Share

IKAANIM NA KABANATA

Author: Khloe
last update Huling Na-update: 2024-05-17 18:06:05

Tatlong araw nang nananatili si Victorina sa loob ng kanyang silid. Ni hindi kumakain o umiinom man lang ng tubig ni minsan. Magang-maga na ang kanyang mga mata dahil sa patuloy niyang pag-iyak. Hindi niya mawari kung bakit gano’n na lang kagalit ang kanyang asawa. Kung bakit galit na galit ito kung sakali mang totoong hindi siya isang Robles?

Imposible ring hindi niya totoong apelyido ang kanyang dala-dala dahil wala namang nabanggit sa kanya ang kanyang mga magulang na siya ay ampon lamang. Kaya’t marahil, isa lamang palabas ang ginawa ng kanyang asawa kamakailan.

Napapikit siya ng mga mata at nagkunwaring natutulog nang marinig niya ang pagkatok sa pinto ng kanyang silid.

“Honey. I brought you food. Kainin mo ‘to, ha. Eveline said adobong manok is your favorite, kaya nilutuan kita,” wika ni Mathilda. Palagi niya itong ginagawa magmula nang magkulong si Victorina sa kanyang silid. Sinisigurado niyang siya’y may pagkain tatlong beses sa isang araw, kasama na rin ang mga panghimagas, upang kahit papaano ay magkaroon man lang ng laman ang tiyan nito.

“My dear, Khae. I hope you can feel that I really care for you. If you feel na you were betrayed, we have reasons. I’m sorry. I’m really sorry.” Nang marinig ioto ni Victorina ay hindi niya napigilang lumuha dahil ramdam na ramdam sa boses ni Mathilda ang pagmamahal ng isang ina.

“If there is anything you want, I can give it to you. So that, I could gain your trust again, anak.”

Tanging ang hiling lamang niya ay makabalik sa kanyang probinsya ay mayakap ang kanyang mga magulang dahil ilang taon na ang nakalilipas mula nang huli niya itong nasilayan.

Hindi naman kasi siya pinagbigyan ni Eveline Solano na magbakasyon kahit man lang sandali upang bumisita sa mga magulang nito. Ang katwiran niya ay nabibigyan naman daw sila ng sapat na pagkain at pera upang mabuhay sa araw-araw.

Nang maramdaman niyang tumayo na si Mathilda mula sa pagkakaupo sa kanyang kama ay dali-dali siyang bumangon.

“Sandali po,” sambit niya at lumingon naman sa kanya si Mathilda at ngumii.

“Gising kana pala. Ito, kumain ka muna.” Iniabot niya kay Victorina ang kanyang dalang pagkain at ito’y tinikman naman niya. Nahihiya na rin siya dahil nararamdaman niyang nagiging pabigat siya sa ina ng kanyang asawa.

“Pasensya na po sa inasal ko nitong mga nakaraang araw. Sorry po sa abala,” wika niya.

“No, it’s okay. Alam ko kung anong nararamdaman mo. It’s okay, hija.”

Nang maubos niya ang pagkain ay hindi niya pa binitawan ang pinggan at mukhang balisa dahil mayroon siyang gustong hingin na pabor mula dito ngunit hindi niya alam kung paano sasabihin.

“Do you have anything to say, Khae?” tanong ni Mathilda rito nang mapansin niya ang asal ni Victorina.

“Narinig ko po kanina na ibibigay niyo po sa ‘kin kung anong gusto ko?” walang pag-aatubiling sabi niya. Tumango-tango naman si Mathilda at nagsalita, “Sure. Sabihin mo lang.”

“Pwede ko po bang puntahan ‘yong parents ko sa probinsya? Kahit isang araw lang po, please.” Nabigla man ngunit hindi ito ipinahalata ni Mathilda. Hindi niya akalain na ito ang gustong hingin sa kanya nito.

“You know, Khae. I think you should…rest for days and gain your strength. I don’t think it’s time for you to wander around.” Pipihitin na sana niya ang ang doorknob nang pahabol na nagsalita si Victorina.

“Kaya ko na po, mom. I promise na hindi po ako gagawa ng kahit na anong problema,” wika nito. Balot na balot ang kanyang mga mata ng determinasyon na umalis at hanapin ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao. Ngunit, pilit siyang ikinukulong ng mga tao papalayo sa totoo.

