Share

CHAPTER 5

last update Last Updated: 2022-09-21 12:16:29

KATHY 

SINASABI ko na nga ba at may kinalaman si Daisy sa biglang pagkawala ni Anastasia! Kilala ko ang kaibigan ko na ‘yun at hindi siya papayag na umalis ng hindi manlang nagpapa-alam saakin papunta pa kaya sa states?! Kakalbuhin ko talaga ang babaeng ‘yun sa oras na makita ko siya! 

Kanina pa umalis si ate Rian at ibinigay niya saakin ang isang spare key ng basement, balak ko ay pumunta na agad pero naisip ko na pupunta ako kapag umalis sila ng bahay. Alam kong nalabas sila sa hapon dahil ang Daisy na iyon ay kasama ang walanghiya na Tanner na ‘yon habang ang magulang niya ay mayroong lakad, ayon na ‘rin kay ate Rian. 

Mabuti nalang at may source pa ‘rin siya sa loob. Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako sa taong nasa labas niyon. 

“Saan ka pupunta, baby?” 

Napalunok ako dahil sa sinabing iyon ni Brandon. Si Brandon ay boyfriend ko, naging kami two months ago, nakilala ko siya jan lang sa labas ng bahay at talagang nagbibiro ang tadhana dahil kaibigan ito ng nakabuntis kay Anastasia—si Tanner! Hindi kami magkasundo noong una dahil ayaw niyang maniwala sa kwento ko, galit siya saakin at ganoon ‘din ako sa kaniya pero doon kami nagsimula hanggang sa nagkamabutihan. 

Okay na sana love story namin kaso pumalpak lang dahil sa kaibigan niya! 

“Ililigtas ko ang kaibigan ko!” 

Hinawi ko siya upang makadaan ako ngunit naging mabilis ito at hinawakan ako sa braso. 

“Sinong kaibigan? Si Anastasia? Nasa states nga siya hindi ba?” pinanliitan ko siya ng mata. “Wala sa states si Anastasia! Nandoon siya sa bahay nila at ikinulong sa basement! Bakit hindi mo tanungin ang magaling mong kaibigan? Itinulak niya lang naman si Anastasia at sinipa ng hilaw niyang girlfriend ang tiyan ni Anastasia!” 

Nagulat ako ng hilayin niya ako papasok at isinara ang pinto. “Ano ba Brandon?! Bitawan mo nga ako! Kailangan kong ilayo si Anastasia dito!” hindi ko na napigilan ang mapaiyak, kanina pa ako nag-aalala. Kung limang buwan nang nananatili si Anastasia sa basement malamang na natatakot ito at hindi alam ang gagawin. Ayon kay ate Rian ay wala na itong ibang kakampi dahil natanggal siya sa trabaho, kailangan kong magmadali! 

“Kumalma ka lang baby, okay? Sabihin mo saakin ang lahat at paniniwalaan kita.” Umiling ako sa kaniya at inalis ang kamay na nakahawak saakin. “Hindi ka maniniwala saakin! Ilang beses ko sa’yong pinagpilitan ang totoo pero pinaniwalaan mo pa ‘rin si Tanner. Hindi ako papayag na pigilan mo ako Brandon!” bigla niya akong niyakap na nagpatigil saakin. 

“Shh… I’m sorry, sorry na baby ko. Maniniwala ako sa’yo please, makikinig ako sabihin mo saakin ang totoo.” Nahihimigan ko ang seryoso sa tinig niya kaya tinignan ko siya’t seryoso ito. Siguro naman ay hindi niya ako tatraydurin hindi ba? 

Ikunuwento ko sa kaniya ang lahat ng nalaman ko mula kay ate Rian. Noong una ay hindi ito umimik at tahimik lamang kaya sinabi kong aalis na ako upang tulungan si Anastasia pero bigla siyang tumayo at pinigilan ako. 

“Ako ang magliligtas sa kaniya Kathy, dito ka lang at hintayin mong iuwi ko dito si Anastasia.” 

Hindi na ako nakakilos ng bigla itong umalis at isinarado ang pinto ng kwarto ko. Kailangan kong magtiwala sa kaniya, magtitiwala ako dahil boyfriend ko siya. Pero sa oras na wala siyang gawin para iligtas si Anastasia ay ako mismo ang gagawa ng paraan. 

Sa ngayon magtitiwala ako sa’yo Brandon, iligtas mo si Anastasia please. 

*** 

“MEETING at your place Tanner, 20 minutes.” 

‘Yan lang ang narinig ni Tanner ng sagutin niya ang tawag ng kaniyang kaibigan na si Brandon. Inis na napamura siya dahil alam niyang importante ito lalo na sa boses ng lalaki. 

“Why baby? May problema ba?” 

Agad niyang inalis ang pagkakakunot ng kaniyang noo dahil narinig niya ang boses ng babaeng pinakamamahal niya—si Daisy. Ngumiti siya dito. “I am really sorry baby but I have to cancel our date tonight, Brandon just called me and say that we have a meeting. It is very important.” Alalang sabi niya dahil baka magalit sa kaniya ang nobya. 

“No, it’s okay baby. Malapit lang dito sila mommy at daddy dahil may date sila, ihatid mo nalang siguro ako doon para sa kanila nalang ako sasabay.” Nakangiting sabi ni Daisy pero ang totoo ay inis na inis na siya kay Brandon dahil sa paninira ng kanilang date. 

Hinatid naman ni Tanner si Daisy sa sinasabi nitong restaurant at dali-daling pumunta sa bahay niya katulad ng sabi ni Brandon. Pagkarating doon ay nakita niya ang tatlong kaibigan na nakaupo sa sala ng kaniyang opisina at inaantay siya. 

Mayroon siyang opisina sa kaniyang bahay kaya kahit sa bahay ay nagagawa niyang mag trabaho lalo na at workaholic ito. “What’s with the rush meeting Brandon?” naupo siya sa pinakang swivel chair na nasa harapan ng mga ito. 

