“Isa ka sa mga estudyante na binigyan ko ng sponsor at pagkatapos no’n in-add kita sa WeChat dahil sa project discussion. Tapos doon kita inumpisahang ligawan. Noong una tinanggihan mo ako dahil magkaiba tayo ng edad pero pagkatapos no'n napag-alaman mong okay naman ako, kaya niligawan kita sa loob ng tatlong buwan at naging magkarelasyon tayo ng kalahating taon. Pero dahil hindi ka pa nakakapagtapos hindi ko ito isinapubliko.”
Nang gabing iyon ay nag-dinner sila ni Elisia at ibinigay niya dito ang script na ginawa niya sa isip niya.
Inilarawan ni Nathan kung paano silang dalawa nagkakilala at maging ang gawa-gawa nitong detalye sa kung paano sila nagkasundo. Kasama na doon ang paggawa ni Nathan ng flowers para kay Elisia noong Valentine's Day. Napunta siya sa tabi ni Elisia noong nawawala ang cellphone niya. Sinabi ni Elisia na gusto niyang mag-star gazing, kaya sinamahan niya ito. Pagkatapos ay ang matagal na nilang pag-uusap sa chat.
“Pinagsama-sama ko na ang lahat ng detalye base sa mga nobela at TV dramas. Pwede mong gamitin ang nababagay at itapon ang hindi,” saad ni Nathan.
“Dahil mahalaga ang nilalaman ng detalye. Pwede mo din isama ang mga kulay na gusto mo, ayaw mo, at mga pagkain na allergic ka at iniiwasan mo. Makakatulong ito para mas makilala pa natin ang isa't isa ng mabilis at hindi nabubuking.”
Agad binasa ni Elisia ang detalye ng ‘fabricated’ by Nathan Lucero na gawa nito. Matapos basahin ay namangha siya sa galing nito pagdating sa pagpapahayag.
“Mr. Lucero, sayang at hindi ka nagsusulat ng nobela gamit ang imahinasyon at pagsusulat.”
Natigilan si Nathan sa sinabi ni Elisia. Sa pag-iisip na baka pinupuri siya nito ay nagpasalamat siya sa seryosong paraan.
Kaninang umaga ay lumipat na si Elisia sa bagong apartment na binanggit ni Nathan. At no’ng gabing iyon ay natanggap niya rin ang paalala para sa ‘square table meeting’ kasama si Nathan Lucero.
“Sinabi mo sa Lola mo ang tungkol sa atin ngayon?” Iniisip ni Elisia kung paano sinabi iyon ni Nathan. “Paniniwalaan niya kaya iyon?”
“Kaya kailangan natin i-improve pa at siguraduhin na tugma ang bawat detalye natin para masigurong walang pagkakamali,” saad nito. “Kung sa tingin mo ay hindi katanggap-tanggap ang nilalaman nito pwede mo itong palitan. I-send mo lang sa akin sa text, I'll take note of that.”
Hindi na kailangan, okay na, kaya niyang makatanda ng maraming bagay.
“Okay, sige titignan ko. Bukas ng umaga, pwede kang magtanong ng kahit anong tanong at dapat na masagot ko ito ng maayos.” Ang lahat naman ng detalyeng isinulat ni Nathan ay romantic kaya hindi ito mahirap tandaan.
“Okay.” Tumango si Nathan, “may tanong pa ako, saan ka nagtatrabho ngayon?”
“Nakatanggap ako ng offer, sa ngayon ay isa akong director sa isang TV station.”
“Okay,” wika ni Nathan, “kung may tanong ka pa huwag kang mahiyang tumawag.”
Tumayo si Nathan at inabot ang kamay dito. “Happy cooperation.”
Inabot naman ito ni Elisia. “Happy cooperation,” saad niya.
Kahit nakahiga na sa higaan pakiramdam pa rin ni Elisia ay nananaginip pa rin siya. Nang mapatingin sa pulang libro na hawak, pagkatapos ay lilipat ang tingin sa isang A4 na puno ng mga salita, maging ang pag-iisip na nasa tabi niya si Nathan ay ramdam pa rin niya na tila panaginip lang ang lahat.
Ngayon ay inumpisahan na niyang i-add ang mga kaibigan ni Nathan. Ang avatar na gamit ni nito ay blue sky at white clouds at ang pangalan na gamit nito ay NLS. Maging ang background ng mga kaibigan nito ay pare-pareho.