“Sure. You will go there with Ford, so I can make sure that you are safe,” saad ni Mathilda. “He will agree kapag ako ang nagsabi sa kanya,” dagdag pa nito.

“No buts, my love! Mothers know the best, ‘di ba? I don’t want you to be in danger kaya’t magpasama ka sa kanya, ha?” aniya habang hinahagod ang pisngi nito.

“It won’t happen,” wika ni Mathilda sa kanyang isipan nang makalabas sa kwarto ni Victorina at naglakad papalayo. Inabot niya ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa at tinawagan ang isa sa kanilang mga tauhan.

“Hide them carefully. She’s being a threat.”

“Who are you referring to, mom?” pagsingit ni Ford na ikinagulat ng kanyang ina dahil bigla na lamang itong sumulpot.

Itinago bigla ni Mathilda ang kanyang cell phone and sinabi, “Nothing. Don't worry about it.” Nakangiti man, ngunit hindi pa rin niya maitago ang pagkabalisa. Napahinga siya ng malalim nang naglakad si Ford patungo sa silid ng kanyang asawa.

“I changed my mind. Hindi na po pala ako pupunta,” wika ni Victorina nang marinig niya ang mga yapak papasok sa kanyang silid. Nakahiga siya sa kanyang kama at nakatalikod sa pinto.

Akala niya'y si Mathilda ang kanyang kausap.

Pero hindi.

Nagulat man sa narinig, hindi umimik si Ford at hinayaan lamang niyang magsalita si Victorina. Napakarami ng mga bagay ang tumatakbo sa kanyang isipan sa ilang salitang binitawan ng kanyang asawa.

Marahil ang kanyang asawa ay nauto na ng kanyang ina at nasilaw sa pera?

“Hindi ko po alam kung papayag kayo pero, hindi po ba’t may business kayo?” sabi ni Victorina. Wala pa rin siyang kamuwang-muwang sa kung sino ang kanyang kausap.

“So? What's your plan?” saad ni Ford na nagpabilog ng mga mata ni Victorina kaya’t dali-dali siyang bumangon at hinarap ang kanyang asawa na animo’y nakakita ng hindi pangkaraniwang nilalang.

“No! I mean… Hindi sa gano’n. Na misinterpret mo ata. Wala akong gusto sa mga pera niyo,” pagdepensa niya.

Nang marinig ito ni Ford ay siya’y napasinghap at isang ngisi ang nabuo sa kanyang kaakit-akit na mukha.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Victorina nang maglakad si Ford patungo sa kanyang direksyon. Halos maubos na ang kanyang mga laway kalulunok dahil sa hindi malamang dahilan.

Dagdag pa, ang kanyang asawa ay walang saplot pang-itaas at tanging pantalon lamang ang suot nito habang nakapasok ang mga kamay nito sa bulsa ng kanyang pang-ibabang kasuotan, na nagpadagdag sa taglay nitong karisma.

Nang makarating si Ford sa kanto ng kama ng kanyang asawa, bahagyang pinantayan niya ito at halos magkadikit na ang kanilang mga mukha sa sobrang lapit nila sa isa't isa.

Alam na alam ni Ford kung paano iparamdam sa isang babae ang mga paru-paro at ang init na unti-unting bumabalot sa kanilang katawan. Marami nang babae ang nahulog sa patibong niyang ito. Lalo na si Victorina.

“Tandaan mo, you will not have a share in our company,” dahan-dahang inilapit niya ang kanyang katawan kay Victorina hanggang sa mapahiga ito sa kanyang kama at pumaibabaw si Ford rito.

“You can't have my company,” wika nito habang hinahagod ang pisngi ng kanyang asawa at idinikit ang matipuno niyang katawan sa pinagpalang hinaharap ni Victorina.

“But you can have my money,” lumapit siya sa tenga nito at bumulong, “and me."

