Share

Chapter 32

Auteur: Serene Hope
last update Dernière mise à jour: 2025-04-16 13:28:22

BINABAYBAY ni Weston ang daan patungo sa parking area ng kanyang kompanya dahil maaga siyang uuwi para makita agad si Saskia. Parang ang tagal ng bawat oras para sa kanya lalo na ‘t minu-minuto ay gusto niyang masilayan ang asawa. Hulog na hulog na talaga ang loob niya rito lalo na ngayong ganap na silang mag-asawa.

Ngunit napakunot ang noo niya ng makita niyang nakasandal sa sasakyan niya si Katrina. Napabuntung-hininga na lang siya. Nakalimutan din pala niyang sabihin sa guard na pati si Katrina maliban kay Gerald at ate Gladys niya, ay banned na rin ito at hindi na pwedeng pumasok pa sa komapanya.

“Anong ginagawa mo rito?” walang reaksyong tanong niya rito.

“Dinadalaw ka, since hindi ka na umuuwi sa mansyon,” kagat-labing sagot nito na para bang nang-aakit.

“Hindi ako pasyente para dalawin, at mas lalong hindi ako patay. Kaya huwag ka nang magsayang ng oras at panahon sa kakahabol sa ‘kin dahil sinisigurado ko sa ‘yo na pagod lang ang mapapala mo,” sarkastikong sambit niya.

Biglang
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Related chapter

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 33

    SA WAKAS ay nakabalik na rin si Saskia sa Del Flores Winery dahil pinayagan na siyang pumasok ni Weston makalipas ang isang linggo. Ngunit katakot-takot na parinig ang natanggap niya mula sa ibang mga katrabaho na may galit na yata sa kanya simula nang pumasok siya sa kompanya.Kasalukuyan siyang naglalakad papunta sa kanyang opisina pero napahinto siya nang pagtapat niya sa pintuan sa isa sa mga departamento ay biglang nagsalita ng malakas ang mga naroroon na tila ba sinasadyang iparinig sa kanya ang pinag-uusapan ng mga ito na alam niyang patungkol sa kanya.“Aba, abusado rin itong bagong Chief Financial Officer natin, ‘no? Halos isang linggo siyang nawala ng wala man lang paalam, pagkatapos ay bigla na lang papasok ng wala ring paalam? Ang galing din naman! Gaano kaya siya kalakas kay Sir Weston para payagan siya sa ginagawa niyang ‘yan? Kabago-bago pa lang, gumagawa na ng sariling schedule,” sambit nung isang babae habang ngumunguya ng sandwish sa working table nito.“Sinabi mo pa

    Dernière mise à jour : 2025-04-17
  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 34

    NAPANSIN ni Weston ang pananahimik ni Saskia habang nasa loob sila ng sasakyan pauwi. Kaya nang makarating sila sa bahay ay hindi na niya napigil ang sariling tanungin ito.“Baby, may problema ba? O may dinaramdam ka na naman?” malumanay na tanong niya rito sabay yakap sa likod nito. Kasalukuyan silang naglalakad papasok ng silid.“Ahm, pwede ba kitang makausap? May gusto lang kasi akong sabihin sa ‘yo,” sagot nito.“Sure! Pagkatapos nating magbihis,” wika niya. Pero nagtaka siya ng magpaiwan ito sa labas ng silid. “Why?” nagtatakang tanong niya.“Ahm, pasensiya ka na, pero hindi pa kasi ako sanay na sabay tayong magbibihis. Mauna ka na siguro, pagkatapos mo na lang ako,” nahihiyang paliwanag nito.“Baby, kailangan mo nang sanayin ang sarili mo. Nakita ko rin naman na ‘yan lahat, kaya wala ka nang dapat na itago at ikahiya sa ‘kin.”“Pe-pero—”“Halika na. Asawa mo ako kaya hindi ka dapat nahihiya sa ‘kin.”Sa huli ay napilit niya rin ito. Napangiti tuloy siya ng palihim dahil may bina

