Matapos ibaba ang tawag, hindi inaasahan ni Kassandra na pagsasalitaan siya ng masasakit ni Duke. Galit na itinapon niya ang cellphone sa kama. Dalawang beses siyang sumigaw dala ng galit na nararamdaman at tinignan ang sarili sa harap ng salamin. Kahit na mukhang mahinhin at matangkad, ang bawat bahagi ng mukha niya ngayon ay puno ng galit. Sa nakalipas na limang taon, ang ganitong ekspresyon ay madalas makita sa mukha niya. Matapos kalmahin ang sariling galit, agad kinuha ni Kassandra ang cellphone sa kama. Pagkatapos ay tinawagan si Zach. “Gusto kitang makita.” Simula ng bumalik siya sa Pilipinas ay wala ni isa man lang ang sumalubong sa kanya. “Di ba sabi mo susunduin mo ako? Ngayon, nasa bahay na ako. Nasaan ka?”Hindi siya bumalik sa sarili niyang bahay, kun'di sa villa na pagmamay-ari ni Zach—sa lugar na kinalakihan nito. Ang password ng villa na ito ay pareho lang sa password ng villa na tinirhan nila noon sa United States. “Nasa labas ako ngayon at medyo busy.” Katatapos l
Matapos iyong sabihin ni Elisia, si Jace na madalas na malambing at kalmado ay hindi napigilang magmura. Sa ilang taong lumipas hindi kailanman nakipagrelasyon si Elisia. Noong nagdalaga siya, maraming lalaki ang nanligaw sa kanya. Nang makita ang katapatan ni Kyle at ang matagal na nitong panliligaw sa kanya, bukod sa bata pa lang ay kilala na nila ang isa't isa. Pinalambot ni Elisia ang puso para dito at nakipagrelasyon dito.Ngunit hindi niya inaasahan na si Kyle ay isang basura.“Hindi mo kailangang magalit.” Pinayapa ni Elisia ang emosyon ni Jace. “Kung hindi dahil kay Kyle ay hindi ko makikilala ang boyfriend ko ngayon.” Ginawa ni Elisia’ng magical ang pagkakakilala at pagmamahal niya kay Nathan. “Patuloy lang ako noon sa pag-u-update ng comics online at pagkatapos kong ilabas ang unang update ng comics ay nagparamdam na siya sa’kin. Nang makipaghiwalay ako at sumapit ang taglamig, nag-private message siya sa'kin pagkatapos ay nagsimula na kaming mag-chat. Napagkasunduan namin
Matapos ibaba ang tawag, mas naging balisa ang galaw ni Elisia. Naalala niya na may nurse station pala sa hindi kalayuan, iniisip niya kung possible niyang iwanan ang bata sa nurse station.Mabuti na lang, bago pa makapagdesisyon si Elisia ay narinig niya ang boses ng batang katabi na tinatawag ang tatay nito.“Papa,” tawag ng bata. Nang lumingon siya ay nakita niya ang lalaking siya ring lumitaw sa harap nila noong gabi. Mabuti na lang talaga at dumating ito.“Sir, masaya ako na nahanap siya, pero mauuna na po akong umalis.” Plano ni Elisia na putulin na muna ang mga batian, ngayon ay mahigpit ang oras. Isa pa ay late na siya. “Ah, Miss hindi ko alam kung paano kitang mapapasalamatan,” nahihiyang saad ni Zach. Sa kadahilanang dalawang magkasunod na beses na siyang nagpapatulong sa iba. “Kung hindi mo mamasamain, pwede kitang ihatid. Mukhang mahirap makahanap ng taxi sa labas ng hospital.” Sang-ayon si Elisia sa punto nito. At kung sasakay naman siya ng bus ay mabagal din. “Salam