Kaugnay na kabanata

  • Pacifying my Undercover Billionaire Husband   IKAPITONG KABANATA

    “Manong Tsoy, baka pwedeng hindi muna ako magbayad ng utang ko? Hirap na hirap kasi ako ngayon magbenta ng mga gulay dahil sa tagtuyot. Parang awa mo na,” wika ng isang magsasaka.Si Manong Tsoy ay ang ama ni Victorina na nakatira sa probinsya. Isa siyang magsasaka. Kahit na matanda na, patuloy pa rin siyang nagtatrabaho nang may makain sila ng kanyang asawa. Hindi naman kasi sila binibigyan ng pagkain ni Eveline buwan-buwan.Nagtayo rin sila ng munting tindahan para kahit papaano’y malibang ang kanyang asawa.“Walang problema, dong. Tsaka mo na ako bayaran kapag nakaluwag-luwag na kayo,” aniya habang nakangiti. Masaya na siya na malamang kahit papaano’y nakatutulong siya sa ibang tao.“Siya nga pala, Nong. Kailan pa huling bisita ni Vikvik? Kay tagal ko na siyang ‘di nakita.” Biglang namasa ang mga mata ni Manong Tsoy nang marinig ito dahil napakatagal nga naman talaga nang huling bumisita si Victorina sa kanilang probinsiya.“Ganoon talaga ang buhay. Wala tayong magagawa,” wika niya

    Huling Na-update : 2024-06-09
  • Pacifying my Undercover Billionaire Husband   IKAWALONG KABANATA

    “Are we going to spend the night here?” tanong ni Ford kay Victorina. Napatingin naman ang babae nang may kunot sa noo dahil sa narinig. Ang tahimik ng paligid, at ang tunog ng kuliglig lamang ang kanilang naririnig.“Yes, sir. Ayaw mo ba? Pwede naman na mauna kang umuwi. Susunod na lang ako kinabukasan.” Sinubukan ni Victorina na maging kalmado at mahinahon. Alam niyang hindi sanay si Ford sa ganitong simpleng pamumuhay sa probinsiya.Tila hindi makapaniwala ang lalaki sa narinig. Ni minsan sa buhay niya ay hindi niya pa naranasang mahiga sa sahig at matulog sa kwartong walang aircon. Tila ba isang malaking kahihiyan para sa kanya ang ganoong sitwasyon.“Not to brag, but hindi pa ako nakakatulog sa sahig at hindi king-sized mattress. This? A single-sized bed? Dito ako matutulog? No.” Halatang hindi komportable si Ford. Nakikita ito sa kanyang mukha at naririnig sa kanyang boses.“Wala namang lamok dito kaya ‘wag kang mag-alala. Malamig din ang simoy ng hangin dahil nga nasa probinsiy

    Huling Na-update : 2024-06-10
  • Pacifying my Undercover Billionaire Husband   IKA-SIYAM NA KABANATA

    Isang malakas na sampal ang natanggap ni Victorina mula kay Eveline. Pagkatapos ng isang araw na panunuluyan nila Victorina at Ford sa probinsya, ay nakatanggap ng tawag mula kay Eveline si Victorina at pinapapunta ito sa kanilang mansyon.Hindi niya akalain na isang mainit na sampal pala ang bubungad sa kanya.“Ang kapal ng mukha mo, ‘no? Hindi kita ipinagkasundo sa pamilyang Buenavista para mamuhay ng sosyal. Tandaan mo, sa akin nakasalalay ang buhay ng pamilya mo!” sigaw ni Eveline habang dinuduro ang kawawang babae na si Victorina.“Anong sabi ko sa ‘yo? Make me updated kung ano mang nangyayari sa bahay na ‘yon! Pero anong ginawa mo? Tinago mo sa amin na buhay na buhay na si Ford!” dagdag pa ni Eveline.“Pasensya na po. Sobrang dami po kasing tumatakbo sa isipan ko–” naputol ang sinasabi ni Victorina nang sumingit muli si Eveline.“Here we go again with your excuses! I don’t care kung ano man ang iniisip mo! Hindi ‘yan ‘yong inuutos kong gawin mo–”“Hindi raw po ako isang Robles,”

    Huling Na-update : 2024-06-14
  • Pacifying my Undercover Billionaire Husband   UNANG KABANATA

    “Victorina!” muntik na niyang mabitawan ang hawak na plorera nang marinig niya ang sigaw ni Magdalena, “Didn’t I tell you to be careful while washing this dress of mine?! Are you sabotaging me? Ito ang susuotin ko para sa family dinner namin with the Buenavista family. Nag-iisip ka ba?!” “Pasensya na ho. Hindi ko po napansin. Baka po natuluan ng chlorine no’ng nilalabhan ko—” “I don’t care! Babayaran mo ‘tong dress or else you will pack your things in the middle of the night and get your freaking ass out of this house! Got it?” wika ni Magdalena. “Opo.” Hindi man sigurado kung kaya niyang bayaran ang libo-libong halaga ng damit na ito, pumayag siya dahil saan na siya kukuha ng pera para sa kanyang magulang sa probinsya? Hindi niya kayang mangyari ito dahil siya lamang ang bumubuhay sa kanilang pamilya. Halos tatlong taon nang nagtitiis si Victorina Khae Robles sa ilalim ng bubong ng pamilya ng mga Solano bilang kasambahay. Bawat galaw ng miyembro ng pamilyang ito ay hindi nagawa

