Chapter 120 Kinaumagahan ay tulad ng nasanayan ko, maaga akong nagising at balak mag handa ng almusal pero na alala ko na wala na pala kaming isasaing kaya agad akong lumabas sa bahay upang pumunta sa malapit na tindahan upang bumili ng isang kilong bigas, tatlong itlog at hotdog sinamahan ko na rin ng tuyo para sa akin. Habang bumibili ako ng mga kailangan sa tindahan, pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Pero sa likod ng lahat ng ginagawa ko, hindi maalis sa isip ko ang mga tanong tungkol kay Sir Jammie. Bakit ganoon na lamang ang interes niya sa kambal? Ano ang dahilan niya at kailangan niya silang makita? Pagkatapos kong makabili, dumiretso ako kay Aling Pising upang bayaran ang dalawang buwang upa. "Aling Pising, eto na po ang bayad ko sa renta," sabi ko habang iniabot ang pera. Tiningnan niya ako nang may halong gulat at tuwa. "Aba, Kiera, salamat naman at naiabot mo na. Akala ko talaga ay mahihirapan ka na naman," aniya habang inilalagay ang pera sa kanyang maliit na
Chapter 121 Ngumiti siya at biglang tumingin kay Jenny. "Jenny, gusto mo bang mag-juice o cookies?" tanong niya, na ikinagulat ko. Hindi ko inasahan na magiging ganito siya kabait sa mga anak ko. "Cookies po!" masayang sagot ni Jenny. "Ikaw, John? Anong gusto mo?" tanong niya kay John, na tahimik lang at medyo mahiyain. "Juice po," sagot ni John, halos pabulong. Tumawag si Sir Jammie sa intercom at nag-utos na dalhan kami ng snacks. Habang hinihintay namin ang pagkain, patuloy ang pagtitig niya sa kambal, parang hindi siya makapaniwala. Sa bawat segundo, mas lalo akong kinabahan. Ano kaya ang iniisip niya? Bakit parang may kakaiba sa mga tanong at kilos niya? "Ah, Sir Jammie. Maaari na ba kaming umalis? May gagawin pa akong trabaho sa table ko, at baka madisturbo kayo sa inyong trabaho," sabi ko nang may halong kaba. Tumingin siya sa akin, seryoso ang mukha pero kalmado ang tono. "No, I mean, sige lang magtrabaho ka. Pero dito muna sila sa opisina ko habang may ginagawa
Chapter 122 Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang sinabi ni Sir Jammie. Ang hawak niyang brown envelope ay tila mabigat na pasabog na hindi ko inaasahan. Ramdam ko ang pamumuo ng malamig na pawis sa noo ko habang nakatingin sa kanya, kasabay ng mabilis na tibok ng puso ko. "DNA test?" tanong ng ina ni Sir Jammie, halatang nabigla rin. Tumayo si Sir Jammie at inilapag ang envelope sa mesa. "Oo, Mom. Gusto kong kumpirmahin ang matagal ko nang kutob. Kaya pinakuha ko ng sample mula sa kambal kahapon. Ang resulta ay nandito." Bigla akong napaatras, halos hindi makapaniwala sa naririnig ko. "Ginawa mo iyon nang hindi ko nalalaman?" tanong ko, may halong gulat at galit. Huminga nang malalim si Sir Jammie bago sumagot. "Kiera, kailangan ko itong gawin. Ayokong magkamali sa isang bagay na kasinghalaga nito." "At ano ang lumabas sa resulta?" tanong ng ama ni Sir Jammie, malamig ang tono. Binuksan ni Sir Jammie ang envelope at dahan-dahang inilabas ang dokumento. Para ako