Kung ikukumpara ang mga kaibigan nila ay mas marami ang kaibigan ni Elisia.
Lumalabas siya para uminom at kumain sa labas kasama ang mga kaibigan, nagbibigayan ng mga gustong panooring movies at TV shows. Maging ang mga drawing na naiguhit niya dati.
Matapos maisip iyon ay binuksan niya ang chat nila ni Jace.
Eli: Tulog ka na?
Jace: Hindi pa, Ate~
Eli: Jace, may sasabihin ako sa’yo.
Eli: I'm in love.
Sa unang araw ng trabaho, maagang gumising si Elisia, isinuot niya ang isang trousers at shirt pagkatapos ay itinali niya pataas ang kaniyang buhok. Kaunting make up lang ang inilagay niya sa mukha pagkatapos ay paulit-ulit na tinignan ang sarili sa salamin para masigurong maayos na ang lahat bago umalis ng bahay.
Ang kaso, pagkabukas na pagkabukas niya ng pintuan ay nakita niya si Nathan na nakaupo sa dining table.
Nakasuot ito ng gray na suit at black na trousers na pinagmukhang mahaba ang mga hita nito. Nasa 1.8 meters ang tangkad nito at mukhang metikuloso. Hindi katulad ng casual na suot nito noong unang pagkikita nila, ang ayos nito ngayon ay pinagmumukha itong dominanteng presidente.
At ang dominanteng presidente na ito ay may hawak na plato at inaaya si Elisia na mag-umagahan.
“Hindi ka naman siguro mahuhuli kung kakain ka muna ng umagahan diba?”
“Hindi, hindi.” Nakonsensya naman si Elisia. Nang tignan niya ang oras ay nakita niyang maaga pa pala. Simple lang ang inihanda ni Nathan at mukhang sobrang maayos. Para sa isang katulad niya na matagal ng hindi kumakain ng agahan hindi naman ganoon ito kahirap lunukin.
“May maganda akong koneksyon na taga TV station. Sa unang araw mo gusto mo kausapin ko siya?”
“Ah, hindi na kailangan.” Iwinagayway ni Elisia ang mga kamay. “Maliit na empleyado lang ako, walang dapat na ipaliwanag. Kaya hindi na kailangan. Salamat Mr. Lucero.”
“Call me Nathan.”
“Ah?” Hindi nakapag-react si Elisia.
“Magsanay ka na, kung hindi mas madali tayong mahuhuli.” Kalmado lang ang ekspresyon ni Nathan kaya tumango na lang siya dito.
Pagkatapos nilang kumain ay sabay silang lumabas. Ang kotse ni Nathan ay naghihintay na sa kanila sa labas. Habang si Simon ay nakatayo sa tabi ng kotse at naghihintay sa kanilang dalawa.
Hindi ito binanggit ni Nathan at hindi din naman binanggit ni Elisia. Ngunit sa tingin niya ay balak ni Nathan na ihatid si Elisia sa trabaho nito. Kabadong sumakay sa likuran ng sasakyan si Elisia. Ang tanging hiling niya ay may isa pang tao ang maupo sa pagitan nila ni Nathan. Nang makasakay sa sasakyan ay agad inabala ni Nathan ang sarili sa tablet niya habang si Elisia naman ay abala sa pagtingin sa mapa.
Napatingin si Simon sa boss niya at sa bagong asawa nito sa rearview mirror. Bakit pakiramdam niya ay hindi gaanong pamilyar ang dalawa sa isa't isa?
Nang makitang papalapit na ang mamahaling sasakyan ni Nathan ay walang nagawa si Elisia kung hindi ang humingi ng pabor dito.
“Nathan, pwede bang sa unahan ka na lang mag-park? Huwag mo na akong ihatid.”
“May problema ba?”
May problema ba? Isa lamang siya maliit na empleyado, ang sumakay sa mamahalin nitong million-dollar na kotse ay hindi niya matiis.
“Maliit na empleyado lang ako, just keep a low profile. Ngayon ang unang araw ko, salamat sa paghatid sa akin sa trabaho. Pwede naman akong mag-bus sa susunod.” Yumuko siya kay Nathan at tumango kay Simon. Matapos magpasalamat at mamaalam ng ilang beses ay bumaba na siya ng kotse.
