Share

Chapter 10

Author: kimmy
last update Huling Na-update: 2021-06-09 10:30:59

Xeia's POV

"Frenny! Frenny!" sigaw ni Colline, nasa labas pa siya ng bahay pero rinig na rinig ko na ang boses niya. Nagulat naman ako sa pagdating niya rito sa bahay. Limang araw na ang lumipas nung nag-entrance exam kami sa Lakestone University. Nung pinayagan na ako ni tatay na tanggapin ang offer ni Ms. Atienza ay tinawagan ko siya sa para sabihin na pumapayag na ako, binigyan niya ako ng calling card niya nung nasa cafe kami. Bukas ay magsisimula na raw akong magtrabaho sa kanila.

"Bakit ka ba sumisigaw? Ang aga-aga, e," tanong ko nang dumaretso siya rito sa kusina, nakabukas naman ang pinto, e. Nilingon ko siya dahil nakatalikod ako sa kaniya, nagluluto ako ng almusal namin ni tatay. Paglingon ko sa kaniya ay nakangiti siya sa akin. Parang mapupunit na ang mga labi niya dahil sa ngiti niya. Nagtaka naman ako sa inaasal niya ngayon.

"Nakapasa ako!" tuwang-tuwang sabi niya sa akin. Niyakap niya agad ako at yinugyog niya ako ng yinugyog. Pinakita niya sa akin ang cellphone niya na may text na 'Congratulations, Ms. Romero. You passed the exam'. "Nakapasa ako! Sa'yo ba, nagtext na?"

"Hindi ko pa nakikita, wait," sabi ko. Kinuha ko ang phone ko sa kwarto para tignan kung nakapasa ba ako. Masaya ako para kay Colline dahil nakapasa siya, ako kaya? Kinakabahan kong biuksan ang phone ko. Pinikit ko ang mga mata ko at pagkadilat ko ay tumambad sa akin ang isang text galing sa Lakestone University. Ite-text ka nila kung nakapasa ka o hindi.

"Ano, Frenny? Nakapasa?" excited na tanong ni Colline, pumasok siya rito sa kwarto. Pilit niyang sinisilip ang phone ko. "Siguradong pasado ka!"

Huminga muna ako ng malalim at saka binuksan ang message. Kinakabahan akong binasa ang message.

"OMG!" sigaw ko nang malaman ang laman ng message. "Nakapasa ako, Frenny! Nakapasa tayo!"

Nagyakapan naman kami dahil sa tuwa at nagtatatalon. Hindi ako makapaniwala na nakapasa ako! Dream come true! Pangarap ko talaga na makapasok sa Lakestone University. Promise na pagbubutihin ko ang pag-aaral dito.

"Anong ingay 'yan?" Biglang sumulpot si tatay sa pintuan, nagising ata namin siya. Napahinto naman kami sa kakasigaw at kakatalon. Nilingon namin siya at saka tinignan siya ng nakangiti, nagtaka naman siya. "Anong meron sa inyong dalawa?"

"Tay, nakapasa ako! Nakapasa kami ni Colline!" masayang kong balita kay tatay. Lumaki naman bigla ang mga mata niya sa mga narinig.

"Talaga?"

"Opo, tay!" Lumapit ako sa kaniya at pinakita ang text galing sa University. "Di ba?"

"O, tara, tara. Dapat i-celebrate natin 'yan," aniya. Tuwang tuwa naman akong tinulak ang wheelchair niya papunta sa kusina, sumunod naman si Colline sa amin.

"Oh, ito. Ibili mo ng soft drinks."

"Pera ko na po, tay." sab ko.

Bumalik ulit ako sa kwarto para kunin ang pitaka ko. Kumuha ako ng pera para sa pambili ng juice at yelo. Bibili na rin ako ng pandesal, umaga naman, e, at saka itlog ang niluto ko kanina. Lumabas na ako sa kwarto. "Bibili lang po ako"

"Sama, Frenny," sabi ni Colline. Aish, sasama pa, e, ang lapit lapit lang ng bibilhan ko. "Tito, samahan ko lang anak niyo, ha?"

Tumango naman si tatay sa kaniya. Lumabas na kami ng bahay ay pumunta sa panaderya para bumili ng pandesal. Okay na sa akin ang simple, sa susunod ay bongga na.

