Narinig ko ang boses ni tito Kenneth kung kaya agad akong lumingon sa kanila at natatarantang umiling.
“T-Tito, tita kumalma ho kayo! Ako po ito si Anastasia!”
Natigilan naman sila at sinabi ko at sabay na nanlaki ang mata ng makita ako lalo na ng makita ang bilog na bilog kong tiyan. Nakasoot kasi ako ngayon ng dress ni Kathy, fitted niya pero hindi naman masikip dahil stretchable ‘yun nga lang kitang-kita talaga ang baby bump ko. Wala naman kasi akong damit na kakasya saakin, mayroon akong damit dito kasi hindi kasya ang tiyan ko.
“A-Anastasia, hija ikaw ba ‘yan? B-Bakit ang laki ng tiyan mo? Tyaka nasa states ka hindi ba?”
Napangiti ako ng marahan sa tanong ni tita. Mukang kagagaling lang nila sa business travel dahil sa soot nila.
“Mahaba pong kwento tita,”
“Handa kaming makinig.” Napatingin ako kay tito ng seryoso itong magsalita kaya napatango ako.
“Magbihis po muna kayo, hihintayin ko kayo sa likod.”
Mukang na gets naman nila ang sinabi ko at nag-aalangan pa si tita kung magbibihis o hindi pero kalaunan ay agad na silang umakyat sa taas. Napatawa ako ng mahina at nagpatuloy sa pagpunta sa garden. Sumalubong saakin ang malamig na simoy ng hangin lalo na at kasisikat palang ng araw.
Ang mga bulaklak sa paligid ang mas lalong nagpaningning sa aking mga mata. Lumapit ako doon at nilanghap ang bango nito, bigla ko tuloy naalala si mommy. Mahilig siya sa bulaklak, pareho kami. Nakaramdam ako ng lungkot dahil doon, hinahanap kaya nila ako? Hindi, siguradong galit na galit na sila habang pinapahanap ako.
“Anastasia?”
Napalingon ako sa likod ko at nakita ko doon si tito at tita kung kaya ngumiti ako. “Ang bilis niyo naman po, halikayo, maupo tayo.” Inaya ko sila sa bench na naroroon na may table ‘din sa gitna. Noon pa man ay gustong gusto ko na dito sa likuran nila Kathy dahil bukod sa tahimik ay napakaganda pa ng paligid.
“Wala pa ‘ring pinagbago sa garden niyo tita. Maganda pa ‘rin,” Nakangiti kong sabi at inilibot ang aking mata sa paligid. Hindi sila sumagot saakin kaya muli akong tumingin sa dalawa, alam ko na nagtataka na sila at gustong malaman ang sagot.
“’Wag ho sana kayong mabibigla sa sasabihin ko...” nagkatinginan pa ang dalawa at sabay na tumango kung kaya ikunuwento ko sa kanila ang buong pangyayari. Pinigilan ko talaga nag sarili ko na ‘wag umiyak pero hindi ko mapigilan, siguro dahil narin sa pagbubuntis ko kaya emosyonal ako masyado.
“S-Sorry po tito, nabasa ko pa tuloy ang polo niyo.” Nahihiya kong sabi at lumayo dito ng bahagya. Siya kasi ang agad na lumapit saakin at inalo ako, si tita naman ay nasa tabi ko ‘rin at hinahagod ang likod ko.
“No, it’s okay. Alam mo ba na malakas ang kutob ko na may kakaiba silang ginagawa sa’yo?” napatingin ako kay tito na nagtataka. “Kilala ko ang daddy mo, matalik kaming magkaibigan Anastasia kaya alam ko kung may problema o wala. Palagi siyang tulala at wala sa sarili, kung minsan nga ay nababanggit niya ang pangalan mo sa tuwing magugulat siya.”
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, totoo kaya iyon? Iniisip ba talaga ako ni daddy? Pero kita ko ang galit sa mata niya at ang pagsampal niya saakin—napailing ako at ngumiti kay tito.
“Malamang ay naisip ni daddy na isa akong kahihiyan, natatakot siya na may makaalam at masira ang pangalan namin. Naiintindihan ko naman po siya tito kaya ayos lang saakin.”
“Hija ano ka ba,” napalingon ako kay tita “Ako na ang humihingi ng tawad para sa kanila Anastasia pero kilala namin ang mommy at daddy mo. Oo, mali ang ginawa nila may karapatan ka na magtampo o magalit pero sigurado ako na may rason sila.” Napayuko ako dahil doon, hindi ko alam. Sa naranasan ko sa kamay nila mommy at daddy ay hindi ko alam kung maniniwala ba ako na may rason sila.
“Hindi ka namin pinipilit na maniwala hija, what they did to you is unforgivable. Kung ako tatanungin ay hindi ko talaga sasabihin sa kanila na nasa amin ka.” Napatingin ako kay tito dahil doon. “’Yan nga po ang balak ko…” tumingin ‘din ako kay tita.
