niya itong kinuhanan ng litrato. Nang matapos ay ipinakita niya dito ang larawan. 

Tinignan nito iyon ng walang emosyon pagkatapos ay tumango. “Send mo sa akin yan mamaya.” 

Pagkatapos no'n ay nauna na itong kumain. Medyo nalilito si Elisia sa pakikitungo nito. Naisip niyang medyo weirdo ang pagiging down-to-earth ng presidenteng ‘to. 

Matapos ng pag-uusap tanging ang tunog lang kubyertos ng dalawang taong kumakain ng noodles ang maririnig sa buong bahay. Kumain na si Elisia ng gabi kaya naman dalawang subo lang ay medyo busog na siya. Samantalang si Nathan naman ay hindi kumain ng Gabi kaya't mabilis nitong naubos ang noodles.

“Hindi mo nagustuhan ang lasa?” Nag-angat ng paningin si Nathan, dumapo ang tingin nito sa wala ng lamang bowl nito bago sa kalahati pa lang ang nababawas na noodles ni Elisia. 

“Kumain na kasi ako kanina, gusto ko lang kumain para may laman ang tyan ko.”

“Kakainin mo pa ba ‘yan?” tanong nito.

Gusto mang sabihin ni Elisia na kakainin niya ito pero nararamdaman niyang medyo nasusuka na siya sa hindi malamang dahilan. 

“Kung hindi mo na kayang ubusin, ibigay mo sa akin ako na ang kakain,” saad nito na ikinagulat niya.

“Huh?” 

Sa kabila ng reaksyon niya ay kinuha pa rin nito ang noodles niya at ipinagpatuloy ang pagkain. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 8: CEO AND ITS SPECIAL ASSISTANT

    Medyo nabigla si Elisia, may gusto sana siyang sabihin ngunit dahil sa kalmadong presensya ni Nathan ay tila nalunok niya ang lahat ng salita.“Go, magpahinga ka na.”Hindi na nagsalita pa si Elisia at sinamahan na lang si Nathan hanggang sa matapos nito ang pagkain. Sa kabila ng mabilis nitong pagkain ay hindi maitatanggi na malinis ito pagdating sa pagkain.Nang matapos ito ay dinala nito sa lababo ang pinagkainan nila at planong maghugas sana. Medyo nahiya si Elisia kaya't nilapitan niya ito. “Ikaw na ang nagluto, ako naman ang maghuhugas ng pinggan. Dapat lang na maghati tayo sa mga gawain.” “Okay lang, late na rin ngayon. Mauna ka ng magpahinga.” Nang makitang hindi talaga ito papayag ay hindi na siya nagsalita pa. Tumango siya rito at tahimik na bumalik sa kwarto. Nang makahiga sa kama, huminga ng malalim si Elisia upang kumalma. Tumihaya siya at tumitig sa kisame. Hinayaan ang sariling lamunin ng mga isipin.Masasabi niyang impossibleng wala siyang maramdamang excitement sa i

    Last Updated : 2024-10-24
  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 9: COME TO DO PHYSICAL WORK

    Ang usapan ay ililibre niya si Jake ng tanghalian pero dinala siya nito sa isang coffee shop at inutusang order-an ito ng isang kape. “Bro, hindi ako makakakain nito, gusto ko ng maanghang na hotpot sa underground street.” Ayaw ni Elisia na kumain ng fast food sa coffee shop. Gusto ng sikmura niyang kumain ng maanghang ngayon. “Mamaya na lang, ako bahala sa’yo. Hindi mahalaga ang pagkain ngayon.” Ang tono ng boses nito ay tila may kaunting pagkadisgusto sa isang bagay. At ang mga mata nito ay nananatili lang na nakapako sa labas ng bintana.“Anong tinitignan mo?” “Malalaman mo rin mamaya.” Pagkalipas ng limang minuto ay tinapik ni Jake ang balikat na Elisia. Nakaramdam naman siya ng excitement, agad niyang sinundan ng tingin ang tinitignan nito. Doon ay nakita niya ang pito hanggang walong taong nakasuot ng suit at leader shoes. Palabas ang mga ito sa kabilang building. “Hinila kita dito para makilala mo ang iba't ibang klase ng tao.” Itinuro ni Jake ang mga tao sa labas hindi ka