"₱50 nga pong pandesal," sabi ko kay kuyang nagbabantay sa bakery.

Nakabalik na kami sa bahay, nanonood na sa TV si tatay ngayon. Hinanda ko naman na sa hapag ang kakainin namin. Nilagay ko sa lamesa ang pandesal at kumuha ako sa kusina ng mga plato, kutsara at baso. Nagsandok na rin ako ng kanin sa kaldero at nilagay sa malaking mangkok. Tinimpla ko na rin ang juice sa baso bago inihalo sa pitsel na may lamang yelo. Nang matapos ay yinaya ko na silang kumain.

Si Colline na ang nagtulak ng wheelchair ni tatay papunta sa hapag kainan. Tinulungan ko naman siyang i-upo sintatay sa upuan, masyadong mataas kasi ang lamesa namin at hindi abot ni tatay kapag naka-wheelchair siya.

"Kailan simula ng klase niyo?" tanong ni tatay habang kumakain kami.

"Sa July, tay," sagot ko. "Ah, tay. Siya nga pala, magtatrabaho na ho ako bukas."

"Oo, narinig ko nga nung may kausap ka sa telepono mo," tugon niya. "Ikaw Colline, nakapasa ka ba?" Baling niya kay Frenny.

"Ay, oo naman, tito," masaya nkyang sagot, may laman na naman ang bibig. "Syempre, kung pasado si Xeia dapat pasado din ako."

"Alam mo? Masaya ako na ikaw ang naging kaibigan ng anak ko," biglang sabi ni tatay. "Tignan mo at sabay kayong nakapasa at naka-graduate na may medalya."

'Yung medals ko ay agad na pina-frame ni tatay, ang saya sa kalooban. First time na pina-frame ni tatay ang medals ko. Dati kasi ay nakatago lang sa kwarto 'yon pero ngayon ay naka-frame na at naka-display pa sa sala namin. Ewan ko ba pero nung maliit ako ay ayaw ni tatay na makita niya ang may connect sa akin.

"Ito ang magiging kwarto mo," sabi ni Ma'am Madi. Madi ang tawag nila kay Ma'am Atienza. Nandito ako ngayon sa bahay ng mga Atienza, ngayon na magsisimula ang trabaho ko bilang babysitter. Aalagaan ko raw ay batang makulit. Kaya ko 'to! 'Wag niya lang akong taihan.

Pinapakita ni Ma'am Madi ang magiging kwarto ko. Dala-dala ko ang bag ko na naglalaman ng mga damit, pang-limang araw lang ang dinala ko. Sabado at linggo ang day-off ko, pwede na rin. Malaki ang bahay nila, mayaman, e. Sa sobrang laki ay maliligaw ako.

Mabait din pala si Ma'am Madi, mukha lang siyang masungit sa unang tingin pero kalog pala si Ma'am, haha. Kaya nabawasan ang kaba ko nang kinausap niya ang ibang kasamabahay na parang pamilya niya lang.

"Mag-isa lang po ako sa kwarto na 'to?" tanong ko. Nag-iisang kama lang kasi ang naandito at isang cabinet para sa mga damit.

"Yes, mag-isa ka lang," tugon niya.

Nilapag ko sa kama ang bag na dala ko at saka sumunod sa kaniya. Naglakad kami papuntang sala nila. Nilingon lingon ko naman ang loob ng bahay nila. Ang daming naka-display na mga paintings at pictures.

"Manang Cora?" tawag ni Ma'am. May lumabas na babaeng matanda mula sa kusina. "Manang, Xeia is her name. She's the new yaya."

"Magandang umaga, iha," bati niya.

"Magandamg umaga din po, Manang Cora." Lumapit ako at nag-mano sa kaniya.

"Kaawaan ka ng Diyos," aniya.

"Nasaan na ang iba, Manang? Pakitawag nga po, papakilala ko sila kay Xeia," sabi ni Ma'am Madi. Agad naman sumunod si Manang Cora sa utos niya. Sandali lang ay may mga pumasok na iba pang kasambahay at mga bodyguards.

"Ito na po sila Ma'am Madi," sabi ni Manang. Sinesyasan siya ni Ma'am na ipakilala silang lahat. "Ito si Thalia, apo ko. Siya ang responsable sa paglalaba ng mga damit."

