Share

Chapter 11

Author: kimmy
last update Last Updated: 2021-06-09 10:34:22

Xeia's POV 

Nagsi-alisan na silang lahat at natira na lang kaming tatlo nila Manang at Ma'am Madi.

"Dalhin mo na siya kay JD," sabi ni Ma'am kay Manang. So, JD pala ang name ng baby na aalagaan ko? Siguro ang ang taba niya? Ay, shit! Baka mataba ang pisnge, naku! Kawawa ang pisnge niya sa akin.

Nanguna sa paglalakad si Manang at ako naman ay sumunod lang sa kaniya sa paglalakad. Habang umaakyat kami ng hakbang ay nagtanong ako may manang.

"Manang, cute ba 'yung aalagaan ko?" tanong ko sa kaniya. Nagulat naman siya sa tinanong ko.

"Cute?" tanong niya. Hindi niya ba alan0m ang cute?

"Cute, 'yung di nakakasawang tignan ang mukha," sabi ko. Bogla naman umaliwalas ang mukha niya, na-gets na ba? "Chubby po ba siya? Makulit?"

Natawa naman siya sa tinanong ko. Bakit ba? Ay, baka na-i-imagine niya si baby JD sa isip niya na ang taba-taba ng pisnge.

"Oo, makulit siya," aniya. Ay, baka mahirapan ako dito, huh? "Ano ba ang sinabi sa 'yong trabaho ni Ma'am?"

"Mag-aalaga ng bata. Babysitter," tugon ko. Tumango naman siya, natatawa? Problema ni Manang?

Nang matapos sa hagdan ay umakyat pa kami ng dalawang hagdan, kailan ba matatapos 'to? Nakarating din kami sa third floor ng bahay na 'to.

"Wait lang, Manang." Pagpapahinto ko sa kaniya, aish, 'bat ba ang bilis ko mapagod? "Time out muna."

"Tatlong hagdan lang ang inakyat natin, napagod kana?" Di makapaniwalang tanong ni Manang. Bumalik siya sa kinatatayuan ko nauuna kasi siyang maglakad, e. "Paano pa kaya kapag inalagaan mo na si JD?"

"Magkaiba 'yun Manang," tugon ko. "Tara na po. Okay na ko."

"O, siya. Tara. Nasa dulo na lang naman ang kwarto ni JD," aniya. Naglakad na kami papunta sa kwarto niya.

"Baby JD," sabi ko. Nagulat naman siya sa sinabi ko. "Bakit po? Maganda naman po ang baby, huh? Baby JD ang itatawag ko sa kaniya."

Baby siya kaya normal na tawagin ko siyang Baby JD, baby, e. Bakit may iba pa bang pwedeng itawag sa baby? Para sa akin, mas cute ang baby.

"Are you sure of how you call me? Baby? What a sweet endearment. Hindi pa nga tayo, baby na agad ang tawag mo sa akin? Baby JD."

Nilingon ko ang nagsalita sa may likuran namin.

JD's POV

"Ano na naman ang kailangan nito?" tanong ko sa sarili ko nang biglang may magpop-up sa screen ng laptop ko na may gustong makipag-video call sa akin. "Oh, bakit?" tanong ko kay Denver, kaibigan ko, nang sinagot ko na ang tawag niya.

"Oh, nasaan ka?" tanong niya. Nasa garden ako na matatagpuan sa likod ng bahay, mula rito ay matatanaw ang bintana ng kwarto ko sa may third floor.

Saan pa ba ako pupunta? Di naman ako gala, e.

"Tss. Nasa bahay lang ako," tugon ko. Madalas na naandito lang naman ako sa bahay, e. Sila lang naman ang nag-aaya sa akin na lumabas. Kung aalis naman ako ay pupunta ako sa tahimik na lugar at doon magmumuni-muni at hindi sila kasama. Kapag kasama ko sila sa inuman ang bagsak namin.

"Ah. Akala ko nag-solo ka na naman, e," aniya. Mas gusto ko pang mag-solo kaysa kasama siya. Walang tigil ang bunganga niya, e, lakas pa tumawa.