Habang nakatingin sa likuran ni Elisia ay hindi maiwasang maguluhan ni Nathan.
“Simon? Nakakatakot ba ‘ko?”
“Hindi, boss.”
Isa sa mga code conduct ni Simon bilang empleyado ay ang sagutin ang tanong ng boss niya at huwag itong tanungin pabalik.
Kahit na gusto niyang malaman ang relasyon nito at ng bago nitong asawa. Ang magagandang katangian niya ang nakapagpapatahimik sa kanya.
Sa kabilang banda, nakatanggap naman ng mensahe si Nathan sa cellphone niya. Mula iyon sa director ng TV station.
‘Mr. Lucero, sisiguraduhin po namin na aalagaan po namin si Mrs. Lucero. Makakaasa po kayo.’
Unang araw ni Elisia sa trabaho, nang makarating sa TV station ay hindi niya naiwasang pagmasdan ang mataas na building nito. Dala ng excitement ay agad niyang inilabas ang cellphone at kinunan ito ng litrato para maipakita sa kapatid. Nang makapasok sa loob ay napansin niya ang dalawang hilera ng mga taong nakasuot ng itim na suit na tila may hinihintay sa hall. Sa gitna ay nakatayo ang isang lalaki na sa tingin niya ay nasa forties na ang edad halatang ito ang namumuno sa mga ito. Sa pag aakalang isa itong reception para sa isang bigating tao ay agad siyang gumilid at nagbigay daan. “Direk Ventura, tignan mo, iyon ba ang kotse ng asawa ni Mr. Lucero?”Ang lalaking tinawag na director ay napatingin sa labas at halata sa mukha nito ang kalituhan. Ang tanging sinabi lang ni Mr. Lucero ay bata pa at papasok lamang ang asawa nito bilang intern. Wala na itong sinabing iba pa. Nagulat siya nang malamang wala ng iba pang nakakaalam sa labas ng tungkol sa pagpapakasal nito. Masaya siya na
“Oo, at wala din akong masabi.” Kakalabas lang ni Elisia sa trabaho. Matapos tanggihan ang imbitasyon ni Jake. Naglalakad siya sa gilid ng kalsada habang kausap sa cellphone ang matalik na kaibigan na si Danica. “Okay, hintayin na lang kita dito. Oh, nakita na kita.” Saktong nawala ang boses ni Danica ay natanaw niya ang puting kotse nito. Nakangiting sumakay siya sa passenger seat ng kotse. “Ang masasabi ko lang sa’yo, kaibigan, ang malas mo!” pang-aasar nito sa kaniya ng makaayos ng upo. Nakasuot ito ng light gray hip-wrapped long skirt, ang itim na kulot na buhok nito ay maayos ang pagkakalugay. Napakaganda ng features ng mukha nito bukod pa doon ay napakabango din nito. Nang maalala si Kyle ay muling bumalik ang inis niya. “Wala talagang kwenta yang si Kyle. Siya at ang nanay niyang nangmamaliit ng kapwa. Kung matinong tao lang yang Rain Samonte na yan paniguradong sooner or later ay iiwan din niyan si Kyle. Kung hindi naman ang masasabi ko na lang ay mukhang pareho silang da
Duke: Nasa police station ako ngayon.Gabi na nang tanungin ni Nathan kung nasaan si Duke at iyon ang natanggap niyang sagot mula dito. Nathan: Anong nangyari? Duke: Pumunta ako sa isang restaurant para kumain ng barbecue at may nakita akong lalaking binu-bully ‘yong dalawang babae. Nasa police station ako ngayon, helping to testify.“Sir dito po kayo, lapit po kayo.” Nang mai-send ni Duke ang message kay Nathan ay narinig niya ang pagtawag sa kaniya ng police kaya't nagmamadali siyang lumapit dito. “Sir, nakita niyo rin po ba nang harangin ng lalaking ito at harassin ang dalawang babae? Pagkatapos ay lumapit ka at umawat?”“Yes.” Sa police station, tinanggal na ni Duke ang suot niyang mask. Nang makarating sila sa station ay ang lalaking lasing kanina ay unti-unti ng natauhan. Ang may-ari ng restaurant ay agad ding ibinigay ang surveillance video. Samantalang ang mga customer naman ang nagpatunay ng nasaksihan nila. Ang mga police ay ikinulong ang mga involved sa loob ng limang ar