Natigilan si Sandra sa naging kilos ni Jewel. Ang ngiti sa labi niya ay agad na naglaho. “Ang maliit na kaibigan ay pagod na,” casual na saad ni Zach habang nakatingin kay Sandra. Paraan din nito iyon para maiwasan ito. Pagkatapos ay tumalikod si Zach at dumiretso sa kwarto.“Tita Sol,” saad niya ng lumitaw sa harap nilang tatlo ang babaeng nasa fifties na ang edad. “Pakidala naman si Jewel para makaligo pagkatapos ay patulugin mo na din.” Tumango si Tita Sol ngunit muling lumingon si Jewel sa ama nito. Tila may nais pang sabihin. Ngunit sa huli ay kinuskos lang nito ang mga mata at nahiga sa balikat ni Tita Sol. Nang mas lumalim ang gabi, lumabas si Zach mula sa shower at namataan si Kassandra na nagpalit ng pajama. Nakahiga na ito sa kama. Ang babae ay nakasuot ng puting silk na pajama, ang kulot nitong buhok ay nakabagsak sa mga balikat nito, pantay ang pagkakaputi nito at maganda. Ang kabuuang itsura nito habang nakahiga sa kama ay pinagmumukha itong sining.Ngunit hindi na i
Nang hingal na tumakbo si Elisia papasok sa dance studio ay kalahating oras na siyang late. Kasalukuyang may international conference call si Nathan at nagbibigay ng mga dapat gawin sa wikang English nang makita niya ang pagdating ni Elisia sa harap ng dance studio. “N-nandito na ako.” Halata ang pagod sa itsura nito. “Take your time, magpahinga ka muna, dahan-dahan lang.” Ang tao sa kabilang linya ay naguluhan ng marinig ang sinabi ni Nathan. Hindi ba't nagsasalita si Mr. Lucero sa wikang English? Ano ang biglang sinabi nito? Tagalog ba iyon? Anong ibig sabihin nito?Sa takot na baka may makaligtaan na mahalagang instructions mula dito, akmang maghahanap na sana siya ng interpreter ngunit muli niyang narinig si Mr. Lucero nang magsalita itong muli ng wikang English. “Sorry, I was talking to my wife just now. Let's stop here for today's meeting. I look forward to your feedback. Goodbye.”Nang mamatay ang tawag ay nananatiling naguguluhan ang tao sa kabilang linya. Ano ang ibig sabi
Tinignan ni Nathan ang sarili sa harap ng salamin. Matanda na siya ngunit hindi pa gaanong matanda. Ngunit mukhang wala na siya masyadong kabuhay-buhay.Sa gitna ng pag-iisip ay nakarinig si Nathan ng boses mula sa likuran niya.Nang lingunin ito, namataan niya si Elisia na ang buhok ay nakabalot sa tuwalya. Nakasuot ito ng maikling manggas na damit at mapusyaw na kulay ng pantalon. Wala itong suot na makeup sa mukha. At ang ngiti sa mukha nito ay tila ulap sa tabi ng dagat sa tag-init, sariwa at maliwanag. Ang tibok ng puso ni Nathan ay tila bahagyang bumagal. Napakaganda talaga nito. Mabilis na hinawi ni Nathan ang iniisip at tinignan ang tuwalyang nasa buhok ni Elisia.“Hindi mo patutuyuin ang buhok mo?” tanong ni Nathan dito. “Masyadong mahaba ang buhok ko, matagal bago ito matuyo. Pagbalik ko na lang patutuyuin.” Ilang beses na niyang pinaghintay si Nathan ngayong araw at nahihiya siyang paghintayin pa ito ng matagal.“Patuyuin mo na bago tayo bumalik.” Kauumpisa pa lang ng ta
Masigla ang pakiramdam ni Nathan ng pumasok siya sa trabaho kinabukasan.Sa gitna ng pagpupulong ay pinuri niya ang manager na dalawang beses nang nag-report na ikinagulat ng lahat ng naroon. Halos lahat ng nasa maagang pagpupulong na iyon ay mayroong WeChat ni Nathan. Ang circle of friends na pinost niya ay nagdulot ng malaking diskusyon sa pagitan ng lahat ng naroon. Sa nagdaang taon, maraming tao na ang nais na makakuha ng pabor kay Nathan. Ngunit gaano man kaganda ang babae nananatiling walang reaksyon si Nathan.Matapos ang meeting, palagi lang siyang nakatuon sa trabaho at wala kahit isang iskandalong kinasangkutan. Maraming tao na rin ang pinagdudahan ang kasarian niya. Ngunit ng lumabas ang circle of friends niya ay lahat ng tsismis ay nasagot. “Ang pangunahing bida ba sa proyektong Tomorrow Again ay hindi pa napagdedesisyunan?” Ang proyektong iyon ay isa sa mga dapat sundang proyekto ng Lucero's group sa unang bahagi ng taon. Nabasa na rin ni Nathan ang script at maganda an
