Chapter 111 Hindi nagtagal ang biyahe ko; ilang minuto lang ay narating ko na ang mansyon. Tahimik ang buong paligid, tanging ilaw mula sa mga poste at ang malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin. Pagpasok ko sa mansyon, sinalubong ako ng isa sa mga kasambahay. "Sir Jammie, gusto niyo po ba ng kape o kahit ano bago kayo magpahinga?" tanong nito nang magalang. Umiling ako at bahagyang ngumiti. "Salamat, pero diretso na ako sa kwarto. Medyo pagod na rin ako." "Okay po, Sir. Good night po," sagot niya bago ako iniwan sa sala. Pagpasok ko sa kwarto, hinubad ko agad ang aking coat at hinagis ito sa gilid ng kama. Naupo ako saglit at napatingin sa paligid. Malaki at marangya ang silid, pero sa kabila ng lahat ng ito, pakiramdam ko ay may kulang. Hinaplos ko ang sintas ng sapatos ko habang bumabalik sa isip ko ang nangyari kanina. Ang kambal, ang ina nila, at ang tanong na patuloy na bumabagabag sa akinโpaano kung sila nga ang bunga ng gabing iyon? Humiga ako sa kama, pero k
Chapter 112Kiera POVLaking pasasalamat ko dahil bukas ay may trabaho na ako at mabilhan ko na ng bagong damit at school supplies ang aking kambal na anak. Medyo luma na kasi ang kanilang sapatos at mga notebook naman nila ay kaunti na lang natira para masulatan, kahit gustuhin ko man silang bilhan ay wala akong ipangbili dahil sapat na ang pera namin sa pagkain. Papasok na sana ako sa loob ng bahay upang asikasuhin ang kambal. Dahil nakaalis na ang bago kong amo. Ngunit bago pa man ako makapasok nang tuluyan, narinig ko ang pangalan ko na tinatawag."Kiera!" sigaw ni Aling Pising, ang may-ari ng inuupahan naming bahay. Galit itong naglakad papunta sa akin, at alam ko na agad kung tungkol saan ang usapan."Hoy, Kiera. Kailangan bayaran mo ako ng renta ng bahay. Kung hindi, paaalisin ko kayo mag-iina dito!" galit na sabi niya, sabay pagturo sa direksyon ng pintuan namin.Napabuntong-hininga ako, pilit na pinapanatili ang kalmado kahit na ramdam ko na ang kaba sa dibdib ko. "Aling Pi
Chapter 113 Kinabukasan, maaga akong gumising upang ipaghanda ang aking kambal ng makakain nila at baon. Kahit na panghuling bigas na lamang ito ay kailangan isaing ko ito lahat. Di bali ako ang magutom wag lang ang aking mga anak. "Di bali, hahanap ako ng paraan mamaya para may kakainin kami mamayang gabi," bulong ko sa aking sarili habang naghahanda. Pagkatapos kong maihanda ang almusal, ginising ko ang kambal. "Jenny, John, bangon na. Kakain na tayo," malumanay kong sabi habang hinahaplos ang kanilang mga ulo. Agad namang nagising ang dalawa, at kahit inaantok pa, ngumiti sila sa akin. "Good morning, Mommy!" sabay nilang bati. Ang saya nilang makita, kahit sa kabila ng lahat ng problema, nagagawa pa rin nilang ngumiti at magbigay ng liwanag sa aking araw. "Good morning, mga anak. Halika na, kain na tayo bago kayo pumasok sa school," sagot ko. Pinilit kong gawing masaya ang tono ng boses ko, para kahit papaano ay hindi nila maramdaman ang bigat ng sitwasyon namin. Haban
