Share

Chapter 30

Penulis: Serene Hope
last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-14 14:03:44

“GERALD, hindi mo man lang sa ‘min binabanggit na girlfriend mo pala ang CEO ng MS Wine Haven. Ang galing mong pumili ng babae, anak. Maganda, matalino at professional ang girlfriend mong napili,” masayang wika ng mommy niya nang pumasok ito sa kanyang kwarto kasunod si Vivian.

Napabuntung-hininga na lang siya sa sinambit ng ina. Talagang nagpakilalang girlfriend niya si Vivian dito. At mukhang na-manipulate na rin ito ni Vivian dahil proud na proud ito sa babae. Talagang nag-ayos pa ito na para bang nakikibagay sa mga taong pupuntahan na alam nitong mayayamang tao.

“I’m sorry, mommy, hindi ko na nabanggit sa inyo,” hinging paumanhin niya, nasabi rin lang naman ni Vivian na girlfriend niya ito, well, sasakyan na lang muna niya para walang maging problema.

Nalukot naman ang mukha ni Vivian pagkakita sa hitsura niya. “Oh my God, Hon! What happen to you??? Sinong may gawa nito sa ‘yo?” nag-aalalang tanong nito sa kanya.

“Maiwan ko na muna kayo rito, ha? May pupuntahan pa kasi ako. At Ger
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 31

    PAGPASOK ni Katrina sa loob ng mansyon ay nakita niyang may nakaparadang kotse kung saan doon niya ipinaparada ang kanyang sasakyan. Hindi iyon pamilyar sa kanya kaya nagtataka siya kung kanino iyon.Pagpasok niya sa mansyon ay agad niyang hinagilap ng paningin ang mag-asawa, pero hindi niya ito makita. Eksaktong napadaan siya sa tapat ng kwarto ni Gerald at naulinigan niyang may kausap itong babae. Doon pumasok sa isip niya na baka ang kausap nito ang nagmamay-ari ng sasakyan.Aalis na sana siya sa tapat ng silid para ipagpatuloy ang paghahanap sa mag-asawa nang bumukas ang pintuan nito. Iniluwa niyon si Gerald kasunod ang isang babaeng todo sa porma. Saglit niya lang itong tiningnan at inalis din niya ang mata niya roon.“Ate Kat, kanina ka pa ba riyan?” tanong sa kanya ni Gerald. Nakasanayan na nitong tawagin siyang ate kaysa tita dahil ilang taon lang naman ang agwat niya rito.“Hindi naman, kararating ko lang. Hinahanap ko sina tito at tita at saka si ate Gladys. Nasaan ba sila?”

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-14
  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 32

    BINABAYBAY ni Weston ang daan patungo sa parking area ng kanyang kompanya dahil maaga siyang uuwi para makita agad si Saskia. Parang ang tagal ng bawat oras para sa kanya lalo na ‘t minu-minuto ay gusto niyang masilayan ang asawa. Hulog na hulog na talaga ang loob niya rito lalo na ngayong ganap na silang mag-asawa.Ngunit napakunot ang noo niya ng makita niyang nakasandal sa sasakyan niya si Katrina. Napabuntung-hininga na lang siya. Nakalimutan din pala niyang sabihin sa guard na pati si Katrina maliban kay Gerald at ate Gladys niya, ay banned na rin ito at hindi na pwedeng pumasok pa sa komapanya.“Anong ginagawa mo rito?” walang reaksyong tanong niya rito.“Dinadalaw ka, since hindi ka na umuuwi sa mansyon,” kagat-labing sagot nito na para bang nang-aakit.“Hindi ako pasyente para dalawin, at mas lalong hindi ako patay. Kaya huwag ka nang magsayang ng oras at panahon sa kakahabol sa ‘kin dahil sinisigurado ko sa ‘yo na pagod lang ang mapapala mo,” sarkastikong sambit niya.Biglang

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-16
  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 01

    “MGA WALANGHIYA kayo! Mga manloloko! Ginawa niyo pa talagang motel itong opisina ko!” sigaw ni Saskia, sa kabila ng galit at panggigigil.Pagbukas niya ng pinto ng opisina, nabungaran niya ang kanyang nobyong si Gerald, kasalukuyang Chief Financial Officer ng MS Wine Haven, na siyang pag-aari ng kanilang pamilya, at si Vivian, ang kanyang pinsang buo at sekretarya, na nagtatalik.Dahil sa pagkagulat sa kanyang presensiya, agad-agad na nag-ayos ng kani-kanilang sarili ang dalawa.“Gerald, isang buwan na lang ay ikakasal na tayo. Pero ano ‘tong ginagawa mo?!” mariing sambit niya, pilit pinipigilan ang sariling huwag maiyak. “At ikaw naman, Vivian, baling niya sa pinsan. “Paano mo nagawa sa ‘kin ito? Lahat ng ganap namin sa buhay, lahat sinasabi ko sa ‘yo! Kaya bakit? Bakit si Gerald pa?” nanggagalaiti niyang tanong sa pinsan.Gustuhin man niyang manakit, hindi niya magawa dahil hindi siya bayolenteng tao.“Ba-Babe, magpapali­—”Hindi na niya pinapatapos ang pagsasalita ng kanyang nobyo.