“Oo nga brandon? Alam mo bang nag—” 

“Don’t you dare say that!” agad na singit ni Tanner sa kaibigan na si Lawrence na ikinatawa naman nito. “Nasa kalagitnaan ako ng online games! Hahaha ano bang iniisip mo Tanner?” sinamaan lang ito ng tingin ni Tanner ngunit tumawa pa ‘rin ito at maging si Clark ay natawa na. 

Kilala kasi nila si Lawrence na pinakang babaero sa kanilang lahat, hindi ito makakatiis ng walang babae sa isang araw kung kaya tawa ng tawa ang dalawa. Nahinto lang ng biglang tumayo ang seryosong Brandon na kanina pa naguguluhan sa kaniyang mga nalaman. 

“Huy, Brandon! Ano bang nangyayari sa’yo?” hindi maiwasang tanong ni Clark dahil nakatayo lamang ito at nakatitig kay Tanner at maging si Tanner ay tinitigan lang ‘din ito. Hindi naman niya alam kung bakit ganon makatingin ang kaibigan. 

“Why did you do that?” napakunot ang noo ni Tanner sa tanong ni Brandon. “Anong tinatanong mo dyan Brandon?” si Clark muli ang nagsalita kung kaya nanlilisik ang matang tinignan ni Brandon ang kaibigan at pinatahimik. 

“Shut the fvck up, Clark!” 

“Easy! Wala akong ginagawa sa’yo!” 

Sa kanilang apat ay si Brandon ang nagmimistulang matured sa kanila o ang kuya dahil sa pagiging kalmado nito at palaging nakasuporta sa kahit na anong gustuhin nila. Kaya kapag ito na ang seryoso ay talagang napapatahimik sila, pero iba naman ang kay Tanner. Napapatahimik lang sila ni Brandon pero si Tanner ay napapanginig niya ang mga ito sa takot. 

“What are you talking about Brandon?” nabaling muli ang attensyon ni Brandon kay Tanner. “Alam mong buntis siya hindi ba?” mas lalo silang nahiwagaan sa sinabi nito. “Alam mong buntis si Anastasia!” napaupo ng maayos si Tanner at agad na napakuyom ng kamao dahil sa sinabi ng kaibigan. 

“Alam mong buntis siya pero itinulak mo at hinayaan mong sipain siya ng girlfriend mo!” 

Si Lawrence at Clark ay nagkatinginan at sabay na napakibit balikat dahil sa nangyayari. Para silang nag-uusap sa pamamagitan ng mata at alam ang tumatakbo sa isipan ng isa’t-isa. 

“Did you call a meeting just for this?” malamig na turan ni Tanner. “I let my pregnant girlfriend left alone because of this stupid question?!” nagsitayuan ang balahibo nila dahil sa malamig na malamig na boses ni Tanner pero hindi nagpatinag si Brandon. 

“This is not a stupid question! This is the truth! Anastasia is pregnant with your child and you even dare to push her! You almost kill your child!” 

“Enough!” 

Mas lumala ang tension na namamagitan sa dalawa lalo na at tumayo si Tanner at galit na galit na nakatingin kay Brandon. “I couldn’t believe that you will let yourself deceive by that brat Anastasia! She likes me very much Brandon! She’s doing that to ruin my relationship with her sister! That came from their parents, Brandon. Anastasia is obsessed with me!” sunod-sunod na umiling si Brandon sa sinabi ni Tanner kaya nang biglang humakbang si Tanner paalis ay nagsalita siyang muli. 

“Sige umalis ka! Sa oras na umalis ka ay hinding-hindi mo na makikita ang pamilya mo Tanner. You want that to believe? Ikaw ang bahala, akala ko matalino ka at magaling na leader Tanner. Pagdating pala sa pag-ibig ay tanga pa ‘rin, kaya nawala sa’yo si Bella dahil sa pagiging tanga mo.” 

Sa isang iglap lang ay nasa sahig na si Brandon dahil sa suntok ni Tanner at hindi niya ito tinigilan kung kaya naging maagap si Lawrence at Clark na pigilan si Tanner. 

“You don’t have the right to bring her up! You don’t have to involve her here Brandon!” galit na sabi ni Brandon pero kahit na putok na ang labi niya dahil sa ilang ulit na suntok ni Tanner ay hindi siya nagpatinag at sumagot. 

“I have the right Tanner! Alam nating apat na isa ka sa dahilan kung bakit namatay ang kapatid ko! Hindi ko hahayaan na maulit ang nakaraan dahil sa kapabayaan mo!” 

“B-Brandon tama na ‘yan, kilala mo naman si Tanner magalit.” Awat na sabi ni Clark sa kaibigan na siyang tumutulong dito habang si Lawrence ay pinipigilan na muling sumugod si Tanner kay Brandon. 

“Yes! I know that it’s my fault but you’ll saw how broken I am! How I tried my best to move on even if it hurts and wanted to die just to be with her!” natahimik sila ng magsimula ng umiyak si Tanner. Maging si Brandon ay natahimik at mukang natauhan na sa galit na nararamdaman at narealize na mali ang kaniyang sinabi. 

“Until now, I’m still blaming myself! Questioning myself if do I deserve to live? Do I deserve to live knowing someone sacrifice her life just to save me!” 

“You don’t know how hard is that Brandon, now that I met Daisy, I will never let you ruin that. She teach me how to love again, she let me feel like I am somewhat important to this life.” 

KANINA pa kinakabahan si Kathy kung ano na ang nangyayari sa borfriend. Ang sabi nito ay siya na ang bahala upang iligtas ang kaibigan ngunit mag-iisang oras na ang nakalipas ngunit wala pa ‘ring dumarating na Anastasia at Brandon sa kaniyang bahay. 

“Kailangan ko ng kumilos! Mukang hindi niya kayang iligtas ang kibigan ko dahil sa Tanner na ‘yan!” 