    Last Updated : 2024-10-26
  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 10: SAVE A LITTLE FRIEND

    Hindi niya napansin ang matulis na bagay na nasa kalsada, hindi inaasahan na madadagi siya doon. Ang mata ng lalaki ay puno ng guilt at halata dito ang kaba na nararamdaman. “Dadalhin kita sa hospital.” Nang sabihin nito iyon ay agad nitong kinuha ang cellphone at nagpa-panic na tumawag. Nang tignan ni Elisia ang braso niya ay sinabihan niya itong ayos lang siya. “Hindi na, kaya ko naman itong i-bandage pag-uwi ko. Sa balat lang naman ang sugat ko.” Sa paningin ni Elisia ay hindi naman talaga ito malaking problema. Palagi siyang nadadapa at nagkakasugat noong bata siya at ang nangyari ngayon ay maliit na bagay lang. At ang pinaka-importante sa lahat ay ayaw ni Elisia na pumunta sa hospital.“Kailangan mong i-bandage ‘yan agad,” nag-aalalang saad ng lalaki. Siya at si Jace pareho sa bagay na iyon. Ayaw nila ng amoy ng disinfectant. “Baka natakot ang bata, unahin mo muna siyang ipatingin. Ayos lang ako. Huwag kang mag-aalala lahat naman siguro gagawin ang ginawa ko.”Matapos sabihin

    Last Updated : 2024-10-26
  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 11: POISONOUS TONGUE

    Maliban sa minsanang pag-iisip na dominante si Nathan ay masasabi niyang magaling at mabait na partner ito.Matapos ang saglit na oras na nakasama si Nathan ay ramdam ni Elisia na kapag gusto nitong maging mabait ay kailangan niya iyong tanggapin ka agad dahil magagalit ito.Ang pagiging dominante ay natural na siguro talaga sa isang presidente. Pagrereklamo ni Elisia sa isip niya. Agad kinuha ni Elisia ang package na inaabot nito at seryosong nagpasalamat. Kahit na dominante ito ay may puso naman ito. “Dahil sa naging sitwasyon kagabi, may idinagdag ako sa kasunduan natin, sana lang ay masunod mo iyon.” Pinuri niya pa naman ito sa isip niya kanina ngunit dahil sa sinabi nito ay parang gusto niya na lang itong pagsabihan.“Pwede mong tignan muna.” May inabot ito sa kaniya na folder na hindi niya alam kung saan galing. Seryoso ang mukha nito na para bang isang project ang pinag-uusapan nila. “Ang bawat nadagdag dyan ay may katumbas na bayad kapag nasunod mo.”‘Okay, hindi ko na pala

    Last Updated : 2024-10-27
  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 12: I'M SORRY, TEAM LEADER

    “Oh, lahat pala kayo dito ay mga top students. Sa batang edad ay napakatalentado na.” Sinabi iyon ni Team Leader Marco ng may ngiti. Matapos nitong makipag-usap sa isang medyo may katandaan na lalaki ay umalis din ito para kumuha ng pagkain. Hindi na niya gaanong narinig ang sumunod na sinabi nito ngunit ang masamang pakiramdam na idinulot nito sa kaniya ay nananatili. Pakiramdam niya ay nasusuka siya. “Palit tayo ng upuan.” Katabi ni Jake si Elisia. Gusto sana niya itong maupo sa gitnang posisyon at siya naman sa pwesto nito malapit sa daanan. Gaya ng nasa naiisip niya ngunit tumanggi ito.“Hindi na.” Iniling ni Elisia ang ulo bilang pagtanggi pagkatapos ay nginitian niya ito. Nang magtama ang mga mata nila ay doon niya napagtanto ang ibig nitong sabihin sa mga paalala nito na mag-ingat siya sa Team Leader nila.Gaya ng inaasahan, nang makuha ni Team Leader Marco ang pagkain nito ay muli itong dumaan sa table nila. Hawak nito ang pagkain sa kamay habang nakatayo ang dalawang kasama

