Share

IKALAWANG KABANATA

“Oh my! Is this my daughter-in-law? She's…gorgeously stunning!” wika ni Mrs. Buenavista nang bumaba si Victorina mula sa engrandeng sasakyan na pagmamay-ari ni Mrs. Solano. 

Lumapit si Victorina sa kanya at nagmano. Napangiti naman ng abot tenga ang ina ni Ford dahil sa pagiging magalang ng batang ito. Dahil kadalasan ng mga nakikilala niyang babae ng kanyang mga anak ay parang hindi tinuruan ng tamang asal sa kanilang bahay.

“Good morning po, madam. I'm Victorina Khae—”

“Shh! No need to introduce your name. I have known you for a very long time. Sadly, dahil busy, ngayon lang kita nakita. You're more beautiful than on photos,” pahayag ni Mrs. Solano.

“Additionally, no need to call me madam, ha. I'm your mother-in-law, so call me mom or mother. Is that okay with you, my dear Khae?” Napangiti si Victorina sa kanyang narinig at hindi na mahanap ang tamang salita upang masabi ang kanyang nararamdaman kaya’t tumango na lamang siya. 

Maliban sa kanyang Nanay sa probinsya ay ngayon na lamang siya nakaranas ng pagmamahal mula sa isang ina, kahit hindi man niya ito kadugo. Isa rin namang ina ang kanyang pinagsisilbihan na si Mrs. Solano ngunit, ni minsan ay hindi siya nakaramdam ng pagmamahal mula rito kahit kakarampot man lang.

“How are you, Mathilda? It's been a while,” singit ni Mrs. Solano. 

“I’m good, everything's fine. Ikaw? Kumusta ang business?” tanong naman ni Mrs. Buenavista sa kanya habang naglalakad patungo sa loob ng kanilang tahanan na siya namang sinundan ng dalawa.

“There have been a lot of competitors rising above us and we feel like we are running behind them. But I'm pretty sure we'll get through this,” seryosong wika ni Mrs. Solano.

“In a business, it’s not always on top. There will be a new trend and then magsasawa ‘yong mga tao then there's one again. It's just a cycle, but hindi ibig-sabihin noon is we should stop. It's just a matter of consistency.”

Alam ni Mrs. Buenavista kung anong landas ang gustong tahakin ni Mrs. Solano sa kanilang usapan ngunit, pagod na siyang makipag-usap rito na wala na lamang inintindi kundi ang sarili niyang pamilya at kung paano gagamitin niya ang pamilyang Buenavista upang umahon mula sa pagkakabaon nila sa putik, kaya’t nililihis niya ito upang matapos ang usapan.

Unang hakbang pa lamang ng hagdan papasok sa mansyon ay napatigil na agad si Victorina at naiwang nakabukas ang kanyang bibig habang manghang-mangha sa ganda at kakaibang disenyo ng bahay na ito.

Ngunit, ang pumukaw sa kanyang atensyon ay, kung bakit napakaraming baril ang nakasabit sa bawat sulok ng dingding. Iba't-ibang klase ng baril na dati ay nakikita niya lamang sa palabas.

Naramdaman ni Victorina ang lamig na gumagapang mula sa kanyang paa patungo sa kanyang mga kamay kaya’t napatigil siya at hindi na makagalaw. Hindi niya alam kung anong klaseng pamilya ang kanyang pinapasok. Kung may mga kulang o dagdag ba sa mga kwentong kanyang narinig o sadyang, nagsinungaling lamang sila upang siya’y kanilang mapaniwala?

Bumalik na lamang siya sa katinuan noong hinawakan ng mahigpit ni Mrs. Solano ang kanyang kamay upang hilahin siya papasok.

“What happened to you? ‘Wag ka namang tatanga-tanga rito, Victorina!” Sa kabila ng nakabibinging sigaw nito sa kanya, tanging ang tibok lamang ng kanyang puso ang kanyang naririnig. Gusto niya na lamang tumakbo palabas at bumalik sa probinsyang kanyang kinalakihan sa hindi malamang dahilan.

