Xeia's POV
"Tumawag ka?" tanong ko kay Sir. May dumating kasing mga pulis. Ambulansya lang naman ang tinawagan ko.
"Baka multo," tugon. Psh.
"Multo," bulong ko. Bakla nga talaga 'to.
Pagkatigil ng sasakyan nila sa harap namin ay may bumabang dalawang pulis. Nilapitan nila kami.
"Kumusta, JD?" tanong ng isa kay sir. Magkakilala ba sila?
"Ayos lang po," tugon niya at saka lumapit para makipagkamay. Nilingon ko naman si Manong na patuloy pa ring ginagamot. Dapat dalhin siya sa hospital, e.
"Habang tumatagal, lumalaki katawan mo ha?" Sabi naman ng pulis. Tinapik naman niya ang tiyan ni sir kaya napa-aray ito. Sakit no'n, kakagaling pa lang niya sa suntukan. Bakit kasi siya sumunod? "Oh, bakit masakit 'yan?"
Hinimas-himas naman ni sir ang tiyan niya at saka nilingon si Manong sa loob ng ambulansya.
"Ah, kaya ba tumawag ka sa akin?" aniya.
"Opo, mangho-hold-up. Napa-away ako," tugon ni sir. Nakakakonsensiya naman 'to. Nang dahil sa akin ay nagkaganyan pa si sir. Hindi pa nga ako nakakapag-sorry sa kaniya nung unang araw ko sa trabaho tapos ngayon mag-so-sorry na naman ako.
Nilapitan ni mamang pulis si Manong at saka binalik ang tingin kay sir JD
"Ikaw gumawa no'n?" tanong niya kay sir. Tinutukoy niya ba 'yung kutsilyo? Omo. Hindi ko naman ginusto 'yon, e. Nakita ko naman na umiling si sir sabay tingin sa akin kaya nilingon rin ako ni mamang pulis. Makkukulong ba ako? "Siya?"
"Uhm....."
Nilapitan pa ako ng mamang pulis at tinignan mula ulo hanggang paa. "Ikaw talaga?" tanong niya pa. Tumango naman ako sa kaniya. "Hindi halata, huh?
Porket babae ako? Tsk. Nakakainis ang ganiyang pag-iisip.
"Self-defense," sabi ni sir JD. Nakahinga naman ako ng maluwag. Matatawag bang self-defense'yon?
"Kakilala mo?" tanong ni mamang pulis kay sir. Tumango naman siya. "Your girlfriend, I guess?"
Nagulat ako sa sinabi niya at napaubo naman si sir. Girlfriend? Hindi mangyayari 'yon.
"Tito!" sigaw niya. Tito pala niya? "Hindi ako pumapatol sa hindi kagandahan." Nanlaki naman ang mata ko at sinuntok ang balikat niya. "Aray!"
"Bakit kagwapuhan ka ba? Huh?!" sigaw ko. Feeling amp. Hindi ka siya papatulan 'no! Baka nga tagilid siya, e.
"E, ano mo siya?"
"Yaya!" sabay naming sigaw sa kaniya na ikinataas ng dalawa niyang kilay.
"'Bat parang galit kayo?" aniya.
"Hindi ako galit!" sabay na namang sabi namin. Nilingon ko siya at tinarayan. Tinalukaran ko siya at pinuntahan si Manong para silipin siya.
"Siya pa rin ba?" rinig kong tanong ni mamang pulis kay sir JD pagkalampas ko sa kaniya.
"Ate, okay na po ba?" tanong ko sa gumamot kay manong. Tumango naman siya sa akin.
"Oh, tara na tara na," biglang sabi ni Sir Alvarez kay Manong. Inalalayan ko naman si Manong na bumaba.
"Ahh..... Hindi na ho ako magsasampa ng kaso," sabi ko kay Sir Alvarez.
"Kahit hindi ka magsampa ay may ibang magsasampa. Hindi langnikaw ang biktima. Okay?" Aniya. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Tinignan ko si Manong.
"Sorry, ineng," aniya. Dinala na siya sa loob ng sasakyan ng pulis.