    Last Updated : 2024-10-29
  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 13: SCOLD

    “Bakit nagkakaganyan si Team Leader Marco? Masyado naman siyang bastos.” Matapos umalis ni Team Leader Marco, hindi napigilan ni Winter ang sarili na sabihin iyon sa mahinang paraan. Hindi man niya gaanong nakita ang ginawa ni Team Leader Marco ngunit ang tono at ekspresyon niya ay hindi naitago ang natural na pagkadisgusto niya sa lalaki. Matapos makasundo ang lahat, ang bagong graduate na si Winter at Jay ay inakalang mahirap pakisamahan si Jake ngunit hindi nila inaasahan na ito pa mismo ang magpo-protekta sa kanila. “Jake, bakit parang andami mong nalalaman?” Hindi napigilan ni Jay na mapabuntong hininga sa galing nito sa sa pagkalap ng mga impormasyon at chismis patungkol sa mga relasyon ng mga tao sa paligid nito. Nang marinig ito ni Jake ay napangiti siya. “Dahil determinado akong manguna bilang reporter sa domestic entertainment industry.” Tinignan ni Jake ang mga kasama ng may ambisyon sa mga mata.“Dapat na nating tanggalin ang takip ng pagpapanggap, dalhin ang mga taon

    Last Updated : 2024-10-31
  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 14: POWER OFF

    Buong gabi ay walang nagawa si Nathan kun'di makinig sa kwento ng Lola niya at ang usapan ay ang bago niyang asawa.“Paano ninyo nakilala ang isa't isa?” “Isang kolehiyala? Ngayon ay isa ka ng baka na kumakain ng patubong damo? Magaganda ang grado? Napakasipag at mabait na bata. Ngayon ay nagtatrabaho na ito sa isang TV station? Mukhang gustong gusto mo talaga ang trabahong may kinalaman sa pagsusulat. Palagi ka bang nagluluto? Okay, mukhang hindi na masama ang performance mo.” Sinagot ni Nathan ang sunod-sunod na tanong ng kaniyang Lola.Wala sa isip na nakadalawang porridge na pala siya. “La, mauuna na po akong umalis.” Agad tumayo si Nathan pagkatapos kumain. Akmang aalis na siya ng magsalita ang Lola niya. “Oh, saan ka pupunta?” malungkot na tanong nito.“Kikitain ko si Elisia pagkatapos ng trabaho nito,” mabilis na sagot ni Nathan.Nang marinig iyon ng Lola niya, ang kaninang ayaw pumayag na paalisin si Nathan ay agad napangiti. “Okay, lumakad ka na at sunduin siya. Si Elisia

    Last Updated : 2024-10-31
  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 15: DELIVERY

    Hindi alam ni Elisia kung gaano na katagal ang lumipas bago niya nakita ang liwanag. Ang ilaw sa labas ay bukas pa pero ang ilaw sa building na nasa likod nila ay patay.Nang tumingala siya ay nakita niya si Nathan sa unahan niya. Sa mukha nito ay tumulo ang hibla ng pawis. Ngayon na bukas ang ilaw, napansin ni Elisia na may hawak itong thermos sa kabilang kamay.Nang umikot si Nathan ay nakita niya ang naguguluhang ekspresyon ni Elisia.“Kumain ako ng hapunan sa bahay ng Lola ko kanina. Dahil alam niyang nagtatrabaho ka pa, inutusan niya akong dalhin ‘to sayo.”Ang sagot nito ay hindi inaasahan ni Elisia.Nang makaakyat sa building si Nathan ay napansin niyang si Elisia lang mag-isa ang nandoon. Ang manipis na likod nito ay nakakaawang tignan sa harap ng computer. Ngunit hindi niya inaasahan na matutumba ito. Dahil doon, ang lunch box na dala ay nalaglag sa mga kamay niya. Kahit na pinulot niya ito kaagad ay ikinakatakot niya na ang pagkain sa loob ay nagkalat na.Wala ng balak pa s

