Pag-Ibig na Napadaan

Pag-Ibig na Napadaan

Oleh:  Wolf CloudTamat
Bahasa: Filipino
goodnovel4goodnovel
Belum ada penilaian
21Bab
8Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

“Sigurado ka na gusto mo palitan ang pangalan mo, Ms. Anderson? Kakailanganin mo palitan ang degree certificate mo, documentation, at passport sa oras na gawin mo ito.” Tumango si Noelle Anderson. “Sigurado ako.” Sinubukan siyang kumbinsihin ng empleyado. “Hassle para sa mga matatanda na palitan ang pangalan nila, at maganda naman ang kasalukuyan mo na pangalan. Sigurado ka ba na ayaw mo itong pag-isipan?” “Hindi, napag-isipan ko na ito.” Pinirmahan niya ang form. “Pasensiya na sa abala.” “Sige, kung ganoon. Ang pangalan na ipapalit mo… ay Aria Byrd, tama?” “Oo.” Aria Byrd–ibig sabihin paglipad sa kalayaan.

Lihat lebih banyak

Bab terbaru

Pratinjau Gratis

Kabanata 1

“Sigurado ka na gusto mo palitan ang pangalan mo, Ms. Anderson? Kakailanganin mo palitan ang degree certificate mo, documentation, at passport,” sambit ng isang miyembro ng staff.Tumango si Noelle Anderson. “Sigurado ako.”Sinubukan siyang kumbinsihin ng empleyado. “Hassle para sa mga matatanda na palitan ang pangalan nila, at maganda naman ang kasalukuyan mo na pangalan. Sigurado ka ba na ayaw mo na itong pag-isipan ulit?”“Sigurado ako.” Pinirmahan niya ang papeles. “Salamat, at pasensiya na sa abala.”“Walang problema. Ang gusto mo na bagong pangalan ay… Aria Byrd, tama?”“Oo.” Ang nirerepresenta dapat nito ay paglipad sa kalayaanm bagay na gusto niyang gawin para sa sarili niya. Gusto niyang lisanin ang lugar na ito ng hindi nag-iiwan ng bakas.Nagtanong si Noelle, “Puwede ko na rin ba palitan ang passport ko ngayon?”“Oo, puwede naman. Ito ay slip na ipinapakitang nagbago ang pangalan mo. Kailangan mo lang bumaba at papalitan ang passport mo.”Pinabago agad ni Noelle ang ...