    Dernière mise à jour : 2025-04-17
  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 35

    NABIGLA ang lahat sa kompanya nang pagpasok nila ni Weston ay magkahawak-kamay sila. Hindi naman kasi nila ito ginagawa rati dahil ayaw nga nilang ipaalam sa mga empleyado na mag-asawa sila.Pero ngayon, lalo na ‘t nagalit si Weston nang mapanood nito sa CCTV ang sinasabi niyang ginagawang pagpaparinig at pambabastos ng ibang empleyado sa kanya, ay gusto na nitong ipaalam sa lahat na mag-asawa sila kahit na todo pigil siya rito. Ayaw na raw nitong maulit iyon kaya kailangan na nitong ipaalam sa kompanya ang kanilang relasyon para alam ng mga nagpaparinig at nambabastos sa kanya kung saan lulugar ang mga ito.Hanggang sa makapasok na sila sa opisina nito ay hawak-hawak pa rin nito ang kanyang kamay. Kahit na nang lumapit ito sa company-wide intercom na naroroon mismo sa loob ng opisina nito para magsalita.“Attention everyone in the company, please proceed to the main conference room. I have an important matter to discuss, and your presence is required. No one is excused from this meet

    Dernière mise à jour : 2025-04-19
  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 36

    “MS. SUAREZ, ayaw ko man na matanggal ka sa trabaho, pero wala akong magagawa dahil na kay Weston pa rin ang desisyon. Siguro, kung hindi mo pa nalaman na asawa ako ni Weston, ay hindi ka naman magkakaganyan ngayon. Na humihingi ka ng sorry at nakikiusap na baka may magawa ako para hindi ka matanggal sa trabaho. Tapatin mo nga ako, Ms. Suarez. Ganyan ka ba makitungo sa mga baguhan at sa mga empleyadong mas mababa ang posisyon sa ‘yo?”Bumukas-sara ang bibig nito pero wala namang lumalabas na salita. Para bang nagdadalawang isip ito kung sasagutin ba ang tanong niya o hindi."Well, hindi naman kita pipiliting sagutin ang tanong ko. Baka itanong lang din naman sa ‘yo ‘yan ni Weston, kaya, goodluck,” dugtong pa niya. At pagkatapos ay pumasok na siya sa bakanteng cubicle.Paglabas niya ‘y hindi na niya ito inabutan. Habang naglalakad siya papuntang opisina ay panay naman ang bigay galang sa kanya ng mga empleyadong nadaraanan niya. Naninibago tuloy siya. Pagdaan niya sa marketing departme

    Dernière mise à jour : 2025-04-20
  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 37

    HINDI MALAMAN ni Vivian kung ano ba ang dapat niyang unahing gawin. Kung kailan naman siya abala sa kaiisip ng paraan kung paanong mapupunta sa kanya si Weston, ay saka naman siya nagkaroon ng sunud-sunod na problema sa kompanya.Dumarami na ang nagre-resign na production worker dahil sa biglaan niyang pagbabawas ng sahod sa mga ito. Ayaw man siyang sundin ni Gerald dahil malaki ang magiging epekto niyon sa kompanya, pero wala itong magawa dahil hawak niya ito sa leeg. Pati ibang may mga matataas na posisyon sa kompanya ay unti-unti na ring nagsisialisan.At kapag nagkabukingan at napansin iyon ng kanyang tito at tita, syempre si Gerald ang ituturo niyang salarin. Kahit pa ilaglag siya ni Gerald sa mga ito ay hindi naman ito paniniwalaan ng mag-asawa dahil malaki ang tiwala ng mga ito sa kanya at anak na rin ang turing sa kanya.Ipinagpasalamat niyang nakapasok na ngayon si Gerald dahil ito lang naman ang tagaayos ng mga gusot at problemang ginawa niya. At higit sa lahat, ay taga salo