Chapter 114Habang abala ako sa pagtutok sa mga papeles at datos sa harap ko, hindi ko namalayan na magtanghali na pala. Kung hindi ako kinalabit ng isa kong kasamahan, malamang ay tuluyan na akong nalimutan ang oras."Kiera, oras na ng tanghalian. Halika na, sumabay ka sa amin," sabi ng babae, na nakilala ko bilang si Lia, isang accounting staff.Nagulat ako at mabilis na nagpasalamat. "Ah, salamat, pero hindi na. May kailangan pa akong tapusin dito," sagot ko, pilit na itinatago ang dahilan kung bakit talaga ako tumanggi. Ang totoo, wala akong pambili ng panghalian, at ayaw kong mapahiya kapag nalaman nila ang totoo.Ngunit tila nakuha ni Lia ang ibig kong sabihin. Ngumiti siya at sinabing, "Alam mo bang libre ang pagkain dito sa kompanya? Matagal na itong ipinatupad, lalo na ng bagong CEO natin ngayon, si Sir Jammie Flores."Napakunot ang noo ko at napatingin sa kanya. "Libre po ang pagkain? Talaga?" tanong ko, halatang hindi makapaniwala.Tumango siya, bakas sa mukha ang kasiyahan
Chapter 115 Kinuha niya ang tray ko at dinala kami sa isang sulok ng cafeteria kung saan may mga nakahandang food containers. "Dito na lang ilagay para madali mong madala," aniya. Habang inilalagay ko ang natirang pagkain sa lalagyan, ramdam ko ang pasasalamat ko sa pagkakataong ito. Malaking bagay ang bawat pagkain na maiuuwi ko para sa kambal, lalo na sa hirap ng sitwasyon namin. "Salamat, Lia," sabi ko nang may ngiti, kahit halata ang hiya sa mukha ko. "Malaking tulong ito." Ngumiti lang siya at tumango. "Walang anuman, Kiera. Huwag kang mahihiya, okay? Isa pa, mukhang mabait naman si Sir Jammie. Parang talagang iniisip niya ang kapakanan ng mga empleyado dito." Napangiti ako nang bahagya. Kahit papaano, naramdaman kong may malasakit talaga ang kompanya sa mga katulad kong hirap sa buhay. Ngunit sa likod ng lahat ng ito, hindi ko pa rin maiwasang balikan ang iniisip ko tungkol sa misteryosong tingin ni Sir Jammie sa aking mga anak. Habang hawak ang container ng natirang pagka
Chapter 116 Habang ni-review ni Sir Jammie ang mga gawa ko, hindi ko maiwasang pigilin ang aking hininga. Ramdam na ramdam ko ang kaba at tensyon sa bawat segundo na lumilipas. Ngunit nang matagal na siya sa pagtingin sa mga papeles, ang aking hininga ay napalitan ng pagtataka nang bigla siyang magtanong, "Kumusta na ang kambal? Saan sila nag-aaral?" Agad akong napatingin sa kanya, hindi ko alam kung paano haharapin ang tanong na iyon. Hindi ko inexpect na tatanungin niya ang tungkol sa kanila. Para bang ang mga mata niyang asul ay naghahanap ng kasagutan, at ako naman ay hindi makasagot ng buo. "Ah... Ang kambal ko po," nagsimula ako, medyo naguguluhan. "Si John at si Jenny. Nag-aaral po sila sa isang public school malapit lang sa amin." Napansin ko na ang tono ko ay medyo nanginginig, kaya pilit kong tinangka na magpakatatag. "Bilog po ang kanilang mundo, sila ang dahilan kung bakit ako nag-pupursige sa trabaho. Nagsimula na po sila sa kindergarten." Hindi ko alam kung anong kla
Chapter 117 Pagdating ko sa mesa ni Ms. Clara, hinanda ko na ang sarili kong sabihin ang utos ni Sir Jammie tungkol sa cash advance. Pero bago ko pa mabuksan ang bibig ko, biglang bumukas ang pintuan ng opisina niya. "Kiera," tawag niya muli, kaya napalingon ako. Laking gulat ko nang makita ang seryosong ekspresyon sa mukha niya. Lumapit siya nang dahan-dahan, at bago pa ako makapagtanong, nagsalita siya. "Huwag ka nang dumaan kay Ms. Clara," sabi niya. "Ako na mismo ang magpapahiram sa'yo ng 10,000 pesos. Pero..." Tumigil siya, tinitingnan ako na parang may hinihintay na sagot. Napalunok ako, hinihintay ang susunod niyang sasabihin. "Basta siguraduhin mong dadalhin mo ang kambal bukas dito sa kompanya. Tamang-tama naman, Friday bukas at wala silang pasok, hindi ba?" tanong niya sa akin. Nagulat ako, pero sa kabila ng lahat, naramdaman ko rin ang ginhawa. Para bang nalutas na ang isa sa pinakamabigat kong problema. "Opo, Sir," sagot ko, pilit na nagpapakita ng ngiti kahit nal
