Share

Pacifying my Undercover Billionaire Husband
Pacifying my Undercover Billionaire Husband
Author: Khloe

UNANG KABANATA

“Victorina!” muntik na niyang mabitawan ang hawak na plorera nang marinig niya ang sigaw ni Magdalena, “Didn’t I tell you to be careful while washing this dress of mine?! Are you sabotaging me? Ito ang susuotin ko para sa family dinner namin with the Buenavista family. Nag-iisip ka ba?!” 

“Pasensya na ho. Hindi ko po napansin. Baka po natuluan ng chlorine no’ng nilalabhan ko—” 

“I don’t care! Babayaran mo ‘tong dress or else you will pack your things in the middle of the night and get your freaking ass out of this house! Got it?” wika ni Magdalena.

“Opo.” Hindi man sigurado kung kaya niyang bayaran ang libo-libong halaga ng damit na ito, pumayag siya dahil saan na siya kukuha ng pera para sa kanyang magulang sa probinsya? Hindi niya kayang mangyari ito dahil siya lamang ang bumubuhay sa kanilang pamilya.

Halos tatlong taon nang nagtitiis si Victorina Khae Robles sa ilalim ng bubong ng pamilya ng mga Solano bilang kasambahay. Bawat galaw ng miyembro ng pamilyang ito ay hindi nagawa ng hindi idinadamay ang salitang ‘pera’. Iniisip niya noon kung ang unang salita na lumabas sa bibig ng kanilang anak ay ‘pera’ dahil sa kanilang pagiging gahaman.

Hindi niya maisip kung bakit parang hindi nila kayang maging kuntento sa kung anong meron sila, lalo pa't ang katunayan, ay sobra-sobra na ang kanilang yaman. Ang bawat kwarto ay puno ng mga mamahaling kagamitan na kayang buhayin ang pamilya ni Victorina ng ilang henerasyon kaya't hindi maikakaila ang yaman at luho ng pamilyang ito.

“Try telling mom just like what you did when I went to a bar and had a one-night stand with a stranger. Do it, and you will get fired. Diyan ka naman magaling ‘di ba? Ang magsumbong?” ani Magdalena.

“Wala naman po akong sinasabi kay madam,” nakayuko na wika ni Victorina.

Ang pamilyang Solano ay kilala sa industriya ng Real State Development at sila ang nangunguna pagdating sa dekalidad na commercial centers at residential subdivisions. Mayroon din silang kasalukuyang mga konstruksyon ngunit sila’y hirap para ito’y tapusin agad dahil sa napakadaming dahilan katulad na lamang ng pagtaas ng presyo ng materyales para sa pagpapatayo ng mga gusali.

Kaya’t ang nakikitang solusyon ng pamilya Solano ay ang pagpapakasal ng kanilang anak na si Magdalena Isabel Solano sa anak ng Buenavista family na si Matthias Zake Buenavista, upang mapalakas ang kanilang posisyon sa industriya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga koneksyon at pakikipag-alyansa sa ibang mga negosyante at pamilya ng mayayaman. 

“‘Di porque mapapangasawa mo Ford, ganyan na ang ugali mo? Tandaan mo kung saan ka nanggaling, malayong-malayo sa amin,” ani Magdalena, at inihagis ang kanyang damit sa mukha ni Victorina bago padabog na umalis.

Napabuntong-hininga na lamang siya at bumaba sa salas upang ituloy ang paglilinis sa tahanan ng mga Solano. Hindi niya maiwasang mapaisip muli kung bakit siya pumayag na ikasal sa isang lalaki na ni minsan ay hindi niya nakita? 

Ang hinihiling niyang pag-ibig noong siya’y bata pa lamang ay mala-telenobela. Ngunit, hindi niya inaasahan na ang mala-telenobela pala na nakatadhana sa kanya ay kaakibat ang samut-saring pakulo at sakripisyo.

Hindi naman kasi maipagkakaila na galing sa isang bilyonaryong pamilya ang kanyang mapapangasawa, si Ricardo Ford Buenavista. Hindi lamang nila hawak ang hindi mabilang na mall sa Metro Manila kundi hawak din ng kanilang pamilya ang mga tourist spot resort na talaga namang dinarayo pa ng mga ibang lahi.

Sa gitna ng kanyang pag-iisip, napagtanto ni Victorina ang bigat ng kanyang mga responsibilidad bilang bahagi ng pamilya Solano. Hindi lang basta-basta ang kanyang tungkulin bilang kasambahay. Ipinagkatiwala sa kanya ang malalim na mga sikreto at responsibilidad na hindi lamang naglalaro sa usaping pera.

“Hola, Victorina. Look at this fancy sparkling white dress. Ito ang susuotin mo bukas kapag pumunta ka sa bahay nila Mrs. Mathilda Buenavista. Isn’t it flattering?” wika ni Mrs. Eveline Solano, ang ina ni Magdalena.

Siya ang puno't dulo kung bakit si Victorina ang magiging asawa ni Ford at hindi si Magdalena dahil noong nabalitaan nilang naaksidente ito isang taon na ang nakalipas, naging malala ang kondisyon ng binata at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito dumidilat o gumagalaw ni isang beses man lang.

Hindi papayag si Mrs. Solano na ang kanyang unica hija ay ikakasal sa isang lalaking hindi man lang nito makakasama ng matagal dahil pinaniniwalaan nilang hindi na magtatagal ang buhay ni Ford dahil sa matinding aksidenteng kanyang tinamo. Kaya't si Victorina ang ginawang nilang tagasalo ng kanilang pagiging gahaman.

Bilang kapalit, ginawang triple ang kanyang sahod bilang kanilang kasambahay. Iba pa roon ang mga pagkain na ipinapadala sa kanyang mga magulang sa probinsya. At dahil dito, gagawin nilang tagakalap ng impormasyon si Victorina tungkol sa buhay ng mga Buenavista at hindi lamang bilang asawa ng isang may sakit.

“Ano pong gagawin ko roon?” tanong ni Victorina.

“You need to pack your things now. You will live in their house starting tomorrow.”

"Po? Doon na po ako titira? Bakit po? Pa’no na po kayo?" gulat na sabi ni Victorina dahil ang tangi niyang alam ay family dinner lamang ang mangyayari mamayang gabi para sa nalalapit na kasal nina Magdalena at Matthias. Wala syang kaalam-alam na kinabukasan ay doon na siya titira mismo sa pamilya ng kanyang mapapangasawa.

“Yes, of course, my dear. Kailan ba dapat? Hindi pinapatagal ang mga ganitong okasyon. Bumababa na ang stocks Solano Prime Corporation every single day. That’s why this marriage is necessary for us to survive. Understood?” pahayag ni Mrs. Solano at inilapag ang paper bag na naglalaman ng damit na nakalaan para kay Victorina. Kinuha niya ito at tinignan ang kanyang sarili sa salamin.

“Bata pa ako…Ano na lang ang mangyayari sa ‘kin?” Bakas sa kanyang malamig na boses ang takot at pangangamba sa kung ano ang magiging susunod na kabanata ng kanyang buhay, bilang parte ng pamilyang Buenavista.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status