Kabanata 56.5“Jett!”“Oh kumusta? Nakita mo na ba ang iyong papa?” tanong ni Jett sa papalapit na si Nadia.Nagsalubong ang mga kilay ni Nadia. Bigla niyang tinakpan ang kaniyang mga mata. “Bakit gan’yan ang suot mo? Hindi ka ba nilalamig?” Tumalikod siya kay Jett.“Mag-su-swimming ako eh. Ilang oras pa naman bago ang seremonya kaya naisipan ko munang aliwin ang aking sarili. Kung gusto mo, sumama ka sa akin. Ang linaw ng tubig-dagat oh! Malinaw rin ang tubig sa pools nila. In case naman nilalamig ka, may alam din akong malapit na hotspring.” Natawa si Jett nang makita niyang nagtatadyak si Nadia.“Nakikipaglandian ka ba sa akin? May boyfriend na ako, Jett Jamison kaya lubayan mo ako,” iritang sabi ni Nadia.“I’m not flirting with you. As I have said, you're not my type. Magpapasama lang sana ako sa'yong maghanap ng chickababes.” Isinuot ni Jett ang kaniyang shades.“As if naman type kita! Teka, hindi ba’t may alaga ka? Nasaan si Yael?” Nawala na sa isip ni Nadia ang pakay niya kung
Kabanata 57.1“Linda…”“Long time no see, mistress number 1. Bakit mag-isa ka lang? Nasaan ang legal wife?” Lumingon sa paligid si Linda.“Cindy’s dead,” malungkot at mahinang sagot ni Noemi.Umawang ang bibig ni Linda. Tinitigan niya sa mga mata si Noemi. Maya-maya pa ay tumawa siya nang sobrang lakas. Halos kitang-kita na ang kaniyang ngala-ngala. “Sa tingin mo ba ay maloloko mo ako, Noemi? Hindi ako t@nga tulad nang inaakala mo! Nasaan si Cindy? Ilabas mo siya!”“Mukha ba akong nagloloko, Linda?” Napapikit si Noemi nang kumirot ang kaniyang sugat.Lumakad si Linda palapit kay Noemi. “You’re wounded,” she said, smiling.Umatras si Noemi. “Pakiusap, Linda. Huwag mo akong sasaktan.”“Kinuha ni Linda ang kaniyang bariL at ikinasa iyon. “Hindi naman talaga ikaw ang pakay ko kung bakit ako naparito…ang kaso…”Tumaas ang kilay ni Noemi. ‘Kailangan kong mag-ingat. Mukhang maluwag na nga ang turnilyo sa ulo ng isang ‘to.’“Ang kaso, sabi mo, patay na si Cindy. So paano ko mahahanap ang anak
Kabanata 57.2Pabilis nang pabilis ang tibok ni Noemi. Hindi niya maigalaw ang kaniyang buong katawan. Natulala siya sa may damuhan. Buong akala niya ay hindi na niya mayayakap at makikita si Mereya!Mabilis na pumihit si Linda at itinutok ang kaniyang baril sa papalapit na si Fajardo. “Sinasabi ko na nga ba! Buhay ka pa, Cindy!”Sinadya ni Linda na magpaputok ng baril para palabasin sa lungga ang kaniyang totoong pakay na si Cindy. Pinadaplis niya lang ang bala ng baril sa tuhod ni Noemi. Masuwerte pa rin ito at hindi ito natamaan dahil hindi ito gumalaw man lamang.“Linda, ibaba mo ang baril mo at ibababa ko rin ang sa akin!” sigaw ni Fajardo.Ngumiti si Linda. Matalas ang kaniyang mga mata. Kita niya agad ang nakatagong armas ni Fajardo. Sa halip na ibaba ang hawak niyang baril ay itinutok niya iyon kay Noemi.“Miss Hiraya!” nag-aalalang sigaw ni Fajardo.“Ibigay mo sa akin si Cindy kapalit ng amo mo at walang masasaktan miski sino sa atin,” wika ni Linda.“Pakiusap, Mr. Fajardo, h
