Kabanata 56.2“Boss, marami na po sa mga tauhan natin ang nalagas. May mga bago po tayong kalaban. Hindi po namin alam kung saan sila nagmula. Hindi rin po namin alam kung tauhan ba sila ni Noemi o Cindy. Marami po silang mga dalang armas. Mga bihasa rin po sila pagdating sa paghawak at paggamit ng bariL, kutsilyo at palaso! Tumakas na po tayo. Kailangan na po nating umatras. Wala po tayong laban sa kanila.”BANG!Nanlaki ang mga mata ng mga tauhan ni Linda nang tumalsik sa kanila ang pulang likido mula sa ulo ng kanilang kasamahan.Binitiwan ni Linda ang kaniyang isang bariL at bumunot muli ng isa pa mula sa kaniyang likuran. “Siguro naman, may ideya na kayo sa maaaring mangyari sa inyo kapag tinangka niyong umatras sa misyong ito,” aniya sa mahinang tinig.Nanginig sa takot ang mga tauhan ni Linda.“Hindi basehan ang bilang para manalo sa laban. Maaaring mas marami sila kaysa sa atin pero itatak niyo sa kokote niyo na pagdating sa diskarte at talas ng isip ay mas lamang tayo. Iwaksi
Kabanata 56.3“Senior,” wika ni Set habang ginigising si Don Vandolf.“Umaga na pala. Anong balita? Nakabalik na ba sina Dos?” Mumukat-mukat ang mga mata ni Don Vandolf habang nag-iinat.“Hindi pa rin po sila nakakabalik,” nakayukong tugon ni Set.Namilog ang mga mata ni Don Vandolf. Tinakasan siya bigla ng antok. “Ano? Wala pa rin sila?”Tumango si Set.Sinapo ni Don Vandolf ang kaniyang noo. “Anong oras na? Baka hindi tayo umabot sa kasal nina Jackson at Mereya kapag nagtagal pa sila. Sana naman ay makita at ma rescue agad nila ang taong tinutukoy ni Costello.”“Siya nga po pala, senior…”Tumaas ang isang kilay ni Don Vandolf. “Ano un? May nasagap kang bagong balita?” magkasunod na tanong niya.“Nakausap ko po si Sir Jackson. Susunod daw po siya sa atin dito isla pagkatapos niyang ihatid si Miss Eya,” ulat ni Set.“Anong kat@ngahan na naman ang pumasok sa isip ng isang ‘yon at susundan pa niya tayo rito? Paano niya nalaman na naririto tayo?” Bakas ang pagka-inis sa mukha ni Don Vand
Kabanata 56.4“Hanggang dito na lang ako, my queen.” Ibinigay ni Jackson ang mga maleta ni Mereya sa kaniyang tauhan. Dumaong na ang kaniyang private yacht sa kinaroroonan ng Amanpulo.“Jackson, huwag ka na lang kayang tumuloy? Dito ka na lang sa tabi namin ni baby.” Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Mereya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito.Jackson held Mereya’s hand as he stared into her gorgeous eyes. “Nag-usap na tayo tungkol dito, ‘di ba? Don't worry about me. Hindi ko hahayaang mapahamak ang aking sarili dahil alam kong hihintayin mo ang aking pagbabalik.” He planted a soft kiss on her forehead.Nangingilid ang mga luha ni Mereya. Bigla niyang niyakap nang mahigpit si Jackson. “Basta, nangako kang babalik ka ha. Panghahawakan ko ‘yan. Hihintayin kita. Hihintayin ka namin ni baby.”Ngumiti si Jackson at niyakap na rin pabalik si Mereya. “Oo naman. Kung mahuli man ako ng dating, pakisabi kay pastor na pakihintay ako ha.”“Sir Jackson, nandito na po ang private helicopter.