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-03
  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 02

    GULAT NA GULAT si Saskia sa sinabi sa kanya ng estrangherong lalaki. Hindi tuloy niya maiwasang titigan ito nang maigi habang nakakunot ang kanyang noo. Kanina pa man din siya nagtataka kung paano siya nakilala ng lalaki, kaya naguguluhan siya at pilit na inaalala kung nagkita na ba sila noon.Ngunit habang tumatagal ang pagkakatitig niya rito, para siyang nawawala sa kanyang sarili, na para bang nahihipnotismo. Napakagwapo pala nito at parang wala man lang kapintasan sa hitsura. Perkpektong-perpekto sa kanyang paningin ang pagkakahulma sa bawat bahagi ng pigura nito na para bang inukit ng isang magaling na manlililok.Hindi rin nakaligtas sa kanyang mga mata ang malaki at maskulado nitong katawan na hindi kayang itago ng suot nitong makapal na jacket. Pakiramdam niya’y nakita na niya ito dahil naging pamilyar sa kanya ang mukha nito matapos niya itong titigan.Nagbalik lang siya sa reyalidad nang tumikhim ito.“Hmmm, may problema ba sa mukha ko at ganoon ka na lang makatitig sa ‘kin?

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-03
  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 03

    NAIINIS si Saskia sa kanyang sarili dahil hindi niya mapigilang nerbyusin at mautal kapag nasa harapan siya ng binata. Nahihinuha naman niya na posibleng gumawa ito ng kontrata, ngunit hindi pa rin niya mapigilan ang sarili na magulat.Todo ensayo pa siya bago umalis kung paano aaktong normal kapag magkaharap na sila, pero ang lintik niyang puso ay ayaw makisama. Medyo may kakapalan ang kontratang binabasa niya at napakarami ring nakasulat, kaya nilaktawan na lang niya ang iba at binuklat ang pahina nito sa pinakadulong bahagi, at pinirmahan.Napaigtad pa siya nang biglang magsalita ang binata.“Delikado ang basta na lang nagpipirma ng hindi binabasa lahat ng nakasaad,” sambit nito sa seryosong tinig.“Isa lang din naman ang patutunguhan natin, ang magpakasal. Wala ka naman sigurong inilagay dito na ikapapahamak ko, ‘di ba?” pilit niyang pinapakalma ang sarili para hindi siya pumiyok.Tumingin ito ng diretso sa kanyang mga mata. “Wala akong ibang gusto kundi ang maging akin ka, Saskia

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-03
  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 04

    “KIA, pwede ka namang magpahinga kung napapagod ka sa trabaho, hindi iyong kung anu-ano na lang ang lumalabas diyan sa bibig mo para gawing excuse. Una, sinisiraan mo sina Gerald at Vivian na may lihim na relasyon. At ngayon naman, sinasabi mo na kasal ka na. Kia, nasa normal ka pa bang pag-iisip?” sambit ng kanyang ina.“Sinabi ko naman kasi sa ‘yo na ipasa mo na kay Vivian ang pagiging COO ng kompanya, dahil mabigat na responsibilidad talaga ang pagiging CEO at COO. Ang tigas kasi ng ulo mo, eh! Kayang-kaya naman iyan ni Vivian! Hindi ko nga alam kung bakit parang wala kang tiwala sa pinsan mo,” sabat ng kanyang ama.“Dad, Mom, wala ito sa kung napapagod ako. Totoo ang sinasabi ko, kasal na ako,” sagot niya sa mga ito.“Kung gano’n, kaninong pipitsuging lalaki ka naman nagpakasal, ha? Nagpakasal ka ng wala man lang basbas at pahintulot namin? Wala kang respeto!” sigaw ng kanyang ina.“Dahil sa ginawa mong ‘yan, Kia, pinatunayan mo lang sa ‘min na isa kang suwail na anak! Kaya siguro

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-03
  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 05

