Xeia's POV
"May problema ba?" May biglang lumabas sa may pinto. Galing ata siya sa kusina. Siya siguro ang manager nitong cafe.
"Ah, Ma'am Atienza. May mag-aaply ho," ani ni ateng cashier. "Mag-aaply ng trabaho, waitress po."
"Madi. Ma'am Madi, ayoko ng ma'am Atienza. Okay?"
"Sige po, ma'am... Madi," sabi niya.
Nilingon naman kami sa babaeng tinawag niyang Ma'am Madi. Tinignan ako mula ulo hanggang paa na para bang nanghuhusga. Makatingin naman 'to. Makikita sa mukha niya ang pagiging masungit. Pang-masungit ang itsura ng kilay niya. May salamin rin siya na dumagdag sa pagkamataray na mukha niya.
"Ang ganda-ganda mong bata, mag-we-waitress ka lang?" aniya. Ano namang problema sa pag-we-waitress? Disenteng trabaho naman 'yon. At teka, haha, tinawag niya akong magandang bata? Aba! Mas malinaw ang mga mata ni ma'am kaysa kay Collin, ha?
"Ah, opo. Kailangan ko po kasi, e," tugon ko. Nilingon ko ang loob ng cafe at maraming mga tao dito. Dinadayo talaga 'to.
"Sorry pero may nakuha na kami, e," aniya. Bumalik ang tingin ko sa kaniya.
"Eh, bakit po may nakapaskil pa rin pong ganito sa labas ng cafe niyo?" tanong naman ni Colline.
"Di mo pa pala natatanggal 'yan?" tanong ni Ma'am Madi kay ateng cashier. Umiling naman si ate sa kaniya. Nakalimutan raw niya.
"Kahit anong trabaho po, wala po ba kayong bakante?" tanongko pa. Baka meron pa, sayang naman. Tumingala siya at hinimas-himas ang baba niya na para bang may balbas ito.
"Hmm...wala na, e," aniya.
"Ay, sayang naman," sabi ni Colline. Nanghinayang ako. Dapat pala pagkakita namin sa internet ay pumunta na agad ako.
"Sige po, mauna na ho kami," pagpapa-alam ko. "Tara na, Frenny," aya ko sa kaniya. Hinakbayan ko siya para sabay na kaming lumabas ng cafe. Nagsimula na kaming maglakad palabas.
"Oh! Meron pala," biglang sabi ni Ma'am Atienza. Agad ako lumingon sa kaniya at agad na nilapitan siya.
"Talaga po?" masaya kong tugon. Tumango-tango naman siya at saka ngumiti sa akin. I felt nervous.
"Kaya mo bang maging....." Binitin niya pa ang sinasabi niya at saka lumapit sa akin. Pinatong niya ang dalawa niyang kamay sa dalawa kong balikat.
"Yaya?" di makapaniwala kong tanong. Aish! "Kaya ko naman maging yaya, e. Masipag naman akong gumawa ng gawaing bahay. Maglinis, magwalis, magluto, maghugas at marami pang iba. Ang kaso lang ay hinahanap kong trabaho ay 'yung permanente na. 'Yung makakapag-trabaho ako kahit may pasukan na. Bakit, may night shift bang yaya?"
"Pwede rin," simpleng sagot ni Colline. Nilingon ko siya dahil sa sinabi niya.
"Pwede rin? Ano ka ba, Colline. Baka hindi na ako makapag-aral no'n," sabi ko. Nakasakay na kami sa van pauwi. Doon na kami sa cafe sinundo ni kuya Pol. Medyo traffic na rin kaya mabagal ang usad. "Hindi naman ako mapili sa trabaho."
"Di ba ang sabi pwede ka naman raw pumasok ng weekends kapag may pasukan na? Para hindi ka maabala sa pag-aaral," aniya.
Ang sabi kasi ni Ma'am Madi ay pwede raw ako pumasok tuwing friday ng gabi hanggang linggo ng umaga kapag may pasok na. Pero ngayong wala pang pasok ay dapat wala raw akong absent ni isa, may day-off naman.