"Hello! Ako si Arathalia. Pwede mo akong tawaging Thalia," pagpapakilala niya. Ang ganda ng name niya, ha. Nakipag-kamay siya sa akin at gano'n na rin ako. Ang tangkad niya din. Mas matangkad pa sa akin at maganda din siyang dalaga. 'Bat hindi ko nakuha ang katangkaran ni tatay?

"Hi! Xeia Louis Villa, Xeia for short," pagpapakilala ko din.

"Ang ganda naman ng name mo," sabi niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya, si nanay ang nagpangalan niyan.

"Ito naman si Lana at Kyla," pagpapakilala pa ni Manang sa dalawang babae sa gilid ni Thalia. Binati nila ako ng magandang umaga at gano'n na rin ako. "Sila ang responsable sa pagluluto at ito naman si Arlando, ang driver ni Ma'am.

"Hello po. Mano po," sabi ko. Nagmano ulit ako.

"Ito naman sila Luca, Adam at Austin, mga body guards," pagpapatuloy ni Manang. Lumapit ang isa sa kanilang tatlo at nagpakilala.

"Hello, Ms. Beautiful. Adam nga pala," aniya. Akma siyang hahalikan ang kamay ko nang matapos makipag-kamay sa kaniya, agad ko namang binawi ang kamay ko. 

"You know who I am," sabi nung isang lalaki humakbang din papalapit sa akin. Huh? Kaya nga pinapakilala sila sa akin kasi hindi ko sila kilala, e. Hindi naman itinuro ni Manang isa isa kung sino si Luca, Adam at Austin. Nakakunot ang noo ko sa kaniya. "Your future boyfriend."

Natawa na lang ako. Unang araw pa lang ng trabaho ko may masasaktan na ako. Boyfriend, boyfriend pinagsasabi niya? Bumalik sa hilera nila. Sumunod naman ang isa na humakbang paharap. Sana matino ang isang 'to.

"Hindi ka ba napapagod?" tanong niya. Napapagod? E, wala pa nga akong nasisimulang trabaho. "Hindi ka ba napapagod na tumakbo sa isip ko?"

"Tsk, tsk."

"Pagpasensyahan mo na, iha. Maloko talaga ang tatlong 'yan," sabi ni Manang. Pinatigil niya sa kakatawa ang tatlong kumag. Naku! Hindi nila ako makukuha sa mga ganiyang banat nila.

"Tapos na kayo kay Thalia kaya kay Xeia naman?" sabi ni Ma'am Madi, nakataas ang isang gilid ng labi niya. 'Tamo! Aish, ginagawa din pala nila kay Thalia 'yan. "Bumalik na nga kayo sa mga pwesto niyo."

Kaugnay na kabanata

  • One Question: Why?   Chapter 11

    Xeia's POV Nagsi-alisan na silang lahat at natira na lang kaming tatlo nila Manang at Ma'am Madi. "Dalhin mo na siya kay JD," sabi ni Ma'am kay Manang. So, JD pala ang name ng baby na aalagaan ko? Siguro ang ang taba niya? Ay, shit! Baka mataba ang pisnge, naku! Kawawa ang pisnge niya sa akin. Nanguna sa paglalakad si Manang at ako naman ay sumunod lang sa kaniya sa paglalakad. Habang umaakyat kami ng hakbang ay nagtanong ako may manang. "Manang, cute ba 'yung aalagaan ko?

    Huling Na-update : 2021-06-09
  • One Question: Why?   Chapter 12

    Xeia's POV"Are you sure of how you call me? Baby? What a sweet endearment. Hindi pa nga tayo, baby na agad ang tawag mo sa akin? Baby JD."Naunang lumingon si Manang Cora sa likuran at ako naman ay dahan dahan.Ano? Endearment? Hindi pa kami ay baby na ang tawag ko sa kaniya? Huh! Kapal naman ng mukha. Feelingero ampucha.Tinignan ko siyang nakakunot ang mga noo at tinaasan siya ng kilay. Hindi naman siya ang tinatawag kong baby, ah?Nakita ko ang isang lalaki na nakatayo malapit sa may