Dali-daling lumabas si Kathy sa kaniyang bahay upang pumunta sa bahay ng mga Ocampo. At dahil kilala na si Kathy sa bahay na iyon ay pinapasok nila ito at sinabi niyang hihintayin nalang niya ang mag-asawang Ocampo sa living room. 

Kinakabahan si Kathy habang nakaupo sa sofa ng mga ito, alam niya na wala pa doon ang pamilya ni Anastasia pero kinakabahan siya. Maaaring biglang dumating ang mga ito at hindi niya magawa ang binabalak o ‘di kaya naman mahuli sila kung sakali mang nagawa na niya ang nais. 

Hindi dapat ako kabahan! Gagawin ko ito para sa kaibigan ko! 

Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang isang tao na binayaran niya kanina para sa plano niyang pagkuha kay Anastasia. Akala niya ay hindi na niya ito magagamit dahil sa sinabi ng boyfriend pero mukang iniwan siya nito sa ere. 

“Gawin mo na.” 

“Yes, ma’am.” 

Sa isang iglap ay biglang nawalan ng kuryente kung kaya dali-daling tumakbo si Kathy papunta sa may kusina kung saan andoon ang daan papunta sa basement. Pinacut niya ang wires ng kuryente sa kanilang subdivision upang magawa niya ng maayos ang tangkang pagtakas sa kaibigan.   

Hindi niya magagawa na itakas si Anastasia kung buhay ang ilaw lalo na at mayroong mga CCTV sa bahay na iyon. Mabilis siyang nakapunta sa basement at ginamit ang kaniyang cellphone upang ilawan ang daan. Sobrang bilis ng tibok ng kaniyang puso hanggang sa makita niya ang nag-iisang pinto doon na naka-locked kaya dali-dali niyang kinuha ang susi at binuksan ang pinto. 

Sumalubong sa kaniya ang madilim na silid at inilibot ang ilaw sa loob hanggang sa mapatigil siya sa nakita mula doon. 

“Anastasia!” 

Napaangat ang muka ni Anastasia dahil sa kaniyang narinig na tumawag sa kaniya at nasilaw siya sa liwanag na nagmumula sa pinto. Bigla nalamang namatay ang ilaw kung kaya agad na kinuluban ng takot ang pagkatao ni Anastasia lalo na at wala pa siyang kasama at nasa basement siya. 

“Anastasia, Oh My God! Totoo nga! Buntis ka!” 

Dahil lumapit sa kaniya ang nagsalita ay mas naging malinaw sa kaniya ang boses nito at sa wakas ay nakita niya ang muka ng babae—si Kathy. Nagsimulag tumulo ang kaniyang luha dahil doon at agad na niyakap ang kaibigan. 

“Shhh… ‘wag ka na munang umiyak Anastasia! Nandito ako para iligtas ka! Si ate Rian ang nagsabi saakin na andito ka kaya gumawa ako ng paraan. Bilis halika na!” 

Sandali siyang nagpasalamat kay Rian sa kaniyang isipan dahil sa hindi nito pagpapabaya sa kaniyang kalagayan kahit pa na pinalayas na siya ng mga magulang niya. Laking pasasalamat niya ‘rin kay Kathy dahil dumating ito sa oras na takot na takot siyang mag-isa. 

Inalalayan siya nito na maglakad paakyat sa hagdan ng basement at dahil buntis siya ay maingat at dahan-dahan lang silang naglalakad. Nang makarating sa pinakang itaas ay pinahintay siya sandali ni Kathy sa may bungad upang i-check kung may tao ba sa kanilang daraanan. 

“Safe na Anastasia, halika na bilis!” hihilahin na sana siya ni Kathy ngunit pinigilan niya ang babae. “S-Sandali Kathy, natatakot ako. Natatakot ako na mahuli tayo at madamay ka sa gulong ‘to. Hindi ko kakayanin kung sasaktan ka nila mommy at daddy lalo na si Daisy dahil dito.” Umiiyak na sabi niya sa kaibigan. 

Kahit na gustong-gusto niyang makatakas ay hindi naman niya hahayaan na may madamay nanaman dahil sa gulong mayroon siya at ang pamilya niya. 

“Ano ka ba Anastasia! Kaibigan kita, at para na kitang kapatid. Kung sasaktan nila ako ay haharapin mula nila ang magulang ko!” 

Kilala ‘din kasi sa larangan ng negosyo ang magulang ni Kathy at mayaman ang mga ito kung kaya ganoon nalang kalakas ang loob nito na sabihin ang bagay na iyon. Nagpatinuod nalang si Anastasia sa kaibigan dahil wala na siyang magagawa pa, gusto na niyang makatakas at mailigtas ang anak at sarili niya. 

Plano na ni Kathy na dumaan sila sa likod ng bahay nila Anastasia kung saan ang daan ay sa may kusina na pinakang malapit sa basement. Alam niya na walang bantay doon dahil doon ang dinaraanan ng mga katulong kapag mamimili ang mga ito. 

Nang masiguro niyang wala ng tao ay dali-dali silang lumabas doon ngunit laking gulat niya ng makita ang paparating na flashlight sa may hallway na daraanan nila. 

“M-May tao…” narinig niya ang boses ni Anastasia at napahigpit ang kapit niya sa kamay nito. Hindi niya alam ang gagawin at kung saan pupunta ngunit nagulat nalamang siya ng mayroong humila sa kanilang dalawa ni Anastasia at dinala sa isang sulok. 

“Shh… ako ito baby.” 

Parang nabunutan siya ng tinik at hindi na nagpumiglas nang marinig ang boses ng kaniyang boyfriend. Narinig nila ang pagdaan sa kusina ng dalawang bantay at pumasok sa loob kung kaya agad siyang humarap kay Brandon at pinalo ito sa dibdib. 

“Ano bang ginagawa mo?! Akala ko ba ililigtas mo si Anastasia pero hindi mo ginawa!” naiiyak na sabi ni Kathy na ikinailing ni Brandon. “Kung hindi ko siya ililigtas, bakit ako nandito ngayon? Hindi ka kasi makapaghintay kaya ayan muntik na kayong mahuli.” Napayakap nalang siya sa boyfriend dahil doon. 