"Tapos malaki rin daw ang sahod," dagdag pa niya. Inoperan ako ni Ma'am Madi ng malaking halaga para maging katulong sa kanila. Grabe siya, gano'n ba siya magbigay ng sahod para lang may mag-yaya sa kanila? Nilingon naman ako ni Colline at hinawakan ang kamay ko. Nagulat naman ako sa ginawa niya.
"Kung ayaw mo, ako na lang ang mamamasukan! Tulad nga ng sinabi ni Ma'am Atienza ay bata lang raw naman ang babantayan," aniya. Nasisira na ba ulo nito?
"Sira ka ba? Hindi papayag si tito no'n," sabi ko. Baka payagan.
"Pumayag ka na kasi. Ayaw mo 'yon, makaka-ipon ka kaagad?" Pagpupumilit niya pa.
"Ewan. Pag-iisipan ko."
"Pag-isipan mo ng mabuti, Frenny, ha?!" pahabol pa ni Colline bago umalis ang van. Umuling na lang ako. Ano ba ang makukuha niya kung papayag ako sa offer ni Ma'am Madi? Ay, oo nga pala. Maililibre ko na siya.
Pumasok na ako sa bahay para makapagbihis na. Pagkapasok ko ay bukas ang TV pero tulog naman si tatay. 'Bat di niya muna pinatay 'yung TV bago siya matulog? Aish, mahal ang kuryente ngayon! Hinanap ko ang remote para patayin ang TV. Nang mahanap ko ay saka ko pinatay at lumapit para tanggalin sa saksakan. Napansin ko na may dyaryo sa may lamesa, lumapit ako at tinignan ito. Nakabukas ang page sa may mga naghahanap ng mga tauhan sa factory. Sinusubukan ba niya maghanap ng trabaho? Sabi ko sa kaniya ako na lang ang magtatrabaho, e!
"Tay, gising na ho," mahina kong sabi kay tatay. Simula pagdating ko ay hindi pa rin siya gumigising. Alas-syiete na ng gabi kaya kanina ay nagsaing na ako at nagluto ng ulam, sinigang ang niluto ko ngayon. "Tay," gising ko ulit sa kaniya. "Tay, kakain na ho tayo."
"Ha?" inaantok niyang tanong. Kinuskus naman niya ang mata niya. "Kakain na? Ano na bang oras?"
"Seven na po ng gabi, kain na tayo," tugon ko. Tinulungan ko siyang maglakad papunta sa maliit naming kusina. Nakahanda na ang kakainan namin. "Nagluto po ako ng sinigang na baboy."
Kanina ay namalengke ako para bumili ng gagamitin sa sinigang na baboy. Bago ako umupo ay nilagyan ko ng kanin ang plato niya pero pinigilan ako ni tatay. Nilingon ko naman siya.
"Ako na, nak," aniya. "Nagagalaw ko naman ang kamay ko, e." Nasanay na kasi akong inaasikaso si tatay, pwede na akong maging yaya. Kukunin ko kaya ang offer ni Ma'am Madi?
"Sige po," tugon ko. Umupo na ako sa pwesto ko at saka nilagyan ng kanin ang sariling plato. Tahimik kaming kumain pero nabasag ang katahimikan nang magtanong siya.
"Kumusta ang exam? Kailan malalaman ang resulta?" tanong ni tatay. Uminom muna ako ng tubig bago siya sagutin.
"Ayos naman ho, tay. Medyo nahirapan ako pero nasagutan ko naman po," sabi ko. Tumango-tango naman siya. "Hmm...kanina ho nakita ko 'yung dyaryo na binasa niyo, naghahanap po kayo ng trabaho?"
Natigilan naman siya sa sinabi ko sa kaniya. "Hindi....... Nagbabasa lang," aniya. May trabaho naman si tatay pero dahil sa nangyari sa kaniya ay napilitan siyang magresign sa trabaho na pinapasukan niya.
"Ang sabi po ng doktor ay magpahinga lang po kayo. Bawal ho sa inyo ang mabibigat na gawain," sabi ko. "'Wag na ho kayong mag-alala, may nahanap na ho akong pwede kong pasukan."
"Ano 'yang trabaho?" tanong niya. Hinintay niya akong magsalita ulit. Nilunok ko muna ang kinakain ko bago siya sinagot.
"Katulong ho," tugon ko.