    Huling Na-update : 2021-06-09
  • One Question: Why?   Chapter 13

    Xeia's POV "Oh, Xeia you're here. Kamusta ang inaalagaan mo?" salubong na tanong ni Ma'am Madi. Kamusta? Ayon, sinarahan lang naman ako ng pintuan at muntik na ang mukha ko ro'n! Siya na nga 'tong dinalhan ng pagkain ay gano'n pa ang asta. Mapaso sana siya sa kinakain na champorado. "Maayos naman po. Maayos na maayos. Sa totoo nga po, napakabait niya," sabi ko. Baka kapag sinabi ko kay Ma'am 'yung ginawa niya at nalaman ni Sir ay nako. Tsk Tsk Tsk, baka sabihan niya pa ako ng sumbungera. "Sobranggggggggg bait niya po." "Really?" "Opo, hinayaan niya nga po ako na maglibot-libot sa loob ng kwarto niya, e. Saka hindi niya ako pinilit na lumabas, inalalayan pa nga po akong lumabas, e. Sinarado rin niya ng maayos ang pinto," dagdag ko pa. JD, dapat magpasalamat ka sa akin dahil pinapabango ko ang pangalan mo! "Oh, that's good. Ngayon lang niya hinayaang may maglibot at magtagal sa kwarto niya," sambit ni Ma'am. Napatigil naman ako dahil sa mga narinig mo. Ano? Ano raw? Hindi siya

    Huling Na-update : 2021-06-09
  • One Question: Why?   Chapter 14

    Xeia's POV Omo! Nanonood siya ng ganiyan? Seryoso? "Hey, hey!" sigaw niya at saka pinatay ang TV. Hinawakan niya ng braso ko at saka hinatak palabas ng kwarto niya. "Nanonood ka pala no'n?" tanong ko sa kaniya. Hindi ako makapaniwala, ha? 'Yon ba ang kinakaabalahan niya maghapon? Lagi? "Don't say anything," aniya. Aakto naman niya na isasara ang pintuan pero napiligan ko siya. "Alis." "Okay, lang 'yan. Lalaki ka naman, e. Kahit sino pwede manood niyan," natatawa kong sabi. Naka-poker face lang siya. Walang sinasabi at walang ginagawa. "Bakla ka ba?" "What?" gulat na tanong niya. "Bakla ka ba kako?" Ang lapit lapit na, e, hindi pa rin narinig?

    Huling Na-update : 2021-06-09
  • One Question: Why?   Chapter 15

    Xeia's POV Pagkatapos ni Ma'am kumain ay kami naman ang sunod na kumain. Sa kusina kami kumakain kahit na sinabi ni Ma'am na p'wede kaming kumain sa dining area nila. Kung ano ang kinakain nila ay 'yun din ang kinakain namin, nagtatabi kami kapag natapos magluto. "Xeia," tawag sa akin ni Thalia habang kumakain kaming lima. Nilingon ko naman siya habang nginunguya ang kinakain. "Fan ka ni Jung-Hyun?" Nagugulat pa rin akp sa t'wing may nagtatanong kung kilala ko ba o fan ako ni Jung-Hyun kasi baka masabi ko na ang iniidoo nila ay hinahakbayan ko lang, tinutulak-tulak lang ni Colline. Baka kapag nalaman nila, hindi sila titigil hanggat hindi nila kami nakaka-usap. Baka hanapin at habulin pa kami hanggang sa bahay namin. "Ah... Oo.... Dati pa," tugon ko. 'Yon na lamang ang isinagot ko. Mas maikling sagot, mas ligtas. "Ikaw?" "Hmm.... Hindi naman. Nakikita-kita ko siya sa ne

    Huling Na-update : 2021-06-09
  • One Question: Why?   Chapter 16

    Xeia's POV "Bakit hindi sinasagot ni Colline?" tanong ko sa sarili. Gusto ko magpasalamat dahil dito sa binigay niyang gown at magtatanong na rin kung bakit hindi niya na lang ibigay sa akin kapag day-off ko na? Pumunta pa tuloy siya dito. Nagdesisyon na lang ako na mamaya na lang siya tawagan pagkatapos kong maghugas. Ang ganda ng gown. Dahil sa sabik ay sinukat ko ito kahit saglit lang. Agad ko ring hinubad nang maalala kong maghuhugas pa pala ako. Tumungo na ako sa kusina para makapagsimula nang maghugas. Nilabas ko muna ang cellphone ko at nag-play ng isa sa mga paborito kong music.