Buku bagus disaat bersamaan

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
21 Bab
Kabanata 1
“Sigurado ka na gusto mo palitan ang pangalan mo, Ms. Anderson? Kakailanganin mo palitan ang degree certificate mo, documentation, at passport,” sambit ng isang miyembro ng staff.Tumango si Noelle Anderson. “Sigurado ako.”Sinubukan siyang kumbinsihin ng empleyado. “Hassle para sa mga matatanda na palitan ang pangalan nila, at maganda naman ang kasalukuyan mo na pangalan. Sigurado ka ba na ayaw mo na itong pag-isipan ulit?”“Sigurado ako.” Pinirmahan niya ang papeles. “Salamat, at pasensiya na sa abala.”“Walang problema. Ang gusto mo na bagong pangalan ay… Aria Byrd, tama?”“Oo.” Ang nirerepresenta dapat nito ay paglipad sa kalayaanm bagay na gusto niyang gawin para sa sarili niya. Gusto niyang lisanin ang lugar na ito ng hindi nag-iiwan ng bakas.Nagtanong si Noelle, “Puwede ko na rin ba palitan ang passport ko ngayon?”“Oo, puwede naman. Ito ay slip na ipinapakitang nagbago ang pangalan mo. Kailangan mo lang bumaba at papalitan ang passport mo.”Pinabago agad ni Noelle ang
Baca selengkapnya
Kabanata 2
“Hinubad ko,” sagot ni Noelle.“Pero ako mismo ang gumawa ng singsing na iyon. Nirerepresenta dapat nito ang ating pag-ibig. Bakit mo ito huhubarin?” tanong ni Shawn.Walang pakielam na sumagot si Noelle, “Nadagdagan ang timbang ko, kaya hindi na ito kasya.”Dito lang lumambot ang ekspresyon ni Shawn. Ngumiti siya, “Kung ganoon, dadalhin ko ito bukas sa jeweler para iresize.”“Tignan natin.”“Oo nga pala. Anong nasa lamesa?” tanong niya, nakaturo sa jewelry box, mukhang nagulat. “Regalo ba ito para sa akin?”Tumango si Noelle. “Oo.”Sa loob ng kahon ay maliit na piraso ng silver—ito ang wedding ring na pinatunaw niya.Napangiti si Shawn. “Anong okasyon? Bakit mo ako ikinuha bigla ng regalo?”Nanigas ang puso ni Noelle. “Wedding… anniversary natin.”Agad na nanlumo ang ekspresyon ni Shawn. Pagkatapos, malungkot niyang sinabi, “Pasensiya na, Elle. Sobrang busy ko sa trabaho at nakalimutan ko na. Ano kaya kung lumabas tayo para sa dinner? Magpapareserve na ako ngayon…”“Hindi,
Baca selengkapnya
Kabanata 3
Nataranta si Shawn, at tumakbo sa side ng sasakyan ni Noelle. “Anong problema, Elle?” natataranta niyang tanong.Patuloy siyang sumusuka, ang tagal bago nawala ang pagkahilo niya.Hindi niya maintindihan. Bakit nangaliwa si Shawn kung mahal na mahal siya nito? Hindi ba siya natatakot na malalaman ko? O baka sa tingin niya kaya niya ilihim ang sikreto niya ng habambuhay dahil ang galing niya sa pagtatago nito?Kinalaunan, nakatulong ang malamig na simoy ng hangin para luminaw ang isip ni Noelle.“Okay ka lang ba, Elle?” tanong ni Shawn. “Dadalhin kita sa ospital kung masama ang pakiramdam mo.”“Hindi, okay lang. Baka may nakain lang ako sa dinner.”“Pumunta ka sa opisina bukas kung ganoon. Magdidinner tayo ng magkasama.”Ngumisi si Noelle sa loob-loob niya. Gusto pa niya na pumunta si Noelle sa opisina para mapanood sila ni Jessica sa akto?Bigla, gusto niya maging masama. “Sige. Pupunta ako sa trabaho bukas at mananatili sa tabi mo habang nagtatrabaho ka. Pagkatapos, puwede tay
Baca selengkapnya
Kabanata 4
