Chapter 126 "U-upo po pala kayo, pasensya na sa bahay namin at makalat. Kararating lang din namin galing sa paglalayas," ngiwing sabi ni Kiera habang iniwasan ang tingin sa amin. Napatingin ako sa paligid. Bagamat maliit ang bahay, maayos itong tingnan. Halatang pinilit niyang gawing komportable ang lugar para sa mga bata, kahit na nasa alanganing sitwasyon siya. "Ayos lang, iha," sagot ni Mommy Heart na may ngiti sa kanyang labi. "Hindi importante ang bahay. Ang mahalaga ay kayo ng mga bata." Tumango si Daddy Brandon habang umupo sa pinakamalapit na upuan. "Kiera, hindi mo kailangang humingi ng pasensya. Naiintindihan namin ang pinagdadaanan mo." Tahimik lang ako habang pinagmamasdan si Kiera na abala sa pagsasaayos ng mga laruan ng kambal. Napansin ko ang kaba sa kanyang kilos, kaya nagsalita ako para maibsan ang tensyon. "Kiera, hindi kami nandito para husgahan ka. Nandito kami para magkausap tayo nang maayos... para sa mga bata," sabi ko nang mahina ngunit seryoso. N
Chapter 127 "Hanggang natapos na kaming kumain, tutulong sana ako sa pag-aayos ng lamesa pero pinigilan niya ako. "'Wag na, Sir Jammie. At isa pa, may pamahiin kasi kami," sabi niya na may ngiti at bahagyang pagngiwi. Nagtaka ako at napakunot ang noo. "Anong pamahiin naman 'yun?" tanong ko, habang nakatingin sa kanya. "Kapag daw may bisitang tumulong sa pagliligpit pagkatapos kumain, hindi na raw sila babalik," paliwanag niya, na halatang nahihiya pero seryoso. Natawa nang bahagya si Mommy Heart. "Ay, ganun ba? Naku, hindi naman kami naniniwala sa pamahiin na 'yan. Pero sige, igagalang namin ang paniniwala ninyo," wika ni mommy dito. Tumayo na si Kiera at nagsimulang magligpit ng pinggan. "Salamat po sa pang-unawa. Ayoko rin po kasing isipin ng mga matatanda rito na pinapabayaan ko kayo," nahihiyang sabi niya sa amin. Tumingin ako sa mga bata na masayang nagkukulitan pa rin habang kumakain ng dessert. Napangiti ako sa eksenang iyon. Ang simpleng pamumuhay nila ay may kakaiban
Chapter 128Kinabukasan, maagang nagising si Kiera. Habang abala siya sa paghahanda ng almusal, ramdam ko ang sariwang hangin mula sa labas. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at tinungo ang kusina. Nakita ko siyang nakatalikod, nagluluto ng pritong itlog at tuyo, at may nilagang kape sa gilid ng kalan."Magandang umaga," bati ko sa kanya. Napalingon siya at bahagyang ngumiti."Magandang umaga rin po, Sir—I mean, Jammie," sagot niya.Napailing ako at bahagyang natawa. "Kiera, ilang beses ko bang sasabihin? Jammie na lang, okay?"Tumango siya, bagamat halata pa rin ang hiya sa kanyang mukha. "S-sige po. Mag-aalmusal na po tayo pagkatapos nito."Ilang saglit pa, dumating na sina Mommy Heart at Daddy Brandon mula sa silid. Kasunod nila ang kambal na tuwang-tuwang nagkukulitan. Napangiti ako sa kanila."Good morning, mga apo!" masayang bati ni Mommy Heart habang niyakap si Jenny at John."Good morning po, Mommy Heart!" masiglang tugon ng kambal.Habang kumakain kami, pinag-usapan namin ang pl
