Bago pa man makalapat sa pisngi ni Sierra ang palad ni Adriana ay dagli na niya itong hinawakan sa pulsuhan atsaka bahagyang pinisil. “Oh, galit ka na niyan?” Nang-aasar niyang sinabi. Kakaibang galit ang nararamdaman ni Adriana sa tuwing nababanggit ng mga tao ang tungkol sa pagkatao niya. At mas lalo siyang nagagalit dahil galing ito mismo sa tunay na anak! Noon, naging sekretarya ni Antonio Santillan si Janice De Jesus, ang kanyang ina. Malubha na rin ang sakit ng asawang si Martha. Ayon pa sa doktor nito ay napalabi na lamang ang mga araw nito sa mundo. Nalulong sa kalungkutan ang lalaki kaya naman inom ito nang inom upang maibsan ang sakit na nararamdaman. Sa kabilang banda, kinuha iyong oportunidad ni Janice upang landiin ang kanyang boss dahil matagal na itong may lihim na nararamdaman dito. Nang mamatay na sa wakas ang ina ni Audrey ay pinilit ni Janice na pakasalan siya ni Antonio. Nang mga panahong iyon ay malaki na ang kanyang tiyan at alam niya sa sariling hindi si Ant
“Grandma, sandali lang po. Hindi ni’yo po ba pakikinggan muna ang side ko?” Kalmadong tanong ni Sierra. Umismid si Adriana. "Ha! Hindi ka rin gaanong makapal ang mukha, eh 'no?" Sarkastiko itong ngumisi. "Sa tingin mo ba ay paniniwalaan ka ni Grandma? Eh, ako nga, si Julian, pati si Sylvester na mahal na mahal niya ay hirap niyang paniwalaan ngayon eh! Ikaw pa kaya na isang pipitsuging babae at kararating lang sa pamilyang ito?" Mula sa pagiging kalmado ay malamig na tinapunan ni Sierra ng tingin si Adriana. “Sa ating dalawa, alam mo kung sino ang may hindi magandang intensyon.” Nagpapaawang nag-angat ng tingin si Adriana kay Senyora Elizabeth, “grandma, tingnan mo po ang babaeng iyan. Huling-huli na nga sa akto ay nagsisinungaling pa! Nakakatakot siya, grandma..." Umakto pa itong niyayakap ang sarili. Kapagkuwan ay nanlilisik ang mata niyang tumingin kay Sierra. "Kaya dapat lamang po na paalisin na siya at baka kung ano pa ang magawa niya kay Kuya Marco na walang kalaban-laban at
Nang mawala na nang tuluyan ang mag-asawa ay pumako ang tingin nila sa bata. Si Vester ay nanatiling nakaupo, nakatungo ang maliit na ulo at hindi makatingin ng diretso sa stepmother at Grandma. Batid niya kasing may hindi siya magandang nagawa kaya nahihiya ito. Umiling lamang ang Senyora at hindi na sinisi pa ang kahabag-habag na apo. Bumaling siya kay Sierra at saka nagtanong. “Mula’t sapul ay alam mo nang mayroong surveillance cameras ang paligid, bakit hindi ka agad nagpaliwanag at hinayaan mo akong sabihan ka ng mga ganoon?” Hindi maiwasang mainis ni Senyora Elizabeth. Hinayaan nitong maging masama siya sa mata ng Senyora at muntik pang mapalayas nang hindi man lang naririnig ang kanyang rason! Magaan lamang ngumiti si Sierra. Alam din kasi niya sa sarili kung paanong lumaban ng patas. Alam niyang sa huli ay nasa kanya pa rin ang huling halakhak. “Hindi ko na po agad na sinabi Grandma dahil batid ko pong hindi ninyo ako mapaniniwalaan. Naiintindihan ko po iyon dahil bagong
Nagulat si Sierra sa sariling ideya. Natutop niya ang bibig at sumulyap muli sa asawang payapang natutulog. Hindi naman siguro niya gagawin iyon, hindi diba? Ano namang mapapala niya kung magpapanggap siya? Paraan saan ang pagpapanggap kung sakali? Umiling si Sierra upang waglitin sa isipan ang ideyang iyon. Hindi niya dapat pinag-iisipan ng ganoon ang asawa lalo’t nasa ganoong sitwasyon iyon. Wala naman sigurong gugustuhin na nakaratay lang sa higaan ng halos kalahating taon, ‘no? Ngunit sa patuloy niyang panonood sa asawa ay hindi talaga mawala ang isiping iyon sa kanyang utak. Kaya naman ay tumayo siya at pumunta muna ng banyo upang maglinis ng katawan. Nang matapos siya ay tumabi siya sa asawa upang magpahinga na. Ngunit ang ideya kanina ay pilit pa ring bumabagabag sa kanya at mukhang walang balak na patahimikin siya. Kaya naman bumangon siya at lakas-loob na hinarap ang asawa. Kagat-labi siyang nagbuntong-hininga. “Kung talagang nagpapanggap ka lang, malalaman ko…” D