    Dernière mise à jour : 2025-04-20
  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 38

    “VIV, ano ba ang gagawin natin dito?” nagtatakang tanong ni Gerald kay Vivian pagkatapos siyang hilahin nito papasok sa archive room kung nasaan naroroon din mismo sa loob ng kanyang opisina.“Huwag ka ngang magmaangmaangan diyan, Gerald! Alam mo naman kung ano ang gagawin natin dito.”“Hindi ba pwedeng bukas na lang, wala ako sa mood, eh,” pagtutol niya.“Susundin mo ang gusto ko, maliwanag? Pagbibigyan mo ‘ko kung kailan ko gusto at wala kang karapatan na tumutol o magreklamo, naiintindihan mo? Alam mo na ang kahahantungan mo kapag hindi ka sumunod sa kagustuhan ko,” muling pananakot nito.Wala siyang nagawa kundi ang magpatianod dito. “Umupo ka riyan!” utos nito sa kanya sabay turo sa isang upuan na naroroon. Umupo na lang siya at hindi na nagsalita pa.Ngunit nagulat siya nang pumunta ito sa bandang likuran niya at kinuha ang dalawa niyang kamay at itinali iyon.“Viv, ano ‘to?” kinakabahang tanong niya.“Alam mo manahimik ka lang diyan! Hindi naman kita papatayin!” singhal nito sa

    Dernière mise à jour : 2025-04-21
  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 39

    “GERALD, nariyan ka ba?” tawag ng tita Sania niya mula sa labas ng pintuan. Wala siyang ka ide-ideya na pupunta ito ngayong araw sa kompanya.Dahil sa sobrang pagkataranta ay nagtago siya sa likod ng file cabinet habang si Gerald naman ay nag-aayos pa rin ng kanyang kasuotan.“Gerald?” muling tawag ng tita niya kasabay ng muling pagkatok.Mabuti na lang at natapos din sa pagbibihis si Gerald. Pagkatapos nitong ayusin ang nagusot na damit at buhok nitong nagulo, ay binuksan na nito ang pintuan.“Hi, tita! Naparito po kayo?” wika ni Gerald at pinipilit na umaktong normal sa harapan nito.“Gusto ko lang ulit bisitahin ang kompanya at pati na rin kayo. Teka, bakit parang pawis na pawis ka at humihingal ka pa? Kararating mo lang ba?” narinig niyang tanong ng tita niya.“Naku, hindi po. Kanina pa po ako naririto. May hinahanap po kasi akong documents dito, eh mainit, at saka, medyo matagal na ‘ko rito sa loob kaya siguro pawisan na ‘ko,” pagdadahilan ng binata.“By the way, where’s Vivian?

    Dernière mise à jour : 2025-04-21
  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 40

    “Weston, gusto ko sanang puntahan sina mommy at daddy sa bahay, alam mo na, kahit naman may nangyaring hindi pagkakaunawaan sa pagitan namin, still, magulang ko pa rin sila. At saka, na mi-miss ko na rin sila. Kaya gusto ko sanang magpaalam sa ‘yo, kung…papayagan mo ‘ko?” may paki-usap na wika niya sa asawa habang nakayakap ito sa kanyang likod, kasalukuyan na silang nakahiga para matulog.“Oo naman. Wala naman ‘yang problema sa ‘kin. Pero sa isang kondisyon, sasamahan kita. Hindi naman ako magpapakita sa mga magulang mo, magmamasid lang ako sa malayo. Para masigurado ko ang kaligtasan mo,” sagot nito.“Talaga? Pinapayagan mo ‘ko?” masayang tanong niya rito. “Thank you, Weston! I love you,” nagulat pa siya sa huling salitang binanggit, kusa na lang iyon na lumabas sa kanyang bibig.“I love you too, Baby. Kahit ako man ay gusto ko ring umuwi ng mansyon para makita ang pamilya ko. Pero kung ang pag-uwi ko ang magiging dahilan ng pagtatalo namin para muli nilang ipilit na pakasalan ko si