    Huling Na-update : 2021-06-09
  • One Question: Why?   Chapter 17

    Xeia's POV"Waaaaaaa!""Ay, pisteng yawa pukining ina!" napasigaw ako dahil sa gulat. Tinakpan ko agad bibig ko dahil sa nasabi ko! Tinanggal ko naman agad 'yon na maalalang may sabon ang kamay ko dahil naghuhugas ako. Binuksan ko agad ang gripo at inalis ang mga bula sa labi. "Ano ba 'yan!"Nilingon ko kung sino ang sumigaw. Lagi na lang ba ako magugulat kapag naghuhugas? Dapat na ba akong masanay?"M-m-ma'am," bulong ko. Si Ma'am Madi pala ang sumisigaw habang may hawak na ipad, akala

    Huling Na-update : 2021-06-09
  • One Question: Why?   Chapter 18

    JD's POV"Ngayon ka aalis?" rinig kong tanong ni Manang kay Xeia. Nasa kusina ako para uminom ng tubig. Dapat nagpalagay na lang ako ng ref sa kwarto ko para hindi na ako baba ng baba, e. Ang daan papunta sa kwarto niya ay dito sa kusina."Opo, bukas po kasi maaga ang photoshoot ni Colline, 'yung kaibigan ko po na magbi-birthday," aniya. Psh, 'bat ngayon siya aalis? E, gabi na. Paano kapag may mangyari sa kaniya? Marami pa namang lokoloko diyan."E, gabi na at baka kung mapano ka," sabi ni Manang.

    Huling Na-update : 2021-06-09

Pinakabagong kabanata

  • One Question: Why?   Chapter 26

    Xeia's POV Kinabukasan, nasa bahay lamang ako at gumawa ng gawaing bahay. Pagkasapit ng lunes, maaga akong nagising para maghanda nang pumasok. "Tay, alis na ho ako," paalam ko kay tatay. Hindi na siya nakawheelchair. Pumunta kami kahapon ng hospital para ipacheck-up siya at maayos naman ang naging resulta. Gayunpaman, kailangan pa rin niyang uminom ng mga gamot. Lumabas siya mula sa loob ng kusina. "Mag-iingat ka ha," paalala niya. "Opo," tugon ko. "Sige po, alis na ako. Mag-iingat din po kayo." "Sige," nakangiti niyang sabi. Tumungo na ako sa labas, dala-dala ang bag na naglalaman ng mga damit na magkakasya ng limang araw. Bukas na pala ang 18th birthday ni Colline kaya abala sila ngayon. Sa isang private venue gaganapin 'yon dahil may mga pribadong tao ang darating katulad ni Jung-Hyun. "Bye!" pagpapaalam ko kay tatay. Nakatayo siya sa may pinto at kumaway. Naglakad na ako papunta sa kalsada para maghintay ng masasakyan. Agad naman ako nakasakay. Habang nasa biyahe ako ay

  • One Question: Why?   Chapter 25

    Xeia's POV Umupo ako sa sofa at naghintay kung sino man ang papasok dito. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto, alala ko si sir, iba pala. Isang babaeng nakasalamin at nakaputi, may stethoscope na nakasabit sa kaniyang leeg. Hindi naman katandaan ang itsura niya. Tumayo ako bilang paggalang. "Ikaw ba si Xeia?" tanong niya. "Opo," sagot ko. Kilala niya pala ako. "Nasaan si JD?" tanong niya pa ulit. "Lumabas po. Hindi ko po alam kung saan pumunta, hindi niya po sinabi," tugon ko. "Gano'n ba? Come here," aya niya sa akin. Minwersa ang kamay sa upuang kaharap ng kaniyang lamesa. Sumunod ako sa kaniya at siya naman ay lumapit sa upuan niya at saka umupo. Mayamaya pa ay narinig kong bumukas ang pinto na ikinalingon ko naman. Nakita ko si sir na may hawak na dalawang

