Share

Kabanata 56.2

Kabanata 56.2

“Boss, marami na po sa mga tauhan natin ang nalagas. May mga bago po tayong kalaban. Hindi po namin alam kung saan sila nagmula. Hindi rin po namin alam kung tauhan ba sila ni Noemi o Cindy. Marami po silang mga dalang armas. Mga bihasa rin po sila pagdating sa paghawak at paggamit ng bariL, kutsilyo at palaso! Tumakas na po tayo. Kailangan na po nating umatras. Wala po tayong laban sa kanila.”

BANG!

Nanlaki ang mga mata ng mga tauhan ni Linda nang tumalsik sa kanila ang pulang likido mula sa ulo ng kanilang kasamahan.

Binitiwan ni Linda ang kaniyang isang bariL at bumunot muli ng isa pa mula sa kaniyang likuran. “Siguro naman, may ideya na kayo sa maaaring mangyari sa inyo kapag tinangka niyong umatras sa misyong ito,” aniya sa mahinang tinig.

Nanginig sa takot ang mga tauhan ni Linda.

“Hindi basehan ang bilang para manalo sa laban. Maaaring mas marami sila kaysa sa atin pero itatak niyo sa kokote niyo na pagdating sa diskarte at talas ng isip ay mas lamang tayo. Iwaksi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status