    Dernière mise à jour : 2025-04-22

Latest chapter

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 48

    “ANO PA po ba ang kailangan ninyo, mommy? Hindi pa ba sapat sa inyo na nabugbog na ninyo si Saskia noong isang araw? Himala nga at hindi mo kasama ‘yong isang bruha! Puro na lang gulo ang mga dala ninyo!” galit na wika niya sa ina.Hindi na siya mangingiming ipakita at iparamdam dito ang kanyang galit para naman matuto itong dumistansya.“Anak, pumunta ako rito kahapon, pero wala ka. Kaya bumalik ulit ako ngayon. Hindi na rin pala ako pinayagan ng guard na pumasok dahil utos mo raw iyon sa kanila. Pero okay lang sa ‘kin ‘yon anak, kasi alam kong iniiwasan mo lang na makagawa kami ng gulo sa loob ng kompanya na pwede mong ikahiya sa tao. Naparito ako para kausapin ka, hindi para gumawa ng gulo,” wika nito sa mahinahong tinig.Hindi nga niya maintindihan kung tama ba ang nababasa niyang lungkot at pag-aalala sa mukha nito. Pero hindi na niya ito pinagtuunan pa ng pansin at agad na iwinaksi sa kanyang isipan.“Kung ginagawa niyo ito para lang muling makuha ang loob ko at umuwi sa mansyon

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 47

    KINABUKASAN ay pareho silang hindi pumasok ni Weston sa kompanya. Lumala kasi ang pananakit ng kanyang ulo gawa ng malakas na paghila ni Katrina sa kanyang buhok. Gusto pa sana siyang dalhin ni Weston sa ospital para ipasuri sa doctor, pero tumanggi siya. Mas gusto niya na lang na magpahinga sa bahay.Magang-maga ang kanyang dalawang pisngi dahil sa tinamong mga malalakas na sampal buhat sa kanyang mga magulang nung umaga at kinahapunan naman, ay sa mommy naman ni Weston. Maga ito at maraming pasa. Masakit na masakit din ang kanyang anit.Mas gusto niyang humiga at matulog buong araw dahil pakiramdam niya ‘y iyon lang naman ang makakapagpagaling sa kanya. Matyaga naman siyang binabantayan at inaalagan ng asawa.Ang mga pasa niya sa mukha ay dinadampian nito ng maliit na towel na inilubog sa mainit na tubig, sa paraang iyon ay madali raw na gagaling ang kanyang mga pasa. Sinusubuan din siya nito kapag kumakain hanggang sa matapos, at inaalalayan sa pagligo.Doon niya mas lalong naramda

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 46

    NGAYON lang niya nakita sa buong buhay niya kung gaano kagalit ang kanyang anak na si Weston kanina. Damang-dama niya sa mga kilos at pananalita nito ang pagmamahal nito sa asawa. Para siyang natauhan sa mga sinabi nito sa kanya.Nagkamali at nagkasala siya sa kanyang anak. Dahil sa pagiging bulag niya at manhid para lamang masunod ang kagustuhan nilang mag-asawa na si Katrina dapat ang maging asawa nito, ay hindi nila namamalayan na nadidiktahan na pala nila ang damdamin ng anak.May sumungaw na luha mula sa kanyang dalawang mga mata. Pero agad siyang tumingin sa taas para pigilan ang pagpatak niyon. Ayaw niyang makita siya ni Katrina sa ganoong sitwasyon.“Ti-Tita, ano na ang gagawin natin? Mukhang ayaw talaga sa ‘kin ni Weston. Paano naman ako? At saka, kapag nalaman ito ni daddy, magkakagulo tayong lahat, kilala mo naman siya, ‘di ba?” sumisinghot-singhot na wika nito.“Hija, siguro kailangan mo na talagang tanggapin na hindi kayo para sa isa ‘t isa ni Weston. Nasa tamang edad na