"Bakit ka tumawag? May ginagawa ako, e," sabi ko. Nag-e-edit kasi ako ng cover song ko na ia-upload ko sa youtube channel ko. Nakapag-cover ako dahil bakasyon na namin kaya may time.

"Psh. Lagi ka namang may ginagawa, e," sabi niya.

"Alam mo naman pala, bakit ka pa tumawag?" tanong ko sa kaniya. Kung katabi ko lang siya, mababatukan ko 'to. Alam naman pala, e.

"Easy! May natanggap ka na ba na text?" tanong niya. Text? Sino naman ang mag-te-text sa akin? Naiinis nga ako kapag panay beep ang phone ko kaya madalas ay naka-silent. Ito kasing kumag na 'to, binibigay basta-basta ang number ko sa mga may gusto raw sa akin. Hindi man lang nagpapa-alam sa akin. Magpapa-alam, naibigay na.

"Anong text?"

"Galing sa University. Pre, nakapasa ako!" Tuwang-tuwa niyang balita sa akin. Kung sumigaw ay parang babae, e. Buti na lang ay hindi phone ang gamit ko kundi, mababasag ang eardrums ko.

"Ah," simpleng sabi ko.

"Anong, ah? Pre, dapat maging masaya ka sa kaibigan mo!" aniya. Nakapasa lang sa exam hindi naman nanalo sa lotto. "Ikaw ba? Nakapasa ka? Kahapon nalaman ng iba ang result ng exam nila. Sa atin, ngayon."

Nang tinanong niya 'yon ay hinanap ko ang phone ko. Binuhat ko ang laptop ko at hinanap sa lamesa. Nasa'n na yon? Kinapa ko sa maong short kung nandito sa bulsa ko pero wala.

"Teka, naiwan ko ata sa kwarto ko," sabi ko. Pinatay ko ang tawag ng walang pasabi. Tumayo na ako nagsimula na maglakad. Dala-dala ko ang laptop ko papunta sa kwarto ko. Nakapasa kaya ako?

"Ang ganda ng bagong yaya 'no?" rinig kong sabi ni Adam kila Luca at Austin. Nabalitaan ko ngang may bagong kinuha si Tita Madi na yaya. Ang dami-dami na ngang kasambahay dito, nagdagdag pa siya.

"Ah, Sir JD," bati sa akin ni Austin ng mapansin ako na makakasalubong ko sila. Matanda lang sila sa akin ng lima hanggang pitong taon. Balita ko ay wala pang eighteen 'yung bagong maid pero pinagdidiskitahan ng ng tatlong kumag na 'to. Aish, pagkatapos kay Thalia, e, sa bagong maid naman?

"Good morning po, Sir."

"Morning," simpleng bati ko sa kanila. Nagpatuloy na ako sa paglalakad para makuha ang phone ko. Nang makarating ako sa sala ay nakita ko si tita.

"Oh, wala ka pala sa room mo?" tanong niya pagkatapos humigop ng tea sa tasa niya.

"Nasa garden ho ako kanina, nagpa-init lang saglit," tugon ko. Si tita Madi na ang tumayong ina sa amin simula nung nawala si Mommy Addizon.

"Sige, umakyat ka na at nandoon ang bagong maid," sabi niya. Umakyat naman na ako sa hagdan pero bago ako nagpatuloy may tinatanong muna ako.

"Bakit hindi eighteen pataas ang kinuha mong maid, tita? Bawal ang under age," sabi ko sa kaniya. Hindi niya ako singot. Nginitian at kinindatan lang ako.

Umiling lang ako sa ginawa niya. Nagpatuloy na akong umakyat sa hagdan at nang nasa huling hagdanan na ako para makatungtong sa third floor ay napatigil ako. Sinilip ko kung sino ang naririnig kong nagsasalita.

"Magkaiba 'yun Manang," sabi ng babeng naka-black high waist pants at white polo shirt. "Tara na po. Okay na ko," aniya.

"O, siya. Tara. Nasa dulo na lang naman ang kwarto ni JD," sabi ni Manang. Nagpatuloy na sila sa paglalakad kaya naman humakbang na ako para makapunta na sa kwarto ko. Teka, saan ba sila pupunta? Papunta 'yun sa kwarto ko, ha?