“Oh my God, my dear Khae! Umupo ka muna. Here, drink this water.” 

Hindi niya mawari kung anong nangyayari sa kanya dahil hindi naman siya takot sa kahit anong armas at hindi rin naman siya mahilig manood ng bakbakan dahil wala naman silang telebisyon sa probinsya. Nalaman niya lamang ang mga modernong teknolohiya noong siya'y tumapak na sa Maynila.

“Siguro po, dala lang ‘to ng kulang sa tulog. Hindi po kasi ako nakatulog ng maayos kagabi kasi excited po ako para sa araw na ‘to,” palusot niya habang pekeng ngumiti upang mabaling ang kanilang atensyon. 

“I didn't know you were this excited at hindi ka na nakatulog. You're so excited to meet your husband, huh?” tukso sa kanya ni Mrs. Solano na alam niyang hindi totoo at nagpapakitang-tao lamang. Tumango na lamang siya bilang sagot.

“So, what are we waiting for? Let's go this way. This leads to Ford's room.” Kinakabahan man ay sumunod pa rin si Victorina at nilapatan ng panandaliang tingin ang mga armas bago tumuloy sa paglalakad.

Huminto sila sa harap ng isang malaking pinto kung saan pinagbuksan ito ng kanilang kasambahay. Tumambad sa kanila ang isang silid na halos kasing laki ng buong bahay ni Victorina sa kanilang probinsya. 

Hindi niya alam ang dahilan ngunit tumitibok ng mabilis ang kanyang dibdib papasok sa silid. Doon ay natagpuan niya ang nakahigang katawan ni Ricardo Ford sa isang kama at mayroong monitor sa gilid nito. 

“That’s him. He's been in a coma for a year now. The doctors couldn't find a cure for his condition, so we were told that…his life might not be long.” Ramdam sa boses ni Mrs. Buenavista ang pait ng pagiging isang ina na makita ang iyong anak sa ganoong kalagayan.

Hinarap ni Mrs. Buenavista si Victorina at hinawakan ang kamay nito at nagsalita, “Pero alam ko, the moment I saw you, your presence could lighten up one's day. And I believe you are a lucky charm to us. So, please stay by his side from now on. I beg you,” pagmamakaawa ni Mrs Buenavista kay Victorina na siya namang kumalabit sa malambot na puso ng dalaga. Pinipigilan niyang umiyak dahil ayaw na niyang dumagdag pa sa bigat ng dinadala ng kanyang pangalawang ina. 

Nagyakapan ang dalawa pagkatapos ay naglakad na papalabas ng silid si Mrs. Buenavista at naiwan sa loob sina Victorina at Mrs. Solano.

“Don’t ever make anything that could ruin my family, tandaan mo ‘yan. Dapat every information na iikot sa apat na sulok ng bahay ay alam ko. Naiintindihan mo?” wika niya.

“Yes po, madam.”

Ni hindi man lang tiningnan muli ang nakakaawang sitwasyon ni Ford ay naglakad na ito papalayo at sumara na ang pinto ng silid. 

Napatingin muli si Victorina sa buong silid nang napansin ang isang larawan na nakapatong sa isang lamesa. Kinuha niya ito at tiningnang mabuti.

“Bakit putol?” tanong niya sa sarili dahil kalahati lamang ng litrato ang nakalagay sa loob ng frame at ang kanyang hula ay si Ford ito noong siya’y bata pa lamang. 

“Cute naman siya.” Nang sambitin niya ang mga salitang iyon, hindi niya napigilan ang sarili na lumapit nang dahan-dahan sa pwesto ni Ford at masdan ang bawat bahagi ng kanyang mukha. Mayroon itong matangos at matulis na ilong, mga pilikmata na humahagod sa kanyang mukha, at mga labing kapanapanabik pagmasdan dahil sa kanilang kulay.

Ang tingin ni Victorina ay nakatutok lamang sa labi nito na tila ba’y may humihila sa kanyang halikan ito kahit pa’y ni isang beses ay hindi niya pa ito nagawa. Halos magdikit na ang kanilang mga labi nang biglang bumukas ang pinto. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status