Home / Romance / PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) / 😞 Mapait na katotohanan 😞 Chapter 112

Share

😞 Mapait na katotohanan 😞 Chapter 112

Author: SKYGOODNOVEL
last update Last Updated: 2025-01-12 15:16:48

Chapter 112

Kiera POV

Laking pasasalamat ko dahil bukas ay may trabaho na ako at mabilhan ko na ng bagong damit at school supplies ang aking kambal na anak.

Medyo luma na kasi ang kanilang sapatos at mga notebook naman nila ay kaunti na lang natira para masulatan, kahit gustuhin ko man silang bilhan ay wala akong ipangbili dahil sapat na ang pera namin sa pagkain.

Papasok na sana ako sa loob ng bahay upang asikasuhin ang kambal. Dahil nakaalis na ang bago kong amo. Ngunit bago pa man ako makapasok nang tuluyan, narinig ko ang pangalan ko na tinatawag.

"Kiera!" sigaw ni Aling Pising, ang may-ari ng inuupahan naming bahay. Galit itong naglakad papunta sa akin, at alam ko na agad kung tungkol saan ang usapan.

"Hoy, Kiera. Kailangan bayaran mo ako ng renta ng bahay. Kung hindi, paaalisin ko kayo mag-iina dito!" galit na sabi niya, sabay pagturo sa direksyon ng pintuan namin.

Napabuntong-hininga ako, pilit na pinapanatili ang kalmado kahit na ramdam ko na ang kaba sa dibdib ko. "Aling Pi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    😞 Bagong Simula 😞 Chapter 113

    Chapter 113 Kinabukasan, maaga akong gumising upang ipaghanda ang aking kambal ng makakain nila at baon. Kahit na panghuling bigas na lamang ito ay kailangan isaing ko ito lahat. Di bali ako ang magutom wag lang ang aking mga anak. "Di bali, hahanap ako ng paraan mamaya para may kakainin kami mamayang gabi," bulong ko sa aking sarili habang naghahanda. Pagkatapos kong maihanda ang almusal, ginising ko ang kambal. "Jenny, John, bangon na. Kakain na tayo," malumanay kong sabi habang hinahaplos ang kanilang mga ulo. Agad namang nagising ang dalawa, at kahit inaantok pa, ngumiti sila sa akin. "Good morning, Mommy!" sabay nilang bati. Ang saya nilang makita, kahit sa kabila ng lahat ng problema, nagagawa pa rin nilang ngumiti at magbigay ng liwanag sa aking araw. "Good morning, mga anak. Halika na, kain na tayo bago kayo pumasok sa school," sagot ko. Pinilit kong gawing masaya ang tono ng boses ko, para kahit papaano ay hindi nila maramdaman ang bigat ng sitwasyon namin. Haban

    Last Updated : 2025-01-12
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) Β Β Β πŸ₯° Bagong kaibigan πŸ₯° Chapter 114

    Chapter 114Habang abala ako sa pagtutok sa mga papeles at datos sa harap ko, hindi ko namalayan na magtanghali na pala. Kung hindi ako kinalabit ng isa kong kasamahan, malamang ay tuluyan na akong nalimutan ang oras."Kiera, oras na ng tanghalian. Halika na, sumabay ka sa amin," sabi ng babae, na nakilala ko bilang si Lia, isang accounting staff.Nagulat ako at mabilis na nagpasalamat. "Ah, salamat, pero hindi na. May kailangan pa akong tapusin dito," sagot ko, pilit na itinatago ang dahilan kung bakit talaga ako tumanggi. Ang totoo, wala akong pambili ng panghalian, at ayaw kong mapahiya kapag nalaman nila ang totoo.Ngunit tila nakuha ni Lia ang ibig kong sabihin. Ngumiti siya at sinabing, "Alam mo bang libre ang pagkain dito sa kompanya? Matagal na itong ipinatupad, lalo na ng bagong CEO natin ngayon, si Sir Jammie Flores."Napakunot ang noo ko at napatingin sa kanya. "Libre po ang pagkain? Talaga?" tanong ko, halatang hindi makapaniwala.Tumango siya, bakas sa mukha ang kasiyahan

