Kabanata 57.5Nangangatal ang labi nina Linda at Noemi nang makita nila ang duguang kamay ni Cindy.Bago pa man makalabit ni Cindy ang hawak niyang bariL ay nalaglag na ito sa may damuhan. Napuruhan siya sa kamay ni Dos. Nang mapagtanto niyang duguan siya ay napasigaw siya. Ramdam na ramdam na niya ang sakit na nagmumula sa kaniyang sugatang kamay.“Fajardo!” umiiyak na sigaw ni Noemi.“P-Patawad, Miss H-Hiraya. S-Salamat sa pagiging mabuti mo sa akin. H-Hinding-hindi…” Sumuka ng dugo si Fajardo bago tuluyang natumba sa may damuhan.“Huwag ka nang magsalita! Kailangan mong ipunin ang iyong lakas!” Nanginginig man ang mga tuhod ni Noemi ay pinilit pa rin niyang gumapang sa kinaroroonan ni Fajardo. Nasa harapan ito nang sumisigaw at gulat na gulat na si Cindy.“A-Anong nangyari? Bakit? Ba-Bakit duguan si…Fajardo?” nauutal na sambit ni Cindy.“B0b0 ka ba? Malamang sinalo niya ang pangalawang bala na para sana sa'yo! Ikaw sana ang nasa bingit ng kamatayan ngayon!” nagngingitngit sa galit
Kabanata 58.1“My little sunshine!” Maluha-luhang sinalubong ni Don Desmundo ang kaniyang apong si Mereya. Agad niya itong niyakap.“Lolo, nakalabas na po kayo ng kulungan! Sobrang saya ko po!” Nabasa ang mga pisngi ni Mereya. Kumawala siya sa pagkakayakap ng lolo niya. “Teka, lolo. Nasaan po si lola? Kasama niyo rin po ba siya?” Luminga-linga siya sa paligid. Kumunot ang noo niya nang hindi niya nakita ang hinahanap niya.Yumuko si Don Desmundo at umiling. “Patay na ang lola mo, Eya. Namatay siya sa kulungan,” bagsak ang balikat na sabi niya.Dumaloy ang masaganang luha ni Mereya sa kaniyang mga mata. Ang kaniyang lola na halos araw-araw niyang dinadalaw noon sa kulungan para dalhan ng paborito nitong sinukmani at bibingka ay yumao na.Ikinuyom ni Don Desmundo ang kaniyang mga kamay. “Kung hindi lang kami nakulong ng lola mo, hindi sana hahantong sa ganito ang lahat. Ilang taon din ang binuno namin sa mabaho, masikip at magulong lugar na iyon.”Niyakap nang mahigpit ni Mereya ang kan
Kabanata 58.2Bubuka na sana ang bibig ni Don Desmundo nang biglang mag ring ang kaniyang cell phone. “Let me take this call muna, my little sunshine. Huwag ka munang aalis.” Lumakad siya nang kaunti palayo kay Mereya. “Hello. Bakit ka napatawag?”[“Boss, may kailangan po kayong malaman.”]Umalon ang noo ni Don Desmundo. “Ano ‘yon? Have you already acquired stronger evidence against Don Vandolf's eldest son?” nakangiti niyang tanong.[“Boss, hindi po si Jackson Gray ang pumatay kay Sir William.”]“WHAT? WHAT NONSENSE ARE YOU TALKING ABOUT? YOU SAID HE KILLED HIM!” Don Desmundo’s face turned red.[“Someone else killed your son, boss. Your daughter, Nadia with the help of one of the Grays, found a solid evidence against your former maid.”]“Former maid? Who are you referring to? That Linda?” Don Desmundo's voice pitched up.“Linda?” bulong ni Mereya. “Mukhang hindi maganda ang mood ni lolo ah.”[“Linda is one of your son’s mistresses. She told someone that she's pregnant with your grand
Kabanata 58.3“Finally, I'm done! Magkakapera na ulit ako!” ani Jett habang nag-iinat ng kaniyang mga kamay. Tagumpay niyang nahanap ang lokasyon ni Don Desmundo, kuwarenta minuto na ang nakakaraan. Agad na umalis si Nadia para puntahan ang papa nito pagkatapos niyang ibigay ang eksaktong kinaroroonan ng matanda. Sunod niyang ginawa ay tinawagan ang numero ni Don Desmundo. Gumamit siya ng mimic app para gayahin ang boses ng private investigator nito. Sa tulong ng mga nakalap na impormasyon ni Nadia ay naisalaysay niya nang maayos ang katotohanan kay Don Desmundo.“Tito Jett, ano pong ginawa mo kanina? Seryosong-seryoso po kasi ang mukha niyo,” tanong ni Yael habang tumatakbo palapit kay Jett.“Nag work lang si tito. Bakit mag-isa ka lang? Nasaan ang Tita Yuna mo?” Itinabi na ni Jett ang kaniyang laptop at iba pang kagamitan sa lagayan.“Umalis po saglit si tita. May bibilhin lang daw po siya,” tugon ni Yael.Naalala ni Jett ang mga nabasa niya sa mga dokumentong ibinigay sa kaniya ni
Kabanata 58.4“Tita Nadia, ano pong ibig mong sabihin?”“Hindi si Jackson ang pumatay kay Kuya William. Siya rin ang una kong naging suspect pero it turns out that someone who's not even a lead became the perpetrator. I'm sorry, Eya. Nahihiya ako sa'yo, in behalf of papa rin, kasi nagpunta kami rito sa Palawan hindi para unattend ng kasal mo kung hindi para iligpit sana ang mapapangasawa mo. Nagpunta kami rito para ilayo ka kay Jackson. Patawarin mo kami, Eya.” Luluhod pa sana si Nadia sa harap ng kaniyang pamangkin nang pigilan siya nito.“No, tita. Hindi kayo dapat sa akin humihingi ng sorry. Kay Jackson dapat tayo humingi ng kapatawaran. Hindi ko kayo masisisi ni lolo kasi kahit ako, noong nalaman kong si Jackson ang salarin eh hindi man lang ako nagdalawang-isip na mag-imbestiga muna. I even made up my mind that I am not going to marry him. I even want to give him to the police. Worst, I even think to kill him. I'm so ashamed of myself. Now, I want to ask myself if I deserve him.