    Huling Na-update : 2024-05-09
  • Pacifying my Undercover Billionaire Husband   IKALAWANG KABANATA

    “Oh my! Is this my daughter-in-law? She's…gorgeously stunning!” wika ni Mrs. Buenavista nang bumaba si Victorina mula sa engrandeng sasakyan na pagmamay-ari ni Mrs. Solano. Lumapit si Victorina sa kanya at nagmano. Napangiti naman ng abot tenga ang ina ni Ford dahil sa pagiging magalang ng batang ito. Dahil kadalasan ng mga nakikilala niyang babae ng kanyang mga anak ay parang hindi tinuruan ng tamang asal sa kanilang bahay. “Good morning po, madam. I'm Victorina Khae—” “Shh! No need to introduce your name. I have known you for a very long time. Sadly, dahil busy, ngayon lang kita nakita. You're more beautiful than on photos,” pahayag ni Mrs. Solano. “Additionally, no need to call me madam, ha. I'm your mother-in-law, so call me mom or mother. Is that okay with you, my dear Khae?” Napangiti si Victorina sa kanyang narinig at hindi na mahanap ang tamang salita upang masabi ang kanyang nararamdaman kaya’t tumango na lamang siya. Maliban sa kanyang Nanay sa probinsya ay ngayon na

    Huling Na-update : 2024-05-09
  • Pacifying my Undercover Billionaire Husband   IKATLONG KABANATA

    “Anong ginagawa mo?” tanong ni Victorina nang tumambad sa kanya ang katawan ni Ford pagkabukas niya ng pinto na walang saplot at tanging kumot lamang ang tumatakip sa pribadong parte ng katawan nito. “This is my everyday routine as his caregiver.” Tuloy lamang ang kanyang pagpunas at paglilinis sa matipunong katawan ng lalaki habang hindi man lang binalingan ng tingin si Victorina. “I’m Leila, his caregiver.” Matapos niyang sabihin iyon ay lumapit siya sa kinatatayuan ni Victorina at nakipag kamay na siya namang nagpaginhawa sa pakiramdam ng dalaga. Lumingon si Leila at itinuro ang lalaki, “Even though he's in a vegetative stage, we need to maintain his cleanliness dahil once he wakes up and find himself unclean, hindi mo gugustuhin ang mangyayari.” Napaisip ang dalaga kung gaano ba kahimagsik magalit ang isang Ford Buenavista dahil base sa pagkakasabi at tono ng boses ni Leila ay hindi maayos ang magiging resulta sa oras na ito'y magalit. “Simula no’ng na-comatose siya, ikaw n

    Huling Na-update : 2024-05-09
  • Pacifying my Undercover Billionaire Husband   IKAAPAT NA KABANATA

    Biglaang nagising si Victorina sa kalagitnaan ng gabi nang maramdaman niya ang pagsakit ng kanyang puson. Sa pagtayo niya, agad siyang tumungo sa banyo, subalit huminto siya nang biglang marinig ang mga boses sa labas. Parang bulong lamang ang mga ito, ngunit sapat na upang kumalabog ang kanyang damdamin. Hindi niya inasahan na ang pinaguusapan ay tungkol kay Ford, ang kanyang asawa.“Ugh. How long should we keep up this charade? Pagod na ‘kong magpanggap, tita.” Nang marinig iyon ni Victorina ay biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso habang nakikinig sa kung ano ang pwedeng niyang malaman sa pamilyang ito.“We have no choice, Leila,” wika ng isang pamilyar na boses.Si Mathilda.“If the word gets out that he is awake, it would be the end of us,” dagdag pa nito.Nang marinig ang mga salitang iyon, parang binagsakan si Victorina ng isang malaking bomba. Hindi niya maisip kung paano niya ito haharapin. Hindi ba't si Mathilda, na akala niya'y tulad ng isang ina, ay kasabwat pala sa p

    Huling Na-update : 2024-05-09
  • Pacifying my Undercover Billionaire Husband   IKALIMANG KABANATA