“M-May boyfriend kana Kathy? A-At siya ang boyfriend mo?” 

Napatingin sila ng sabay kay Anastasia dahil doon, mula sa liwanag ng buwan ay nakita ni Brandon ang malaking tiyan ni Anastasia na ikinabuntong hininga nito. 

“Mamaya na natin pag-usapan ito. Kailangan na nating makaalis dito.” Seryosong sabi ni Brandon na ikinatango ng dalawa. 

Sa tulong ng lalaki ay mabilis silang nakalabas ng bahay ng mga Ocampo at nakauwi sa bahay ni Kathy pagkatapos ay iniakyat sa kwarto niya si Anastasia. Kasabay ng pagbalik ng kuryente ay bigla nalamang umiyak si Anastasia kung kaya agad itong inalo ni Kathy habang si Brandon ay titig na titig lamang sa umiiyak na buntis. 

“A-Akala ko hindi na ako makakalabas doon K-Kathy. A-Akala ko, tuluyan na nilang makukuha ang anak ko. H-Hindi ko kaya Kathy! Hindi ko kayang mahiwalay saakin ang anak ko!” 

“Shh… Anastasia, ‘wag ka ng umiyak. Makakasama ‘yan sa anak mo sige ka. Baka pumangit ‘yan!” 

Napaiwas ng tingin si Brandon dahil sa nakikita at nagpasya na tumalikod na. Hindi na siya nagpaalam sa dalawa dahil kailangan niyang umalis upang makumpirma kung totoo ba na anak ni Tanner ang dinadala ni Anastasia. 

Kahit na malaki ang part sa kaniya na gustong maniwala kay Anastasia ay may part pa ‘rin na gusto niyang paniwalaan si Tanner lalo na at mas kilala niya ang kaibigan keysa sa kaniyang nalaman mula sa girlfriend. Nang makita ang sasakyan sa may garahe ng bahay nila Daisy ay patunay iyon na nakauwi na ang mga ito at dahil kakilala na siya ng mga bantay ay pinapasok nalamang siya’t naglakad papasok sa loob. 

Hinanap niya sa katulong ang mga ito at doon ay nalaman niyang nasa basement sila kasama si Daisy. 

“Palagi ba silang nasa basement?” hindi na niya naiwasan na magtanong lalo na at kinakabahan siya sa patuloy na malalaman. Nabanggit kasi ni Kathy na nasa basement si Anastasia kaya nagtataka siya kung bakit andoon ang mga ito. 

“Hindi naman po sir, minsan lang po. Pero si Mrs.Ocampo po ang madalas na nasa basement, dati nga po ay si Rian lamang ang napunta doon hindi naman sinasabi kung ano ang meron sa basement, natatakot nga po kami doon dahil baka may itinatago silang kakaiba.” 

Umalis na ang katulong at napaisip si Brandon. Kilala niya si Rian, nabanggit ‘din ng girlfriend niya ang pangalan na iyon. Hindi siya nagdalawang isip na pumunta sa basement at ginamit ang kaniyang cellphone upang maging panlaw pababa ng hagdan. 

Maya-maya pa ay agad niyang pinatay ang ilaw ng makita niya ang isang bukas na pinto at may naririnig siyang nag-uusap mula doon. 

“Hanapin niyo si Anastasia, mommy! Hindi pwede na mawala ang malanding iyon dahil nasa kaniya ang anak namin ni Tanner!” 

“Shh…Tahan na anak, gagawin ni mommy at daddy ang lahat. Francis! Do something about this! Kung sino man ang nagpalabas kay Anastasia ay siguraduhin mo na magbabayad! Mapapahiya ang anak natin kapag nalaman ni Tanner na nagpapanggap lang siyang buntis!” 

Sapat na, sapat na ang kaniyang narinig at pinatay ang record button ng kaniyang cellphone at dali-daling umalis sa bahay na iyon. Totoo nga, totoo ang sinasabi ni Anastasia at si Tanner ay biktima ng panloloko ng pamilya Ocampo. 

“HAYAAN nalang natin si Anastasia, Carmela. She’s been trough a lot, masyado na natin siyang sinaktan.” 

Napahinto si Daisy sa pag-iyak dahil sa sinabi ng daddy niya. “N-No! Hindi pwede daddy! Hindi niyo pwedeng gawin ‘yan! Mommy!” tila nagsusumbong niyang baling sa ina na nakatitig lang sa kaniyang ama. 

“Carmela, alam mong mali ang ginagawa natin. Masyado tayong nagpabulag sa galit at dismaya sa batang iyon. Isa ba tayong santo para hindi magpatawad at ipalabas na hindi tayo nagkasala sa tanang buhay natin? She hates us, she hates the two of us. Wala naman siyang ibang ginawa kundi ang maging isang masunurin at mabait na bata.” 

“W-What? Anong sinasabi mo daddy! Kailan man ay hindi naging masunurin na bata si Anastasia!” 

Hindi pinansin ni Francis ang anak at nakatingin lang sa asawa na nakayuko na ngayon. Napag-usapan na nila ang tungkol doon, kitang-kita ni Carmela ang takot sa mata ni Anastasia kahit pa na hindi siya nito tinatapunan ng tingin sa tuwing bababa siya sa basement upang i-check ang kalagayan nito at pakainin. 

Bilang isang ina ay hindi niya matanggap na ganoon ang maging trato sa kaniya ng anak. Oo, galit siya dahil sa ginawa ni Anastasia pero ngayon niya lang naisip na nasa tama pa kaya ang pagdidisiplina niya? Hindi kaya naging mahigpit siyang masyado to the point na nasasaktan na niya ang anak. 

“Mommy! Don’t listen to daddy! Kailangan niyong hanapin si Anastasia at ibalik dito para makuha ang anak namin ni Tanner!” 

