Marahang umiling si Peter. “There is no need, sister. I have already made a reservation. Ikaw ba…” Sandaling huminto si Peter bago nagpatuloy. “Sa mansyon ng mga Montezides ka na ba nakatira ngayon?” Saglit na tumingin si Sierra sa mga mata ng kapatid bago tumango. Alam ni Peter Montalban na imposible na niyang mapigilan pa ang kapatid sa galit nito. Hindi nito iyon magawa noon dahil wala siyang kapasidad, kaya ngayong asawa na siya sa isa sa pinakama-impluwensyang tao sa bansa ay madali na lamang sa kanya ang lahat. Hindi nagtagal ay pumasok na rin sila sa sasakyan. Kumain muna silang tatlo bago nila inihatid si Peter sa tutuluyan nitong hotel. Sa daan pauwi ay pinaalalahanan ni Sierra si Sathalia na huwag magpasaway at makipagkaibigan sa kanyang Kuya Sylvester. Nang marinig ang ‘Kuya Sylvester', nanlaki ang bilog na mata ni Sathalia, sumasayaw ang kasiyahan at kasabikan doon. Paulit-ulit na tumango ang at hanggang sa makarating sa bahay ay hindi ito natahimik sa katatanong
Ang akala ni Sierra ay siya lang ang makakapansin sa bagay na iyon. Ayaw naman niyang sabihin ito sa matanda dahil baka kung ano pa ang masabi nito. Ngayong mismo ang Senyora na ang nakapansin, isang pangahas na kuro-kuro ang sumagi sa kanyang isip. Si Sylvester ay kasing edad lamang ni Sathalia, parehong-pareho ang hulma ng mukha ng mga ito. Kung walang nakakaalam ng totoo ay isang daang porsyentong mapagkakamalang identical twins ang mga ito. Hindi kaya ay hindi talaga patay ang sanggol niya? Hindi kaya’y inanod lamang ito ng malaking alon at nasagip din kagaya niya, ibinigay sa bahay ampunan at naampon ng pamilya Montezides? Bumuhos ang kaba sa dibdib ni Sierra sa mga naiisip na posibilidad. Nakaramdam siya ng pagka-excite ngunit kailangan niyang kontrolin ang emosyon. Nakangiti siyang sumagot sa Senyora. “Baka nagkataon lang po, Grandma…” Tumango lamang ang Senyora na may magandang ngiti sa mga labi. Ang mga mata nitong singkit ay halos hindi na makita sa sobrang pagng
Kinabukasan ay maagang nagising si Sierra hindi dahil maaga talaga siyang nagigising kundi dahil may nanggising sa kanya. Si Sathalia. Ang anak niyang pinangangambahan pa niyang maninibago sa klima ng bansa at magkaka-jet lag ngunit hindi. Bagkus ay para itong nakalaklak ng daang bitamina dahil sa sobrang ligalig. “Mommy! Mommy! Wake up! Wake up already! I'm going to school with my big brother! Hurry up! We're running late!” Atat na hinila ni Thalia ang kamay ni Sierra papasok sa banyo. Halos humiwalay pa nga ang kaluluwa ni Sierra sa kanyang katawan nang mabuhusan ng malamig na tubig na nanggagaling sa shower head. Pinindot na pala ito ng anak. Ngumisi lamang ang makulit na bubwit at nag-peace sign. Ang nangyari ay imbes na ang anak lang ang paliliguan ay nasali na rin siya. Pagkatapos maligo at magbihis, bumaba na ang mag-ina upang mag-agahan. Kahit kaliligo pa lang ni Sierra napapahikab pa rin siya, ngunit itong anak niya, parang hindi dumaan sa pagtulog! “Good morning
Kinabahan si Sierra dahil baka kung ano na ang iisipin ng mga tao sa bahay gayong nagkasugat ito nang siya ang kasama! Sa taranta ay mabilis siyang tumayo at kumuha ng wet wipes upang punasan ang dumudugo nitong labi. Hinawakan nito gamit ang hintuturo labi nito upang ibuka para malaman kung pati ba ang loob ay nasugatan din. Walang malay si Sierra na habang marahan niyang pinupunasan ang labi ng asawa ay nanginginig na pala ang kamay nito. Hindi niya alam kung pasmado lamang ba siya o hindi dahil maging ang puso niya ay mabilis ang tibok. Nang matapos punasan ni Sierra ang labi niya ay pa-indian sit itong naupo sa harapan ng asawa. Ilang araw na sila bilang mag-asawa ngunit isang beses—noong araw na nagkaroon ng reaksyon ang pagkalalaki nito—pa lamang niyang natitigan ang asawa. Noong unang beses niya itong matitigan ay mabahagya pa itong maputla, ang labi nito ay maputla rin at kitang-kita talagang may sakit. Ngunit ngayon ay may buhay na ang mukha nito. Makapal pa rin ang