"Mag-iingat kayo, JD," sabi ni Sir Alvarez bago pumasok sa sasakyan at saka umalis. Umalis na rin ang ambulansya. Naiwan naman kami ni JD sa tabi ng kalsada.
"Ano tatayo ka lang ba diyan?"
"Pwede namang umupo?" pilosopong sabi ko sa kaniya. Sininghalan niya lang ako at saka tumalikod. Napansin ko na ang dumi ng jacket niya at ang pwetan.
"Sandali, hintay," sabi ko sa kaniya. Kinuha ko muna ang bag ko nakalapag sa waitingshed. So, hindi ako makakauwi nito? "Ang bilis mo namang maglakad," sabi ko kay sir nang maabutan siya.
Hindi niya ako pinansin at patuloy lang siyang naglakad. Sumunod naman ako sa kaniya.
"Hmmmm......"
Sinusubukan kong magsimula ng pag-uusapan. Naglalakad lang kasi kami at walang pinag-uusapan na para ba kaming hindi magkakilala.
"Ano?" tanong niya. "'Wag mong isipin na sinundan kita dahil nag-aalala ako. Inutusan lang ako."
Bakit? May sinabi ba akong nag-aalala siya sa akin? Wala pa nga akong sinasabi. Bakit ko naman iisipin 'yon? Hindi naman niya kailangang magpaliwanag.
"Wala naman akong sinsabing ganiyan," sabi ko.
"Sila ang nag-alala, hindi ako," sabi pa niya.
"Oo na, paulit-ulit ka," sabi ko. Narinig ko naman, e.
"I'm just clarifying because you might think differently," aniya. Differently? Mukha niya. Psh.
"Baka iba ang isipin ko? Asa. E, sinundan mo lang ako dahil nautusan ka lang. Okay?" Sabi ko. Ako na nag-clarify.
"Correct," aniya. Pagkarating namin sa harap ng gate nila ay pinindot ko ang doorbell. Bumukas naman ang gate at sumalubong ang mukha ni Luca.
"Xeia?" tanong niya.
"Hindi si Xeia ako," sabi ko.
"Oh, 'bat ka bumalik? Tapos, ano 'yan sir? May dugo ka sa mukha?"
Nilingon ko si sir JD, may dugo nga. Huhuhu, kasalanan ko 'to, e. Hinawakan ko ang palapulsuhan niya at saka hinila siya papasok.
"Aray! Dahan-dahan lang," reklamo niya. Dinahan-dahan ko naman ang paghila sa kaniya. Binuksan ko ang malaki nilang pinto at saka pumasok. Tumungo kami sa may sala at nakita namin sila Ma'am Madi at Manang.
"Oh? Anong nangyari kay JD?" tanong ni Manang nang makita ang mukha ni sir JD.
"Omo, darling. What happened?" nag-aalalang tanong ni Ma'am. Nilapitan niya si sir at hinawakan ang mukha, tinignan-tignan ito.
"Tita, masakit," daing niya. Binitawan ko naman ang palapulsuhan niya at nilapag ang bag na dala ko saka tumungo sa may cabinet kung nasaan ang hygiene kit. Kinuha ko ito at bumalik sa sala. Nakita kong nakaupo na siya sa sofa, katabi ni Ma'am Madi.Tumabi ako sa kaniya at nilapag ang dala ko sa hita. Sinimulan ko ng gamutin ang sugat niya sa labi at kilay.
"Aray, dahan-dahan lang," reklamo niya sa akin. Hinawakan niya pa ang kamay ko. "'Yan."
"Manang, kuha ka nga ng ice pack," utos ni Ma'am Madi kay Manang. Sumunod agad si Manang at bumalik kaagad.
"Heto po," aniya. Kinuha naman 'yon ni Ma'am sa kaniya. Patuloy lang ako sa paggamot ng sugat niya.
"Aray," reklamo niya pa. Makikipag-sapakan, pagkatapos ay aaray-aray.
"Ano ba ang nangyari?" tanong ni Manang. Napakamot naman ako sa ulo.
"Napa-away lang po," sagot ni sir. Napa-away?