“A-Ayaw ko na pong bumalik sa kanila, s-sana po ay tulungan niyo ako na lumayo sa kanila.”
Nakakahiya man pero sila nalang ang alam kong makakatulong saakin. Hindi pwede nandito ako malapit sa bahay. Baka bigla silang pumunta dito at ipahanap ako, hindi ko alam ang gagawin ko kapag nagkataon. Takot na ako, takot na takot.
“Oo naman Anastasia! Sigurado ako na ‘yan ‘din ang sasabihin ni Kathy saamin pero kahit wala ‘yun ay talagang ilalayo ka namin. Kami ang tanging pamilya na malapit sa’yo kaya dito agad sila pupunta.”
Dahil sa sinabi ni tita ay hindi ko mapigilan na manggilid nanaman ang luha sa aking mga mata, papaiyak na sana ako pero nakarinig kami ng sigaw.
“Anastasia! Anastasia nasaan ka?!”
“Ate ano kaba! Ang aga-aga naghahanap ka ng taong wala nga dito sa Pilipinas!”
Si Kathy ‘yun at ang nakababata niyang kapatid na si Kevin, dalawa lang silang magkapatid at si Kevin ay nasa edad sixteen palamang pero kung umasta ay parang binata na, sabagay natulian na kasi. Napatawa ako sa aking naisip at sumigaw si tita dahil parang alarm clock ang boses ni Kathy sa sobrang ingay.
“Kathy, anak! Nandito si Anastasia kasama namin ni daddy niyo!”
Maya-maya pa ay nakita ko ang nag-aalalang muka ni Kathy at dali-daling lumapit saakin at niyakap ako ng mahigpit. “Bruha ka! Pinag-alala mo ako! Alam mo bang kung ano-ano na nag pumasok sa isip ko?! Baka kako kinuha ka na ng bruha mong kapatid nako!” napatawa ako dahil sa sinabi niya.
“Sorry na Kathy, ang sarap kasi ng tulog mo kaya hindi na kita ginising.”
“Ang OA mo naman kasi mag react anak, hanapin mo kasi muna.” Sabat ni tito na ikinatingin ng masama ni Kathy dito. “Anong tawag mo sa ginawa ko daddy? Ano ‘yun di paghahanap?” napatigil kami sa pagtawa ng magsalita si Kevin habang gulat na nakaturo sa tiyan ko.
“A-Ate Anastasia, may baby ka?” napangiti ako sa sinabi niya at tumango. “Yes, Kevin. Sa mga susunod na buwan ay lalabas na siya.” Nagulat kami ng bigla nalamang tumakbo si Kevin paalis na ikinakunot naman ng noo ko pero sina tito, tita at Kathy ay biglang natawa.
“Sundan ko muna, mag man to man talk lang kami.” Biglang sabi ni tito at iniwan kami doon. “T-Teka may nasabi ba akong mali?” tanong kila tita na ikinailing nila.
“Sira ka ba Anastasia, nakalimutan mo bang ultimate crush ka ng kapatid ko na ‘yun? Siguradong iiyak ‘yun dahil buntis ka hahahha.” Sa sinabi ni Kathy ay naalala ko na, oo nga pala. Nakalimutan ko na kasi ang bagay na ‘yun lalo na at ilang buwan akong nawala, umamin naman saakin si Kevin pero syempre tumanggi ako in a nice way, pero sabi niya ay hindi siya titigil kaya hinayaan ko nalang siya.
“Naku! Ang anak ko binata na talaga hahahha.” Pinagtatawanan siya ng dalawa pero ako napapailing nalang, sana maging okay ‘din si Kevin. Alam ko kasi ang pakiramdam nang masaktan dahil sa taong mahal o hinahanggan mo. Hay.
GABI nang nandito kami ni Kathy sa kwarto at nag momovie marathon pasado alas otso na ng gabi at tapos na ‘rin kaming maghapunan. Hindi sumabay saamin si Kevin kaya nag-aalala tuloy ako sa kaniya. Habang seryoso kami sa panonood ay bigla nalamang tumunog ang cellphone ni Kathy at sinagot niya ito.
“Hello, baby?—Ano?!”
Napatingin ako kay Kathy tapos dali-dali itong pumunta sa terrace niya kaya sumunod ako sa kaniya.
“Anong tinitignan mo?” tanong ko at tumingin ‘din. Natigilan ako ng makita ang maraming tao sa labas ng bahay namin at para silang nagkakagulo.
“Sumosobra na talaga ang kapatid mo Anastasia!” napatingin ako kay Kathy na ngayon ay wala ng kausap sa cellphone. “Si Brandon ba ‘yon? Ano daw nangyari sa bahay bakit nagkakagulo sila?” nag-aalala kong tanong.