Medyo nabigla si Elisia, may gusto sana siyang sabihin ngunit dahil sa kalmadong presensya ni Nathan ay tila nalunok niya ang lahat ng salita.“Go, magpahinga ka na.”Hindi na nagsalita pa si Elisia at sinamahan na lang si Nathan hanggang sa matapos nito ang pagkain. Sa kabila ng mabilis nitong pagkain ay hindi maitatanggi na malinis ito pagdating sa pagkain.Nang matapos ito ay dinala nito sa lababo ang pinagkainan nila at planong maghugas sana. Medyo nahiya si Elisia kaya't nilapitan niya ito. “Ikaw na ang nagluto, ako naman ang maghuhugas ng pinggan. Dapat lang na maghati tayo sa mga gawain.” “Okay lang, late na rin ngayon. Mauna ka ng magpahinga.” Nang makitang hindi talaga ito papayag ay hindi na siya nagsalita pa. Tumango siya rito at tahimik na bumalik sa kwarto. Nang makahiga sa kama, huminga ng malalim si Elisia upang kumalma. Tumihaya siya at tumitig sa kisame. Hinayaan ang sariling lamunin ng mga isipin.Masasabi niyang impossibleng wala siyang maramdamang excitement sa i
Ang usapan ay ililibre niya si Jake ng tanghalian pero dinala siya nito sa isang coffee shop at inutusang order-an ito ng isang kape. “Bro, hindi ako makakakain nito, gusto ko ng maanghang na hotpot sa underground street.” Ayaw ni Elisia na kumain ng fast food sa coffee shop. Gusto ng sikmura niyang kumain ng maanghang ngayon. “Mamaya na lang, ako bahala sa’yo. Hindi mahalaga ang pagkain ngayon.” Ang tono ng boses nito ay tila may kaunting pagkadisgusto sa isang bagay. At ang mga mata nito ay nananatili lang na nakapako sa labas ng bintana.“Anong tinitignan mo?” “Malalaman mo rin mamaya.” Pagkalipas ng limang minuto ay tinapik ni Jake ang balikat na Elisia. Nakaramdam naman siya ng excitement, agad niyang sinundan ng tingin ang tinitignan nito. Doon ay nakita niya ang pito hanggang walong taong nakasuot ng suit at leader shoes. Palabas ang mga ito sa kabilang building. “Hinila kita dito para makilala mo ang iba't ibang klase ng tao.” Itinuro ni Jake ang mga tao sa labas hindi ka
Hindi niya napansin ang matulis na bagay na nasa kalsada, hindi inaasahan na madadagi siya doon. Ang mata ng lalaki ay puno ng guilt at halata dito ang kaba na nararamdaman. “Dadalhin kita sa hospital.” Nang sabihin nito iyon ay agad nitong kinuha ang cellphone at nagpa-panic na tumawag. Nang tignan ni Elisia ang braso niya ay sinabihan niya itong ayos lang siya. “Hindi na, kaya ko naman itong i-bandage pag-uwi ko. Sa balat lang naman ang sugat ko.” Sa paningin ni Elisia ay hindi naman talaga ito malaking problema. Palagi siyang nadadapa at nagkakasugat noong bata siya at ang nangyari ngayon ay maliit na bagay lang. At ang pinaka-importante sa lahat ay ayaw ni Elisia na pumunta sa hospital.“Kailangan mong i-bandage ‘yan agad,” nag-aalalang saad ng lalaki. Siya at si Jace pareho sa bagay na iyon. Ayaw nila ng amoy ng disinfectant. “Baka natakot ang bata, unahin mo muna siyang ipatingin. Ayos lang ako. Huwag kang mag-aalala lahat naman siguro gagawin ang ginawa ko.”Matapos sabihin