"Baby JD," biglang sabi ng babae, siya siguro 'yung bagong maid. Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya naiwang nakataas ang paa ko para humakbang sa hagdanan. Baby JD? Ako ba ang tinutukoy niya o may iba pa?

Aish! Kaya ba kumindat sa akin si tita Madi? Kumuha siya ng maid pa sa akin? Wtf? Anong gagawin ko sa maid? At sinabi ba sa kaniya ni tita na baby ang aalagaan niya? What the..

"Bakit po? Maganda naman po ang baby, huh? Baby JD ang itatawag ko sa kaniya," sabi pa niya.

"Are you sure of how you call me? Baby? What a sweet endearment. Hindi pa nga tayo, baby na agad ang tawag mo sa akin? Baby JD," sabi ko. Nagpatuloy na ako sa pag-akyat at nakita ko silang nakatigil.

Nakalingon na sa akin si Manang Cora at siya naman ay dahan-dahang lumingon sa kinatatayuan ko. Nakakunot ang noo at biglang tumaas ang isang kilay niya.

"Ano?" Tanong niya. "Baby ka ba, huh? Huh?"

"Kababanggit mo lang ng pangalan ko, 'di ba?" sinagot ko siya ng tanong. Aish, baby pa nga.

"Kababanggit? Ng pangalan mo?" tanong niya. "Bakit si baby JD ka ba, huh? Bakit kita tatawaging baby? Jowa ba kita?"

"Ah, Xeia," awat ni Manang sa kaniya.

"Bakit po?" tanong niya. Nilingon niya si Manang at saka muli akong nilingon. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at saka biglang lumaki ang mga mata ng may binulong si Manang sa kaniya. "Omo."

"Now I will ask you," sabi ko sa kaniya habang nilalapitan siya. Unt-unti naman siya tumiklop at tinignan ako na parang nagmamaka-awang tuta. "Bakit mo ako tatawaging baby? Jowa ba kita?"

Magkaharap na kami ngayon at siya ay naka-yuko. Hinawakan ko ang baba niya para makita ko ang mukha niya. Nagulat naman siya sa ginawa ko.

"You can call me baby when you're mine," sabi ko at saka nilagpasan sila at dumaretso sa kwarto.

Pagkapasok ko ay agad kong sinara ang pinto at hinanap ang phone ko. Nakita ko naman agad, nasa ibabaw ng side table ko. In-open ko 'yon at saka binuksan ang message.

"Yes," sabi ko sa sarili ko nang mabasa ang laman ng message, nakapasa ako.

Related chapters

  • One Question: Why?   Chapter 12

    Xeia's POV"Are you sure of how you call me? Baby? What a sweet endearment. Hindi pa nga tayo, baby na agad ang tawag mo sa akin? Baby JD."Naunang lumingon si Manang Cora sa likuran at ako naman ay dahan dahan.Ano? Endearment? Hindi pa kami ay baby na ang tawag ko sa kaniya? Huh! Kapal naman ng mukha. Feelingero ampucha.Tinignan ko siyang nakakunot ang mga noo at tinaasan siya ng kilay. Hindi naman siya ang tinatawag kong baby, ah?Nakita ko ang isang lalaki na nakatayo malapit sa may

    Last Updated : 2021-06-09
  • One Question: Why?   Chapter 13

    Xeia's POV "Oh, Xeia you're here. Kamusta ang inaalagaan mo?" salubong na tanong ni Ma'am Madi. Kamusta? Ayon, sinarahan lang naman ako ng pintuan at muntik na ang mukha ko ro'n! Siya na nga 'tong dinalhan ng pagkain ay gano'n pa ang asta. Mapaso sana siya sa kinakain na champorado. "Maayos naman po. Maayos na maayos. Sa totoo nga po, napakabait niya," sabi ko. Baka kapag sinabi ko kay Ma'am 'yung ginawa niya at nalaman ni Sir ay nako. Tsk Tsk Tsk, baka sabihan niya pa ako ng sumbungera. "Sobranggggggggg bait niya po." "Really?" "Opo, hinayaan niya nga po ako na maglibot-libot sa loob ng kwarto niya, e. Saka hindi niya ako pinilit na lumabas, inalalayan pa nga po akong lumabas, e. Sinarado rin niya ng maayos ang pinto," dagdag ko pa. JD, dapat magpasalamat ka sa akin dahil pinapabango ko ang pangalan mo! "Oh, that's good. Ngayon lang niya hinayaang may maglibot at magtagal sa kwarto niya," sambit ni Ma'am. Napatigil naman ako dahil sa mga narinig mo. Ano? Ano raw? Hindi siya