Chapter 119Pagsapit ng alas-singko ng hapon, agad akong nag-ayos ng aking mga gamit. Sinilid ko ang tirang pagkain sa dala kong bag at nagmamadaling tumayo mula sa aking desk. Kailangan ko nang puntahan ang kambal sa kanilang school. Mabuti na lang at apat na gusali lang ang pagitan nito mula sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko, kaya hindi ako mahihirapan.Habang naglalakad palabas, iniisip ko kung ano ang magiging reaksyon ng kambal kapag sinabi kong isasama ko sila bukas sa opisina. Alam kong matutuwa sila, lalo na si Jenny na mahilig magtanong tungkol sa trabaho ko.Pagdating ko sa gate ng kanilang paaralan, nakita ko agad ang kambal na naghihintay. Si John ay tahimik na nakaupo sa bench, habang si Jenny naman ay masiglang kumakaway sa akin."Mommy!" sigaw ni Jenny, tumakbo siya papunta sa akin at niyakap ako. Sumunod naman si John, dala ang maliit niyang bag."Kamusta ang school niyo?" tanong ko sa kanila habang hinahaplos ang buhok ni John."Masaya po, Mommy!" sagot ni Jenny. "Sa
Authorโs Note Maraming salamat sa lahat ng nagbasa at sumubaybay sa kwentong ito. Isa itong kwento ng pagmamahal, pamilya, at tunay na pagkakaibiganโmga bagay na hindi nasusukat ng panahon o distansya. Sa kabila ng mga pagsubok, sa dulo ng lahat, ang mahalaga ay ang mga taong nananatili sa ating tabi, anuman ang mangyari. Ang pagsusulat ng kwentong ito ay isang magandang paglalakbay, at umaasa akong naiparamdam ko sa inyo ang tamis ng pag-ibig at ang halaga ng matibay na samahan. Hanggang sa susunod nating kwento! โ INDAY STORIES Sana sabay-sabay ang kwento ni Althea qt Angie ang dalawang pa nilang magkaibigan sa Book #2 at suportahan po ninyo ang bago kong story upang makapasok man lang sa ranking pamamagitan pag vote po ninyo ang THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE. Maraming salamat po....
Chapter 293 The Last Chapter. Kinabukasan Habang abala ako sa pag-aayos ng mesa para sa almusal, biglang nag-ring ang aking phone. Agad kong sinagot ito nang makita ang pangalan ng tumatawag. "Bruha! Guess what?!" sigaw sa kabilang linya. Napangiti ako. "Angie?! Diyos ko, ang aga-aga, sigaw ka agad!" sagot ko, pero hindi ko maitago ang excitement sa boses ko. "Alam mo bang andito na ako sa bansa? At hindi lang akoโkasama ko si Heart!" Halos mabitiwan ko ang phone sa sobrang tuwa. "What?! Totoo ba โyan?! Kailan pa?! Nasaan kayo ngayon?!" "Surprise! Nasa harap na kami ng bahay mo!" Napamura ako sa gulat at dali-daling tumakbo palabas. Pagbukas ko ng pinto, tumambad sa akin sina Angie at Heart, parehong nakangiti nang malapad habang kumakaway. "Bruhaaaaaa!!!" sigaw ko sabay takbo at niyakap silang dalawa ng mahigpit. "Althea, dahan-dahan naman! Para kang toro!" natatawang reklamo ni Heart pero niyakap niya rin ako pabalik. "Grabe, ang tagal nating โdi nagkita! Parang kailan
