Xeia's POV "Siguraduhin mong pupunta ka sa eighteenth birthday ko, ha?" Kanina pa 'yan sinasabi ni Colline kay Jung-Hyun, simula nung dumating siya rito hanggang sa babalik na siya sa Korea. Two days lang siyang nag-stay rito, katulad ng sinabi niya ay hanggang sa ma-discharge si tatay. "Para kang sirang plaka. Paulit ulit?" nakakunot noong sabi ni Jung-Hyun, naiirita na ata. Sa dalawang araw niya na nanatili sa Pilipinas ay wala siyang ibang ginawa kundi matulog ng matulog sa sofa ng kwarto ni tatay. Hindi na siya nag-condo dahil gastos raw. Ang dami namang pera hindi nag-condo. Okay na raw siya sa sofa, dalawang araw lang naman, e. Pagkalapag ng eroplanong sinasakyan niya ay diretso na raw siya sa hospital no'n. "Hoy! Tulog ka na lang ng tulog riyan," sigaw ni Colline sa kaniya. "Di ka ba pinapatulog sa Korea, ha? Sino manager mo?" "Mamaya mo na ako kausapin," inaantok pa niyang sagot. Nakahiga siya sa sofa ngayon, nakatalikod sa amin. May nakapatong na unan sa kanan niyang teng
Xeia's POV"Tay, alis na ho ako," paalam ko kay tatay. Ngayong araw na ito ang pinakahihintay ko. Mayroon kasi kaming entrance exam ngayon kaya medyo nagmamadali na ako, ayaw ko kasing nahuhuli sa mga ganito na importante sa akin.Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos magbihis. I'm wearing a long sleeve blouse with pussybow and high waist black slack, tinuck-in ko 'yon. Naka-flat shoes lang ako at nakalugay ang buhok. Nung isang araw, 'yung araw na inihatid namin si Jung-Hyun ay nagpa-register na kami sa Lakestone University. Sinundo ako ni Colline dito sa bahay para sabay kaming pumunta sa University. Medyo malayo kasi ang University kaya sumabay na ako sa kaniya."Galingan mo sa exam, anak," pagpapa-alala ni tatay. Nasa sofa siya at nakaupo roon habang nanonood sa TV. "Ipasa mo 'yan, ha?" Lumapit naman ako kay tatay at tumabi sa kaniya."Syempre, tay, gagalingan ko," masaya kong sagot sa kaniya. Dream university ko 'yon kaya gagawin ko lahat para makapasok doon, kahit na malayo."Pasen
Xeia's POV "Tara na, Xeia, baka matuluyan tayong ma-late." Hinila ako ni Colline pa-kanan dahil doon kami mag-e-exam. Aakyat kami sa ika-anim na palapag ng building gamit ang hagdan, alangan lumipad kami diba? May anim na palapag ang bawat building dito. Umakyat na kami ng hagdan."Wait lang, Frenny. Hinihingal ako," pagod kong sabi. Tumigil kami, nasa fourth floor na kami. Hinihingal akong sumandal sa pader, kinuha ko ang dala kong tubig at ininom 'yon. Maliban sa pagod sa pag-akyat ay ang init pa! Ang dami kayang tao. 'Bat kasi pinagsabay-sabay nila?! "Dalawang floor na lang, Frenny. Ano ka ba!" Hinila ulit niya 'ko pero hindi ako nagpahila sa kaniya. "Magkakatotoo ata 'yung sinabi mo kanina na 'Sinusundo na kita'," sabi ko sa kaniya. Baka pagkatungtong namin ng ika-anim na palapag ay liwanag na ang sasalubong sa amin. "Ang OA naman! Kaya mo 'yan!" sigaw niya. Huminga muna ako ng malalim at saka nagpatuloy sa pag-akyat. Nang makarating na kami sa sixth floor ay nakahinga ako ng m
Xeia's POV"Ang mahal pala ng mga pagkain dito, masarap pa man din," sabi ni Colline. Nakaupo kami ngayon sa loob ng cafeteria. Maraming mga tao rito dahil sabay-sabay kaming natapos sa exams. Mabuti na lang ay may naabutan pa kaming bakanteng upuan. May second floor itong cafeteria pero hindi 'yon sapat para makaupo ang lahat ng nag-exam ngayon."Siguradong kaunti lang ang bibilhin ko kapag nakapasa ako," sabi ko naman. Nag-order lang kami ng two cups of rice at ulam, tanghalian naman na, e. Ang sarap ng adobo, ang galing ng chef rito. Ang ayos ng mga upuan at lamesa dito ay pahabang lamesa at pahaba ring upuan. Sampu hanggang labing-lima ang helera ng lamesa't upuan.