Maliban sa minsanang pag-iisip na dominante si Nathan ay masasabi niyang magaling at mabait na partner ito.Matapos ang saglit na oras na nakasama si Nathan ay ramdam ni Elisia na kapag gusto nitong maging mabait ay kailangan niya iyong tanggapin ka agad dahil magagalit ito.Ang pagiging dominante ay natural na siguro talaga sa isang presidente. Pagrereklamo ni Elisia sa isip niya. Agad kinuha ni Elisia ang package na inaabot nito at seryosong nagpasalamat. Kahit na dominante ito ay may puso naman ito. “Dahil sa naging sitwasyon kagabi, may idinagdag ako sa kasunduan natin, sana lang ay masunod mo iyon.” Pinuri niya pa naman ito sa isip niya kanina ngunit dahil sa sinabi nito ay parang gusto niya na lang itong pagsabihan.“Pwede mong tignan muna.” May inabot ito sa kaniya na folder na hindi niya alam kung saan galing. Seryoso ang mukha nito na para bang isang project ang pinag-uusapan nila. “Ang bawat nadagdag dyan ay may katumbas na bayad kapag nasunod mo.”‘Okay, hindi ko na pala
“Oh, lahat pala kayo dito ay mga top students. Sa batang edad ay napakatalentado na.” Sinabi iyon ni Team Leader Marco ng may ngiti. Matapos nitong makipag-usap sa isang medyo may katandaan na lalaki ay umalis din ito para kumuha ng pagkain. Hindi na niya gaanong narinig ang sumunod na sinabi nito ngunit ang masamang pakiramdam na idinulot nito sa kaniya ay nananatili. Pakiramdam niya ay nasusuka siya. “Palit tayo ng upuan.” Katabi ni Jake si Elisia. Gusto sana niya itong maupo sa gitnang posisyon at siya naman sa pwesto nito malapit sa daanan. Gaya ng nasa naiisip niya ngunit tumanggi ito.“Hindi na.” Iniling ni Elisia ang ulo bilang pagtanggi pagkatapos ay nginitian niya ito. Nang magtama ang mga mata nila ay doon niya napagtanto ang ibig nitong sabihin sa mga paalala nito na mag-ingat siya sa Team Leader nila.Gaya ng inaasahan, nang makuha ni Team Leader Marco ang pagkain nito ay muli itong dumaan sa table nila. Hawak nito ang pagkain sa kamay habang nakatayo ang dalawang kasama
Plano ni Nathan na pumunta at tawagin si Elisia, ngunit hindi niya inaasahan na makita itong may kausap na lalaki sa gilid.Masyado siyang malayo para marinig kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa, pero kung titignan ang paligid ng mga ito, nakaramdam siya ng pagkakaisa at pagkakaibigan.Sa sandaling iyon, nakatayo sa sahig habang nakapaa si Elisia. Sa tabi nito ay ang sampung sentimetrong takong. Naaalala ni Nathan ang lalaking iyon. Siya iyong tumatawa habang nakikipaglaro kay Elisia sa harap ng TV station no'ng nakaraan.Ngunit hindi niya inaasahan na ang lalaking iyon ay dadalo rin sa pagdiriwang ng ika-isang daang taon ngayon.Unti-unti ay may hindi mapangalanang galit ang umuusbong sa isipan ni Nathan.Palaging kinakabahan at hindi kumportable si Elisia sa harap niya. May mga ilang pagkakataon lang na kumportable ito katulad ng ginagawa nito sa harap ng lalaking iyon.Nakikipagtalo si Elisia kay Jake. Matapos ang matagal na pagtatanong, hindi niya pa rin nalalaman kung paano ito
Plano ni Nathan na pumunta at tawagin si Elisia, ngunit hindi niya inaasahan na makita itong may kausap na lalaki sa gilid.Masyado siyang malayo para marinig kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa, pero kung titignan ang paligid ng mga ito, nakaramdam siya ng pagkakaisa at pagkakaibigan.Sa sandaling iyon, nakatayo sa sahig habang nakapaa si Elisia. Sa tabi nito ay ang sampung sentimetrong takong. Naaalala ni Nathan ang lalaking iyon. Siya iyong tumatawa habang nakikipaglaro kay Elisia sa harap ng TV station no'ng nakaraan.Ngunit hindi niya inaasahan na ang lalaking iyon ay dadalo rin sa pagdiriwang ng ika-isang daang taon ngayon.Unti-unti ay may hindi mapangalanang galit ang umuusbong sa isipan ni Nathan.Palaging kinakabahan at hindi kumportable si Elisia sa harap niya. May mga ilang pagkakataon lang na kumportable ito katulad ng ginagawa nito sa harap ng lalaking iyon.Nakikipagtalo si Elisia kay Jake. Matapos ang matagal na pagtatanong, hindi niya pa rin nalalaman kung paano ito