    Last Updated : 2024-11-01

Latest chapter

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 99: NAHULI

    “Tina, bakit pakiramdam ko ang wirdo ng mga nangyayari.” Si Mike at ang store manager ay lumabas ng kwarto at pinaalis ang mga taong nasa paligid nila. Lumapit si Mike sa manager at sinabi rito ang pagdududa niya. “Anong problema?” Hindi pa rin ito gaanong maintindihan ng manager.“Sabihin mo, talaga ba na ang dalawang taong iyon ay si Mr. Lucero at Mrs. Lucero?” Tinignan ni Mike ang manager ng may mahinahong ekspresyon sa mukha. “Sa pagkakaalam ko, si Nathan Lucero lang ang nag-iisang tagapagmana ng Lucero's Group. Ang matandang Lucero ay isang taong hindi nagbabago ng isip. Sa tingin mo ba, papayag ang matandang Lucero na ang apo niya ay naghahanap ng taong magdadala ng items para sa kanya? At kasal na siya, bakit kailangan pa niya ng taong magdadala ng items para sa kanya?”“Marahil dahil naaawa siya sa sakit na mararamdaman ng asawa niya sa panganganak. Normal naman iyon,” saad ng manager, “Marami tayong mayayamang asawang babae noon na pumunta sa'tin dahil nag-aalala sila na maw

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 98: SALAMAT MR. LUCERO

    Nakaupo si Elisia sa tabi nito, bahagyang nalula siya sa mga sinabi nito. Pakiramdam niya ay maling gamot ang nainom nito ngayon. Sa huli, dalawang beses lang siyang naubo, hindi na siya kumibo pa at tahimik na lang na naupo sa tabi nito.Ikinalma ni Jake ang sarili at inobserbahan ang estado ng dalawang tao sa likuran niya sa rearview mirror. Matapos magmaneho ng mahigit kalahating oras, ang senaryo sa paligid nila ay mas lalong umonti. At sa wakas, ang kotse ng store manager ay huminto sa puting building.“Mr. Lucero, Mrs. Lucero.” Pagkaparada ng sasakyan, tumakbo palabas ng kotse ang store manager at magalang na sinalubong sila Nathan at Elisia.Ang dalawa ay nagkasundo sa loob ng kotse. Dahil handa siyang tulungan ni Nathan, sisiguraduhin ni Elisia na gagamitin niya ito ng tama. Kaya naman ng makababa sa kotse, natural na kinuha niya ang mga braso nito.Naglakad silang apat papalapit sa gate. Nang makita nila ang puting building sa harap nila, hindi pa rin maiwasang magulat ni E

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 97: HANDA AKONG MAGBIGAY

    Matapos dumating ni Nathan, mas lalong naging mapagbigay ito. Gumastos lang naman ito ng nagkakahalaga ng walong numero sa tindahan.Hindi niya alam kung ang paggastos nito ay para galitin si Jake o para tuluyang maalis ang pagdududa ng store manager. Ngunit ano man sa dalawa, ang paggastos na iyon ay talagang labis na ikinabahala ni Elisia.Okay, ang pera ba ng mayayaman ay hindi mabibilang na pera? Ang gano'n kalaking pera, gagastusin lang nito dahil sinabi nito?Sobrang nababahala si Elisia, ngunit sa kabila no'n ay hindi naman maitago ang ngiti sa mukha ng store manager. Matapos ang kalahating oras, matapos ang paalala ni Elisia, sa wakas ay opisyal na itong nailagay sa pang-araw-araw na routine. Ang store manager ang nagmamaneho sa unahan upang pangunahan ang daan. Sa likod naman nito ay si Jake, at si Nathan at Elisia ay nakaupo sa likurang upuan. Sinusundan nila ang kotse ng manager papunta sa destinasyon nila.“Bakit nandito ka? Wala ka bang gagawin ngayong hapon?” Medyo nasu