Xeia's POV "May problema ba?" May biglang lumabas sa may pinto. Galing ata siya sa kusina. Siya siguro ang manager nitong cafe. "Ah, Ma'am Atienza. May mag-aaply ho," ani ni ateng cashier. "Mag-aaply ng trabaho, waitress po." "Madi. Ma'am Madi, ayoko ng ma'am Atienza. Okay?" "Sige po, ma'am... Madi," sabi niya. Nilingon naman kami sa babaeng tinawag niyang Ma'am Madi. Tinignan ako mula ulo hanggang paa na para bang nanghuhusga. Makatingin naman 'to. Makikita sa mukha niya ang pagiging masungit. Pang-masungit ang itsura ng kilay niya. May salamin rin siya na dumagdag sa pagkamataray na mukha niya. "Ang ganda-ganda mong bata, mag-we-waitress ka lang?" aniya. Ano namang problema sa pag-we-waitress? Disenteng trabaho naman 'yon. At teka, haha, tinawag niya akong magandang bata? Aba! Mas malinaw ang mga mata ni ma'am kaysa kay Collin, ha? "Ah, opo. Kailangan ko po kasi, e," tugon ko. Nilingon ko ang loob ng cafe at maraming mga tao dito. Dinadayo talaga 'to. "Sorry pero may nakuha n
Xeia's POV "Anong gagawin ko, Frenny?" tanong sa kaniya, nagpagulong-gulong ako sa kama ko. Alas-dose na ng gabi pero heto at gising pa rin ako at kausap si Colline. Si tatay naman ay nasa sarili na rin niyang kwarto, kwarto nila ni nanay. "Anong exact na sinabi niya?" tanong niya. "Hindi ako papayag na magpa-alila ka sa mga mayayaman na 'yan. Porket malaki ang bayad ay susunggaban mo na agad? Pag-isipan mo 'yan, Xeiah. Mahirap ang pinapasok mo." Pag-uulit ko sa sinabi ni tatay. Ginaya ko pa kung paano niya ainabi 'yon kanina, ha? "Grabe naman si tito sa pag-alila, ha." Napansin rin niya. "As if naman magpapa-alila ka, Frenny, 'no?" "Kaya nga!" Tumihaya ulit ako sa kama. "Anong gagawin ko para pumayag si tatay?" "Ay! Meron akong naisip!" sigaw niya sa akin. "Ano naman 'yon?" "Bakit nga ba ulit ako pumayag sa ganitong set-up?" pagtatanong ko ulit kay Colline. "At paano mo ako napapayag?" "Napapayag kita kasi tinakot kita na sasabihin ko kay daddy na pilitin ka magbayad sa LAHAT
Xeia's POV "Frenny! Frenny!" sigaw ni Colline, nasa labas pa siya ng bahay pero rinig na rinig ko na ang boses niya. Nagulat naman ako sa pagdating niya rito sa bahay. Limang araw na ang lumipas nung nag-entrance exam kami sa Lakestone University. Nung pinayagan na ako ni tatay na tanggapin ang offer ni Ms. Atienza ay tinawagan ko siya sa para sabihin na pumapayag na ako, binigyan niya ako ng calling card niya nung nasa cafe kami. Bukas ay magsisimula na raw akong magtrabaho sa kanila. "Bakit ka ba sumisigaw? Ang aga-aga, e," tanong ko nang dumaretso siya rito sa kusina, nakabukas naman ang pinto, e. Nilingon ko siya dahil nakatalikod ako sa kaniya, nagluluto ako ng almusal namin ni tatay. Paglingon ko sa kaniya ay nakangiti siya sa akin. Parang mapupunit na ang mga labi niya dahil sa ngiti niya. Nagtaka naman ako sa inaasal niya ngayon. "Nakapasa ako!" tuwang-tuwang sabi niya sa akin. Niyakap niya agad ako at yinugyog niya ako ng yinugyog. Pinakita niya sa akin ang cellphone niya n