Chapter 129Ngumiti ang matanda, pero halata ang lungkot sa kanyang mga mata. "Walang anuman, iha. Basta't alagaan mo ang sarili mo at ang mga bata."Tumango si Kiera, sabay halik sa pisngi ng kanyang tiyahin. "Pangako po, Tiya. Hindi ko kayo makakalimutan."Hindi ko napigilang mapansin ang init ng relasyon ni Kiera sa kanyang tiyahin. Lumapit ako at bahagyang yumuko bilang pagbibigay-galang. "Maraming salamat po sa pag-aalaga kay Kiera at sa kambal," sabi ko.Ngumiti ang matanda sa akin. "Kayo po ba ang ama ng kambal?" tanong nito, habang tumitingin nang diretso sa akin."Opo," sagot ko, walang pag-aalinlangan. "At sisiguraduhin kong maibibigay ko ang lahat ng kailangan nila."Tumingin ito kay Kiera at ngumiti nang bahagya. "Iha, mukhang nasa mabuti ka nang mga kamay," sabi niya kay Kiera. "Sige na, mag-ingat kayo sa biyahe."Muling nagpasalamat si Kiera bago kami bumalik sa sasakyan. Habang naglalakad siya pabalik, napansin ko ang bahagyang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata."Baki
Chapter 130 Nakita kong sumimangot si Jenny, pero tumango siya sa wakas. "Opo, Daddy. Pero sana po, huwag nating kalimutan na dalawin siya, ha?" sabi niya, halatang nagpipigil ng lungkot. "Hindi natin kakalimutan, Jenny," sabat ni Mommy Heart mula sa likuran. "Gusto rin naming makita ang Lolo ninyo. Napag-usapan na nga namin ng Daddy Brandon ninyo kung paano namin siya matutulungan," dagdag niya na may ngiti upang maibsan ang lungkot ng mga bata. "Talaga po?" tanong ni John, biglang nagliwanag ang mukha. "Oo naman," sabi ni Daddy Brandon. "Gusto naming makilala ang Lolo ninyo at siguraduhin na maayos ang kanyang kalagayan. Huwag kayong mag-alala, anak." Nakita kong ngumiti na ang kambal, bagamat halata pa rin ang pag-aalala sa kanilang mga mata. Napatingin naman ako kay Kiera, na tahimik lang sa kanyang kinauupuan. Alam kong iniisip niya ang hirap na dinaranas ng kanyang ama, pero nagawa pa rin niyang ngumiti sa kambal. "Salamat, Jammie," mahinang sabi ni Kiera habang nakatingin
Chapter 131 Makikita ko sa kanyang mga galak na galak na mukha ang sabik na magkaroon ng koneksyon sa mga bata, at marahil ay may malaking puwang sa kanyang puso na nais mapunan. Ang bawat tanong at sagot ni Sarah ay puno ng malasakit, at alam kong unti-unti nilang magtatagumpayan ang mga unang sandali ng kanilang pagkakakilala. Pinagmamasdan ko sila ng may pagmumuni, natutunan kong ang bawat hakbang na nagaganap ngayon ay isang magandang simula ng isang bagong kwento para sa aming pamilya. Habang hawak-hawak ni Sarah ang kamay ng kambal, tumingin siya sa akin at nagpatuloy. "Hali kayo, ipapakita ko sa inyo ang magiging silid ninyo dito sa mansyon. Sigurado akong magugustuhan ninyo," sabi ni Sarah, ang mga mata niya ay kumikislap sa excitement. "Ay, sandali, Kuya Jammie, ikaw na lang ang mag-utos sa chef cook natin na ipaghanda kayo ng pinakamasarap na hapunan. Naku, sigurado matutuwa si Kuya Jimmie kapag nalaman niyang dito kayo." Napangiti ako sa mga sinabi niya, ngunit sa kabil
Chapter 132Kiera POVHabang kumakain kami, hindi ko maiwasang mapansin kung gaano kaganda ang hapag-kainan nila. Ang long table ay puno ng masasarap na pagkain, at ang bawat detalye—mula sa pinggan hanggang sa mga nakahain—ay halatang pinaghandaan. Hindi ako sanay sa ganitong karangyaan, pero pilit kong itinago ang kaba ko para sa mga bata.Napatingin ako kay John at Jenny na abala sa pagkain. Halata sa kanilang mga mukha ang saya, lalo na nang magtanong si John, "Mommy, ang sarap po ng pagkain! Ganitong-ganito ba palagi dito sa bahay ni Daddy?"Ngumiti lang ako bilang sagot, pero bago pa ako makapagsalita, sumagot na si Jammie. "Gusto kong maranasan ninyo ang pinakamaganda habang narito kayo. Ang mahalaga, masaya kayong lahat."Napatingin ako kay Jammie. Bakit ganito? Napakabait niya sa mga bata... pati na rin sa akin. Para bang pilit niyang pinaparamdam na kaya niyang punan ang mga pagkukulang ko bilang magulang."Mommy Kiera, tikman mo po itong baked salmon! Ang sarap!" sabi ni Je