"Hindi ako papayag na magpa-alila ka sa mga mayayaman na 'yan. Porket malaki ang bayad ay susunggaban mo na agad? Pag-isipan mo 'yan, Xeia. Mahirap ang pinapasok mo," aniya.
Grabe sa pag-alila, ha? Nakatalikod ako kay tatay dahil naghuhugas ako ng pinggan, tapos na kami maghapunan. Napag-isipan ko kanina habang nagluluto ako ay bakit hindi ko kunin ang offer? Ito na nga, o. Lumalapit na sa akin ang trabaho.
Hindi siya pumayag na mamasukan ako bilang katulong ng mga Atienza. Nang malaman ni tatay na sa pamilya 'Atienza' ako mamamasukan ay agad siyang umayaw. Agad ko namang sinabi na malaki raw ang sahod na ibibigay sa akin. Mayaman ang pamilya Atienza pero 'di ko agad nalaman kasi malay ko bang sila 'yung Atienza. Marami kasing Atienza sa mundo 'no.
"At anong sinabi mo kanina? Bata? Bata ang babantayan mo?" tumango ako. Nabanggit ko rin na bata ang babantayan ko. Wala namang problema kung bata, mahilig naman ako sa bata, e. "Sa pagkaka-alam ko ay walang batang anak ang mga Atienza."
"Gaano mo po ba kakilala ang mga Atienza, tay?" tanong ko. Kung makapagsalita kasi si tatay ay parang kilalang-kilala na niya sila, e.
"Ano bang sinasabi mo? Syempre kilala ko sila," aniya. Nilingon ko naman siya agad. "Kilala ko sila...paano ko hindi makikilala, e, ang business partner ng boss ko ay ang mga Atienza?"
Napa-ah na lang ako. Oo nga naman. Paano hindi niya makikilala?
"Sige, tay. Ganito na lang!" sabi ko ng may ma-isip. Hinugasan ko muna ang bula sa mga kamay ko at saka lumingon sa kaniya. "Magre-resign ako kapag pasukan na. Ano po? Papayag na po ba kayo tay?"
Nakunot pa rin ang noo niya at ako naman ay nakangiti sa kaniya oara pumayag na siya.
"Hindi pa rin."
Xeia's POV "Anong gagawin ko, Frenny?" tanong sa kaniya, nagpagulong-gulong ako sa kama ko. Alas-dose na ng gabi pero heto at gising pa rin ako at kausap si Colline. Si tatay naman ay nasa sarili na rin niyang kwarto, kwarto nila ni nanay. "Anong exact na sinabi niya?" tanong niya. "Hindi ako papayag na magpa-alila ka sa mga mayayaman na 'yan. Porket malaki ang bayad ay susunggaban mo na agad? Pag-isipan mo 'yan, Xeiah. Mahirap ang pinapasok mo." Pag-uulit ko sa sinabi ni tatay. Ginaya ko pa kung paano niya ainabi 'yon kanina, ha? "Grabe naman si tito sa pag-alila, ha." Napansin rin niya. "As if naman magpapa-alila ka, Frenny, 'no?" "Kaya nga!" Tumihaya ulit ako sa kama. "Anong gagawin ko para pumayag si tatay?" "Ay! Meron akong naisip!" sigaw niya sa akin. "Ano naman 'yon?" "Bakit nga ba ulit ako pumayag sa ganitong set-up?" pagtatanong ko ulit kay Colline. "At paano mo ako napapayag?" "Napapayag kita kasi tinakot kita na sasabihin ko kay daddy na pilitin ka magbayad sa LAHAT
Xeia's POV "Frenny! Frenny!" sigaw ni Colline, nasa labas pa siya ng bahay pero rinig na rinig ko na ang boses niya. Nagulat naman ako sa pagdating niya rito sa bahay. Limang araw na ang lumipas nung nag-entrance exam kami sa Lakestone University. Nung pinayagan na ako ni tatay na tanggapin ang offer ni Ms. Atienza ay tinawagan ko siya sa para sabihin na pumapayag na ako, binigyan niya ako ng calling card niya nung nasa cafe kami. Bukas ay magsisimula na raw akong magtrabaho sa kanila. "Bakit ka ba sumisigaw? Ang aga-aga, e," tanong ko nang dumaretso siya rito sa kusina, nakabukas naman ang pinto, e. Nilingon ko siya dahil nakatalikod ako sa kaniya, nagluluto ako ng almusal namin ni tatay. Paglingon ko sa kaniya ay nakangiti siya sa akin. Parang mapupunit na ang mga labi niya dahil sa ngiti niya. Nagtaka naman ako sa inaasal niya ngayon. "Nakapasa ako!" tuwang-tuwang sabi niya sa akin. Niyakap niya agad ako at yinugyog niya ako ng yinugyog. Pinakita niya sa akin ang cellphone niya n
Xeia's POV Nagsi-alisan na silang lahat at natira na lang kaming tatlo nila Manang at Ma'am Madi. "Dalhin mo na siya kay JD," sabi ni Ma'am kay Manang. So, JD pala ang name ng baby na aalagaan ko? Siguro ang ang taba niya? Ay, shit! Baka mataba ang pisnge, naku! Kawawa ang pisnge niya sa akin. Nanguna sa paglalakad si Manang at ako naman ay sumunod lang sa kaniya sa paglalakad. Habang umaakyat kami ng hakbang ay nagtanong ako may manang. "Manang, cute ba 'yung aalagaan ko?
