Xeia's POV
"Tara na, Xeia, baka matuluyan tayong ma-late." Hinila ako ni Colline pa-kanan dahil doon kami mag-e-exam. Aakyat kami sa ika-anim na palapag ng building gamit ang hagdan, alangan lumipad kami diba? May anim na palapag ang bawat building dito. Umakyat na kami ng hagdan.
"Wait lang, Frenny. Hinihingal ako," pagod kong sabi. Tumigil kami, nasa fourth floor na kami. Hinihingal akong sumandal sa pader, kinuha ko ang dala kong tubig at ininom 'yon. Maliban sa pagod sa pag-akyat ay ang init pa! Ang dami kayang tao. 'Bat kasi pinagsabay-sabay nila?!
"Dalawang floor na lang, Frenny. Ano ka ba!" Hinila ulit niya 'ko pero hindi ako nagpahila sa kaniya.
"Magkakatotoo ata 'yung sinabi mo kanina na 'Sinusundo na kita'," sabi ko sa kaniya. Baka pagkatungtong namin ng ika-anim na palapag ay liwanag na ang sasalubong sa amin.
"Ang OA naman! Kaya mo 'yan!" sigaw niya. Huminga muna ako ng malalim at saka nagpatuloy sa pag-akyat. Nang makarating na kami sa sixth floor ay nakahinga ako ng maluwag. Sa wakas!
"This is it!" excited na sabi ni Colline. "Galingan mo, Frenny, ha?"
"Syempre naman, dream University ko 'to, e. Galingan mo rin, ha?" Tumango naman siya. Nagkahiwalay kami ng room, 609 siya at ako naman ay 604. So, sa bandang gitna pa ang room na pupuntahan ko. Siya naman ay dito na sa harapan namin. Pumasok na siya sa room at umupo sa may bakanteng upuan. Kaunti na lang ang bakanteng upuan, iilan na lang ata ang hinihintay bago simulan ang exam. Kumaway na ako sa kaniya para makapunta na rin sa room ko.
Lumakad ako sa may gilid para tignan ang baba. Nagsisipasukan na ang mga estudyante sa mga building. Tinignan ko ang relo ko para tignan kung anong oras na. Shit! 9:59 na! 10:00 simula ng exam! Dali-dali na akong tumakbo papunta sa room, may mga ibang estudyante na nagmamadali na rin patungo sa kani-kanilang room. Medyo hiningal na naman ako pagkarating sa room. Sa likod ako dumaan para hindi agaw eksena pagkapasok.
One seat apart ang ayos ng mga upuan. Mga twenty lang ata kami sa loob ng classroom. Umupo na ako sa may gitnang bahagi dahil iyon na lamang ang bakante. Mayroong teacher sa harap at hawak-hawak ang mga test paper na sasagutan ata namin mamaya. Bigla akong kinabahan kasi mukhang masungit 'yung teacher kahit na magbabantay lang siya sa amin.
"Miss, 'yung bag mo," biglang sabi ng isang katabi kong lalaki. Nilingon ko ang tinuro niya. Nakita ko sa teacher's table ang mga gamit ng mga kasama ko. "Ilalagay roon."
Hindi ko napansin 'yon kanina, ha? Kinuha ko muna ang ballpen bago tumayo at nilagay ang bag ko roon sa harapan. Agad akong bumalik sa upuan ko, feeling ko lahat sila ay tinitignan ako. Biglang nagring ang bell ng buong building, hudyat na magsisimula na ang exam. Bigla na naman akong kinabahan, naku po. Sana madali lang!
"Kapag narinig niyo ulit 'yan ay dapat tapos na kayo sa exam," sabi ng teacher habang pinamimigay ang mga test papers. "Nakalimutan ko nga palang magpakilala. I'm Ms. Norry Clever. You can call me Ms. Norry." Binati naman namin si Ms. Norry ng good morning. Nag- hi, hello naman ang iba. "Meron lamang kayong 90 minutes para sa sagutin ang mga 'yan. Bawal ang dugaan at kopyahan, cheaters go to hell."
Nagsiyukuan na ang mga kasama ko para magsimula. May nakahanda ng mga folder dito sa lamesa para may mapagpatungan ng test paper. Ang style ng mga upuan at lamesa ay parang sa korea.
"Oh? Hindi pa nagsisimula ang pasukan, late ka na agad?" sabi ni Ms. Norry. Nilingon ko 'yung lalaking biglang pumasok sa room. "Here's your test paper and start now."
The way na magsalita si Ms. Norry ay nakakablanko ng isip. Kung magiging Prof. ko siya? Naku, yare! Laging blanko ang isip ko.