    Last Updated : 2021-06-09
  • One Question: Why?   Chapter 14

    Xeia's POV Omo! Nanonood siya ng ganiyan? Seryoso? "Hey, hey!" sigaw niya at saka pinatay ang TV. Hinawakan niya ng braso ko at saka hinatak palabas ng kwarto niya. "Nanonood ka pala no'n?" tanong ko sa kaniya. Hindi ako makapaniwala, ha? 'Yon ba ang kinakaabalahan niya maghapon? Lagi? "Don't say anything," aniya. Aakto naman niya na isasara ang pintuan pero napiligan ko siya. "Alis." "Okay, lang 'yan. Lalaki ka naman, e. Kahit sino pwede manood niyan," natatawa kong sabi. Naka-poker face lang siya. Walang sinasabi at walang ginagawa. "Bakla ka ba?" "What?" gulat na tanong niya. "Bakla ka ba kako?" Ang lapit lapit na, e, hindi pa rin narinig?

    Last Updated : 2021-06-09
  • One Question: Why?   Chapter 15

    Xeia's POV Pagkatapos ni Ma'am kumain ay kami naman ang sunod na kumain. Sa kusina kami kumakain kahit na sinabi ni Ma'am na p'wede kaming kumain sa dining area nila. Kung ano ang kinakain nila ay 'yun din ang kinakain namin, nagtatabi kami kapag natapos magluto. "Xeia," tawag sa akin ni Thalia habang kumakain kaming lima. Nilingon ko naman siya habang nginunguya ang kinakain. "Fan ka ni Jung-Hyun?" Nagugulat pa rin akp sa t'wing may nagtatanong kung kilala ko ba o fan ako ni Jung-Hyun kasi baka masabi ko na ang iniidoo nila ay hinahakbayan ko lang, tinutulak-tulak lang ni Colline. Baka kapag nalaman nila, hindi sila titigil hanggat hindi nila kami nakaka-usap. Baka hanapin at habulin pa kami hanggang sa bahay namin. "Ah... Oo.... Dati pa," tugon ko. 'Yon na lamang ang isinagot ko. Mas maikling sagot, mas ligtas. "Ikaw?" "Hmm.... Hindi naman. Nakikita-kita ko siya sa ne

    Last Updated : 2021-06-09
  • One Question: Why?   Chapter 16

    Xeia's POV "Bakit hindi sinasagot ni Colline?" tanong ko sa sarili. Gusto ko magpasalamat dahil dito sa binigay niyang gown at magtatanong na rin kung bakit hindi niya na lang ibigay sa akin kapag day-off ko na? Pumunta pa tuloy siya dito. Nagdesisyon na lang ako na mamaya na lang siya tawagan pagkatapos kong maghugas. Ang ganda ng gown. Dahil sa sabik ay sinukat ko ito kahit saglit lang. Agad ko ring hinubad nang maalala kong maghuhugas pa pala ako. Tumungo na ako sa kusina para makapagsimula nang maghugas. Nilabas ko muna ang cellphone ko at nag-play ng isa sa mga paborito kong music.

    Last Updated : 2021-06-09
  • One Question: Why?   Chapter 17

    Xeia's POV"Waaaaaaa!""Ay, pisteng yawa pukining ina!" napasigaw ako dahil sa gulat. Tinakpan ko agad bibig ko dahil sa nasabi ko! Tinanggal ko naman agad 'yon na maalalang may sabon ang kamay ko dahil naghuhugas ako. Binuksan ko agad ang gripo at inalis ang mga bula sa labi. "Ano ba 'yan!"Nilingon ko kung sino ang sumigaw. Lagi na lang ba ako magugulat kapag naghuhugas? Dapat na ba akong masanay?"M-m-ma'am," bulong ko. Si Ma'am Madi pala ang sumisigaw habang may hawak na ipad, akala