Kabanata 56.5“Jett!”“Oh kumusta? Nakita mo na ba ang iyong papa?” tanong ni Jett sa papalapit na si Nadia.Nagsalubong ang mga kilay ni Nadia. Bigla niyang tinakpan ang kaniyang mga mata. “Bakit gan’yan ang suot mo? Hindi ka ba nilalamig?” Tumalikod siya kay Jett.“Mag-su-swimming ako eh. Ilang oras pa naman bago ang seremonya kaya naisipan ko munang aliwin ang aking sarili. Kung gusto mo, sumama ka sa akin. Ang linaw ng tubig-dagat oh! Malinaw rin ang tubig sa pools nila. In case naman nilalamig ka, may alam din akong malapit na hotspring.” Natawa si Jett nang makita niyang nagtatadyak si Nadia.“Nakikipaglandian ka ba sa akin? May boyfriend na ako, Jett Jamison kaya lubayan mo ako,” iritang sabi ni Nadia.“I’m not flirting with you. As I have said, you're not my type. Magpapasama lang sana ako sa'yong maghanap ng chickababes.” Isinuot ni Jett ang kaniyang shades.“As if naman type kita! Teka, hindi ba’t may alaga ka? Nasaan si Yael?” Nawala na sa isip ni Nadia ang pakay niya kung
Kabanata 57.1“Linda…”“Long time no see, mistress number 1. Bakit mag-isa ka lang? Nasaan ang legal wife?” Lumingon sa paligid si Linda.“Cindy’s dead,” malungkot at mahinang sagot ni Noemi.Umawang ang bibig ni Linda. Tinitigan niya sa mga mata si Noemi. Maya-maya pa ay tumawa siya nang sobrang lakas. Halos kitang-kita na ang kaniyang ngala-ngala. “Sa tingin mo ba ay maloloko mo ako, Noemi? Hindi ako t@nga tulad nang inaakala mo! Nasaan si Cindy? Ilabas mo siya!”“Mukha ba akong nagloloko, Linda?” Napapikit si Noemi nang kumirot ang kaniyang sugat.Lumakad si Linda palapit kay Noemi. “You’re wounded,” she said, smiling.Umatras si Noemi. “Pakiusap, Linda. Huwag mo akong sasaktan.”“Kinuha ni Linda ang kaniyang bariL at ikinasa iyon. “Hindi naman talaga ikaw ang pakay ko kung bakit ako naparito…ang kaso…”Tumaas ang kilay ni Noemi. ‘Kailangan kong mag-ingat. Mukhang maluwag na nga ang turnilyo sa ulo ng isang ‘to.’“Ang kaso, sabi mo, patay na si Cindy. So paano ko mahahanap ang anak
Kabanata 57.2Pabilis nang pabilis ang tibok ni Noemi. Hindi niya maigalaw ang kaniyang buong katawan. Natulala siya sa may damuhan. Buong akala niya ay hindi na niya mayayakap at makikita si Mereya!Mabilis na pumihit si Linda at itinutok ang kaniyang baril sa papalapit na si Fajardo. “Sinasabi ko na nga ba! Buhay ka pa, Cindy!”Sinadya ni Linda na magpaputok ng baril para palabasin sa lungga ang kaniyang totoong pakay na si Cindy. Pinadaplis niya lang ang bala ng baril sa tuhod ni Noemi. Masuwerte pa rin ito at hindi ito natamaan dahil hindi ito gumalaw man lamang.“Linda, ibaba mo ang baril mo at ibababa ko rin ang sa akin!” sigaw ni Fajardo.Ngumiti si Linda. Matalas ang kaniyang mga mata. Kita niya agad ang nakatagong armas ni Fajardo. Sa halip na ibaba ang hawak niyang baril ay itinutok niya iyon kay Noemi.“Miss Hiraya!” nag-aalalang sigaw ni Fajardo.“Ibigay mo sa akin si Cindy kapalit ng amo mo at walang masasaktan miski sino sa atin,” wika ni Linda.“Pakiusap, Mr. Fajardo, h
Kabanata 57.3“Sir Jackson! Sa wakas, dumating na po kayo!” sigaw ni Set habang sinasalubong ang paparating na si Jackson.Agad na bumaba sa helicopter si Jackson. Sumunod na nag-landing ang isang private plane kung saan sakay ang mga kaibigan niyang pulis at sundalo.“Aray!” Nagtatalon si Jackson nang hampasin ng kaniyang papa ang kaniyang paa.“Bakit ang tagal mo? Alam mo bang nerbyos na nerbyos na ako rito? Anong oras na? Hindi pa rin nakakabalik sina Dos kasama ang balae ko! Wala akong mukhang ihaharap sa mamanugangin ko kapag hindi nakalabas ng buhay ang kaniyang ina sa islang iyon!” dire-diretsong sigaw ni Don Vandolf. Huminga siya nang malalim matapos ang kaniyang litaniya.Tumatalong lumapit si Jackson sa kaniyang papa. Inakbayan niya ito sa balikat. “Papa, kumalma ka lang. Tingnan mo, nakaalis na ang mga pulis at sundalo. Papunta na sila sa kabilang isla para sagipin si Mommy Noemi.”Tiningnan ni Don Vandolf si Jackson nang direkta sa mga mata nito. “Ipanalangin mong buhay pa
Kabanata 57.4“Cindy, tigilan mo na ang kahibangan mo. Kahit patayin mo kami ni Linda ngayon, hindi na mapapabalik pa sa'yo lahat ng perang inaasam mo!”“Tumahimik ka, Noemi! Hindi mo mabibilog ang ulo ko. Hindi ko na kasalanan kung nuknukan ka ng t@nga! Sa dinami-rami ng mga tauhan mo, kay Fajardo ka pa talaga lubusang nagtiwala. Alam mo ba kung bakit nasa panig namin siya? Ex-boyfriend siya ni Merella at higit sa lahat, malaki ang pagkakautang niya sa aming mag-ina!” Nangilid ang mga luha ni Cindy. “Sinira mo ang kaisa-isang pangarap ko buhat pagkabata! Wala kang puso!”Dumura si Noemi sa may damuhan. Tumaas ang isang sulok ng labi niya. “Bahay na bato lang ang sinira ko, Cindy. Eh ikaw? Sinira mo ang tahanan ko. Inagaw mo sa akin si William kahit na alam mong nagdadalang-tao ako. Kinuha mo sa akin si Mereya para lang kawawain at alipustahin. Ngayon, sabihin mo! Sino sa ating dalawa ang walang puso?”Hindi nakapagsalita si Cindy.“Miss Hiraya, pasensya na. Hindi ko talaga kayang tal