Kabanata 57.3“Sir Jackson! Sa wakas, dumating na po kayo!” sigaw ni Set habang sinasalubong ang paparating na si Jackson.Agad na bumaba sa helicopter si Jackson. Sumunod na nag-landing ang isang private plane kung saan sakay ang mga kaibigan niyang pulis at sundalo.“Aray!” Nagtatalon si Jackson nang hampasin ng kaniyang papa ang kaniyang paa.“Bakit ang tagal mo? Alam mo bang nerbyos na nerbyos na ako rito? Anong oras na? Hindi pa rin nakakabalik sina Dos kasama ang balae ko! Wala akong mukhang ihaharap sa mamanugangin ko kapag hindi nakalabas ng buhay ang kaniyang ina sa islang iyon!” dire-diretsong sigaw ni Don Vandolf. Huminga siya nang malalim matapos ang kaniyang litaniya.Tumatalong lumapit si Jackson sa kaniyang papa. Inakbayan niya ito sa balikat. “Papa, kumalma ka lang. Tingnan mo, nakaalis na ang mga pulis at sundalo. Papunta na sila sa kabilang isla para sagipin si Mommy Noemi.”Tiningnan ni Don Vandolf si Jackson nang direkta sa mga mata nito. “Ipanalangin mong buhay pa
Kabanata 57.4“Cindy, tigilan mo na ang kahibangan mo. Kahit patayin mo kami ni Linda ngayon, hindi na mapapabalik pa sa'yo lahat ng perang inaasam mo!”“Tumahimik ka, Noemi! Hindi mo mabibilog ang ulo ko. Hindi ko na kasalanan kung nuknukan ka ng t@nga! Sa dinami-rami ng mga tauhan mo, kay Fajardo ka pa talaga lubusang nagtiwala. Alam mo ba kung bakit nasa panig namin siya? Ex-boyfriend siya ni Merella at higit sa lahat, malaki ang pagkakautang niya sa aming mag-ina!” Nangilid ang mga luha ni Cindy. “Sinira mo ang kaisa-isang pangarap ko buhat pagkabata! Wala kang puso!”Dumura si Noemi sa may damuhan. Tumaas ang isang sulok ng labi niya. “Bahay na bato lang ang sinira ko, Cindy. Eh ikaw? Sinira mo ang tahanan ko. Inagaw mo sa akin si William kahit na alam mong nagdadalang-tao ako. Kinuha mo sa akin si Mereya para lang kawawain at alipustahin. Ngayon, sabihin mo! Sino sa ating dalawa ang walang puso?”Hindi nakapagsalita si Cindy.“Miss Hiraya, pasensya na. Hindi ko talaga kayang tal
Kabanata 57.5Nangangatal ang labi nina Linda at Noemi nang makita nila ang duguang kamay ni Cindy.Bago pa man makalabit ni Cindy ang hawak niyang bariL ay nalaglag na ito sa may damuhan. Napuruhan siya sa kamay ni Dos. Nang mapagtanto niyang duguan siya ay napasigaw siya. Ramdam na ramdam na niya ang sakit na nagmumula sa kaniyang sugatang kamay.“Fajardo!” umiiyak na sigaw ni Noemi.“P-Patawad, Miss H-Hiraya. S-Salamat sa pagiging mabuti mo sa akin. H-Hinding-hindi…” Sumuka ng dugo si Fajardo bago tuluyang natumba sa may damuhan.“Huwag ka nang magsalita! Kailangan mong ipunin ang iyong lakas!” Nanginginig man ang mga tuhod ni Noemi ay pinilit pa rin niyang gumapang sa kinaroroonan ni Fajardo. Nasa harapan ito nang sumisigaw at gulat na gulat na si Cindy.“A-Anong nangyari? Bakit? Ba-Bakit duguan si…Fajardo?” nauutal na sambit ni Cindy.“B0b0 ka ba? Malamang sinalo niya ang pangalawang bala na para sana sa'yo! Ikaw sana ang nasa bingit ng kamatayan ngayon!” nagngingitngit sa galit
Kabanata 58.1“My little sunshine!” Maluha-luhang sinalubong ni Don Desmundo ang kaniyang apong si Mereya. Agad niya itong niyakap.“Lolo, nakalabas na po kayo ng kulungan! Sobrang saya ko po!” Nabasa ang mga pisngi ni Mereya. Kumawala siya sa pagkakayakap ng lolo niya. “Teka, lolo. Nasaan po si lola? Kasama niyo rin po ba siya?” Luminga-linga siya sa paligid. Kumunot ang noo niya nang hindi niya nakita ang hinahanap niya.Yumuko si Don Desmundo at umiling. “Patay na ang lola mo, Eya. Namatay siya sa kulungan,” bagsak ang balikat na sabi niya.Dumaloy ang masaganang luha ni Mereya sa kaniyang mga mata. Ang kaniyang lola na halos araw-araw niyang dinadalaw noon sa kulungan para dalhan ng paborito nitong sinukmani at bibingka ay yumao na.Ikinuyom ni Don Desmundo ang kaniyang mga kamay. “Kung hindi lang kami nakulong ng lola mo, hindi sana hahantong sa ganito ang lahat. Ilang taon din ang binuno namin sa mabaho, masikip at magulong lugar na iyon.”Niyakap nang mahigpit ni Mereya ang kan
