Share

Chapter 21

Nagulat si Sierra sa sariling ideya. Natutop niya ang bibig at sumulyap muli sa asawang payapang natutulog.

Hindi naman siguro niya gagawin iyon, hindi diba? Ano namang mapapala niya kung magpapanggap siya? Paraan saan ang pagpapanggap kung sakali?

Umiling si Sierra upang waglitin sa isipan ang ideyang iyon. Hindi niya dapat pinag-iisipan ng ganoon ang asawa lalo’t nasa ganoong sitwasyon iyon. Wala naman sigurong gugustuhin na nakaratay lang sa higaan ng halos kalahating taon, ‘no?

Ngunit sa patuloy niyang panonood sa asawa ay hindi talaga mawala ang isiping iyon sa kanyang utak. Kaya naman ay tumayo siya at pumunta muna ng banyo upang maglinis ng katawan. Nang matapos siya ay tumabi siya sa asawa upang magpahinga na.

Ngunit ang ideya kanina ay pilit pa ring bumabagabag sa kanya at mukhang walang balak na patahimikin siya.

Kaya naman bumangon siya at lakas-loob na hinarap ang asawa. Kagat-labi siyang nagbuntong-hininga.

“Kung talagang nagpapanggap ka lang, malalaman ko…” D
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status