"Ganit-"
"Aakyat na po kami," biglang sabi ni sir at sabay tayo. Kami? Ibig sabihin ay kasama ako?
"K-kasama a-ako?" tanong ko sa kaniya pagkatayo ko. Tinignan naman niya ako.
Tinuro naman niya ang mukha niya. "Heal me."
Napabuka naman ang bibig ko. Nauna na siyang naglakad at umakyat sa hagdan. Binalik ko sa lagayan ang gamot at saka ito dinala.
"Wait, 'yung ice pack," habol ni Ma'am Madi. Kinuha ko naman iyon.
"Mamaya ko na po ikwekwento," sabi ko kay Ma'am. Tumango naman siya. Umakyat na ako ng hagdan para sundan siya sa kwarto niya.
Pagka-akyat ko ay nakabukas ang pinto niya kaya pumasok na ako at saka ito sinara. Naglakad ako papasok at nilibot ang tingin, nakita ko siya na naka-upo sa kama niya. Nilapitan ko siya at nanatiling nakatayo. Uupo ba ako sa kama niya?
"Why are you just standing there?" tanong niya.
"Saan...ako uupo?"
"Try mo sa lamesa," pilosopong tugon niya. Tss. Umupo ako sa tabi niya at nilapag ang kit sa likuran niya.
"Tingin ka sa 'kin," sabi ko sa kaniya.
"Huh?"
"Tingin ka kako sa akin. Hindi ko naman magagamot ang mukha mo kung nakatingin ka do'n," sabi ko at ti uro ang kaliwang bahagi. Umayos naman siya ng upo at medyo humarap sa akin.
Sinimulan ko na ulit na gamutin ang mga sugat niya.
"Aray, dahan-dahan nga lang, e."
"Tsk. Sorry," sabi ko. "Bakit kasi sumunod ka pa?"
"Kung hindi kita sinundan, mapapahamak ka?" Napatigil naman ako sa paggagamot at nanatili ang tingin ko sa sugat niya sa labi.
"A-ano n-naman sa 'yo...kung....napahamak ako?" tanong ko. Alam ko namang inutusan lang siya pero bakit naman siya susunod sa kanila kung ayaw naman niya?
"E, kasi mawawalan ako ng yaya," aniya. Dahil sa sagot niya ay diniinan ko ang paggamot sa sugat niya. "Aray!"
Inalis niya ang kamay ko at tinakpan ang bibig niya.
"Mawawalan ka ng yaya?" singhal ako at sabay tayo. Niligpit ko ang kit at saka dinala. "Eto, gamutin mo sarili mo," sabi ko. Hinagis ko sa kaniya ang kit at ang ice pack.
"Saan ka pupunta?" tanong niya nang naglakad ako papunta sa pinto niya.
"Maghahanap ng kapalit ko para kapag may mangyari at iniligtas mo ako ay hindi mo isasagot na ayaw mo mawalan ng yaya," sabi ko sabay labas ng kwarto niya.
Xeia's POVLumabas na ako sa kwarto niya at bumaba na dala-dala ang gamot. Pagkababa ko sa sala ay nakita kong nakaupo pa rin sila Ma'am Madi at manang sa sofa. Nilingon nila ako nang tumungo ako sa kinaroroonan nila."Okay na ba si JD?" salubong na tanong ni Ma'am. "For sure there will be a bruise on his face!"Hindi ko naman mapigilan na sisihin ang sarili ko."Sorry, ma'am," hingi ko ng tawad sa kaniya. Kasi naman, e! Kung hindi sana siya sumunod sa akin 'edi sana hindi siya magkakag
Xeia's POVNaghintay ako na sumagot siya pero wala akong naririnig. Dinikit ko pa ang tenga ko sa pintuan. Wala atang tao sa labas! Iniwan ba niya ako? Huhuhu, paano ako lalabas?Napasandal na lang ako sa pintuan."Sir!" tawag ko pa. "Wala akong damit!""Ano mo ako? Nanay? Para sabihing wala kang damit?"Nanlaki ang mata ko nang may narinig na nagsalita.
