Share

CHAPTER 6 [PART ONE]

“PAANO nga Francis?! Paano natin maipapaliwanag na hindi natin siya tunay na anak matapos ang pananakit na ginawa natin sa kaniya?!” 

“Sinasabi ko na nga ba!” 

Gulat na napatingin ang mag-asawang Ocampo sa taong nagsalita at nakita nilang bukas ang pinto kung saan andoon si Daisy. 

“Sinasabi ko na nga bang hindi ko kapatid ‘yang Anastasia na ‘yan! Kulay palang ng mata ay hindi na satin nanggaling!” 

“S-Sandali Daisy!” 

Hinabol nila si Daisy na pumasok sa loob ng kwarto nito at ni-locked iyon. “Daisy! Daisy! Papasukin mo kami sa loob!” naririnig ni Daisy ang pagtawag sa kaniya ng mga magulang nito pero umiyak lamang siya at nagsisigaw pagkatapos ay pinaghahagis lahat ng gamit na makita niya. 

“F-Francis b-baka kung anong gawin niya sa sarili niya, alam mong may anger issue si Daisy.” 

Tumango si Francis at agad na bumaba upang kunin ang spare key sa budega nila. Matagal na nilang alam na mayroong anger issue si Daisy kung kaya hanggat maaari ay hindi nila ginagalit ang anak at lahat ng kaya nilang saluhin para dito ay sasaluhin nila kahit pa na may ibang mapahamak. 

‘Yan ang pinagsisisihan nila ngayon dahil nasira nila ang buhay ni Anastasia. 

“Arghhh!!!” 

Hindi pa ‘rin matigil si Daisy sa pagwawala sa kaniyang kwarto at pabalang na inalis ang kaniyang fake pregnancy belly at hinagis niya sa kung saan at dali-daling pumunta sa banyo. Napahinto siya sa harapan ng salamin at kitang-kita niya ang gulo gulong buhok, ang make-up na wala na sa ayos at kumalat, ang kaniyang damit. 

“Ahhh!” 

Ginamit niya ang sariling kamay at sinuntok ang salamin na naging dahilan upang mas lalo siyang mapasigaw sa sakit at galit. Wala siyang pakielam kung mayroong dugo ang kaniyang kamay dahil nang makita pa niya ang basag basag na salamin ay mas lalo siyang nakaramdam ng galit. 

“Daisy! Daisy anak ‘wag kang gagawa ng kahit na naong ikakapahamak mo!” 

Napatingin siya sa pinto dahil doon at galit na sumigaw. “I hate you! I hate you both mommy, daddy!” pagkasabi niya niyon ay kinuha niya ang basag na salamin at hiniwa ito sa kaniyang pulsuhan na lalo nitong ikinahiyaw sa sakit. 

“Ahhh!” 

Sakto naman na nabuksan na ni Francis ang pinto at dali-daling tumakbo ang dalawa sa loob. Nakita nila ang magulong kwarto ni Daisy at pagkatingin sa banyo ay napatili si Carmela dahil sa nakitang paghiwa ni Daisy kasabay ng pagbagsak nito sa sahig. 

“Daisy! Daisy anak!” si Francis ang mabilis na lumapit sa anak at tinapik ang pisnge nito dahil nawalan na ito ng malay. Patuloy na umaagos ang dugo sa pulsuhan nito. 

“Carmela! Ihanda mo ang sasakyan!”

Kaagad na sinugod si Daisy sa ospital, maraming maid na nakakita ngunit kabilinbilinan ni Carmela ay 'wag iyon ipagsasabi kahit kanino, ngunit ang nasa isip ng mga katulong ay ang dugong nakikita nila kay Daisy ay mula sa pinagbubuntis nito lalo na at wala na ang baby bumb niya. 

Pagkarating nila sa ospital ay agad na inasikaso si Daisy habang si Carmela ay iyak ng iyak at si Francis naman ay pinapatahan ang asawa. Pareho silang nag-aalala para sa kanilang kaisa-isang anak hanggang sa tuluyang lumabas ang doctor at sinabing ayos na ang babae. 

“K-Karma na siguro natin ito Francis, karma na natin ito sa lahat ng ginawa natin kay Anastasia.” 

“’Wag mong sabihin ‘yan Carmela, may awa ang dyos.” 

“Awa?! Totoo ang karma Francis! Alam mo ba kung gaano natin sinaktan ang bata?! Inilayo natin siya kay Tanner at sinabing may anak sila ni Daisy! Pinagbantaan at ikinulong pa natin siya sa basement!” 

Napayuko nalang si Francis dahil sa sinabi ng asawa, tama naman ito. Tama ito kung kaya nilalamon na siya ng konsensya, sa kanilang lahat ay siya ang pinakang close kay Anastasia. Nagalit siya dito, na-dissapoint pero ‘yun pala ay nagpapadala lang siya sa galit. 

Isang oras ang lumipas ay nagising si Daisy kung kaya agad nila itong nilapitan at kinamusta. 