    “It's 2 am, dude! What are you doing up at this late hour?!” sigaw ni Warren dahil bigla na lamang siyang tinawagan ni Ford sa kalagitnaan ng kanyang pagtulog at pinapunta sa kanilang masyon.“Get in the car,” utos ni Ford sa kanya. Napabuntong-hininga naman si Warren at nagsalita, “You didn't even answer my question—”“Get in the car, or you'll never see the sunrise,” sigaw nito at padabog na sumakay sa driver's seat at hinampas ang manibela ng sasakyan dahil sa pagkainis.“I'm as confused as you are. So, please, shut your mouth,” wika ni Ford at nagmaneho patungo sa kanyang opisina. Siya'y nagugulumihanan sa nangyari at sa kanyang ginawa. Hindi niya nagawang pigilan ang sarili nang hinalikan siya ng kanyang asawa na si Victorina. Dahil dito, nalaman tuloy niya na hindi totoo ang lahat.Nang siya'y matauhan nang mga sandaling dinadama nila ang pagmamahal na umuusbong sa pagitan nila ay dali-daling humugot si Ford ng isang syringe sa ilalim ng kanyang kama at itinusok ito sa kanyang

    Huling Na-update : 2024-05-09

Pinakabagong kabanata

  • Pacifying my Undercover Billionaire Husband   IKAANIM NA KABANATA

    Tatlong araw nang nananatili si Victorina sa loob ng kanyang silid. Ni hindi kumakain o umiinom man lang ng tubig ni minsan. Magang-maga na ang kanyang mga mata dahil sa patuloy niyang pag-iyak. Hindi niya mawari kung bakit gano’n na lang kagalit ang kanyang asawa. Kung bakit galit na galit ito kung sakali mang totoong hindi siya isang Robles?Imposible ring hindi niya totoong apelyido ang kanyang dala-dala dahil wala namang nabanggit sa kanya ang kanyang mga magulang na siya ay ampon lamang. Kaya’t marahil, isa lamang palabas ang ginawa ng kanyang asawa kamakailan.Napapikit siya ng mga mata at nagkunwaring natutulog nang marinig niya ang pagkatok sa pinto ng kanyang silid. “Honey. I brought you food. Kainin mo ‘to, ha. Eveline said adobong manok is your favorite, kaya nilutuan kita,” wika ni Mathilda. Palagi niya itong ginagawa magmula nang magkulong si Victorina sa kanyang silid. Sinisigurado niyang siya’y may pagkain tatlong beses sa isang araw, kasama na rin ang mga panghimagas,

  • Pacifying my Undercover Billionaire Husband   IKALIMANG KABANATA

    “It's 2 am, dude! What are you doing up at this late hour?!” sigaw ni Warren dahil bigla na lamang siyang tinawagan ni Ford sa kalagitnaan ng kanyang pagtulog at pinapunta sa kanilang masyon.“Get in the car,” utos ni Ford sa kanya. Napabuntong-hininga naman si Warren at nagsalita, “You didn't even answer my question—”“Get in the car, or you'll never see the sunrise,” sigaw nito at padabog na sumakay sa driver's seat at hinampas ang manibela ng sasakyan dahil sa pagkainis.“I'm as confused as you are. So, please, shut your mouth,” wika ni Ford at nagmaneho patungo sa kanyang opisina. Siya'y nagugulumihanan sa nangyari at sa kanyang ginawa. Hindi niya nagawang pigilan ang sarili nang hinalikan siya ng kanyang asawa na si Victorina. Dahil dito, nalaman tuloy niya na hindi totoo ang lahat.Nang siya'y matauhan nang mga sandaling dinadama nila ang pagmamahal na umuusbong sa pagitan nila ay dali-daling humugot si Ford ng isang syringe sa ilalim ng kanyang kama at itinusok ito sa kanyang

