Chapter 105Jammie POVHabang masaya ang lahat sa pag-uusap tungkol kina Sarah at Emer, pinili kong manatili sa isang sulok, tahimik na nakikinig. Masaya ako para sa kapatid ko, pero hindi ko maiwasang mapaisip sa mga sinabi ni Mom at Dad sa akin kanina. Ang dami nilang biro tungkol sa pagiging single ko, pero sa totoo lang, may laman ang mga sinabi nila.Hindi ko naman sinasadyang maging ganito katagal na walang pinapakilala. Siguro dahil masyado akong abala sa trabaho, o baka naman dahil... wala pa talaga akong lakas ng loob.Nagising ako sa pag-iisip nang biglang bumaling si Sarah sa akin mula sa kabilang mesa. "Hoy, Jammie, tahimik ka diyan. Bakit parang ikaw ang kinikilig sa proposal ko?" biro niya, sabay tawa.Napailing ako at tumingin sa kanya. "Sarah, hayaan mo na ako. Sige na, moment mo ito. Huwag mo na akong isama sa mga drama mo.""Drama? Seryoso ako!" sagot niya, pero halatang natatawa pa rin. "Baka naman kasi may tinatago ka lang talaga sa amin, ano? Sabihin mo na, Jammie
Chapter 106 Kinabukasan, nagdesisyon akong humingi ng tulong sa isang private investigator. Hindi ko alam kung tama bang muling balikan ang nakaraan, pero kailangang malaman ko ang sagot sa mga tanong na gumugulo sa akin. Tumawag ako kay Mr. Santos, isa sa mga kilalang investigator na nirekomenda ni Dad. "Kailangan ko ng tulong mo," sabi ko. "Anong klaseng tulong, Mr. Flores?" tanong niya. Napahinga ako nang malalim. "Kailangan kong hanapin ang isang babae. Ang problema, wala akong pangalan o kahit anumang impormasyon tungkol sa kanya. Pero may ilang detalye akong maalala mula sa isang gabi." Inisa-isa ko ang mga naalala ko: ang bar kung saan kami nagkita, ang hotel na tinuluyan ko, at ang petsa. Bagamat limitado, umaasa akong sapat na ito para makapagsimula siya. "Medyo mahirap 'yan," sagot niya. "Pero susubukan ko. Bibigyan ko ito ng oras at atensyon. Sabihan kita kapag may nahanap ako." "Salamat, Mr. Santos," sagot ko bago ibaba ang tawag. Paglipas ng ilang linggo pagkatapo
Chapter 107 Minsan, hindi ko maiwasang isipin kung masyado na ba akong na-obsess sa paghahanap sa babaeng iyon. Araw-araw, ang pabango niya, ang alaala ng gabing iyon, at ang mga tanong na walang sagot ay tila umaagaw ng buong atensyon ko. Pero ngayon, naisip ko, baka kailangan ko munang mag-focus sa ibang bagay. Napatingin ako sa mga papel sa harapan ko—mga financial reports, marketing strategies, at listahan ng mga kailangan para sa susunod na proyekto ng kumpanya. Habang abala si Jimmie sa kanyang honeymoon at ang bunso naming kapatid ay nagkakagulo sa paghahanda para sa kanyang kasal, malinaw na ang responsibilidad ng negosyo ay nasa mga balikat ko. Napabuntong-hininga ako. "Kailangan ko munang ayusin ang priorities ko," bulong ko sa sarili. Pagdating sa opisina, sinalubong ako ng assistant ko na si Clara, dala ang isang makapal na folder. "Mr. Flores, narito na po ang updated reports para sa quarter. Kailangan din po nating mag-meeting tungkol sa bagong investor mamaya,"