Chapter 123Jammie POV"Tarantado ka bang bata ka, Jammie?!" galit na sigaw ni Mommy habang mariing nakatingin sa akin. Halos hindi ako makatingin nang diretso sa kanya dahil ramdam ko ang bigat ng galit niya."Pinakawalan mo sila?! Ano bang iniisip mo, Jammie? Yun na nga! Andyan na yung pagkakataon para maging bahagi ka ng buhay ng kambal mo, hinayaan mo pang makalayo! Brandon, magsalita ka naman! Ang mga apo natin, Brandon!" dagdag pa niya habang umiikot sa opisina ko na parang hindi mapakali.Si Dad, sa kabilang banda, ay kalmado pa rin kahit paano. "Mahal, Heart, kalma lang. Bigyan natin ng oras si Kiera. Mukhang masyado siyang na-overwhelm sa lahat ng nangyari," mahinahong tugon ni Dad. Pero hindi iyon sapat para maibsan ang galit ni Mommy."Panahon na para panindigan mo ang ginawa mo, Jammie! Responsibilidad mo yan, hindi lang sa kambal kundi pati sa ina nila. Kailangan mo silang alagaan at... pakasalan mo si Kiera!" madiin niyang sabi habang tinuturo ako."Mommy, hindi ba pwede
Chapter 124 Matapos kong kumatok sa kapitbahay ni Kiera at tanungin ang nakatira doon tungkol kay Kiera at sa mga bata, sinabi niyang walang nabanggit si Kiera tungkol sa kanilang pupuntahan. Ngunit idinagdag niya, "Baka alam ng ama niya. Yun nga lang, nasa kulungan ang ama niya, di ba? Sa pagkakaalam ko, nakulong siya sa kasong may kinalaman sa isang formula ng pabango na ayaw niyang ibigay," sagot niya sa akin. Biglang tumatak sa isipan ko ang detalyeng iyon. Napahinto ako at naalala ang mga kuwento noon tungkol sa ama ni Kiera. Napagbintangan ito sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Napabuntong-hininga ako, may halong galit at lungkot. "Mrs, alam niyo po ba kung saang kulungan siya nakaditine?" tanong ko. "Sa Pampanga Provincial Jail, hijo. Doon siya dinala ilang taon na ang nakakaraan," sagot niya. Tumango ako bilang pasasalamat. "Salamat po, Mrs. Malaking tulong ito," pagpapasalamat ko dito. Habang naglalakad pabalik sa sasakyan, hindi ko maiwasang isipin ang hirap na p
Chapter 125Napabuntong-hininga si Kiera saka nakaluhod sa harap ng kambal. Kitang-kita ko ang kaba sa kanyang mukha habang iniintindi niya ang nararamdaman ng mga bata. Si Jenny at John ay parehong nakatingin sa kanya, halatang naguguluhan ngunit nakikinig nang mabuti."Mga anak," patuloy ni Kiera, mahigpit na hawak ang kamay nila, "siya ang daddy niyo. Noong una, hindi ko alam na siya ang ama niyo dahil hindi sinasadya ang gabing iyon. Pero kahit papaano, iyon ang naging dahilan kung bakit kayo dumating sa buhay ko. At sa totoo lang, iyon ang pinakamagandang nangyari sa akin."Halos hindi ako makagalaw habang nakikinig ako sa bawat salita niya. Puno ng pagmamahal ang boses niya para sa kambal. Pero ramdam ko rin ang takot niya na baka hindi nila ako matanggap.Tahimik ang kambal sandali. Si John ang unang nagsalita. "Siya po ba talaga, Mommy? Siya ang daddy namin?" tanong niya, habang tinitingnan ako ng kanyang mala-dagat na mata—mga mata na tila salamin ng akin.Tumango si Kiera, p
Chapter 126 "U-upo po pala kayo, pasensya na sa bahay namin at makalat. Kararating lang din namin galing sa paglalayas," ngiwing sabi ni Kiera habang iniwasan ang tingin sa amin. Napatingin ako sa paligid. Bagamat maliit ang bahay, maayos itong tingnan. Halatang pinilit niyang gawing komportable ang lugar para sa mga bata, kahit na nasa alanganing sitwasyon siya. "Ayos lang, iha," sagot ni Mommy Heart na may ngiti sa kanyang labi. "Hindi importante ang bahay. Ang mahalaga ay kayo ng mga bata." Tumango si Daddy Brandon habang umupo sa pinakamalapit na upuan. "Kiera, hindi mo kailangang humingi ng pasensya. Naiintindihan namin ang pinagdadaanan mo." Tahimik lang ako habang pinagmamasdan si Kiera na abala sa pagsasaayos ng mga laruan ng kambal. Napansin ko ang kaba sa kanyang kilos, kaya nagsalita ako para maibsan ang tensyon. "Kiera, hindi kami nandito para husgahan ka. Nandito kami para magkausap tayo nang maayos... para sa mga bata," sabi ko nang mahina ngunit seryoso. N