Xeia's POV"Ako na!" sigaw ko sa kaniya sabay hablot ng ointment. Nagulat naman siya sa ginawa ko. Alam ko namang wala siyang masamang iniisip or anything. Unless meron? Hindi ako komportable kung siya ang gagawa. Hey, dibdib 'yon, 'no!"You sure?" tanong niya. Parang nadismaya pa, ha?"Malamang," tugon ko. Tinignan ko siya sa mata para sabihing lumabas na siya. Tumaas naman ang dalawa niyang kilay at bumulong ng what. "Labas. Kaya ko na pong gamutin sarili ko," mababang tono kong sabi sa kaniya.
Xeia's POV "Dito na ata 'yon," sabi ko. Tinigil niya ang sasakyan. Binuksan ko ang pinto at saka lumabas ng kotse. "Teka, tawagan ko lang si Colline." Dinial ko ang number niya at ilang segundo lang ay sinagot naman niya. Naramdaman kong tumabi sa akin si sir. "Hello, frenny?" ["Oh? Nasa'n na kayo? Inaayusan na ako."] "Nandito na. Enchant's Garden 'di ba?"
Xeia's POV "Huyyyy, sige na. Xeia, ano na? Kaibigan mo ko, bakit hindi mo ako tulungan?" nagmamaka-awang sabi ni Colline. "Ikaw kasi, e. Walang tigil ang birada mo. Hindi mo man lang ako hinayaang magsalita," sabi ko sa kaniya. "Tapos ngayon ay hihingi ka ng tulong sa akin para mag-sorry sa kaniya?" "Kaibigan mo ko, syempre! At boss mo 'yon," aniya. "Hindi ko naman sinasadya 'yon," nakangusong sabi niya. "Hindi sinasadyang dire-diretso ang bunganga mo? At saka mamaya ka na nga magsalita. Nahihirapan ang tita mo sa pagma-make-up sayo, oh." Kanina pa siya salita ng salita dahil humihingi ng tulong para humingi ng tawad sa ginawa niya kay sir. Tsk tsk tsk. Kakilala pala ni tito Von si Ma'am Madi, nagkakilala raw sila sa isang charity. Mahilig sa mga bata si tito Von kaya naging Pediatrician siya. Tu
Xeia's POV Umupo ako sa sofa at naghintay kung sino man ang papasok dito. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto, alala ko si sir, iba pala. Isang babaeng nakasalamin at nakaputi, may stethoscope na nakasabit sa kaniyang leeg. Hindi naman katandaan ang itsura niya. Tumayo ako bilang paggalang. "Ikaw ba si Xeia?" tanong niya. "Opo," sagot ko. Kilala niya pala ako. "Nasaan si JD?" tanong niya pa ulit. "Lumabas po. Hindi ko po alam kung saan pumunta, hindi niya po sinabi," tugon ko. "Gano'n ba? Come here," aya niya sa akin. Minwersa ang kamay sa upuang kaharap ng kaniyang lamesa. Sumunod ako sa kaniya at siya naman ay lumapit sa upuan niya at saka umupo. Mayamaya pa ay narinig kong bumukas ang pinto na ikinalingon ko naman. Nakita ko si sir na may hawak na dalawang
Xeia's POV Kinabukasan, nasa bahay lamang ako at gumawa ng gawaing bahay. Pagkasapit ng lunes, maaga akong nagising para maghanda nang pumasok. "Tay, alis na ho ako," paalam ko kay tatay. Hindi na siya nakawheelchair. Pumunta kami kahapon ng hospital para ipacheck-up siya at maayos naman ang naging resulta. Gayunpaman, kailangan pa rin niyang uminom ng mga gamot. Lumabas siya mula sa loob ng kusina. "Mag-iingat ka ha," paalala niya. "Opo," tugon ko. "Sige po, alis na ako. Mag-iingat din po kayo." "Sige," nakangiti niyang sabi. Tumungo na ako sa labas, dala-dala ang bag na naglalaman ng mga damit na magkakasya ng limang araw. Bukas na pala ang 18th birthday ni Colline kaya abala sila ngayon. Sa isang private venue gaganapin 'yon dahil may mga pribadong tao ang darating katulad ni Jung-Hyun. "Bye!" pagpapaalam ko kay tatay. Nakatayo siya sa may pinto at kumaway. Naglakad na ako papunta sa kalsada para maghintay ng masasakyan. Agad naman ako nakasakay. Habang nasa biyahe ako ay