    KATULAD ng unang gabing umalis siya, ganoon din ang binabalak na gawin ngayon ni Saskia. Wala rin naman siyang mapapala kung titira pa siya sa bahay kasama ng mga magulang, gayong kahit hindi man sabihin ng mga ito na itinatakwil na siya, sa mga ipinapakita at ipinaparamdam ng mga ito sa kanya, parang ganoon na nga.Sabayan pa ng hindi niya kayang makita at makasama sa iisang bubong ang traydor at mang-aagaw niyang pinsan. Bata pa lang siya, doon na rin ito sa kanila nakatira.Habang tulog na ang lahat, muli siyang umalis sakay ng kanyang kotse. Nagulat siya nang biglang may humarang na itim na sasakyan sa harapan niya at lumabas mula roon ang dalawang lalaking parehong nakaitim.Napahinga siya nang maluwag nang makilalang mga bodyguard ni Weston ang mga ito. Lumapit ang dalawa sa sasakyan niya at kinatok ang pintuan nito.“Ma’am, saan po ba ang punta ninyo? Gabing-gabi na po,” tanong ng isa.Ibinaba niya ang salamin ng sasakyan upang sagutin ito.“Ahm, hindi ko nga alam, eh. Nakalimu

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-03
  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 06

    HALOS hindi magawang lunukin ni Saskia ang pagkaing nasa kanyang bibig dahil sa sinabi ni Weston. Hindi pa nga siya nakakabawi mula sa nangyari sa pagitan nila ng kanyang pamilya, heto’t mukhang ang pamilya naman nito ang kailangan niyang harapin.Pero nakakahiya naman sa kanyang asawa kung hindi niya ito pagbibigyan, lalo na’t nasa poder siya nito.“Si-sige, walang problema,” sambit niya at sinabayan iyon ng isang pilit na ngiti.“Huwag kang mag-alala, hindi kita pababayan,” pampalubag-loob ni Weston.“Kailan ba tayo pupunta roon?” tanong niya.“Pwede na siguro bukas, kasi nakita ka na ni Katrina. Alam kong magsusumbong na ‘yon kina mommy at daddy na may kasama akong babae rito sa bahay.”“Sige,” pagsang-ayon na lang niya.Pagkatapos nilang kumain, siya na ang kusang naghugas ng mga pinagkainan nila. Gusto pa sana siyang tulungan ng asawa, ngunit mariin niya itong tinanggihan. Pagkatapos maghugas, pumunta muna siya sa living room para hintayin na lumabas si Weston dahil nakita niya i

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-03

Bab terbaru

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 32

    BINABAYBAY ni Weston ang daan patungo sa parking area ng kanyang kompanya dahil maaga siyang uuwi para makita agad si Saskia. Parang ang tagal ng bawat oras para sa kanya lalo na ‘t minu-minuto ay gusto niyang masilayan ang asawa. Hulog na hulog na talaga ang loob niya rito lalo na ngayong ganap na silang mag-asawa.Ngunit napakunot ang noo niya ng makita niyang nakasandal sa sasakyan niya si Katrina. Napabuntung-hininga na lang siya. Nakalimutan din pala niyang sabihin sa guard na pati si Katrina maliban kay Gerald at ate Gladys niya, ay banned na rin ito at hindi na pwedeng pumasok pa sa komapanya.“Anong ginagawa mo rito?” walang reaksyong tanong niya rito.“Dinadalaw ka, since hindi ka na umuuwi sa mansyon,” kagat-labing sagot nito na para bang nang-aakit.“Hindi ako pasyente para dalawin, at mas lalong hindi ako patay. Kaya huwag ka nang magsayang ng oras at panahon sa kakahabol sa ‘kin dahil sinisigurado ko sa ‘yo na pagod lang ang mapapala mo,” sarkastikong sambit niya.Biglang

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 31

    PAGPASOK ni Katrina sa loob ng mansyon ay nakita niyang may nakaparadang kotse kung saan doon niya ipinaparada ang kanyang sasakyan. Hindi iyon pamilyar sa kanya kaya nagtataka siya kung kanino iyon.Pagpasok niya sa mansyon ay agad niyang hinagilap ng paningin ang mag-asawa, pero hindi niya ito makita. Eksaktong napadaan siya sa tapat ng kwarto ni Gerald at naulinigan niyang may kausap itong babae. Doon pumasok sa isip niya na baka ang kausap nito ang nagmamay-ari ng sasakyan.Aalis na sana siya sa tapat ng silid para ipagpatuloy ang paghahanap sa mag-asawa nang bumukas ang pintuan nito. Iniluwa niyon si Gerald kasunod ang isang babaeng todo sa porma. Saglit niya lang itong tiningnan at inalis din niya ang mata niya roon.“Ate Kat, kanina ka pa ba riyan?” tanong sa kanya ni Gerald. Nakasanayan na nitong tawagin siyang ate kaysa tita dahil ilang taon lang naman ang agwat niya rito.“Hindi naman, kararating ko lang. Hinahanap ko sina tito at tita at saka si ate Gladys. Nasaan ba sila?”