“Hmm… mabuti naman kung ganoon,” anang doktor na may himig ng pagdududa. “You must be wondering why I came so early today than yesterday, that's because Marco has an exercise to do today.” Kumunot ang noo ni Sierra sa narinig. Ehersisyo? Paano naman nag-i-ehersisyo ang imbalidong tao? Bago pa man siya makapagtanong ay mayroon na agad kasagutan ang doktor. Hindi niya tuloy malaman kung ano ba talaga ang propesyon ng taong ito, doktor ba o mind reader. “Mayroong gym na nakalaan lamang sa kanya. Kailangan niyang mag-ehersisyo ng tatlo o dalawang beses sa isang linggo para ma-mentain ang pisikal niyang kalusugan. May nurse tayong kasama, kami muna ang magsasagawa, all you have to do is watch because you will be the one doing those things one of these days.” Mahaba at seryoso nitong sinabi. Habang sinasabi nito iyon ay tulalang napasapo si Sierra sa kanyang noo. Iyon naman pala ang dahilan kung bakit firm at elastic ang mga braso nito! Hindi dahil nagpapanggap lang! Mabuti na la
Hindi pinansin ni Sierra ang sarkasmo sa tono ni Adriana. Tumungo na lamang siya sa kanyang cellphone at naglaro. Nanlaki ang butas ng ilong ni Adriana nang inignora siya ni Sierra, nagpalingon-lingon pa siya dahil baka may ibang nakikita sa pagkakapahiya niya sa babaeng ito. Kaya para makabawi rito ay tiningnan niya ang cellphone nito at mabilis sanang hahablutin ang telepono, ngunit alam niya ang likaw ng bituka ni Adriana kaya alam niyang mangyayari talaga ito. Kaya naman mabilis niyang iniwas ang kamay na may hawak sa telepono at saka buryong nag-angat ng tingin. “Hindi ka pa ba nadadala sa nangyari sa'yo noong nakaraan?” Tukoy nito sa pangyayari sa mansyon. “Ikaw…” Sa galit ni Adriana ay inangat niya ang kanyang kamay upang saktan si Sierra. Ngunit biglang tumayo si Sierra sa harapan ni Adriana, agad itong napapiksi at humakbang paatras dahil akala nito'y susunggaban ito ni Sierra. Pero hindi, bagkus ay malamig lamang ang mata nitong tumingin sa kanya, nakaramdam ito ng
Makalipas ang halos kinse minutong paghihintay ay wala pa ring ni anino ni Mr. Garcia ang lumalabas. Humugot ng hangin mula sa bibig si Sierra at nagpasyang tumayo at itanong sa front desk kung anong oras ba talagang lalabas ang taong hinihintay. Kadalasan kasi rito sa Audrey's Clothing ay kapag may naghihintay ay kailangan iyong harapin nang hindi ganoong katagal kaysa paghintayin ang tao. At sa kaso niya ay masyado ng matagal ang kinse minuto ng paghihintay. Sa ikalawang pagkakataong nagtanong siya ay sinabihan lamang siya ng mga ito na nasa mahalagang meeting lamang si Mr. Garcia o kaya naman may katawagan ito sa telepono. Kailangang hintayin ng ilang minuto pa. Naintindihan ni Sierra iyon, ngunit makalipas pang muli ang mga minuto at sa tuwing nagtatanong siya ay tanging iyon lamang ang sagot ng nasa front desk ay doon na siya nagduda at dismayadong napailing. Hindi naman tanga si Sierra upang hindi maintindihan ang mga ito. Sa paraan pa lamang ng aroganteng pagngisi ni Ad
Kalmado lamang na huminga si Sierra at tumango. “Yes, Mr. Evan. You see, my hands are occupied, I cannot pick them by myself.” Kumurap-kurap si Evan, ang buntas ng ilong ay lumalaki na at anumang oras ay handa na siyang kaladkarin ang babaeng ito palabas ng kompanyang ito. “You, how dare you—” inangat ni Evan ang kamay upang bigyan ng leksyon si Sierra. Ngunit inignora lamang siya ni Sierra at sinabing. “Ang inutos sa akin ng director ay ayusin ang mga papel na ito at hindi ang pagpupulot ng mga nahulog. So if you want me to finish these and add another, please do it now.” Ayaw man ni Sierra maging tunog arogante ngunit hindi niya hahayaan ang sariling apihin sa kompanyang pagmamay-ari mismo ng kanyang ama at nakamkam lang ng mga halang ang kaluluwa. Msyadong marami ang papel na kailangan niyang ayusin kaya naman nang sumapit ang alas quatro ay dinala na niya ang iba sa bahay. Tutal ay may pahintulot naman siya mula sa director na dadalhin ang ibang trabaho sa mismong ba