Chapter 108 Tumayo ako mula sa upuan at tumingin kina Sarah at Emer, na masayang nagkukuwentuhan pa rin sa sala. "Mukhang kailangan ko nang magpahinga," sabi ko habang inaayos ang kuwelyo ng aking polo. "May maaga pa akong trabaho bukas. May mga bagong aplikante na kailangang i-interview para sa financial department." Agad na tumingin si Sarah sa akin at ngumiti. "CEO duties na naman, kuya? Grabe, ikaw na talaga ang pinaka-dedicated sa lahat," sabi nito na may ngiti sa labi. Tumawa si Emer. "Jammie, sigurado akong kaya mo na naman 'yan. Pero huwag masyadong magpakapagod, ha?" bigkas niya sa akin. Tumango ako, pilit na nagbiro. "Hindi naman ako masyadong magpapakapagod, pero bilang CEO, kailangan kong siguruhin na ang mga taong tatanggapin ay karapat-dapat sa posisyon. Lalo na sa financial department. Alam nyo na, mahalaga ang tiwala sa trabaho," sabi ko dito. Pagpasok ko sa kwarto, bumagsak ako sa kama at huminga nang malalim. Bukas, panibagong araw na naman ng trabaho. A
Chapter 109 "Jenny, John! Behave muna kayo, may bisita si Mommy," sabi niya sa dalawang batang agad na napatingin sa akin. Sa tingin ko’y nasa lima o anim na taong gulang lang sila, ngunit ang kanilang enerhiya ay tila hindi maubos. "S'ya nga pala twins, boss ko pala sa bagong trabaho ni Mommy," dagdag niya, halatang nag-aalala kung ano ang iisipin ko sa pagiging single mom niya. "Yes po, Mommy. Hello, Mister!" bati ng batang babae, na mabilis namang tumakbo pabalik sa loob ng bahay kasunod ng kanyang kakambal. Naiwan akong nakatayo sa harap ng pinto, naguguluhan at tila kinikilatis ang bawat nangyayari. Nakatitig ako sa likuran ng mga bata habang papalayo sila. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang pakiramdam na bumalot sa akin. Ang ngiti ng mga bata, ang kanilang kilos, at higit sa lahat—ang mga mata nila. Parehong-pareho ng mga mata ko noong bata pa ako. "Bakit po kayo napadaan, Sir?" tanong niya, halatang nagtataka ngunit sinusubukang maging magalang. Hindi ako agad naka
Chapter 110 Bubuhayin ko na sana ang sasakyan nang biglang lumabasn ang kambal mula sa pintuan. Tumakbo sila papalapit sa akin, dala ang kanilang natural na pagiging masayahin at mausisa. Napatingin sila nang maigi sa akin, na parang may iniisip. "Look, John! Magkapareho tayong tatlo ng mata, kulay blue," sabi ng batang babae habang tinuturo ang mga mata ko. Tumigil ako sa pag-abot sa susi ng sasakyan, nanatili akong nakaupo habang parang binagsakan ng malamig na tubig. Hindi ko alam kung paano magre-react. Tinignan ko ang mga mata ng kambal—tama nga siya. Pareho ng kulay ang mata namin, isang kakaibang lilim ng asul na bihira kong makita sa iba. "Really?" sagot naman ng batang lalaki, si John, habang tumingin siya nang mas malapit sa akin. "Parang oo nga, Jenny. Same talaga!" Halos hindi ako makahinga sa narinig ko. Ang tingin ng dalawang bata sa akin ay puno ng inosenteng kasiyahan, pero sa loob ko, naguguluhan ako. Paano kung tama ang kutob ko? Paano kung konektado nga si
Chapter 111 Hindi nagtagal ang biyahe ko; ilang minuto lang ay narating ko na ang mansyon. Tahimik ang buong paligid, tanging ilaw mula sa mga poste at ang malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin. Pagpasok ko sa mansyon, sinalubong ako ng isa sa mga kasambahay. "Sir Jammie, gusto niyo po ba ng kape o kahit ano bago kayo magpahinga?" tanong nito nang magalang. Umiling ako at bahagyang ngumiti. "Salamat, pero diretso na ako sa kwarto. Medyo pagod na rin ako." "Okay po, Sir. Good night po," sagot niya bago ako iniwan sa sala. Pagpasok ko sa kwarto, hinubad ko agad ang aking coat at hinagis ito sa gilid ng kama. Naupo ako saglit at napatingin sa paligid. Malaki at marangya ang silid, pero sa kabila ng lahat ng ito, pakiramdam ko ay may kulang. Hinaplos ko ang sintas ng sapatos ko habang bumabalik sa isip ko ang nangyari kanina. Ang kambal, ang ina nila, at ang tanong na patuloy na bumabagabag sa akin—paano kung sila nga ang bunga ng gabing iyon? Humiga ako sa kama, pero k