Chapter 133 Ngunit ngumiti lang ako at mahinahong nagsabi, "Huwag po kayong mag-alala, sanay naman po akong gumawa ng mga gawaing bahay. Sa amin po, ako rin po ang gumagawa ng ganito." Tila nahihiya pa rin sila, pero nang makita nilang talagang pursigido ako, pinayagan nila akong tumulong. Habang nag-aayos ng plato at naglalagay ng pagkain, mas lalo akong naging komportable. Hindi ko maiwasang mag-isip habang nagtatrabaho. Ang simpleng gawaing ito ay parang nagpapagaan ng loob ko. Ito ang nakasanayan ko, at kahit nasa marangyang mansyon ako, parang nagiging mas natural ang lahat kapag abala ako sa ganitong mga bagay. Maya-maya pa, narinig ko ang mga yabag sa hagdan. Napatingin ako at nakita si Mommy Heart na bumaba. Nagulat siya nang makita akong abala sa kusina. "Kiera, anong ginagawa mo riyan?" tanong niya, halatang nagtataka pero may halong ngiti. "Ah, Mommy Heart, nag-decide lang po akong tumulong dito. Sanay naman po ako sa ganito, at gusto ko rin pong maging kapaki-pa
Author’s Note Maraming salamat sa lahat ng nagbasa at sumubaybay sa kwentong ito. Isa itong kwento ng pagmamahal, pamilya, at tunay na pagkakaibigan—mga bagay na hindi nasusukat ng panahon o distansya. Sa kabila ng mga pagsubok, sa dulo ng lahat, ang mahalaga ay ang mga taong nananatili sa ating tabi, anuman ang mangyari. Ang pagsusulat ng kwentong ito ay isang magandang paglalakbay, at umaasa akong naiparamdam ko sa inyo ang tamis ng pag-ibig at ang halaga ng matibay na samahan. Hanggang sa susunod nating kwento! — INDAY STORIES Sana sabay-sabay ang kwento ni Althea qt Angie ang dalawang pa nilang magkaibigan sa Book #2 at suportahan po ninyo ang bago kong story upang makapasok man lang sa ranking pamamagitan pag vote po ninyo ang THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE. Maraming salamat po....
Chapter 293 The Last Chapter. Kinabukasan Habang abala ako sa pag-aayos ng mesa para sa almusal, biglang nag-ring ang aking phone. Agad kong sinagot ito nang makita ang pangalan ng tumatawag. "Bruha! Guess what?!" sigaw sa kabilang linya. Napangiti ako. "Angie?! Diyos ko, ang aga-aga, sigaw ka agad!" sagot ko, pero hindi ko maitago ang excitement sa boses ko. "Alam mo bang andito na ako sa bansa? At hindi lang ako—kasama ko si Heart!" Halos mabitiwan ko ang phone sa sobrang tuwa. "What?! Totoo ba ‘yan?! Kailan pa?! Nasaan kayo ngayon?!" "Surprise! Nasa harap na kami ng bahay mo!" Napamura ako sa gulat at dali-daling tumakbo palabas. Pagbukas ko ng pinto, tumambad sa akin sina Angie at Heart, parehong nakangiti nang malapad habang kumakaway. "Bruhaaaaaa!!!" sigaw ko sabay takbo at niyakap silang dalawa ng mahigpit. "Althea, dahan-dahan naman! Para kang toro!" natatawang reklamo ni Heart pero niyakap niya rin ako pabalik. "Grabe, ang tagal nating ‘di nagkita! Parang kailan