Si Noelle at Shawn ay tumungo sa kumpanya pagkatapos kumain. Ngunit, ipinilit niyang maupo sa likod dahil nandidiri siya kapag naiisip niyang umupo sa harap.“May motion sickness ako,” paliwanag niya. “Mas kumportable sa backseat dahil puwede ko ibaba ang bintana at enjoyin ang hangin.Hindi siya pinilit ni Shawn na lumipat sa harap. “Sige. Magiging banayad ang maneho ko hanggat maaari.”Noong dumating sila sa kumpanya, nagjogging siya sa tabi ng sasakyan niya para pagbuksan si Noelle ng pinto. Rush hour kaya sabay-sabay halos ang dating ng mga empleyado. Pinanood nila ng bumaba siya ng sasakyan.Ilang mga senior executives ang nagsalita ng malungkot, “Nandito ka na, Mrs. Pitt/ Binabanggit lagi ni Mr. Pitt ang milk tea na gusto mo araw-araw. Ikukuha kita ngayon.”Sinabi pa ng isa, “Ikukuha kita ng snacks. Alam ko na mahilig ka sa tinapay.”Natawa si Shawn at sinabi, “Huwag ninyo siyang pakainin. Nadagdagan na nga ang timbang niya at hindi na masuot ang wedding ring niya.”“Dyan
Baca selengkapnya
Kabanata 5
Sinabi ni Noelle, “Nawalan ng passport ang kaibigan ko at nagtatanong siya kung paano makakakuha ng bago.”Nagmadali si Shawn palapit at hinawakan siya ng mahigpit. “Natakot ako bigla. Akala ko lilisanin mo ang bansa ng wala ako.”Umiwas si Noelle mula sa kanya at sumuka na naman. Naaamoy niya ang pagiging sweet niya ng husto, pati ang pabango ng babae.Minsahe ni Shawn and likod ni Noelle habang nasasaktan ang ekspresyon. “Anong ipinakain nila sa iyo? Sinabi ko na sa kanila na ingat sila sa mga pagkain dahil sa sikmura mo… Tatanggalin ko na sila ngayon din!”Itinulak siya palayo ni Noelle ng buong lakas. “Puwede mo tanggalin ang kahit na sinong gusto mo tanggalin, pero huwag mo akong gamitin na palusot para sa mga ginagawa mo!”Naguluhan siya sa biglaang niyang galit. “Galit ka ba sa akin, Elle? Dahil ba masyado akong abala para makasama ka? Hindi muna ako papasok bukas para makasama kita. Okay ba iyon sa iyo?”Gusto niya halos matawa sa kalokohan ng sitwasyon. “Ako lang ang sas
Baca selengkapnya
Kabanata 6
Patuloy si Jessica sa pagtetext kay Noelle. “Oh, oo nga pala. Tignan mo ito. Litrato ito ng ultrasound scan ko—buntis ako.”Nagpadala siya ng litrato kay Noelle. Nag-zoom in si Noelle at nakita ang mga salita sa scan. “8-week embryo. Threatened miscarriage.”Jessica: “Ginawa namin ito sa rooftop ng maraming beses kahapon at sinubukan ang iba’t ibang posisyon. Baka dahil masyado siyang marahas sa akin, may senyales ngayon na baka makunan ako.Jessica: “Kasalanan niya ito. Sinabi niya na hindi ka masaya ikama dahil para kang patay na bangkay sa kama. Gusto niya may gawin na exciting kasama ako.Jessica: “Sinabi ng doktor na kailangan ng ama ng baby na pumirma sa form, kahit na gusto pa niya panatilihin ang baby. Wala akong magagawa kung hindi hilingin sa kanya na samahan ako. Mas mahalaga nga naman ang baby na ito kaysa sa mga gastric issues mo, hindi ba?”…Sumakay si Noelle ng taxi mula sa ospital at tumungo sa law firm. “Hi, gusto ko magpagawa ng divorce agreement.”Dahil wala
Baca selengkapnya
Kabanata 7
Tatlong araw na lang ang natitira bago ang flight ni Noelle.Nagpadala si Jessica ng litrato sa kanya na nag-iihaw si Shawn sa tabing dagat. “Dinala niya ako sa Moldova para sa holiday reward sa pagiging buntis sa anak niya! Sinabi niya sa akin na mahiga ako at hayaan siya na magluto dahil buntis ako.”Hindi sumagot si Noelle. Inimbitahan lang niya ang mga malalapit niyang mga kaibigan para magkaroon ng huling pagtitipon. Marahil hindi na nga naman nila makita ang isa’t isa. Nagsaya siya sa kanilang pagittipon.…Dalawang araw na lang bago ang flight niya.Nagpadala si Jessica ng isa pang litrato ni Shawn na nagbabagsa siya ng libro “What to Expect When You’re Expecting”.Jessica: “Mukhang ang bagong daddy namin ay nag-aalala sa bata. Halos kasing laki pa lang ng bean ang baby, pero araw-araw na siyang kinakausap ng ama niya.”Hindi pa din sumagot si Noelle. Pumunta siya sa bangko para ipaconvert ang pera niya sa Nelorian dollars. Pagkatapos, kinansela niya ang lahat ng bank car