Xeia's POV"Are you sure of how you call me? Baby? What a sweet endearment. Hindi pa nga tayo, baby na agad ang tawag mo sa akin? Baby JD."Naunang lumingon si Manang Cora sa likuran at ako naman ay dahan dahan.Ano? Endearment? Hindi pa kami ay baby na ang tawag ko sa kaniya? Huh! Kapal naman ng mukha. Feelingero ampucha.Tinignan ko siyang nakakunot ang mga noo at tinaasan siya ng kilay. Hindi naman siya ang tinatawag kong baby, ah?Nakita ko ang isang lalaki na nakatayo malapit sa may
Xeia's POV "Oh, Xeia you're here. Kamusta ang inaalagaan mo?" salubong na tanong ni Ma'am Madi. Kamusta? Ayon, sinarahan lang naman ako ng pintuan at muntik na ang mukha ko ro'n! Siya na nga 'tong dinalhan ng pagkain ay gano'n pa ang asta. Mapaso sana siya sa kinakain na champorado. "Maayos naman po. Maayos na maayos. Sa totoo nga po, napakabait niya," sabi ko. Baka kapag sinabi ko kay Ma'am 'yung ginawa niya at nalaman ni Sir ay nako. Tsk Tsk Tsk, baka sabihan niya pa ako ng sumbungera. "Sobranggggggggg bait niya po." "Really?" "Opo, hinayaan niya nga po ako na maglibot-libot sa loob ng kwarto niya, e. Saka hindi niya ako pinilit na lumabas, inalalayan pa nga po akong lumabas, e. Sinarado rin niya ng maayos ang pinto," dagdag ko pa. JD, dapat magpasalamat ka sa akin dahil pinapabango ko ang pangalan mo! "Oh, that's good. Ngayon lang niya hinayaang may maglibot at magtagal sa kwarto niya," sambit ni Ma'am. Napatigil naman ako dahil sa mga narinig mo. Ano? Ano raw? Hindi siya
Xeia's POV Omo! Nanonood siya ng ganiyan? Seryoso? "Hey, hey!" sigaw niya at saka pinatay ang TV. Hinawakan niya ng braso ko at saka hinatak palabas ng kwarto niya. "Nanonood ka pala no'n?" tanong ko sa kaniya. Hindi ako makapaniwala, ha? 'Yon ba ang kinakaabalahan niya maghapon? Lagi? "Don't say anything," aniya. Aakto naman niya na isasara ang pintuan pero napiligan ko siya. "Alis." "Okay, lang 'yan. Lalaki ka naman, e. Kahit sino pwede manood niyan," natatawa kong sabi. Naka-poker face lang siya. Walang sinasabi at walang ginagawa. "Bakla ka ba?" "What?" gulat na tanong niya. "Bakla ka ba kako?" Ang lapit lapit na, e, hindi pa rin narinig?