“Si Daisy, bigla nalang daw nalaglag sa hagdan at dinugo. Dadalhin na daw agad ni Tanner si Daisy sa ospital. If I know ginawa lang nila ‘yun para mapalabas na nakunan siya dahil wala ka na sa bahay, wala nang bata na maihaharap kay Tanner.”
Natigilan ako sa sinabi niya at wala sa sariling napatingin sa bahay namin. Nakita ko na lumabas si Tanner habang buhat si Daisy, sobrang liwanag kasi ngayon sa bahay namin dahil nga sa nangyayari, nakita ko din sila mommy at daddy na sumunod kay Tanner kasunod sila Brandon at dalawa pa nilang kaibigan.
Nakatanaw lang ako sa papalayong sasakyan kung saan andoon sila, kitang-kita ko ang pag-aalala sa muka ni Tanner. Kung naniwala ba siya saakin na anak ko ang pinagbubuntis niya ay ganiyan ‘din siya saakin?
“Ayos ka lang ba Anastasia?”
Ngumiti ako kay Kathy at tumango. “Halika, ituloy na natin ang panonood at hayaan sila sa kung anong gusto nilang gawin.” Wala na naman akong magagawa para kontrolin kung anong susunod nilang gawin. Gusto ko nalang lumayo at makalimutan ang nangyari.
DALAWANG linggo ang lumipas at mag-iisang linggo na ‘rin ng lumipat kami dito sa malayong subdivision kung saan kami dati nakatira. Hindi pumayag sila tito at tita na magtagal kami doon kaya habang wala pa ‘daw sila mommy at daddy sa bahay ay lumipat na kami.
Maganda dito sa nilipatan namin, sa totoo lang mas maganda pa nga dito. Malaki ‘din ang bahay ay mayroong malawak na hardin kung saan doon na ako palaging nakatambay sa labas at ako ang nag-aalaga ng mga halaman.
Wala naman akong ibang gagawin at masaya ako sa mga halaman kaya hinayaan na ako nila tita dito. Si Kathy naman ay masaya daw na nakikita ako paunti-unti na masaya, ganoon din si Brandon. Noong tumawag siya saamin ay dumating ‘din siya sa bahay ilang minuto lang, hindi pala siya sumama sa mga ito dahil ayaw niya daw ng kasinungalingan.
Kinuwento niya saamin ang buong pangyayari at napapabuntong hininga nalang ako. Hinayaan ko na ‘yun, baka pumangit lang ang anak ko kapag nagkataon.
“Anastasia!”
Napalingon ako sa tumawag saakin at napangiti ako ng makita si Kevin. Nakausap ko na si Kevin ng masinsinan at galit na galit siya kay Tanner, ang sabi nga niya saakin ay handa ‘daw siyang akuin ang baby ko. Akala ko talaga titigil na siya sa pagkagusto saakin pero hindi pala. Mas nanindigan pa siya at hindi na nga ako tinatawag na ate ngayon talagang pangalan ko nalang.
Sila tito at tita naman ay talagang sinuportahan pa si Kevin, sabi nila ay sariling desisyon na ito ni Kevin kaya wala silang magagawa. Noong una angal kami ni Kathy pero kalaunan ay hinayaan nalang ‘din namin. Siya na din naman ang nagsabi saamin na kapag dumating ang araw na may magmamahal na saakin ng mas lalagpas sa pagmamahal niya ay titigilan na niya ako.
“Kevin, ready ka na agad ah?” nakangiti kong sabi. Nakasoot na siya ngayon ng pang jogging, sa edad na sixteen ay malaking tao si Kevin. Hindi mo nga aakalain na sixteen lang siya dahil mas matangkad pa siya saamin at mapapantayan na niya ang daddy niya.
Matangos ang ilong ni Kevin at pareho sila ni Kathy na maputi, mas bumagay sa kaniya ang makapal niyang kilay at kulot nitong buhok. Nakuha niya ito kay tito, jr na jr nga ang dating pero hindi naman siya jr ni tito dahil Kevin ang ipinangalan nila.
“Syempre naman! Tara na ba?” tuwing umaga ay kami ang magkasama at naglalakad—ako lang pala, siya kasi ay nag jojogging pero kadalasan ay sinasabayan niya lang ‘din ako o di kaya naman iikot siya at babalikan ako. Minsan din kasama namin si Kathy at Brandon, dito ‘rin kasi natutulog ‘yun minsan at kapag andito yun ay maagang nagigising si Kathy.
Early bird kasi si Brandon, sabagay negosyante kasi parang si tito, daddy ni Kathy.
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa park malapit dito sa bahay, marami ‘din kaming kasabayan sa paglalakad o jogging kaya mas okay saakin dahil feeling ko hindi ako nag-iisa.
“Ikot lang ako sandali Anastasia,” tumango lang ako kay Kevin at naiwan akong mag-isa.