Chapter 127 "Hanggang natapos na kaming kumain, tutulong sana ako sa pag-aayos ng lamesa pero pinigilan niya ako. "'Wag na, Sir Jammie. At isa pa, may pamahiin kasi kami," sabi niya na may ngiti at bahagyang pagngiwi. Nagtaka ako at napakunot ang noo. "Anong pamahiin naman 'yun?" tanong ko, habang nakatingin sa kanya. "Kapag daw may bisitang tumulong sa pagliligpit pagkatapos kumain, hindi na raw sila babalik," paliwanag niya, na halatang nahihiya pero seryoso. Natawa nang bahagya si Mommy Heart. "Ay, ganun ba? Naku, hindi naman kami naniniwala sa pamahiin na 'yan. Pero sige, igagalang namin ang paniniwala ninyo," wika ni mommy dito. Tumayo na si Kiera at nagsimulang magligpit ng pinggan. "Salamat po sa pang-unawa. Ayoko rin po kasing isipin ng mga matatanda rito na pinapabayaan ko kayo," nahihiyang sabi niya sa amin. Tumingin ako sa mga bata na masayang nagkukulitan pa rin habang kumakain ng dessert. Napangiti ako sa eksenang iyon. Ang simpleng pamumuhay nila ay may kakaiban
Author’s Note Maraming salamat sa lahat ng nagbasa at sumubaybay sa kwentong ito. Isa itong kwento ng pagmamahal, pamilya, at tunay na pagkakaibigan—mga bagay na hindi nasusukat ng panahon o distansya. Sa kabila ng mga pagsubok, sa dulo ng lahat, ang mahalaga ay ang mga taong nananatili sa ating tabi, anuman ang mangyari. Ang pagsusulat ng kwentong ito ay isang magandang paglalakbay, at umaasa akong naiparamdam ko sa inyo ang tamis ng pag-ibig at ang halaga ng matibay na samahan. Hanggang sa susunod nating kwento! — INDAY STORIES Sana sabay-sabay ang kwento ni Althea qt Angie ang dalawang pa nilang magkaibigan sa Book #2 at suportahan po ninyo ang bago kong story upang makapasok man lang sa ranking pamamagitan pag vote po ninyo ang THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE. Maraming salamat po....
Chapter 293 The Last Chapter. Kinabukasan Habang abala ako sa pag-aayos ng mesa para sa almusal, biglang nag-ring ang aking phone. Agad kong sinagot ito nang makita ang pangalan ng tumatawag. "Bruha! Guess what?!" sigaw sa kabilang linya. Napangiti ako. "Angie?! Diyos ko, ang aga-aga, sigaw ka agad!" sagot ko, pero hindi ko maitago ang excitement sa boses ko. "Alam mo bang andito na ako sa bansa? At hindi lang ako—kasama ko si Heart!" Halos mabitiwan ko ang phone sa sobrang tuwa. "What?! Totoo ba ‘yan?! Kailan pa?! Nasaan kayo ngayon?!" "Surprise! Nasa harap na kami ng bahay mo!" Napamura ako sa gulat at dali-daling tumakbo palabas. Pagbukas ko ng pinto, tumambad sa akin sina Angie at Heart, parehong nakangiti nang malapad habang kumakaway. "Bruhaaaaaa!!!" sigaw ko sabay takbo at niyakap silang dalawa ng mahigpit. "Althea, dahan-dahan naman! Para kang toro!" natatawang reklamo ni Heart pero niyakap niya rin ako pabalik. "Grabe, ang tagal nating ‘di nagkita! Parang kailan