Kabanata 58.2Bubuka na sana ang bibig ni Don Desmundo nang biglang mag ring ang kaniyang cell phone. “Let me take this call muna, my little sunshine. Huwag ka munang aalis.” Lumakad siya nang kaunti palayo kay Mereya. “Hello. Bakit ka napatawag?”[“Boss, may kailangan po kayong malaman.”]Umalon ang noo ni Don Desmundo. “Ano ‘yon? Have you already acquired stronger evidence against Don Vandolf's eldest son?” nakangiti niyang tanong.[“Boss, hindi po si Jackson Gray ang pumatay kay Sir William.”]“WHAT? WHAT NONSENSE ARE YOU TALKING ABOUT? YOU SAID HE KILLED HIM!” Don Desmundo’s face turned red.[“Someone else killed your son, boss. Your daughter, Nadia with the help of one of the Grays, found a solid evidence against your former maid.”]“Former maid? Who are you referring to? That Linda?” Don Desmundo's voice pitched up.“Linda?” bulong ni Mereya. “Mukhang hindi maganda ang mood ni lolo ah.”[“Linda is one of your son’s mistresses. She told someone that she's pregnant with your grand
Kabanata 60.2 - Ang Wakas Pasan ni Jackson si Baby Sonya habang binibigyan ng lilom si Mereya. Nagtitirik ngayon ng kandila sa puntod ni Linda ang kaniyang asawa. Tumayo si Mereya matapos niyang magsindi ng kandila. “Aling Linda, nais kong malaman mo na napatawad ka na namin nina mommy, Tita Nadia at lolo. Maraming salamat dahil iniligtas mo ang buhay ko. Kung saan ka man naroroon, sana maging masaya ka. Huwag kang mag-alala, kami na ang bahala kay Yuna. Nasa Paris nga pala siya ngayon. Inaasikaso niya ang company na ipinamana mo sa kaniya. Pasensya ka na kasi sinabi namin sa kaniya ang totoo. Deserve niya kasing malaman ‘yon. Huwag kang mag-alala, hindi na siya galit sa'yo. Nagpapasalamat siya dahil kahit saglit ay pinuntahan, kinausap at niyakap mo siya. Hindi naging madali sa kaniya ang lahat. Isang taon din siyang hindi nagparamdam sa aming lahat. Isang taon niyang hinanap ang kaniyang sarili at isang taon ka rin niyang paulit-ulit na dinalaw rito. Masaya na siya ngayon, Aling
Kabanata 60.1“Nasaan si Yael?” tarantang tanong ni Jett kina Set at Jun. Magkakasama silang kumakain kanina nang magpaalam ang kaniyang pamangkin na pupunta sa banyo. Halos sampung minuto na ang dumaan ay hindi pa ito bumabalik kaya napilitan silang sundan ito. Laking gulat ng tatlo nang hindi nila ito nakita sa restroom.“Baka po namamasyal lang?” ani Jun.“Namamasyal? Hindi aalis ang batang ‘yon nang hindi nagsasabi sa akin. Dàmn!” Napatingin si Jett sa kaniyang relo. “Malapit nang mag-umpisa ang kasal nina kuya. Kailangan na nating mahanap si Yael. Maghiwa-hiwalay tayo. Tawagan niyo agad ako kapag nakita ko na siya, maliwanag ba?”“Sige po, Sir Jett,” magkasabay na tugon nina Set at Jun. Umalis na silang dalawa. Tulad ng panuto ni Jett, naghiwalay sila ng direksyon.Sa pagkataranta ni Jett ay hindi na niya naisipang i-check ang kuha ng security cameras sa paligid. “Mapapatay ako ni Hakob kapag may nangyaring masama kay Yael. Tang.ina! Napakalawak ng resort na ito. Saan ako mag-uum