“Tara na.” Wala ng oras pa si Elisia para pag-isipan ang tungkol doon. Pagkatapos magsalita ni Nathan ay sinulyapan nito si Elisia. Tumango si Elisia at pagkatapos ay bumaba sila ng kotse ng magkasama. Unang bumaba ng kotse si Nathan, at naglakad sa kabilang bahagi para pagbuksan ng pinto si Elisia. Nang lumabas si Nathan, ang nagkikislapang mga ilaw sa lugar ay hindi na natigil. Pagkatapos ay unang bumaba sa lupa ang sandals ni Elisia, at ipinatong nito ang kamay sa palad ni Nathan. Nagpakita siya sa harap ng lahat sa pamamagitan ng suporta na nagmumula kay Nathan. Walang pagdududa na napakaganda ni Elisia.Ang tsismis patungkol sa namumuno sa Lucero's Group ay palaging paksa ng lahat ng balita sa media, ngunit sa maraming taong nagdaan, wala pang balita ang nagagawa. Ang tanging bagay na alam lang nila ay si Nathan Lucero ay mukhang may relasyon sa reyna ng mga pelikula noon na si Sandra Song. Ang relasyong iyon ay hindi kinumpirma ng dalawa, ngunit ang mga media reporters a
Pero hindi lang ‘yon lahat.Matapos no'n, nakapasok si Sandra sa directing department ng Film Academy ng may mataas na puntos. Ang unang serye niya sa telebisyon kung saan siya unang lumabas sa edad na labing walo ay diretsong naging kampeon ng taong iyon sa ranggo.Nang ang kasikatan nito ay tumaas, hindi na gumawa pa ng palabas si Sandra sa loob ng tatlong taon. Pagkatapos, sa taong nagtapos ito sa kolehiyo, gumawa ito ng napakagandang pelikula na nagwagi ng box champion of the year at nakasama sa tatlong nangungunang aktres sa box office performance of the film and television. Nang oras na iyon, dalawampu't tatlong taon pa lang si Sandra.Nang sumunod na limang taon, gumanap pa si Sandra sa dalawa pang palabas. Parehong naging high box office. Matapos non, ito ang unang nakaabot sa kita na kalahating porsyento.Sa mga nagdaang taon sa Pilipinas, si Sandra ay tinatawag na mahusay. Sa mga taong iyon, kakaiba ang buhay ni Sandra sa industriya ng domestic entertainment.Maraming tao an
Matapos ang ilang minuto, humingi ng paumanhin si Duke kay Jenny sa ilalim ng pagbabantay ni Mikey.“I’m sorry, Professor Alonzo, hindi ko agad naintindihan ang sitwasyon at nagbitiw ako ng hindi magandang komento sa’yo. Huwag mo sanang masamain.”“Okay lang, hindi mo rin naman alam.” Sinabi ni Jenny na ayos lang ‘yon at tinapik ang balikat ni Duke. “Narinig ko lang sa tatay mo ang tungkol doon noon, pero ito ang unang beses na nakita ko.” Mukhang sobrang bait ni Professor Alonzo, mas maganda ito kesa sa nakalagay sa dyaryo. “Okay lang, ang lahat ay dahil lang sa hindi pagkakaunawaan.”“Professor Alonzo, pwede ba akong magpa-picture sa’yo?”Matapos mag-usap ni Duke at Jenny, sumulpot si Mikey sa tabi nilang dalawa at nagtanong kung pwede itong magpa-picture.Masaya namang nag-obliga si Jenny.Si Lexis at Dylan ay naiwang nakatingin sa isa't isa.“Sa unang pagkakataon, sinong mag-aakala na ang ganyan kagandang babae ay isang professor na nakagawa ng malaking kontribusyon sa lipunan.”