Walang ibang dala 'yung lalaki kundi ang sarili niya at ang hawak na ballpen. Nilibot niya ang mga mata niya sa buong kwarto para maghanap ng mauupuan. Naglakad siya at umupo siya sa kanang bahagi ko dahil itong lamang ang bakante. Nagsimula na siyang magsagot at nagsimula na rin akong magsagot. Inintindi ko na lang ang exam.
"Sana hindi kita maging estudyante dahil ayoko sa lahat ang 'yung nalalate," sabi ni Ms. Norry.
Habang nasa hospital kami ni Colline ay nag-re-review kami. Tinetest namin ang isa't isa. Gumagawa kami ng sarili naming quiz. Nagpi-pinoy henyo kami para mas matandaan namin ang mga lesson. Gano'n lagi ang gawain namin ni Colline tuwing may exams. Nagtutulungan kami, kaya ayon, valedictorian siya at ako ang salutatorian.
Nagpatuloy sa pagtakbo ang oras. Unti-unting nababawasan ang 90 minutes namin.
"Meron na lamang kayong limang minuto." Pagpapa-alala ni Ms. Norry sa amin. OMG! May five items pa! Ano, one minute per number? Tinignan ko 'yung lalaking late kanina, tapos na siya. Nagkukutkot na lamang siya ng kuko niya at parang bored na bored, sanaol tapos na. "Two minutes."
Sinagutan ko na ang huling item kaso nga lang ang hirap. Ano raw ang tagalog ng dream? A. Panaginip, B. Pangarap. Hayst, bahala na!
Sakto ay nag-ring na ang bell. Nilapitan niya kami isa isa. Ang iba ay hindi pa tapos pero kinuha na ni Ms. Norry ang test papers. Grabe ang hirap ng exam! Tapos 'yung dulo, meron ba no'n?! Nagsimula na umingay ang hall. Nagsilabasan na ang ibang estudyante. Nakita ko si Frenny sa labas ng room, sa harapang pinto. Nadaliian ata siya sa exam.
Isa pa, sanaol.
"Inaasahan ko na lahat kayo ay makapasa, lalo na sa grumaduate ng may awards," sabi ni Ms. Norry. Sa akin bumagsak ang huling tingin niya. 'Bat ako? Kilala ba niya ko? "Okay, pwede na kayong lumabas. Hintayin niyo na lang ang resulta." Lumbas na kami ng room.
"Grabe! Ang hirap ng exam! Hindi ko inaasahan 'yon, ah?" reklamo ni Colline paglabas ko.
"Nahirapan ka rin? Ako din, e," sabi ko. "Mabait 'yung teacher na nagbantay sa inyo?"
"Hey, hey, hey. Correction, Prof na hindi teacher," sabi niya. Anong pinagka-iba no'n bukod sa spelling? Parehas naman ailang tao at nagtuturo. "By the way, oo! Ang bait. Bakit? Sa inyo ba?"
Medyo lumapit ako sa kaniya at binulong na oo.
"Hala! Sana hindi siya ang maging Prof natin," sabi niya. Um-agree naman ako sa kaniya. Sawa na kami sa mga terror teacher! "Ano, tambay muna tayo rito?"
Nag-isip muna ako. Tinignan ko muna ang relo ko kung anong oras na. Magta-tanghalian na rin.
"Sige, try muna natin 'yung pagkain sa cafeteria," sagot ko.
Xeia's POV"Ang mahal pala ng mga pagkain dito, masarap pa man din," sabi ni Colline. Nakaupo kami ngayon sa loob ng cafeteria. Maraming mga tao rito dahil sabay-sabay kaming natapos sa exams. Mabuti na lang ay may naabutan pa kaming bakanteng upuan. May second floor itong cafeteria pero hindi 'yon sapat para makaupo ang lahat ng nag-exam ngayon."Siguradong kaunti lang ang bibilhin ko kapag nakapasa ako," sabi ko naman. Nag-order lang kami ng two cups of rice at ulam, tanghalian naman na, e. Ang sarap ng adobo, ang galing ng chef rito. Ang ayos ng mga upuan at lamesa dito ay pahabang lamesa at pahaba ring upuan. Sampu hanggang labing-lima ang helera ng lamesa't upuan.