  • One Question: Why?   Chapter 24

    Xeia's POV "Huyyyy, sige na. Xeia, ano na? Kaibigan mo ko, bakit hindi mo ako tulungan?" nagmamaka-awang sabi ni Colline. "Ikaw kasi, e. Walang tigil ang birada mo. Hindi mo man lang ako hinayaang magsalita," sabi ko sa kaniya. "Tapos ngayon ay hihingi ka ng tulong sa akin para mag-sorry sa kaniya?" "Kaibigan mo ko, syempre! At boss mo 'yon," aniya. "Hindi ko naman sinasadya 'yon," nakangusong sabi niya. "Hindi sinasadyang dire-diretso ang bunganga mo? At saka mamaya ka na nga magsalita. Nahihirapan ang tita mo sa pagma-make-up sayo, oh." Kanina pa siya salita ng salita dahil humihingi ng tulong para humingi ng tawad sa ginawa niya kay sir. Tsk tsk tsk. Kakilala pala ni tito Von si Ma'am Madi, nagkakilala raw sila sa isang charity. Mahilig sa mga bata si tito Von kaya naging Pediatrician siya. Tu

  • One Question: Why?   Chapter 23

    Xeia's POV "Dito na ata 'yon," sabi ko. Tinigil niya ang sasakyan. Binuksan ko ang pinto at saka lumabas ng kotse. "Teka, tawagan ko lang si Colline." Dinial ko ang number niya at ilang segundo lang ay sinagot naman niya. Naramdaman kong tumabi sa akin si sir. "Hello, frenny?" ["Oh? Nasa'n na kayo? Inaayusan na ako."] "Nandito na. Enchant's Garden 'di ba?"

  • One Question: Why?   Chapter 22

    Xeia's POV"Ako na!" sigaw ko sa kaniya sabay hablot ng ointment. Nagulat naman siya sa ginawa ko. Alam ko namang wala siyang masamang iniisip or anything. Unless meron? Hindi ako komportable kung siya ang gagawa. Hey, dibdib 'yon, 'no!"You sure?" tanong niya. Parang nadismaya pa, ha?"Malamang," tugon ko. Tinignan ko siya sa mata para sabihing lumabas na siya. Tumaas naman ang dalawa niyang kilay at bumulong ng what. "Labas. Kaya ko na pong gamutin sarili ko," mababang tono kong sabi sa kaniya.

  • One Question: Why?   Chapter 21

    Xeia's POVNaghintay ako na sumagot siya pero wala akong naririnig. Dinikit ko pa ang tenga ko sa pintuan. Wala atang tao sa labas! Iniwan ba niya ako? Huhuhu, paano ako lalabas?Napasandal na lang ako sa pintuan."Sir!" tawag ko pa. "Wala akong damit!""Ano mo ako? Nanay? Para sabihing wala kang damit?"Nanlaki ang mata ko nang may narinig na nagsalita.

  • One Question: Why?   Chapter 20

    Xeia's POVLumabas na ako sa kwarto niya at bumaba na dala-dala ang gamot. Pagkababa ko sa sala ay nakita kong nakaupo pa rin sila Ma'am Madi at manang sa sofa. Nilingon nila ako nang tumungo ako sa kinaroroonan nila."Okay na ba si JD?" salubong na tanong ni Ma'am. "For sure there will be a bruise on his face!"Hindi ko naman mapigilan na sisihin ang sarili ko."Sorry, ma'am," hingi ko ng tawad sa kaniya. Kasi naman, e! Kung hindi sana siya sumunod sa akin 'edi sana hindi siya magkakag

  • One Question: Why?   Chapter 19

    Xeia's POV"Tumawag ka?" tanong ko kay Sir. May dumating kasing mga pulis. Ambulansya lang naman ang tinawagan ko."Baka multo," tugon. Psh."Multo," bulong ko. Bakla nga talaga 'to.Pagkatigil ng sasakyan nila sa harap namin ay may bumabang dalawang pulis. Nilapitan nila kami."Kumusta, JD?" tanong ng isa kay sir. Magkakilala ba sila?

  • One Question: Why?   Chapter 18

    JD's POV"Ngayon ka aalis?" rinig kong tanong ni Manang kay Xeia. Nasa kusina ako para uminom ng tubig. Dapat nagpalagay na lang ako ng ref sa kwarto ko para hindi na ako baba ng baba, e. Ang daan papunta sa kwarto niya ay dito sa kusina."Opo, bukas po kasi maaga ang photoshoot ni Colline, 'yung kaibigan ko po na magbi-birthday," aniya. Psh, 'bat ngayon siya aalis? E, gabi na. Paano kapag may mangyari sa kaniya? Marami pa namang lokoloko diyan."E, gabi na at baka kung mapano ka," sabi ni Manang.

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status