Home / Romance / PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) / πŸ₯° Kaya mo yan, Kiera. πŸ₯° Chapter 115

Share

πŸ₯° Kaya mo yan, Kiera. πŸ₯° Chapter 115

Author: SKYGOODNOVEL
last update Huling Na-update: 2025-01-13 20:50:37

Chapter 115

Kinuha niya ang tray ko at dinala kami sa isang sulok ng cafeteria kung saan may mga nakahandang food containers. "Dito na lang ilagay para madali mong madala," aniya.

Habang inilalagay ko ang natirang pagkain sa lalagyan, ramdam ko ang pasasalamat ko sa pagkakataong ito. Malaking bagay ang bawat pagkain na maiuuwi ko para sa kambal, lalo na sa hirap ng sitwasyon namin.

"Salamat, Lia," sabi ko nang may ngiti, kahit halata ang hiya sa mukha ko. "Malaking tulong ito."

Ngumiti lang siya at tumango. "Walang anuman, Kiera. Huwag kang mahihiya, okay? Isa pa, mukhang mabait naman si Sir Jammie. Parang talagang iniisip niya ang kapakanan ng mga empleyado dito."

Napangiti ako nang bahagya. Kahit papaano, naramdaman kong may malasakit talaga ang kompanya sa mga katulad kong hirap sa buhay. Ngunit sa likod ng lahat ng ito, hindi ko pa rin maiwasang balikan ang iniisip ko tungkol sa misteryosong tingin ni Sir Jammie sa aking mga anak.

Habang hawak ang container ng natirang pagka
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    😊 Jenny at John 😊 Chapter 116

    Chapter 116 Habang ni-review ni Sir Jammie ang mga gawa ko, hindi ko maiwasang pigilin ang aking hininga. Ramdam na ramdam ko ang kaba at tensyon sa bawat segundo na lumilipas. Ngunit nang matagal na siya sa pagtingin sa mga papeles, ang aking hininga ay napalitan ng pagtataka nang bigla siyang magtanong, "Kumusta na ang kambal? Saan sila nag-aaral?" Agad akong napatingin sa kanya, hindi ko alam kung paano haharapin ang tanong na iyon. Hindi ko inexpect na tatanungin niya ang tungkol sa kanila. Para bang ang mga mata niyang asul ay naghahanap ng kasagutan, at ako naman ay hindi makasagot ng buo. "Ah... Ang kambal ko po," nagsimula ako, medyo naguguluhan. "Si John at si Jenny. Nag-aaral po sila sa isang public school malapit lang sa amin." Napansin ko na ang tono ko ay medyo nanginginig, kaya pilit kong tinangka na magpakatatag. "Bilog po ang kanilang mundo, sila ang dahilan kung bakit ako nag-pupursige sa trabaho. Nagsimula na po sila sa kindergarten." Hindi ko alam kung anong kla

    Huling Na-update : 2025-01-13
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    😊 Single Mom 😊 Chapter 117

    Chapter 117 Pagdating ko sa mesa ni Ms. Clara, hinanda ko na ang sarili kong sabihin ang utos ni Sir Jammie tungkol sa cash advance. Pero bago ko pa mabuksan ang bibig ko, biglang bumukas ang pintuan ng opisina niya. "Kiera," tawag niya muli, kaya napalingon ako. Laking gulat ko nang makita ang seryosong ekspresyon sa mukha niya. Lumapit siya nang dahan-dahan, at bago pa ako makapagtanong, nagsalita siya. "Huwag ka nang dumaan kay Ms. Clara," sabi niya. "Ako na mismo ang magpapahiram sa'yo ng 10,000 pesos. Pero..." Tumigil siya, tinitingnan ako na parang may hinihintay na sagot. Napalunok ako, hinihintay ang susunod niyang sasabihin. "Basta siguraduhin mong dadalhin mo ang kambal bukas dito sa kompanya. Tamang-tama naman, Friday bukas at wala silang pasok, hindi ba?" tanong niya sa akin. Nagulat ako, pero sa kabila ng lahat, naramdaman ko rin ang ginhawa. Para bang nalutas na ang isa sa pinakamabigat kong problema. "Opo, Sir," sagot ko, pilit na nagpapakita ng ngiti kahit nal