    Last Updated : 2021-06-09
  • One Question: Why?   Chapter 18

    JD's POV"Ngayon ka aalis?" rinig kong tanong ni Manang kay Xeia. Nasa kusina ako para uminom ng tubig. Dapat nagpalagay na lang ako ng ref sa kwarto ko para hindi na ako baba ng baba, e. Ang daan papunta sa kwarto niya ay dito sa kusina."Opo, bukas po kasi maaga ang photoshoot ni Colline, 'yung kaibigan ko po na magbi-birthday," aniya. Psh, 'bat ngayon siya aalis? E, gabi na. Paano kapag may mangyari sa kaniya? Marami pa namang lokoloko diyan."E, gabi na at baka kung mapano ka," sabi ni Manang.

    Last Updated : 2021-06-09
  • One Question: Why?   Chapter 19

    Xeia's POV"Tumawag ka?" tanong ko kay Sir. May dumating kasing mga pulis. Ambulansya lang naman ang tinawagan ko."Baka multo," tugon. Psh."Multo," bulong ko. Bakla nga talaga 'to.Pagkatigil ng sasakyan nila sa harap namin ay may bumabang dalawang pulis. Nilapitan nila kami."Kumusta, JD?" tanong ng isa kay sir. Magkakilala ba sila?

    Last Updated : 2021-06-09

Latest chapter

  • One Question: Why?   Chapter 26

    Xeia's POV Kinabukasan, nasa bahay lamang ako at gumawa ng gawaing bahay. Pagkasapit ng lunes, maaga akong nagising para maghanda nang pumasok. "Tay, alis na ho ako," paalam ko kay tatay. Hindi na siya nakawheelchair. Pumunta kami kahapon ng hospital para ipacheck-up siya at maayos naman ang naging resulta. Gayunpaman, kailangan pa rin niyang uminom ng mga gamot. Lumabas siya mula sa loob ng kusina. "Mag-iingat ka ha," paalala niya. "Opo," tugon ko. "Sige po, alis na ako. Mag-iingat din po kayo." "Sige," nakangiti niyang sabi. Tumungo na ako sa labas, dala-dala ang bag na naglalaman ng mga damit na magkakasya ng limang araw. Bukas na pala ang 18th birthday ni Colline kaya abala sila ngayon. Sa isang private venue gaganapin 'yon dahil may mga pribadong tao ang darating katulad ni Jung-Hyun. "Bye!" pagpapaalam ko kay tatay. Nakatayo siya sa may pinto at kumaway. Naglakad na ako papunta sa kalsada para maghintay ng masasakyan. Agad naman ako nakasakay. Habang nasa biyahe ako ay

  • One Question: Why?   Chapter 25

    Xeia's POV Umupo ako sa sofa at naghintay kung sino man ang papasok dito. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto, alala ko si sir, iba pala. Isang babaeng nakasalamin at nakaputi, may stethoscope na nakasabit sa kaniyang leeg. Hindi naman katandaan ang itsura niya. Tumayo ako bilang paggalang. "Ikaw ba si Xeia?" tanong niya. "Opo," sagot ko. Kilala niya pala ako. "Nasaan si JD?" tanong niya pa ulit. "Lumabas po. Hindi ko po alam kung saan pumunta, hindi niya po sinabi," tugon ko. "Gano'n ba? Come here," aya niya sa akin. Minwersa ang kamay sa upuang kaharap ng kaniyang lamesa. Sumunod ako sa kaniya at siya naman ay lumapit sa upuan niya at saka umupo. Mayamaya pa ay narinig kong bumukas ang pinto na ikinalingon ko naman. Nakita ko si sir na may hawak na dalawang

  • One Question: Why?   Chapter 24

    Xeia's POV "Huyyyy, sige na. Xeia, ano na? Kaibigan mo ko, bakit hindi mo ako tulungan?" nagmamaka-awang sabi ni Colline. "Ikaw kasi, e. Walang tigil ang birada mo. Hindi mo man lang ako hinayaang magsalita," sabi ko sa kaniya. "Tapos ngayon ay hihingi ka ng tulong sa akin para mag-sorry sa kaniya?" "Kaibigan mo ko, syempre! At boss mo 'yon," aniya. "Hindi ko naman sinasadya 'yon," nakangusong sabi niya. "Hindi sinasadyang dire-diretso ang bunganga mo? At saka mamaya ka na nga magsalita. Nahihirapan ang tita mo sa pagma-make-up sayo, oh." Kanina pa siya salita ng salita dahil humihingi ng tulong para humingi ng tawad sa ginawa niya kay sir. Tsk tsk tsk. Kakilala pala ni tito Von si Ma'am Madi, nagkakilala raw sila sa isang charity. Mahilig sa mga bata si tito Von kaya naging Pediatrician siya. Tu