    Last Updated : 2025-01-13
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) Β Β Β πŸ₯° Kaya mo yan, Kiera. πŸ₯° Chapter 115

    Chapter 115 Kinuha niya ang tray ko at dinala kami sa isang sulok ng cafeteria kung saan may mga nakahandang food containers. "Dito na lang ilagay para madali mong madala," aniya. Habang inilalagay ko ang natirang pagkain sa lalagyan, ramdam ko ang pasasalamat ko sa pagkakataong ito. Malaking bagay ang bawat pagkain na maiuuwi ko para sa kambal, lalo na sa hirap ng sitwasyon namin. "Salamat, Lia," sabi ko nang may ngiti, kahit halata ang hiya sa mukha ko. "Malaking tulong ito." Ngumiti lang siya at tumango. "Walang anuman, Kiera. Huwag kang mahihiya, okay? Isa pa, mukhang mabait naman si Sir Jammie. Parang talagang iniisip niya ang kapakanan ng mga empleyado dito." Napangiti ako nang bahagya. Kahit papaano, naramdaman kong may malasakit talaga ang kompanya sa mga katulad kong hirap sa buhay. Ngunit sa likod ng lahat ng ito, hindi ko pa rin maiwasang balikan ang iniisip ko tungkol sa misteryosong tingin ni Sir Jammie sa aking mga anak. Habang hawak ang container ng natirang pagka

    Last Updated : 2025-01-13
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    😊 Jenny at John 😊 Chapter 116

    Chapter 116 Habang ni-review ni Sir Jammie ang mga gawa ko, hindi ko maiwasang pigilin ang aking hininga. Ramdam na ramdam ko ang kaba at tensyon sa bawat segundo na lumilipas. Ngunit nang matagal na siya sa pagtingin sa mga papeles, ang aking hininga ay napalitan ng pagtataka nang bigla siyang magtanong, "Kumusta na ang kambal? Saan sila nag-aaral?" Agad akong napatingin sa kanya, hindi ko alam kung paano haharapin ang tanong na iyon. Hindi ko inexpect na tatanungin niya ang tungkol sa kanila. Para bang ang mga mata niyang asul ay naghahanap ng kasagutan, at ako naman ay hindi makasagot ng buo. "Ah... Ang kambal ko po," nagsimula ako, medyo naguguluhan. "Si John at si Jenny. Nag-aaral po sila sa isang public school malapit lang sa amin." Napansin ko na ang tono ko ay medyo nanginginig, kaya pilit kong tinangka na magpakatatag. "Bilog po ang kanilang mundo, sila ang dahilan kung bakit ako nag-pupursige sa trabaho. Nagsimula na po sila sa kindergarten." Hindi ko alam kung anong kla

    Last Updated : 2025-01-13
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    😊 Single Mom 😊 Chapter 117

    Chapter 117 Pagdating ko sa mesa ni Ms. Clara, hinanda ko na ang sarili kong sabihin ang utos ni Sir Jammie tungkol sa cash advance. Pero bago ko pa mabuksan ang bibig ko, biglang bumukas ang pintuan ng opisina niya. "Kiera," tawag niya muli, kaya napalingon ako. Laking gulat ko nang makita ang seryosong ekspresyon sa mukha niya. Lumapit siya nang dahan-dahan, at bago pa ako makapagtanong, nagsalita siya. "Huwag ka nang dumaan kay Ms. Clara," sabi niya. "Ako na mismo ang magpapahiram sa'yo ng 10,000 pesos. Pero..." Tumigil siya, tinitingnan ako na parang may hinihintay na sagot. Napalunok ako, hinihintay ang susunod niyang sasabihin. "Basta siguraduhin mong dadalhin mo ang kambal bukas dito sa kompanya. Tamang-tama naman, Friday bukas at wala silang pasok, hindi ba?" tanong niya sa akin. Nagulat ako, pero sa kabila ng lahat, naramdaman ko rin ang ginhawa. Para bang nalutas na ang isa sa pinakamabigat kong problema. "Opo, Sir," sagot ko, pilit na nagpapakita ng ngiti kahit nal