Xeia's POV Nagsi-alisan na silang lahat at natira na lang kaming tatlo nila Manang at Ma'am Madi. "Dalhin mo na siya kay JD," sabi ni Ma'am kay Manang. So, JD pala ang name ng baby na aalagaan ko? Siguro ang ang taba niya? Ay, shit! Baka mataba ang pisnge, naku! Kawawa ang pisnge niya sa akin. Nanguna sa paglalakad si Manang at ako naman ay sumunod lang sa kaniya sa paglalakad. Habang umaakyat kami ng hakbang ay nagtanong ako may manang. "Manang, cute ba 'yung aalagaan ko?
Xeia's POV Kinabukasan, nasa bahay lamang ako at gumawa ng gawaing bahay. Pagkasapit ng lunes, maaga akong nagising para maghanda nang pumasok. "Tay, alis na ho ako," paalam ko kay tatay. Hindi na siya nakawheelchair. Pumunta kami kahapon ng hospital para ipacheck-up siya at maayos naman ang naging resulta. Gayunpaman, kailangan pa rin niyang uminom ng mga gamot. Lumabas siya mula sa loob ng kusina. "Mag-iingat ka ha," paalala niya. "Opo," tugon ko. "Sige po, alis na ako. Mag-iingat din po kayo." "Sige," nakangiti niyang sabi. Tumungo na ako sa labas, dala-dala ang bag na naglalaman ng mga damit na magkakasya ng limang araw. Bukas na pala ang 18th birthday ni Colline kaya abala sila ngayon. Sa isang private venue gaganapin 'yon dahil may mga pribadong tao ang darating katulad ni Jung-Hyun. "Bye!" pagpapaalam ko kay tatay. Nakatayo siya sa may pinto at kumaway. Naglakad na ako papunta sa kalsada para maghintay ng masasakyan. Agad naman ako nakasakay. Habang nasa biyahe ako ay
Xeia's POV Umupo ako sa sofa at naghintay kung sino man ang papasok dito. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto, alala ko si sir, iba pala. Isang babaeng nakasalamin at nakaputi, may stethoscope na nakasabit sa kaniyang leeg. Hindi naman katandaan ang itsura niya. Tumayo ako bilang paggalang. "Ikaw ba si Xeia?" tanong niya. "Opo," sagot ko. Kilala niya pala ako. "Nasaan si JD?" tanong niya pa ulit. "Lumabas po. Hindi ko po alam kung saan pumunta, hindi niya po sinabi," tugon ko. "Gano'n ba? Come here," aya niya sa akin. Minwersa ang kamay sa upuang kaharap ng kaniyang lamesa. Sumunod ako sa kaniya at siya naman ay lumapit sa upuan niya at saka umupo. Mayamaya pa ay narinig kong bumukas ang pinto na ikinalingon ko naman. Nakita ko si sir na may hawak na dalawang
Xeia's POV "Huyyyy, sige na. Xeia, ano na? Kaibigan mo ko, bakit hindi mo ako tulungan?" nagmamaka-awang sabi ni Colline. "Ikaw kasi, e. Walang tigil ang birada mo. Hindi mo man lang ako hinayaang magsalita," sabi ko sa kaniya. "Tapos ngayon ay hihingi ka ng tulong sa akin para mag-sorry sa kaniya?" "Kaibigan mo ko, syempre! At boss mo 'yon," aniya. "Hindi ko naman sinasadya 'yon," nakangusong sabi niya. "Hindi sinasadyang dire-diretso ang bunganga mo? At saka mamaya ka na nga magsalita. Nahihirapan ang tita mo sa pagma-make-up sayo, oh." Kanina pa siya salita ng salita dahil humihingi ng tulong para humingi ng tawad sa ginawa niya kay sir. Tsk tsk tsk. Kakilala pala ni tito Von si Ma'am Madi, nagkakilala raw sila sa isang charity. Mahilig sa mga bata si tito Von kaya naging Pediatrician siya. Tu
Xeia's POV "Dito na ata 'yon," sabi ko. Tinigil niya ang sasakyan. Binuksan ko ang pinto at saka lumabas ng kotse. "Teka, tawagan ko lang si Colline." Dinial ko ang number niya at ilang segundo lang ay sinagot naman niya. Naramdaman kong tumabi sa akin si sir. "Hello, frenny?" ["Oh? Nasa'n na kayo? Inaayusan na ako."] "Nandito na. Enchant's Garden 'di ba?"