    Huling Na-update : 2025-01-14
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) Β Β Β πŸ€” Pagsundo sa kambal πŸ€” Chapter 119

    Chapter 119Pagsapit ng alas-singko ng hapon, agad akong nag-ayos ng aking mga gamit. Sinilid ko ang tirang pagkain sa dala kong bag at nagmamadaling tumayo mula sa aking desk. Kailangan ko nang puntahan ang kambal sa kanilang school. Mabuti na lang at apat na gusali lang ang pagitan nito mula sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko, kaya hindi ako mahihirapan.Habang naglalakad palabas, iniisip ko kung ano ang magiging reaksyon ng kambal kapag sinabi kong isasama ko sila bukas sa opisina. Alam kong matutuwa sila, lalo na si Jenny na mahilig magtanong tungkol sa trabaho ko.Pagdating ko sa gate ng kanilang paaralan, nakita ko agad ang kambal na naghihintay. Si John ay tahimik na nakaupo sa bench, habang si Jenny naman ay masiglang kumakaway sa akin."Mommy!" sigaw ni Jenny, tumakbo siya papunta sa akin at niyakap ako. Sumunod naman si John, dala ang maliit niyang bag."Kamusta ang school niyo?" tanong ko sa kanila habang hinahaplos ang buhok ni John."Masaya po, Mommy!" sagot ni Jenny. "Sa

    Huling Na-update : 2025-01-14
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    😱 Hindi pa rin alam ni Kiera may ibidinsya na nga πŸ₯΄ Chapter 120

    Chapter 120 Kinaumagahan ay tulad ng nasanayan ko, maaga akong nagising at balak mag handa ng almusal pero na alala ko na wala na pala kaming isasaing kaya agad akong lumabas sa bahay upang pumunta sa malapit na tindahan upang bumili ng isang kilong bigas, tatlong itlog at hotdog sinamahan ko na rin ng tuyo para sa akin. Habang bumibili ako ng mga kailangan sa tindahan, pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Pero sa likod ng lahat ng ginagawa ko, hindi maalis sa isip ko ang mga tanong tungkol kay Sir Jammie. Bakit ganoon na lamang ang interes niya sa kambal? Ano ang dahilan niya at kailangan niya silang makita? Pagkatapos kong makabili, dumiretso ako kay Aling Pising upang bayaran ang dalawang buwang upa. "Aling Pising, eto na po ang bayad ko sa renta," sabi ko habang iniabot ang pera. Tiningnan niya ako nang may halong gulat at tuwa. "Aba, Kiera, salamat naman at naiabot mo na. Akala ko talaga ay mahihirapan ka na naman," aniya habang inilalagay ang pera sa kanyang maliit na

    Huling Na-update : 2025-01-14
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) Β Β Β  😱 DNA Test 😱 Chapter 121

    Chapter 121 Ngumiti siya at biglang tumingin kay Jenny. "Jenny, gusto mo bang mag-juice o cookies?" tanong niya, na ikinagulat ko. Hindi ko inasahan na magiging ganito siya kabait sa mga anak ko. "Cookies po!" masayang sagot ni Jenny. "Ikaw, John? Anong gusto mo?" tanong niya kay John, na tahimik lang at medyo mahiyain. "Juice po," sagot ni John, halos pabulong. Tumawag si Sir Jammie sa intercom at nag-utos na dalhan kami ng snacks. Habang hinihintay namin ang pagkain, patuloy ang pagtitig niya sa kambal, parang hindi siya makapaniwala. Sa bawat segundo, mas lalo akong kinabahan. Ano kaya ang iniisip niya? Bakit parang may kakaiba sa mga tanong at kilos niya? "Ah, Sir Jammie. Maaari na ba kaming umalis? May gagawin pa akong trabaho sa table ko, at baka madisturbo kayo sa inyong trabaho," sabi ko nang may halong kaba. Tumingin siya sa akin, seryoso ang mukha pero kalmado ang tono. "No, I mean, sige lang magtrabaho ka. Pero dito muna sila sa opisina ko habang may ginagawa