    Last Updated : 2025-01-14
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) Β Β Β πŸ€” Pagsundo sa kambal πŸ€” Chapter 119

    Chapter 119Pagsapit ng alas-singko ng hapon, agad akong nag-ayos ng aking mga gamit. Sinilid ko ang tirang pagkain sa dala kong bag at nagmamadaling tumayo mula sa aking desk. Kailangan ko nang puntahan ang kambal sa kanilang school. Mabuti na lang at apat na gusali lang ang pagitan nito mula sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko, kaya hindi ako mahihirapan.Habang naglalakad palabas, iniisip ko kung ano ang magiging reaksyon ng kambal kapag sinabi kong isasama ko sila bukas sa opisina. Alam kong matutuwa sila, lalo na si Jenny na mahilig magtanong tungkol sa trabaho ko.Pagdating ko sa gate ng kanilang paaralan, nakita ko agad ang kambal na naghihintay. Si John ay tahimik na nakaupo sa bench, habang si Jenny naman ay masiglang kumakaway sa akin."Mommy!" sigaw ni Jenny, tumakbo siya papunta sa akin at niyakap ako. Sumunod naman si John, dala ang maliit niyang bag."Kamusta ang school niyo?" tanong ko sa kanila habang hinahaplos ang buhok ni John."Masaya po, Mommy!" sagot ni Jenny. "Sa

    Last Updated : 2025-01-14
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    😱 Hindi pa rin alam ni Kiera may ibidinsya na nga πŸ₯΄ Chapter 120

    Chapter 120 Kinaumagahan ay tulad ng nasanayan ko, maaga akong nagising at balak mag handa ng almusal pero na alala ko na wala na pala kaming isasaing kaya agad akong lumabas sa bahay upang pumunta sa malapit na tindahan upang bumili ng isang kilong bigas, tatlong itlog at hotdog sinamahan ko na rin ng tuyo para sa akin. Habang bumibili ako ng mga kailangan sa tindahan, pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Pero sa likod ng lahat ng ginagawa ko, hindi maalis sa isip ko ang mga tanong tungkol kay Sir Jammie. Bakit ganoon na lamang ang interes niya sa kambal? Ano ang dahilan niya at kailangan niya silang makita? Pagkatapos kong makabili, dumiretso ako kay Aling Pising upang bayaran ang dalawang buwang upa. "Aling Pising, eto na po ang bayad ko sa renta," sabi ko habang iniabot ang pera. Tiningnan niya ako nang may halong gulat at tuwa. "Aba, Kiera, salamat naman at naiabot mo na. Akala ko talaga ay mahihirapan ka na naman," aniya habang inilalagay ang pera sa kanyang maliit na

    Last Updated : 2025-01-14
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) Β Β Β  😱 DNA Test 😱 Chapter 121

    Chapter 121 Ngumiti siya at biglang tumingin kay Jenny. "Jenny, gusto mo bang mag-juice o cookies?" tanong niya, na ikinagulat ko. Hindi ko inasahan na magiging ganito siya kabait sa mga anak ko. "Cookies po!" masayang sagot ni Jenny. "Ikaw, John? Anong gusto mo?" tanong niya kay John, na tahimik lang at medyo mahiyain. "Juice po," sagot ni John, halos pabulong. Tumawag si Sir Jammie sa intercom at nag-utos na dalhan kami ng snacks. Habang hinihintay namin ang pagkain, patuloy ang pagtitig niya sa kambal, parang hindi siya makapaniwala. Sa bawat segundo, mas lalo akong kinabahan. Ano kaya ang iniisip niya? Bakit parang may kakaiba sa mga tanong at kilos niya? "Ah, Sir Jammie. Maaari na ba kaming umalis? May gagawin pa akong trabaho sa table ko, at baka madisturbo kayo sa inyong trabaho," sabi ko nang may halong kaba. Tumingin siya sa akin, seryoso ang mukha pero kalmado ang tono. "No, I mean, sige lang magtrabaho ka. Pero dito muna sila sa opisina ko habang may ginagawa