Baca selengkapnya
Kabanata 8
Walang napansin na kakaiba si Shawn kahit na noong ibinaba niya ang tawag. Pero naiinis si Jessica. “Sandali ka lang naging akin—tapos matatapos na agad. Kailangan na naman natin magtago pagkatapos ng ngayon.”Tumingin si Shawn kay Jessica na tila nagbibigay ng babala. “Huwag mo hayaan na may mapansin si Noelle na mali. Alam mo kung anong mangyayari.”Maluha-luha siyang tinignan ni Jessica. “Sige na, sige na. Ilang libong beses mo na akong binalaan.”Noong makita niya na iiyak na siya, yumuko siya para pagaanin ang loob niya. “Hindi ka dapat umiyak dahil buntis ka na ngayon. Masama ito para sa baby.”“Ang bagsik mo sa akin.”“Ibibili kita ng bag bilang paghingi ng tawad, okay? Alin ang gusto mo?”Tumingala siya. “Bumalik muna tayo sa kumpanya. Gusto ko na angkinin mo ako ulit bago ka umuwi.”Mukhang ayaw pumayag ni Shawn. “Sinabi ko na kay Elle na uuwi ako sa loob ng dalawang oras. Hindi ako aabot.”“Sabihin mo natraffic ka. Normal lang na matindi ang traffic sa airport…”Tini
Baca selengkapnya
Kabanata 9
Natahimik si Jessica, malungkot ang ekspresyon niya. Mangyayari din ang maging asawa niya si Shawn at kunin ang pera niya—walang mangyayari kung mauubos ang pasensiya niya. Sa ngayon, magtitiis siya.Matagal na ng makauwi si Shawn ng umaga pa sa bahay. Tumayo siya sa pamilyar na villa, biglaang siyang nawalan ng interes. Baka dahil ito sa sinasabi ng kasabihan na absence makes the heart grow fonder.“Nakabalik na ako, Elle.” Tawag niya kay Noelle ng lampasan niya ang hardin at pumasok sa living room. Ang mga halaman sa hardin ay natrim ng maayos, at pareho pa din ang mga dekorasyon sa loob. Walang bakas ng alikabok, kaya kitang-kita ang ganda ng mga gamit.Dahil ito sa galing ni Noelle magtrabaho para panatilihing malinis ang bahay. Gusto niya na hawakan siya at pasalamatan para sa kanyang mga effort, pero hindi niya ito makita. Kaya, lumapit siya sa mga naglilinis na dumaan para linisin ang bahay ng ilang oras para magtanong, “Nasaan si Noelle? Lumabas ba siya?”Dapat nandito siya
Baca selengkapnya
Kabanata 10
Habang iniisip ni Shawn ang sitwasyon, mas lalo siyang natataranta. Nag-aalala siya na baka ginawa ito ni Noelle ng biglaan.Natatakot siya na baka mapagtanto niya na maraming mga bagay siyang wala kapag sa hotel siya tumuloy, at nag-aalala siya na baka nagkukulang si Noelle sa mga bagay na kailangan niya habang mag-isa siya.Paano kung hindi sapat ang pera niya habang nagtatravel? Habang iniisip ito, naupo siya sa tabi ng swing at nag login sa bank account niya para magtransfer ng pera.Hindi niya alam kung magkano ang itinransfer niya. Ang alam lang niya ay marami siyang pinindot na zeroes—tunay siyang natatakot na baka mapahamak siya doon.Ang hindi napansin ni Shawn ay hindi kailangan ni Noelle na umasa sa kanya para mabuhay.Isang bank employee ang tumawag sa kanya. “Ang transaction mo kanina ay hindi natuloy, Mr. Pitt.”Si Shawn, na malapit ng magbreakdown, ay nawala ang pagiging kalmado. Nagtanong siya, “Dahil ba sa laki ng halaga at dami ng transactions? Maveverify ko na
Baca selengkapnya
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status