    Huling Na-update : 2025-01-14
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    😞 Results 😞 Chapter 122

    Chapter 122 Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang sinabi ni Sir Jammie. Ang hawak niyang brown envelope ay tila mabigat na pasabog na hindi ko inaasahan. Ramdam ko ang pamumuo ng malamig na pawis sa noo ko habang nakatingin sa kanya, kasabay ng mabilis na tibok ng puso ko. "DNA test?" tanong ng ina ni Sir Jammie, halatang nabigla rin. Tumayo si Sir Jammie at inilapag ang envelope sa mesa. "Oo, Mom. Gusto kong kumpirmahin ang matagal ko nang kutob. Kaya pinakuha ko ng sample mula sa kambal kahapon. Ang resulta ay nandito." Bigla akong napaatras, halos hindi makapaniwala sa naririnig ko. "Ginawa mo iyon nang hindi ko nalalaman?" tanong ko, may halong gulat at galit. Huminga nang malalim si Sir Jammie bago sumagot. "Kiera, kailangan ko itong gawin. Ayokong magkamali sa isang bagay na kasinghalaga nito." "At ano ang lumabas sa resulta?" tanong ng ama ni Sir Jammie, malamig ang tono. Binuksan ni Sir Jammie ang envelope at dahan-dahang inilabas ang dokumento. Para ako

    Huling Na-update : 2025-01-14
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    😊 Umalis ito bitbit ang kambal 😊 Chapter 123

    Chapter 123Jammie POV"Tarantado ka bang bata ka, Jammie?!" galit na sigaw ni Mommy habang mariing nakatingin sa akin. Halos hindi ako makatingin nang diretso sa kanya dahil ramdam ko ang bigat ng galit niya."Pinakawalan mo sila?! Ano bang iniisip mo, Jammie? Yun na nga! Andyan na yung pagkakataon para maging bahagi ka ng buhay ng kambal mo, hinayaan mo pang makalayo! Brandon, magsalita ka naman! Ang mga apo natin, Brandon!" dagdag pa niya habang umiikot sa opisina ko na parang hindi mapakali.Si Dad, sa kabilang banda, ay kalmado pa rin kahit paano. "Mahal, Heart, kalma lang. Bigyan natin ng oras si Kiera. Mukhang masyado siyang na-overwhelm sa lahat ng nangyari," mahinahong tugon ni Dad. Pero hindi iyon sapat para maibsan ang galit ni Mommy."Panahon na para panindigan mo ang ginawa mo, Jammie! Responsibilidad mo yan, hindi lang sa kambal kundi pati sa ina nila. Kailangan mo silang alagaan at... pakasalan mo si Kiera!" madiin niyang sabi habang tinuturo ako."Mommy, hindi ba pwede

    Huling Na-update : 2025-01-14
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    😊 Pampanga 😊 Chapter 124

    Chapter 124 Matapos kong kumatok sa kapitbahay ni Kiera at tanungin ang nakatira doon tungkol kay Kiera at sa mga bata, sinabi niyang walang nabanggit si Kiera tungkol sa kanilang pupuntahan. Ngunit idinagdag niya, "Baka alam ng ama niya. Yun nga lang, nasa kulungan ang ama niya, di ba? Sa pagkakaalam ko, nakulong siya sa kasong may kinalaman sa isang formula ng pabango na ayaw niyang ibigay," sagot niya sa akin. Biglang tumatak sa isipan ko ang detalyeng iyon. Napahinto ako at naalala ang mga kuwento noon tungkol sa ama ni Kiera. Napagbintangan ito sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Napabuntong-hininga ako, may halong galit at lungkot. "Mrs, alam niyo po ba kung saang kulungan siya nakaditine?" tanong ko. "Sa Pampanga Provincial Jail, hijo. Doon siya dinala ilang taon na ang nakakaraan," sagot niya. Tumango ako bilang pasasalamat. "Salamat po, Mrs. Malaking tulong ito," pagpapasalamat ko dito. Habang naglalakad pabalik sa sasakyan, hindi ko maiwasang isipin ang hirap na p

