Chapter 123Jammie POV"Tarantado ka bang bata ka, Jammie?!" galit na sigaw ni Mommy habang mariing nakatingin sa akin. Halos hindi ako makatingin nang diretso sa kanya dahil ramdam ko ang bigat ng galit niya."Pinakawalan mo sila?! Ano bang iniisip mo, Jammie? Yun na nga! Andyan na yung pagkakataon para maging bahagi ka ng buhay ng kambal mo, hinayaan mo pang makalayo! Brandon, magsalita ka naman! Ang mga apo natin, Brandon!" dagdag pa niya habang umiikot sa opisina ko na parang hindi mapakali.Si Dad, sa kabilang banda, ay kalmado pa rin kahit paano. "Mahal, Heart, kalma lang. Bigyan natin ng oras si Kiera. Mukhang masyado siyang na-overwhelm sa lahat ng nangyari," mahinahong tugon ni Dad. Pero hindi iyon sapat para maibsan ang galit ni Mommy."Panahon na para panindigan mo ang ginawa mo, Jammie! Responsibilidad mo yan, hindi lang sa kambal kundi pati sa ina nila. Kailangan mo silang alagaan at... pakasalan mo si Kiera!" madiin niyang sabi habang tinuturo ako."Mommy, hindi ba pwede
Chapter 124 Matapos kong kumatok sa kapitbahay ni Kiera at tanungin ang nakatira doon tungkol kay Kiera at sa mga bata, sinabi niyang walang nabanggit si Kiera tungkol sa kanilang pupuntahan. Ngunit idinagdag niya, "Baka alam ng ama niya. Yun nga lang, nasa kulungan ang ama niya, di ba? Sa pagkakaalam ko, nakulong siya sa kasong may kinalaman sa isang formula ng pabango na ayaw niyang ibigay," sagot niya sa akin. Biglang tumatak sa isipan ko ang detalyeng iyon. Napahinto ako at naalala ang mga kuwento noon tungkol sa ama ni Kiera. Napagbintangan ito sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Napabuntong-hininga ako, may halong galit at lungkot. "Mrs, alam niyo po ba kung saang kulungan siya nakaditine?" tanong ko. "Sa Pampanga Provincial Jail, hijo. Doon siya dinala ilang taon na ang nakakaraan," sagot niya. Tumango ako bilang pasasalamat. "Salamat po, Mrs. Malaking tulong ito," pagpapasalamat ko dito. Habang naglalakad pabalik sa sasakyan, hindi ko maiwasang isipin ang hirap na p
Chapter 125Napabuntong-hininga si Kiera saka nakaluhod sa harap ng kambal. Kitang-kita ko ang kaba sa kanyang mukha habang iniintindi niya ang nararamdaman ng mga bata. Si Jenny at John ay parehong nakatingin sa kanya, halatang naguguluhan ngunit nakikinig nang mabuti."Mga anak," patuloy ni Kiera, mahigpit na hawak ang kamay nila, "siya ang daddy niyo. Noong una, hindi ko alam na siya ang ama niyo dahil hindi sinasadya ang gabing iyon. Pero kahit papaano, iyon ang naging dahilan kung bakit kayo dumating sa buhay ko. At sa totoo lang, iyon ang pinakamagandang nangyari sa akin."Halos hindi ako makagalaw habang nakikinig ako sa bawat salita niya. Puno ng pagmamahal ang boses niya para sa kambal. Pero ramdam ko rin ang takot niya na baka hindi nila ako matanggap.Tahimik ang kambal sandali. Si John ang unang nagsalita. "Siya po ba talaga, Mommy? Siya ang daddy namin?" tanong niya, habang tinitingnan ako ng kanyang mala-dagat na mataโmga mata na tila salamin ng akin.Tumango si Kiera, p