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 30

    “GERALD, hindi mo man lang sa ‘min binabanggit na girlfriend mo pala ang CEO ng MS Wine Haven. Ang galing mong pumili ng babae, anak. Maganda, matalino at professional ang girlfriend mong napili,” masayang wika ng mommy niya nang pumasok ito sa kanyang kwarto kasunod si Vivian.Napabuntung-hininga na lang siya sa sinambit ng ina. Talagang nagpakilalang girlfriend niya si Vivian dito. At mukhang na-manipulate na rin ito ni Vivian dahil proud na proud ito sa babae. Talagang nag-ayos pa ito na para bang nakikibagay sa mga taong pupuntahan na alam nitong mayayamang tao.“I’m sorry, mommy, hindi ko na nabanggit sa inyo,” hinging paumanhin niya, nasabi rin lang naman ni Vivian na girlfriend niya ito, well, sasakyan na lang muna niya para walang maging problema.Nalukot naman ang mukha ni Vivian pagkakita sa hitsura niya. “Oh my God, Hon! What happen to you??? Sinong may gawa nito sa ‘yo?” nag-aalalang tanong nito sa kanya.“Maiwan ko na muna kayo rito, ha? May pupuntahan pa kasi ako. At Ger

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 29

    KANINA PA paikot-ikot sa harap ng salamin si Vivian. Gusto niyang maging maganda at perpekto sa mata ng pamilya ni Gerald, lalo na at alam niyang kahit anumang oras ay pwede niyang makita roon si Weston.At isa pa, gusto niyang siguraduhin na babagay ang hitsura at kasuotan niya sa mansyon. Iyon bang iisipin ng pamilya ni Gerald na nababagay siyang tumira roon at mapabilang sa kanilang pamilya.Nagsuot siya ng kulay beige na fitted off-shoulder dress na above the knee ang haba at pinaresan niya iyon ng kulay itim na stiletto sandals na nasa five inches ang taas. Inayos niya ang buhok niya ng pa-messy bun style. Magaling siyang mag-ayos ng sarili kaya nga lahat ng lalaking target niyang maangkin ay hindi siya nabibigong masungkit ang mga ito.At ngayon ay si Weston naman ang target niya. Ipinapangako niyang ito na ang una ‘t huli siyang mang-aakit ng lalaki kapag napasakanya na si Weston ng tuluyan. Nang makuntento na siya sa kanyang hitsura ay lumabas na siya ng banyo ng opisina niya.

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 28

    NASA KANYANG silid si Gerald habang nakahiga sa kanyang kama. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang mga pasa at sugat dulot ng ginawang pananakit sa kanya ng tiyuhin kaya hindi siya makakilos ng maayos. Kaunting galaw lang niya ay nananakit na ang mga sugat niya.Ang gusto pa nga ng mommy at lola niya ay i-confine siya sa ospital, pero doctor na rin ang nagsabing pwede rin naman niyang pagalingin ang mga sugat habang nagpapahinga sa bahay. Masyado lang talagang OA ang mga ito pagdating sa kanya.Hindi niya inaasahan na makakatikim siya ng pambubogbog mula kay Weston, at iyon ang hindi niya napaghandaan. Hanggang ngayon ay nanggagalaiti siya sa galit kapag sumasagi sa kanyang isipan ang pangyayaring iyon. Napahiya na siya kay Saskia, ay pinagmukha pa siya nitong mahina at walang kalaban-laban. Kung bakit kasi hindi siya naging maingat at mapagmatyag.Wala kasi siyang nasa isip ng mga sandaling iyon kundi ang makausap ang dalaga at para kumbinsihin itong bumalik sa kanya. Nawala na lang