Chapter 112Kiera POVLaking pasasalamat ko dahil bukas ay may trabaho na ako at mabilhan ko na ng bagong damit at school supplies ang aking kambal na anak. Medyo luma na kasi ang kanilang sapatos at mga notebook naman nila ay kaunti na lang natira para masulatan, kahit gustuhin ko man silang bilhan ay wala akong ipangbili dahil sapat na ang pera namin sa pagkain. Papasok na sana ako sa loob ng bahay upang asikasuhin ang kambal. Dahil nakaalis na ang bago kong amo. Ngunit bago pa man ako makapasok nang tuluyan, narinig ko ang pangalan ko na tinatawag."Kiera!" sigaw ni Aling Pising, ang may-ari ng inuupahan naming bahay. Galit itong naglakad papunta sa akin, at alam ko na agad kung tungkol saan ang usapan."Hoy, Kiera. Kailangan bayaran mo ako ng renta ng bahay. Kung hindi, paaalisin ko kayo mag-iina dito!" galit na sabi niya, sabay pagturo sa direksyon ng pintuan namin.Napabuntong-hininga ako, pilit na pinapanatili ang kalmado kahit na ramdam ko na ang kaba sa dibdib ko. "Aling Pi
Chapter 220Brandon POVHabang nakatingin ako sa saya sa mukha ng asawa ko, hindi ko maiwasang mapangiti. Sa tagal ng aming pagsasama, sino ang mag-aakalang darating ang panahon na ang mga anak at apo namin ang magpaplano ng sorpresa para sa amin?Habang yakap ko si Heart, sinulyapan ko ang mga ticket papuntang Japan. Napailing ako habang natatawa. "Mukhang wala na tayong kawala, Mahal. Mukhang gusto talaga nilang hindi tayo matigil sa honeymoon."Napatawa si Heart at pinisil ang kamay ko. "At mukhang ikaw din, hindi tututol.""Hindi naman sa hindi ako tututol…" sabi ko, habang pinagmamasdan ang mga apo namin na masaya pa ring nagkakantiyawan. "Pero iba pa rin ang pakiramdam ng pag-uwi, lalo na kapag ganito kainit ang salubong sa atin."Lumapit si Jimmie at tinapik ako sa balikat. "Dad, siguraduhin mong mag-enjoy kayo ni Mom, ha? Huwag n’yong alalahanin ang negosyo, kami na ang bahala rito."Napangiti ako sa anak ko. "Sigurado ka ba? Baka isang linggo pa lang, tawagan mo na ako para h
Chapter 219Nagtawanan ang buong pamilya, habang si Brandon naman ay napapakamot sa ulo. "Aba, apo, walang expiration ang honeymoon!"Si Eralyn naman, mukhang walang pakialam sa usapan, basta ang gusto lang ay makita ang pasalubong. "Lola, basta may chocolate ako, okay na!""Haha! Naku, mabuti na lang at madami kaming binili!" sagot ko. "Pero mamaya na natin buksan ‘yan sa bahay, ha?""Yehey!" sabay-sabay na sigaw ng mga bata, habang nagkakantiyawan naman ang mga magulang nila.Habang papasakay na kami sa sasakyan, naramdaman ko ang higpit ng hawak ni Brandon sa kamay ko. Tumingin ako sa kanya, at ngumiti siya."Welcome home, Mahal," bulong niya.Napangiti rin ako. Oo, ang bakasyon namin ay masaya, pero walang kasing saya ang pakiramdam ng pag-uwi—sa tahanan na puno ng pagmamahal at ingay ng aming pamilya.Habang nasa sasakyan, hindi pa rin mapakali ang mga apo namin sa excitement."Lolo, Lola, anong ginawa n’yo sa Singapore?" tanong ni Ethan habang nakasandal sa akin."Oo nga! Nagpun