Xeia's POV"Ako na!" sigaw ko sa kaniya sabay hablot ng ointment. Nagulat naman siya sa ginawa ko. Alam ko namang wala siyang masamang iniisip or anything. Unless meron? Hindi ako komportable kung siya ang gagawa. Hey, dibdib 'yon, 'no!"You sure?" tanong niya. Parang nadismaya pa, ha?"Malamang," tugon ko. Tinignan ko siya sa mata para sabihing lumabas na siya. Tumaas naman ang dalawa niyang kilay at bumulong ng what. "Labas. Kaya ko na pong gamutin sarili ko," mababang tono kong sabi sa kaniya.
Xeia's POVNaghintay ako na sumagot siya pero wala akong naririnig. Dinikit ko pa ang tenga ko sa pintuan. Wala atang tao sa labas! Iniwan ba niya ako? Huhuhu, paano ako lalabas?Napasandal na lang ako sa pintuan."Sir!" tawag ko pa. "Wala akong damit!""Ano mo ako? Nanay? Para sabihing wala kang damit?"Nanlaki ang mata ko nang may narinig na nagsalita.
Xeia's POVLumabas na ako sa kwarto niya at bumaba na dala-dala ang gamot. Pagkababa ko sa sala ay nakita kong nakaupo pa rin sila Ma'am Madi at manang sa sofa. Nilingon nila ako nang tumungo ako sa kinaroroonan nila."Okay na ba si JD?" salubong na tanong ni Ma'am. "For sure there will be a bruise on his face!"Hindi ko naman mapigilan na sisihin ang sarili ko."Sorry, ma'am," hingi ko ng tawad sa kaniya. Kasi naman, e! Kung hindi sana siya sumunod sa akin 'edi sana hindi siya magkakag
Xeia's POV"Tumawag ka?" tanong ko kay Sir. May dumating kasing mga pulis. Ambulansya lang naman ang tinawagan ko."Baka multo," tugon. Psh."Multo," bulong ko. Bakla nga talaga 'to.Pagkatigil ng sasakyan nila sa harap namin ay may bumabang dalawang pulis. Nilapitan nila kami."Kumusta, JD?" tanong ng isa kay sir. Magkakilala ba sila?
JD's POV"Ngayon ka aalis?" rinig kong tanong ni Manang kay Xeia. Nasa kusina ako para uminom ng tubig. Dapat nagpalagay na lang ako ng ref sa kwarto ko para hindi na ako baba ng baba, e. Ang daan papunta sa kwarto niya ay dito sa kusina."Opo, bukas po kasi maaga ang photoshoot ni Colline, 'yung kaibigan ko po na magbi-birthday," aniya. Psh, 'bat ngayon siya aalis? E, gabi na. Paano kapag may mangyari sa kaniya? Marami pa namang lokoloko diyan."E, gabi na at baka kung mapano ka," sabi ni Manang.