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 96: MRS. LUCERO

    “Mr. Lucero, may bagay akong ire-report sa’yo.”Katatapos lang ni Nathan sa meeting at kasalukuyan niyang binabasa ang bagong kontrata na para sa proyektong promosyon, nang kumatok si Simon sa pinto ng opisina niya. “Anong problema?”“Ngayon lang, ang asawa mo ay nagpunta sa bagong bilihan ng electronic equipment sa lungsod at bumili siya ng maliit na camera at microphones.”Pagkasabing-pagkasabi no’n ni Simon, si Nathan na nakayuko at abala sa pagpirma ng mga dokumento ay mabilis na naitaas ang ulo at tumingin kay Simon. “Kaibigan ko ang manager ng electronic equipment store. Sinabi niya lang sa'kin na may customer daw sila na bumili ng latest na equipment at bumili ng nagkakahalaga ng libo-libo ng hindi man lang kumukurap,” mabilis na paliwanag ni Simon, “Nagpadala rin siya sa'kin ng larawan. Nang makita ko, doon ko nalaman na ang asawa mo ‘yon.”Nang sabihin niya iyon, mabilis na ipinakita ni Simon kay Nathan ang chat record nila ng kaibigan niya.Nilakihan ni Nathan ang larawan

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 95: BAGO

    “Handa ka na?” Sa loob ng opisina, si Elisia at Jake ay handa ng umalis. Naglagay na ng maliit na camera si Elisia, may kasama na itong radio function. Para sa kaligtasan niya, nagdala rin si Elisia ng pepper spray at ilang maliliit na kagamitan para maprotektahan ang sarili. Kung saan inilagay niya sa isang mamahaling bag na nabili niya sa luxury store ilang araw na ang nakalilipas. “Tara na.” Tinapik ni Elisia ang bag at ramdam niya na halos handa na ito. Kaya naman sinabihan niya si Jake na umalis na.Ang dalawa ay sabay na umalis sa trabaho habang mababakas naman sa mukha nila ang espiritu ng pagiging palaban. Ang postura nila ay naagaw ang pansin ng mga kasamahan nila sa trabaho. Ilan sa kanila ay nagsama-sama at nagbulungan.“Narinig ko na nakakuha raw ng malaking balita si Elisia at Jake.”“Malaking balita, anong klaseng malaking balita naman iyon?” Nang marinig iyon, ang katrabaho na katabi niya ay napuno ng pagkadisgusto, “Sa panahon ngayon, mas mabilis na nalalaman ng mga

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 94: MAY NAGAWA BA AKONG MALI?

    Kinaumagahan, nang magising si Danica, nakaalis na si Elisia. Bago umalis, naghanda ito ng mga bagong damit para kanya. Nang makapagpalit ng damit at makalabas, namataan niyang may nakaupo sa sala sa labas. Mukhang suot rin ni Duke ang bagong damit ni Nathan. May almusal na rin sa lamesa. Nang marinig nitong bumukas ang pinto, tumingala ito at tinignan si Danica. Nang magtama ang mga mata nila ay nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na pagkailang.“Magandang umaga,” naiilang na unang bumati si Duke, “Pumasok na sa trabaho si Nathan at Elisia, kumain ka muna ng almusal.” Dahil sinabi na nito, nahiya na ring tumanggi si Danica.Kaya naman sinunod na lang niya ang sinabi nito at naupo sa hapag.May gatas at sandwich sa lamesa, kaya naman masunuring ininom ni Danica ang gatas. “Salamat kahapon.” Kahit na lasing si Duke, may impresyon pa rin siya sa naging ugali nito kagabi. “Sinabi ni Nathan na nagulo kita. Wala naman akong nagawang nakakahiya, ‘di ba?” Nang makitang walang maalala