Yumuko si Danica, hindi niya inaasahan na makita ang isang taong ayaw niyang makita.Clara Rodriguez Nakasuot ito ng asul na sportswear, ang itim nitong buhok ay nakapusod pataas. Ang kolorete sa mukha nito ay hindi makapal, ngunit ang bawat bahagi ng mukha nito ay malinaw na maingat ang pagkakagawa. Nang mabanggit si Clara, walang masabi si Danica. Noong nag-se-self media siya. Hindi pa gaanong maayos ang internet kumpara ngayon. Noong mga oras na iyon ay nagbabahagi siya ng mga payong pampaganda sa isang website. Katulad na lang ng pagbabahagi ng iba't ibang makeup, pag-iipit ng buhok at iba pa. Pagkatapos maglabas ng apat hanggang limang video ni Danica at magkaroon ng tagasuporta ay tsaka naman lumabas si Clara.Ngunit ang unang video nito matapos nitong lumabas ay kapareho ng unang video niya, maging sa tono ng pananalita at kabuuang itsura ng makeup. Noong mga panahon na iyon ay tinatawag na walang alam na iskolar si Clara.Ngunit masasabi niyang karapat-dapat ito bilang isan
Plano ni Nathan na pumunta at tawagin si Elisia, ngunit hindi niya inaasahan na makita itong may kausap na lalaki sa gilid.Masyado siyang malayo para marinig kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa, pero kung titignan ang paligid ng mga ito, nakaramdam siya ng pagkakaisa at pagkakaibigan.Sa sandaling iyon, nakatayo sa sahig habang nakapaa si Elisia. Sa tabi nito ay ang sampung sentimetrong takong. Naaalala ni Nathan ang lalaking iyon. Siya iyong tumatawa habang nakikipaglaro kay Elisia sa harap ng TV station no'ng nakaraan.Ngunit hindi niya inaasahan na ang lalaking iyon ay dadalo rin sa pagdiriwang ng ika-isang daang taon ngayon.Unti-unti ay may hindi mapangalanang galit ang umuusbong sa isipan ni Nathan.Palaging kinakabahan at hindi kumportable si Elisia sa harap niya. May mga ilang pagkakataon lang na kumportable ito katulad ng ginagawa nito sa harap ng lalaking iyon.Nakikipagtalo si Elisia kay Jake. Matapos ang matagal na pagtatanong, hindi niya pa rin nalalaman kung paano ito
“Tara na.” Wala ng oras pa si Elisia para pag-isipan ang tungkol doon. Pagkatapos magsalita ni Nathan ay sinulyapan nito si Elisia. Tumango si Elisia at pagkatapos ay bumaba sila ng kotse ng magkasama. Unang bumaba ng kotse si Nathan, at naglakad sa kabilang bahagi para pagbuksan ng pinto si Elisia. Nang lumabas si Nathan, ang nagkikislapang mga ilaw sa lugar ay hindi na natigil. Pagkatapos ay unang bumaba sa lupa ang sandals ni Elisia, at ipinatong nito ang kamay sa palad ni Nathan. Nagpakita siya sa harap ng lahat sa pamamagitan ng suporta na nagmumula kay Nathan. Walang pagdududa na napakaganda ni Elisia.Ang tsismis patungkol sa namumuno sa Lucero's Group ay palaging paksa ng lahat ng balita sa media, ngunit sa maraming taong nagdaan, wala pang balita ang nagagawa. Ang tanging bagay na alam lang nila ay si Nathan Lucero ay mukhang may relasyon sa reyna ng mga pelikula noon na si Sandra Song. Ang relasyong iyon ay hindi kinumpirma ng dalawa, ngunit ang mga media reporters a