Isa pa sa iniisip ni Carmela ay si Tanner Grimes. Kitang-kita niya ang saya sa mata nito sa tuwing nakatingin kay Daisy ngunit siya ay nakokonsensya dahil alam niyang si Anastasia dapat ang naroroon hindi si Daisy. Alam nila pareho ng asawa na may gusto si Anastasia sa lalaki noon pa man kaya mukang iyon ang nagtulak sa kaniya na makipagsiping sa lalaki ngunit ang malaking pagbabago ni Mr.Tanner Grimes ay alam niyang si Anastasia ang may gawa hindi si Daisy. 

Hindi ang isang Tanner Grimes ang ma-iinlove ng basta-basta sa anak niyang si Daisy lalo na at alam niya ang totoong kulay nito. Sadyang takot lang siya na malayo ang loob sa kaniya ng anak kung kaya pinagbibigyan niya ang gusto ni Daisy. 

“D-Daisy, tama na. Hindi ko na kaya pang saktan ang kapatid mo, siguro ito na ang oras para tigilan ang kahibangan na ito.” 

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Mhal Dhitz
kung kinakabahan ka kathy kinakabahan din ako na nagbabasa at mabilis din ang tibok ng puso ko. hahahaha. shems!!
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ngayon nyo pa talaga naisip kung tama o mali ang ginawa nyo sa anak nyong si anastasia mr.and mrs anastasia
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • One night with Mr.Tanner Grimes   CHAPTER 6 [PART ONE]

    “PAANO nga Francis?! Paano natin maipapaliwanag na hindi natin siya tunay na anak matapos ang pananakit na ginawa natin sa kaniya?!” “Sinasabi ko na nga ba!” Gulat na napatingin ang mag-asawang Ocampo sa taong nagsalita at nakita nilang bukas ang pinto kung saan andoon si Daisy. “Sinasabi ko na nga bang hindi ko kapatid ‘yang Anastasia na ‘yan! Kulay palang ng mata ay hindi na satin nanggaling!” “S-Sandali Daisy!” Hinabol nila si Daisy na pumasok sa loob ng kwarto nito at ni-locked iyon. “Daisy! Daisy! Papasukin mo kami sa loob!” naririnig ni Daisy ang pagtawag sa kaniya ng mga magulang nito pero umiyak lamang siya at nagsisigaw pagkatapos ay pinaghahagis lahat ng gamit na makita niya. “F-Francis b-baka kung anong gawin niya sa sarili niya, alam mong may anger issue si Daisy.” Tumango si Francis at agad na bumaba upang kunin ang spare key sa budega nila. Matagal na nilang alam na mayroong anger issue si Daisy kung kaya hanggat maaari ay hindi nila ginagalit ang anak at la

    Last Updated : 2022-09-22
  • One night with Mr.Tanner Grimes   [PART TWO]

    Narinig ko ang boses ni tito Kenneth kung kaya agad akong lumingon sa kanila at natatarantang umiling. “T-Tito, tita kumalma ho kayo! Ako po ito si Anastasia!” Natigilan naman sila at sinabi ko at sabay na nanlaki ang mata ng makita ako lalo na ng makita ang bilog na bilog kong tiyan. Nakasoot kasi ako ngayon ng dress ni Kathy, fitted niya pero hindi naman masikip dahil stretchable ‘yun nga lang kitang-kita talaga ang baby bump ko. Wala naman kasi akong damit na kakasya saakin, mayroon akong damit dito kasi hindi kasya ang tiyan ko. “A-Anastasia, hija ikaw ba ‘yan? B-Bakit ang laki ng tiyan mo? Tyaka nasa states ka hindi ba?” Napangiti ako ng marahan sa tanong ni tita. Mukang kagagaling lang nila sa business travel dahil sa soot nila. “Mahaba pong kwento tita,” “Handa kaming makinig.” Napatingin ako kay tito ng seryoso itong magsalita kaya napatango ako. “Magbihis po muna kayo, hihintayin ko kayo sa likod.” Mukang na gets naman nila ang sinabi ko at nag-aalangan pa si t

    Last Updated : 2022-09-22
  • One night with Mr.Tanner Grimes   CHAPTER 7 [PART ONE]

    NAPANSIN ni Kathy ang pagiging tulala ko nitong nakaraang dalawang araw. Matapos kong makita ang mommy ni Tanner ay hindi na ako muna bumalik sa paglalakad sa umaga na sinag-ayunan naman ni Kevin dahil baka kung sino-sino nanaman ‘daw ang kausapin ko. Mabuti nalang talaga at nakinig siya saakin at hindi ako sinumbong about doon. Ang dinahilan ko nalang kay Kathy ay hindi ako nagigising ng maaga pero ngayong araw ay sinadya kong gumising ng maaga at sumama kay Kevin. “Anastasia? Sasama ka saakin?” kunot noo niyang tanong na ikinatango ko. “Ilang araw na akong di nakakapaglakad Kevin, feeling ko ang bigat ng tiyan ko.” wala siyang nagawa kundi ang tumango saakin at kabilin-bilinan niya na ‘wag akong makikipag-usap sa hindi ko kilala. Kung alam mo lang Kevin—hindi lang kilala kundi kilalang-kilala. Habang papunta sa park ay kinakabahan ako, alam kong hindi malabo na andoon pa ‘rin si tita Tanaya pero nanaig ang pagkagusto ko na makausap siya at maka-close. Kahit naman na natatakot n

    Last Updated : 2022-09-23
  • One night with Mr.Tanner Grimes   [PART TWO]