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 93: PAG-UUSAP

    Parang may humaplos sa puso ni Danica at Elisia sa sinabi ni Nathan.Matapos ang lahat, ang assistant ni Kyla ang pinakahuli sa mga may kinalaman sa bagay na ito. “Pero ang magagawa ko lang sa kasalukuyan ay ang kontakin ang assistant ni Kyla para alamin kung handa ba itong linawin at sabihin ang mga kasinungalingan ni Kyla. Kung hindi niya gusto, hindi natin siya pipilitin.” Nagmamaneho si Nathan ng may kalmadong ekspresyon sa mukha. “Mas mabuti kung lilinawin niya iyon, pero malilinis pa rin naman natin ang pangalan ni Duke kahit wala siya.” “Salamat, President Lucero.” Nang maisip ang nakakaawang itsura ni Duke kanina ay kusang nasabi iyon ni Danica.Sinulyapan ni Nathan si Danica sa rearview mirror at nasaksihan niya itong nakatingin kay Duke. “Hindi na iyon mahalaga, parang kapatid ko na si Duke, gagawin ko ang lahat para malinis ang pangalan niya.”Matapos sabihin iyon ni Nathan, biglang napagtanto ni Danica ang sinabi nito. Si Nathan at Duke ay mabuting magkaibigan, hindi nga

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 92: MABAIT NA ASO

    Napataas ang tingin ni Duke sa hawak ni Danica. Tinignan niya ito ng may mamasa-masang mata.Natigilan si Danica sa ekspresyon nito. Ito ang unang beses na may lalaking tumingin sa kanya ng ganito dahilan para hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya. Gusto niyang bawiin ang kamay sa pagkataranta, ngunit pinangunahan siya ni Duke, ipinatong nito ang malaking kamay sa ibabaw ng kamay niya.“Napakabait mo, Danica.”Naalarma ang bell sa puso ni Danica. Ang maharot na tono ni Duke ay iwinawala siya sa katinuan. Si Director Duke na madalas ay seryoso ay bigla na lang naging maharot na tuta.Ang ganitong presensya nito ang dahilan para hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang gawin.Matapos ang mahabang sandali, tinanggal niya ang kamay sa ilalim ng palad ni Duke at pagkatapos ay kinuhanan niya ito ng ilang pagkain gamit ang chopsticks. “Kumain ka na, huwag kang mag-isip ng ibang bagay.” Nang maisip na may taong sasamahan siya, pinulot ni Duke ang chopsticks at kumain ng may masama

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 91: MAGALING KA!

    Dahil sinabi ni Nathan na siya na ang bahala, sisiguraduhin niya na maaayos niya ito.Nang sa wakas ay matapos ang filming, hinikayat ni Nathan si Duke na huwag ng masyadong mag-isip. Siya na ang bahala sa iba. Sa grupo nila, nagsalita rin si Mikey, sinabi nito na mag-po-post din ito sa Weibo para ipagtanggol si Duke.Matapos ang lahat, mayroon ding mga tagahanga si Mikey sa circle.Nakaramdam ng sobrang pagod si Duke. Matapos gawin iyon ni Kyla, imposible ng matuloy ang pakikipagtrabaho niya rito. Ang role nito ay positibo rin. Teammate ito ni Sol na ginanapan ni Danica. May magandang proseso rin ito ng paglago at ilang highlights sa palabas. Pero ngayon, nang makita ang estado ni Kyla ng paglalagay ng asin sa sugat, hindi nito kayang gampanan ng maayos ang role nito. Nagpadala siya ng mensahe kay Nathan, sinabi niya na hindi niya hahanapin si Kyla para sa role nito. Magpapalit na lang sila ng tauhan. Sinabihan lang siya ni Nathan na kumalma muna at bibigyan siya nito ng resulta.H

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status