Share

IKALIMANG KABANATA

“It's 2 am, dude! What are you doing up at this late hour?!” sigaw ni Warren dahil bigla na lamang siyang tinawagan ni Ford sa kalagitnaan ng kanyang pagtulog at pinapunta sa kanilang masyon.

“Get in the car,” utos ni Ford sa kanya. Napabuntong-hininga naman si Warren at nagsalita, “You didn't even answer my question—”

“Get in the car, or you'll never see the sunrise,” sigaw nito at padabog na sumakay sa driver's seat at hinampas ang manibela ng sasakyan dahil sa pagkainis.

“I'm as confused as you are. So, please, shut your mouth,” wika ni Ford at nagmaneho patungo sa kanyang opisina. 

Siya'y nagugulumihanan sa nangyari at sa kanyang ginawa. Hindi niya nagawang pigilan ang sarili nang hinalikan siya ng kanyang asawa na si Victorina. Dahil dito, nalaman tuloy niya na hindi totoo ang lahat.

Nang siya'y matauhan nang mga sandaling dinadama nila ang pagmamahal na umuusbong sa pagitan nila ay dali-daling humugot si Ford ng isang syringe sa ilalim ng kanyang kama at itinusok ito sa kanyang asawa upang ito'y makatulog. 

At ngayon, hindi na mapakali ang kanyang isipan sa kung ano man ang pwedeng mangyari sa oras na magising ang kanyang asawa.

Maaaring ang kanyang sikreto ay mabuking ng wala sa oras at wala sa plano.

“I kissed Victorina,” saad ni Ford.

Nang marinig ni Warren ang sinabi ni Ford, ay hindi niya napigilang sumigaw. Ang boses niya ay puno ng pagkadismaya, at ang pagkakataong ito ay hindi biro. Ang matagal na nilang lihim ay nabunyag, at ang epekto nito ay hindi pwedeng hayaan na lamang dahil hindi lang negosyo at yaman ang nakasalalay rito.

Pati na rin ang kanilang mga buhay.

“What?! Are you dumb? Ni hindi nga natin kilala ‘yang babae ‘yan yet you revealed it to her for the first time. Nice!” pabalang nitong wika.

Napakarami nilang proyektong sinakripisyo para lamang mawala sa isipan ng mga tao ang presensya ng isang Ford Buenavista at mabaling ang kanilang atensyon kay Matthias, na siya lamang ang hindi nakakaalam.

“I know it was my fault. I'll tell mom to detain her before she does anything and spread the word,” saad ni Ford.

“So now, what's your plan? Ah. Kaya ka siguro pupunta sa office mo to include her on your list of targets? Am I right?” wika ni Warren na may halong inis aa tono nito. Ang kanyang mga kuko ay tila bumaon na sa kanyang balat sa sobrang higpit ng pagkakasara ng kanyang kamao. 

“No.”

“Then what?!” sigaw ni Warren habang ang kanyang kamay ay naginginig dahil sa pagpipigil na masuntok ang kanyang kaibigan.

Hanggang sa sila'y makarating sa opisina ni Ford ay hindi ito umiik at pinalilibutan lamang sila ng mabigat na atmospera.

“Who’s that?” turo ni Warren sa litrato ng isang matandang lalaki na puno ng tattoo sa mukha at mahabang balbas na makikita sa monitor.

“He’s Theodor Calliptos, a drug dealer from Switzerland. Our number one target,” pahayag ni Ford. Tumango na lamang si Warren bilang sagot.

“I went here to search and investigate about Victorina. To see if she's a threat to me or not. And if to dispose or use her against them,” saad ni Ford.

Ngunit, napakunot ang kanyang noo nang makita ang sulat sa screen na wala raw tao ang may ganoong pangalan.

“What’s her full name again?” tanong niya sa kaibigan. 

“It’s Victorina Khae Robles. Ayusin mo ‘yong spelling, baka mali,” sagot naman ni Warren ngunit sa pangalawang pagkakataon ay wala pa ring lumalabas.

“Try typing her name without the surname. Check mo kung anong lalabas,” wika ni Warren na siya namang ginawa ni Ford. 

Napabitaw ang kamay ni Ford mula sa pagkakahawak sa mouse nang mabasa ang buong pangalan na nakalagay sa screen.

“She’s not a Robles? She's…” saad ni Warren. Hindi siya naniniwala rito kaya naman pinindot niya ang ngalan at walang ibang mukha ang lumabas kundi ang mukha ng asawa ni Ford.

Tumayo ang asawa ni Victorina mula sa pagkakaupo at patakbong lumabas mula sa opisina nito at naiwan si Warren na tulala sa hangin at hindi makapaniwala sa kanyang nalaman.

Kinakailangan nilang gawin ang lahat para lamang hindi lumabas sa iba ang impormasyong buhay na buhay ang nag-iisang Ricardo For Buenavista, lalong-lalo na kay Matthias. 

Pagkadating nito sa kanilang mansyon ay walang pag-aalinlangang hinila niya ang kanyang asawa kahit pa ito'y mahimbing na natutulog sa kanyang kama. Gulat na gulat sa kung anong nangyayari.

“Aray! Nasasaktan ako, Ford!” sigaw ni Victorina ng hilahin siya nito patungo si basement ng kanilang tahanan. 

Dahil sa ingay na gawa ni Victorina ay dali-daling lumabas mula sa kanyang silid si Mathilda upang makita ang kaguluhang nangyayari.

“What is happening, Ford? Ano ‘to?” sigaw nito. Pati siya ay nagulat din sa inaakto ng kanyang anak. Alam niyang wala itong malalang kondisyon na pinagdadaanan ngunit, ang hindi niya maintindihan ay kung bakit ito'y galit na galit.

“Mom, she's not a Robles! And I know you knew it from the very start! Kaya pala out of all women, siya ang napili mo?” nanggagalaiting wika ng kanyang anak.

Tila ba'y binuhusan ng malamig na tubig si Mathilda dahil sa narinig. Hindi niya akalain na ganito kabilis malalaman ng kanyang anak ang sikreto ng mga Solano, “Anak, don't do anything to her. Please! She's innocent” pagmamakaawa ni Mathilda.

“So, do you want me to just stare and let this girl spread the word to her family about my situation? For what? To sacrifice my life?!” saad niya habang nanggagalaiti sa galit at pahigpit nang pahigpit ang hawak niya sa braso ng kanyang asawa.

“Anak…”

“And you believe she's innocent? Then I don't!”

“Let me go, please! Explain everything to me bago mo ‘ko saktan ng ganito! I'm not a Robles? Pwes, papatunayan ko sa ‘yong nagkakamali ka,” pahayag ni Victorina habang ang kanyang luha ay umaagos sa kanyang pisngi na para bang isang ilog na tuloy-tuloy umagos. 

Napasinghap si Ford sa narinig at nagsakita, “How? Have you seen any of your birth certificates? With Robles in it?”

Dahil sa sinabing ito ni Ford ay libo-libong salita ang naglalaro sa isipan ni Victorina at ang halo-halong emosyon na kanyang nararamdaman. 

“Hindi ako…Robles? Imposible.”

Buong buhay niya ay lumaki siya sa puder ng kanyang Nanay at Tatay at dala-dala niya ang apelyido na itong hanggang siya'y mag-aral bago siya tumigil upang mag-hanapbuhay.

Kaya't paanong siya'y hindi isang Robles?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status