Chapter 115 Kinuha niya ang tray ko at dinala kami sa isang sulok ng cafeteria kung saan may mga nakahandang food containers. "Dito na lang ilagay para madali mong madala," aniya. Habang inilalagay ko ang natirang pagkain sa lalagyan, ramdam ko ang pasasalamat ko sa pagkakataong ito. Malaking bagay ang bawat pagkain na maiuuwi ko para sa kambal, lalo na sa hirap ng sitwasyon namin. "Salamat, Lia," sabi ko nang may ngiti, kahit halata ang hiya sa mukha ko. "Malaking tulong ito." Ngumiti lang siya at tumango. "Walang anuman, Kiera. Huwag kang mahihiya, okay? Isa pa, mukhang mabait naman si Sir Jammie. Parang talagang iniisip niya ang kapakanan ng mga empleyado dito." Napangiti ako nang bahagya. Kahit papaano, naramdaman kong may malasakit talaga ang kompanya sa mga katulad kong hirap sa buhay. Ngunit sa likod ng lahat ng ito, hindi ko pa rin maiwasang balikan ang iniisip ko tungkol sa misteryosong tingin ni Sir Jammie sa aking mga anak. Habang hawak ang container ng natirang pagka
Chapter 116 Habang ni-review ni Sir Jammie ang mga gawa ko, hindi ko maiwasang pigilin ang aking hininga. Ramdam na ramdam ko ang kaba at tensyon sa bawat segundo na lumilipas. Ngunit nang matagal na siya sa pagtingin sa mga papeles, ang aking hininga ay napalitan ng pagtataka nang bigla siyang magtanong, "Kumusta na ang kambal? Saan sila nag-aaral?" Agad akong napatingin sa kanya, hindi ko alam kung paano haharapin ang tanong na iyon. Hindi ko inexpect na tatanungin niya ang tungkol sa kanila. Para bang ang mga mata niyang asul ay naghahanap ng kasagutan, at ako naman ay hindi makasagot ng buo. "Ah... Ang kambal ko po," nagsimula ako, medyo naguguluhan. "Si John at si Jenny. Nag-aaral po sila sa isang public school malapit lang sa amin." Napansin ko na ang tono ko ay medyo nanginginig, kaya pilit kong tinangka na magpakatatag. "Bilog po ang kanilang mundo, sila ang dahilan kung bakit ako nag-pupursige sa trabaho. Nagsimula na po sila sa kindergarten." Hindi ko alam kung anong kla
Chapter 117 Pagdating ko sa mesa ni Ms. Clara, hinanda ko na ang sarili kong sabihin ang utos ni Sir Jammie tungkol sa cash advance. Pero bago ko pa mabuksan ang bibig ko, biglang bumukas ang pintuan ng opisina niya. "Kiera," tawag niya muli, kaya napalingon ako. Laking gulat ko nang makita ang seryosong ekspresyon sa mukha niya. Lumapit siya nang dahan-dahan, at bago pa ako makapagtanong, nagsalita siya. "Huwag ka nang dumaan kay Ms. Clara," sabi niya. "Ako na mismo ang magpapahiram sa'yo ng 10,000 pesos. Pero..." Tumigil siya, tinitingnan ako na parang may hinihintay na sagot. Napalunok ako, hinihintay ang susunod niyang sasabihin. "Basta siguraduhin mong dadalhin mo ang kambal bukas dito sa kompanya. Tamang-tama naman, Friday bukas at wala silang pasok, hindi ba?" tanong niya sa akin. Nagulat ako, pero sa kabila ng lahat, naramdaman ko rin ang ginhawa. Para bang nalutas na ang isa sa pinakamabigat kong problema. "Opo, Sir," sagot ko, pilit na nagpapakita ng ngiti kahit nal