    Last Updated : 2025-01-14

Latest chapter

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) Β Β Β Last Chapter

    Author’s Note Maraming salamat sa lahat ng nagbasa at sumubaybay sa kwentong ito. Isa itong kwento ng pagmamahal, pamilya, at tunay na pagkakaibiganβ€”mga bagay na hindi nasusukat ng panahon o distansya. Sa kabila ng mga pagsubok, sa dulo ng lahat, ang mahalaga ay ang mga taong nananatili sa ating tabi, anuman ang mangyari. Ang pagsusulat ng kwentong ito ay isang magandang paglalakbay, at umaasa akong naiparamdam ko sa inyo ang tamis ng pag-ibig at ang halaga ng matibay na samahan. Hanggang sa susunod nating kwento! β€” INDAY STORIES Sana sabay-sabay ang kwento ni Althea qt Angie ang dalawang pa nilang magkaibigan sa Book #2 at suportahan po ninyo ang bago kong story upang makapasok man lang sa ranking pamamagitan pag vote po ninyo ang THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE. Maraming salamat po....

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) Β Β Β Chapter 293

    Chapter 293 The Last Chapter. Kinabukasan Habang abala ako sa pag-aayos ng mesa para sa almusal, biglang nag-ring ang aking phone. Agad kong sinagot ito nang makita ang pangalan ng tumatawag. "Bruha! Guess what?!" sigaw sa kabilang linya. Napangiti ako. "Angie?! Diyos ko, ang aga-aga, sigaw ka agad!" sagot ko, pero hindi ko maitago ang excitement sa boses ko. "Alam mo bang andito na ako sa bansa? At hindi lang akoβ€”kasama ko si Heart!" Halos mabitiwan ko ang phone sa sobrang tuwa. "What?! Totoo ba β€˜yan?! Kailan pa?! Nasaan kayo ngayon?!" "Surprise! Nasa harap na kami ng bahay mo!" Napamura ako sa gulat at dali-daling tumakbo palabas. Pagbukas ko ng pinto, tumambad sa akin sina Angie at Heart, parehong nakangiti nang malapad habang kumakaway. "Bruhaaaaaa!!!" sigaw ko sabay takbo at niyakap silang dalawa ng mahigpit. "Althea, dahan-dahan naman! Para kang toro!" natatawang reklamo ni Heart pero niyakap niya rin ako pabalik. "Grabe, ang tagal nating β€˜di nagkita! Parang kailan

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) Β Β Β Chapter 292

    Back to Present β€œOh my gosh, Mommy. Nakakilig naman ang love life ninyo ni Dad!” sabi ni Elena habang nakangiti at yakap-yakap ang unan niya. β€œParang sa pelikula lang! Ang daming eksena, tapos may action, comedy, at super sweet na moments!” Napatawa ako sa reaksyon ng anak ko. β€œTalaga, anak?” β€œOo naman! Grabe, Mommy, hindi ko in-expect na si Daddy pala β€˜yung laging napag-tripan ni Tito Brandon at Tito Kurt noon! Tapos ikaw pa β€˜yung strong and independent woman na kinatatakutan nila dati? Wow! Goals!” Napangiti ako at tinignan ang asawa kong nakaupo sa tabi ko. Nakangiti rin ito habang nakikinig sa amin. β€œPero Mommy, ang pinaka-nakakatawa talagaβ€”β€˜yung kay Tito Brandon at kay Nurse Heart! Ano kaya nangyari sa kanila after no’n? Diba parang may something?” tanong ni Elena, sabik na malaman ang sumunod na kwento. Napatingin ako sa asawa ko, at kita ko ang pag-iling niya na may halong tawa. β€œHuwag mong sabihin sa’kin na gusto mong marinig ang love story ni Brandon?” β€œYes, Mom