Chapter 218 Narinig kong nagtawanan ang mga anak namin sa kabilang linya. "Huwag kayong mag-alala," dagdag ni Jimmie, "basta ba may extra kayo para sa amin, walang sisihan!" Napailing si Brandon. "Tsk! Talagang pati chili crab sauce, inaabangan niyo!" "Haha! Syempre naman, Dad!" sagot ni Sarah sa background. "Lalo na po ‘yung chocolates!" "Hala! Mukhang alam na nila lahat ng pinamili natin," sabi ko, natatawa. "Eh di wag na nating dalhin, Mahal!" biro ni Brandon. "Kami na lang kakain dito!" "Aba, wag kang ganyan, Dad!" reklamo ni Jammie. "Baka di ka namin sunduin sa airport!" Lahat kami nagtawanan. Ang saya sa tawag na ‘yun ay parang ramdam na ramdam namin ang mainit na yakap ng pamilya kahit nasa malayo pa kami. "Okay, okay, sige na," sabi ko, "Bukas na bukas, uuwi na kami. Maghanda kayo dahil may sorpresa rin kami para sa inyo!" "Yehey!" sigaw ng mga apo namin. At sa gabing iyon, habang nakahiga kami ni Brandon, pareho kaming napangiti. Masarap ang bakasyon, pero mas masar
Chapter 217Lumipas ang mga linggo. Last day na namin dito sa Singapore kaya sinulit naming ang huling araw dahil mamayang hapon ay fight na namin pabalik sa Pinas.Maaga kaming gumising ni Brandon para sulitin ang huling araw namin dito sa Singapore. Sa loob ng mga linggong nagdaan, napuntahan na namin halos lahat ng magagandang tanawin—mula sa Marina Bay Sands, Sentosa, hanggang sa sikat na hawker centers para tikman ang kanilang masasarap na pagkain. Pero ngayong huling araw, gusto lang naming mag-relax at damhin ang huling sulyap sa bansang ito bago bumalik sa Pilipinas.Habang naglalakad kami sa Gardens by the Bay, mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Brandon. “Mahal, parang ang bilis ng araw, ano? Parang kelan lang, excited tayong dumating dito.”Tumango siya, nakangiti. “Oo nga, Mahal. Ang saya ng bakasyon natin, parang bumalik tayo sa pagiging bagong kasal. Walang iniisip na trabaho, walang inaalalang bata—tayo lang dalawa.”Napatawa ako. “Baka marinig ka ng mga anak natin, sa
Chapter 216Napangiti ako. "Ah! I see. So ikaw ang 'gadget lover,' ako naman, ‘shopping queen.’ Pag nagkasama tayo, we make a dynamic duo!""Oo nga, parang ang saya nga ng buhay natin," sagot niya, sabay ngiti. "At kahit anong mangyari, ang importante, magkasama tayo. Kesa naman mag-isa lang, mas magaan ang buhay, di ba?""Oo, pero dapat 'yung magkasama tayo sa lahat ng adventure, from gadgets to shopping, hanggang sa magka-partner na tayo sa pagtulong sa mga street food vendor dito," biro ko.Natawa siya. "Baka magka-bonding pa tayo sa pagsubok ng mga street food dito! Alam mo, kahit anong pagkain, basta magkasama tayo, okay na!"Napangiti ako at tinapik siya sa braso. "Pangako, Brandon, ang bawat adventure natin magiging unforgettable—kahit na ang pinaka-simpleng bagay lang, as long as we’re together.""Deal," sagot niya. "Tara na, Mahal. Ang dami pa nating matutuklasan dito sa Singapore!"Habang naglalakad kami sa harap ng Marina Bay Sands, natagpuan ko ang sarili kong tinatanaw an
Chapter 215Matapos naming maayos ang mga gamit sa suite, agad kaming naupo sa malambot na kama. Napalingon ako kay Brandon na mukhang enjoy na enjoy, nakataas pa ang dalawang kamay sa likod ng ulo habang nakahiga."Ahhh… ang sarap pala talaga ng ganitong buhay, Mahal," aniya habang nakapikit.Napailing ako. "Aba, parang gusto mo na yatang dito na tumira ah!"Napamulat siya at ngumisi. "Bakit hindi? Kung may lifetime sponsorship mula sa mga anak natin, bakit hindi natin samantalahin?"Pinandilatan ko siya ng mata. "Brandon, baka sa susunod, pati pagpapalit ng diapers mo, sa kanila mo ipasa ha!"Napahalakhak siya. "Grabe ka naman! Hindi pa tayo umaabot sa ganyang level!"Napatawa na rin ako. "O siya, sige, tumigil ka na sa kakaloko mo diyan. May schedule pa tayo mamaya, hindi tayo pwedeng tamarin."Bigla siyang bumangon at nag-inat. "Tama! Saan nga ulit unang gala natin?"Tiningnan ko ang itinerary at nabasa ko ang nakasulat: Lunch at Jumbo Seafood, then Merlion Park visit."Una, kakai