Chapter 119Pagsapit ng alas-singko ng hapon, agad akong nag-ayos ng aking mga gamit. Sinilid ko ang tirang pagkain sa dala kong bag at nagmamadaling tumayo mula sa aking desk. Kailangan ko nang puntahan ang kambal sa kanilang school. Mabuti na lang at apat na gusali lang ang pagitan nito mula sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko, kaya hindi ako mahihirapan.Habang naglalakad palabas, iniisip ko kung ano ang magiging reaksyon ng kambal kapag sinabi kong isasama ko sila bukas sa opisina. Alam kong matutuwa sila, lalo na si Jenny na mahilig magtanong tungkol sa trabaho ko.Pagdating ko sa gate ng kanilang paaralan, nakita ko agad ang kambal na naghihintay. Si John ay tahimik na nakaupo sa bench, habang si Jenny naman ay masiglang kumakaway sa akin."Mommy!" sigaw ni Jenny, tumakbo siya papunta sa akin at niyakap ako. Sumunod naman si John, dala ang maliit niyang bag."Kamusta ang school niyo?" tanong ko sa kanila habang hinahaplos ang buhok ni John."Masaya po, Mommy!" sagot ni Jenny. "Sa
Chapter 120 Kinaumagahan ay tulad ng nasanayan ko, maaga akong nagising at balak mag handa ng almusal pero na alala ko na wala na pala kaming isasaing kaya agad akong lumabas sa bahay upang pumunta sa malapit na tindahan upang bumili ng isang kilong bigas, tatlong itlog at hotdog sinamahan ko na rin ng tuyo para sa akin. Habang bumibili ako ng mga kailangan sa tindahan, pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Pero sa likod ng lahat ng ginagawa ko, hindi maalis sa isip ko ang mga tanong tungkol kay Sir Jammie. Bakit ganoon na lamang ang interes niya sa kambal? Ano ang dahilan niya at kailangan niya silang makita? Pagkatapos kong makabili, dumiretso ako kay Aling Pising upang bayaran ang dalawang buwang upa. "Aling Pising, eto na po ang bayad ko sa renta," sabi ko habang iniabot ang pera. Tiningnan niya ako nang may halong gulat at tuwa. "Aba, Kiera, salamat naman at naiabot mo na. Akala ko talaga ay mahihirapan ka na naman," aniya habang inilalagay ang pera sa kanyang maliit na
Chapter 121 Ngumiti siya at biglang tumingin kay Jenny. "Jenny, gusto mo bang mag-juice o cookies?" tanong niya, na ikinagulat ko. Hindi ko inasahan na magiging ganito siya kabait sa mga anak ko. "Cookies po!" masayang sagot ni Jenny. "Ikaw, John? Anong gusto mo?" tanong niya kay John, na tahimik lang at medyo mahiyain. "Juice po," sagot ni John, halos pabulong. Tumawag si Sir Jammie sa intercom at nag-utos na dalhan kami ng snacks. Habang hinihintay namin ang pagkain, patuloy ang pagtitig niya sa kambal, parang hindi siya makapaniwala. Sa bawat segundo, mas lalo akong kinabahan. Ano kaya ang iniisip niya? Bakit parang may kakaiba sa mga tanong at kilos niya? "Ah, Sir Jammie. Maaari na ba kaming umalis? May gagawin pa akong trabaho sa table ko, at baka madisturbo kayo sa inyong trabaho," sabi ko nang may halong kaba. Tumingin siya sa akin, seryoso ang mukha pero kalmado ang tono. "No, I mean, sige lang magtrabaho ka. Pero dito muna sila sa opisina ko habang may ginagawa
Chapter 122 Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang sinabi ni Sir Jammie. Ang hawak niyang brown envelope ay tila mabigat na pasabog na hindi ko inaasahan. Ramdam ko ang pamumuo ng malamig na pawis sa noo ko habang nakatingin sa kanya, kasabay ng mabilis na tibok ng puso ko. "DNA test?" tanong ng ina ni Sir Jammie, halatang nabigla rin. Tumayo si Sir Jammie at inilapag ang envelope sa mesa. "Oo, Mom. Gusto kong kumpirmahin ang matagal ko nang kutob. Kaya pinakuha ko ng sample mula sa kambal kahapon. Ang resulta ay nandito." Bigla akong napaatras, halos hindi makapaniwala sa naririnig ko. "Ginawa mo iyon nang hindi ko nalalaman?" tanong ko, may halong gulat at galit. Huminga nang malalim si Sir Jammie bago sumagot. "Kiera, kailangan ko itong gawin. Ayokong magkamali sa isang bagay na kasinghalaga nito." "At ano ang lumabas sa resulta?" tanong ng ama ni Sir Jammie, malamig ang tono. Binuksan ni Sir Jammie ang envelope at dahan-dahang inilabas ang dokumento. Para ako