Busog na busog ang aking mata sa paligid dahil maganda ang pagkakaayos ng mga halaman doon ng mapahinto ako dahil mayroon akong nakitang napaupong ginang sa isang tabi at mukang hinahapo na.
Dali-dali akong lumapit dito at hindi nagdalawang isip na ibigay ang dala kong tubigan.
“Excuse me po tita, eto po ang tubig inumin niyo ho dahil halatang pagod na kayo.” Napatingin siya saakin at natigilan ako sandali, parang familiar at may kamuka siya hindi ko lang malaman kung saan. Tinignan niya ang dala kong tubigan at kinuha na ‘rin kaya napangiti ako.
“Dapat po ay hindi niyo pinupwesra ang sarili niyo tita, baka sa susunod ay kung ano nang magyari sa inyo.” Tingin ko kasi ay ka-edaran lang ito ni mommy pero syempre hindi na pabata kaya kahit sino ay hahapuin kapag na sobrahan.
“N-Napasobra ata ang ikot ko hija, salamat sa tubig ha? Nakalimutan ko din kasing magdala.”
“Wala po iyon, ang mahalaga po ay okay na kayo.” Napatingin siya sa tiyan ko at parang nagningning ang mata niya ng makita ito.
“Buntis ka?! Ilang buwan na? Napakalaki ng tiyan mo! Sigurado akong kambal ‘yan!”
Natawa ako sa naging reaction niya, siguro ay gustong gusto na niya ng apo. “Anim na buwan palang po ang tiyan ko at kambal ho ba? Nako impossible po,” Wala naman kasi sa lahi namin ang kambal. “Naku! Ako na ang nagsasabi, naglabas na ako ng kambal at ganiyan na ganiyan ako noon.” Biglang nalungkot ang expression niya.
“K-Kaso namatay ang isa sa kanila.” Bigla akong natakot dahil sa sinabi nito at mukang narealize niya ‘rin ang sinabi at agad na umiling saakin. “Hindi sa panganganak ha! Malalaki na sila ‘nun, nagkagulo lang kasi tapos—hayaan na nga natin! Masaya ako para sa’yo hija, siguradong tuwang tuwa ang asawa mo.”
Napangiti lang ako ng mapait sa kaniya at tumango. “Ako nga pala si Tanaya, Tanaya Grimes.” Iniabot niya saakin ang kamay niya ngunit ako ay napaatras. Biglang nag flashback sa utak kung bakit familiar saakin ang muka niya—siya ang ina ni Tanner!
“May problema ba hija?” napakurap ako sa tanong niya at hindi alam ang sasabihin.
“Anastasia!”
Napatingin kami sa tumawag saakin laking pasasalamat ko ng dumating si Kevin. “Halika na, hinahanap na tayo nila mommy at daddy.” Yumuko lang siya sa mommy ni Tanner at agad na akong hinila.
“Bakit ka nakikipagusap sa hindi mo kilala?! Paano kung may gawin sa’yong masama ‘yun?!”
Sinesermunan ako ni Kevin pero hindi ko na naintindihan pa dahil sa pagkabigla—nakausap at nakaharap ko ang mommy ni Tanner, ang lola ng sangol na nasa sinapupunan ko!
NAPANSIN ni Kathy ang pagiging tulala ko nitong nakaraang dalawang araw. Matapos kong makita ang mommy ni Tanner ay hindi na ako muna bumalik sa paglalakad sa umaga na sinag-ayunan naman ni Kevin dahil baka kung sino-sino nanaman ‘daw ang kausapin ko. Mabuti nalang talaga at nakinig siya saakin at hindi ako sinumbong about doon. Ang dinahilan ko nalang kay Kathy ay hindi ako nagigising ng maaga pero ngayong araw ay sinadya kong gumising ng maaga at sumama kay Kevin. “Anastasia? Sasama ka saakin?” kunot noo niyang tanong na ikinatango ko. “Ilang araw na akong di nakakapaglakad Kevin, feeling ko ang bigat ng tiyan ko.” wala siyang nagawa kundi ang tumango saakin at kabilin-bilinan niya na ‘wag akong makikipag-usap sa hindi ko kilala. Kung alam mo lang Kevin—hindi lang kilala kundi kilalang-kilala. Habang papunta sa park ay kinakabahan ako, alam kong hindi malabo na andoon pa ‘rin si tita Tanaya pero nanaig ang pagkagusto ko na makausap siya at maka-close. Kahit naman na natatakot n