Kabanata 59.5“Ikaw ba si Yuna?” nakangiting tanong ni Linda matapos niyang lumapit dito. Nasa restroom sila habang kapwa nag-re-retouch ng kanilang make-up.Kumunot ang noo ni Yuna. Tiningnan niya nang matagal sa mukha si Linda. “Ako nga. Do you know me? ‘Coz, I don't know you.” Bumalik siya sa kaniyang ginagawa.“Ku-Kumusta ka? Ano kasi. Matalik akong kaibigan ng iyong lola. Isa ako sa mga natulungan niya dati. Masaya akong makita ka ngayon. Napakabata mo pa noong huli kitang nakita,” naluluhang sambit ni Linda. Nagdesisyon siyang hindi na magpakilala kay Yuna bilang ina nito dahil ayaw niyang kamuhian siya nito. Isa pa, ayaw niyang maging pabigat dito. Ayaw rin niyang bansagan ito ng ibang tao na anak ng isang kriminal. Nakausap na niya ang witness na tinutukoy ni Jackson. Hindi na siya tumanggi sa kasalanan niya dahil ayaw na niyang dagdagan pa ito. Hindi na rin siya maghahabol sa yaman ng mga Wrights dahil napag-alaman niyang ang witness na ito pala na dating hardinero sa mansyon
Kabanata 59.4“Anak…”“Ikaw? Ikaw ang tunay kong ina?” wala sa sariling tanong ni Mereya.Tumango nang marahan si Noemi. “Ako nga, anak.” Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luha.Tinitigan nang matagal ni Mereya ang kaniyang ina. Panay ang lunok niya. Hindi niya mawari kung bakit hindi siya makaalis sa kaniyang kinatatayuan. Maya-maya pa ay naramdaman niyang basa na ang kaniyang mga pisngi.“Masisira ang make-up mo, anak. Huwag kang umiyak,” mahinang sabi ni Noemi.“Unang beses kitang nakita. Kamukha pala kita? Hindi ko alam kung tama ba ang mga sinasabi ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa'yo.” Pinahid ni Mereya ang kaniyang mga luha.Mabilis na lumakad si Noemi palapit kay Mereya at niyakap ito nang mahigpit. Walang salitang lumabas sa kaniyang bibig. Tanging paghikbi lamang nilang dalawa ang maririnig sa silid.Pumikit si Mereya at ninamnam ang unang yakap mula sa kaniyang tunay na ina. Hindi niya akalaing ganoon pala iyon kasarap sa pakiramdam. Ti
Kabanata 59.3“Malapit nang mag-umpisa ang seremonya. Handa ka na ba, anak?” nakangiting tanong ni Don Vandolf.Pagkarating na pagkarating nina Jackson ay agad silang nag-ayos at nagbihis. Naroroon na rin ang pastor na magkakasal sa kanila ni Mereya. Humingi siya ng dalawampung minutong palugit para pagbigyang makipag-usap sina Noemi at Mereya.“Kinakabahan ako, papa. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman pero sobrang saya ko. Kahit yata maghapon akong maghintay rito eh ayos lang sa akin. Miss na miss ko na agad ang mag-ina ko, papa,” maluha-luhang sambit ni Jackson.Tinapik ni Don Vandolf ang balikat ng kaniyang anak. “I am so glad that you became the man I pray you to become. Nakikita at ramdam ko kung gaano mo kamahal ang iyong mag-ina. Just a heads up, anak. Hindi araw-araw ay magiging maayos ang samahan niyong mag-asawa. May mga araw na mararamdaman mong parang nababawasan ang pagmamahal mo sa kaniya. May mga araw na mag-aaway o magkakatampuhan kayong dalawa at may mga ara
Kabanata 59.2“Kumusta si papa?”“Okay naman po ang vital signs niya. Mamaya raw po ay malaki ang chance na magkaroon na siya ng malay,” ulat ng tauhan ni Nadia.“Huwag niyong hahayaang makalabas ng hospital si papa. Ano palang balita sa port? Wala pa sina Jackson?” Nililinis ni Nadia ang kaniyang bariL.“Kanina pa pong dumating ang yate nila. Anytime po ay parating na sila rito.”“Good. Tell our people to standby. Pumwesto na rin kayo sa inyong mga lugar. Siguraduhin niyong walang makakapanggulo sa kasal ng aking pamangkin. Everything should went smooth hanggang sa makaalis ang bagong kasal,” turan ni Nadia.“Opo, Miss N. Makakaasa po kayo.”“Another thing, tandaan niyong si Linda ang target natin. Alam niyo na naman ang hitsura niya dahil matagal ko rin siyang nakasama. Siya lang ang kailangan niyong kidnapin pagkatapos ng seremonya. Huwag na huwag niyong sasaktan ang iba lalong-lalo na ang mga mahal ni Eya.” Ngumiti si Nadia. “Ayan, makintab na.” Itinutok niya sa pader ang kaniyang