“Kung mahal niyo ako bilang anak ay susundin niyo lahat ng gusto ko.” 

Natigilan sila sa sagot ni Daisy at nagkatinginan. “D-Daisy, mahal ka namin ng daddy mo. Ano bang sinasabi mo jan?” napatingin si Daisy sa ina at binigyan niya ito ng matalas na tingin. 

“Mahal?! Hindi niyo ako mahal! Hinayaan niyo ang Anastasia na ‘yon! Ngayon na wala na siya ay paano ko pa ipapagpatuloy ang pagbubuntis?!” natigilan sila sa sinabi ni Daisy. Punong-puno ng galit ang puso ng babae, sa kaniyang magulang at lalo na kay Anastasia. 

“Anak, mahal ka naman ni Tanner bakit hindi nalang kayo ulit gumawa?” 

Natawa si Daisy. Tila ba nakarinig siya ng isang joke na hindi kapanipaniwala. “Mahal daddy? Alam kong alam niyo na si Anastasia ang mahal ni Tanner hindi ako!” tuluyan nang hindi nakasagot ang dalawa. “Baog ako mommy, daddy! Ilang beses na naming ginagawa ni Tanner pero wala pa ‘rin kaya nagpatingin ako sa doctor at doon ko nalaman na hindi ako pwedeng magka-anak!” 

Napasinghap si Carmela dahil sa narinig habang sunod-sunod na tumutulo ang luha ni Daisy. “Kaya ako galit na galit kay Anastasia! Bukod sa lahat nalang ay inaagaw niya saakin ay hindi na ako maaaring maging isang ina pa, kaya lahat ay gagawin ko para hindi siya lumigaya! Lahat gagawin ko, hindi ako papayag na ako lang ang magsdusa ng ganito!” 

Doon na naalerto si Francis at hinawakan ang kamay ng anak. “Daisy hindi mo pwedeng gawin ‘yan kay Anastasia, bukod sa hindi mo naman siya totoong kapatid ay utang natin sa kaniya kung nasaan man tayo ngayon.” Natigilan si Daisy sa narinig at kinunutan ng noo ang ama. 

“D-Dahil sa ina niya kung bakit tayo yumaman Daisy, nang iwan siya satin ng ina niya ay mayroon siyang ibinigay na dyamante, nagamit namin iyon ng mommy mo para makapagsimula ng negosyo at maipatayo ang bahay.” 

Sa narinig ay mas lalo lang sumiklab ang galit sa puso ni Daisy, ito ay inggit na nagiging dahilan para magalit siya sa babae. Wala siyang ibang nakikitang dahilan para maging mabait siya kay Anastasia dahil lahat nalang ay tungkol dito, lahat nalang tungkol kay Anastasia. 

“Susundin niyo lahat ng gustuhin ko mommy, daddy. Kapag hindi niyo ginawa ay ako ang mawawala sa inyo.” 

Nagkatinginan ang mag-asawa dahil sa sinabi ni Daisy at hindi na tuluyang nakasagot pa. Sino bang magulang ang gustong mawala ang kanilang anak? Wala. At natatakot sila na mawala ang kaisa-isa nilang anak. 

SAMANTALANG matapos bumalik ni Brandon mula sa bahay ng mga Ocampo ay hinihingal siyang umakyat sa kwarto ng kaniyang nobya na si Kathy. 

“Oh, baby! Saan ka ba nanggaling at bigla ka nalang nawala?” 

Napalingon ‘din si Anastasia na nakahiga sa higaan ni Kathy at nagpapahinga, pinapatulog na siya ng dalaga ngunit hindi niya magawa dahil sa dami ng kaniyang iniisip. 

“G-Galing ako sa bahay niyo Anastasia,” dahil sa narinig ay agad na bumangon ang dalaga ngunit napangiwi siya sa hirap kaya tinulungan siya ni Kathy. “Salamat Kathy, teka anong ginawa mo sa bahay Brandon?” baling niya sa lalaki at naglakad ito palapit sa kanila at hinarap ang cellphone kung saan naroon ang video record na kinuhaan niya sa basement. 

“Napakamaldita talaga niyang Daisy na ‘yan! Napakamakasarili! Hindi ‘rin ako makapaniwala kay tita, Anastasia! Nagagawa niyang kampihan ang kasinungalingan nito!” 

Napahigpit ang kapit ni Anastasia sa cellphone na ibinigay ni Brandon at maya-maya pa ay mabilis niyang binura ang video na ikinalaki ng mata ng magkasintahan. 

“Anong ginawa mo?!” 

Agad na kinuha ni Brandon ang cellphone. “Anastasia bakit mo ginawa ‘yun! ‘Yan nalang ang matibay na ebidensya na panlaban natin sa kanila!” sigaw ‘din ni Kathy sa kaniya ngunit umiling siya sa dalawa at muli ay nagsimula nanaman siyang umiyak. 