Chapter 214Pagpasok namin sa eroplano, ramdam ko ang excitement. Matagal-tagal na rin mula noong huling sumakay kami ni Brandon ng eroplano para magbakasyon nang kaming dalawa lang.Nang makaupo kami sa aming seats, agad akong tumingin sa bintana. "Wow, ang ganda ng view!" sabi ko habang nakatingin sa runway.Ngumisi si Brandon at sumandal sa upuan. "Excited ka na, Mahal?""Oo naman!" sagot ko. "Ikaw?""Syempre! Excited akong makita kung paano ka mag-enjoy nang hindi nag-aalala sa mga anak at apo natin."Napahagalpak ako ng tawa. "Tsk! Ikaw talaga. Pero totoo ‘yan, ngayon lang yata ako makakapag-relax nang walang iniisip."Biglang dumaan ang flight attendant para magbigay ng instructions. Habang pinapaliwanag niya ang safety guidelines, nakita kong napatingin si Brandon sa kanya na parang may iniisip.Siniko ko siya. "Hoy, anong tinitingnan mo?"Napabalikwas siya at ngumiti. "Wala, Mahal! Iniisip ko lang na baka gusto mong subukan ang honeymoon tradition ng ibang mag-asawa sa eroplan
Chapter 213 Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa alarm clock. Napatingin ako sa tabi ko at nakita kong mahimbing pa rin ang tulog ni Brandon. Napangiti ako at marahang hinaplos ang kanyang pisngi. "Brandon, gumising ka na. Baka maiwan tayo ng flight," mahina kong bulong habang tinatapik siya. "Hmm... five minutes pa, Mahal," ungol niya habang nakayakap pa rin sa akin. Napailing ako at tumayo na mula sa kama. "Sige ka, iiwan kita rito," pananakot ko. Agad siyang dumilat at napabangon. "Huwag naman, Mahal. Ikaw lang gusto kong makasama sa honeymoon senior edition natin," biro niya habang nag-iinat. Natawa ako at tumango. "Sige na, maligo ka na para makapaghanda na tayo." Habang abala si Brandon sa paliligo, bumaba ako sa kusina at nakita kong gising na rin ang mga anak namin. "Good morning, Mom!" masiglang bati ni Jammie habang inaayos ang almusal sa mesa. "Good morning, Mommy!" dagdag ni Jimmie. "Good morning, mga anak," sagot ko. "Aba, mukhang handa na ang lah
Chapter 212 Kaya maaga kaming pumanhik sa itaas upang maghanda ng gamit namin. Dahil bukas ng umaga ang alis namin para pumunta sa Singapore. Pagkapasok namin sa kwarto, agad akong nagtungo sa aparador upang kumuha ng mga damit na dadalhin. Samantalang si Brandon naman ay naupo sa kama at nakangiting pinapanood ako. "Hindi ka pa ba mag-eempake?" tanong ko sa kanya habang abala sa pag-aayos ng maleta. "Mas gusto kong panoorin ka muna," sagot niya sabay kindat. Napailing ako at sinamaan siya ng tingin. "Brandon, kung gusto mong makaalis tayo bukas, tumulong ka na rito." Tumawa siya bago tumayo at lumapit sa akin. "O, sige na nga. Ano bang dadalhin natin?" "Kailangan nating magdala ng mga pang-summer na damit. Mainit ang Singapore, kaya dapat magaan lang ang isusuot natin," paliwanag ko habang inaayos ang mga damit sa maleta. Habang nag-aayos kami, panay naman ang birong ginagawa ni Brandon. Kinuha niya ang isang summer dress ko at itinapat sa katawan niya. "Bagay ba sa a