Xeia's POV "May problema ba?" May biglang lumabas sa may pinto. Galing ata siya sa kusina. Siya siguro ang manager nitong cafe. "Ah, Ma'am Atienza. May mag-aaply ho," ani ni ateng cashier. "Mag-aaply ng trabaho, waitress po." "Madi. Ma'am Madi, ayoko ng ma'am Atienza. Okay?" "Sige po, ma'am... Madi," sabi niya. Nilingon naman kami sa babaeng tinawag niyang Ma'am Madi. Tinignan ako mula ulo hanggang paa na para bang nanghuhusga. Makatingin naman 'to. Makikita sa mukha niya ang pagiging masungit. Pang-masungit ang itsura ng kilay niya. May salamin rin siya na dumagdag sa pagkamataray na mukha niya. "Ang ganda-ganda mong bata, mag-we-waitress ka lang?" aniya. Ano namang problema sa pag-we-waitress? Disenteng trabaho naman 'yon. At teka, haha, tinawag niya akong magandang bata? Aba! Mas malinaw ang mga mata ni ma'am kaysa kay Collin, ha? "Ah, opo. Kailangan ko po kasi, e," tugon ko. Nilingon ko ang loob ng cafe at maraming mga tao dito. Dinadayo talaga 'to. "Sorry pero may nakuha n
Xeia's POV "Anong gagawin ko, Frenny?" tanong sa kaniya, nagpagulong-gulong ako sa kama ko. Alas-dose na ng gabi pero heto at gising pa rin ako at kausap si Colline. Si tatay naman ay nasa sarili na rin niyang kwarto, kwarto nila ni nanay. "Anong exact na sinabi niya?" tanong niya. "Hindi ako papayag na magpa-alila ka sa mga mayayaman na 'yan. Porket malaki ang bayad ay susunggaban mo na agad? Pag-isipan mo 'yan, Xeiah. Mahirap ang pinapasok mo." Pag-uulit ko sa sinabi ni tatay. Ginaya ko pa kung paano niya ainabi 'yon kanina, ha? "Grabe naman si tito sa pag-alila, ha." Napansin rin niya. "As if naman magpapa-alila ka, Frenny, 'no?" "Kaya nga!" Tumihaya ulit ako sa kama. "Anong gagawin ko para pumayag si tatay?" "Ay! Meron akong naisip!" sigaw niya sa akin. "Ano naman 'yon?" "Bakit nga ba ulit ako pumayag sa ganitong set-up?" pagtatanong ko ulit kay Colline. "At paano mo ako napapayag?" "Napapayag kita kasi tinakot kita na sasabihin ko kay daddy na pilitin ka magbayad sa LAHAT
Xeia's POV "Frenny! Frenny!" sigaw ni Colline, nasa labas pa siya ng bahay pero rinig na rinig ko na ang boses niya. Nagulat naman ako sa pagdating niya rito sa bahay. Limang araw na ang lumipas nung nag-entrance exam kami sa Lakestone University. Nung pinayagan na ako ni tatay na tanggapin ang offer ni Ms. Atienza ay tinawagan ko siya sa para sabihin na pumapayag na ako, binigyan niya ako ng calling card niya nung nasa cafe kami. Bukas ay magsisimula na raw akong magtrabaho sa kanila. "Bakit ka ba sumisigaw? Ang aga-aga, e," tanong ko nang dumaretso siya rito sa kusina, nakabukas naman ang pinto, e. Nilingon ko siya dahil nakatalikod ako sa kaniya, nagluluto ako ng almusal namin ni tatay. Paglingon ko sa kaniya ay nakangiti siya sa akin. Parang mapupunit na ang mga labi niya dahil sa ngiti niya. Nagtaka naman ako sa inaasal niya ngayon. "Nakapasa ako!" tuwang-tuwang sabi niya sa akin. Niyakap niya agad ako at yinugyog niya ako ng yinugyog. Pinakita niya sa akin ang cellphone niya n
Xeia's POV Nagsi-alisan na silang lahat at natira na lang kaming tatlo nila Manang at Ma'am Madi. "Dalhin mo na siya kay JD," sabi ni Ma'am kay Manang. So, JD pala ang name ng baby na aalagaan ko? Siguro ang ang taba niya? Ay, shit! Baka mataba ang pisnge, naku! Kawawa ang pisnge niya sa akin. Nanguna sa paglalakad si Manang at ako naman ay sumunod lang sa kaniya sa paglalakad. Habang umaakyat kami ng hakbang ay nagtanong ako may manang. "Manang, cute ba 'yung aalagaan ko?