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 27

    BUONG ARAW lang na nakahiga si Saskia sa kama dahil iyon ang kabilin-bilinan sa kanya ni Weston bago ito umalis. Mahigpit din nitong binilinan ang medyo may katandaan ng babae na siyang kinuha nito para magbantay at umalalay sa kanya habang wala ito.Nagpaalam itong saglit na pupunta sa kompanya dahil may kailangan itong asikasuhin na hindi pwedeng ipagpaliban. Pero bawat oras ay palagi itong tumatawag sa kanya para kumustahin ang kalagayan niya.Natutuwa siya sa isiping labis-labis ang pag-aalala nito sa kanya. Wala rin siyang kaide-ideya na ang masarap na pagniniig na namagitan sa kanila ay may kaakibat na sakit. Hanggang ngayon, hirap pa rin siyang maglakad dahil sa sobrang sakit ng kanyang kaselanan kapag sinusubukan niyang ihakbang ang mga paa.Masakit din ang buong katawan niya na para siyang binugbog ng sampong katao. May mga pasa rin siya sa magkabilaang binti, siguro ‘y dahil sa labis na bigat ni Weston nang daganan siya nito. Napakarami rin niyang mga mapupulang marka sa buo

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 26

    HINDI NA nagulat si Weston nang pagbukas niya ng kanyang opisina ay naroroon ang kanyang ate Gladys habang nakaupo ito sa kanyang upuan sa harap ng working table. Matatalim ang mga tinging ipinupukol nito sa kanya, indikasyon na galit na galit ito. Halatang hinihintay nito ang pagdating niya.Nakalimutan niya pala kasing sabihan ang mga guard niya sa kompanya na maging ang ate Gladys niya ay hindi na rin pwedeng papasukin ng mga ito, dahil gulo lang ang dadalhin nito, katulad ngayon, nahihinuha na niya ang posibleng mangyayari.“Weston!” malakas na tawag nito sa pangalan niya kasabay ng pagtayo. “Anong klaseng tiyuhin ka ba at nagawa mo sa pamangkin mo ang saktan siya, gulpihin siya para lang sa babaeng bigla na lang bumagsak sa kandungan mo sa hindi malamang dahilan? Ano, mas importante na sa ‘yo ang ibang tao na ilang buwan o baka araw mo pa lang na nakilala kaysa sa ‘min na simula’t sapul ay kasa-kasama mo na?!” nanlalaki ang mga mata nito habang nagsasalita.“Hindi ibang tao si Sa

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 25

    NAALIMPUNGATAN si Saskia nang maramdaman niyang may dumadamping basa at malamig na tela sa kanyang noo. Hindi niya namalayan na muli pala siyang nakatulog pagkatapos na matawagan ni Weston ang sinasabi nitong doctor na kaibigan.Unti-unti niyang iminulat ang mga mata, nakahinga siya ng maluwag nang pagmulat niya ay nabawasan na ang pagkahilo niya. Hindi na rin siya masyadong nanginginig. Nakita niyang si Weston pala ang nagpupunas at naglalagay ng basang bimpo sa kanyang noo at leeg.Sa bandang gilid niya sa kanang bahagi ay nakita niya ang babaeng maganda, maputi at matangkad na nakaupo. Mukha rin itong mabait dahil nang magawi ang paningin niya rito, ay ngumiti tio sa kanya. Ito na siguro ang sinasabi ni Weston na kaibigan nitong doctor.“Mabuti naman at nagising ka na, Baby. Siya pala si Olivia Santiago, kaibigan kong doctor,” wika ni Weston sabay turo sa babae.Tiningnan niya lang ang babaeng doctor at pilit itong nginitian. Wala pa siyang sapat na lakas para maglabas ng kanyang b

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 24

    NANGINGITI si Weston habang pinagmamasdan si Saskia at hinahaplos ang buhok nito habang mahimbing itong natutulog. Nasulyapan pa niya mula sa tabi nito ang mantsa ng kulay pulang likido na nagpapatunay na nakuha na niya ang asawa.Pagkatapos ng mahaba at masarap nilang pagniniig ay agad na lang itong nakatulog. Siguro dahil sa labis na pagod dahil iyon ang unang pagkakataon na naranasan nito ang ganoong bagay. Hindi masukat na satisfaction at kaligayan ang nararamdaman niya sa ngayon dahil sa nangyari sa kanila. Halos mabaliw siya sa pagnanasa habang inaangkin ito kanina.Hindi niya alam na mauuwi sa ganitong sitwasyon ang pagseselos niya. Pero mas mabuti na rin iyon, para naman alam na nito na pag-aari na niya ito at wala na itong karapatan na mapunta pa sa iba, lalong-lalo na sa pamangkin niyang si Gerald.Hindi niya naman intensyon na madamay si Saskia sa galit niya sa pamangkin dahil sa pakikipaglapit nito kay Saskia. Sadyang nadaig lang siya ng emosyon kaya hindi na niya napigila

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status