Xeia's POV Pagkatapos ni Ma'am kumain ay kami naman ang sunod na kumain. Sa kusina kami kumakain kahit na sinabi ni Ma'am na p'wede kaming kumain sa dining area nila. Kung ano ang kinakain nila ay 'yun din ang kinakain namin, nagtatabi kami kapag natapos magluto. "Xeia," tawag sa akin ni Thalia habang kumakain kaming lima. Nilingon ko naman siya habang nginunguya ang kinakain. "Fan ka ni Jung-Hyun?" Nagugulat pa rin akp sa t'wing may nagtatanong kung kilala ko ba o fan ako ni Jung-Hyun kasi baka masabi ko na ang iniidoo nila ay hinahakbayan ko lang, tinutulak-tulak lang ni Colline. Baka kapag nalaman nila, hindi sila titigil hanggat hindi nila kami nakaka-usap. Baka hanapin at habulin pa kami hanggang sa bahay namin. "Ah... Oo.... Dati pa," tugon ko. 'Yon na lamang ang isinagot ko. Mas maikling sagot, mas ligtas. "Ikaw?" "Hmm.... Hindi naman. Nakikita-kita ko siya sa ne
Xeia's POV "Bakit hindi sinasagot ni Colline?" tanong ko sa sarili. Gusto ko magpasalamat dahil dito sa binigay niyang gown at magtatanong na rin kung bakit hindi niya na lang ibigay sa akin kapag day-off ko na? Pumunta pa tuloy siya dito. Nagdesisyon na lang ako na mamaya na lang siya tawagan pagkatapos kong maghugas. Ang ganda ng gown. Dahil sa sabik ay sinukat ko ito kahit saglit lang. Agad ko ring hinubad nang maalala kong maghuhugas pa pala ako. Tumungo na ako sa kusina para makapagsimula nang maghugas. Nilabas ko muna ang cellphone ko at nag-play ng isa sa mga paborito kong music.
Xeia's POV Kinabukasan, nasa bahay lamang ako at gumawa ng gawaing bahay. Pagkasapit ng lunes, maaga akong nagising para maghanda nang pumasok. "Tay, alis na ho ako," paalam ko kay tatay. Hindi na siya nakawheelchair. Pumunta kami kahapon ng hospital para ipacheck-up siya at maayos naman ang naging resulta. Gayunpaman, kailangan pa rin niyang uminom ng mga gamot. Lumabas siya mula sa loob ng kusina. "Mag-iingat ka ha," paalala niya. "Opo," tugon ko. "Sige po, alis na ako. Mag-iingat din po kayo." "Sige," nakangiti niyang sabi. Tumungo na ako sa labas, dala-dala ang bag na naglalaman ng mga damit na magkakasya ng limang araw. Bukas na pala ang 18th birthday ni Colline kaya abala sila ngayon. Sa isang private venue gaganapin 'yon dahil may mga pribadong tao ang darating katulad ni Jung-Hyun. "Bye!" pagpapaalam ko kay tatay. Nakatayo siya sa may pinto at kumaway. Naglakad na ako papunta sa kalsada para maghintay ng masasakyan. Agad naman ako nakasakay. Habang nasa biyahe ako ay
Xeia's POV Umupo ako sa sofa at naghintay kung sino man ang papasok dito. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto, alala ko si sir, iba pala. Isang babaeng nakasalamin at nakaputi, may stethoscope na nakasabit sa kaniyang leeg. Hindi naman katandaan ang itsura niya. Tumayo ako bilang paggalang. "Ikaw ba si Xeia?" tanong niya. "Opo," sagot ko. Kilala niya pala ako. "Nasaan si JD?" tanong niya pa ulit. "Lumabas po. Hindi ko po alam kung saan pumunta, hindi niya po sinabi," tugon ko. "Gano'n ba? Come here," aya niya sa akin. Minwersa ang kamay sa upuang kaharap ng kaniyang lamesa. Sumunod ako sa kaniya at siya naman ay lumapit sa upuan niya at saka umupo. Mayamaya pa ay narinig kong bumukas ang pinto na ikinalingon ko naman. Nakita ko si sir na may hawak na dalawang