  • Pacifying my Undercover Billionaire Husband   IKAAPAT NA KABANATA

    Biglaang nagising si Victorina sa kalagitnaan ng gabi nang maramdaman niya ang pagsakit ng kanyang puson. Sa pagtayo niya, agad siyang tumungo sa banyo, subalit huminto siya nang biglang marinig ang mga boses sa labas. Parang bulong lamang ang mga ito, ngunit sapat na upang kumalabog ang kanyang damdamin. Hindi niya inasahan na ang pinaguusapan ay tungkol kay Ford, ang kanyang asawa.“Ugh. How long should we keep up this charade? Pagod na ‘kong magpanggap, tita.” Nang marinig iyon ni Victorina ay biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso habang nakikinig sa kung ano ang pwedeng niyang malaman sa pamilyang ito.“We have no choice, Leila,” wika ng isang pamilyar na boses.Si Mathilda.“If the word gets out that he is awake, it would be the end of us,” dagdag pa nito.Nang marinig ang mga salitang iyon, parang binagsakan si Victorina ng isang malaking bomba. Hindi niya maisip kung paano niya ito haharapin. Hindi ba't si Mathilda, na akala niya'y tulad ng isang ina, ay kasabwat pala sa p

  • Pacifying my Undercover Billionaire Husband   IKATLONG KABANATA

    “Anong ginagawa mo?” tanong ni Victorina nang tumambad sa kanya ang katawan ni Ford pagkabukas niya ng pinto na walang saplot at tanging kumot lamang ang tumatakip sa pribadong parte ng katawan nito. “This is my everyday routine as his caregiver.” Tuloy lamang ang kanyang pagpunas at paglilinis sa matipunong katawan ng lalaki habang hindi man lang binalingan ng tingin si Victorina. “I’m Leila, his caregiver.” Matapos niyang sabihin iyon ay lumapit siya sa kinatatayuan ni Victorina at nakipag kamay na siya namang nagpaginhawa sa pakiramdam ng dalaga. Lumingon si Leila at itinuro ang lalaki, “Even though he's in a vegetative stage, we need to maintain his cleanliness dahil once he wakes up and find himself unclean, hindi mo gugustuhin ang mangyayari.” Napaisip ang dalaga kung gaano ba kahimagsik magalit ang isang Ford Buenavista dahil base sa pagkakasabi at tono ng boses ni Leila ay hindi maayos ang magiging resulta sa oras na ito'y magalit. “Simula no’ng na-comatose siya, ikaw n

  • Pacifying my Undercover Billionaire Husband   IKALAWANG KABANATA

    “Oh my! Is this my daughter-in-law? She's…gorgeously stunning!” wika ni Mrs. Buenavista nang bumaba si Victorina mula sa engrandeng sasakyan na pagmamay-ari ni Mrs. Solano. Lumapit si Victorina sa kanya at nagmano. Napangiti naman ng abot tenga ang ina ni Ford dahil sa pagiging magalang ng batang ito. Dahil kadalasan ng mga nakikilala niyang babae ng kanyang mga anak ay parang hindi tinuruan ng tamang asal sa kanilang bahay. “Good morning po, madam. I'm Victorina Khae—” “Shh! No need to introduce your name. I have known you for a very long time. Sadly, dahil busy, ngayon lang kita nakita. You're more beautiful than on photos,” pahayag ni Mrs. Solano. “Additionally, no need to call me madam, ha. I'm your mother-in-law, so call me mom or mother. Is that okay with you, my dear Khae?” Napangiti si Victorina sa kanyang narinig at hindi na mahanap ang tamang salita upang masabi ang kanyang nararamdaman kaya’t tumango na lamang siya. Maliban sa kanyang Nanay sa probinsya ay ngayon na

  • Pacifying my Undercover Billionaire Husband   UNANG KABANATA

    “Victorina!” muntik na niyang mabitawan ang hawak na plorera nang marinig niya ang sigaw ni Magdalena, “Didn’t I tell you to be careful while washing this dress of mine?! Are you sabotaging me? Ito ang susuotin ko para sa family dinner namin with the Buenavista family. Nag-iisip ka ba?!” “Pasensya na ho. Hindi ko po napansin. Baka po natuluan ng chlorine no’ng nilalabhan ko—” “I don’t care! Babayaran mo ‘tong dress or else you will pack your things in the middle of the night and get your freaking ass out of this house! Got it?” wika ni Magdalena. “Opo.” Hindi man sigurado kung kaya niyang bayaran ang libo-libong halaga ng damit na ito, pumayag siya dahil saan na siya kukuha ng pera para sa kanyang magulang sa probinsya? Hindi niya kayang mangyari ito dahil siya lamang ang bumubuhay sa kanilang pamilya. Halos tatlong taon nang nagtitiis si Victorina Khae Robles sa ilalim ng bubong ng pamilya ng mga Solano bilang kasambahay. Bawat galaw ng miyembro ng pamilyang ito ay hindi nagawa

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status