Chapter 126 "U-upo po pala kayo, pasensya na sa bahay namin at makalat. Kararating lang din namin galing sa paglalayas," ngiwing sabi ni Kiera habang iniwasan ang tingin sa amin. Napatingin ako sa paligid. Bagamat maliit ang bahay, maayos itong tingnan. Halatang pinilit niyang gawing komportable ang lugar para sa mga bata, kahit na nasa alanganing sitwasyon siya. "Ayos lang, iha," sagot ni Mommy Heart na may ngiti sa kanyang labi. "Hindi importante ang bahay. Ang mahalaga ay kayo ng mga bata." Tumango si Daddy Brandon habang umupo sa pinakamalapit na upuan. "Kiera, hindi mo kailangang humingi ng pasensya. Naiintindihan namin ang pinagdadaanan mo." Tahimik lang ako habang pinagmamasdan si Kiera na abala sa pagsasaayos ng mga laruan ng kambal. Napansin ko ang kaba sa kanyang kilos, kaya nagsalita ako para maibsan ang tensyon. "Kiera, hindi kami nandito para husgahan ka. Nandito kami para magkausap tayo nang maayos... para sa mga bata," sabi ko nang mahina ngunit seryoso. N
Chapter 127 "Hanggang natapos na kaming kumain, tutulong sana ako sa pag-aayos ng lamesa pero pinigilan niya ako. "'Wag na, Sir Jammie. At isa pa, may pamahiin kasi kami," sabi niya na may ngiti at bahagyang pagngiwi. Nagtaka ako at napakunot ang noo. "Anong pamahiin naman 'yun?" tanong ko, habang nakatingin sa kanya. "Kapag daw may bisitang tumulong sa pagliligpit pagkatapos kumain, hindi na raw sila babalik," paliwanag niya, na halatang nahihiya pero seryoso. Natawa nang bahagya si Mommy Heart. "Ay, ganun ba? Naku, hindi naman kami naniniwala sa pamahiin na 'yan. Pero sige, igagalang namin ang paniniwala ninyo," wika ni mommy dito. Tumayo na si Kiera at nagsimulang magligpit ng pinggan. "Salamat po sa pang-unawa. Ayoko rin po kasing isipin ng mga matatanda rito na pinapabayaan ko kayo," nahihiyang sabi niya sa amin. Tumingin ako sa mga bata na masayang nagkukulitan pa rin habang kumakain ng dessert. Napangiti ako sa eksenang iyon. Ang simpleng pamumuhay nila ay may kakaiban
Chapter 128Kinabukasan, maagang nagising si Kiera. Habang abala siya sa paghahanda ng almusal, ramdam ko ang sariwang hangin mula sa labas. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at tinungo ang kusina. Nakita ko siyang nakatalikod, nagluluto ng pritong itlog at tuyo, at may nilagang kape sa gilid ng kalan."Magandang umaga," bati ko sa kanya. Napalingon siya at bahagyang ngumiti."Magandang umaga rin po, SirโI mean, Jammie," sagot niya.Napailing ako at bahagyang natawa. "Kiera, ilang beses ko bang sasabihin? Jammie na lang, okay?"Tumango siya, bagamat halata pa rin ang hiya sa kanyang mukha. "S-sige po. Mag-aalmusal na po tayo pagkatapos nito."Ilang saglit pa, dumating na sina Mommy Heart at Daddy Brandon mula sa silid. Kasunod nila ang kambal na tuwang-tuwang nagkukulitan. Napangiti ako sa kanila."Good morning, mga apo!" masayang bati ni Mommy Heart habang niyakap si Jenny at John."Good morning po, Mommy Heart!" masiglang tugon ng kambal.Habang kumakain kami, pinag-usapan namin ang pl
Chapter 129Ngumiti ang matanda, pero halata ang lungkot sa kanyang mga mata. "Walang anuman, iha. Basta't alagaan mo ang sarili mo at ang mga bata."Tumango si Kiera, sabay halik sa pisngi ng kanyang tiyahin. "Pangako po, Tiya. Hindi ko kayo makakalimutan."Hindi ko napigilang mapansin ang init ng relasyon ni Kiera sa kanyang tiyahin. Lumapit ako at bahagyang yumuko bilang pagbibigay-galang. "Maraming salamat po sa pag-aalaga kay Kiera at sa kambal," sabi ko.Ngumiti ang matanda sa akin. "Kayo po ba ang ama ng kambal?" tanong nito, habang tumitingin nang diretso sa akin."Opo," sagot ko, walang pag-aalinlangan. "At sisiguraduhin kong maibibigay ko ang lahat ng kailangan nila."Tumingin ito kay Kiera at ngumiti nang bahagya. "Iha, mukhang nasa mabuti ka nang mga kamay," sabi niya kay Kiera. "Sige na, mag-ingat kayo sa biyahe."Muling nagpasalamat si Kiera bago kami bumalik sa sasakyan. Habang naglalakad siya pabalik, napansin ko ang bahagyang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata."Baki