Nanlaki ang mata ko at nakita ang pagmamadali ng mga maid na pumunta sa sala, mukang magdadala ng pagkain. Ginawa ko iyong pagkakataon lalo na at nandito na sila Tanner! Hindi nila ako pwedeng makita! “Naku! Matutuwa kayo, nandito si Ana. ‘Yung kinukwento ko sa’yo Tanner, ang ganda-ganda niyang buntis.” “Honey,” “Oh, sorry. Hintayin nalang natin siya.” Hindi ko alam kung saan ako magugulat sa nalaman, sa part na kinukwento ako ni tita Tanaya kay Tanner o doon sa part na kilala ako ni Tanner bilang Ana. Sabagay di pa naman niya ako nakikita. Sobrang kaba ko ng lumabas ako sa labasan ng mga maid papunta sa main gate. Mabuti nalang at hindi ako kita sa loob. “Kuya Guard, pasabi nalang kila tita Tanaya at Tito David na umalis na ako dahil may nangyari sa bahay.” ‘yan lang ang sinabi ko at dali-dali nang umalis sa bahay na iyon. HINIHINGAL akong napasandal sa sofa nang makauwi ‘din ako sa wakas sa bahay. Napangiwi ako ng maramdaman ang sakit ng tiyan ako kung kaya hinimas-himas
“KAILANGAN niyang nang manganak ngayon mismo!” “Pero hindi pa niya kabuwanan doc!” “Wala na tayong magagawa, pumutok na nag panubigan niya dahil sa nangyari at sobrang baba na ng mga bata. Kung hindi natin siya mapapa-anak ngayon ay maaaring mawala silang tatlo!” Hindi ko alam kung ano ba ang naririnig ko sa paligid basta nag-uusap sila at nagsisigawan. Mahigpit ang kapit ko sa bed sheet na aking hinihigaan dahil sa sobrang sakit. Naramdaman ko na mayroong humawak sa aking kamay at maya-maya pa’y nakarinig ako ng boses sa aking tenga kaya pinilit kong buksan ang aking mata. “Anastasia, kailangan mong umiri! Kailangan mong ilabas ang kambal!” Tama! Ang mga anak ko!—sumalubong saakin ang maliwanag na lugar ngunit kalaunan ay nakapag-adjust din ako. Nakita ko na maraming naka surgical mask ang nakapalibot saakin. Nasa ospital na ba ako? “Anastasia kailangan mong ilabas ang mga bata kung hindi ay mawawala sila!” natakot ako sa sinabi ng boses na iyon—si Brandon. Siya pala ang n
Tuwang-tuwa ang mga ito nang makita ang kambal at gustong-gusto nang buhatin ngunit hindi pa maaari dahil si Anastasia dapat muna ang bubuhat at magbibigay ng pangalan. Matapos ang ilang oras, nakapag palit na sila ng kaniya-kaniyang damit at naisaayos na ‘din ang dapat ayusin para sa paglipad nila sa Paris nang sa wakas nagising na si Anastasia. Sumalubong sa kaniya ang puting kisame at muka agad ni Kevin ang kaniyang nakita. “Anastasia!” dahil sa tawag ni Kevin ay napalingon sa kanila ang mga kasama sa kwarto at dali-daling nilapitan ang kinalalagyan ng dalaga. “Anastasia, anong nararamdaman mo? May masakit ba sa’yo?” “Gusto mo ba ng kahit na ano anak?” “Hindi ba masakit ang tahi mo?” Napapikit ang dalaga dahil sa sunod-sunod na bato ng tanong sa kaniya ni Kevin at ng mga nakakatanda. “Kayo naman, ine-stress niyo agad siya sa tanong e.” reklamo ni Kathy na muling ikinadilat ni Anastasia. Buhay ako! Mahina niyang sabi sa isipan at doon na tuluyang natitigan ang mga tao sa
AGAD na pinasok si Anastasia sa loob ng kwarto niya at doon ay nilapatang muli ng gamot ng mga doctor. Ang kambal naman ay dinala na sa nursery room at mayroon nang dalawang guard na nagbabantay dito ayon na ‘rin sa utos nila Brandon dahil sa nangyaring gulo.Nasa labas sila ng kwarto at inaantay na lumabas ang doctor at sabihin na ayos nang muli ang kalagayan ni Anastasia. Habang naghihintay ay mayroong mga hindi inaasahan na bisita na nagpataas ng tension sa bawat pamilya na naroroon.“Anong ginagawa niyo dito?!”Nakaramdam agad ng galit si Kathy ng makita si Tanner kasama ang magulang nito, si Clark at Lawrence. Nagsitayuan na ‘rin ang dalawang pamilya at sinundan si Kathy na pinipigilan ni Brandon.“Kathy, we’re not here to fight. I am here to see Ana, Anastasia—whatever is her name.” seryosong sabi ni Tanner na deretsyo lang na nakatingin kay Kathy na pinanliliitan siya ng mata. Magsasalita na sana ito ngunit pinigilan siya ni Brandon at hinarap ang kaibigan.“Hindi ba nag-usap na