Pero hindi lang ‘yon lahat.Matapos no'n, nakapasok si Sandra sa directing department ng Film Academy ng may mataas na puntos. Ang unang serye niya sa telebisyon kung saan siya unang lumabas sa edad na labing walo ay diretsong naging kampeon ng taong iyon sa ranggo.Nang ang kasikatan nito ay tumaas, hindi na gumawa pa ng palabas si Sandra sa loob ng tatlong taon. Pagkatapos, sa taong nagtapos ito sa kolehiyo, gumawa ito ng napakagandang pelikula na nagwagi ng box champion of the year at nakasama sa tatlong nangungunang aktres sa box office performance of the film and television. Nang oras na iyon, dalawampu't tatlong taon pa lang si Sandra.Nang sumunod na limang taon, gumanap pa si Sandra sa dalawa pang palabas. Parehong naging high box office. Matapos non, ito ang unang nakaabot sa kita na kalahating porsyento.Sa mga nagdaang taon sa Pilipinas, si Sandra ay tinatawag na mahusay. Sa mga taong iyon, kakaiba ang buhay ni Sandra sa industriya ng domestic entertainment.Maraming tao an
Matapos ang ilang minuto, humingi ng paumanhin si Duke kay Jenny sa ilalim ng pagbabantay ni Mikey.“I’m sorry, Professor Alonzo, hindi ko agad naintindihan ang sitwasyon at nagbitiw ako ng hindi magandang komento sa’yo. Huwag mo sanang masamain.”“Okay lang, hindi mo rin naman alam.” Sinabi ni Jenny na ayos lang ‘yon at tinapik ang balikat ni Duke. “Narinig ko lang sa tatay mo ang tungkol doon noon, pero ito ang unang beses na nakita ko.” Mukhang sobrang bait ni Professor Alonzo, mas maganda ito kesa sa nakalagay sa dyaryo. “Okay lang, ang lahat ay dahil lang sa hindi pagkakaunawaan.”“Professor Alonzo, pwede ba akong magpa-picture sa’yo?”Matapos mag-usap ni Duke at Jenny, sumulpot si Mikey sa tabi nilang dalawa at nagtanong kung pwede itong magpa-picture.Masaya namang nag-obliga si Jenny.Si Lexis at Dylan ay naiwang nakatingin sa isa't isa.“Sa unang pagkakataon, sinong mag-aakala na ang ganyan kagandang babae ay isang professor na nakagawa ng malaking kontribusyon sa lipunan.”
“Oh, Mr. Andrei, ikaw at si Miss Alonzo ay mukhang perpektong magkapareha.”“Oh, matandang Wilson, nahihiya akong sabihin na napupuri pa rin ako ng ganyan sa edad ko.” Mapagkumbabang ikinaway ni Andrei kamay. “Edi, hindi na kita pupurihin. Si Miss Alonzo talaga ang tinutukoy ko. Kapag tumayo si Miss Alonzo dito, kailangan kong sisihin ang Diyos sa pagiging hindi patas. Paanong hindi man lang nag-iwan ng marka ang panahon kay Miss Alonzo?”Ang lalaking nagsalita ay kilala sa pagiging madulas ang dila. Ang iba ay gusto ito at ang iba naman ay hindi. Halata naman na isa si Andrei sa may gusto dito.“Oh, Wilson. Napakagaling mo talagang magsalita.” “Okay, dahil si Mr. Andrei ay may oras ng araw na iyon. Imbitahan mo naman akong maupo sa bagong bahay ninyo ni Miss Alonzo. Maghahanda talaga ako ng malaking regalo.”“Bakit hindi sinabi ni Tito Wilson na maghahanda muna siya ng malaking regalo para sa'kin? Hindi ba't sinabi ni Tito Wilson na bibigyan niya ako ng malaking regalo sa seremonya
Nasa baba na si Mrs. Alonzo, paalis na sana nang marinig ang anak niyang magsalita na ikinasiya niya.“Oh, nagbago ang isip mo?” Si Jenny ay singkwenta anyos na, ngunit napapanatili pa rin nito ng maayos ang sarili at mukhang nasa trenta pa lang ito. Dadalo siya sa isang okasyon ngayon at espesyal niyang isinuot ang ipinasadya niyang pulang mahabang dress. Ang itim na kulot niyang buhok ay nakatali pataas at ang buong pagkatao niya ay pinagmumukha siyang elegante at kaakit-akit.Matapos ang lahat, maraming taon na siyang sikat sa industriya ng entertainment at isa rin siya sa mga hindi mamatay-matay sa industriya. Natural na ang paglabas niya ay walang katumbas.At ang mga taong maingat ay malalaman na si Jenny at Jake ay may limang puntos na pagkakapareho ng ilang bahagi ng mukha. “Anak, e'di suotin mo ang suit na hinanda ko para sa'yo. Maganda iyon at bagay na bagay sa’yo.” Sobrang saya ang nararamdaman ni Jenny. “Mabuti at nagbago ang isip mo na dumalo kasama ang nanay mo. Hindi mo