    Nanlaki ang mata ko at nakita ang pagmamadali ng mga maid na pumunta sa sala, mukang magdadala ng pagkain. Ginawa ko iyong pagkakataon lalo na at nandito na sila Tanner! Hindi nila ako pwedeng makita! “Naku! Matutuwa kayo, nandito si Ana. ‘Yung kinukwento ko sa’yo Tanner, ang ganda-ganda niyang buntis.” “Honey,” “Oh, sorry. Hintayin nalang natin siya.” Hindi ko alam kung saan ako magugulat sa nalaman, sa part na kinukwento ako ni tita Tanaya kay Tanner o doon sa part na kilala ako ni Tanner bilang Ana. Sabagay di pa naman niya ako nakikita. Sobrang kaba ko ng lumabas ako sa labasan ng mga maid papunta sa main gate. Mabuti nalang at hindi ako kita sa loob. “Kuya Guard, pasabi nalang kila tita Tanaya at Tito David na umalis na ako dahil may nangyari sa bahay.” ‘yan lang ang sinabi ko at dali-dali nang umalis sa bahay na iyon. HINIHINGAL akong napasandal sa sofa nang makauwi ‘din ako sa wakas sa bahay. Napangiwi ako ng maramdaman ang sakit ng tiyan ako kung kaya hinimas-himas

    Last Updated : 2022-09-23
  • One night with Mr.Tanner Grimes   CHAPTER 8 [PART ONE]

    “KAILANGAN niyang nang manganak ngayon mismo!” “Pero hindi pa niya kabuwanan doc!” “Wala na tayong magagawa, pumutok na nag panubigan niya dahil sa nangyari at sobrang baba na ng mga bata. Kung hindi natin siya mapapa-anak ngayon ay maaaring mawala silang tatlo!” Hindi ko alam kung ano ba ang naririnig ko sa paligid basta nag-uusap sila at nagsisigawan. Mahigpit ang kapit ko sa bed sheet na aking hinihigaan dahil sa sobrang sakit. Naramdaman ko na mayroong humawak sa aking kamay at maya-maya pa’y nakarinig ako ng boses sa aking tenga kaya pinilit kong buksan ang aking mata. “Anastasia, kailangan mong umiri! Kailangan mong ilabas ang kambal!” Tama! Ang mga anak ko!—sumalubong saakin ang maliwanag na lugar ngunit kalaunan ay nakapag-adjust din ako. Nakita ko na maraming naka surgical mask ang nakapalibot saakin. Nasa ospital na ba ako? “Anastasia kailangan mong ilabas ang mga bata kung hindi ay mawawala sila!” natakot ako sa sinabi ng boses na iyon—si Brandon. Siya pala ang n

    Last Updated : 2022-09-24
  • One night with Mr.Tanner Grimes   [PART TWO]

    Tuwang-tuwa ang mga ito nang makita ang kambal at gustong-gusto nang buhatin ngunit hindi pa maaari dahil si Anastasia dapat muna ang bubuhat at magbibigay ng pangalan. Matapos ang ilang oras, nakapag palit na sila ng kaniya-kaniyang damit at naisaayos na ‘din ang dapat ayusin para sa paglipad nila sa Paris nang sa wakas nagising na si Anastasia. Sumalubong sa kaniya ang puting kisame at muka agad ni Kevin ang kaniyang nakita. “Anastasia!” dahil sa tawag ni Kevin ay napalingon sa kanila ang mga kasama sa kwarto at dali-daling nilapitan ang kinalalagyan ng dalaga. “Anastasia, anong nararamdaman mo? May masakit ba sa’yo?” “Gusto mo ba ng kahit na ano anak?” “Hindi ba masakit ang tahi mo?” Napapikit ang dalaga dahil sa sunod-sunod na bato ng tanong sa kaniya ni Kevin at ng mga nakakatanda. “Kayo naman, ine-stress niyo agad siya sa tanong e.” reklamo ni Kathy na muling ikinadilat ni Anastasia. Buhay ako! Mahina niyang sabi sa isipan at doon na tuluyang natitigan ang mga tao sa

    Last Updated : 2022-09-24
  • One night with Mr.Tanner Grimes   CHAPTER 9 [PART ONE]

    AGAD na pinasok si Anastasia sa loob ng kwarto niya at doon ay nilapatang muli ng gamot ng mga doctor. Ang kambal naman ay dinala na sa nursery room at mayroon nang dalawang guard na nagbabantay dito ayon na ‘rin sa utos nila Brandon dahil sa nangyaring gulo.Nasa labas sila ng kwarto at inaantay na lumabas ang doctor at sabihin na ayos nang muli ang kalagayan ni Anastasia. Habang naghihintay ay mayroong mga hindi inaasahan na bisita na nagpataas ng tension sa bawat pamilya na naroroon.“Anong ginagawa niyo dito?!”Nakaramdam agad ng galit si Kathy ng makita si Tanner kasama ang magulang nito, si Clark at Lawrence. Nagsitayuan na ‘rin ang dalawang pamilya at sinundan si Kathy na pinipigilan ni Brandon.“Kathy, we’re not here to fight. I am here to see Ana, Anastasia—whatever is her name.” seryosong sabi ni Tanner na deretsyo lang na nakatingin kay Kathy na pinanliliitan siya ng mata. Magsasalita na sana ito ngunit pinigilan siya ni Brandon at hinarap ang kaibigan.“Hindi ba nag-usap na

    Last Updated : 2022-09-25
  • One night with Mr.Tanner Grimes   [PART TWO]

    *AFTER SIX YEARS* ANASTASIA “THANK you Ladies and Gentleman,” Nagpalakpakan ang mga tao dito sa loob ng conference room kung saan naganap ang new launches ko ng mga new designs na isang buwan kong pinagpaguran at pinagpuyatan. Lumapit sila saakin at nakipag kamay saakin kaya malugod ko naman iyong tinanggap. Sa anim na taon na lumipas ay napakaraming nagbago lalo na sa buhay ko. Isa na ako ngayong sikat na designer dito sa Paris at kilala ako mostly sa paggawa ng mga wedding gowns. Isa ako sa mga babaeng nangangarap na makapagsoot ng magandang gowns sa araw ng kasal kaso diko alam kung mangyayari pa ba ‘yan. Simula ng lumipat kami dito ay mas lalong tumibay at sumaya ang pagsasama naming lahat, si Kathy at Brandon ay mayroon nang isang anak at buntis ngayon si Kathy for their second baby. Sila tita Avery at tito Kenneth naman ay masaya ‘din at may negosyo na dito, well naglagay na sila ng brunch sa Paris at maganda ang takbo nito ngayon. Ang magulang naman ni Brandon ay ganoon ‘