Xeia's POV"Are you sure of how you call me? Baby? What a sweet endearment. Hindi pa nga tayo, baby na agad ang tawag mo sa akin? Baby JD."Naunang lumingon si Manang Cora sa likuran at ako naman ay dahan dahan.Ano? Endearment? Hindi pa kami ay baby na ang tawag ko sa kaniya? Huh! Kapal naman ng mukha. Feelingero ampucha.Tinignan ko siyang nakakunot ang mga noo at tinaasan siya ng kilay. Hindi naman siya ang tinatawag kong baby, ah?Nakita ko ang isang lalaki na nakatayo malapit sa may
Xeia's POV "Oh, Xeia you're here. Kamusta ang inaalagaan mo?" salubong na tanong ni Ma'am Madi. Kamusta? Ayon, sinarahan lang naman ako ng pintuan at muntik na ang mukha ko ro'n! Siya na nga 'tong dinalhan ng pagkain ay gano'n pa ang asta. Mapaso sana siya sa kinakain na champorado. "Maayos naman po. Maayos na maayos. Sa totoo nga po, napakabait niya," sabi ko. Baka kapag sinabi ko kay Ma'am 'yung ginawa niya at nalaman ni Sir ay nako. Tsk Tsk Tsk, baka sabihan niya pa ako ng sumbungera. "Sobranggggggggg bait niya po." "Really?" "Opo, hinayaan niya nga po ako na maglibot-libot sa loob ng kwarto niya, e. Saka hindi niya ako pinilit na lumabas, inalalayan pa nga po akong lumabas, e. Sinarado rin niya ng maayos ang pinto," dagdag ko pa. JD, dapat magpasalamat ka sa akin dahil pinapabango ko ang pangalan mo! "Oh, that's good. Ngayon lang niya hinayaang may maglibot at magtagal sa kwarto niya," sambit ni Ma'am. Napatigil naman ako dahil sa mga narinig mo. Ano? Ano raw? Hindi siya
Xeia's POV Omo! Nanonood siya ng ganiyan? Seryoso? "Hey, hey!" sigaw niya at saka pinatay ang TV. Hinawakan niya ng braso ko at saka hinatak palabas ng kwarto niya. "Nanonood ka pala no'n?" tanong ko sa kaniya. Hindi ako makapaniwala, ha? 'Yon ba ang kinakaabalahan niya maghapon? Lagi? "Don't say anything," aniya. Aakto naman niya na isasara ang pintuan pero napiligan ko siya. "Alis." "Okay, lang 'yan. Lalaki ka naman, e. Kahit sino pwede manood niyan," natatawa kong sabi. Naka-poker face lang siya. Walang sinasabi at walang ginagawa. "Bakla ka ba?" "What?" gulat na tanong niya. "Bakla ka ba kako?" Ang lapit lapit na, e, hindi pa rin narinig?
Xeia's POV Kinabukasan, nasa bahay lamang ako at gumawa ng gawaing bahay. Pagkasapit ng lunes, maaga akong nagising para maghanda nang pumasok. "Tay, alis na ho ako," paalam ko kay tatay. Hindi na siya nakawheelchair. Pumunta kami kahapon ng hospital para ipacheck-up siya at maayos naman ang naging resulta. Gayunpaman, kailangan pa rin niyang uminom ng mga gamot. Lumabas siya mula sa loob ng kusina. "Mag-iingat ka ha," paalala niya. "Opo," tugon ko. "Sige po, alis na ako. Mag-iingat din po kayo." "Sige," nakangiti niyang sabi. Tumungo na ako sa labas, dala-dala ang bag na naglalaman ng mga damit na magkakasya ng limang araw. Bukas na pala ang 18th birthday ni Colline kaya abala sila ngayon. Sa isang private venue gaganapin 'yon dahil may mga pribadong tao ang darating katulad ni Jung-Hyun. "Bye!" pagpapaalam ko kay tatay. Nakatayo siya sa may pinto at kumaway. Naglakad na ako papunta sa kalsada para maghintay ng masasakyan. Agad naman ako nakasakay. Habang nasa biyahe ako ay
Xeia's POV Umupo ako sa sofa at naghintay kung sino man ang papasok dito. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto, alala ko si sir, iba pala. Isang babaeng nakasalamin at nakaputi, may stethoscope na nakasabit sa kaniyang leeg. Hindi naman katandaan ang itsura niya. Tumayo ako bilang paggalang. "Ikaw ba si Xeia?" tanong niya. "Opo," sagot ko. Kilala niya pala ako. "Nasaan si JD?" tanong niya pa ulit. "Lumabas po. Hindi ko po alam kung saan pumunta, hindi niya po sinabi," tugon ko. "Gano'n ba? Come here," aya niya sa akin. Minwersa ang kamay sa upuang kaharap ng kaniyang lamesa. Sumunod ako sa kaniya at siya naman ay lumapit sa upuan niya at saka umupo. Mayamaya pa ay narinig kong bumukas ang pinto na ikinalingon ko naman. Nakita ko si sir na may hawak na dalawang