Xeia's POV "Congrats, Xeia," bati sa 'kin ni Clarie na isa sa mga kaklase ko. "Salamat! Congrats rin sa inyo," bati ko rin sa kanila. Katatapos lang ng graduation namin. Buong klase namin ay grumaduate ng with honors. Si Colline ang valedictorian namin at ako naman ang salutatorian. Nakaka-proud lang. Biruin mo? Lahat kami ay may awards. Hindi namin inaasahan 'yon. Senior high pa naman din. Mahirap maging senior high 'no. Pero mas mahirap daw ang collage. Madaming pinapagawa, reporting, exams, projects, may mga school activities pa. Pero syempre kakayin ko, gusto ko makapagtapos, e. "Congrats sa ating lahat!" sigaw ng class president namin habang papunta sa kinaroroonan namin. Simula grade eleven ay siya na ang class president namin, kami-kami pa rin ang naging magkaklase noong nag-grade twelve kami. Pero 'yung iba ay nagtransfer na. Nang makapunta siya sa amin ay agad akong hinakbayan."Congrats sa 'yo, Xeia. Naks, salutatorian! Pakain naman diyan," biro niya. Ay! 'Yun lang. Hah
Xeia's POV Kinabukasan, nasa bahay lamang ako at gumawa ng gawaing bahay. Pagkasapit ng lunes, maaga akong nagising para maghanda nang pumasok. "Tay, alis na ho ako," paalam ko kay tatay. Hindi na siya nakawheelchair. Pumunta kami kahapon ng hospital para ipacheck-up siya at maayos naman ang naging resulta. Gayunpaman, kailangan pa rin niyang uminom ng mga gamot. Lumabas siya mula sa loob ng kusina. "Mag-iingat ka ha," paalala niya. "Opo," tugon ko. "Sige po, alis na ako. Mag-iingat din po kayo." "Sige," nakangiti niyang sabi. Tumungo na ako sa labas, dala-dala ang bag na naglalaman ng mga damit na magkakasya ng limang araw. Bukas na pala ang 18th birthday ni Colline kaya abala sila ngayon. Sa isang private venue gaganapin 'yon dahil may mga pribadong tao ang darating katulad ni Jung-Hyun. "Bye!" pagpapaalam ko kay tatay. Nakatayo siya sa may pinto at kumaway. Naglakad na ako papunta sa kalsada para maghintay ng masasakyan. Agad naman ako nakasakay. Habang nasa biyahe ako ay
Xeia's POV Umupo ako sa sofa at naghintay kung sino man ang papasok dito. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto, alala ko si sir, iba pala. Isang babaeng nakasalamin at nakaputi, may stethoscope na nakasabit sa kaniyang leeg. Hindi naman katandaan ang itsura niya. Tumayo ako bilang paggalang. "Ikaw ba si Xeia?" tanong niya. "Opo," sagot ko. Kilala niya pala ako. "Nasaan si JD?" tanong niya pa ulit. "Lumabas po. Hindi ko po alam kung saan pumunta, hindi niya po sinabi," tugon ko. "Gano'n ba? Come here," aya niya sa akin. Minwersa ang kamay sa upuang kaharap ng kaniyang lamesa. Sumunod ako sa kaniya at siya naman ay lumapit sa upuan niya at saka umupo. Mayamaya pa ay narinig kong bumukas ang pinto na ikinalingon ko naman. Nakita ko si sir na may hawak na dalawang
Xeia's POV "Huyyyy, sige na. Xeia, ano na? Kaibigan mo ko, bakit hindi mo ako tulungan?" nagmamaka-awang sabi ni Colline. "Ikaw kasi, e. Walang tigil ang birada mo. Hindi mo man lang ako hinayaang magsalita," sabi ko sa kaniya. "Tapos ngayon ay hihingi ka ng tulong sa akin para mag-sorry sa kaniya?" "Kaibigan mo ko, syempre! At boss mo 'yon," aniya. "Hindi ko naman sinasadya 'yon," nakangusong sabi niya. "Hindi sinasadyang dire-diretso ang bunganga mo? At saka mamaya ka na nga magsalita. Nahihirapan ang tita mo sa pagma-make-up sayo, oh." Kanina pa siya salita ng salita dahil humihingi ng tulong para humingi ng tawad sa ginawa niya kay sir. Tsk tsk tsk. Kakilala pala ni tito Von si Ma'am Madi, nagkakilala raw sila sa isang charity. Mahilig sa mga bata si tito Von kaya naging Pediatrician siya. Tu
Xeia's POV "Dito na ata 'yon," sabi ko. Tinigil niya ang sasakyan. Binuksan ko ang pinto at saka lumabas ng kotse. "Teka, tawagan ko lang si Colline." Dinial ko ang number niya at ilang segundo lang ay sinagot naman niya. Naramdaman kong tumabi sa akin si sir. "Hello, frenny?" ["Oh? Nasa'n na kayo? Inaayusan na ako."] "Nandito na. Enchant's Garden 'di ba?"