Kabanata 59.1“Ang ganda-ganda mo, babaita! Sigurado akong mahuhulog ang brief ni Fafa Jackson kapag nakita ka niya mamaya! Grabeng ganda naman ng buntis na ito!” pumapalakpak na sabi ni Yuna habang pinagmamasdan ang kaniyang pinakamatalik na kaibigan. Hindi pa ito tapos ayusan ng make-up artist at ng hairstylist nito pero litaw na litaw na lalo ang angkin nitong ganda!“Ikaw talaga, Yuna. Napaka overrated mo talaga mag describe,” natatawang sambit ni Mereya.“Ay nako, babaita! Hindi sa pagkukuwan pero napakaganda mo talaga today! Pak na pak!” Nakaayos na si Yuna at tapos na rin siyang magbihis. Hindi siya mapakali sa kaniyang silid kaya pumunta siya sa silid kung inaayusan si Mereya. “Nakita ko nga pala si Tita Nadia mo, ang ganda-ganda rin niya! Grabe kayong mga Wrights. Noong naghasik yata si Lord ng kagandahan eh sinalo niyo halos lahat!”Napatawa si Mereya. “Yuna, kumusta nga pala si lola? Okay lang ba siya? Saan ka nga pala naglagi noong nagkahiwalay tayo? Pasensya ka na ha. Nai
Kabanata 58.5“Jackson, senior, Set, maraming maraming salamat sa pagligtas niyo sa akin. Utang ko sa inyo ang buhay ko. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito,” ani Noemi. Lulan na sila ng yate at naglalakbay na patungo sa isla ng Pamalican.“Walang anuman, balae. Hindi ko akalain na halos kasing bata ka lang pala ni Mereya. Kahit sinong lalaki ay mapapagkamalan kang dalaga. Hindi halata ang edad mo sa hitsura mo.” Ngiting-ngiti si Don Vandolf habang nakatingin kay Noemi.Tumikhim si Jackson. “Papa, nakakahiya kay M-Mommy Noemi,” bulong ni Jackson. Katabi niya sa upuan ang kaniyang papa, katabi naman nito si Set.“Anong nakakahiya sa sinabi ko? Totoo naman ang lahat ng iyon. Huwag kang mag-alala, graduate na ako sa pagiging playboy. Isa pa, balae ko siya. Masyado yatang marumi ang utak mo, anak. Gusto mo bang hilamusan kita ng tubig-dagat para mahimasmasan ka?” pabirong turan ni Don Vandolf.Napatawa si Noemi.“Papa naman,” natatawang wika ni Jackson.Tiningnan ni Don Vandolf si Lind
Kabanata 58.4“Tita Nadia, ano pong ibig mong sabihin?”“Hindi si Jackson ang pumatay kay Kuya William. Siya rin ang una kong naging suspect pero it turns out that someone who's not even a lead became the perpetrator. I'm sorry, Eya. Nahihiya ako sa'yo, in behalf of papa rin, kasi nagpunta kami rito sa Palawan hindi para unattend ng kasal mo kung hindi para iligpit sana ang mapapangasawa mo. Nagpunta kami rito para ilayo ka kay Jackson. Patawarin mo kami, Eya.” Luluhod pa sana si Nadia sa harap ng kaniyang pamangkin nang pigilan siya nito.“No, tita. Hindi kayo dapat sa akin humihingi ng sorry. Kay Jackson dapat tayo humingi ng kapatawaran. Hindi ko kayo masisisi ni lolo kasi kahit ako, noong nalaman kong si Jackson ang salarin eh hindi man lang ako nagdalawang-isip na mag-imbestiga muna. I even made up my mind that I am not going to marry him. I even want to give him to the police. Worst, I even think to kill him. I'm so ashamed of myself. Now, I want to ask myself if I deserve him.