Xeia's POV "Huyyyy, sige na. Xeia, ano na? Kaibigan mo ko, bakit hindi mo ako tulungan?" nagmamaka-awang sabi ni Colline. "Ikaw kasi, e. Walang tigil ang birada mo. Hindi mo man lang ako hinayaang magsalita," sabi ko sa kaniya. "Tapos ngayon ay hihingi ka ng tulong sa akin para mag-sorry sa kaniya?" "Kaibigan mo ko, syempre! At boss mo 'yon," aniya. "Hindi ko naman sinasadya 'yon," nakangusong sabi niya. "Hindi sinasadyang dire-diretso ang bunganga mo? At saka mamaya ka na nga magsalita. Nahihirapan ang tita mo sa pagma-make-up sayo, oh." Kanina pa siya salita ng salita dahil humihingi ng tulong para humingi ng tawad sa ginawa niya kay sir. Tsk tsk tsk. Kakilala pala ni tito Von si Ma'am Madi, nagkakilala raw sila sa isang charity. Mahilig sa mga bata si tito Von kaya naging Pediatrician siya. Tu
Xeia's POV "Dito na ata 'yon," sabi ko. Tinigil niya ang sasakyan. Binuksan ko ang pinto at saka lumabas ng kotse. "Teka, tawagan ko lang si Colline." Dinial ko ang number niya at ilang segundo lang ay sinagot naman niya. Naramdaman kong tumabi sa akin si sir. "Hello, frenny?" ["Oh? Nasa'n na kayo? Inaayusan na ako."] "Nandito na. Enchant's Garden 'di ba?"
Xeia's POV"Ako na!" sigaw ko sa kaniya sabay hablot ng ointment. Nagulat naman siya sa ginawa ko. Alam ko namang wala siyang masamang iniisip or anything. Unless meron? Hindi ako komportable kung siya ang gagawa. Hey, dibdib 'yon, 'no!"You sure?" tanong niya. Parang nadismaya pa, ha?"Malamang," tugon ko. Tinignan ko siya sa mata para sabihing lumabas na siya. Tumaas naman ang dalawa niyang kilay at bumulong ng what. "Labas. Kaya ko na pong gamutin sarili ko," mababang tono kong sabi sa kaniya.
Xeia's POVNaghintay ako na sumagot siya pero wala akong naririnig. Dinikit ko pa ang tenga ko sa pintuan. Wala atang tao sa labas! Iniwan ba niya ako? Huhuhu, paano ako lalabas?Napasandal na lang ako sa pintuan."Sir!" tawag ko pa. "Wala akong damit!""Ano mo ako? Nanay? Para sabihing wala kang damit?"Nanlaki ang mata ko nang may narinig na nagsalita.
Xeia's POVLumabas na ako sa kwarto niya at bumaba na dala-dala ang gamot. Pagkababa ko sa sala ay nakita kong nakaupo pa rin sila Ma'am Madi at manang sa sofa. Nilingon nila ako nang tumungo ako sa kinaroroonan nila."Okay na ba si JD?" salubong na tanong ni Ma'am. "For sure there will be a bruise on his face!"Hindi ko naman mapigilan na sisihin ang sarili ko."Sorry, ma'am," hingi ko ng tawad sa kaniya. Kasi naman, e! Kung hindi sana siya sumunod sa akin 'edi sana hindi siya magkakag
Xeia's POV"Tumawag ka?" tanong ko kay Sir. May dumating kasing mga pulis. Ambulansya lang naman ang tinawagan ko."Baka multo," tugon. Psh."Multo," bulong ko. Bakla nga talaga 'to.Pagkatigil ng sasakyan nila sa harap namin ay may bumabang dalawang pulis. Nilapitan nila kami."Kumusta, JD?" tanong ng isa kay sir. Magkakilala ba sila?
JD's POV"Ngayon ka aalis?" rinig kong tanong ni Manang kay Xeia. Nasa kusina ako para uminom ng tubig. Dapat nagpalagay na lang ako ng ref sa kwarto ko para hindi na ako baba ng baba, e. Ang daan papunta sa kwarto niya ay dito sa kusina."Opo, bukas po kasi maaga ang photoshoot ni Colline, 'yung kaibigan ko po na magbi-birthday," aniya. Psh, 'bat ngayon siya aalis? E, gabi na. Paano kapag may mangyari sa kaniya? Marami pa namang lokoloko diyan."E, gabi na at baka kung mapano ka," sabi ni Manang.