*AFTER SIX YEARS* ANASTASIA “THANK you Ladies and Gentleman,” Nagpalakpakan ang mga tao dito sa loob ng conference room kung saan naganap ang new launches ko ng mga new designs na isang buwan kong pinagpaguran at pinagpuyatan. Lumapit sila saakin at nakipag kamay saakin kaya malugod ko naman iyong tinanggap. Sa anim na taon na lumipas ay napakaraming nagbago lalo na sa buhay ko. Isa na ako ngayong sikat na designer dito sa Paris at kilala ako mostly sa paggawa ng mga wedding gowns. Isa ako sa mga babaeng nangangarap na makapagsoot ng magandang gowns sa araw ng kasal kaso diko alam kung mangyayari pa ba ‘yan. Simula ng lumipat kami dito ay mas lalong tumibay at sumaya ang pagsasama naming lahat, si Kathy at Brandon ay mayroon nang isang anak at buntis ngayon si Kathy for their second baby. Sila tita Avery at tito Kenneth naman ay masaya ‘din at may negosyo na dito, well naglagay na sila ng brunch sa Paris at maganda ang takbo nito ngayon. Ang magulang naman ni Brandon ay ganoon ‘
“MADAM!” “Ay kalabaw na madam! Ano ba ‘yan Serene at nanggugulat ka?” kunot noo kong tanong sa katabi ko. “Kanina pa tayo nandito Anstasia, ma-lelate tayo sa ceremony!” Nakatingin kasi ako sa bintana at kanina pa iniisip ang nangyaring pagkikita namin ni Tanner kaya nanlaki agad ang mata ko at dali-daling lumabas ng kotse. “Kita mo ‘to, hindi manlang ako hinintay,” narinig kong reklamo niya kaya huminto ako at nilingon siya. “Bilisan mo na Serene!” Sumunod naman siya sa sinabi ko at tumakbo na kami papunta sa pinakang gym ng school, may napatingin pa saamin dahil malamang ibang lenggwahe ang sinabi ko. Hinayaan ko nalang sila dahil naririnig ko na ang malakas na sigawan sa gym. “And now, let’s all welcome. Amari Ocampo!” sakto pagkarinig ko ng pangalan ng aking anak ay tapos na akong makipagsiksikan sa napakaraming tao dito sa baba. Nakita ko si Amari na nakasimangot sa kabilang parte ng gym habang nasa likuran nito ang kuya niya na tila kinakausap siya. “Amari!” sigaw ko nguni
“I am sorry kung ngayon lang ako Anastasia, masyado akong busy sa trabaho.” Humiwalay ako sa yakapan namin at umiling. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisnge’t nagsalita. “Ayos lang ‘yun saakin. Tignan mo, ang payat mo na!” napangiti siya at kinurot ang pisnge ko.“Ikaw ‘din kaya, patas lang tayo.” Natawa kami pareho dahil doon at naghiwalay na. Lumapit saamin ang kambal kung kaya tinanong ko sila kung saan nila gustong pumunta na sana pala ay hindi ko na ginawa.“Sa mall!” para akong nanigas sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang mall, andoon si Tanner!“H-Huh? Maiba naman tayo, palagi naman tayong nasa mall e.” Pamimilit ko sa dalawa ngunit sunod-sunod silang umiling na sinabayan pa ni Billie, limang taon na ito mas matanda lang ng isang taon ang kambal.“Gusto namin sa mall mommy! Sa arcade tayo!” excited na sabi ni Amari.“I agree.” Sunod ni Asher.“I agree too, tita!” bibong sabi ni Billie.“Pagbigyan mo na ang mga bata Anastasia.” Sabat ‘din ni Kevin kung kaya alanganin akon
MATAPOS malaman ni Duke at Luke ang sinabi ng kanilang ate Amari ay ginusto ‘din nila na magkaroon ng bagong time machine para mayakap ang kanilang magulang mula sa nakaraan nila. Kaya pumayag naman si Asher at binigyan ang dalawa. Bumalik muna sila sa time nila at ibinalik ang unang bracelet at sabay na bumalik kung saan agad nilang niyakap si Anastasia. Inamin ng dalawa na natigilan sila ng makitang malakas ang kanilang ina at nakakatayo pa. Kaya napaiyak si Luke ng makita ang ina dahil doon. Nakangiti namang pinanood ng mga ito ang kambal hanggang sa pati si Tanner ay niyakap na nila. Nang matapos ay nagsiupo sila ng maayos sa sofa na naroroon. Ipinaliwanag ni Asher ang naging dahilan kung bakit nagkaganoon ang kanilang ina. Nalaman niya na isa sa mga council ang may kagagawan, noong nalaman nila na buntis si Anastasia ay doon nagsimula ang pagpapadala ng mga ito ng regalo at isa na doon ang regular na regaling natatanggap ni Anastasia, isang kandila na nakakapagpakalma ng siste