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 45

    SAGLIT muna niyang iniwan ang kanyang asawa sa sasakyan dahil may kukunin siyang mahahalagang dokumento para sa kompanya na naiwan pala niya nung umalis sila. Nakaugalian na kasi niyang mag-uwi ng mga papeles sa tuwing hindi niya natatapos ang pagpipirma sa kanyang opisina, kaya ngayon ay nagmamadali siyang hanapin ang mga iyon.Hindi na kasi sumama sa kanya si Saskia dahil ang sabi niya ‘y madali lang naman siya. Habang naghahanap siya ay parang may naririnig siyang nagsasagutan sa labas na para bang nag aaway. Ipinagsawalang bahala na lang niya iyon at hindi pinansin dahil alam niyang mag-isa lang naman doon si Saskia. Baka ingay lang iyon ng mga kapitbahay niya.Ngunit napahinto siya sa paghahanap nung maging malinaw na sa kanyang pandinig ang ingay na naririnig niya. Bosesi iyon ni Saskia na sumisigaw na para bang nasasaktan at nakikiusap. Bigla ang kabang naramdaman niya kaya iniwan niya ang paghahanap sa mga papeles at mabilis na lumabas.Gayon na lamang ang galit na biglang umu

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 44

    DUMAAN muna saglit sina Saskia at Weston sa dating bahay kung saan sila nakatira para tingnan ito. Simula kasi nung dinala siya sa Villa ni Weston ay doon na rin sila umuuwi. Saglit siyang iniwan ng asawa sa sasakyan dahil may kukunin lang daw ito sa loob saglit, kaya nagpasiya siyang huwag nang sumama at hintayin na lamang ito roon.Ngunit hindi pa man nagtatagal nung pumasok si Weston sa loob ng bahay, ay nagulat siya nang biglang may kumatok sa pintuan ng sasakyan. Nakita niyang si Katrina ang kumakatok at kasama nito ang ina ni Weston na kahit isang beses pa lang niyang nakita ay nakaukit na sa kanyang isip ang imahe ng mukha nito.Kinakabahan man ay nagpasiya siyang buksan ang pintuan at lumabas sa sasakyan para maayos na harapin ang dalawa kahit na parang mananakmal ang hitsura ni Katrina at parang mangangain naman ng buhay naman ina ni Weston.“Natyempuhan ka rin namin, bitch! Ang feeling mo rin eh, ‘no? Talagang pinaninindigan mo ang pagiging asawa kay Weston, huh? At saka, pa

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 43

    MATIYAGANG naghihintay sa loob ng kanyang sasakyan si Weston sa pagbalik ni Saskia. Siguro ‘y mga fifteen minutes na ang nakalipas mula nang pumasok si Saskia sa kanilang bahay, nang biglang may dumating na sasakyan at pumarada iyon sa harap mismo ng bahay.Lumabas mula roon ang isang babaeng halos lumabas na ang itinatagong singit sa sobrang iksi ng suot nitong palda. Nakasuot din ito ng pagkataas-taas na sandals. Kumunot pa ang noo niya nang pumasok ito sa gate nang mismong bahay na pinasukan ng kanyang asawa.Doon niya napagtanto na baka ito ang sinasabi ni Saskia na pinsan nito na pumatol sa dating nobyo na si Gerald na siyang pamangkin niya. May kalayuan man ito sa kinaroroonan niya ay malinaw na nakita niya ang hitsura nito. Napatawa na lang siya ng mapakla, mga ganoong klase pala ng babae ang tipo ng kawawa niyang pamangkin.Babaeng halos ibalandra na sa publiko ang katawan makakuha lang ng atensyon. Talagang halata naman sa suot pa lang ng babae na malandi ito. Mabuti na lang