Chapter 130 Nakita kong sumimangot si Jenny, pero tumango siya sa wakas. "Opo, Daddy. Pero sana po, huwag nating kalimutan na dalawin siya, ha?" sabi niya, halatang nagpipigil ng lungkot. "Hindi natin kakalimutan, Jenny," sabat ni Mommy Heart mula sa likuran. "Gusto rin naming makita ang Lolo ninyo. Napag-usapan na nga namin ng Daddy Brandon ninyo kung paano namin siya matutulungan," dagdag niya na may ngiti upang maibsan ang lungkot ng mga bata. "Talaga po?" tanong ni John, biglang nagliwanag ang mukha. "Oo naman," sabi ni Daddy Brandon. "Gusto naming makilala ang Lolo ninyo at siguraduhin na maayos ang kanyang kalagayan. Huwag kayong mag-alala, anak." Nakita kong ngumiti na ang kambal, bagamat halata pa rin ang pag-aalala sa kanilang mga mata. Napatingin naman ako kay Kiera, na tahimik lang sa kanyang kinauupuan. Alam kong iniisip niya ang hirap na dinaranas ng kanyang ama, pero nagawa pa rin niyang ngumiti sa kambal. "Salamat, Jammie," mahinang sabi ni Kiera habang nakatingin
Chapter 272 Janith POV Tahimik akong nakatayo sa harapan ng pintuan habang pinagmamasdan ang eksena sa harapan ko. Si Emerald, ang aking anak, ay may bitbit na malaking sorpresa. Lahat kami ay nag-aabang ng kasunod niyang sasabihin matapos niyang ipakilala ang lalaking kasama niyaโsi Jaycob Santos. Napansin kong kahit si Brandon, ang asawa ko, ay tila nagtataka rin. Hindi niya iniwan ang tingin kay Jaycob, na sa kabila ng tensyon sa paligid ay nananatiling kalmado. Huminga ako nang malalim at lumapit sa kanila. Sa loob-loob ko, alam kong may rason kung bakit ngayon lang ipinakilala ni Emerald ang lalaking ito. At bilang ina, ramdam ko ang kaba sa kanyang postura. Ngumiti ako at mahinahong tinanong, "Emerald, sino ba talaga si Jaycob sa buhay mo?" Nakita kong bahagyang nanigas ang balikat ng anak ko bago niya ako tiningnan. Alam kong sinusubukan niyang buuin ang tamang sagot sa isip niya. "Mom..." saglit siyang tumigil at tila nag-ipon ng lakas ng loob. "Si Jaycob... siya ang fi
Chapter 271Napatingin kami lahat kay Mom nang bigla tumunog ang kanyang phone kaya agad niyang sagutin ang tawag. Si Emerald pala ang tumatawag. Tahimik kaming nakinig habang kausap niya si Mom."Anak, totoo ba โyan? Susunod na linggo ka pa makakauwi?" tanong ni Mom, halatang may bahagyang pag-aalala sa boses niya.Narinig kong bumuntong-hininga si Emerald sa kabilang linya. "Oo, Mom. Pasensya na, may biglaang bagyo dito. Na-cancel ang flight ko at hindi pa sigurado kung kailan ako makakakuha ng bagong schedule."Napansin kong medyo nag-aalala rin si Dad, kaya sumingit siya sa usapan. "Sigurado ka bang ligtas ka diyan, Emerald? Baka naman delikado โyang sitwasyon mo.""Okay lang ako, Dad. Nasa hotel lang ako at safe naman dito. Wala namang dapat ipag-alala," sagot ni Emerald. "Pero pasensya na talaga, hindi ko kayo makakasama agad."Sumingit si Sarah sa usapan, malakas ang boses. "Emerald! Sigurado ka bang wala kang kasamang special someone diyan, ha? Baka naman kaya ka naantala sa p