Back to Present “Oh my gosh, Mommy. Nakakilig naman ang love life ninyo ni Dad!” sabi ni Elena habang nakangiti at yakap-yakap ang unan niya. “Parang sa pelikula lang! Ang daming eksena, tapos may action, comedy, at super sweet na moments!” Napatawa ako sa reaksyon ng anak ko. “Talaga, anak?” “Oo naman! Grabe, Mommy, hindi ko in-expect na si Daddy pala ‘yung laging napag-tripan ni Tito Brandon at Tito Kurt noon! Tapos ikaw pa ‘yung strong and independent woman na kinatatakutan nila dati? Wow! Goals!” Napangiti ako at tinignan ang asawa kong nakaupo sa tabi ko. Nakangiti rin ito habang nakikinig sa amin. “Pero Mommy, ang pinaka-nakakatawa talaga—‘yung kay Tito Brandon at kay Nurse Heart! Ano kaya nangyari sa kanila after no’n? Diba parang may something?” tanong ni Elena, sabik na malaman ang sumunod na kwento. Napatingin ako sa asawa ko, at kita ko ang pag-iling niya na may halong tawa. “Huwag mong sabihin sa’kin na gusto mong marinig ang love story ni Brandon?” “Yes, Mom
Chapter 291Final ChapterTahimik ang silid nang biglang marinig ko ang boses ni Kurt—pero parang may halong boses ni Brandon habang nagsasalita siya.“Ilang views na ba ‘yan?” tanong ni Kurt, kaya nagtataka ako. Hindi muna ako nagpahalata na kanina pa akong gising.“Walang hiya, bro! Malapit nang maabutan ang sayo! Hahaha!” sagot ni Brandon. Napilitang akong bumangon sa kama.“Views? Ano na namang pinag-uusapan n’yo, Kurt?”“Oh, gising ka na pala, Jay,” sagot niya. “Akalain mo ‘yon, isang bully ni Kurt noon, hinimatay sa delivery room? Hahaha!” sabat ni Althea, may halong panunukso.“Ang pangit ng mukha mo, bro, nung lumabas ka sa delivery room! Mukha kang takot na takot! Hahaha!” dagdag pa ni Brandon, lalong ginagatungan ang asaran.“Hoy, Brandon! Baka mas malala pa sayo ‘yan kapag nag-asawa ka,” sagot ko.“No, no, no! Hindi mangyayari ‘yon, bro!” mabilis niyang tanggi.Biglang bumukas ang pinto at lumabas ang isang nurse. “Hello, everyone! Andito na ang mga cute-cute na babies!”Do
Chapter 290 Jayson POV Four Years Later “Mom, good morning!” sabay tawag ng tatlong taong gulang na kambal naming sina Emerson at Esmerald habang masiglang tumatakbo papunta kay Janeth. “Good morning, babies!” Masayang sinalubong ni Janeth ang dalawa at hinalikan sa pisngi. “Good morning din, Hubby…” malambing niyang bati sa akin. “Good morning too, Wife…” sagot ko naman, sabay halik sa kanyang labi. “Ewww! Nakakadiri ka, Dad! Hindi pa nga nagbabrush si Mommy ng teeth,” reklamo ni Eme habang patawa-tawang sumampa sa kama at tumatalon-talon pa. “Careful, Eme, baka madaganan mo ang tummy ni Mommy…” paalala ni Emer sa kapatid niya. “Ups… sorry, Kuya! Halika na, Mommy, let’s eat na! I’m so hungry na…” “Let’s go, Wife…” Akmang tatayo na ito nang bigla itong napangiwi sa sakit na naramdaman niya sa kanyang tiyan. “Hubby, parang manganganak na ata ako… Ahhh! Ang sakit!” Napamura ako sa gulat. “F**k! Emer, tawagin mo ang driver! Kunin mo ang cellphone ko at tawagan si Daddylo mo
Chapter 289Jayson POVFlashback Pagkalabas ni Janeth sa library, hindi ko maiwasang mapangiti habang sinusundan siya ng tingin. Hindi pa rin ako makapaniwala—ang babaeng bumuhay muli sa matagal nang natutulog kong puso ay siya rin palang aking napangasawa. At hindi lang basta asawa, kundi ang sekretaryang ilang gabi ko nang pinapantasya.Shit. Ramdam ko ang paninigas ng alaga ko sa loob ng suot kong slacks. Ilang minuto akong nanatili sa library, pinapakalma ang sarili, bago ako lumabas. Sakto namang pababa sina Mom at Dad mula sa hagdan."Mom, Dad, saan kayo pupunta?" tanong ko, bahagyang nag-aalangan sa kanilang malalawak na ngiti."Aalis muna kami ng daddy mo, son," sagot ni Mom, may kasamang pilyang kindat. "Para may pagkakataon kayong makabuo ng apo ko. Sana babae, para may maisasama akong mag-shopping at mag-ayos ng buhok!""Mom… apo agad?" Napakamot ako sa batok, hindi makapaniwala sa diretsahan niyang sagot."Why not?" singit naman ni Dad. "Matanda na kami, gusto naming may