Chapter 123Jammie POV"Tarantado ka bang bata ka, Jammie?!" galit na sigaw ni Mommy habang mariing nakatingin sa akin. Halos hindi ako makatingin nang diretso sa kanya dahil ramdam ko ang bigat ng galit niya."Pinakawalan mo sila?! Ano bang iniisip mo, Jammie? Yun na nga! Andyan na yung pagkakataon para maging bahagi ka ng buhay ng kambal mo, hinayaan mo pang makalayo! Brandon, magsalita ka naman! Ang mga apo natin, Brandon!" dagdag pa niya habang umiikot sa opisina ko na parang hindi mapakali.Si Dad, sa kabilang banda, ay kalmado pa rin kahit paano. "Mahal, Heart, kalma lang. Bigyan natin ng oras si Kiera. Mukhang masyado siyang na-overwhelm sa lahat ng nangyari," mahinahong tugon ni Dad. Pero hindi iyon sapat para maibsan ang galit ni Mommy."Panahon na para panindigan mo ang ginawa mo, Jammie! Responsibilidad mo yan, hindi lang sa kambal kundi pati sa ina nila. Kailangan mo silang alagaan at... pakasalan mo si Kiera!" madiin niyang sabi habang tinuturo ako."Mommy, hindi ba pwede
Chapter 199Pagkatapos naming maisayos ang mga gamit ay umuwi kami sa mansyon kung saan kami nakatira pagsamantala. At bukas ay maaga kaming para sa pag blessing ng bago naming mansyon saka kami lilipat. Napahawak ako sa aking umbok na tiyan. "4 months na lang baby at lalabas kana d'yan," ngiti kong bulong habang hinahaplos ang tiyan ko. Habang nakaupo kami sa sasakyan papunta sa temporaryong mansyon, hindi ko pa rin maiwasang mag-isip tungkol sa mga susunod na buwan. Hindi ko na mahintindihan kung paano dumaan ang mga araw, at sa bawat araw na lumilipas, nararamdaman ko ang bigat ng pagiging ina, pati na rin ang excitement na makita ang magiging anak namin.Napansin ni Jimmie ang tahimik kong pagmumuni-muni. "Ano, baby? Anong iniisip mo?" tanong niya habang nagmamaneho, ang tono'y puno ng pag-aalala.Hinaplos ko ang tiyan ko, at ngumiti ng bahagya. "Wala, iniisip ko lang… kung paano ko haharapin ang pagiging nanay. Tumatanda na ako, Jimmie."Tumawa si Jimmie at pinigilan ang sarili
Chapter 198 Napanganga si Jimmie, pero hindi na siya nakapagsalita dahil agad akong tumayo, dala ang milkshake ko, at mabilis na lumapit sa crowd. "Hala, Jimmie, habulin mo si Claire! Baka magwala ‘yan kapag hindi niya nakita si Fyang!" natatawang sabi ni Kiera. "Wala na! Hindi ko na siya mapipigilan," sagot ni Jimmie, pero mabilis pa rin siyang tumayo para sundan ako. Si Jammie at Kiera ay sumunod din sa amin, tila natutuwa sa biglaan kong excitement. Pagdating namin sa main area ng mall, kitang-kita ko si Fyang, surrounded by bodyguards at may hawak pang bouquet ng flowers mula sa fans. Napahinto ako at napatingin lang sa kanya, para akong na-starstruck. "Oh my gosh, ang ganda niya," bulong ko habang nakahawak sa dibdib ko. Si Jimmie naman ay nakatayo sa tabi ko, halatang naguguluhan sa emotions ko. "So… ano ngayon, baby? Lalapitan mo ba siya?" Tumingin ako kay Jimmie at biglang napaluha ako sa sobrang tuwa. "Jimmie, gusto kong magpa-picture sa kanya!" Napakamot siya sa bat