“Oh, Mr. Andrei, ikaw at si Miss Alonzo ay mukhang perpektong magkapareha.”“Oh, matandang Wilson, nahihiya akong sabihin na napupuri pa rin ako ng ganyan sa edad ko.” Mapagkumbabang ikinaway ni Andrei kamay. “Edi, hindi na kita pupurihin. Si Miss Alonzo talaga ang tinutukoy ko. Kapag tumayo si Miss Alonzo dito, kailangan kong sisihin ang Diyos sa pagiging hindi patas. Paanong hindi man lang nag-iwan ng marka ang panahon kay Miss Alonzo?”Ang lalaking nagsalita ay kilala sa pagiging madulas ang dila. Ang iba ay gusto ito at ang iba naman ay hindi. Halata naman na isa si Andrei sa may gusto dito.“Oh, Wilson. Napakagaling mo talagang magsalita.” “Okay, dahil si Mr. Andrei ay may oras ng araw na iyon. Imbitahan mo naman akong maupo sa bagong bahay ninyo ni Miss Alonzo. Maghahanda talaga ako ng malaking regalo.”“Bakit hindi sinabi ni Tito Wilson na maghahanda muna siya ng malaking regalo para sa'kin? Hindi ba't sinabi ni Tito Wilson na bibigyan niya ako ng malaking regalo sa seremonya
Nasa baba na si Mrs. Alonzo, paalis na sana nang marinig ang anak niyang magsalita na ikinasiya niya.“Oh, nagbago ang isip mo?” Si Jenny ay singkwenta anyos na, ngunit napapanatili pa rin nito ng maayos ang sarili at mukhang nasa trenta pa lang ito. Dadalo siya sa isang okasyon ngayon at espesyal niyang isinuot ang ipinasadya niyang pulang mahabang dress. Ang itim na kulot niyang buhok ay nakatali pataas at ang buong pagkatao niya ay pinagmumukha siyang elegante at kaakit-akit.Matapos ang lahat, maraming taon na siyang sikat sa industriya ng entertainment at isa rin siya sa mga hindi mamatay-matay sa industriya. Natural na ang paglabas niya ay walang katumbas.At ang mga taong maingat ay malalaman na si Jenny at Jake ay may limang puntos na pagkakapareho ng ilang bahagi ng mukha. “Anak, e'di suotin mo ang suit na hinanda ko para sa'yo. Maganda iyon at bagay na bagay sa’yo.” Sobrang saya ang nararamdaman ni Jenny. “Mabuti at nagbago ang isip mo na dumalo kasama ang nanay mo. Hindi mo
Nang magising si Elisia, ang unang ginawa niya ay ang pumunta sa banyo habang ang mga mata ay bahagya lang ang pagkakabukas.Sobrang pagod siya nitong nakaraang dalawang araw. Hindi madaling makapagpahinga. Sa wakas ay nakatulog din siya ng maayos.Matapos makalabas sa banyo, mas nagising na ang diwa ni Elisia. Nang i-angat niya ang paningin, nakita niya si Nathan na nakaupo sa tabi ng lamesa sa kusina, umiinom ito ng kape, nakasuot ng pormal na damit at bakas ang kakuntentuhan sa mukha nito.Habang nakatingin sa mayamang itsura nito, ibinalik ni Elisia ang atensyon rito at tamad na nagsalita.“Bakit hindi mo ako ginising ng bumangon ka?”Ibinaba ni Nathan ang kape at sinabi, “Sobrang pagod ka nitong nakaraang dalawang araw, at akala ko ay magpapahinga ka muna sandali.”Iginalaw ni Elisia ang ulo. “Hindi, ayos lang. ‘di ba anibersaryo ng Lucero's Group ngayon? Kailan ka mag-aayos?”“May tatawagan akong tao kapag gising ka na.”“Okay lang, gising na ako.”“Sige, sa kwarto ka muna at mag
Nang mapagtanto niya kung ano talaga ang nangyayari, kasalukuyan ng nakahiga si Elisia sa iisang kama kasama si Nathan. Nakatalikod siya kay Nathan, nakatagilid ang katawan niya at ang mga kamay ay nasa kanang pisngi.Ang kama nito ay sobrang lambot at humahalimuyak ang mabangong amoy nito. Walang duda na ito ang pinakamagandang kondisyon para makatulog, ngunit hindi na dinalaw ng antok si Elisia ng sandaling iyon.Dahil sa likod niya ay mayroong mabigat na presensya.Dati, pakiramdam niya ang kama ni Nathan ay sobrang laki, pero bakit pakiramdam niya ang kama nito ay lumiit ng sobra nang pumunta siya ngayon.Kahit na nakatulog na siya sa higaan nito, no'ng oras naman na iyon ay lasing na lasing siya at nawalan ng malay. Ngayon, gising siya at alam kung ano ang eksaktong ginagawa niya. Hindi makatulog si Elisia at pakiramdam niya ay gano'n din si Nathan, pero hindi na siya naglakas-loob na magtanong.Matapos ang hindi malamang oras, narinig niya ng magsalita si Nathan sa likod niya.