Back to Present โOh my gosh, Mommy. Nakakilig naman ang love life ninyo ni Dad!โ sabi ni Elena habang nakangiti at yakap-yakap ang unan niya. โParang sa pelikula lang! Ang daming eksena, tapos may action, comedy, at super sweet na moments!โ Napatawa ako sa reaksyon ng anak ko. โTalaga, anak?โ โOo naman! Grabe, Mommy, hindi ko in-expect na si Daddy pala โyung laging napag-tripan ni Tito Brandon at Tito Kurt noon! Tapos ikaw pa โyung strong and independent woman na kinatatakutan nila dati? Wow! Goals!โ Napangiti ako at tinignan ang asawa kong nakaupo sa tabi ko. Nakangiti rin ito habang nakikinig sa amin. โPero Mommy, ang pinaka-nakakatawa talagaโโyung kay Tito Brandon at kay Nurse Heart! Ano kaya nangyari sa kanila after noโn? Diba parang may something?โ tanong ni Elena, sabik na malaman ang sumunod na kwento. Napatingin ako sa asawa ko, at kita ko ang pag-iling niya na may halong tawa. โHuwag mong sabihin saโkin na gusto mong marinig ang love story ni Brandon?โ โYes, Mom
Chapter 291Final ChapterTahimik ang silid nang biglang marinig ko ang boses ni Kurtโpero parang may halong boses ni Brandon habang nagsasalita siya.โIlang views na ba โyan?โ tanong ni Kurt, kaya nagtataka ako. Hindi muna ako nagpahalata na kanina pa akong gising.โWalang hiya, bro! Malapit nang maabutan ang sayo! Hahaha!โ sagot ni Brandon. Napilitang akong bumangon sa kama.โViews? Ano na namang pinag-uusapan nโyo, Kurt?โโOh, gising ka na pala, Jay,โ sagot niya. โAkalain mo โyon, isang bully ni Kurt noon, hinimatay sa delivery room? Hahaha!โ sabat ni Althea, may halong panunukso.โAng pangit ng mukha mo, bro, nung lumabas ka sa delivery room! Mukha kang takot na takot! Hahaha!โ dagdag pa ni Brandon, lalong ginagatungan ang asaran.โHoy, Brandon! Baka mas malala pa sayo โyan kapag nag-asawa ka,โ sagot ko.โNo, no, no! Hindi mangyayari โyon, bro!โ mabilis niyang tanggi.Biglang bumukas ang pinto at lumabas ang isang nurse. โHello, everyone! Andito na ang mga cute-cute na babies!โDo
Chapter 290 Jayson POV Four Years Later โMom, good morning!โ sabay tawag ng tatlong taong gulang na kambal naming sina Emerson at Esmerald habang masiglang tumatakbo papunta kay Janeth. โGood morning, babies!โ Masayang sinalubong ni Janeth ang dalawa at hinalikan sa pisngi. โGood morning din, Hubbyโฆโ malambing niyang bati sa akin. โGood morning too, Wifeโฆโ sagot ko naman, sabay halik sa kanyang labi. โEwww! Nakakadiri ka, Dad! Hindi pa nga nagbabrush si Mommy ng teeth,โ reklamo ni Eme habang patawa-tawang sumampa sa kama at tumatalon-talon pa. โCareful, Eme, baka madaganan mo ang tummy ni Mommyโฆโ paalala ni Emer sa kapatid niya. โUpsโฆ sorry, Kuya! Halika na, Mommy, letโs eat na! Iโm so hungry naโฆโ โLetโs go, Wifeโฆโ Akmang tatayo na ito nang bigla itong napangiwi sa sakit na naramdaman niya sa kanyang tiyan. โHubby, parang manganganak na ata akoโฆ Ahhh! Ang sakit!โ Napamura ako sa gulat. โF**k! Emer, tawagin mo ang driver! Kunin mo ang cellphone ko at tawagan si Daddylo mo
Chapter 289Jayson POVFlashback Pagkalabas ni Janeth sa library, hindi ko maiwasang mapangiti habang sinusundan siya ng tingin. Hindi pa rin ako makapaniwalaโang babaeng bumuhay muli sa matagal nang natutulog kong puso ay siya rin palang aking napangasawa. At hindi lang basta asawa, kundi ang sekretaryang ilang gabi ko nang pinapantasya.Shit. Ramdam ko ang paninigas ng alaga ko sa loob ng suot kong slacks. Ilang minuto akong nanatili sa library, pinapakalma ang sarili, bago ako lumabas. Sakto namang pababa sina Mom at Dad mula sa hagdan."Mom, Dad, saan kayo pupunta?" tanong ko, bahagyang nag-aalangan sa kanilang malalawak na ngiti."Aalis muna kami ng daddy mo, son," sagot ni Mom, may kasamang pilyang kindat. "Para may pagkakataon kayong makabuo ng apo ko. Sana babae, para may maisasama akong mag-shopping at mag-ayos ng buhok!""Momโฆ apo agad?" Napakamot ako sa batok, hindi makapaniwala sa diretsahan niyang sagot."Why not?" singit naman ni Dad. "Matanda na kami, gusto naming may