“H-Hindi niyo naiintindihan… Kailan man ay wala nang magbabago, mananatili si Daisy sa puso ni Tanner. Mananatili sa puso nila mommy at daddy na siya ang paburito nilang anak. Wala akong laban, wala akong laban Kathy. Anak ko nalang ang meron ako kaya ayaw ko ng isabit pa ang pangalan ko kahit na sino sa kanila.” 

Natigilan sila sa sinabi ni Anastasia, si Kathy ay agad na tumabi sa kaibigan at hinagod ang likuran nito. “A-Alam kong alam mo Brandon. Alam kong ayaw maniwala ni Tanner hindi ba?” tinignan ni Anastasia ang lalaki ng deretsyo sa mata at nakatulala lang ang lalaki sa kaniya. 

“H-Hindi siya naniniwala at kailan man ay hindi siya maniniwala. Noong sinabi ko sa kaniya ang totoo, nitong nakaraan lang, nakita pa niya ang tiyan ko pero hindi siya naniwala. Tinignan niya lang ako na parang may napakalaking kasalanan sa mundo. Hinayaan niya pa akong duguin sa harap niya at ipasipa sa Daisy na ‘yon.” 

“Shh…Anastasia tumahan ka na please, baka makasama sa anak mo ‘yan.” 

Pinatahan na siya ni Kathy dahil halos hindi na ito makapagsalita ng maayos sa kakaiyak. Inilingan naman ni Kathy ang boyfriend dahil nakita niya na magsasalita pa sana ito, walang nagawa si Brandon kundi ang bumuntong hininga. 

“Hindi ko na sasabihin Anastasia.” Napatingin ang dalawang babae sa kaniya. “Itatago ko kay Tanner ang totoo, itatago kita, kayo ng anak mo. Gagawin ko ang lahat para hindi ka madamay sa magulong mundo niya.” Seryosong sabi niya na ikinangiti ni Anastasia kahit pilit at may luha pa ‘rin sa mga mata. 

“S-Salamat, Brandon. Salamat!” 

‘Yan nalang ang tanging magagawa ni Brandon. Nakikita niya kay Anastasia ang nakababatang kapatid, kung tutuusin ay magkasing edad nga ang dalawa ngunit wala na ito dahil kinuha na siya ng nasa taas. 

‘I am sorry Tanner, pero tingin ko ito ang tama. Hindi ko hahayaan na mabulag ka nanaman at may ibang tao na madamay, this time ako naman ang gagawa ng aksyon. Aalagaan ko ang mag-ina mo. Bella? Nakikita mo ba kami lil sis? Alam kong ayaw mong maulit ang nakaraan, sana ay gabayan mo ako.' 

*** 

ANASTASIA 

HINDI ako nakatulog ng maayos pero kusa pa ‘ring nagigising ang sarili ko ng maaga. Kanina pa ako gising ngunit nakatingin lang ako sa kisame, katabi ko si Kathy ngayon at nandito kami sa kwarto niya. Hindi pa ‘rin ako makapaniwala na nakalabas na ako sa basement, buong akala ko ay hindi na ako makaka-alis sa lugar na iyon. 

Akala ko mananatili nalang ako sa madilim at apat na sulok na lugar na iyon. 

Napapikit ako ng mariin dahil sa isipin na iyon at nagpasiyang tumayo na. Umuwi ‘din kagabi si Brandon, noong una ay hindi ako makapaniwala na ito ang boyfriend ng kaibigan ko. Sadyang nagtagal ako sa ilalim na ‘yun kaya marami akong bagay na hindi alam. 

Sa nakalipas na limang buwan ano na nga ba ang nangyari? May naghanap ba saakin? Sabagay si Kathy lang naman ang kaibigan ko. Pagkatapos kong maghilamos at toothbrush ay bumaba ako ng hagdan nila, tulog pa naman ang kaibigan ko kaya baba na ako para makalanghap ng simoy ng hangin sa kanilang garden. 

Dalawa naman ang garden nila Kathy, sa harap at sa likod. Syempre doon ako sa likuran dahil baka may makakita saakin kapag sa harap ako tumambay. Nahirapan pa akong bumaba ng hagdan dahil sa tiyan ko, minsan nagtataka nga ako e, parang may mabigat na bagay sa tiyan ko at hindi ako makakilos ng maayos. 

Alam kong ang anak ko ito pero parang double naman ata ang bigat sa normal na buntis? Hindi pa kasi ako nakakapagpacheck-up ng maayos, siguro kapag tumagal ako dito ay magpapasama ako kay Kathy. 

“Sino ka?! Anong ginagawa mo dito sa loob ng bahay namin?!” 

Natigilan ako sa paghakbang papunta sa likod bahay ng biglang may pumigil saakin. Kilala ko ang boses na iyon—ang mommy ni Kathy. Bigla akong nakaramdam ng saya dahil doon, ang tagal ko ng hindi nakikita si tita Avery. 

“Guard! Guard! Bakit may napasok dito?!” 

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Calista Dale
yan naman yun katangahan ni Anastasia.. hindi uso pag iingat para sakanya.. so careless anastasia
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
naku baka may makakita sayo anastasia at sabihin sa mga ocampo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status