Back to Present “Oh my gosh, Mommy. Nakakilig naman ang love life ninyo ni Dad!” sabi ni Elena habang nakangiti at yakap-yakap ang unan niya. “Parang sa pelikula lang! Ang daming eksena, tapos may action, comedy, at super sweet na moments!” Napatawa ako sa reaksyon ng anak ko. “Talaga, anak?” “Oo naman! Grabe, Mommy, hindi ko in-expect na si Daddy pala ‘yung laging napag-tripan ni Tito Brandon at Tito Kurt noon! Tapos ikaw pa ‘yung strong and independent woman na kinatatakutan nila dati? Wow! Goals!” Napangiti ako at tinignan ang asawa kong nakaupo sa tabi ko. Nakangiti rin ito habang nakikinig sa amin. “Pero Mommy, ang pinaka-nakakatawa talaga—‘yung kay Tito Brandon at kay Nurse Heart! Ano kaya nangyari sa kanila after no’n? Diba parang may something?” tanong ni Elena, sabik na malaman ang sumunod na kwento. Napatingin ako sa asawa ko, at kita ko ang pag-iling niya na may halong tawa. “Huwag mong sabihin sa’kin na gusto mong marinig ang love story ni Brandon?” “Yes, Mom
Chapter 291Final ChapterTahimik ang silid nang biglang marinig ko ang boses ni Kurt—pero parang may halong boses ni Brandon habang nagsasalita siya.“Ilang views na ba ‘yan?” tanong ni Kurt, kaya nagtataka ako. Hindi muna ako nagpahalata na kanina pa akong gising.“Walang hiya, bro! Malapit nang maabutan ang sayo! Hahaha!” sagot ni Brandon. Napilitang akong bumangon sa kama.“Views? Ano na namang pinag-uusapan n’yo, Kurt?”“Oh, gising ka na pala, Jay,” sagot niya. “Akalain mo ‘yon, isang bully ni Kurt noon, hinimatay sa delivery room? Hahaha!” sabat ni Althea, may halong panunukso.“Ang pangit ng mukha mo, bro, nung lumabas ka sa delivery room! Mukha kang takot na takot! Hahaha!” dagdag pa ni Brandon, lalong ginagatungan ang asaran.“Hoy, Brandon! Baka mas malala pa sayo ‘yan kapag nag-asawa ka,” sagot ko.“No, no, no! Hindi mangyayari ‘yon, bro!” mabilis niyang tanggi.Biglang bumukas ang pinto at lumabas ang isang nurse. “Hello, everyone! Andito na ang mga cute-cute na babies!”Do
Chapter 290 Jayson POV Four Years Later “Mom, good morning!” sabay tawag ng tatlong taong gulang na kambal naming sina Emerson at Esmerald habang masiglang tumatakbo papunta kay Janeth. “Good morning, babies!” Masayang sinalubong ni Janeth ang dalawa at hinalikan sa pisngi. “Good morning din, Hubby…” malambing niyang bati sa akin. “Good morning too, Wife…” sagot ko naman, sabay halik sa kanyang labi. “Ewww! Nakakadiri ka, Dad! Hindi pa nga nagbabrush si Mommy ng teeth,” reklamo ni Eme habang patawa-tawang sumampa sa kama at tumatalon-talon pa. “Careful, Eme, baka madaganan mo ang tummy ni Mommy…” paalala ni Emer sa kapatid niya. “Ups… sorry, Kuya! Halika na, Mommy, let’s eat na! I’m so hungry na…” “Let’s go, Wife…” Akmang tatayo na ito nang bigla itong napangiwi sa sakit na naramdaman niya sa kanyang tiyan. “Hubby, parang manganganak na ata ako… Ahhh! Ang sakit!” Napamura ako sa gulat. “F**k! Emer, tawagin mo ang driver! Kunin mo ang cellphone ko at tawagan si Daddylo mo
Chapter 289Jayson POVFlashback Pagkalabas ni Janeth sa library, hindi ko maiwasang mapangiti habang sinusundan siya ng tingin. Hindi pa rin ako makapaniwala—ang babaeng bumuhay muli sa matagal nang natutulog kong puso ay siya rin palang aking napangasawa. At hindi lang basta asawa, kundi ang sekretaryang ilang gabi ko nang pinapantasya.Shit. Ramdam ko ang paninigas ng alaga ko sa loob ng suot kong slacks. Ilang minuto akong nanatili sa library, pinapakalma ang sarili, bago ako lumabas. Sakto namang pababa sina Mom at Dad mula sa hagdan."Mom, Dad, saan kayo pupunta?" tanong ko, bahagyang nag-aalangan sa kanilang malalawak na ngiti."Aalis muna kami ng daddy mo, son," sagot ni Mom, may kasamang pilyang kindat. "Para may pagkakataon kayong makabuo ng apo ko. Sana babae, para may maisasama akong mag-shopping at mag-ayos ng buhok!""Mom… apo agad?" Napakamot ako sa batok, hindi makapaniwala sa diretsahan niyang sagot."Why not?" singit naman ni Dad. "Matanda na kami, gusto naming may