    Last Updated : 2022-09-26

Latest chapter

  • One night with Mr.Tanner Grimes   Special chapter 5 (FINAL)

    MATAPOS malaman ni Duke at Luke ang sinabi ng kanilang ate Amari ay ginusto ‘din nila na magkaroon ng bagong time machine para mayakap ang kanilang magulang mula sa nakaraan nila. Kaya pumayag naman si Asher at binigyan ang dalawa. Bumalik muna sila sa time nila at ibinalik ang unang bracelet at sabay na bumalik kung saan agad nilang niyakap si Anastasia. Inamin ng dalawa na natigilan sila ng makitang malakas ang kanilang ina at nakakatayo pa. Kaya napaiyak si Luke ng makita ang ina dahil doon. Nakangiti namang pinanood ng mga ito ang kambal hanggang sa pati si Tanner ay niyakap na nila. Nang matapos ay nagsiupo sila ng maayos sa sofa na naroroon. Ipinaliwanag ni Asher ang naging dahilan kung bakit nagkaganoon ang kanilang ina. Nalaman niya na isa sa mga council ang may kagagawan, noong nalaman nila na buntis si Anastasia ay doon nagsimula ang pagpapadala ng mga ito ng regalo at isa na doon ang regular na regaling natatanggap ni Anastasia, isang kandila na nakakapagpakalma ng siste

  • One night with Mr.Tanner Grimes   Special chapter 4

    “BAKIT Tanner?” takang tanong ni Anastasia mula sa future ng bigla nalang mapahinto si Tanner. “Bigla lang akong nakaramdaman ng kakaiba. Parang mayroong memory na pumasok sa isip ko tapos biglang nawala,” kunot noon a tanong nito at inihiga si Anastasia sa kanilang higaan. “Ikaw ‘din? Akala ko ako lang. Ano kaya ‘yun?” takang tanong ni Anastasia. Npaangiti lang si Tanner at umiling sa asawa pagkatapos hinalikan ito sa labi. “Wala siguro ‘yun, matulog na tayo wife,” tumabi siya sa asawa at niyakap ito. “Ang mga bata? Si Duke at Luke hindi ko na nakikita,” bilang tanong ni Anastasia. “Ako nga ‘din, dati naman bumibisita sila lagi dito. Pero ngayon hindi na, siguro nagsasanay na ‘din sila?” “Alam mong hindi pwede si Luke, Tanner,” samang tingin ni Anastasia sa asawa. “Kapag may nangyari sa mga anak mo ikaw talaga sisisihin ko,” “Oo na po, i-che-check ko sila bukas,” napabuntong hininga si Anastasia sa sinabi ng kaniyang asawa. “’Wag kasi puro saakin ang focus mo, ang underworld

  • One night with Mr.Tanner Grimes   Special chapter 3

    MATAPOS ang limang taon na pagpapakasal ni Tanner at Anastasia ay dumating muli ang hindi nila inaasahan na bisita. Hindi akalain ni Anastasia na magbubuntis pa siya dahil ilang taon na nilang sinusubukan ni Tanner na mag-anak pa ngunit hindi ito binibigay sa kanila ng panginoon. Hinayaan nalang nila iyon dahil naisip nila na kung para sa kanila ay para sa kanila. Ngunit ilang taon na ang lumipas ay sumuko ‘din sila at hinayaan nalang ang tadhana. Kapwa naging busy sa kanilang mga gawain at sa tatlo nilang anak. Sa lumipas na mga taon ay lumaki na ang kambal, ang kambal ay naging dose anyos na habang si Theodore naman ay nasa edad apat na taon. Lumaki ang mga ito na matalino at gwapo at maganda. Hindi nga nagkamali ang magkakaibigan na magiging mahusay sa labanan ang kambal lalo na si Asher. Si Asher na hindi mo aakalain na mas matalino pa sa kaniyang mga magulang, tahimik lamang ito ngunit mapagmasid. Si Amari naman ay tuso, akala mo’y friendly ito at easy to be with ngunit ang tot

  • One night with Mr.Tanner Grimes   Special chapter 2

    NAGKATINGINAN ang kambal ng makita nila ang isang brDukelet na sa pagkaka-alam nila ay ang time machine ayon na ‘din sa kwento ng kanilang mga magulang. Hindi nagdalawang isip ang mga ito na kunin iyon at isinuot naman nang nasa kaliwa. “T-twin, sigurado ka ba dito?” tumingin sa kaniya at tumango. “Ito lang ang paraan twin, kailangan nating bumalik sa nakaraan para pigilan sila,” napabuntong hininga ang kambal niya dahil doon at ngumiti ng pilit dito. “Para kay mommy,” banggit nito na ikinatango ng isa. “For mommy,” pagkasabi nila niyon ay pinindot na nila ang brDukelet na siyang ikinadala nila sa nakaraan. *** NAGISING sila Anastasia at Tanner ng bigla nalamang tumunog ang malakas na alarm sa kanilang bahay. Nagkatinginan sila dahil doon at dali-daling kinuha ang baril na nasa ilalim ng kanilang hinihigaan. Mabilis ang kanilang mga kilos na pumunta sa lugar kung saan nagmumula ang alarm. “Anong nangyayari dito?!” napatingin ang mga tauhan nila ng magtanong si Tanner. Nandoon na

  • One night with Mr.Tanner Grimes   Special chapter 1

    “HINDI ako makapaniwala na ikakasal ka na anak,” iyak na sabi ng mommy ni Anastasia habang nakatingin sila ngayon sa isang full length mirror. Katatapos lang magbihis ni Anastasia at make-up-an ng kaniyang make up artist para sa kasal nila ni Tanner. Isang buwan lamang ang naging preperasyon nila ni Tanner sa kasal na iyon. Dahil na ‘rin sa naudlot ang kasal nila noon ay hindi siya nagdalawang isip na isuot muli ang ginawang gown sa kaniya ni Serene lalo na’t itinabi niya ito. Sabi pa nga ni Serene na gagawa nalang siya ng bago ngunit umayaw siya. Iba pa ‘rin ang unang gown na ginawa nito at mahalaga iyon sa kaniya kaya hindi niya ito basta-bastang ibaliwala. Samantalang si Kathy ang kaniyang bride’s maid, kung hindi siya ang naging bride’s maid nu’ng kasal nito ngayon ay ito naman ang kinuha niya. “Mommy, pinapaiyak mo naman ako e,” tingin sa taas na sabi ni Anastasia upang pigilan ang kaniyang mga luha. Nasa ganoong ayos sila ng dumating ang kaniyang daddy upang sunduin na sila.