Chapter 288Janethโs POV"Sa sandali lang ha, maliligo muna ako," sabi ko dito upang makaiwas sa kanyang mapanuksong tingin sa akin. Habang nasa loob pa din ako sa kanyang silid ay hindi mo maiwasang mag-isip kong totoo ba itong lahat. "Totoo ba โto? As in real?" Yan ang paulit-ulit na tanong sa isip ko habang nakatayo sa loob ng kwarto ni Jayson. Kung panaginip lang ito, sana โwag na akong magising.Napatingin ako sa kama, at doon ko napansin ang isang neatly folded na damit pang-babaeโmay kasamang underwear at bra. Hmmm... kanino kaya โto?Lumapit ako at napansin ang isang maliit na note sa ibabaw. Agad ko itong binasa.To: JanethWear this, honey.From: MommyNapangiti ako nang makita ang sulat. Talaga si Mommy, ha? Ang bilis akong tanggapin bilang asawa ng anak niya.Wala na akong sinayang na oras at dumiretso na ako sa banyo para maligo.Ahhhh, ang sarap ng tubig.Habang sinasabon ang katawan, napatingin ako sa lagayan ng shampoo at sabon. Napangiti ako nang makita ang panglal
Chapter 287 Jayson POV "By the way, hindi tayo papasok ngayon," sabi ko habang nakasandal sa upuan, pinagmamasdan ang reaksyon ni Janeth. Napakunot ang noo niya. "Bakit, boss? May pupuntahan ho ba kayo? Kung gano'n, pwede na ho ba akong mag-mall? Pawala lang ng stress, hehehe." Napailing ako. "Yes and no." "H-ho?" nagtatakang tanong niya. "Yes, dahil may pupuntahan tayo. No, dahil honeymoon natin ngayon." Halos mapatalon siya sa kinatatayuan niya. "A-ano ho? H-honeymoon natin?" Ngumiti ako at tumayo mula sa aking upuan, dahan-dahang lumapit sa kanya. "Yes. And stop calling me boss. Just call me hubby." "Pe-pero, bossโ" "Shhh..." Pinatigil ko siya, sabay taas ng kilay. Napalunok siya. "H-hubby..." Ngumiti ako sa narinig ko, pero halatang labag sa loob niya kaya masama ang tingin niya sa akin. "Bakit parang napipilitan ka?" tanong ko, nakataas ang isang kilay. "Gusto mo ba dito na lang tayo mag-honeymoon?" Bigla siyang napailing nang mabilis. "Sabi ko nga, hubby ang tawag
Chapter 286Janeth POV"Shit! Ang sakit ng ulo ko..." Napaungol ako habang marahang hinawakan ang aking noo. Ngunit natigilan ako nang mapansin kong hindi ito ang kwarto ko. Napabangon ako at napatingin sa paligid, nagtataka.Napako ang tingin ko sa isang picture frame."Shit! Shit! Bakit ako nandito sa kwarto ni boss?" Mabilis akong bumangon, sinikap kong hindi gumawa ng ingay habang dahan-dahang binuksan ang pinto. Ngunit halos mabangga ko si boss nang bigla siyang lumitaw sa harapan ko, nakakunot ang noo.Napalunok ako at pilit na ngumiti. "Heheheโฆ G-good morning, boss!""Follow me to the library.""Y-yes, boss..."Kinakabahan akong sumunod sa kanya. Ang daming tumatakbo sa isip koโbaka may nagawa akong mali? Baka tanggalin niya ako sa trabaho? Wag naman sana, Lord!Nang makarating ako sa harap ng library, nanlalamig na ang kamay ko sa kaba. Wala akong choice kundi kumatok.Tok! Tok! Tok!"Come in."Dahan-dahan akong pumasok at agad na nagmakaawa. "B-boss, kung ano man ang kasalana