Kabanata 58.5“Jackson, senior, Set, maraming maraming salamat sa pagligtas niyo sa akin. Utang ko sa inyo ang buhay ko. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito,” ani Noemi. Lulan na sila ng yate at naglalakbay na patungo sa isla ng Pamalican.“Walang anuman, balae. Hindi ko akalain na halos kasing bata ka lang pala ni Mereya. Kahit sinong lalaki ay mapapagkamalan kang dalaga. Hindi halata ang edad mo sa hitsura mo.” Ngiting-ngiti si Don Vandolf habang nakatingin kay Noemi.Tumikhim si Jackson. “Papa, nakakahiya kay M-Mommy Noemi,” bulong ni Jackson. Katabi niya sa upuan ang kaniyang papa, katabi naman nito si Set.“Anong nakakahiya sa sinabi ko? Totoo naman ang lahat ng iyon. Huwag kang mag-alala, graduate na ako sa pagiging playboy. Isa pa, balae ko siya. Masyado yatang marumi ang utak mo, anak. Gusto mo bang hilamusan kita ng tubig-dagat para mahimasmasan ka?” pabirong turan ni Don Vandolf.Napatawa si Noemi.“Papa naman,” natatawang wika ni Jackson.Tiningnan ni Don Vandolf si Lind
Kabanata 59.1“Ang ganda-ganda mo, babaita! Sigurado akong mahuhulog ang brief ni Fafa Jackson kapag nakita ka niya mamaya! Grabeng ganda naman ng buntis na ito!” pumapalakpak na sabi ni Yuna habang pinagmamasdan ang kaniyang pinakamatalik na kaibigan. Hindi pa ito tapos ayusan ng make-up artist at ng hairstylist nito pero litaw na litaw na lalo ang angkin nitong ganda!“Ikaw talaga, Yuna. Napaka overrated mo talaga mag describe,” natatawang sambit ni Mereya.“Ay nako, babaita! Hindi sa pagkukuwan pero napakaganda mo talaga today! Pak na pak!” Nakaayos na si Yuna at tapos na rin siyang magbihis. Hindi siya mapakali sa kaniyang silid kaya pumunta siya sa silid kung inaayusan si Mereya. “Nakita ko nga pala si Tita Nadia mo, ang ganda-ganda rin niya! Grabe kayong mga Wrights. Noong naghasik yata si Lord ng kagandahan eh sinalo niyo halos lahat!”Napatawa si Mereya. “Yuna, kumusta nga pala si lola? Okay lang ba siya? Saan ka nga pala naglagi noong nagkahiwalay tayo? Pasensya ka na ha. Nai
Kabanata 59.2“Kumusta si papa?”“Okay naman po ang vital signs niya. Mamaya raw po ay malaki ang chance na magkaroon na siya ng malay,” ulat ng tauhan ni Nadia.“Huwag niyong hahayaang makalabas ng hospital si papa. Ano palang balita sa port? Wala pa sina Jackson?” Nililinis ni Nadia ang kaniyang bariL.“Kanina pa pong dumating ang yate nila. Anytime po ay parating na sila rito.”“Good. Tell our people to standby. Pumwesto na rin kayo sa inyong mga lugar. Siguraduhin niyong walang makakapanggulo sa kasal ng aking pamangkin. Everything should went smooth hanggang sa makaalis ang bagong kasal,” turan ni Nadia.“Opo, Miss N. Makakaasa po kayo.”“Another thing, tandaan niyong si Linda ang target natin. Alam niyo na naman ang hitsura niya dahil matagal ko rin siyang nakasama. Siya lang ang kailangan niyong kidnapin pagkatapos ng seremonya. Huwag na huwag niyong sasaktan ang iba lalong-lalo na ang mga mahal ni Eya.” Ngumiti si Nadia. “Ayan, makintab na.” Itinutok niya sa pader ang kaniyang