    Huling Na-update : 2025-01-15

Pinakabagong kabanata

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) Β Β Β Chapter 272

    Chapter 272 Janith POV Tahimik akong nakatayo sa harapan ng pintuan habang pinagmamasdan ang eksena sa harapan ko. Si Emerald, ang aking anak, ay may bitbit na malaking sorpresa. Lahat kami ay nag-aabang ng kasunod niyang sasabihin matapos niyang ipakilala ang lalaking kasama niyaβ€”si Jaycob Santos. Napansin kong kahit si Brandon, ang asawa ko, ay tila nagtataka rin. Hindi niya iniwan ang tingin kay Jaycob, na sa kabila ng tensyon sa paligid ay nananatiling kalmado. Huminga ako nang malalim at lumapit sa kanila. Sa loob-loob ko, alam kong may rason kung bakit ngayon lang ipinakilala ni Emerald ang lalaking ito. At bilang ina, ramdam ko ang kaba sa kanyang postura. Ngumiti ako at mahinahong tinanong, "Emerald, sino ba talaga si Jaycob sa buhay mo?" Nakita kong bahagyang nanigas ang balikat ng anak ko bago niya ako tiningnan. Alam kong sinusubukan niyang buuin ang tamang sagot sa isip niya. "Mom..." saglit siyang tumigil at tila nag-ipon ng lakas ng loob. "Si Jaycob... siya ang fi

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) Β Β Β Chapter 271

    Chapter 271Napatingin kami lahat kay Mom nang bigla tumunog ang kanyang phone kaya agad niyang sagutin ang tawag. Si Emerald pala ang tumatawag. Tahimik kaming nakinig habang kausap niya si Mom."Anak, totoo ba β€˜yan? Susunod na linggo ka pa makakauwi?" tanong ni Mom, halatang may bahagyang pag-aalala sa boses niya.Narinig kong bumuntong-hininga si Emerald sa kabilang linya. "Oo, Mom. Pasensya na, may biglaang bagyo dito. Na-cancel ang flight ko at hindi pa sigurado kung kailan ako makakakuha ng bagong schedule."Napansin kong medyo nag-aalala rin si Dad, kaya sumingit siya sa usapan. "Sigurado ka bang ligtas ka diyan, Emerald? Baka naman delikado β€˜yang sitwasyon mo.""Okay lang ako, Dad. Nasa hotel lang ako at safe naman dito. Wala namang dapat ipag-alala," sagot ni Emerald. "Pero pasensya na talaga, hindi ko kayo makakasama agad."Sumingit si Sarah sa usapan, malakas ang boses. "Emerald! Sigurado ka bang wala kang kasamang special someone diyan, ha? Baka naman kaya ka naantala sa p

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) Β Β Β Chapter 270

    Chapter 270Napabuntong-hininga ako, sabay lingon kay Sarah. "Mukhang magiging masaya at magulo ang mga susunod na araw β€˜pag nagkita-kita kaming lahat."Natawa siya at tumango. "At sigurado akong hindi lang simpleng reunion ang mangyayari. Feeling ko, may malaking pasabog na naman ang pamilya mo.""At kapag nangyari β€˜yun, love, ipapaubaya ko na sa β€˜yo ang damage control," biro ko, sabay tawa.Sabay-sabay kaming natawa, habang ang excitement sa puso ko ay lalong lumakas. Matagal ko nang hindi nakakasama ang mga kapatid ko, pero sa pagkakataong ito, alam kong magiging espesyal ang muling pagsasama namin."Pero dad mom, nag-alala ako sa kakambal ko na si Emerald. Sa edad niyang 31 ay wala pa siyang pinakilala sa atin na nobyo niya."Napatingin ako kay Mommy at Daddy habang hinihintay ang sagot nila. Alam kong hindi lang ako ang nag-iisip nitoβ€”pati sila, sigurado akong nag-aalala rin."Oo nga, Mommy, Daddy," dugtong ni Sarah. "Lahat ng kapatid ni Emer, kahit paano, may mga naging karelasy