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) Β Β Β Chapter 291

    Chapter 291Final ChapterTahimik ang silid nang biglang marinig ko ang boses ni Kurtβ€”pero parang may halong boses ni Brandon habang nagsasalita siya.β€œIlang views na ba β€˜yan?” tanong ni Kurt, kaya nagtataka ako. Hindi muna ako nagpahalata na kanina pa akong gising.β€œWalang hiya, bro! Malapit nang maabutan ang sayo! Hahaha!” sagot ni Brandon. Napilitang akong bumangon sa kama.β€œViews? Ano na namang pinag-uusapan n’yo, Kurt?β€β€œOh, gising ka na pala, Jay,” sagot niya. β€œAkalain mo β€˜yon, isang bully ni Kurt noon, hinimatay sa delivery room? Hahaha!” sabat ni Althea, may halong panunukso.β€œAng pangit ng mukha mo, bro, nung lumabas ka sa delivery room! Mukha kang takot na takot! Hahaha!” dagdag pa ni Brandon, lalong ginagatungan ang asaran.β€œHoy, Brandon! Baka mas malala pa sayo β€˜yan kapag nag-asawa ka,” sagot ko.β€œNo, no, no! Hindi mangyayari β€˜yon, bro!” mabilis niyang tanggi.Biglang bumukas ang pinto at lumabas ang isang nurse. β€œHello, everyone! Andito na ang mga cute-cute na babies!”Do

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) Β Β Β Chapter 290

    Chapter 290 Jayson POV Four Years Later β€œMom, good morning!” sabay tawag ng tatlong taong gulang na kambal naming sina Emerson at Esmerald habang masiglang tumatakbo papunta kay Janeth. β€œGood morning, babies!” Masayang sinalubong ni Janeth ang dalawa at hinalikan sa pisngi. β€œGood morning din, Hubby…” malambing niyang bati sa akin. β€œGood morning too, Wife…” sagot ko naman, sabay halik sa kanyang labi. β€œEwww! Nakakadiri ka, Dad! Hindi pa nga nagbabrush si Mommy ng teeth,” reklamo ni Eme habang patawa-tawang sumampa sa kama at tumatalon-talon pa. β€œCareful, Eme, baka madaganan mo ang tummy ni Mommy…” paalala ni Emer sa kapatid niya. β€œUps… sorry, Kuya! Halika na, Mommy, let’s eat na! I’m so hungry na…” β€œLet’s go, Wife…” Akmang tatayo na ito nang bigla itong napangiwi sa sakit na naramdaman niya sa kanyang tiyan. β€œHubby, parang manganganak na ata ako… Ahhh! Ang sakit!” Napamura ako sa gulat. β€œF**k! Emer, tawagin mo ang driver! Kunin mo ang cellphone ko at tawagan si Daddylo mo

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) Β Β Β Chapter 289

    Chapter 289Jayson POVFlashback Pagkalabas ni Janeth sa library, hindi ko maiwasang mapangiti habang sinusundan siya ng tingin. Hindi pa rin ako makapaniwalaβ€”ang babaeng bumuhay muli sa matagal nang natutulog kong puso ay siya rin palang aking napangasawa. At hindi lang basta asawa, kundi ang sekretaryang ilang gabi ko nang pinapantasya.Shit. Ramdam ko ang paninigas ng alaga ko sa loob ng suot kong slacks. Ilang minuto akong nanatili sa library, pinapakalma ang sarili, bago ako lumabas. Sakto namang pababa sina Mom at Dad mula sa hagdan."Mom, Dad, saan kayo pupunta?" tanong ko, bahagyang nag-aalangan sa kanilang malalawak na ngiti."Aalis muna kami ng daddy mo, son," sagot ni Mom, may kasamang pilyang kindat. "Para may pagkakataon kayong makabuo ng apo ko. Sana babae, para may maisasama akong mag-shopping at mag-ayos ng buhok!""Mom… apo agad?" Napakamot ako sa batok, hindi makapaniwala sa diretsahan niyang sagot."Why not?" singit naman ni Dad. "Matanda na kami, gusto naming may