Chapter 270Napabuntong-hininga ako, sabay lingon kay Sarah. "Mukhang magiging masaya at magulo ang mga susunod na araw โpag nagkita-kita kaming lahat."Natawa siya at tumango. "At sigurado akong hindi lang simpleng reunion ang mangyayari. Feeling ko, may malaking pasabog na naman ang pamilya mo.""At kapag nangyari โyun, love, ipapaubaya ko na sa โyo ang damage control," biro ko, sabay tawa.Sabay-sabay kaming natawa, habang ang excitement sa puso ko ay lalong lumakas. Matagal ko nang hindi nakakasama ang mga kapatid ko, pero sa pagkakataong ito, alam kong magiging espesyal ang muling pagsasama namin."Pero dad mom, nag-alala ako sa kakambal ko na si Emerald. Sa edad niyang 31 ay wala pa siyang pinakilala sa atin na nobyo niya."Napatingin ako kay Mommy at Daddy habang hinihintay ang sagot nila. Alam kong hindi lang ako ang nag-iisip nitoโpati sila, sigurado akong nag-aalala rin."Oo nga, Mommy, Daddy," dugtong ni Sarah. "Lahat ng kapatid ni Emer, kahit paano, may mga naging karelasy
Chapter 269 Maaga pa lang ay abala na kaming lahat sa paghahanda para sa pagdating nina Mommy Janith at Daddy Jayson. Si Manang Inday ay nasa kusina, abalang nagluluto ng paborito nilang mga putahe, habang si Sarah naman ay nag-aayos ng mesa kasama ang triplets. "Mommy, ako na po ang maglalagay ng bulaklak sa lamesa!" sigaw ni Erwin habang maingat na hawak ang isang maliit na plorera. "Ako naman po sa mga kutsara at tinidor!" sabat ni Ethan, sabay kuha ng mga utensils mula sa tray. "Ako po sa baso!" dagdag ni Eralyn, halos hindi maabot ang lamesa kaya tinulungan siya ni Sarah. Napangiti ako habang pinagmamasdan silang masigasig sa kanilang mga gawain. Ang saya nilang tumutulong, at ramdam ko ang excitement nila na makita ulit sina Lola at Lolo nila. Lumapit ako kay Sarah at marahang hinalikan ang kanyang noo. "Love, ayos na ba ang lahat?" tanong ko. "Oo naman," sagot niya habang inayos ang isang lobo na nakasabit sa dingding. "Wala nang kulang, at mukhang sobrang excited
Chapter 268Emer POV"Halika na, Mrs. Hanson. Matutulog na din tayo," sabi ko sa akin asawa. "Hmm, tulong lang, Emer. Walang loving-loving muna 'ha?" tugon niya sa akin. Agad ako napakamot sa aking batok sabay tawa ng mahina. "Ang harsh mo naman, love," biro ko habang tinutulungan siyang mahiga sa kama. "Eh paano kung gusto ko lang yakapin ang misis ko?" dagdag ko, sabay hila sa kanya palapit.Napatingin siya sa akin ng masama pero halatang pigil ang ngiti. "Ewan ko sa'yo, Emer. Matulog ka na nga."Humiga siya ng maayos at ipinikit ang mga mata, pero hindi ko mapigilang titigan ang mukha niyang kalmado at maganda kahit pagod. Lumapit ako ng kaunti at marahang hinaplos ang kanyang pisngi."Alam mo, kahit ilang taon na tayong kasal, hindi pa rin ako nagsasawang titigan ka."Dumilat siya at sinamaan ako ng tingin. "Emer, gusto mo bang lumipat ng kama at matulog sa tabi ng triplets?"Napatawa ako at agad na niyakap siya. "Joke lang, love! Good night na. Sweet dreams."Huminga siya nang
Chapter 267Hanggang sa makarating kami sa aming mansion. Pagkababa namin ng sasakyan, agad akong lumingon kay Dad at ngumiti."Dad, salamat sa paghatid sa amin," wika ko nang may pasasalamat."Bye-bye, Lolo! Bye-bye, Lola!" sabay-sabay na sigaw ng mga anak kong sina Erwin, Ethan, at Eralyn habang masayang kumakaway.Napangiti si Mom at hinaplos ang buhok ng isa sa kanila. "Behave kayo ha," paalala niya. "Wag kayong pasaway sa Mommy at Daddy ninyo, Erwin, Ethan, at Eralyn!" dagdag pa niya sa malambing ngunit may diin na tono."Opo, Lola!" sagot nilang tatlo na parang koro."Bye din po sa inyo, Tita Claire at Tito Jimmie!" dagdag pa nila bago mabilis na tumakbo papasok sa gate ng mansion, puno ng sigla at excitement."Bye, Mom, Dad, Claire at Jimmie!" ngiti kong sabi. "Ingat kayo sa biyahe," dagdag kong sabi."Salamat, anak Sarah. Sige na pumasok muna kayo ni Emer saka kami aalis!" tugon ni Dad.Hinawakan ni Emer ang kamay ko at marahang hinila papasok ng gate. "Tara na, love. Baka gin