Chapter 288Janeth’s POV"Sa sandali lang ha, maliligo muna ako," sabi ko dito upang makaiwas sa kanyang mapanuksong tingin sa akin. Habang nasa loob pa din ako sa kanyang silid ay hindi mo maiwasang mag-isip kong totoo ba itong lahat. "Totoo ba ‘to? As in real?" Yan ang paulit-ulit na tanong sa isip ko habang nakatayo sa loob ng kwarto ni Jayson. Kung panaginip lang ito, sana ‘wag na akong magising.Napatingin ako sa kama, at doon ko napansin ang isang neatly folded na damit pang-babae—may kasamang underwear at bra. Hmmm... kanino kaya ‘to?Lumapit ako at napansin ang isang maliit na note sa ibabaw. Agad ko itong binasa.To: JanethWear this, honey.From: MommyNapangiti ako nang makita ang sulat. Talaga si Mommy, ha? Ang bilis akong tanggapin bilang asawa ng anak niya.Wala na akong sinayang na oras at dumiretso na ako sa banyo para maligo.Ahhhh, ang sarap ng tubig.Habang sinasabon ang katawan, napatingin ako sa lagayan ng shampoo at sabon. Napangiti ako nang makita ang panglal
Chapter 287 Jayson POV "By the way, hindi tayo papasok ngayon," sabi ko habang nakasandal sa upuan, pinagmamasdan ang reaksyon ni Janeth. Napakunot ang noo niya. "Bakit, boss? May pupuntahan ho ba kayo? Kung gano'n, pwede na ho ba akong mag-mall? Pawala lang ng stress, hehehe." Napailing ako. "Yes and no." "H-ho?" nagtatakang tanong niya. "Yes, dahil may pupuntahan tayo. No, dahil honeymoon natin ngayon." Halos mapatalon siya sa kinatatayuan niya. "A-ano ho? H-honeymoon natin?" Ngumiti ako at tumayo mula sa aking upuan, dahan-dahang lumapit sa kanya. "Yes. And stop calling me boss. Just call me hubby." "Pe-pero, boss—" "Shhh..." Pinatigil ko siya, sabay taas ng kilay. Napalunok siya. "H-hubby..." Ngumiti ako sa narinig ko, pero halatang labag sa loob niya kaya masama ang tingin niya sa akin. "Bakit parang napipilitan ka?" tanong ko, nakataas ang isang kilay. "Gusto mo ba dito na lang tayo mag-honeymoon?" Bigla siyang napailing nang mabilis. "Sabi ko nga, hubby ang tawag
Chapter 286Janeth POV"Shit! Ang sakit ng ulo ko..." Napaungol ako habang marahang hinawakan ang aking noo. Ngunit natigilan ako nang mapansin kong hindi ito ang kwarto ko. Napabangon ako at napatingin sa paligid, nagtataka.Napako ang tingin ko sa isang picture frame."Shit! Shit! Bakit ako nandito sa kwarto ni boss?" Mabilis akong bumangon, sinikap kong hindi gumawa ng ingay habang dahan-dahang binuksan ang pinto. Ngunit halos mabangga ko si boss nang bigla siyang lumitaw sa harapan ko, nakakunot ang noo.Napalunok ako at pilit na ngumiti. "Hehehe… G-good morning, boss!""Follow me to the library.""Y-yes, boss..."Kinakabahan akong sumunod sa kanya. Ang daming tumatakbo sa isip ko—baka may nagawa akong mali? Baka tanggalin niya ako sa trabaho? Wag naman sana, Lord!Nang makarating ako sa harap ng library, nanlalamig na ang kamay ko sa kaba. Wala akong choice kundi kumatok.Tok! Tok! Tok!"Come in."Dahan-dahan akong pumasok at agad na nagmakaawa. "B-boss, kung ano man ang kasalana