Chapter 197 "Uh… hindi naman sa ganon," mabilis niyang sagot. "Pero mas importante ka kaysa sa kahit anong issue kay Anne." Napatingin ako sa kanya at napangiti nang bahagya. Well, good answer. Tumayo siya at lumapit sa akin. "May gusto ka pa bang kainin, baby? Ice cream? Fries? Kahit anong gusto mo, bibilhin ko." Si Kiera ay tumawa. "Mukhang ‘yan na ang magiging strategy mo every time may hormonal mood swings si Claire, ha." Tumawa ako nang mahina at tumango. "Sige na nga. Gusto ko ng strawberry milkshake." "On it!" mabilis na sagot ni Jimmie habang nagmamadaling umalis para umorder. Habang pinagmamasdan ko siyang naglalakad papunta sa counter, napangiti ako nang bahagya. Kahit na minsan naiirita ako, kahit na minsan may mga hindi ko maintindihang emosyon, alam kong wala akong dapat ipag-alala. Dahil si Jimmie? Mahal na mahal niya ako. At sa kabila ng lahat, ‘yon lang naman ang importante.Si Kiera naman ay nakangiti lang habang tumingin sa akin. "Claire, normal lang ‘yan. K
Chapter 196 Claire POV "Oh, safe pa siya—for now," madiin kong sabi habang nakatingin kay Jimmie. Kita ko ang bahagyang paglunok niya, na parang biglang kinabahan. Well, dapat lang. Napatingin ako kay Kiera, na hindi maitago ang amusement sa mukha niya. "Claire, okay ka lang?" tanong niya, pero halata namang pinipigilan niyang matawa. "Hmm?" Kinuha ko ang baso ko at uminom ng tubig, kunwari'y kalmado. "Oo naman. Bakit naman ako hindi magiging okay?" Napakamot sa batok si Jimmie. "Baby, wala talaga ‘yon. Kaibigan ko lang si Anne noon pa." "Noon pa." Ulit ko sa isip. At mukhang gusto pa niyang maging relevant hanggang ngayon. Umiling ako at pilit na ngumiti. "Oh, of course! Kaibigan mo lang naman pala siya, eh. Wala akong dapat ipag-alala, ‘di ba?" madiin kong sabi. "Oo naman!" mabilis niyang sagot, pero ramdam ko ang kaba sa boses niya. Si Jammie naman ay napahagikhik at bumulong kay Kiera. "Grabe, bro, mukhang may cold war kang aayusin mamaya," wika ni Jammie sa kanyang kamb
Chapter 195 Napangiti siya at umiling. "Honestly? Wala na talaga akong naramdaman. Nang makita ko siya, naisip ko lang, ‘Ah, okay, nandito siya.’ Pero nung lumingon ako kay Kiera at nakita kong okay lang siya, wala na. Wala nang ibang mahalaga," wika ni Jammie. Napangiti si Kiera at sinandal ang ulo sa balikat ni Jammie. "Good answer. Safe ka na matulog sa kama mamaya," agad na tugon ni Kieta dito. Nagtawanan kami ulit. Si Claire naman ay umiling at napatingin sa akin. "Buti na lang, Jimmie. Hindi ko kailangang dumaan sa ganyan, yung magseselos," lambing nitong sabi. Napangiti ako at hinawakan ang kamay niya. "Siyempre, baby. Wala nang ibang babae sa mundo ko kundi ikaw lang," proud kong sabi dito. Napatango si Claire, pero kita kong napangiti siya, kahit kunwari pa siyang seryoso. At sa huli, nagtuloy-tuloy lang ang masayang usapan namin. Alam kong kahit may dumaan mang multo ng nakaraan, hindi na nito magagambala ang matibay na pundasyon ng pagmamahalan nina Jammie at Kie
Chapter 194 Pagkatapos naming mamili, napagdesisyunan naming kumain sa isang restaurant sa loob ng mall. Habang naghihintay kami ng order, ramdam ko pa rin ang kakaibang aura mula kay Claire at Kiera. Tahimik lang silang nag-aayos ng gamit, pero halatang may natitira pang inis. Si Jammie naman ay mukhang kampante, pero alam kong naghahanap din siya ng paraan para mapalambot ang loob ni Kiera. Pag-upo namin, si Kiera ang unang nagsalita. “So, ano, ano’ng plano niyong gawin sa fan club niyo?” tanong niya habang ini-stir ang juice niya. Napatingin ako kay Jammie, na bahagyang natawa. “Uh, baka magpa-autograph signing na lang kami?” biro niya, pero agad siyang tinapunan ng matalim na tingin ni Kiera. Si Claire naman ay sinamaan din ako ng tingin. “Jimmie, sa susunod, baka gusto mong lagyan ng wedding photo natin ang suot mong t-shirt,” aniya, halatang nagpaparinig. Napangiti ako at agad na hinawakan ang kamay niya. “Baby, wala naman akong control sa iniisip ng ibang tao. Ang mahalaga