Chapter 265Nagkatinginan si John at Jenny, halatang may iniisip. "Gusto namin something adventurous!" sagot ni John."Tama!" dagdag ni Jenny. "Gusto naming mag-outing, siguro sa beach o kaya camping!""Naks naman, parang teen na teen na talaga kayo," sabi ni Jammie, kunwaring natutulala. "Parang kahapon lang, ang hilig ninyong maglaro ng stuffed toys at magpabitbit kay Mommy Heart.""Uy, Tito! Huwag mo nang ibuking!" nahihiyang sabi ni Jenny habang namumula ang pisngi.Muling nagtawanan ang lahat."Okay, so Avengers theme para sa triplets, at adventure naman para sa kambal. Mukhang magiging busy tayo sa susunod na buwan," sabi ni Kiera habang nakangiti."Siyempre! Pero worth it naman, kasi para sa mga bata," sagot ko.Tumingin ako sa paligid, sa mga ngiti at tawanan ng pamilya namin. Walang katumbas ang ganitong saya. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan namin noon, heto kami ngayonโbuo, masaya, at walang katumbas ang pagmamahal sa isa't isa.At sa isip ko, isa lang ang dasal ko: Sana,
Chapter 264Sarah POVNapangiti ako habang pinagmasdan ang tatlong maliliit kong pamangkin. Miss ko na rin mag-alaga ng sanggol. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang ay karga-karga ko rin ang triplets koโngayon ay malapit na silang magpitong taong gulang sa March 5.Kasabay nilang magdiriwang ng kaarawan ang dalawa ko pang pamangkin na sina Jace at Jasmine, ang kambal nina Jimmie at Claire. Napakabilis ng panahon, parang kahapon lang, mga babies pa sila.Lumapit sa akin si Jimmie habang karga si Jasmine. "Sarah, naisip mo na ba kung paano natin ipagdiriwang ang birthday ng mga bata?" tanong niya.Napaisip ako saglit bago sumagot. "Well, since sabay-sabay naman silang magbi-birthday, naisip ko na baka puwede tayong mag-organize ng isang malaking party para sa kanila. Masaya โyun, lalo naโt mahilig sila sa Avengers. Puwede tayong magpa-theme party!"Napatango si Claire na nakikinig sa usapan namin. "Oo nga! Naalala ko, ilang beses nilang binanggit na gusto nilang maging superheroes
Chapter 263 Napuno ng tawanan ang buong hardin habang ang mga bata ay patuloy sa kanilang laro. Kami namang mga nakatatanda ay nagkatinginan ni Jammie at Jimmie, parehong natutuwa sa kasiyahan ng pamilya. โSobrang saya nila,โ bulong ko kay Kiera. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti. โOo nga. Wala nang hihigit pa sa ganitong saya, โdi ba? Buo ang pamilya, masaya ang lahat.โ Napatingin ako sa paligidโsa aming mga anak na inaalagaan nina John at Jenny, sa aming mga magulang na masayang pinagmamasdan ang kanilang mga apo, at sa aming mga kapatid na punong-puno ng tawanan at pagmamahal. "Sandali, ang daya naman. Ang dami na ninyo tapos ako lang ang mag-isa," reklamo ni Emer na ikinatawa naming lahat. Napatingin sila sa amin ni Jimmie kaya napangiti ako. "Hmm, mukhang isasali kayo sa habulan Jammie," sabi sa aking asawa na si Kiera. "So, sasali tayo. Bal? ngiti kong tanong kay Jimmie. " Tito Jammie, Daddy sali na kayo!" sigaw sa aking pamangkin na anak ni Jimmie na si Jace