Share

IKAAPAT NA KABANATA

Biglaang nagising si Victorina sa kalagitnaan ng gabi nang maramdaman niya ang pagsakit ng kanyang puson. Sa pagtayo niya, agad siyang tumungo sa banyo, subalit huminto siya nang biglang marinig ang mga boses sa labas. Parang bulong lamang ang mga ito, ngunit sapat na upang kumalabog ang kanyang damdamin. 

Hindi niya inasahan na ang pinaguusapan ay tungkol kay Ford, ang kanyang asawa.

“Ugh. How long should we keep up this charade? Pagod na ‘kong magpanggap, tita.” Nang marinig iyon ni Victorina ay biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso habang nakikinig sa kung ano ang pwedeng niyang malaman sa pamilyang ito.

“We have no choice, Leila,” wika ng isang pamilyar na boses.

Si Mathilda.

“If the word gets out that he is awake, it would be the end of us,” dagdag pa nito.

Nang marinig ang mga salitang iyon, parang binagsakan si Victorina ng isang malaking bomba. Hindi niya maisip kung paano niya ito haharapin. Hindi ba't si Mathilda, na akala niya'y tulad ng isang ina, ay kasabwat pala sa pagpapanggap?

Wala silang pinagkaiba.

“H-hindi siya comatose?” bulong niya sa sarili. Ang mga salitang ito ay naglalaro sa kanyang isipan. Hindi niya maintindihan kung bakit o anong dahilan at kailangan siyang paikutin at pakainin ng mga mabulaklak na salita ni Mathilda.

Alam niyang para ito sa kanilang pamilya ngunit, anong gampanin niya sa kanilang laro at siya ang napiling taya rito? Hindi niya mawari kung bakit kailangang siya pa sa dinami-daming tao.

Handang patunayan ang kanyang mga hinala, binuksan ni Victorina ang pintuan ng may determinasyon sa kanyang mga mata. Ang kanyang dibdib ay umaatungal sa mabigat na nararamdaman, hindi alam kung kaya pang pigilan ang umaapoy na galit.

Gulat at hindi makagalaw ang reaksyon nina Mathilda, Leila, at ang matalik na kaibigan ni Ford na si Warren de Leon nang lumabas ng kwarto si Victorina na umaapaw ang galit sa mga matang nitong tila’y kayang pumatay sa isang segundo.

“Niloko niyo ‘ko! Ford is not comatose!” sigaw nito habang dahan-dahang umaagos sa kanyang mapupulang pisngi ang kanyang luha dagdag pa ang kanyang galit na halos sumabog na sa bawat letrang kanyang binibigkas.

Tumayo si Mathilda at nilapitan si Victorina at nagsabi, “My dear Khae, I-I don't know what you're talking about. His condition is severe and w-we are trying to help him.” Hinawakan ni Victorina ang kamay ni Mathilda at pabagsak ng tinanggal ang pagkakakapit nito sa kanyang braso.

Hindi siya makapaniwala na ang itinuturing niyang ikalawang ina ay niloko at pinaikot lamang siya para sa kanilang kapakinabangan.

Walang pag-aatubiling tumakbo siya pabalik sa kanyang silid at padabog na isinara ang pinto. Sorang bigat ng kanyang nararamdaman at napakasakit ng kanyang dibdib dahil sa kanyang nalaman. Hindi niya akalain na ganito ang magiging epekto ng kanyang sitwasyon sa sarili niya.

Akala niya narito lamang siya sa ilalim ng bubong ng pamilyang Buenavista upang maging isang ‘asawa’ sa isang walang malay na lalaki at ang kapalit nito'y pera para sa kanyang pamilya. 

Pero hindi niya inaasahang mapapalapit na pala ang kanyang damdamin sa lalaking isang beses niya pa lamang nakilala at nakita.

Ilang linggo na ang nakalipas at nanatili pa rin si Victorina sa tabi ng kanyang asawa at hindi tinatanggal ang kanyang tingin mula rito. Binabantayan niyang maigi ang bawat galaw nito upang mapatunayan sa kanyang sarili na siya ay hindi comatose.

Gusto niyang masaksihan ito sa kanyang dalawang mata upang mawala ang kanyang hinala kahit pa ito'y itinanggi na ni Mathilda.

Isang gabi, habang mag-isa si Victorina sa tabi ni Ford, may kakaibang pakiramdam na bumalot sa kanya—ang tawag sa kanyang sikmura, isang hindi maipaliwanag na pakiramdam ng na nagpapainit sa kanyang katawan. 

Nang hindi niya maunawaan kung bakit, lumapit siya nang mas malapit, ang kanyang puso ay kumakabog sa kanyang dibdib habang inilapit ang kanyang mga labi.

“Please, Ford. If you can hear me, give me a sign,” pagmamakaawa niya rito. 

Dahan-dahan niyang inilapat ang kanyang labi sa labi ng lalaki at mapusok itong hinalikan na tila ba'y siya ay isang gutom na gutom na aso. 

Laking gulat niya na lamang ang pagtugon ni Ford sa kanyang mga halik at ang paggalaw ng mainit na kamay nito na naglalakbay sa kanyang katawan. 

Itinulak niya ito at siya'y napatayo dahil sa nangyari. Hindi siya makapaniwala na totoo nga ang kanyang hinala. Hindi comatose si Ford. Nagpapanggap lamang siya.

Nagtagpo ang kanilang mga mata na puno ng init at sabik sa bawat isa ngunit hindi rin maitatanggi ang poot sa kanilang mga mata.

“Please, just this once.” Tila mas lalong nag-init ang pakiramdam ni Victorina nang marinig niya ang malalim at nakakabaliw na boses ng kanyang asawa na naging dahilan kung bakit hindi niya rin matanggihan ang sensasyon sa tono nito.

Buong lakas siyang hinila ni Ford na hindi nagagawa ng isang tao mayroong malalang kondisyong hinaharap—ng isang taong bilang na lamang ang araw sa mundong ibabaw. 

Ang kanilang mga labi ay magkatagpo sa isang matamis na halik, puno ng lungkot, poot, at wagas na pagmamahal. Ang init ng kanilang mga katawan ay nagkasalubong, tila mga labi na hindi mabubuwag ng panahon.

Sa bawat halik na kanilang ibinibigay sa isa’t-isa ay binubura ang galit at lungkot na kanilang kinikimkim. Sa isang iglap ang unti-unti tumutubong pagmamahal nila sa isa't-isa ay patuloy na umuusbong sa gitna ng gabi.

“I’m sorry, Victorina.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status