Chapter 194Nagtinginan sina Kiera at Jammie bago tumikhim ang asawa ng kakambal ko. "Eh kasi, parang... may gusto yata ‘yon kay Claire noon, di ba?"Natawa nang mahina si Claire habang sinandalan ako. "Hala, matagal na ‘yon! Crush lang naman niya ako noon, pero wala namang nangyari."Napangiti ako at inakbayan siya. "Wala akong pake kahit may nagkagusto sa'yo noon, love. Ang importante, ako ang pinakasalan mo!""Yieeeeee!" sabay na kantiyaw nina Jenny at John, na ikinatawa naming lahat."Grabe, Tito Jimmie, parang hindi tumatanda! Kinikilig pa rin kay Tita Claire!" sabi ni Jenny, na lalo pang nagpasaya sa hapunan namin.Maya-maya, dumating na ulit ang delivery mula kay Ramon, at agad naming tinikman ang kanyang specialty dessert. Habang kumakain, biglang sumeryoso si Jammie."Jimmie, kailan kayo lilipat sa bagong mansyon?" tanong niya.Napatingin ako kay Claire at ngumiti. "Siguro next week? Para may oras pa kami makapaghanda at para matulungan din sina Tatay at Nanay sa pag-aayos."
Chapter 192Habang sina Jammie at Kiera ay papunta na sa company, kami naman nina Mom, Dad, Claire, at ang dalawa kong makukulit na pamangkin ay papunta na sa bagong mansyon na bigay nila."Uncle Jimmie, ang laki ba ng bahay?" tanong ni John, habang nakadungaw sa bintana ng sasakyan."Oo naman! Sigurado akong magugustuhan niyo ni Jenny," sagot ko habang inakbayan si Claire."May swimming pool po ba?" excited namang tanong ni Jenny, halos mapatalon sa upuan.Napatawa si Mom. "Siyempre, meron! Para may paglalaruan kayo kapag bumisita kayo sa Tita Claire at Tito Jimmie niyo."Napansin kong mas lalo pang naging excited ang dalawa. Mukhang hindi lang kami ni Claire ang sabik makita ang bahay."Hay naku, siguradong sa pool muna ‘tong dalawang ‘to bago pa kami makapasok sa loob," natatawang sabi ni Dad habang binabagtas namin ang daan papunta sa subdivision kung saan naroon ang bagong bahay.Nang makarating kami, agad akong napahanga sa modernong mansion na nakatayo sa harapan namin. May mal
Chapter 191 "Siya nga pala, anak, Jimmie!" biglang sabi ni Dad, kaya napatingin ako sa kanya. "Bukas na bukas ay pwede niyo nang bilhan ang bagong mansyon na pinatayo ko para sa inyong mag-asawa." Napanganga ako sa narinig ko. "Ano po?! Mansyon?! Para sa amin ni Claire?!" gulat kong tanong, halos hindi makapaniwala. Tumango si Daddy Brandon at may ipinakita pang mga larawan sa kanyang phone. "Oo naman! Hindi ko hahayaang sa maliit na bahay lang kayo titira, lalo na't may parating kayong baby. Dapat maluwag at kumpleto ang magiging tahanan niyo!" Napalunok ako at napatingin kay Claire, na kitang-kita rin ang excitement sa kanyang mga mata. "T-talaga po, Dad?" nanginginig pa ang boses ng asawa ko. "Hindi lang 'talaga,' Claire! Sigurado!" sabat ni Mommy Heart na abot-tainga ang ngiti. "Gusto namin ni Daddy na magkaroon kayo ng sariling bahay na talagang para lang sa inyong pamilya." Biglang napatalon sa tuwa si Jenny at John. "Yay! May bagong bahay sina Tito at Tita! Pwede ba kamin