Xeia's POV"Ako na!" sigaw ko sa kaniya sabay hablot ng ointment. Nagulat naman siya sa ginawa ko. Alam ko namang wala siyang masamang iniisip or anything. Unless meron? Hindi ako komportable kung siya ang gagawa. Hey, dibdib 'yon, 'no!"You sure?" tanong niya. Parang nadismaya pa, ha?"Malamang," tugon ko. Tinignan ko siya sa mata para sabihing lumabas na siya. Tumaas naman ang dalawa niyang kilay at bumulong ng what. "Labas. Kaya ko na pong gamutin sarili ko," mababang tono kong sabi sa kaniya.
Xeia's POVNaghintay ako na sumagot siya pero wala akong naririnig. Dinikit ko pa ang tenga ko sa pintuan. Wala atang tao sa labas! Iniwan ba niya ako? Huhuhu, paano ako lalabas?Napasandal na lang ako sa pintuan."Sir!" tawag ko pa. "Wala akong damit!""Ano mo ako? Nanay? Para sabihing wala kang damit?"Nanlaki ang mata ko nang may narinig na nagsalita.
Xeia's POVLumabas na ako sa kwarto niya at bumaba na dala-dala ang gamot. Pagkababa ko sa sala ay nakita kong nakaupo pa rin sila Ma'am Madi at manang sa sofa. Nilingon nila ako nang tumungo ako sa kinaroroonan nila."Okay na ba si JD?" salubong na tanong ni Ma'am. "For sure there will be a bruise on his face!"Hindi ko naman mapigilan na sisihin ang sarili ko."Sorry, ma'am," hingi ko ng tawad sa kaniya. Kasi naman, e! Kung hindi sana siya sumunod sa akin 'edi sana hindi siya magkakag
Xeia's POV"Tumawag ka?" tanong ko kay Sir. May dumating kasing mga pulis. Ambulansya lang naman ang tinawagan ko."Baka multo," tugon. Psh."Multo," bulong ko. Bakla nga talaga 'to.Pagkatigil ng sasakyan nila sa harap namin ay may bumabang dalawang pulis. Nilapitan nila kami."Kumusta, JD?" tanong ng isa kay sir. Magkakilala ba sila?
JD's POV"Ngayon ka aalis?" rinig kong tanong ni Manang kay Xeia. Nasa kusina ako para uminom ng tubig. Dapat nagpalagay na lang ako ng ref sa kwarto ko para hindi na ako baba ng baba, e. Ang daan papunta sa kwarto niya ay dito sa kusina."Opo, bukas po kasi maaga ang photoshoot ni Colline, 'yung kaibigan ko po na magbi-birthday," aniya. Psh, 'bat ngayon siya aalis? E, gabi na. Paano kapag may mangyari sa kaniya? Marami pa namang lokoloko diyan."E, gabi na at baka kung mapano ka," sabi ni Manang.