Pagkatapos ng anunsyong iyon ay agad na umugong ang usap-usapan. May isang nangahas na tumayo at pumaneywang. “Akala ko ba ay ang bagong ipapasok sa kompanya at team na ito ay makatutulong sa pagpapaayos ng team natin? Bakit parang imbes na makatulong, magiging pabigat pa!” “Hindi ba’t mayaman ang angkan ng napangasawa niya? Bakit hindi siya roon magtrabaho sa malaking kompanya na ‘yon? Bakit kailangan pa niya tayong agawan ng limelight, eh kapiranggot na nga lang ang sinasahod natin dahil sa palaging palpak na trabaho!” Segunda naman ng isa. “Ms. Cora, hindi po ba kung sinong team ang mananalo ay malaki ang magiging share? Huwag mong sabihing makikihati pa sa share na iyon ang babaeng ito? Why can't she just stay at home and take care of his vegetative husband? Since iyon naman ang rason kaya ito ipinakasal! Dahil wala ng pag-asang gagaling!” Sinundan pa iyon ng nang-aasar na tawa. Mariing kumuyom ang kamao ni Sierra. “Baka ang babaeng iyan pa ang dahilan upang tuluyan
Bahagyang napaahon si Sierra mula sa pagkakaupo. Ano ang kailangan ng lalaking ito at tumawag ng ganitong oras?! “Morgan, anong kailangan mo sa akin?” Pigil ang inis na tanong niya. “Mr. Narvaez wants to see you.” Seryoso lamang nitong sinabi. Slyvio Narvaez? Ano na namang kailangan ng lalaki sa kanya? Hindi ba’t kaibigan niya si Marco, bakit pa siya nito kakailanganin? Wala na silang dapat na pakialaman sa isa’t-isa! Isang gabing pagkakamali lamang ang naging ugnayan nila at wala ng iba! Hindi na dapat iyon masusundan pa! Kumalma si Sierra at bumalik sa pagkakaupo. “Hindi ako pwede ngayon, o kahit kailan.” Malamig niyang sinabi rito. Sandaling natahimik ang kabilang linya. “Ayon kay Mr. Narvaez, kapag hindi ka pumayag ay ang nangyari sa Luther's Club nang gabi ng iyong kasal ay…” Bagama’t walang idinugtong si Morgan sa sinabi ay malinaw pa sa crystal kay Sierra ang ibig nitong sabihin. Iyon ay isang banta. Pagbabantang siguradong gagawin nga nito dahil hindi naman it
Napalunok si Sierra at mabilis na umatras. Ngunit dahil malalaki ang biyas ng lalaki ay agad din naman itong nakalapit sa kanya. Gusto pa sana niyang umatras ngunit pader na ang nasa likuran niya. “Why? Did you missed your worthless of a husband already?” Kumuyom ang kamao ni Sierra at gustong sapakin ang lalaki. “Don't you dare call him that way,” galit niyang sinabi. “What if I won't? What will you do, Mrs. Montezides?” Tanong ni Sylvio at inangat ang isang kamay sa gilid ng ulo ni Sierra. Matalim lang na tinapunan ng tingin ni Sierra si Sylvio at hindi na nagsalita pa. Humalakhak si Sylvio at halos magtindigan ang balahibo ni Sierra sa ganda ng tawa nito. Kapagkuwa’y halos matupok ang paghinga ni Sierra nang umuklo ito palapit sa kanyang mukha, agad siyang umiwas dahilan upang sa leeg niya tumama ang labi ni Sylvio. Napalunok na lang siya nang maramdaman ang mainit na hininga ni Sylvio sa pagitan ng kanyang leeg at collarbone, hindi niya alam ngunit parang sinasadya nito
Umawang lamang ang labi ni Sierra. Hindi agad makapagsalita. Tiningnan lamang niya ang lalaking mayroong naglalarong ngisi sa mapupulang mga labi. Noong una pa lang ay malabo na talagang kausap ang lalaki kaya bakit pa siya nagtaka na kung anu-ano na lang ang mga pinagsasasabi nito? Masyado itong mayabang at mataas ang tingin sa sarili. Sa sobrang yabang nito ay alam ni Sierra na sinasadya ng lalaki ang lahat ng mga sinasabi at ginawa nito para lang magmukha siyang katawa-tawa sa paningin nito. Ngunit hindi niya hahayaang mapupunta pa rin dito ang huling halakhak. Hindi siya papayag na mapupunta dito ang huling halakhak. Pinigilan ni Sierra ang galit niya, tumaas ang sulok ng kanyang labi at matunog na tumawa. “I thought you're going to ask me to spend a night with you.” Bahagyang itinagilid ni Sylvio ang kanyang ulo, aminado siyang nagulat siya doon ngunit hindi niya gaanong pinahalata. Hindi niya lang inaasahan na sobrang straightforward nito. Nang makita ni Sierra ang pa