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) Β Β Β Chapter 269

    Chapter 269 Maaga pa lang ay abala na kaming lahat sa paghahanda para sa pagdating nina Mommy Janith at Daddy Jayson. Si Manang Inday ay nasa kusina, abalang nagluluto ng paborito nilang mga putahe, habang si Sarah naman ay nag-aayos ng mesa kasama ang triplets. "Mommy, ako na po ang maglalagay ng bulaklak sa lamesa!" sigaw ni Erwin habang maingat na hawak ang isang maliit na plorera. "Ako naman po sa mga kutsara at tinidor!" sabat ni Ethan, sabay kuha ng mga utensils mula sa tray. "Ako po sa baso!" dagdag ni Eralyn, halos hindi maabot ang lamesa kaya tinulungan siya ni Sarah. Napangiti ako habang pinagmamasdan silang masigasig sa kanilang mga gawain. Ang saya nilang tumutulong, at ramdam ko ang excitement nila na makita ulit sina Lola at Lolo nila. Lumapit ako kay Sarah at marahang hinalikan ang kanyang noo. "Love, ayos na ba ang lahat?" tanong ko. "Oo naman," sagot niya habang inayos ang isang lobo na nakasabit sa dingding. "Wala nang kulang, at mukhang sobrang excited

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) Β Β Β Chapter 268

    Chapter 268Emer POV"Halika na, Mrs. Hanson. Matutulog na din tayo," sabi ko sa akin asawa. "Hmm, tulong lang, Emer. Walang loving-loving muna 'ha?" tugon niya sa akin. Agad ako napakamot sa aking batok sabay tawa ng mahina. "Ang harsh mo naman, love," biro ko habang tinutulungan siyang mahiga sa kama. "Eh paano kung gusto ko lang yakapin ang misis ko?" dagdag ko, sabay hila sa kanya palapit.Napatingin siya sa akin ng masama pero halatang pigil ang ngiti. "Ewan ko sa'yo, Emer. Matulog ka na nga."Humiga siya ng maayos at ipinikit ang mga mata, pero hindi ko mapigilang titigan ang mukha niyang kalmado at maganda kahit pagod. Lumapit ako ng kaunti at marahang hinaplos ang kanyang pisngi."Alam mo, kahit ilang taon na tayong kasal, hindi pa rin ako nagsasawang titigan ka."Dumilat siya at sinamaan ako ng tingin. "Emer, gusto mo bang lumipat ng kama at matulog sa tabi ng triplets?"Napatawa ako at agad na niyakap siya. "Joke lang, love! Good night na. Sweet dreams."Huminga siya nang

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) Β Β Β Chapter 267

    Chapter 267Hanggang sa makarating kami sa aming mansion. Pagkababa namin ng sasakyan, agad akong lumingon kay Dad at ngumiti."Dad, salamat sa paghatid sa amin," wika ko nang may pasasalamat."Bye-bye, Lolo! Bye-bye, Lola!" sabay-sabay na sigaw ng mga anak kong sina Erwin, Ethan, at Eralyn habang masayang kumakaway.Napangiti si Mom at hinaplos ang buhok ng isa sa kanila. "Behave kayo ha," paalala niya. "Wag kayong pasaway sa Mommy at Daddy ninyo, Erwin, Ethan, at Eralyn!" dagdag pa niya sa malambing ngunit may diin na tono."Opo, Lola!" sagot nilang tatlo na parang koro."Bye din po sa inyo, Tita Claire at Tito Jimmie!" dagdag pa nila bago mabilis na tumakbo papasok sa gate ng mansion, puno ng sigla at excitement."Bye, Mom, Dad, Claire at Jimmie!" ngiti kong sabi. "Ingat kayo sa biyahe," dagdag kong sabi."Salamat, anak Sarah. Sige na pumasok muna kayo ni Emer saka kami aalis!" tugon ni Dad.Hinawakan ni Emer ang kamay ko at marahang hinila papasok ng gate. "Tara na, love. Baka gin