“BAKIT Tanner?” takang tanong ni Anastasia mula sa future ng bigla nalang mapahinto si Tanner. “Bigla lang akong nakaramdaman ng kakaiba. Parang mayroong memory na pumasok sa isip ko tapos biglang nawala,” kunot noon a tanong nito at inihiga si Anastasia sa kanilang higaan. “Ikaw ‘din? Akala ko ako lang. Ano kaya ‘yun?” takang tanong ni Anastasia. Npaangiti lang si Tanner at umiling sa asawa pagkatapos hinalikan ito sa labi. “Wala siguro ‘yun, matulog na tayo wife,” tumabi siya sa asawa at niyakap ito. “Ang mga bata? Si Duke at Luke hindi ko na nakikita,” bilang tanong ni Anastasia. “Ako nga ‘din, dati naman bumibisita sila lagi dito. Pero ngayon hindi na, siguro nagsasanay na ‘din sila?” “Alam mong hindi pwede si Luke, Tanner,” samang tingin ni Anastasia sa asawa. “Kapag may nangyari sa mga anak mo ikaw talaga sisisihin ko,” “Oo na po, i-che-check ko sila bukas,” napabuntong hininga si Anastasia sa sinabi ng kaniyang asawa. “’Wag kasi puro saakin ang focus mo, ang underworld
MATAPOS ang limang taon na pagpapakasal ni Tanner at Anastasia ay dumating muli ang hindi nila inaasahan na bisita. Hindi akalain ni Anastasia na magbubuntis pa siya dahil ilang taon na nilang sinusubukan ni Tanner na mag-anak pa ngunit hindi ito binibigay sa kanila ng panginoon. Hinayaan nalang nila iyon dahil naisip nila na kung para sa kanila ay para sa kanila. Ngunit ilang taon na ang lumipas ay sumuko ‘din sila at hinayaan nalang ang tadhana. Kapwa naging busy sa kanilang mga gawain at sa tatlo nilang anak. Sa lumipas na mga taon ay lumaki na ang kambal, ang kambal ay naging dose anyos na habang si Theodore naman ay nasa edad apat na taon. Lumaki ang mga ito na matalino at gwapo at maganda. Hindi nga nagkamali ang magkakaibigan na magiging mahusay sa labanan ang kambal lalo na si Asher. Si Asher na hindi mo aakalain na mas matalino pa sa kaniyang mga magulang, tahimik lamang ito ngunit mapagmasid. Si Amari naman ay tuso, akala mo’y friendly ito at easy to be with ngunit ang tot
NAGKATINGINAN ang kambal ng makita nila ang isang brDukelet na sa pagkaka-alam nila ay ang time machine ayon na ‘din sa kwento ng kanilang mga magulang. Hindi nagdalawang isip ang mga ito na kunin iyon at isinuot naman nang nasa kaliwa. “T-twin, sigurado ka ba dito?” tumingin sa kaniya at tumango. “Ito lang ang paraan twin, kailangan nating bumalik sa nakaraan para pigilan sila,” napabuntong hininga ang kambal niya dahil doon at ngumiti ng pilit dito. “Para kay mommy,” banggit nito na ikinatango ng isa. “For mommy,” pagkasabi nila niyon ay pinindot na nila ang brDukelet na siyang ikinadala nila sa nakaraan. *** NAGISING sila Anastasia at Tanner ng bigla nalamang tumunog ang malakas na alarm sa kanilang bahay. Nagkatinginan sila dahil doon at dali-daling kinuha ang baril na nasa ilalim ng kanilang hinihigaan. Mabilis ang kanilang mga kilos na pumunta sa lugar kung saan nagmumula ang alarm. “Anong nangyayari dito?!” napatingin ang mga tauhan nila ng magtanong si Tanner. Nandoon na
“HINDI ako makapaniwala na ikakasal ka na anak,” iyak na sabi ng mommy ni Anastasia habang nakatingin sila ngayon sa isang full length mirror. Katatapos lang magbihis ni Anastasia at make-up-an ng kaniyang make up artist para sa kasal nila ni Tanner. Isang buwan lamang ang naging preperasyon nila ni Tanner sa kasal na iyon. Dahil na ‘rin sa naudlot ang kasal nila noon ay hindi siya nagdalawang isip na isuot muli ang ginawang gown sa kaniya ni Serene lalo na’t itinabi niya ito. Sabi pa nga ni Serene na gagawa nalang siya ng bago ngunit umayaw siya. Iba pa ‘rin ang unang gown na ginawa nito at mahalaga iyon sa kaniya kaya hindi niya ito basta-bastang ibaliwala. Samantalang si Kathy ang kaniyang bride’s maid, kung hindi siya ang naging bride’s maid nu’ng kasal nito ngayon ay ito naman ang kinuha niya. “Mommy, pinapaiyak mo naman ako e,” tingin sa taas na sabi ni Anastasia upang pigilan ang kaniyang mga luha. Nasa ganoong ayos sila ng dumating ang kaniyang daddy upang sunduin na sila.