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) Β Β Β Chapter 288

    Chapter 288Janeth’s POV"Sa sandali lang ha, maliligo muna ako," sabi ko dito upang makaiwas sa kanyang mapanuksong tingin sa akin. Habang nasa loob pa din ako sa kanyang silid ay hindi mo maiwasang mag-isip kong totoo ba itong lahat. "Totoo ba β€˜to? As in real?" Yan ang paulit-ulit na tanong sa isip ko habang nakatayo sa loob ng kwarto ni Jayson. Kung panaginip lang ito, sana β€˜wag na akong magising.Napatingin ako sa kama, at doon ko napansin ang isang neatly folded na damit pang-babaeβ€”may kasamang underwear at bra. Hmmm... kanino kaya β€˜to?Lumapit ako at napansin ang isang maliit na note sa ibabaw. Agad ko itong binasa.To: JanethWear this, honey.From: MommyNapangiti ako nang makita ang sulat. Talaga si Mommy, ha? Ang bilis akong tanggapin bilang asawa ng anak niya.Wala na akong sinayang na oras at dumiretso na ako sa banyo para maligo.Ahhhh, ang sarap ng tubig.Habang sinasabon ang katawan, napatingin ako sa lagayan ng shampoo at sabon. Napangiti ako nang makita ang panglal

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) Β Β Β Chapter 287

    Chapter 287 Jayson POV "By the way, hindi tayo papasok ngayon," sabi ko habang nakasandal sa upuan, pinagmamasdan ang reaksyon ni Janeth. Napakunot ang noo niya. "Bakit, boss? May pupuntahan ho ba kayo? Kung gano'n, pwede na ho ba akong mag-mall? Pawala lang ng stress, hehehe." Napailing ako. "Yes and no." "H-ho?" nagtatakang tanong niya. "Yes, dahil may pupuntahan tayo. No, dahil honeymoon natin ngayon." Halos mapatalon siya sa kinatatayuan niya. "A-ano ho? H-honeymoon natin?" Ngumiti ako at tumayo mula sa aking upuan, dahan-dahang lumapit sa kanya. "Yes. And stop calling me boss. Just call me hubby." "Pe-pero, bossβ€”" "Shhh..." Pinatigil ko siya, sabay taas ng kilay. Napalunok siya. "H-hubby..." Ngumiti ako sa narinig ko, pero halatang labag sa loob niya kaya masama ang tingin niya sa akin. "Bakit parang napipilitan ka?" tanong ko, nakataas ang isang kilay. "Gusto mo ba dito na lang tayo mag-honeymoon?" Bigla siyang napailing nang mabilis. "Sabi ko nga, hubby ang tawag

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) Β Β Β Chapter 286

    Chapter 286Janeth POV"Shit! Ang sakit ng ulo ko..." Napaungol ako habang marahang hinawakan ang aking noo. Ngunit natigilan ako nang mapansin kong hindi ito ang kwarto ko. Napabangon ako at napatingin sa paligid, nagtataka.Napako ang tingin ko sa isang picture frame."Shit! Shit! Bakit ako nandito sa kwarto ni boss?" Mabilis akong bumangon, sinikap kong hindi gumawa ng ingay habang dahan-dahang binuksan ang pinto. Ngunit halos mabangga ko si boss nang bigla siyang lumitaw sa harapan ko, nakakunot ang noo.Napalunok ako at pilit na ngumiti. "Hehehe… G-good morning, boss!""Follow me to the library.""Y-yes, boss..."Kinakabahan akong sumunod sa kanya. Ang daming tumatakbo sa isip koβ€”baka may nagawa akong mali? Baka tanggalin niya ako sa trabaho? Wag naman sana, Lord!Nang makarating ako sa harap ng library, nanlalamig na ang kamay ko sa kaba. Wala akong choice kundi kumatok.Tok! Tok! Tok!"Come in."Dahan-dahan akong pumasok at agad na nagmakaawa. "B-boss, kung ano man ang kasalana

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status