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) Β Β Β Chapter 265

    Chapter 265Nagkatinginan si John at Jenny, halatang may iniisip. "Gusto namin something adventurous!" sagot ni John."Tama!" dagdag ni Jenny. "Gusto naming mag-outing, siguro sa beach o kaya camping!""Naks naman, parang teen na teen na talaga kayo," sabi ni Jammie, kunwaring natutulala. "Parang kahapon lang, ang hilig ninyong maglaro ng stuffed toys at magpabitbit kay Mommy Heart.""Uy, Tito! Huwag mo nang ibuking!" nahihiyang sabi ni Jenny habang namumula ang pisngi.Muling nagtawanan ang lahat."Okay, so Avengers theme para sa triplets, at adventure naman para sa kambal. Mukhang magiging busy tayo sa susunod na buwan," sabi ni Kiera habang nakangiti."Siyempre! Pero worth it naman, kasi para sa mga bata," sagot ko.Tumingin ako sa paligid, sa mga ngiti at tawanan ng pamilya namin. Walang katumbas ang ganitong saya. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan namin noon, heto kami ngayonβ€”buo, masaya, at walang katumbas ang pagmamahal sa isa't isa.At sa isip ko, isa lang ang dasal ko: Sana,

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) Β Β Β Chapter 264

    Chapter 264Sarah POVNapangiti ako habang pinagmasdan ang tatlong maliliit kong pamangkin. Miss ko na rin mag-alaga ng sanggol. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang ay karga-karga ko rin ang triplets koβ€”ngayon ay malapit na silang magpitong taong gulang sa March 5.Kasabay nilang magdiriwang ng kaarawan ang dalawa ko pang pamangkin na sina Jace at Jasmine, ang kambal nina Jimmie at Claire. Napakabilis ng panahon, parang kahapon lang, mga babies pa sila.Lumapit sa akin si Jimmie habang karga si Jasmine. "Sarah, naisip mo na ba kung paano natin ipagdiriwang ang birthday ng mga bata?" tanong niya.Napaisip ako saglit bago sumagot. "Well, since sabay-sabay naman silang magbi-birthday, naisip ko na baka puwede tayong mag-organize ng isang malaking party para sa kanila. Masaya β€˜yun, lalo na’t mahilig sila sa Avengers. Puwede tayong magpa-theme party!"Napatango si Claire na nakikinig sa usapan namin. "Oo nga! Naalala ko, ilang beses nilang binanggit na gusto nilang maging superheroes

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) Β Β Β Chapter 263

    Chapter 263 Napuno ng tawanan ang buong hardin habang ang mga bata ay patuloy sa kanilang laro. Kami namang mga nakatatanda ay nagkatinginan ni Jammie at Jimmie, parehong natutuwa sa kasiyahan ng pamilya. β€œSobrang saya nila,” bulong ko kay Kiera. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti. β€œOo nga. Wala nang hihigit pa sa ganitong saya, β€˜di ba? Buo ang pamilya, masaya ang lahat.” Napatingin ako sa paligidβ€”sa aming mga anak na inaalagaan nina John at Jenny, sa aming mga magulang na masayang pinagmamasdan ang kanilang mga apo, at sa aming mga kapatid na punong-puno ng tawanan at pagmamahal. "Sandali, ang daya naman. Ang dami na ninyo tapos ako lang ang mag-isa," reklamo ni Emer na ikinatawa naming lahat. Napatingin sila sa amin ni Jimmie kaya napangiti ako. "Hmm, mukhang isasali kayo sa habulan Jammie," sabi sa aking asawa na si Kiera. "So, sasali tayo. Bal? ngiti kong tanong kay Jimmie. " Tito Jammie, Daddy sali na kayo!" sigaw sa aking pamangkin na anak ni Jimmie na si Jace

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status