Xeia's POV "Huyyyy, sige na. Xeia, ano na? Kaibigan mo ko, bakit hindi mo ako tulungan?" nagmamaka-awang sabi ni Colline. "Ikaw kasi, e. Walang tigil ang birada mo. Hindi mo man lang ako hinayaang magsalita," sabi ko sa kaniya. "Tapos ngayon ay hihingi ka ng tulong sa akin para mag-sorry sa kaniya?" "Kaibigan mo ko, syempre! At boss mo 'yon," aniya. "Hindi ko naman sinasadya 'yon," nakangusong sabi niya. "Hindi sinasadyang dire-diretso ang bunganga mo? At saka mamaya ka na nga magsalita. Nahihirapan ang tita mo sa pagma-make-up sayo, oh." Kanina pa siya salita ng salita dahil humihingi ng tulong para humingi ng tawad sa ginawa niya kay sir. Tsk tsk tsk. Kakilala pala ni tito Von si Ma'am Madi, nagkakilala raw sila sa isang charity. Mahilig sa mga bata si tito Von kaya naging Pediatrician siya. Tu
Xeia's POV "Dito na ata 'yon," sabi ko. Tinigil niya ang sasakyan. Binuksan ko ang pinto at saka lumabas ng kotse. "Teka, tawagan ko lang si Colline." Dinial ko ang number niya at ilang segundo lang ay sinagot naman niya. Naramdaman kong tumabi sa akin si sir. "Hello, frenny?" ["Oh? Nasa'n na kayo? Inaayusan na ako."] "Nandito na. Enchant's Garden 'di ba?"
Xeia's POV"Ako na!" sigaw ko sa kaniya sabay hablot ng ointment. Nagulat naman siya sa ginawa ko. Alam ko namang wala siyang masamang iniisip or anything. Unless meron? Hindi ako komportable kung siya ang gagawa. Hey, dibdib 'yon, 'no!"You sure?" tanong niya. Parang nadismaya pa, ha?"Malamang," tugon ko. Tinignan ko siya sa mata para sabihing lumabas na siya. Tumaas naman ang dalawa niyang kilay at bumulong ng what. "Labas. Kaya ko na pong gamutin sarili ko," mababang tono kong sabi sa kaniya.
Xeia's POVNaghintay ako na sumagot siya pero wala akong naririnig. Dinikit ko pa ang tenga ko sa pintuan. Wala atang tao sa labas! Iniwan ba niya ako? Huhuhu, paano ako lalabas?Napasandal na lang ako sa pintuan."Sir!" tawag ko pa. "Wala akong damit!""Ano mo ako? Nanay? Para sabihing wala kang damit?"Nanlaki ang mata ko nang may narinig na nagsalita.
Xeia's POVLumabas na ako sa kwarto niya at bumaba na dala-dala ang gamot. Pagkababa ko sa sala ay nakita kong nakaupo pa rin sila Ma'am Madi at manang sa sofa. Nilingon nila ako nang tumungo ako sa kinaroroonan nila."Okay na ba si JD?" salubong na tanong ni Ma'am. "For sure there will be a bruise on his face!"Hindi ko naman mapigilan na sisihin ang sarili ko."Sorry, ma'am," hingi ko ng tawad sa kaniya. Kasi naman, e! Kung hindi sana siya sumunod sa akin 'edi sana hindi siya magkakag
Xeia's POV"Tumawag ka?" tanong ko kay Sir. May dumating kasing mga pulis. Ambulansya lang naman ang tinawagan ko."Baka multo," tugon. Psh."Multo," bulong ko. Bakla nga talaga 'to.Pagkatigil ng sasakyan nila sa harap namin ay may bumabang dalawang pulis. Nilapitan nila kami."Kumusta, JD?" tanong ng isa kay sir. Magkakilala ba sila?
JD's POV"Ngayon ka aalis?" rinig kong tanong ni Manang kay Xeia. Nasa kusina ako para uminom ng tubig. Dapat nagpalagay na lang ako ng ref sa kwarto ko para hindi na ako baba ng baba, e. Ang daan papunta sa kwarto niya ay dito sa kusina."Opo, bukas po kasi maaga ang photoshoot ni Colline, 'yung kaibigan ko po na magbi-birthday," aniya. Psh, 'bat ngayon siya aalis? E, gabi na. Paano kapag may mangyari sa kaniya? Marami pa namang lokoloko diyan."E, gabi na at baka kung mapano ka," sabi ni Manang.