“Hello?” antok na sagot ni Kathy dito. “K-kathy wala talaga! Kahit saan wala!” pabulong na kausap niya sa kaibigan. “Ano ka ba, nanjan lang ‘yon,” umiling siya sa sinabi ni Kathy. Napatingin siya sa kaniyang kamay at simula ng mawala ang kaniyang engagement ring ay parang palagi ng may kulang doon. “Wala nga e! Naiiyak na ako Kathy! Naiwala ko ang engagement ring namin!” napahilamos siya sa kaniyang muka dahil doon. “Kumalma pa nga,” sabi ni Kathy at bumaling sa tabi niya kung nagising ba niya si Brandon, mabuti at hindi. “Mahahanap mo ‘rin ‘yun okay? Diba nga sabi nila kapag hindi mo na hinahanap bigla nalang lilitaw? Sige na, magpahinga ka na at may flight pa tayo mamaya. Aber magpatulog ka naman,” irap na sabi ni Kathy na ikinabuntong hininga ni Anastasia at nagpaalam na dito. Aalis kasi sila at pupunta sa Cebu, doon kasi gaganapin ang unang kaarawan ni Theodore. Agad namang kumalat ang tungkol sa pagpunta nila doon kaya alam niya na marami ng nag-aabang sa kanila sa Pilipina
MABILIS na lumipas ang isang buong taon. Sa nakalipas na taon ay naging busy si Tanner at Anastasia na naging dahilan para hindi lalong matuloy ang kanilang kasal. Gustuhin man ng dalawa ngunit hindi nila magawa dahil na ‘rin sa dami nilang kailangang asikasuhin. Bumibisita sila bawat bansa upang i-check ang underworld doon. Kung minsan ay nagtatagal pa sila dahil sa paglilinis ng rumi na mayroon doon. Sa kabila naman ng kanilang pag-alis alis ay kasama nila ang kambal at si Theo. Hindi lang iyon, maging ang kanilang mga kaibigan bilang sila ang bagong council ay dapat lang na magkakasama sila na ibinabalita ng personal ang bagong batas. Sa paglipas na taon ay marami nang nangyari. Naunang ikasal si Serene at Lawrence, nito nga lang nakaraang buwan ay katatapos lang ‘din ikasal ni Jennie at Kevin. Pinagtatawanan nga nila si Tanner at Anastasia dahil sila pa ngayon ang nahuli na magpakasal. Iniilingan nalang ng dalawa ang birong iyon dahil alam nila pareho na may tamang panahon doon.
Natawa na namamangha si Anastasia ng makita ang baril niya. Kahit na malaki na ang pagbabago niyon dahil sa tagal ng panahon ay hinding-hindi niya ito makakalimutan. “Galing pa ‘yan sa great, great grandfather mo. Tinanggal nila isa-isa pero bunuo ‘din. Naalala ko sabi ni daddy jan nanggaling ang business natin. Sinabi ‘daw sa anak ng great, great grandfather natin na darating ang panahon na mayroong isa sa reign natin ang magpapasimula ng ganitong negosyo. Para bang alam niya ang mangyayari sa future… Ikaw ang may gawa niyan anak ano?” Napatingin si Anastasia sa daddy niya at tumango. “Grabe daddy hindi ako makapaniwala! Baril ko ‘yan e, ibinigay ko sa kaniya para gamitin kay Sandro. Hindi naman ako papayag na mamatay lang siya dahil sa mga espada na gamit nila, gusto ko kung anong ginamit niya satin doon ‘din siya mamamatay,” napatango ang daddy niya dahil doon. “Hindi ‘rin ako makapaniwala, it was like a memory that I forgot for a while. Tama nga si Bella, malaki ang dalang epek
“ANASTASIA!” Napakurap si Anastasia ng marinig niya ang pagtawag sa kaniya. Nakita niya si Tanner na nasa kaniyang harapan habang hawak ang kaniyang magkabilang balikat habang niyuyugyog siya. Kanina pa siya nito tinatawag ngunit tila wala sa sarili ang babae simula ng bumalik ito mula sa nakaraan. “Wife, are you okay?! May nangyari ba?!” agad na napailing si Anastasia at niyakap si Tanner. “W-wala na siya Tanner… Iniwan ko na siya sa panahon niya,” narinig ng mga kasama nila ang sinabi ni Anastasia na siyang ipinagdiwang ng mga ito. Napayakap ng mahigpit si Jennie kay Kevin na sinuklian naman nito. Sina Tyler, Brandon, Lawrence, Melany at Vladimir naman ay nagyakapan dahil doon. Tapos na nilang talunin ang mga tauhan ni Sandro at kaya sila nandoon upang hintayin ang pagbabalik ni Anastasia. Lumitaw na nga lang ito bigla at wala na ang kasama nitong lalaki na at ngayon ay binalita na wala na si Sandro. Sawakas ay wala ng manggugulo sa kanilang lahat, wala na si Elizaveta o mas na