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 42

    “MOM, bata pa lang ako ay masunurin na ‘ko sa inyo ni Dad, alam niyo ‘yan. Kahit nga madalas na labag sa kalooban ko ang mga pinapagawa ninyo sa ‘kin ay sinusunod ko pa rin dahil ayaw kong ma-disappoint ko kayo. Ayaw kog mawala ang magandang expectation at pagtingin niyo sa ‘kin. Pero kasi, huwag naman ‘yong pati ngayong nasa tamang edad na ‘ko at pwede ng magdesisyon sa sarili ay didiktahan niyo pa rin ako. Oo, minahal ko si Gerald. Mahal na mahal. Kaya nga hindi naging mahirap sa ‘kin na sundin ko ang kagustuhan ninyo na siya na lang ang pakasalan ko. Not until na mahuli ko sila ni Vivian. Iyon ang pinakamasakit sa lahat, dahil kayo dapat ang unang-una kong masasandalan at masasabihan ng mga hinanakit ko, pero ano? Ako pa ‘yong mali sa paningin ninyo,” maluha-luha niyang paliwanag.“So, sinusumbatan mo kami, gano’n? Huh, kaya ka namin hindi pinaniniwalaan dahil gawa-gawa mo lang ‘yon para makatakas ka sa kasal! Iyon pala ay ikaw naman ang totoong may iba! Magaling ka rin, ‘no? Ipapa

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 41

    KINAKABAHAN si Saskia sa gagawin niyang pakikipagharap sa mga magulang. Kasalukuyang nakaparada ang sasakyan ni Weston hindi kalayuan sa bahay nila kung saan ay nakasakay sila.“Baby, narito lang ako, ha? Kaya mo ‘yan. Hindi ka naman siguro nila sasaktan dahil anak ka nila,” wika ni Weston habang mahigpit na hinahawakan ang isa niyang kamay na kanina pa nanlalamig.“Thank you sa pagpapalakas ng loob ko, Weston,” pilit ang ngiting sambit niya rito.“Sige na, puntahan mo na sila. Dito na lang din kita hihintayin,” sambit nito bago siya kinintilan ng halik sa labi.Kinakabahan man ay pinilit niyang humakbang palabas ng sasakyan kahit na nangangatog ang kanyang mga tuhod. Paglabas niya ‘y nagpalinga-linga muna siya para makasiguradong walang nakakapansin sa paglabas niya ng sasakyan.Nakahinga siya ng maluwag nang makita niyang parang wala namang masyadong tao sa kinaroroonan nila. Mahirap na, baka kasi may makaalam na si Weston ang kasama niya. Baka magkagulo pa dahil nga sikat at mayama

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 40

    “Weston, gusto ko sanang puntahan sina mommy at daddy sa bahay, alam mo na, kahit naman may nangyaring hindi pagkakaunawaan sa pagitan namin, still, magulang ko pa rin sila. At saka, na mi-miss ko na rin sila. Kaya gusto ko sanang magpaalam sa ‘yo, kung…papayagan mo ‘ko?” may paki-usap na wika niya sa asawa habang nakayakap ito sa kanyang likod, kasalukuyan na silang nakahiga para matulog.“Oo naman. Wala naman ‘yang problema sa ‘kin. Pero sa isang kondisyon, sasamahan kita. Hindi naman ako magpapakita sa mga magulang mo, magmamasid lang ako sa malayo. Para masigurado ko ang kaligtasan mo,” sagot nito.“Talaga? Pinapayagan mo ‘ko?” masayang tanong niya rito. “Thank you, Weston! I love you,” nagulat pa siya sa huling salitang binanggit, kusa na lang iyon na lumabas sa kanyang bibig.“I love you too, Baby. Kahit ako man ay gusto ko ring umuwi ng mansyon para makita ang pamilya ko. Pero kung ang pag-uwi ko ang magiging dahilan ng pagtatalo namin para muli nilang ipilit na pakasalan ko si

Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status