  • One Question: Why?   Chapter 23

    Xeia's POV "Dito na ata 'yon," sabi ko. Tinigil niya ang sasakyan. Binuksan ko ang pinto at saka lumabas ng kotse. "Teka, tawagan ko lang si Colline." Dinial ko ang number niya at ilang segundo lang ay sinagot naman niya. Naramdaman kong tumabi sa akin si sir. "Hello, frenny?" ["Oh? Nasa'n na kayo? Inaayusan na ako."] "Nandito na. Enchant's Garden 'di ba?"

  • One Question: Why?   Chapter 22

    Xeia's POV"Ako na!" sigaw ko sa kaniya sabay hablot ng ointment. Nagulat naman siya sa ginawa ko. Alam ko namang wala siyang masamang iniisip or anything. Unless meron? Hindi ako komportable kung siya ang gagawa. Hey, dibdib 'yon, 'no!"You sure?" tanong niya. Parang nadismaya pa, ha?"Malamang," tugon ko. Tinignan ko siya sa mata para sabihing lumabas na siya. Tumaas naman ang dalawa niyang kilay at bumulong ng what. "Labas. Kaya ko na pong gamutin sarili ko," mababang tono kong sabi sa kaniya.

  • One Question: Why?   Chapter 21

    Xeia's POVNaghintay ako na sumagot siya pero wala akong naririnig. Dinikit ko pa ang tenga ko sa pintuan. Wala atang tao sa labas! Iniwan ba niya ako? Huhuhu, paano ako lalabas?Napasandal na lang ako sa pintuan."Sir!" tawag ko pa. "Wala akong damit!""Ano mo ako? Nanay? Para sabihing wala kang damit?"Nanlaki ang mata ko nang may narinig na nagsalita.

  • One Question: Why?   Chapter 20

    Xeia's POVLumabas na ako sa kwarto niya at bumaba na dala-dala ang gamot. Pagkababa ko sa sala ay nakita kong nakaupo pa rin sila Ma'am Madi at manang sa sofa. Nilingon nila ako nang tumungo ako sa kinaroroonan nila."Okay na ba si JD?" salubong na tanong ni Ma'am. "For sure there will be a bruise on his face!"Hindi ko naman mapigilan na sisihin ang sarili ko."Sorry, ma'am," hingi ko ng tawad sa kaniya. Kasi naman, e! Kung hindi sana siya sumunod sa akin 'edi sana hindi siya magkakag

  • One Question: Why?   Chapter 19

    Xeia's POV"Tumawag ka?" tanong ko kay Sir. May dumating kasing mga pulis. Ambulansya lang naman ang tinawagan ko."Baka multo," tugon. Psh."Multo," bulong ko. Bakla nga talaga 'to.Pagkatigil ng sasakyan nila sa harap namin ay may bumabang dalawang pulis. Nilapitan nila kami."Kumusta, JD?" tanong ng isa kay sir. Magkakilala ba sila?

  • One Question: Why?   Chapter 18

    JD's POV"Ngayon ka aalis?" rinig kong tanong ni Manang kay Xeia. Nasa kusina ako para uminom ng tubig. Dapat nagpalagay na lang ako ng ref sa kwarto ko para hindi na ako baba ng baba, e. Ang daan papunta sa kwarto niya ay dito sa kusina."Opo, bukas po kasi maaga ang photoshoot ni Colline, 'yung kaibigan ko po na magbi-birthday," aniya. Psh, 'bat ngayon siya aalis? E, gabi na. Paano kapag may mangyari sa kaniya? Marami pa namang lokoloko diyan."E, gabi na at baka kung mapano ka," sabi ni Manang.

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status