Nang magising si Elisia, ang unang ginawa niya ay ang pumunta sa banyo habang ang mga mata ay bahagya lang ang pagkakabukas.Sobrang pagod siya nitong nakaraang dalawang araw. Hindi madaling makapagpahinga. Sa wakas ay nakatulog din siya ng maayos.Matapos makalabas sa banyo, mas nagising na ang diwa ni Elisia. Nang i-angat niya ang paningin, nakita niya si Nathan na nakaupo sa tabi ng lamesa sa kusina, umiinom ito ng kape, nakasuot ng pormal na damit at bakas ang kakuntentuhan sa mukha nito.Habang nakatingin sa mayamang itsura nito, ibinalik ni Elisia ang atensyon rito at tamad na nagsalita.“Bakit hindi mo ako ginising ng bumangon ka?”Ibinaba ni Nathan ang kape at sinabi, “Sobrang pagod ka nitong nakaraang dalawang araw, at akala ko ay magpapahinga ka muna sandali.”Iginalaw ni Elisia ang ulo. “Hindi, ayos lang. ‘di ba anibersaryo ng Lucero's Group ngayon? Kailan ka mag-aayos?”“May tatawagan akong tao kapag gising ka na.”“Okay lang, gising na ako.”“Sige, sa kwarto ka muna at mag
Nang mapagtanto niya kung ano talaga ang nangyayari, kasalukuyan ng nakahiga si Elisia sa iisang kama kasama si Nathan. Nakatalikod siya kay Nathan, nakatagilid ang katawan niya at ang mga kamay ay nasa kanang pisngi.Ang kama nito ay sobrang lambot at humahalimuyak ang mabangong amoy nito. Walang duda na ito ang pinakamagandang kondisyon para makatulog, ngunit hindi na dinalaw ng antok si Elisia ng sandaling iyon.Dahil sa likod niya ay mayroong mabigat na presensya.Dati, pakiramdam niya ang kama ni Nathan ay sobrang laki, pero bakit pakiramdam niya ang kama nito ay lumiit ng sobra nang pumunta siya ngayon.Kahit na nakatulog na siya sa higaan nito, no'ng oras naman na iyon ay lasing na lasing siya at nawalan ng malay. Ngayon, gising siya at alam kung ano ang eksaktong ginagawa niya. Hindi makatulog si Elisia at pakiramdam niya ay gano'n din si Nathan, pero hindi na siya naglakas-loob na magtanong.Matapos ang hindi malamang oras, narinig niya ng magsalita si Nathan sa likod niya.
Ang sinabi ni Elisia ay sinalubong ng walang katapusang katahimikan at pareho silang biglang natahimik. Si Elisia ang unang kumilos, “Hindi pa ako nakakakain, magluluto muna ako ng pagkain.”Kapag ang tao talaga ay nahihiya ay nagpapanggap silang abala.“Hindi pa ako nakakaligo, maliligo muna ako.” Sa kabilang banda, gano'n din ang ginawa ni Nathan.Matapos ang ilang minuto, unti-unting hinila ni Elisia ang sarili mula sa kaninang naging emosyon niya. Sa totoo lang, magandang bagay para sa kanya ang tawagin itong asawa kanina. Matapos naman ang lahat, susundan niya pa rin si Nathan para makipagkita sa iba. Sa mahabang taon ng magiging karera niya sa pag-arte, kung hindi nila kayang tawagin ang isa't isa sa pinakamadaling pangalan, paniguradong mabubunyag silang dalawa. Hindi niya alam kung kumain na ba si Nathan kaya napagdesisyunan niyang magluto pa ng kaunti. Mabuti ng marami kesa naman kulang.Nang dalhin ni Elisia ang pagkain, katatapos lang ni Nathan maligo. Mainit pa rin sa ba