Chapter 288Janeth’s POV"Sa sandali lang ha, maliligo muna ako," sabi ko dito upang makaiwas sa kanyang mapanuksong tingin sa akin. Habang nasa loob pa din ako sa kanyang silid ay hindi mo maiwasang mag-isip kong totoo ba itong lahat. "Totoo ba ‘to? As in real?" Yan ang paulit-ulit na tanong sa isip ko habang nakatayo sa loob ng kwarto ni Jayson. Kung panaginip lang ito, sana ‘wag na akong magising.Napatingin ako sa kama, at doon ko napansin ang isang neatly folded na damit pang-babae—may kasamang underwear at bra. Hmmm... kanino kaya ‘to?Lumapit ako at napansin ang isang maliit na note sa ibabaw. Agad ko itong binasa.To: JanethWear this, honey.From: MommyNapangiti ako nang makita ang sulat. Talaga si Mommy, ha? Ang bilis akong tanggapin bilang asawa ng anak niya.Wala na akong sinayang na oras at dumiretso na ako sa banyo para maligo.Ahhhh, ang sarap ng tubig.Habang sinasabon ang katawan, napatingin ako sa lagayan ng shampoo at sabon. Napangiti ako nang makita ang panglal
Chapter 287 Jayson POV "By the way, hindi tayo papasok ngayon," sabi ko habang nakasandal sa upuan, pinagmamasdan ang reaksyon ni Janeth. Napakunot ang noo niya. "Bakit, boss? May pupuntahan ho ba kayo? Kung gano'n, pwede na ho ba akong mag-mall? Pawala lang ng stress, hehehe." Napailing ako. "Yes and no." "H-ho?" nagtatakang tanong niya. "Yes, dahil may pupuntahan tayo. No, dahil honeymoon natin ngayon." Halos mapatalon siya sa kinatatayuan niya. "A-ano ho? H-honeymoon natin?" Ngumiti ako at tumayo mula sa aking upuan, dahan-dahang lumapit sa kanya. "Yes. And stop calling me boss. Just call me hubby." "Pe-pero, boss—" "Shhh..." Pinatigil ko siya, sabay taas ng kilay. Napalunok siya. "H-hubby..." Ngumiti ako sa narinig ko, pero halatang labag sa loob niya kaya masama ang tingin niya sa akin. "Bakit parang napipilitan ka?" tanong ko, nakataas ang isang kilay. "Gusto mo ba dito na lang tayo mag-honeymoon?" Bigla siyang napailing nang mabilis. "Sabi ko nga, hubby ang tawag
Chapter 286Janeth POV"Shit! Ang sakit ng ulo ko..." Napaungol ako habang marahang hinawakan ang aking noo. Ngunit natigilan ako nang mapansin kong hindi ito ang kwarto ko. Napabangon ako at napatingin sa paligid, nagtataka.Napako ang tingin ko sa isang picture frame."Shit! Shit! Bakit ako nandito sa kwarto ni boss?" Mabilis akong bumangon, sinikap kong hindi gumawa ng ingay habang dahan-dahang binuksan ang pinto. Ngunit halos mabangga ko si boss nang bigla siyang lumitaw sa harapan ko, nakakunot ang noo.Napalunok ako at pilit na ngumiti. "Hehehe… G-good morning, boss!""Follow me to the library.""Y-yes, boss..."Kinakabahan akong sumunod sa kanya. Ang daming tumatakbo sa isip ko—baka may nagawa akong mali? Baka tanggalin niya ako sa trabaho? Wag naman sana, Lord!Nang makarating ako sa harap ng library, nanlalamig na ang kamay ko sa kaba. Wala akong choice kundi kumatok.Tok! Tok! Tok!"Come in."Dahan-dahan akong pumasok at agad na nagmakaawa. "B-boss, kung ano man ang kasalana