  • One night with Mr.Tanner Grimes   Chapter 86 (ENDING)

    “Hello?” antok na sagot ni Kathy dito. “K-kathy wala talaga! Kahit saan wala!” pabulong na kausap niya sa kaibigan. “Ano ka ba, nanjan lang ‘yon,” umiling siya sa sinabi ni Kathy. Napatingin siya sa kaniyang kamay at simula ng mawala ang kaniyang engagement ring ay parang palagi ng may kulang doon. “Wala nga e! Naiiyak na ako Kathy! Naiwala ko ang engagement ring namin!” napahilamos siya sa kaniyang muka dahil doon. “Kumalma pa nga,” sabi ni Kathy at bumaling sa tabi niya kung nagising ba niya si Brandon, mabuti at hindi. “Mahahanap mo ‘rin ‘yun okay? Diba nga sabi nila kapag hindi mo na hinahanap bigla nalang lilitaw? Sige na, magpahinga ka na at may flight pa tayo mamaya. Aber magpatulog ka naman,” irap na sabi ni Kathy na ikinabuntong hininga ni Anastasia at nagpaalam na dito. Aalis kasi sila at pupunta sa Cebu, doon kasi gaganapin ang unang kaarawan ni Theodore. Agad namang kumalat ang tungkol sa pagpunta nila doon kaya alam niya na marami ng nag-aabang sa kanila sa Pilipina

  • One night with Mr.Tanner Grimes   Chapter 86.1

    MABILIS na lumipas ang isang buong taon. Sa nakalipas na taon ay naging busy si Tanner at Anastasia na naging dahilan para hindi lalong matuloy ang kanilang kasal. Gustuhin man ng dalawa ngunit hindi nila magawa dahil na ‘rin sa dami nilang kailangang asikasuhin. Bumibisita sila bawat bansa upang i-check ang underworld doon. Kung minsan ay nagtatagal pa sila dahil sa paglilinis ng rumi na mayroon doon. Sa kabila naman ng kanilang pag-alis alis ay kasama nila ang kambal at si Theo. Hindi lang iyon, maging ang kanilang mga kaibigan bilang sila ang bagong council ay dapat lang na magkakasama sila na ibinabalita ng personal ang bagong batas. Sa paglipas na taon ay marami nang nangyari. Naunang ikasal si Serene at Lawrence, nito nga lang nakaraang buwan ay katatapos lang ‘din ikasal ni Jennie at Kevin. Pinagtatawanan nga nila si Tanner at Anastasia dahil sila pa ngayon ang nahuli na magpakasal. Iniilingan nalang ng dalawa ang birong iyon dahil alam nila pareho na may tamang panahon doon.

  • One night with Mr.Tanner Grimes   Chapter 85.2

    Natawa na namamangha si Anastasia ng makita ang baril niya. Kahit na malaki na ang pagbabago niyon dahil sa tagal ng panahon ay hinding-hindi niya ito makakalimutan. “Galing pa ‘yan sa great, great grandfather mo. Tinanggal nila isa-isa pero bunuo ‘din. Naalala ko sabi ni daddy jan nanggaling ang business natin. Sinabi ‘daw sa anak ng great, great grandfather natin na darating ang panahon na mayroong isa sa reign natin ang magpapasimula ng ganitong negosyo. Para bang alam niya ang mangyayari sa future… Ikaw ang may gawa niyan anak ano?” Napatingin si Anastasia sa daddy niya at tumango. “Grabe daddy hindi ako makapaniwala! Baril ko ‘yan e, ibinigay ko sa kaniya para gamitin kay Sandro. Hindi naman ako papayag na mamatay lang siya dahil sa mga espada na gamit nila, gusto ko kung anong ginamit niya satin doon ‘din siya mamamatay,” napatango ang daddy niya dahil doon. “Hindi ‘rin ako makapaniwala, it was like a memory that I forgot for a while. Tama nga si Bella, malaki ang dalang epek

  • One night with Mr.Tanner Grimes   Chapter 85.1

    “ANASTASIA!” Napakurap si Anastasia ng marinig niya ang pagtawag sa kaniya. Nakita niya si Tanner na nasa kaniyang harapan habang hawak ang kaniyang magkabilang balikat habang niyuyugyog siya. Kanina pa siya nito tinatawag ngunit tila wala sa sarili ang babae simula ng bumalik ito mula sa nakaraan. “Wife, are you okay?! May nangyari ba?!” agad na napailing si Anastasia at niyakap si Tanner. “W-wala na siya Tanner… Iniwan ko na siya sa panahon niya,” narinig ng mga kasama nila ang sinabi ni Anastasia na siyang ipinagdiwang ng mga ito. Napayakap ng mahigpit si Jennie kay Kevin na sinuklian naman nito. Sina Tyler, Brandon, Lawrence, Melany at Vladimir naman ay nagyakapan dahil doon. Tapos na nilang talunin ang mga tauhan ni Sandro at kaya sila nandoon upang hintayin ang pagbabalik ni Anastasia. Lumitaw na nga lang ito bigla at wala na ang kasama nitong lalaki na at ngayon ay binalita na wala na si Sandro. Sawakas ay wala ng manggugulo sa kanilang lahat, wala na si Elizaveta o mas na

DMCA.com Protection Status